You are on page 1of 57

Talaan ng mga Nilalaman

I. Suliranin at Kaligiran nito I.A. Kaligiran ng Pag-aaral I.B. Mga Layunin II. Mga Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura II.A. Depinisyon ng Time Management II.B. Karaniwang mga problemang Kinakaharap ng mga mag-aaral sa pamamahala ng oras. II.C. Mga Pamamaraan ng Time Management II.D. Mga Instrumentong Magagamit sa Time Management II.E. Paano Nakatulong Ang Pamamahala ng Oras sa mga Mag-aaral II.F. Kalikasan ng mga Kurosng Pang-Agham at Kursong Pang-Sining II.G. Iba pang Pag-aaral na Kaugnay sa Time Management III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik III.A. Metodolohiya III.A.1. Instrumento III.A.2. Respondente/Sabjek III.B. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon V. Bibliografiya VI. Appendiks

I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral A. Kaligiran ng Pag-aaral

Ang pahambing na pag-aaral na ito ay sumukat sa paraan ng pamamahala ng oras ng mga mag-aaral ng mga kursong pansining at mga kursong pang-agham. Inalam ang pagkakaiba at pagkakatulad ng pamamahala ng oras ng mga mag-aaral mula sa mga kursong pansining na kinatawanan ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Fine Arts at Konserbatoryo ng Musika at mga mag-aaral mula sa mga kursong pang-agham na kinatawanan ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Narsing at Parmasya ng Unibersidad ng Santo Tomas. Maraming pagkakatulad sa pananaw ng epektibong

pamamahala ng oras ang dalawang pangkat ngunit sila nagkakaiba sa ilang aspeto tulad ng oras na inilalaan sa paglilibang at paraan ng paggawa ng mga gawain. Ang mga mag-aaral ng mga kursong pansining ang mas naglalaan ng oras sa paglilibang ngunit walang maayos na paghahati ng oras sa gawain habang ang mga mag-aaral mula sa mga kursong pag-agham ay maayos ang paghahati ng oras sa gawain pero na kaligtaan ang paglilibang. Parehong dapat matuto balansehin ang oras sa mga gawain maging sa paglilibang nang sa gayon ay maging masaya at epektibo ang pamamahala ng oras.

B. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Time Management at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Saang aspeto nagkakapareho ang mga estudyante na nasa Kolehiyo ng Musika at Kolehiyo ng Arkitektura sa mga estudyante na nasa Kolehiyo ng Narsing at Kolehiyo ng Parmasya hinggil sa kani-kanilang Time Management? 2. Saang aspeto nagkakaiba ang mga estudyante na nasa Kolehiyo ng Musika at Kolehiyo ng Architektura sa mga estudyante na nasa Kolehiyo ng Narsing at Kolehiyo ng Pharmacy hinggil sa kani-kanilang Time Management? 3. Anu-ano ang kanilang mga damdamin, pananaw at saloobin ukol sa kanikanilang Time Management? 4. Paano ba inilalaan ng mga mag-aaral ang kanilang oras sa iba t ibang mga gawain sa loob ng isang araw? 5. May oras ba maglibang ang mga mag-aaral? Kung mayroon man: y y Anu-ano ang mga libangang ito? Gaano kadalas nila ito nagagawa?

Sa palagay ng mga mag-aaral, sapat naba ito?

6. Anu-ano ang problema at kahinaan ng kani-kanilang Time Management? 7. Anu-ano ang mga paraang maaaring gamitin ng mga estudyante upang masolusyonan Managemet? ang mga problema at kahinaan ng kani-kanilang Time

II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

A. Depinisyon ng time management

Mahalaga ang oras sa bawat nilalang sa mundo. Dahil sa kahalagahan ng oras ay marami na rin ang mga pag-aaral ang naisagawa upang matulungan ang mga tao sa wastong pangangasiwa ng kayamanang ito. Ang time management ay pinagsamang mga panuntunan, mga pagsasanay, mga abilidad, mga instrumento at mga pamamaraan na tumutulong sa tao upang epektibong magamit ang oras sa layuning mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay nito.( mula sa time thoughts.com)

Ayon rin kay Ward (2008), ang time management ay paglilinang ng mga proseso at instrumento na magpapataas sa pagka-episyente at pagkaproduktibo.

Ayon naman kay Allen (2001), hindi pinamamahalaan ang oras, ganoon lamang iyon. Kung kaya t hindi ang time managementang problemang dapat paglapatan ng solusyon. Sa katunayan, ang pinamamahalaan ng tao ay ang mga gawain niya sa oras na iyon; ang inaasahang kalalabasan at ang pisikal na aksyon kasama ang kaibuturan ng prosesong kinakailangan upang mapamahalaan ang mga gawain ng tao.

B. Karaniwang mga Problemang Kinakaharap ng Mga Mag-aaral sa Pamamahala ng Oras


Sa pagdami ng mga gawain, mga proyekto, mga pagsusulit at ng iba pang mga pangangailangang dapat isumite, tumataas din ang antas ng kapaguran o stress ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Karamihan sa kanila ay nakakaranas ng iba t-ibang sakit, pisikal at sikolohikal, tulad ng stress, depresyon at insomnia. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng National Mental Health Association, 10 porsyento ng mga estudyanteng nasa kolehiyo at 13 porsyento ng mga babaeng estudyanteng nasa kolehiyo ay dumadanas ng depresyon.

Isang sarbey na ginawa ng Unibersidad ng California sa Los Angeles ang nakatuklas na mahigit 30 porsyento ng mga kolehiyong mag-aaral na nasa unang taon ay nakakaramdam ng sobrang pagkapagod at 38 ng mga babaeng ay mas madalas na nakakaramdam ng sobrang pagkapagod. Ayon sa 2005-2006 Sate of Our Nation s Youth, isang pag-uulat na inilabas ng Horatio Alger Association, 41 porsyento ng mga esyudyanteng haiskul ay nagsabing malaking bagay para sa kanila ang makauha ng mataas na marka. Tumaas pa ang bilang nito ng 15 porsyento mula 2001.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga negatibong epekto ng hindi maayos na pag-bubudyet ng oras ng mga estudyante sa kolehiyo at maging sa haiskul. Ang mga sumusunod ay iba pa sa mga problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa pamamahala ng oras. Ang mabisang pamamahala ng oras ay patuloy na nagiging isang mahalagang sektor ng pagtatrabaho ng mga mag-aaral hindi lamang dahil mahalaga ito sa pagdaragdag ng kaalaman at mabuting pananaw ukol sa kanilang mga gawain kundi

dahil na rin sa ito y nagiging mahalagang sakop sa pagpapadali ng kanilang pang-arawaraw na proyekto. (Brian Tracy, 2003) Ang mga pangunahing layunin ng project management level ni Rodger

Constandse ay ang matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng malinaw na paguunawa sa lahat ng proyektong kanilang pinagkakaabalahan at upang maturuan silang magplano at mag-organisa ng mga proyekto hanggang sa ito y tuluyang matapos.

Ang kahalagahan naman ng task management level ay matulungan ang magaaral na malaman kung ano ang pinakamagandang paraan kung saan nila gugugulin ang oras sa buong araw base sa mga dapat nilang gawin. Ngunit may ilang mga mentalidad na siyang nakakasagabal o nagiging problema ng isang mag-aaral kung kaya t hindi ito nakakasunod sa sistematikong paghahati ng oras. Nilista ni Rodger Constandse (Constandse, 2004) ang mga problemang maaring matamo o makita sa paggawa ng mga proyekto. 1. Stress, Palagiang pag-aalala at Overwhelm Ang isa sa pinakasikat na nagiging problema ng mga mag-aaral ay ang pagramdam ng matinding stress at natataranta dahil sa pag-iisip na maraming dapat tapusin. Nahinuha ni Constandse na may tatlong pangunahing sanhi kung bakit nila ito nararanasan. Una, nakakaramdam sila ng pagkataranta kapag marami pa silang dapat gawin kaya sila nalulungkot dahil alam nilang hindi nila kayang tapusin ang mga ito. May limitasyon ang kapasisad ng memorya ng tao. Kapag sumobra na ito ay maaaring makadulot ito ng matinding kaguluhan sa utak dahil sa pag-iisip na hindi na nila kaya pang sabayan ang mga gawain. Nagpapahiwatig ang pakiramdam na ito na hindi na kaya ng isang tao na magpatuloy pa.

Pangalawa, natataranta ang isang mag-aaral kapag patuloy na dumarami ang mga dumarating na gawain. Maari itong maging panibagong mga proyekto, impormasyon o mga biglaang mga kautusan at requirement na kailangang iproseso ng utak. Kapag hindi sanay ang tao na magproseso ng sobrang daming impormasyon kaagad, normal lamang na maguluhan ito at makaramdam ng stress. Huli, nagugulat at naguguluhan ang mga mag-aaral kapag may isang napakalaking proyekto na dapat nilang tapusin ngunit hindi ganap na malinaw ang mga panuto kung paano nila ito gagawin, kung ano ang magiging takbo nito at maging kung paano at saan nila ito sisimulan. Malaki ang nagiging kontribusyon nito sa pagkabugnutin ng mag-aaral dahil maging ang unang hakbang ay hindi nila matapustapos. Ang mga pakiramdam na ito ng kaguluhan at pagkataranta ay maaring maging sanhi ng matinding stress lalo pa kung nagsabay-sabay na naganap. Kapag nakita ng mag-aaral na walang patutunguhan ang kanilang mga ginagawa, may malaking posibilidad na maparalisa ito.

