You are on page 1of 33

INCOMPLETE ANNOTATION AND UNCORRECTED PROOF KABANATA 24 MGA PANGARAP Amor, que astro eres!

1 Nang kinabukasan, isang araw ng Huwebes, bago lumubog ang araw ay naglalakad si Isagani sa liwaliwang Maria Cristina na tungo sa Malecon, upang pumunta sa itinipan sa kanya ni Paulita nang umagang iyon.2 Walang pag-aalinlangan ang binata na ang kanilang pag-uusapan ay ang nangyari sa gabing nagdaan, at sa dahilang siyay handang hingan ng paliwanag ng binibini at alam niya ang pagkamataas at ugaling matigas nito ay inaasahan na ang isang pagkakasira.3 Dahil sa pagbabakasakaling ito ay dinala niya ang dalawang bugtong na sulat ni Paulita, dalawang kaputol na papel, na bahagyang kinatatalaan ng ilang talatang madalian ang pagkakatitik na may ilang bura at di lubhang ayos ang pagkakasulat, mga bagay na hindi nakahadlang upang ang mga iyon ay pakaingatan ng binatang nangingibig, higit pa sa kung silay naging mga sulat ni Safo o ng musa Polimnia.4

MGA PALIWANAG 1 Pag-ibig, na bituin ka? Sa panimula pa lamang ng siniping kasabihan para sa kabanata ay nagpaparamdam na si Rizal na ang bahaging ito ay mayroon siyang babaeng pinatutungkulan. 2 Nakapangingilabot na ang kalsadang inilalarawan rito ni Rizal kung saan siya magmumula si Isagani na tatahak ng kalsada ng Malecon patungo sa Luneta ay siya ring kalsada na tatahakin ng may-akda patungo sa kaniyang kamatayan sa Luneta. Marami pa tayong makikita sa kabanatang ito na waring mayroon ng premonisyon si Rizal sa nasabing lugar. 3 Ang pag-iingat ni Isagani sa dalawang sulay ni Paulita ay maaring maging higit pa sa sulat ng iba pang babae. Katunayan para kay Isagani ay magiging labis pa sa magiging pag-iingat sa sulat nina Sappho ang dakilang makatang babae ng Gresya at kay Polyhymnia ang musa ng mga sagradong musika (ang literal na kahulugan ng kaniyang pangalan ay maraming himno) . 4 Pansinin ang deskripsiyon ni Rizal sa mga sulat ni Paulita at mga pagkakatulad nito sa sulat ni Leonor Rivera.

y y y

Nakakatuwang isipin na ang dalawa lamang ang personal na sulat ni Leonor Rivera, ang naiingatan pa hanggang ngayon mula sa mga kalipunan ng mga sulat ni Rizal. Pansinin ang mga sumusunod: Ang hindi maayos na takbo ng kaisipan sa mga sulat na ito. Ang hindi maayos na pagsulat at bura Ang mga petsa ng dalawang sulat.

Manila, 2 January 1881 Esteemed Friend, I received your letter dated 30 of last Month and I am informed of its contents. If I have not answered your letters it was not because I am bored corresponding with you. In fact twice I wrote replies, but on the day I id so nobody came to visit me at the college, [01] so I destroyed them, and besides I was already embarrassed. I am doubtful if the letter is yours because the signature is different. Perhaps you have put another name, fearing that I might despise it and if I despise it, it will not be your name that will be despised but somebody elses. If that is what you think, you are mistaken for you do not know how glad I am when I receive one of your dear letters; but you did well in putting another name in case, as you say, it may fall into the hands of strangers. Command your servant who kisses your hand, Taimis Manila, 28 December 1881 Esteemed Jose, I would be glad if on the receipt of this you are in good health and happy. I was very much surprised that you had a letter for Papa and none for me; but at first, when they told me about it, I did not believe it, because I did not expect that a person like you would do such a thing. But later I was convinced that you are like a newly opened rose, very flushed and fragrant at the beginning, but afterwards it begins to wither. Before, however, when I did not write you, you wrote me, but now no more. It seems that you have imitated my example when I went to Antipolo 1 and you have done wrong because I was not at my own house, and besides you know very well that you cannot hide any thing from those girls. I could very well write to Papa, but in order that you might not say anything, I did not, though Mama had ordered me to do so. You cannot have these pretexts because you are at your home and nobody meddles with you. Truly I tell you that I am very resentful for what you have done and for another thing that I will tell you later when you come.

