You are on page 1of 10

INTERMEDIA

NG INDANG
(KNA Cavite State University)

1904-1927
"A masterpiece indeed! Daniel Anciano's Intermedia
ng Indang has opened the floodgates of renewed
enthusiasm to rewrite longheld and accepted
segments of local and institutional history. By
meticulously putting into place each piece of
historical information accumulated through years of
dedicated research and scholarship he came up with
an outstanding work that befits as a benchmark in
historiography. May his methodical way of filling in
the gaps of the rich history of Cavite State University
inspire other educators, researchers and advocates
of truth to take their pens and rekindle the passion
for history writing..."

P.D. Cuaresma, Ph.D.


Director, Center for Central Luzon Studies, CLSU

Daniel Mendoza Anciano

Ang nagsasaliksik ay nagtapos ng kursong


Batsilyer sa Siyensiya ng Edukasyon – Medyor ng Agham
Panlipunan sa Philippine Normal College 1984. Naging
regular na guro sa araling sekondaryo 1984-1997 sa mga
paaralang pampubliko sa Cavite. Sa kasalukuyan ay isang
contractual na Instruktor ng mga aralin sa Agham
Panlipunan sa Cavite State University.
“Marahil, balang araw, kapag ang gusaling paaralang ito na
ngayon ay itinatayo, ay gawa na, at sa pagdating ng panahon dahil
sa katandaan, pagkatapos dumaan ang maraming kasawian ay
bumagsak at magkadurug-durog dahil sa hampas ng Kalikasan
(lindol at bagyo) o sa mapanirang kamay ng tao, at sa ibabaw ng
mga guho ay tumubo ang mga baging at damo; pagkatapos, kapag
pinawi na ng panahon ang baging at damo, at napulbos na ang
mga guhong bato at ikalat ng hangin ang kanyang mga abo at
malimutan na sa mga pahina ng Kasaysayan ang alaala tungkol
sa kanya at sa mga taong sa kanya ay gumawa, na matagal
nang nalimot ng tao; marahil, kapag ang mga lipi ay nangalibing
na at nawala na kasama ng balat ng lupa, ISANG ARAW AY
ILALABAS MULA SA MATITIRANG BATO ANG MGA LIHIM AT
TALINHAGA, kung matamaan ng panghukay ng isang minero
ang bato, dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon.

Jose Rizal
Kabanata 32
Noli Me Tangere
INTERMEDIA NG INDANG
(KNA Cavite State University)
1904 -1927

Ang Kasaysayan
ng Paaralang Panlalawigan
sa Katimugang Cavite

ni

DANIEL MENDOZA-ANCIANO
Instruktor ng Kasaysayan
Cavite State University – Silang Campus
Paghahandog
Kay Ka Francisco Anciano Sr. (1918-1976)
Ang aking unang guro sa kasaysayan. Salamat po sa pagtuturo sa akin
kung papaano pag-aralan at pahalagahan ang kagandahan ng
kasaysayan. Higit sa lahat, sa pribilehiyo na ako ay naging anak ninyo.

Kay Nanay,
Isang napaka-payak na handog para sa kadakilaan na hindi ko
matutumbasan man lamang.

Sa aking Ikalawang Ina


Mrs. Basilia Topacio-Amiscosa

Kay Myn
Mapapawi rin ang maitim na ulap na dumadaan sa ating buhay.
Salamat sa mataas na pang-unawa sa mga kahirapan na naging kasama
ng pag-aaral na ito.

Kay Kiko at Atoy


Sa pagbubukas ng inyong isipan ay babasahin ninyo ang aklat na ito at
ang mga susunod pa na aking isinusulat. Mauunawaan ninyo kung
bakit sa kabila ng kahirapan/poverty ay pagtuturo ang esensiya ng
aking buhay – ang inyong ama ay TITSER NG BAYAN.