2. Nagagahol sa Oras Isa pang karaniwang problema ay ang pagkukulang ng oras na kailangan upang makatapos ng isang proyekto. Habang papalapit nang papalapit ang dedlayn o araw ng pasahan ay nagiging ugali na ng mga mag-aaral ang pagpupuyat gabi-gabi maging sa mga huling araw ng linggo ngunit hindi pa rin sila nakakaabot sa tamang oras na itinakda sa kanila. Kahit hindi malayong may posibilidad ngang maganap ito, kapag nakasanayan naman ng isang mag-aaral na gawin ito ay magiging sanhi ito ng isang malaking sagabal sa mabuting pag-iisip at magandang resulta ng proyekto.

3. Paglimot sa Paggawa ng mga Mahahalagang Bagay Madalas ay dupedepende lamang ang mga mag-aaral sa kanilang

pagmememorya. Bagamat nakikinig sila ng maigi sa mga paalala ng mga guro o iba pang mga taong nagbibigay ng mga mahahalagang punto ay nakakaligtaan pa rin

nilang gawin ang mga ito dahil hindi nila ito sistematikong isinusulat at iniintindi. Ang resulta ay ang hindi tuluyang paggawa ng naatas na importanteng takda.

4. Madaling Nadidistrak Ang isang kahalintulad na suliranin ay ang sakit ng mga mag-aaral na hindi pagtapos ng mga proyekto. Maaring ito ay dahil sa madaling pagkawala ng interes, pag-iwas sa pagtatrabaho at maging ang kakulangan sa kaalamn ng mga detalye ng proyekto. A related problem to having trouble getting started is having trouble finishing projects. Mas mahalagang nasisimulang ng maayos at natatapos ng kumpleto ang mga takda kaysa sa isang mag-aaral na kayang magsimula ng napakaganda ngunit hindi naman talaga nakakatapos.

5. Palagiang Pag-una sa mga Hindi Mahahalagang Bagay May mga pagkakataong nakakadama ng masyadong pagtatrabaho ang mga mag-aaral sa loob ng isang araw ngunit maiisip na lamang nila sa huli na wala naman talagang pag-unlad na naganap sa kanilang mga gawain. Pumapasok sila ng paaralan ng hindi naman talaga natatapos ang mga bagay na itinakda nilang gawin para sa araw na iyon. Kapag madalas na nagaganap ito, malaking sanhi nito ang pag-una sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan pa.

6. Masyadong pag-iisip sa krisis Dahil sa maraming mga dapat gawin, masyadong napapaisip ang isang magaaral ukol sa krisis na kanilang kinakaharap. At ang sobrang pag-aalala nila dito ay nakakain na ang oras na dapat ay ginugugol nila sa paggawa na lamang. Totoong mahirap magsimula o magpatuloy ng mga proyekto kung nakapako pa rin sa nakaraan ang mentalidad ng mag-aaral. Nagiging magulo tuloy ang kaniyang pokus.

7. Trashing

Ang terminong trashing ay unang ginamit upang ilarawan ang nagaganap sa mga large time-sharing mainframe computers kapag maraming tao ang sabay-sabay na gumagamit sa kanila. Hinahati ng mga kompyuter ang oras sa pamamagitan ng slicing upang maaccomodate ang mga gumagamit. Ngunit dahil sa maya t mayang paglipat ng mga kompyuter ay nasasayang ang oras imbes na sila ay nagproproseso na lamang ng mga trabahong dapat gawin. Ang pagbagal ng mga kompyuter ay siyang tinawag na trashing. Nagaganap ang sinasabing trashing kapag ang isang proyekto ay hindi patuloy na natatapos dahil sa mas napagtutuunan ng pansin ang iba pang bagay kaysa sa pagtatapos nito. Ang isang magandang halimbawa ay kapag ang isang mag-aaral ay masyadong naglilinis ng mga kagamitan sa tuwing ito ay nagagambala at naglilista ng mga dapat gawin kaysa sa paggawa na lamang ng proyekto. Dahil dito sila ay hindi nakakatapos.

8. Kawalan sa organisasyon Ayon sa artikulong nalathala sa Wall Street Journal, ang isang

karaniwang executive sa Estados Unidos ay nag-aaksaya ng halos anim na linggo sa loob ng isang taon dahil lamang sa paghahanap ng nawawalang mga papel at dokumento. Ito ay sumusukat sa hanggang limang saying na oras sa bawat linggo. Nakiulat din ng US News at World Report na ang karaniwang mamamayan ng Amerika ay gumugugol ng isang taon sa kabuuan ng kanilang buhay para lamang matagpuan ang kanilang mga kakailanganing impormasyon para sa opisina.

C. Mga Pamamaraan ng Time Management

Maraming paraan upang epektibong mapangasiwaan ang oras. Sa pag-aaral ni Cue (2005), nagmunkahi siya ng labing tatlong paraan upang mapamahalaan ang oras:

1. gawin.

Maglaan ng oras sa pagpaplano at pag-aayos ng mga dapat

Ang paglalaan ng oras sa pag-iisip at pagpaplano ay tamang paggamit na rin ng oras. Ang plano natin ang magbibigay daan upang walang segundong masayang sa kakaunting oras na mayroon tayo. Maaaring isang itong listahan ng gawain o talatakdaan. Mabisa rin ang paggamit ng mga organizers. Sa katunayan, kung mabigo kang paglaanan ng oras ang pagpaplano, ang bunga nito ay parang pagpaplanong na rin na mabigo.

2.

Magkaroon ng mga mithiin.

Ang mga mithiin ang nagbibigay sa iyo ng buhay, at kung paano mo nilalaan ang oras tungo sa katuparan ng mithiing ito, ang nagbibigay sa iyo ng direksyon. Nung tinanong kung ano ang sikreto sa pagkamit ng tagumpay at kayamanan, ito ang sinagot ng isa sa mga milyonaryong magkakapatid na Hunt, mula sa Texas: Una, kailangan mong magdesisyon kung ano talaga ang gusto mo. Siguraduhing tiyak, nasusukat, makatotohanan at posibleng makamit ang iyong mithiin nang sagayon ay hindi imposibleng makamit mo ito. Ang mga mithiin ang nagbibigay sa mga malikhaing tao ng kinakailangang direksyon at inpirasyon upang magtagumpay sa buhay.

3.

Piliin ang mas mahalaga sa napakaraming gawain.

Madalas ay napakarami na ng gawain ng tao na hindi sapat ang oras na mayroon siya. Kung ganoon ang sitwasyon, mas mabuti na piliin ang mas mahalaga at iyon ang gawin. Kapag pinilit na gawin lahat ng gawain ay wala kang matatapos kahit isa. Mas mabuti na mayroong matapos kaysa wala. Mabisang gamitin ang 80-20 Rule na orihinal na inihayag ng Italyanong ekonomistang sa Vilfredo Pareto. Sa 80-20 rule, itinatayang 80 porsyento ng tagumpay ay nagmumula sa 20 porsyento ng pagpupunyagi at pagsisikap. Ang sikreto sa pagpipili ng pahahalagahan ay nasa paghihiwalay at pagkikilala sa 20 porsyentong mga gawain na mas mahalaga. Kapag nakilala na, paglaanan ng sapat na oras upang pagtuunan ang mga trabahong ito na magbubunga ng mga gantimpala. Sa huli, malalaman mong ang paglalaan mo ng oras sa 20 porsyentong gawaing pinili mo ang nagdulot sa iyo ng 80 porsyento ng tagumpay na narating mo.

4.

Gumamit ng To-Do List.

Ang To-Do list ay listahan ng mga kailangan mong gawin. May ilang taong namumuhay na gumagamit ng arawang To-Do listna ginagawa nila gabi ng nakaraang araw o kinaumagahan ng araw na iyon. May iba na pinagsasama ang listahan at ang kalendaryo o talatakdaan. Ang iba naman ay mas gusto ang running na

listahan. Ang running na listahan ay listahan na patuloy na binabago para sa mga hindi inaasahang gawain. Mayroon rin naming pinagsasama ang dalawang To-do lists. Kung alin man sa mga paraan ang pinakamabisa para sa iyo, iyon ang pinakamainam na

gamitin. Huwag matakot na sumubok ng mga bagong pamamaraan- malay mo, baka mahanap mo ang paraang mas epektibo sa ginagamit mo sa kasalukayan.

5.

Maging bukas sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Paglaanan ng oras ang mga hindi inaasahang gawain at distraksyon. Malimit na minumungkahi ng mga eksperto sa time management na planuhin lamang ang paggamit nang hindi hihigit sa 50 porsyento ng oras. Sa pagpaplano lang ng 50 porsyento sa oras mo ay magkakaroon ka ng oras para sa mga interapsyon at hindi inaasahang pangyayari na wala sa plano. Kapag nakaplano na lahat at sirado na ito sa pagbabago at may nangyari na wala sa plano ay masisira na ang buong plano mo. Kapag may puwang sa pagbabago, hindi masisira ang plano, maaayos mo lang ito na kasama na ang bagong gawain.

6.

Isaalang-alang ang oras sa araw kung saan pinakaproduktibo ka.

Ikaw ba ay isang pang-umagang tao , panggabing tao o panghapong tao ? May ilang tao na mas nakakapagtrabaho sa kinaumagahan. May iba naman na mas komportableng sa gabi gawin ang mga gawain. Ang pag-alam sa oras kung kalian ka pinakaproduktibo at ang pagpaplano na gamitin ang oras na iyon para sa mga gawaing pinahahalagahan ay mabisang pamamahala ng oras. Sa oras na

pinakaproduktibo ka kasi mas maraming magagawang makabuluhan.

7.

