You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO (UNANG BAITANG ) I. Layunin 1. Masagot ng wasto ang mga tanong sa kwentong narinig 2.

Maunawaan ang aral na nais ipahatid ng kwento 3. Makilala ang mga tunog ng hayop II. Paksang Aralin Paksa : Mga Tunog ng Hayop sa Bukid Kwento : Ang Aso at ang Pusa Hinalaw sa Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino pp. 87-88 Sanggunian : Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino Ni Ailene Basa- Julian Mga kagamitan: mga larawan, aklat tsart III. Pamamaraan GAWAING GURO a. Panalangin Panginoon, maraming salamat pos a araw na ito . sana po ay lagi nyo kaming gagabayan . Hinihiling ko rin po na bigyan nyo kami ng sapat na kaalaman sa tatalakayin naming ngayon. Amen b. Kalinisan at pagtatala ng liban Bago umupo ang lahat pulutin muna ang lahat ng kalat sa ilalim ng inyong upuan . Paki-ayos ang hanay ng inyong upuan at pagkatapos ay maari na kayong maupo Sino ang lumiban sa inyong hanay? (Group ! at Group 2) GAWAING MAG-AARAL

Tatayo ang mga bata at magdarasal

Magaling! Ako ay natutuwa c. Balik aral Mga bata , bgo tayo magpatuloy tayo muna ay magbalik aral. Natatandaan nyo ba ang ating tinalakay noong nakaraang araw. Sige nga, tingnan natin kung may nakaalala pa ng pinag-aralan natin noong nakaraan. (Tatawag ng mga bata na sasagot) Guro magaling mga bata d. Pagganyak ngayon naman ay magbabasa tayo ng kwento : ANG ASO AT ANG PUSA Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay

Maam ikinalulugod ko po na sabihin na walang lumiban sa aming hanay

Opo

nagsalita. Ibigay mo na ang aking gantimpala. Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak, wika ng Aso na wari pang nanunumbat. e. Paglalahad Ano nga uli ang pamagat ng ating kwento? Ang Aso At Ang Pusa Mga bata nagustuhan nyo ba ang kwento? Opo Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? ang aso at ang pusa
Maaari mo bang ikwento ang nangyari

kay aso? Nakahuli pos yang ibon at iyon ay kanyang kinain Pagkatapos nyang kainin ang ibon , ano ang sumunod na nangyari? nabikig po ang kanyang lalamuan at humanap sya ng pwedeng makapag-alis noon? Sino ang nakapag-alis ng bikig sa lalamunan ng aso? Ang pusa po Pagkatapos ay ano ang nangyari ? Hiningi po ni pusa ang kanyang gantipala ngunit imbis na bigyan sya ng gantimpala ng aso ay nagalit pa ito. Magaling mga bata . Ano ba ang aral ng kwento ?

Ang aral po ng kwento ay dapat tayong tumupad sa ating pangako at ang isa pa ay tumulong tayo sa nangangailangan f. Pagtatalakay Mga bata halimbawa na nakasara ang pinto at ang bintana ng ating silid aralan, paano nyo malalaman na may aso at pusa sa labas? Sa pamamagitan po ng tunog na ginagawa nila. Tama sa pamamagitan ng tunog na ginagawa nila Paano nga ba ang tunog ng aso ? Ang tunog po ng aso ay aw aw aw!!! Magaling mga bata , paano naman ang tunog ng pusa? Magaling mga bata Sa ating paligid ay maraming hayop . may hayop na matatagpuan sa zoo at mayron din naman sa bukid . Ano-ano ang mga hayop na matatagpuan natin sa bukid ? ang tunog po ng pusa ay meow meow meow !!!!

ang mga hayop po na matatagpuan natin sa bukid ay kabayo, klabaw, kambing, pato, manok, baboy at baka

g. Pagbubuo/ Paglalahat Magaling mga bata , ngayon naman ay ating alamin kung may natutunan kayo sa ating aralin ngayon. Anu-ano ang mga uri ng hayop na matatagpuan natin sa bukid? Ang mga hayop po na matatagpuan natin sa bukid ay kabayo, klabaw, kambing, pato, manok, baboy at baka Mahusay mga bata , maari nyo bang ibigay ang mga tunog ng bawat hayop ang tunog ng kabayo ay neigh,

neigh, neigh ang tunog po ng kalabaw ay unga unga unga ang tunog po ng kambing ay meee , mee ,meee ang tunog po ng baka ay moo, moo, moo ang tunog po ng manok ay kuk kurukkok ang tunog po ng pato ay quack quack quack ang tunog po ng baboy ay oink oink oink h. . Paglalapat Palabunutan Tuntunin: bubunot ang mag bata ng salita at kung ano ang nakasulat ay gagawin nila ang tunog ng nasabibg salita

IV.

Ebalwasyon Panuto : Pagtapat tapatin ang nararapat na tunog sa mga hayop sa bilang sa pamamagitan ng pagguhit dito. 1.Kalabaw A. unga unga unga 2. Kabayo B. tiktilaok-tiktilaok 3. Baka C. mee-mee-mee 4. Manok D. oink--oink 5. baboy E. quack -quack 6. Bibe F. Moo-moo 7. Kambing G. neigh neigh Takdang Aralin Magmasid sa bahay ng mga nagpapakita ng pagsunod.

V.

You might also like