Ang desisyon na isakrispisyo ang pag-ibig, sa ngalan ng karangalan, ang kamalayan na magsakripisyo sa ikatutupad ng tawag ng isang katungkulan,5 ay hindi nakapigil na sumalakay kay Isagani ang isang matinding kalungkutan at makapagpaalaala sa kanya ng magagandang umaga at mga gabing lalo pa manding magaganda, na silang dalaway nagbubulungan ng matatamis na kahangalan sa mga pagitan ng bulaklakang rehas ng entresuelo,6 mga kahangalang sa ganang binata ay may kahulugan at katuturan na waring sila ang mga tanging salita na dapat pakinggan ng lalong mataas na pang-unawa ng tao.7 Inaala-ala pa ni Isagani ang mga paglalakad nila, ang mga gabing may buwan, ang perya, ang mga madalingaraw ng Disyembre, matapos ang misa de gallo, ang agua bendita na karaniwang kanyang iniaabot at pinasasalamatan naman ng binibini sa pamamagitan ng isang tinging puno ng isang buong pagsinta, at kapwa sila nangingilabot pagtatama ng kanilang mga daliri. Matutunog na buntunghininga na waring maliliit na kuwitis ang pumupulas sa kanyang dibdib, at sumasalagimsim sa kanya ang lahat ng banggit ng mga makatat manunulat, tungkol sa pagkasalawahan ng babae.8 Sa loob niyang sariliy isinusumpa ang pagkakatayo ng mga dulaan, ang operetang Pranses; ipinangangakong gagantihan niya si Pelaez sa lalong madaling panahon. Lahat ng nasa paligid ay waring malungkot at maiitim ang kulay sa ganang
Excuse the writing and all the mistakes you find in it. Command at your pleasure your true servant who kisses your hand, TAIMIS -----Paul ITA goMEZ nagkataon lang kaya o talagang sinasadya 5 Ipinakita ni Rizal na si Isagani ay nakahanda na isakripisyo ang kaniyang pag-ibig para sa isang tungkulin. Isang anyo ng pagpapaliwanag ng kaniyang nararamdaman sa babaeng kaniyang minamahal. Nagpapatunay na ang mga bahagi ng Kabanatang ito ay personal na ipinatutungkol niya kay Leonor Rivera. 6 Mga bulaklakang rehas ng enstranswelo - simbolismo ng pag-ibig na may hadlang, subalit puwedeng malusutan, kung may lakas ka na ito ay hawiin. 7 May mga taong tumututol sa pag-iibigan ni Paulita at Isagani. 8 Nakakaramdam ng kawalan ng seguridad sa pag-ibig ng kaniyang minamahal. Ang lalaking nagmamahal ay mayroong konbiksiyon na sa kaniya lamang nakalaan ang pag-ibig ng kaniyang kapareha sa buhay. Sa panahon ng pagkasira ng relasyon ay nagiging totoo ang mga sinasabi na ang salawahan ay hindi lamang para sa mga lalaki.

kanya; ang dagatan ay ulilat nag-iisa, lalo pa manding wariy nag-iisa dahil sa kadalangan ng mga barko na nakatigil doon; ang araw ay lulubog sa likuran ng Mariveles nang walang anumang kagandahan at kariktan, wala ang mga ulap na sarisari ang ayos at mayaman sa kulay ng mga hapong magaganda; 9 ang monumento ni Anda, na walang kaayus-ayos, maralitat bagol, na walang anyo, walang kalakhan; wari ay isang sorbetes o mabuti na ang maging isang pastel;10 ang mga ginoong nangagliliwaliw sa Malecon, kahit na may mga anyong nasisiyahan at masasaya ay waring masusungit, mapagmataas at mga hambog sa ganang kaya; malilikot at walang pinag-aralan ang mga batang naglalaro sa dalampasigan na pinatatalon sa alon ng mga batong lapad sa tabi ng dagat, o kayay nangaghahanap sa buhanginan ng mga suso at kukomo na hinuhuli nang walang patumangga at pinapatay nang wala namang pakinabang; sa isang sabi, pati na ang walang katapusang paggawa ng daungan, na pinatungkulan niya ng mahigit sa tatlong tula, ay waring isang bagay na walang kabuluhan, kahalay-halay, gawang bata, sa ganang kanya. Ang daungan, ah! ang puerto ng Maynila, isang bastardo na mulat sapul nang ipaglihi, ay nagpaluha na sa lahat dahil sa pangunguntit kahihiyan!11 Kung mangyari sana na matapos ang maraming pagluha ay malaglag ang sanggol na sisipot!12