Gawin nang tama ang tamang gawain

Sinabi ng kilalang eksperto sa pamamahala na si Peter Drucker, Ang gawin ang tamang bagay ay mas mahalaga sa tamang paggawa ng mga bagay-bagay. Ang

paggawa ng tamang bagay ay pagiging mabisa; ang tamang paggawa ng mga bagaybagay ay pagka-episyente. Pagtuunan muna nag pagiging mabisa (pagkilala sa tamang gawin) bago paglaanan ng panahon ang pagiging episyente (tamang paggawa sa mga bagay-bagay). Minsan kasi ay masyado nating binibigyan ng empasis kung pano ang tamang paggawa sa isang bagay bago pa natin isipin kung tama o makabuluhan ba ang gawaing ito

8.

Isantabi ang mga inaapurang gawain.

Ang mga gawaing inaapura ay may panandaliang resulta habang ang mga mahahalagang gawain ay iyong mayroon pangmatagalan at kaugnay sa mithiing mga impikasyon. Magtrabaho tungo sa pagbabawas ng mga bagay na iaapura upang magkaroon ng oras para sa mga pinahahalagahang bagay. Itampok sa To-Do list ang mahahalagang gawain at lagyan ng taning ang bawat aytem upang maiwasan na apurahin ang mga mahahalagang gawain. Kadalasan kasi nasasakripisyo ang kalidad ng trabaho sa cramming. Nangyayari ito sapagkat ang mithiin na lang ay matapos ito sa oras kaya hindi na napagtutunan ng pansin ang kalidad ng gawain.

9.

Sanayin ang sining ng tamang pagpapabaya.

Mali ang pagpapabaya ngunit may mga panahon na gahul na tayo sa oras kaya kinakailangan na bitiwan ang ilang bagay para sa mas mahalagang bagay. Alisin sa iyong buhay ang mga pangkaraniwang gawain o mga gawaing walang

pangmatagalang epekto para sa iyo sapagkat magdudulot lamang ito ng mga suliranin sa pamamahala ng oras. Mararamdaman mong kulang ang oras mo sa napakaraming bagay na gusto mong gawin kung kaya t isantabi mo ang mga gawain na hindi naman kapakipakinabang nang sagayon ay magkaroon ka ng sapat na oras sa mas makabuluhang mga bagay.

10. Iwasan ang pagiging perpeksyonista

Minsan sa sobrang pagnanais na maging perpekto ay nabibigyan na natin ng sobrang oras ang mga bagay-bagay na hindi naman talaga mahalaga kung kaya t lumalabas na nasayng lamang ang oras natin. Ang pagtuon ng pansin sa kahit maliliit na bahagi ang nagiging dahilan kung kaya t nagtatagal ang isang tao sa gawain at kinukulang ito sa oras.

11. Lupigin ang ugaling manyana.

Ang ugaling manyana ay pagpapa-sakana o pagpapabukas ng mga bagay na maaari naming gawin ngayon. Isang teknik ay subukan ang metodong Swiss cheese ni Alan Lakein. Ang metodong ito ay ganito: Kung may iniiwasan ka,

paghiwahiwalayin mo ito sa maliliit na gawain at paunti-unti mo itong gawin. Sa pamamagitan ng paggawa ng paunti-unti, sa huli ay mararating mo ang puntong nanaisin mo nang tapusin ang gawain. Tulad ng paggawa ng pamanahong papel, napakalaking oras ang kinakailangang ilaan at imposibleng matapos sa isang upuan lang. Kung kaya t mainam na gamitin ang Swiss cheese, ihati sa mga parte ang gawain. Sa huli ay mabubuo na ang buong papel nang hindi mo kailangang apurahin ito.

12. Pag-aralan ang pagtanggi.

Isa itong maliit na bagay pero mahirap gawin. Maaaring makatulong ang pagtutuon sa mga mithiin. Ang pag-iwas sa mga pinahahalagahang bagay na wala sa talatakdaan tulad ng pamilya at kaibigan ay maaari ring makatulong. Pero kinakailangan mo munang maging kumbinsado na ikaw at ang iyong mga pinahahalagahan ay importante- ito maaari ang pinakamahirap sa pag-aaral na tumaggi. Kapagka kumbinsido ko na sa kahalagahan nito, ang pagtanggi sa mga hindi importante sa buhay ay mas nagiging madali. Kapg marami kang gagawin at nagkataong maylakad ang barkada, tanggihan na lang sa maayos na paraan ang lakwatsa kaysa naman sa hindi makatapos sa mga gawain.

13. Gantimpalaan ang sarili.

Kahit sa maliliit na tagumpay, ipagdiwang ang pagkamit ng mga mithiin. Pangakuan ang sarili ng gantimpala para sa pagbuo ng bawat gawain o pagtapos sa buong gawain. Pagkatapos ay tuparin mo ang pangako sa sarili at kasiyahan ang gantimpala mo. Ang paggawa nito ay magpapanatili ng kinakailangang balance sa buhay sa pagitan ng trabaho at laro. Sabi nga ni Ann McGee-Cooper, Kung matutunan

natin na timbangin ang kahusayan sa trabaho at kahusayan sa laro, saya at pagpapaluwag, ang buhay natin ay magiging mas masaya, mas malusog at mas

malikhain.

Maaaring isang bakasyon at mahabang pahinga pagkaraan ng mga araw

na walang tulog dahil sa dami ng pag-aaral. Ayon sa Student Support Services ng Paul D. Camp Community College, kinakailangan ang pasensya, analisis, pagiging malubay, kamalayan, impormasyon at payo upang mapangasiwaan mo ang oras nang mas mabuti.

Ang mga sumusunod ay ilan pang halimbawa ng mga paraan ng Time Management at ng mga epekto nito sa mga estudyante. Ayon kay Roger Constande:

1. Paggamit ng Time Chart

Karamihan sa mga estudyanteng nasa kolehiyo ay sobrang oras at atensyon ang inilalaan sa pag-aaral samantalang kulang naman sa iba pang mga gawain tulad ns isports, paglilibang at gawaing sosyal (Constande, Acheive Time Planner Management Software). Sa pamamagitan ng paggamit ng Time Chart ay nababalanse ng mga estudyante ang kanilang iskedyul. Tumutulong na maghanap ng tamang oras para sa iba t-ibang klase ng gawain.

2. Pagtimbang ng Kahalagahan ng Gawain (Prioritize)

Ang mahabang listahan ng mga gawaing dapat matapos ay karaniwan nang suliranin ng mga estudyante. Kadalsan ay hindi sila makapamili kung ano ang dapat unahin. Mahalaga para sa mga estudyante ang pagiging mapamili at pagtitimbang sa kahalagan ng gawain upang maisaayos nila kung paano

gagamitin ang kanilang oras. Sa pamamagitan din nito ay nakakapag-pokus ang mga estudyante sa mga bagay na mas mahalaga sa kanila. Nagiging produktibo rin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtapos muna sa mga mahahalang gawain sa tamang oras.

3. Pagiging maingat sa pangangako sa labis na responsibilidad at paggawa ng labis na Gawain

Ang paggawa ng labis na gawain at pangangako sa labis na respossibilidad sa parehong oras ay nagbubunga lamang sa labis na

pagod,stress at presyur na nauuwi sa pagka-burnout.(Constande, Achieve Planner Time Management Software)

4. Paggawa ng Listahan

Ang paglilista ng mga gawain at responsibilidad ay nakaktulong maiwasan ang paglimot sa gawain. Inaalis din nito ang labis na mga detalye sa isipan na tumutulong na makaiwas sa stress.

Ayon sa 5 Time Management Tips to Calm College Student Stress ni Maria Pascucci:

1. Paghawak ng Kontrol sa Oras

Bawat isa ay responsable sa kanyang sariling buhay. Ayon kay Maria Puscicci, ang paninisi sa ibang tao tulad ng mga propesor na labis magbigay ng takdang aralin o mga sitwasyong kinalalagyan katulad ng kawalan ng oras upang

mag-ehersiyo, maglibang o dumalo sa mga kasiyahan ay nagdudulot lamang ng karagdagang stress at dahilan upang ma-depress . Ang dahilan sa kakulangan ng oras para sa mga bagay na nais gawin ay maaring dulot ng hindi pagbibigay ng takdang oras o pagpapahalaga rito.

2. Pagsasabi ng HINDI (Learning to say NO)

Ayon kay Beverly Coggins, may akda ng Three Steps to Time Manangement for College Students, upang maiwasan ang college student stress dapat ay maging malinaw ang kagustuhan at priyoridad ng isang estudyante. Ang pagkakaroon ng pokus ay naglalagay sa estudyante sa posisyong hindi siya madaling maiimplwensyahan ng iba upang gumawa ng ibang bagay o magbago ng pryoridad tuwing may pagkakataon.

3. Paggiwas sa Pagliban sa Klase (Skipping classes= MORE stress)

Ang pagliban sa klase ay nagdadagdag lamang ng stress sa isang estudyente. Nakakaligtaan niya ang mga class notes, diskusyon, klaripikasyon, pakikipag-ugnayan sa propesor at kapwa mag-aaral. Nakakadagdag ito ng stress sapagkat mahirap humabol sa klase lalo na kung maraming nakaligtaan. Nasasayang ang oras sa paghabol sa mga propesor at pagkopya ng sulat kamay ng iba. Lumiban lamang kung talagang kailangan at bumawi ng pahinga sa mga araw na walang klase o kung kalian konti lamang ang gawain.

