You are on page 1of 4

PAMAMARAANG MODULAR DISTANCE LEARNING AT ANG ANTAS NG

PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA MGA ARALIN SA FILIPINO SA IKA-10


BAITANG SA PILING PAARALAN NG TAGUM COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH
SCHOOL.

NUTRISYONAL NA ESTADO AT ANG ANTAS NG PANG-AKADEMIKONG GAWAIN


NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG SA PILING PAARALAN NG TAGUM
COMPREHENSIVE NATIONAL HIGH SCHOOL.

PAMAMARAANG PANOOD AT ANG ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA GAWAIN


SA IKA-10 BAITANG SA PILING PAARALAN NG TAGUM COMPREHENSIVE
NATIONAL HIGH SCHOOL.

NORELYN D. EDPALINA
DECERIE C. CAMPANO
NELJAY PASIGNASIGNA
SEPTEMBER 2021
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito at naglalayong ma determina ang Pamamaraang Modular


Distance Learning at ang Antas ng Pagkakatuto ng mga mag-aaral sa mga aralin sa
Filipino sa ika-10 baitang sa piling paaralan ng Tagum Comprehensive National High
School.

Sa pag-aaral na ito ang mga mahahalagang katanungan na nabigyan ng tugon


ay ang mga sumusunod:
1. Ano ang antas ng Pamamaraang Modular Distance Learning ayon sa;
1.1 Printed Module
1.2 Digital Module

2. Ano ang antas ng Pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga aralin sa Filipino


ayon sa;
2.1 Self-Learning Modules (SLM)
2.2 Most Essential Learning Competencies (MELC

3. May makabuluhan bang pagkakaiba ang Pamamaraang Modular Distance


Learning kung susuriin ayon sa;

3.1 seksyon; at
3.2 kasarian?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pagkatuto


ng mga mag-aaral kung susuriin ayon sa;

4.1 seksyon; at
4.2 kasarian?

5. May makabuluhan bang kaugnayan ang Pamamaraang Modular Distance


Learning at ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga aralin sa
Filipino sa ika-10 baitang sa piling paaralan ng Tagum Comprehensive
National High School?

Mga Hinuha
Ang mga sumusunod na hinuha ay sinuri gamit ang 0.05 antas ng makabuluhang
pagkakaiba at pakakaugnay.

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang Pamamaraang Modular Distance


Learning kung susuriin ayon sa seksyon at kasarian.
2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagkatuto ng mga mag-
aaral sa mga aralin sa Filipino ayon sa seksyon at kasarian.
3. Walang makabuluhang kaugnayan ang Pamamaraang Modular Distance
Learning sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga aralin sa Filipino
sa ika-10 baitang sa piling paaralan ng Tagum Comprehensive National High
School.
Pamamaraang Modular Antas ng Pagkatuto
Distance Learning Malayang Baryabol  Self-Learning Modules (SLM)
 Printed Module  Most Essential Learning
 Digital Module Competencies (MELC

Di – Malayang Baryabol

Tagapagitang Baryabol

Pigura 1. Konseptual na Balangkas ng Pag-aaral

Konseptual na Balangkas ng Pag-aaral

Saklaw ng pag-aaral na ito ang konseptuwal na literatura at mga kaugnay nap


ag-aaral na kinapapalooban ng mga local at banyagang pag-aaral. Kasama ang
konseptuwak na balangkas at pagbibigay katuturang ng mga salitang ginagamit sap ag-
aaral na ito.
Ang distance learning ay maaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng
computer, smartphones at internet o kilala rin bilang online distance learning,”
paliwanag ng opisyal. Ang modular na pag-aaral ay isang uri ng distance learning na
ginagamit ang Self-Learning Modules (SLM) base sa Most Essential Competencies
(MELC) na ibinigay ng DepEd. Ito ay naglalaman ng pagganyak at pagtatasa na
nagsilbing isang kumpletong gabay ng guro at mag-aaral na nais matamo ang
kakayahan. Susubaybayan ng mga guro ang pag-usad ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbisita sa bahay (pagsunod sa mga social distancing protocol), at
mga tugon, at gagabay sa mga nangangailan ng espesyal na pansin. Manlangit et.al,
(2020)
Kinikilala ang pangangailangan na palawakin ang mga pagpipilian sa edukasyon
para sa mga mag-aaral, ang mga unibersidad ay nagsimulang maging inobatibo,
lumikha ng mga bagong paraan upang maibukas ang mga degree at bumuo ng mga di-
linear, modular career at daan tungo sa pagkamit ng edukasyon. Sa pamamagitan ng
istilong ito ng modular na edukasyon, maaari matuto ng mga bagong kasanayan at
kaalaman sa maliit na mga tipak – na nagpapalita ng napakalaking halaga anuman ang
iyong nasimulan, natamo, o mag-explore ng mga bagong karera nang hindi inilalagay
nang matagal ang mga gawain, Yoyce, (2020).

Ayon naman kay Ambayon,(2020) sa modular na pagtuturo, natututo ang mga


mag-aaral sa kanilang sariling hakbang o pamamaraan. Ito ay nakakatulong sa mga
mag-aaral upang mabigyan ng mahabang pagkakataong masagot ang mga gawain. Sa
paraang ito ng pagtuturo kailangang bigyan ng sapat na pagsasanay ang mga guro
tungkol sa kung paano gagamitin at ipapatupad sa loob ng klase.

“Ang mga distance learning mode na ito ay higit na nangangailangan ng suporta


at gabay ng mga magulang o guardian ng bata,” pagbibigay – diin ni Dr. Capa.

You might also like