Sa Cavite State University


Ibinabalik ko sa iyong ala-ala, ang ugat ng iyong Intilektwal na Tradisyon
na dapat maunawaan ng isang institusyon na naghahanap ng higit na
malayong direksiyon

Sa Bayan ng Indang
Ang iyong kasaysayang lokal ay nakatali sa pagpapahalaga ng iyong mga
mamamayan sa pagtatamo ng edukasyon. Hindi ako rito isinilang o
lumaki, subalit dito unang pumintig ang aking buhay at ipinaglihi ng
aking ina.
Ang aklat na ito ay isang gawang pang-alaala kina:
Hammon H. Buck
Charles John Anderson
Harry J. Hawkins
Clifton Earl Workman
Henry Wise
Mary Swanson Wise
Joseph A. Cocannouer
Felisa Mercado
Guillermo Bayan
Mariano Mondoňedo
Maria del Rosario-Mondoňedo
Simeon Madlangsakay
Basilio Viado
Carlos Bayot
Guadalupe de las Alas
Jacinto Dili-dili
Nieves Mojica-Catuncan
Ma. Conchita Riego
Pedro Creencia
Eulogio Acuňa
Camilo Guevara Sr.

Natalia de las Alas Panganiban - Tagasinop ng Kasaysayan ng Indang.


Pasasalamat
Sa proseso ng pag-aaral na ito ay pinasasalamatan ko ang mga
sumusunod na indibidwal at institusyon na nakatulong ng direkta sa
paghahanda ng pag-aaral na ito:

Kay Nanay para sa tulong na ispiritwal at materyal para sa pag-


aaral na ito. Kina Arman at Lysel para sa ipinadala ninyong libro,
computer at digital camera, na ginamit ko sa pag-aaral pang-kasaysayan
na ito at sa pinansiyal na tulong para sa pag-aaral nina Kiko at Atoy.
Kina Gener at Jun, sa lahat ng pagtulong ninyo.

Kay Dr. Sotero Lasap para sa mga mahahalagang suhestiyon sa


pag-aaral na ito. Kasama na rin ang antisipasyon na ang aklat na ito ay
mapapalimbag na maramihan.

Kay Dr. Ruperto Sangalang sa napakahalagang katanungan na


nakarating sa akin “kailan ipinaglihi at kailan ipinanganak ang
institusyon”. Katanungan na nagbunsod upang isulat at gawing
inpormatibo ang pag-aaral na ito.

Kay Ms. Linda Guevara sa kaniyang pagsubaybay at pagtulong


para mabuo at mapagyaman ang pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng
pagkakaloob niya ng mga matandang larawan ng mga aktibidad sa
paaralan.

Sa ala-ala ni Prof. Adriano Romen, sa kaniyang pagsisinop ng


isang mahalagang dokumento na nagsilbing bakasan ng nagsasaliksik
upang mabuo ang pag-aaral na ito.

Kay Dr. Antonio Papa sa moral support na kayang ipagkaloob ng


isang nakakatandang kapatid.

Kay Dr. Lutgarda P. Ilagan na sa panahon ng kaniyang pagiging


Dekana ng CAS ay nagbigay nang paunang paghikayat na sumulat ako
ng mga libro.

Sa aking mga naging kasamahan sa Kagawaran ng Agham


Panlipunan at Humanidades noong ako ay nagtuturo pa sa CavSU-
Indang na sina Prof. Evalyne Rodriguez, Gil Ramos, Renato Pelorina,
Franco Pelayo, Rodolfo Bagay, Jaf Francisco, Che Gana at Carol Lontoc.

Sa Mag-asawang Camilo Jr. at Mercedes Guevara para sa mga


mahahalagang inpormasyon at suhestiyon na nagbigay sa aklat na ito ng
bagong anyo at perspektibo.

Sa mga anak ni Mr. Ambrosio Bayan ng Silang, Cavite sa


pagpapahiram ninyo ng mga mahalagang dokumento sa ikahuhusay ng
pag-aaral na ito. Kay Mr. Rudy Bayan sa ginawa niyang pagsisikap na
makuha ang ilag mahahalagang dokumento sa Harvard University upang
higit na pagyamanin ang mga inpormasyon ukol sa lalaking nagtayo ng
Intermedia ng Indang.

Kay Mrs. Antonina Marasigan Costa – para sa preliminaryong


pagsubok sa posibilidad na kilalanin ang mga naunang nagsipagtapos sa
paaralan.