4. Ang Pagtulog ay Nakakaiwas sa Pag-aaksaya ng oras (Sleep SAVES Time)

Ayon kay Coggins, ang pagtulog ng tama ay dapat nangunguna sa iskedyul sapagkat ang kakulangan sa tulog ay may parehong epekto sa paginom ng alak, hindi makapag-isip ng klaro, nakakadagdag ng timbang at nagbubunga at nagpapalala sacollege student stress. Maraming oras rin ang nasasyang sa pag-idlip sa araw dahil kulang ang tulog sa gabi. Madalas rin ay nakakatulog sa klase ang mga estudyante na nagdudulot ng iba pang problema tulad ng hindi paggalang sa propesor o kamag-aral at hindi pakikinig sa diskusyon. Sa madaling sabi ay para na ring lumiban sa klase ang estudyanteng natulog dito.

5. Pagiwas sa Paggawa Kung Kailang Kulang na ang Oras

Halos 2/3 ng mga estudyante ay nagsabi na ang madalas na paguumpisang gumawa ng mga gawain tuwing malapit na ang takdang araw ng pagsusumite ng proyekto, pagtatanghal, pag-uulat o pagkuha ng pagsusulit ay nakapgbigay ng negatibong epekto sa kanilang marka at pagganap sa gawain. Ayon ito sa isang sarbey na isinagawa ng College Health Services noong Pebrero 2007. Iminungkahi ni Coggins na gamitin ng mga estudyante sa kolehiyo ang mga unang linggo ng semestre kung saan kakaunti pa lamang ang mga gawain at presyur. Ayon kay Coggins ay maiiwasan o napapababa nito ang antas ng college student stress.

Ang sumusunod ay ang mga paraan na ibinigay ni Pascicci upang makaiwas sa cramming at mabawasan ang antas ng college student stress:

a. Hatiin ang gawain sa maliit na gawain at maglaan ng oras at iskedyul para sa paggawa ng bawat bahagi. b. Mamahinga muna o gumawa ng ibang gawain sa loob ng 15 minuto na nakakarelaks kada 45 minuto tulad ng paglalakad o pakikinig sa musika. c. Alamin kung kalian nakakondisyun ang katawan upang gumawa ng gawain. Halimbawa: Kung ang mag-aaral ay mas kumportableng gumawa ng gawain sa umaga, hindi dapat siya gumawa sa gabi kung kalian aantukin na siya. d. Mag-aaral kasama ng kaibigan. (Iwasan mag-aral kasama ng mga kaibigan, kamag-aral o kahit sino na makakaimpluwensya sayo upang mag-cramming)

Ayon sa 5 Stress Busters Every Students Needs Now For High School and College Students ni Maria Pascucci:

1. Hangaan ang Sarili sa Salamin ( Wage War With Your Mirror)

Ayon kay Pascucci, ang paraan ng pagtingin ng isang indibidwal sa kanyang sarili sa harap ng salamin ay nagpapakita kung paano niya tinitingnan ang iba pang aspeto ng kanyang buhay. Kung puro negatibo lamang ang makikita ng isang estudyante sa kanyang sarili sa harap ng salamin, wala siyang sapat na tiwala sa sarili at lakas ng loob upang dalhin ang kanyag sarili sa harap ng ibang tao. Self-assured women and men know that self-love is the key to success (Pascucci). Ang stress at depresyon ay nakakapagpabagal sa pag-iisip ng mga estudyante. Sa halip na 1 o 2 oras lamang ang nakalaan sa isang gawain at nadadagdagan pa ito.

2. Iwasang Punuin ng Labis ang Ikedyul (Don t overload your schedule)

Ang isang iskedyul na punung-puno ay kadalasang hindi rin nasususnod spagkat hindi na ito kayang gawin ng katawan ng isang mag-aaral lalo na ng mga nasa kolehiyo. Sininira nito ang balanse sa pagitan ng oras na ilalaan para sa isang gawain at kakayahan ng estudyante. Hindi ito epektibong paraan ng pagbubudyet ng oras.

3. Paghahabol ng Tulog

Ang problema sa pagtulog ang pinakamadalas na suliraning inirereklamo lalong lalo na ng mga estudyante sa kolehiyo. Ang kakulangan sa tulog ay nagbubunga ng anxiety at depresyon sa mga estudyante. Ang pagpupuyat sa pagtatapos ng linggo at paggising ng maaga para pumasok sa klase kinabukasan ay sumisira sa oras ng ating katawan. Madalas ay nagdudulot ito nginsomnia o iregularidad o kahirapan sa pagtulog. Bibigyang diin ni Pascucci na ang tamang haba ng oras ng pagtulog ay isang non-negotiable essential na nangangahulugang isa ito sa mga

pangangailangan na hanggat maaari ay dapat maiwasang makompromismo sa kahit anong sitwasyon.

4. Paggalaw ng Katawan (Get Moving)

Ayon kay Richard Kadison, M.D., may akda ng College of the Overwhelmed: The Campus Mental Health Crisis and What To Do About It, na mayroong maganda at epektibong paraan upang maiwasan o mapababa ang antas ng stress at depresyon sa mga estudyante sa kolehiyo. Ang 30 minuto

ng cardiovascular exercise ay kasing epektibo rin ng mga antidepressants o pampa-kalma. Ayon pa kay Kadison na ang pageehersisyo ay nangangahulugang kailangang tumakbo sa loob ng 30 minuto o pagpawisan ng sobra. Ang paglalakad sa loob ng 20 minuto o pagsasayaw ng 10 minuto ay maari nang alternatibo para sa mga estudyanteng wala ng oras magpunta pa sa mga gym.

D. Mga Instrumentong Magagamnit sa Time Management


Maraming iba t ibang mga instrumento ang maaaring magamit ng mga magaaral upang makatulong sa kanila upang maging mabisa ang kanilang pamamahala ng oras. 1. Time Management Matrix Ang isa sa mga nagbigay ng mga mahahalagang kagamitan na ito ay ang Time Management Matrix ni Stephen R. Covey mula sa The Seven Habits Of Highly Effective People (Covey, 1989).

Ang pagiging urgent ng isang bagay ay may relasyon sa oras. Ang pagkakamali lamang ng maraming tao ay mas pinapahalagahan nila ang kasalukuyang sitwasyon kaysa sa kahalagahan ng mga bagay-bagay. Maaaring maging kailangan na sa madaling panahon ang isang bagay dahil ito ay mahalaga ngunit mahalagang alalahanin din na hindi sila nagkakapareho ng papel. Kaya ang nais na ituro sa atin ni Covey ay mas magandang unahin at tapusin na ang mga mahahalagang bagay bago pa man din ito kailanganin. Ang mabisang paggamit ng Time Management Matrix ay ang matalinong pagsasaayos ng mga bagay-bagay ukol sa iba t iba nitong mga salik. Importanteng magpokus sa mga mahahalagang bagay kaysa sa mga bagay na umaayon sa kasalukuyang mga proyekto. Bagamat alam naman ng mga mag-aaral na mahalagang unahin din ang mga mahahalagang bagay na dapat nang ipasa bilang short term goal, mabuti namang isaalang-alang sa ang pag-uuna sa quadrant 2 kung saan naroon ang mga gawain na mahalaga kahit hindi pa man kailangan bilang long term goal. Ang pinakasikreto sa paggamit ng mahusay sa oras na mayroon ang isang magaaral ang masinsinang pagdedesisyon sa kung saan talaga nararapat na mailagay ang mga gawain ayon sa apat na parisukat at ang disiplina na gawin ito ayon sa pagkakasunud-sunod. Karamihan sa mga tao ay maaaring palagiang gumawa ng mga gawaing matatagpuan sa quadrant 3 at 4 kaysa sa mga matatagpuan sa quadrant 2 bilang displacement activities. Ang isang magandang halimbawa nito ay ang paglilinis ng lugar kung saan nagtatrabaho, ang pagsasagot ng mga sulat o e-mail habang may iba pang mas mahahalagang bagay na dapat unahin. Dapat na isaisip palagi ang oras ay mahalaga at bago pa man magsimulang gumawa ay magnilay at tanungin ang sarili sa kung ano ang mga maaring paggamitan ng oras na mayroon ka lamang at anu-ano pa ba ang maaaring magawa upang mas magamit ng maayos ang oras na mayroon ka. 2. Task management schedule

Samantala, ang isa pang halimbawa ng instrumento na maaring gamitin ng mga mag-aaral sa kanilang paghahati ng oras ay ang pagkakaroon ng isang simpleng planner upang maayos nilang mapamahalaan at maprotektahan ang kanikanilang mga aktibidades. Ang mabisang paggamit ng oras ay dumedepende sa kung paano pinaplano ng isang tao ang kaniyang mga gawain at kung gaano katagal niya ito pagtutuunan ng pansin. Dahil dito, may saktong oras na nakalaan para sa isang proyekto kaya makakaiwas ang mag-aaral sa iba pang distraksyon. (Chapman, 1995) Halimbawa ng time management task scheduler mula sa businessballs.com
mon tues 1. 1. check emails, post, initial respon se. review last week reports depart ment meetin g agenc y meetin g check emails 4. che ck emai ls etc. staff appr aisal 1 staff matt ers arisi ng time -slot proj ect time -slot 5. 5. 5. che ck emai ls proj y wed thur fri

1.

check emails. chase figures for weekly report strateg y meetin g proces s review timeslot check emails 1. check emails my appraisa l staff appraisa l staff appraisa l check emails

1.

check emails weekly report confer ence plannin g unreso lved nonurgent issues phone calls check emails

2.

2.

2.

2.

2.

3.

3.

3.

3.

am

3.

4.

4.

4.

4.

5.

5.

6.

lunc

with

with

with

with

agency

ect team work ing lunc h 1. sup plier visit 1 1. 2. sup plier visit 2 maj or phon e calls che ck emai ls thin king time -slot for new strat egy proje ct

custom er

appraise e

boss

1.

return phone calls emerg ency situatio ns timeslot readin g monthl y reports apprai sals prepar ation check emails and initial respon ses

1.

