You are on page 1of 3

Marc Zarate IV Exodus Filipino (Written Report)

11-15-11 Mr. Marquez

Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

Talasalitaan:

1. alintana pansin 2. tututulan tatanggihan 3. mag-aambag magbibigay ng abuloy 4. paurong pasama ang kalagayan ng panahon 5. sagabal hadlang 6. namula napahiya 7. umiral namayani 8. sumugat nakasakit 9. nasadlak napahamak 10. makihalubilo makisama

Mga Tauhan:

1. Basilio Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. 2. Isagani Ang makatang kasintahan ni Paulita at pamangkin ni Padre Florentino. 3. Simoun - Ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. 4. Padre Florentino - Ang amain ni Isagani. 5. Kapitan Basilio Kapitan ng bapor.

Buod:

Pinag-uusapan nina Basilio, Kapitan Basilio at Isagani ang ukol sa kalagayan ni Kapitan Tiago at ng Akademya ng Wikang Kastila. Hindi nila nahimok si Kapitan Basilio na maitatag ang Akademya ng Wikang Kastila. Hinamak ni Simoun ang mga kababayan ni Isagani na ikinagalit ng huli nang sabihin mahirap ang bayan nito. Hinangaan ni Simoun ang dalawang binata sa kanilang pangangatwiran. Isinalaysay ang kasaysayan ng pagpapari ni Padre Florentino at ang pangangalaga nito sa kanyang karangalan.

Mga Tanong:

1. Sino ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli? - Basilio 2. Sino ang makatang kasintahan ni Paulita at pamangkin ni Padre Florentino? - Isagani 3. Sino ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway? - Simoun 4. Sino ang amain ni Isagani? - Padre Florentino 5. Sino ang kapitan ng bapor? - Kapitan Basilio 6. Ano ang kahulugan ng nasadlak? - napahamak 7. Ano ang kahulugan ng alintana? - pansin 8. Ano ang kahulugan ng paurong? - pasama ang kalagayan ng panahon 9. Ano ang kahulugan ng mag-aambag? - magbibigay ng abuloy

10. Ano ang kahulugan ng umiral? - namayani

You might also like