Paano nag-uugnay ang wika, kultura at lipunan ayon sa Marxistang Pananaw?
2 |
CAPELLAN, FRANCES LEANA L. / FIL 40 / UP- DILIMAN / SUMMER0708
L I P U N A N
Mula sa popular na triyanggulo ni Marx, makikita ang pagkakahati ng mga tao salipunan. Nasa base ng triyanggulo ang mga proletaryo sapagkat higit silang nakakarami at nasatuktok naman ang mga burgis na kakaunti sa populasyon. Maaari ring suriin ang triyanggulo saparaang simbolikal. Nasa itaas ang mga burgis sapagkat sila ang itinuturing na ‘nakatataas’ salipunan. Sa gitna nila ay ang mga tinatawag na
petit-bourgeoise,
ang mga taong mayroongsapat na ari-arian at/o kayamanan upang maipaikot ang sirkulasyon ng kanilang pera subalitkinakailangan pa ring magtrabaho upang mapanatili ang kanilang kalagayan. Halimbawa, angisang dentista, bagaman mayroong mga ‘tauhan’ ay kinakailangang manatiling nagtatrabahokung hindi ay mawawalan siya ng pera na kailangan niya upang mabuhay ng maluwag.Sa pagtingin sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan sa pananaw na marxista, makikitana magkakadugtong ang tatlo:
DIAGRAM 2. ANG UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA NA PUMAPALOOB SA LIPUNAN
Ang iba’t ibang uri ng mga tao ay umiiral sa lipunan. Samakatuwid, ang mga tao (nabumubuo sa lipunan) ang gumagawa ng kanilang sariling wika at kultura.
Malinawna angtunggalian ng mga uri sa lipunan ay pinapaigting ng wika,nararamdaman at nasasalamin sa kultura at muli, patuloy nabininigyang-saysay ng lipunan.
Ang lipunan, bilang isang lugar (pisikal man o konseptuwal) na kung saan ginagamit angwika at nagtataglay ng kultura, ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga tao. Nagsisilbing ‘arena’ang lipunan.Sa loob ngisang lipunan ay nabibigyang-saysay ang mga tunggalian. Tingnanhalimbawa sa Pilipinas, ang mga ‘burgis’ ay nanatiling ‘burgis’
2
at kapansin-pansin ang patuloyna paglaki ng espasyong pagitan sa gitna ng mayayaman at mahihirap. Tendensiya ng mga‘nakakataas’ na ipadama ang kanilang pag-iral at ipamalas ang kanilang katayuan sa lipunan.
2
Ang mga taong itinuturing kong burgis sa lipunang Pilipino ay iyong mga tinatawag nating ‘likas na mayayaman’.(i.e.
business tycoons, philippines’ richest
)
KULTURAWIKA
Add a Comment