2.

custo mer visit 1. custo mer visit 2. my apprais al prepar ation 3. check emails phone calls and corresp ondenc e emerge ncies time-slot systems and process review time-slot weekly report preparat ion check emails 4.

2.

agend a for next week dept meetin g plan next week's schedu le spare timeslot for staff issues check emails clear up outstan ding issues

3.

2.

3.

3.

pm

4.

3.

4.

4.

5.

5.

4.

5.

5.

3. Urgent and Important time management matrix

Ang metodo na ito ay nahinuha din sa konsepto ni Covey. Ang pagdedesisyon kung ang mga nakalatag na gawain ay mahalaga, kailangan o pareho ay isang mahalagang paraan upang magamit ng tama ang oras. Halimbawa ng urgent and important time management schedule mula sa businessballs.com

urgent

not urgent

1 - DO NOW
y

2 - PLAN TO DO
y

emergencies, complaints and crisis issues

planning, preparation, scheduling

demands from superiors or customers

research, investigation, designing, testing

planned tasks or project work now due

networking relationship building

important
y y

meetings and appointments reports and other submissions

thinking, creating, modelling, designing

systems and process development

y y

staff issues or needs problem resolution, firefighting, fixes


y

anticipation and prevention

developing change, direction, strategy

Subject to confirming the importance and the urgency of these tasks, do these tasks now. Prioritise according to their relative urgency.

Critical to success: planning, strategic thinking, deciding direction and aims, etc. Plan time-slots and personal space for these tasks.

3 - REJECT AND EXPLAIN


y y y

4 - RESIST AND CEASE


y

trivial requests from others apparent emergencies ad-hoc interruptions and distractions

'comfort' activities, computer games, net surfing, excessive cigarette breaks

misunderstandings appearing as complaints

chat, gossip, social communications

not important
y

pointless routines or activities

daydreaming, doodling, over-long breaks

accumulated unresolved trivia

reading nonsense or irrelevant material

boss's whims or tantrums

unnecessary adjusting equipment etc.

Scrutinise and probe demands. Help originators to re-assess.

embellishment and over-production

Wherever possible reject and avoid these tasks sensitively and immediately. Habitual 'comforters' not true tasks. Non-productive, demotivational. Minimise or cease altogether. Plan to avoid them.

Ayon naman sa Resources and Tools for Distance Learning Students, ang mga susunod na halimbawa ay iba pang instrumento na maaring makatulong sa maayos na paggamit ng oras. 1. Monitor / Journal Ang Time Monitor (o Time Journal) ay magagamit upang maanalisa ng mga mag-aaral kung paano gagamitin ang kanilang mga oras at mai-record ang mga pinaplanong dapat gawin para sa isang araw. Makatutulong din kung ikukumpara ang mga naisulat sa naturang araw mula sa nakalipas na araw at ulit-ulitin ang proseso para sa susunod pang mga araw. Sa ganitong paraan, maaaring mapagnilayan ng magaaral kung ano ang mga naging kalakasan o kamalian sa kanilang mga nagawa sa nakaraan at nang hindi na maulit ang mga mali. 2. Monthly planner Ang isang monthly planner ay makapagbibigay sa mag-aaral ng mas malawak na pananaw ukol sa kanilang mga layunin sa loob ng halos tatlumpung araw. Mabibigyan din sila ng pagkakataon upang mahati ang mga malalaking proyektong dapat tapusin sa

mas maliit na sektor na maaaring unti-untiin hanggang sa tuluyang matapos. Dahil dito, may paraan din sila upang makita ang kanilang progresibo. Ang monthly planner ay makatutulong sa mga darating na pagsasanay, mahahabang eksamin at maging mga dokumentong dapat tapusin.

E.Paano Nakaktulong Ang Pamaamhala ng Oras sa Mga Mag-aaral


Ang epektibong pamamahala ng oras at pamumuhay sa isang organisadong paraan ay makatutulong upang maiwasan ang pang araw-araw na stress. Ilang pa bang mga appointment sa manggagamot, kaibigan at negosyo ang dapat palampasin dahil lamang sa hindi maayos na pamamahala ng oras? Marami ang nawawalan ng oras para sa pamilya at iba pang responsibilidad na kadalasang nagbubunga ng pagkabahala at hindi pagkakaunawaan. Ang isang taong hindi epektibo sa pamamahala ng kanyang oras ay madalas na napag-iiwanan at natatambakan ng mga gawain. Sa pagiging organisado sa iba t ibang aspeto ng buhay maging ito man ay pagpapalno ng mahabang bakasyon o biyahe, gawaing-bahay, trabaho sa opisina, o pangangalaga sa mga anak; masisiguro na maiiwasan ang stress.

Ang pagbibigay ng tamang oras at atensyon sa mga gawaing mas mahalaga ay makatutulong sa pag-iwas sa mga salik na nakapagpapabagal ng pagtapos ng mga gawain. Mas mabilis matatapos ang mga nakatakdang gawain kung paglalaanan ito ng sapat na panahon at dedikasyon. Ang paghahati-hati ng gawain sa maliliit na bahagi ay may positibong epekto rin ( Lifestyle and Time Mangement Skills n.d)

Isa sa mga responsibilidad ng isang mag-aaral sa kolehiyo ang pagsasaayos ng kanyang iskedyul at pagsisiguro na mayroon siyang sapat na panahong nakalaan upang

matapos ang kanyang mga gawain. Isa sa mga pinakamalalang pagkakamali ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang pagsasaisang-tabi ng mga dapat gawin dahil sa pag-iisip na marami pang oras upang matapos ang mga ito. Ang cramming o ang paggawa ng mga bagay sa huling minuto bago magpasahan ay di sapat upang maitawid ng isang magaaral ang kanyang sarili sa kolehiyo kaya kailangan niyang matutong magpahalaga at magbadyet ng kanyang oras. Ang pag-uumpisa at paggawa ng takdang-aralin ng maaga ay makapagpapababa ng stress levels dahil walang maiiwang gawaing nakabitin.

Maraming estudyante ang hindi nakaaalam na ang pagkakaroon ng full load sa kolehiyo ay katumbas na rin ng pagkakaroon ng isang full-time na trabaho. Sa madaling salita, upang mas maintindihan ng isang mag-aaral ang kanyang mga aralin, kailangan niyang maglaan ng 2 hanggang 3 oras na pag-aaral sa labas klase sa bawat isang oras na lektyur ng kanyang propesor. Samakatuwid, kung mayroon siyang 3 oras na lektyur, kailangan niya itong tumbasan ng 6 hanggang 9 na oras kada linggo para magbasa ng kaniyang mga aralin at maghanda para sa pagsusulit.

Ayon sa isang tanyag na teorya ukol sa pagkatuto ng tao, pinakamadaling natatandaan ang mga impormasyon kapag ito ay paulit-ulit na inaaral ng unti-unti, kaysa sa pagmamadali at pag-aaral sa huling minuto. Sa madaling salita, ang solusyon ay tamang pagbabalanse ng pag-aaral sa loob ng 24 hanggang 36 oras kada linggo na may layuning makapag-aral ng madalas bagamat sa maikling panahon (Clemson University 2000).

Ang maling pamamahala ng oras ay hindi lamang nakakapagod, kundi delikado rin. Kapag minamadali ng isang mag-aaral ang isang proyekto upang umabot ito sa deadline, naisasaalang-alang ang kalidad ng produkto na maaaring maging dahilan ng kanyang pagkakaroon ng mababang marka.

F. Kalikasan ng mga Kursong Pang-Agham at Kursong PangSining


Mga Kursong Pang-Agham:

Ito ay anumang kursong may kinalaman sa Agham at iba pang aspeto nito katulad ng BS Chemistry, BS Physics, BS Nursing, BS Computer Science at iba pang sakop nga Bachelor of Science degrees. Ang mga ito ay naiba sa mga kursong pangsining sa aspeto ngworkloads, field of study, at antas ng pagiging mahirap o difficulty (Russel, 2008). Sinasabing mas kaunti ang mga programang kasama sa mga kursong ito. Subalit, mas specialized, specific, o mas mahirap ang mga programang ito kesa sa mga nakapaloob sa kursong pansining.. Idinagdag pa ni Russel na ang mga estudyante ng naturang mga kurso ay madalas na nasa mga laboratory at silid-aralan kumpara sa mga estudyante ng mga kursong pang-sining na pumupunta lamang sa mga lectures at nakukuha pang magtrabaho sa silid-aklatan o sa labas man ng paaralan. Mahihinuha natin dito na mas kaunti ang libreng oras ng mga estudyante ng kursong pang-aghamkesa sa mga estudyante ng mga kursong pang-sining (Sullivan, 2007).

Bagamat mas mahirap ang mga kursong pang-agham, ito naman ay sulit sapagkat mas maraming oportunidad ang naghihintay sa mga makakatapos nito; mas pinapaburan ng mga institusyon ang mga nakatapos ng science degrees (The Boston College Chronicles, 2006).