Kay Dr. Lorna Penales para sa panahunang pagsubaybay sa pag-


aaral na ito.

Kay Mr. Antolin Gemanil ng Silang Historical Society sa maraming


mga inpormasyon na nagsisilbing mainam na pandikit sa piraso ng mga
historikal na jigsaw puzzle na aking binubuo.

Kay Mr. Antonio Constante sa kaniyang pagbibigay ng paliwanag


sa paraan nang pagkakabuo ng unang kasaysayan ng institusyon na
kaniyang isinulat. Ang pag-aaral na ito ay nakakawing ng malaki sa
kaniyang unang naging hakbang – ang ispirito ng iskolarsip ang nag-
didikta na isang duwende na katulad ko ay kailangan na makituntong sa
balikat ng higante.

Kay Aidel Belamide sa pagpapahiram niya sa akin ng mga


mahahalagang dokumento na maari niyang makuha sa elektronikong
aklatan sa panahon na siya ay nag-aaral pa sa Michigan State
University.

Sa aking mga mag-aaral sa Agham Panlipunan sa CavSU-Indang


na nakatulong ko sa pagkuha ng ilang mga datos ukol mga
nagsipagtapos sa paaralan. Inaasahan ko na ang inyong ginawang
pakikipanayam, ang magiging susi upang sa darating na panahon ay
magkaroon kayo ng inisyatibo na pahalagahan ninyo ang pagsisinop ng
kasaysayan at kultura ng inyong mga pamayanan.

Sa mga mananaliksik at staff ng Cavite Studies Center – De La


Salle University - Dasmarinas para sa mga mahahalagang dokumento na
nakasinop sa inyong sentro. Sana dumating ang panahon na hindi
lamang kami maging mga taga-hiram, kundi aktibong kapalitan.

Sa lahat mga inapo nina Mr. Hammon H. Buck, Joseph A.


Cocannouer, C. E. Workman at Mariano Mondoñedo na aking mga
nakapanayam at nakapalitan ng e-mail sa proseso ng pag-aaral.

Itinutungo ko ang aking ulo, upang pakumbaba na iparating sa


Panginoong Diyos ang aking pinakamataas na pagpapasalamat, sa
buhay at mga kaisipan na ipinahiram ninyo sa akin. Sa Iyo po ang lahat
ng Kaluwalhatian.
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata 1
Ang Paghahanap sa Kasaysayan ng Paaralan

Kabanata 2
Kaligirang Pangkasaysayan

Kabanata 3
Edukasyon sa Indang
Sa Mga Unang Taon Ng Pananakop
ng mga Amerikano 1900-1902

Kabanata 4
Unang Taon ng Pangangasiwa
Ni Mr. C. J. Anderson sa Edukasyon
ng Indang 1903-1904

Kabanata 5
Ang Panimulang Taon
ng Intermedia ng Indang 1904-1905

Kabanata 6
Ang Panunungkulan
ni Mr. Harry J. Hawkins
Sa Intermedia ng Indang 1905-1905

Kabanata 7
Ang Pangangasiwa
ni Mr. Clifton E. Workman
sa Intermedia ng Indang 1906-1908?

Kabanata 8
Ang Pangangasiwa
ni Mr. Henry Wise
Sa Intermedia ng Indang 1908-1911
Kabanata 9
Ang Panahon ng Panunungkulan
Ni Mr. Joseph A. Cocannouer sa
Intermedia Ng Indang 1911-1915

Kabanata 10
Guillermo Bayan: Ang Makabayang Guro
Ng Intermedia ng Indang 1907-1917

Kabanata 11
Ang Administrasyon
ni Mr. Mariano Mondoňedo
Sa Intermedia ng Indang 1915-1919

Kabanata 12
Ang Panunungkulan ni
Ni Mr. Simeon Madlangsakay

Kabanata 13
Ang Mga Naging Guro
Ng Intermedia ng Indang 1904-1927

Kabanata 14
Ang Mga Nagsipagtapos
sa Intermedia ng Indang 1907-1928

Konlusyon, Impresyon at Rekomendasyon

Mga Sanggunian

Appendiks

You might also like