Mga Kursong Pang-Sining:

Ang mga ito naman ay sakop ng Bachelor of Arts degrees na nagbibigay ng mas maraming programa kaysa sa naunang mga kursong natalakay. Ang mga halimbawa nito ay major and minor in English, French, iba pang linguistics course, Psychology, Sociology, Philosophy, History, Religious Studies, at marami pang iba. Bagamat maituturing na mas malawak ang mga kursong pang-sining, ang pokus ng mga ito ay hikayatin ang mga estudyante na mag isip ng Malaya at maging mulat sa mga pangyayari sa komunidad at mundo sa kabuuan imbis na magpakadalubhasa sa kaalamang dulot ng agham (Sullivan, 2007). Karaniwan ng stereotype sa mga estudyanteng kumukuha ng ganitong kurso ang pagiging isang malikhain at masayahin. Ayon sa isang pag-aaral, ito ay dahil sa mas kaunti ang stress na nararanasan ng mga estudyane ng sining at mas mataas ang social life nila kaysa sa mga estudyante ng agham (Russel, 2008). Dagdag pa ni Russel, sa loob ng isang araw, hindi nakakulong sa loob ng silid-aralan ang mga estudyante ng kursong pangsining; ang iba y nakukuha pang magtrabaho at magliwaliw. Hindi naman maikakailang mas maliit ang oportunidad na naghihintay sa mga makakatapos nito. Ito ay dahil mas gusto ng mga employers kunin ang mga may mas matas na specialized knowledge sa isang bagay kagaya ng mga kumukuha ng kursong pang-agham (The Boston College Chronicles, 2007).

Ang parehong kurso ay madalas na matatapos ng apat na taon. Ngunit, may ilang mga programang tatlo o limang taon ang kailangang gugulin upang ito y matapos.

G. Iba Pang Pag-aaral Na Kaugnay sa Time Management


PAMAMAHALA NG ORAS PARA SA MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD

Para maging matagumpay sa kahit ano mang bagay, mahalaga ang pagkakaroon ng ideya ukol sa epektibong paraan ng pamamahala ng oras. Maraming magagandang benepisyo ang maibibigay ng mabisang pamamahala ng oras tulad ng pagtaas ng mga marka, pagbawas at pag-iwas sa stress at ang pananatili ng kumpentensya sa pagtahak ng karir.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maturuan ang mga mag-aaral na namamahala ng kanilang oras upang mapaghusay and kanilang akademiko at personal na perpormans. Tinatalakay rin nito ang mga stratehiyang sa pamamahala ng oras na makaktuulong sa pagbabago ng pananaw ng isang tao ukol sa oras, madadagdagan ang kamalayan ukol sa pagamit ng oras at ang pagawa ng mga pagbabago upang maabot ang pinakamagaling na perpormans.

Ang sentro ng mga stratehiya sa pamamamahala ng oras ay nakapaloob sa time management cycle.

Ito ay nagsisimula sa pagtatalaga ng mga mithiin. Ang mga mithiin ay kahit anong bagay na gusto mong makamit sa iyong buhay maging agaran, panandalian o matagalan man ito. Mahalaga rito na mabatid mo ang pangangailangan na gumawa ng mga pagbabago upang makamit mo ay iyong mithiin. Pumapailalim rin dito ang paghahati ng mga mithiin sa mga munting mithiin upang maging mas madali silang tahakin. Makatutulong ito sa pagmomonitor kung ikaw ay umaasenso o hindi. Higit sa lahat binibigyan ka nito ng gabay at na lahat ng iyong ginagawa ay konektado sa iyong mithiin.

Susunod ng pagbabantay sa mga oras na ginagamit at pag-unlad sa kamalayan kung paano ginagamit ng isang tao ang kanyang oras. Makatutulong sa pamamahala ng iyong oras kung alam mo kung saan mo ito ginagamit. Isang paraan upang magawa ito ay ang paggawa ng schedule at gamitin ito ng kabaliktaran, ibig sabihin, imbis na isulat mo ang iyong mga kailangang gawin, isusulat mo din dapat ang mga nagawa mo tuna. Makatutulong ito upang makita mo ang iyong mga nakagawian at maiakma ang ginagamit mong paraan ng pamamahala ng oras. Higit sa lahat ay mabibigyan ka nito ng buod ayon sa pagamit mo ng oras na makatutulong upang maintindihan mo kung gaano karaming panahon ang naigugugol mo sa iba t ibang bahagi ng iyong buhay at kung sakaling may bahagi na di mo nabibigyang pansin, mababahagian mo na ito ng oras. Ayon nga sa mga pag-aaral na nailimbag sa Estados Unidos at Canada, sa 168 na oras sa isang linggo, mga 84 na oras ang nagagamit sa mga BASICS tulad ng

pagtulog, pagkain, pagligo, pag-aayos sa sarili, at ang pagcocommute mula bahay hanggang paaralan at pabalik.

Kabilang din sa cycle na ito ang pagawa ng mga plano para sa hinaharap mga halimbawa nito ay ang pagawa ng mga to-do lists , lingguhan at buwanang balakin,

atbp. Layunin ng pagpaplano na maitala ang iyong mga desisyon kung sakaling may mangyari na hindi mo inaasahan. Ayon sa mga mananaliksik sa Yale university, ang oras na iyong ginagamit ay may kinalaman sa kalidad ng trabaho na iyong ginagawa. Ang mahalaga ay gumugol ka ng sapat na panahon sa eskwuela at masiguro na mataas pa rin ang iyong mga marka at makapaglaan ka rin ng sapat na panahon sa iyong mga personal na gawain. Sinisigurado nito na may balanse ka sa buhay. Ang paggamit ng mga listahan ng balakin ay isang kakayanan na nangangailang ng oras upang magkabisa. Ang paggawa ng mga balakin ay nagpopokus hindi sa pagawa ng perpektong plano kung hindi sa pagawa ng mga plano base sa mga natutunan mo sa iyong mga mabuti at masasamang karanasan at gamitin ang mga kaalaman mula dito upang mapabuti ang iyong pagtatrabaho.

Ang pinakamahalagang bahagi ng siklo ay ang pagmomonitor sa sarili. Kabilang sa minomonitor sa sarili ang pagpuna kung gaano kabuti ang pagsasagawa ng iyong mga plano at kung gaano ka akyureyt ang mga prediksyon mo sa mga kaganapan sa hinaharap. Binibigyang diin ng bahaging ito ang kahalagahan ng pagaakma.

Ang pinakahuling bahagi ng siklo ay ang paglilipat at ang pag-aayos ng oras kung saan binabago mo kung paano ginagamit ang oras upang mapalaki at tumugma ito sa gamit na iyong ninanais. Lahat ng bahagi ng siklong ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng iyong mga kakayanan sa pamamahala ng oras.

Ilan sa mga karaniwang mga problemang dinaranas ng mga estudyante ay ang pagsisimula, motibasyon, pagcocommute at ang mga breaks sa gitna ng mga klase. Ang mga mag-aaral ay nahihirapan magsimula dahil sa kanilang persepsyon sa gawain. Kabaliktaran sa inaakala ng mga mag-aaral ang motibasyon ay ang bunga at hindi

prerequisite ng isang gawain. Mahalaga na huwag magsayang ng bakanteng oras. Subukan lagyan ng mga gawain tulad ng pag-aaral ng mga notes sa biyahe imbis na nakatunganga lamang. Sa ganitong paraan natututo tayo ng unti-unti at gumagawa ng kapakipakinabang.

Ang mga tao ay nagpapaliban ng mga gawaing may kinalaman sa kanilang mga mithiin na nais nila makamit dahil ito ay nagbibigay ng panandaliang ginhawa sa mga nakaiistress nagawain. Kadalasang ang mga tao ay naglalaan ng oras sa mga madadaling gawain kaysa sa mahihirap na gawain.

Ngunit mahalaga ring ilagay sa isip na hindi dapat magtalaga ng mga expektasyon na hindi makatotohanan at maglayon na maging perpekto sapagkat mauuwi lamang ito sa pagpalpak at mas lalong hindi makatatapos ng trabaho. Tandaan na ang mahalaga ay makagamit ka ng isang plano na makakatulong sa pagkamit ng iyong mga layunin. Higit sa lahat ito ay hindi mabilisang proseso, nangangailang ito ng panahon.

Ang pamamahala ng oras ay isang iteratibong proseso. Ang paggamit ng siklo ay unti-unting bubuo ng iyong mga mithiin, nagpapatalas ng iyong kamalayan sa paggamit ng oras at napagbubuti ang iyong mga kakayanan sa pagpaplano. Ginagawa ka nitong well-rounded at mas natututo sa mga karanasan sapagkat maiaakma mo ang iyong mga plano depende sa panahon. Higit sa lahat binibigyan tayo nito ng kumpiyansa at tiwala sa sarili sapagkat alam mong palapit ka na sa iyong mithiin. Ang pamamahala ng oras ay hindi lamang isang kasanayang pang-eskwela kung hindi para rin sa pamamahala ng sarili. Pareho silang magiging kakayanan na malaki ang mabubuhat sa tagumpay mo sa hinanarap.

III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik A. Metodolohiya

1. Instrumento

Ang pahambing na pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Gumawa ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyoneyr na sumusukat sa mga bagay bagay na may kinalaman sa pamamahala ng oras upang maihambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga mag-aaral sa mga kursong pansining at mga kursong pang-agham pagdating sa paggamit ng kanilang oras. Nahahati sa pitong bahagi ang sarbey-kwestyoneyr. Ang mga bahagi ay personal na datos, sariling pananaw ukol sa pansariling pamamahala ng oras, impormasyong pang-akademiko, pag-aaral o pagrerebyu ng mga aralin at paggawa ng proyekto o requirements , pamamahinga at pampalipas oras, transportasyon ,at. pakikibahagi sa lipunana o relasyon sa ibang tao.

Sa bahaging personal na datos, malalaman ang edad ng mag-aaral Malalaman rin ang kurso ng mag-aaral, maging kung anong taon na siya sa kolehiyo. Opsyunal ang pagsulat ng pangalan upang maprotektahan ang interes ng respondyante at paggalang na rin sa pribado nilang buhay.

Sa bahaging sariling pananaw ukol sa pansariling pamamahala ng oras, malalaman ang pananaw ng mga mag-aaral ukol sa pagka-epektibo at pagka-episyente ng kanilang pamamahala ng oras at mga kadahilanan sa nasabing sagot. Masusukat

ang paraan ng pamamahala ng oras sa mga tanong ukol sa paggawa ng listahan, sa oras ng pagdating sa appointment, paggawa ng proyekto o takdang aralin, paraan ng pag-aaral, at pagbibigay ng gantimpala sa sarili kung epektibo ang paggamit sa oras nila. Sinukat rin ang haba ng oras na nilalaan ng mga mag-aaral sa mga karaniwang gawain sa araw araw ng mga mag-aaral. Sa bahaging ito, malayang maipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang sagot.

Sa bahagi ukol sa impormasyong akademiko, malalaman ang bilang ng asignatura at units ng kurso ng mag-aaaral dahil may kinalaman ito sa kung paano nila paglalaanan ng oras ang pag-aaral. Tinanaong rin ang mga organisasyong

kinabibilangan, kung mayroon man, para malaman kung naglalaan sila ng oras para sa mga bagay sa kolehiyo maliban sa kanilang pag-aaral.

Sa bahaging pag-aaral o pagrerebyu ng mga aralin at paggawa ng proyekto o requirements, tinanong ang paraan ng pagtuturo ng guro spagkat may relasyon ito sa paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral na pinaglalaaanan rin nila ng oras. Sinukat rin kung saan at kalian ginagawa ng mga mag-aaral ang mga takdang-aralin. Malalaman kung maaga ba nila ito ginagawa o inaapura ba nila ito. Sinukat rin ang mga kagamitan sa pag-aaral na karaniwang ginagamit.

Sa bahaging pamamahinga at pampalipas oras, naitanong kung gaano karami ang libreng oras ng mga mag-aarl para sa paglilibang. Tinanong rin kung paano nila ito giagamit at kung anu-ano ang libangan nila..

Sa bahaging transportasyon, sinukat kung madalas bang mahuli sa klase ang mga mag-aaral. Sa pag-aaral nito, sinali ang lugar kung saan nakatira at kung paano nakakarating sa unibersidad upang mahinuha ang pamamahala nila ng oras.

Sa huling bahagi na ukol sa pakikibahagi sa lipunana o relasyon sa ibang tao, natanong ang relihiyon, paraan ng pagsamba at kung ilang oras ba ang nilalaan dito ng pag-aaral. Natanong rin ang relasyon sa ibang tao.

Ang sarbey-kwesyoner ay nabuo sa pamamagitan ng pagkuha ng impormasyon mula sa mga nauna ng pag-aaral sa pamamahala ng oras. Sumangguni rin sa mga nagawa ng kwestyoneyr at inihambing ang nagawa dito. Gumamit rin ng hanguang elektroniko para sa pagbuo ng mga tanung

2.Respondente/ sabjek

Ang napiling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa ikalawang semestre ng taong akademiko 2007-2008. Para sa mga kursong pansining, pinili ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Narsing at Parmasya. Ang mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Fine Arts at Konserbatoryo ng Musika ang pinili para kumatawan sa kursong pansining.

Hinati sa dalawang pangkat nang tig-iisang daan ng mga estudyante ang mga respondente.. Sa bawat pangkat may tigdaladalawang grupo. Sa pamamagitan ng random sampling ay kumuha ng tiglilimampung mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Narsing, Parmasya, Kolehiyo ng Fine Arts at Konserbatoryo ng Musika upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat grupo. Pakalat lang na pinili ang

respondente sa iba t-ibang taon. Siniguro ng mga mananaliksik na mayroong mga magaaral na kakatawan sa iba t ibang taon. Binubuo ng 200 katao ang lahat ng mga respondente sa pag-aaral

B. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Mapapansin na halos magkatulad ang pananaw sa pamamahala ng oras ng mga mag-aaral ng mga kursong pansining sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham. Hindi nagkakalayo ang bilang ng mga mag-aaral na nagsasabing may epektibo silang pamamahala ng oras sa mga nagsasabing hindi epektibo ang pamamahala nila ng kanilang oras sa parehong kurso. Nakakalamang lamang ng hindi hihigit sa pito ang nagsasabing epektibo ang pamamahala nila ng oras. Ang mga kadahilanang nabanggit ng mga mag-aaral sa parehong kurso ay nasa talahanayan sa baba:

Mga Dahilan ng mga Mag-aaral ng mga Kursong Pansining sa Kanilang Pananaw sa Pagka-epektibo ng Pamamahala ng Kanilang Oras Oo Minsan Hindi 1. Nagagawa ang lahat ng 1. May mga panahon na 1. hindi nasususnod dapat gawin nasasayang ang oras sa angschedule 2. Nagagawa ang gusto sa ibang gawain 2. kulang sa oras para sa libreng oras 2. minsan tinatamad napakadaming trabaho 3. Nasususnod ang mga 3. Pagsulputan ng mga nakaplanong gawain hindi inaasahang gawain 4. pinalaking time 4. distraksyon tulad lang consciousng magulan telebisyon at lakad ng barkada 5. laging cramming 6. katamaran Mga Dahilan ng mga Mag-aaral ng mga Kursong Pang-agham sa Kanilang Pananaw sa Pagka-epektibo ng Pamamahala ng Kanilang Oras Oo Minsan Hindi 1. Nagagawa ang lahat ng 1. depende sa dami ng 1. hindi nasususnod dapat gawin sa itinakdang gawain angschedule oras 2. hindi laging nasusunod 2. kulang sa oras para sa napakadaming trabaho 2. hinahati ang kailangan ang plano o schedule gawin sa parte 3. Pagsulputan ng mga hindi inaasahang gawain 3. Nakaplano lahat ng 4. distraksyon tulad lang gagawin telebisyon at lakad ng 4.may libreng oras barkada 5. laging cramming 6. katamaran 7. walang oras na magpahinga

Sa mga dahilan na nabanggit, makikita na basehan ng maraming mag-aaral sa pagka-episyente sa pamamahala ng oras ay kung natatapos nila ang mga gawain sa tamang oras at kung may libreng oras pa sila na gawin ang iba pang bagay na gusto nila. Ang paggawa listahan at pagsunod dito ay isa rin sa kanilang basehan. Kapansinpansin na ang dahilan ng nakararaming nagsasabing hindi epektibo ang pamamahala nila ng kanilang oras ay ang hindi pagtapos sa gawain sa tamang panahon, cramming,

kawalan ng pahinga, katamaran, at distraksyon tulad ng telebisyon at gimmick kasama ang mga kaibigan.

Lumalabas sa sarbey na sa dalawang pangkat ng mga respondente ay marami ang gumagamit ng listahan bilang paraan ng pamamahala ng oras nila. Kung ihahambing, mas marami ang hindi gumagamit ng listahan sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining sa mga hindi gumagamit sa kursong pang-agham. Karaniwan sa mga uri ng listahan ay ang mga organizers. Malaki raw ang naitutulong ng organizers sa pagpapaalala ng mga gawain at paglalaan ng oras sa lahat ng bagay na dapat gawin, sa gayon, ay walang masasayang na oras. Planado na nila ang kanilang gagawin. Ang mga sumagot ng hindi ay nagsasabing walang silbi ang paggawa ng listahan dahil hindi ito nakatutulong at hindi rin naman ito nasusunod.

Makikita na marami sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang hinahati sa mga parte ang kanilang mga gawain lalo na ang kailangang pagaaralan. Mataas rin naman ang bilang ng mga mag-aaral sa mga kursong pansining na naghahati ng mga gawain ngunit mapapansin na 11 ang nagsabing minsan, na kung ikukumpara sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ,ay isa lamang. Nabanggit ng mga mag-aaral sa mga kursong pansining na nagsabing minsan na may mga gawain na hind maaaring hatiin dahil mawawalan ng saysay tulad ng pagsulat ng awit o pagguhit. Mabuti raw na hatiin sa parte ang mga gawain upang mabilis na matapos ang mga ito at magkakaroon pa ng panahon upang maisaayos ang mga mali. Sa cramming kasi, naisasakripisyo ang kalidad ng trabaho.

Marami sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining ang nagsasabing hindi nila sinasarbey ang libro bago magsimulang magbasa. Ang pangunahing dahilan ng mga nagsasabing hindi ay sayang lamang ito sa oras. Sa nagsasabing oo, mas marami ang mula sa mga kursong pang-agham. Dahilan ng mga nagsasabing oo, ay malalaman nila kung gaano kahaba ang kailangang babasahin nang sa gayon ay mapaglaanan nila ito ng panahon. Makatitipid raw ito sa oras at nagbibigay direksyon sa pagbabasa. Sa haba ng kailangang basahin, mapipili lamang ang mahahalaga na makatitipid din sa oras.

Parehong sinisimulan ng mga mag-aaral sa mga kursong pang-agham at mga kursong pansining ang kanilang mga gawain ilang araw bago mag pasahan. Sumusunod ang nagsasabing pagkabigay pa lamang ng gawain ay sinisimulan na nila ito. May mga nagsasabi rin namang ginagawa lamang nila ang mga gawain ilang oras bago ang pasahan. Karaniwan nilang ginagawa ang mga gawain sa bahay.

Mas mataas sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang hindi nahuhuli sa klase kung ikukumpara sa mga mag-aaral sa mga kursong pansining. 58% ng mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang hindi nahuhuli habang 49% lamang ang mga mag-aaral sa mga kursong pansining ang hindi nahuhuli sa klase.

Karamihan sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang minsan lamang nakapaglilibang at ito y 84% ng kabuuan. Mas madalas maglibang ang mga mag-aaral sa mga kursong pansining na umaabot sa 42% habang 14% lamang ng mga mag-aaral sa mga kursong pang-agham ang nagsasabing madalas silang maglibang. Karamihan sa mga libangan ay ang kompyuter, gimmick kasama ang mga kaibigan, telebisyon, at tulog.

Mas nakararami ang nagsasabing sapat na ang oras ng kanilang paglilibang sa mg mag-aaral ng mga kursong pansining. Sa kabilang banda, mas nakararami ang nagsasabing hindi sapat ang oras ng kanilang paglilibang sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham kung ikukumpara sa nagsasabing hindi sapat sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining.

Makikita na mas marami sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang nagsasabing hindi nila ginagantimpalaan ang kanilang sarili kung ikukumpara sa mga mag-aaral ng kursong pansining. Pantay lamang ang mga mag-aaral na nagsasabing ginagantimpalaan nila ang kanilang sarili. Ayon sa mga mag-aaral na nagsasabing ginagantimpalaan nila ang kanilang sarili tuwing nagiging epektibo ang pamamahala nila ng oras, ginagawa nila ito dahil nagbibigay ito ng kasiyahan at na nararapat lamang ito dahil pinaghirapan nilang matapos ang gawain sa takdang panahon. Nanghihikayat din daw ito na gawin ng mabuti at tama ang mga susunod pang gawain.

Makikita na mas marami sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang may kinabibilangang organisasyon kaysa sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining. Mas nakalalamang naman ang walang kinabibilangang organisasyon sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining kung ikukumpara sa mga mag-aaral ng mga kursong pangagham.

Gawain

1.Pagtulog 2. Pagkain 3. Pansariling Kalinisan 4. Pagtatrabaho/Gawaing-bahay 5. Pagbiyahe 6. Klase 7. Libreng Oras 8. Silid-aklatan/Rebyu 9. Internet 10.Pampalakasan 11. Organisasyon 12. Libangan 13.Pamilya 14. Pakikisalamuha sa mga Kaibigan 15. Kasintahan 16. "texting" at pagtawag sa telepono

Bilang ng Oras na Ginagamit Kursong pangKursong pansining agham 6-9 oras 6-9 oras hindi hihigit 1-3 oras sa isang oras hindi hihigit sa isang 1-3 oras oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 6-9 oras 3-6 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras walang oras walang oras walang oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras 1-3 oras wala walang oras 1-3 oras wala 1-3 oras

Mapapansing magkapareho lamang ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa karamihan ng mga gawain. Nagkakaiba lamang sila sa iilang aspeto. Una, mas matagal ang inilalaang panahon ng mga mag-aaral ng mga kursong pangagham sa pansariling kalinisan, pampalakasan at texting kung ikukumpara sa mga mag-aaral ng mga kursong pansisning. Habang mas matagal naman ang inilalaang panahon ng mga mag-aaral ng mga kursong pansining sa pagkain kaysa sa mga mag-aaral ng mga kursong pangagham.

Ayon sa aming sarbey, 74% lamang ng mga mag-aaral ng mga kursong pansining ang nagsasabing naniniwala silang nakatutulong ang pamamahala ang oras sa pagtapos ng anumang gawain habang mas malaki na 86% naman ang mga magaaral ng mga kursong pang-agham na nagsasabi ng parehong pananaw. Nasabi nila ito sa mga kadahilanang naktitipid ito ng oras at na nagbibigay ito ng sapat na panahon upang mapansin ang mga mali at masolusyonan ang mga ito. Kapansinpansin din na mas madaming mag-aaral ng mga kursong pansining ang nagsasabing minsan lamang nakatutulong ang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain sa mga kadahilanang hindi naman nila ito nasusunod at na minsan ay tinatamad sila o nakalilimutan.

IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga mag-aaral ng mga kursong pansining at ng mga mag-aaral ng mga kusong pang-agham ng Unibersidad ng Santo Tomas hinggil sa kani-kanilang Time Management .

Napapaloob din sa pag-aaral na ito ang mga damdamin, pananaw at saloobin ng mga mag-aaral ukol sa kanilang Time Management. Pati na rin ang mga problemang kinahaharap ng mga mag-aaral ukol dito.

Ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa ___ respodente. ___ respondente na kumukuha ng kursong Narsing, ___ respodente na kumukuha ng kursong Pharmacy, ___ respondente na kumukuha ng kursong Arkitektura at ___ respodente na kumukuha ng kursong Musika. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong-akademiko 2007-2008.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

1. Ang sukatan ng mga mag-aaral sa pagiging epektibo ng kanilang pamamahala ng oras ay kung nagagawa nila ang mga dapat, pati na rin ang mga gusto nilang gawin sa itinakdang oras.

2. Karamihan ng mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham ang may pananaw na nakatutulong ang pamamahala ng oras sa pagtapos ng kanilang gawain.

3. Habang mas madalas na nagcra-cramming ang mga mag-aaral ng mga kursong pansining upang matapos ang kanilang mga gawain dahil hindi sila naniniwalang may maitutulong pang pamamahala ng oras sa pagtapos ng mga gawain.

4. Mas organized ang

mga

mag-aaral

ng

mga

kursong

pang-agham

kung

ihahambing sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining.

5. Mas on time ang mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham kung ikukumpara sa mga mag-aaral ng mga kursong pansining.

6. Hindi sapat ang panahong inilalaan ng mga mag-aaral ng mga kursong pangagham sa paglilibang habang sapat o sobra-sobra naman ang panahon na inilalaan ng mga mag-aaral ng mga kursong pansining dito.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Para sa mga mag-aaral ng mga kursong pang-agaham, tularan ang mga magaaral ng mga kursong pansining sa paglalaanan ng sapat na panahon sa paglilibang upang ganitimpalaan ang sarili sa mga gawaing matagumpay na naisasagawa dahil sa epektibong pamamahala ng oras.

2. Para sa mga mag-aaral ng mga kursong pangsining, tularan ang mga mag-aaral ng mga kursong pang-agham sa paggamit ng mgaaids sa pamamahala ng oras dahil nakatutulong ito hindi lamang upang makaiwas sa cramming kundi upang mapaglaanan ng sapat na panahon ang mga gawain. Ang sapat na panahon ay

nangangahulugang may panahon pa silang mapansin at maitama ang mgamali kung mayroon man sa kanilang ginagawa.

3. Para sa iba pang mananaliksik ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang relevant na mga datos o impormasyong maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pamamahala ng oras ng mga mag-aaral at/o iba pang tao.

Bibliografiya
Allen, D. (2001). Time management. Hinango noong Pebrero, 2008 mula sa www. Wqikepedia.com. Chapman, A. (1995). Time management techniques and systems. Nakuha noong Marso 1, 2008 mula sahttp://www.businessballs.com/timemanagement.htm Constande R. (2007). Master Your Time: Strategies for Making the Most of Your Time. Effexis Software. Kinuha noong Pebrero 25 2007 mula sa Http:/www.masteryourtimenow.com Constandse, R. (2004). Common Time Management Problems at the Project/Task Management Level. Nakuha noong Marso 1, 2008 mula

sa http://www.timethoughts.com/timemanagement/ProjectTaskTimeManagemen tLevelCommonProblems.htm Covey, S. R. (1989). The Seven Habits Of Highly Effective People. USA: Free Press. Cue, K. (2005, Pebrero 1). Thirteen timely tips for more effective time management. Hinango noong Enero, 2008 mula sahttp://www.typepad/t/trackback/2016/1757814 Gortner-Lahmers, A., & Zulauf, C.R. (2000). Factors associated with academic time use and academic performance of college students: A recursive approach. Journal of College Student Development. 41(5), 544-556. Jennifer(2006, Apr. 11). Time Management and the Affects it Can Have on Your Life Mensaheng inilathala sa http://www.associatedcontent.com/article/26787/time_management_and_the_affec ts_it.html Learning and Academic Resources in the School of Learning Resources, Teaching and Technologies. (n.d.) Resources and Tools for Distance Learning Students. Nakuha noong Marso 1, 2008 mula sa http://de.lbcc.edu/resources_tools/time_mgmt.html#
Life Positive. Effective time management. Hinango noong March 7,2008, mula sa http://www.lifepositive.com/Mind/psychology/stress/time-management-skills.asp

Pascucci, M. (2006). Campus Calm: 5 Stress Busters Every Students Needs Now. Kinuha noong Pebrero 2007 mula sa http:/www.campuscalm.com/time_management.html Pascucci, M. (2006). Campus Calm: 5 Time Management Tips to Calm College Student Stress. Kinuha noong Pebrero 2007 mula sa http:/www.campuscalm.com/time_management.html

Pascucci, M. (2006). Campus Calm: Time management Tips for College Students. Kinuha noong Pebrero 2007 mula sa http:/www.campuscalm.com/time_management.html Russel, M. (2008). Bachelor degree BA vs. BS. Retrieved

from http://ezinearticles.com/?Bachelor-Degree---BA-Vs.-BS&id=272581 onMarch 08, 2008. Sullivan, M. (2007). Bachelor of arts? or science? It s all a matter of

degrees. The Boston College Chronicles, 3, 12-13. Time Management. (2008).Hinango noong pebrero, 2008 mula sa www. Time thoughts.com
Time management. Hinango noong March 7,2008, mula sa http://www.clemson.edu/collegeskills/sec2pg1.htm

Tracy, B. (2003). Managing Your Time. Nakuha noong Marso 1, 2008 mula sa http://www.time-management-tools.com
Waldvogel, J. (2000).Time Management. Hinango noong March 7,2008, mula sa http://www.clemson.edu/collegeskills/sec2pg1.htm

Ward. (2008). Time management. Hinago noong Enero, 2008 mula sa www. yahoo.com. http://en.wikipedia.org/wiki/Bachelor_of_Science

GO BACK

You might also like