9 Kahit na madilim ang paningin ni Isagani ay naipakita naman ni Rizal ang ganda ng sunset sa Manila Bay. Isang pagbibiro ng pagkakataon na sa umaga ng kaniyang pagbitay, isa sa mga napansin ni Rizal at nasabi sa kaniyang mga katabi ang kagandahan ng umaga sa look ng Maynila upang makita ang Cavite at ang Marivelez. 10 Si Anda ay isa sa mga naging Gobernador Heneral ng Espanya sa Pilipinas at ang isa sa kaniyang panuntunan sa pamamahala ay ang sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas. Kung mayroon man siyang monumento ay dahilan sa kaniyang ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga mananakop na Ingles noong nasakop ng mga ito ang Kamaynilaan at kalapit lugar. 11 Ibig sabihin ay magmula pa ng mabuksan ang Puerto ng Maynila ay nagsimula na ang interacial encounter ng mga babae sa Pilipinas sa mga dayuhan. Ang kahihiyan (disgraciada) ay dahilan sa sila ay naiwanan ng tagapagpaala-ala ng panadaliang pagiibigan. 12 Pro-abortion pala siya.

Nagpugay na hindi sinisino ang dalawang Hesw ita na naging mga guro niya, bahagya nang napuna ang isang tandem na ang lulan ay isang Amerikano13 at kinaiinggitan ng ilang makisig na nagpapalakad ng kanilang mga kalesa;14 nang nalalapit sa monumento ni Anda ay nadinig si Ben-Zayb na may kausap at ang pinagsasalitaan ay si Simoun na nang gabing nakaraan ay biglang nagkasakit; si Simoun ay ayaw tumanggap ng ano mang dalaw, pati ng mga alagad ng Heneral. Iyan! ang bulalas ni Isagani na napangiti nang malungkot, diyan, ang mga pakitang-loob, sapagkat mayaman Ngunit sa mga sundalong may sakit at sugatan na galing sa ekspedisyon ay walang dumadalaw!15
13 Isang karwahe na hinihila ng dalawang magkasunod na kabayo. Kakaiba sa hila ng dalawang magkasabay na kabayo.. 14 Ang gamit ng mga naiinggit ay kalesa. Hanggang ngayon ang eksenang ito ay katulad sa pagkainggit natin sa mga kotseng Amerikano. 15 Isa sa mga artikulo na iniwan ni Rizal sa Barcelona noong 1886 para mailathala sa pahayagang La Publicidad na pinamamahalaan ni Eusebio Corominas ay pinamagatang Un articulo acerca de la cuestion de las Carolinas. Narito po ang detalye ukol sa artikulo: One of the friends he visited at Barcelona was Mr. Eusebio Corominas, editor of the daily newspaper, La Publicidad, organ of Mr. Morayta of Barcelona Shortly before leaving Barcelona, he left at the editorial office of La Publicidad, a well-done crayon drawing of the bust of Mr. Morayata, copied one night in a moment of artistic inspiration from a photograph that he carried with him. He also left there the draft of an article on the Caroline Islands, a burning question at the time, with the instruction to pigeonhole it should its publication prove embarrassing to the paper. To this delicate gesture Mr. Coromnas replied that he, who was the author of that picture that differed only from the original by the phenomenon of speech, could also be the author of that article which was from that moment accepted for publication without any reservation. My Travels with Doctor Rizal by Maximo Viola Sa kasalukuyan ay walang natitirang kopya ng nasabing artikulo. Subalit sa pamamagitan ng bahaging ito ng kabanata ng Fili ay magkakaroon tayo ng pagsilip sa kung ano ang posibleng nilalaman ng nawawalang artikulo ukol sa kaniyang paninindigan sa ukol sa kontrabersiya sa Carolinas.

At sa pag-iisip sa mga ekspedisyon, sa kapalaran ng mga kaawa-awang sundalo at sa pakikipaglaban ng mga tagakapuluan na ayaw pasakop sa

ANG ISYU NG SPRATLEY AY NAUNANG NAGANAP 100 NAKALIPAS MGA KALIGIRANG INPORMASYON: Sa panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Espanya, ang malaking bahagi ng mga pulo sa Pasipiko ay bahagi ng malawak na imperyo ng Espanya. Ang kabuuan ng teritoryong sakop ng Espanya sa Pasipiko ay tinatawag na Spanish East Indies (SEI) na ang na pinangangasiwaan ng Espanya sa papamagitan ng pamahalaan sa Maynila. Dahilan sa napakalawak ng teritoryo ng SEI at ang kalat-kalat na mga kapuluan sa Pasipiko na binubuo ng mga kapuluang Marianas, Carolinas, at Palaos. Marami sa mga pulo na ito ay napabayaan at nagsimula ang intrusyon sa mga kapuluan ng ilang mga kapangyarihang Europeo tulad ng Britanya at Alemanya, kasama na rin ang pagpasok ng mga Amerikanong mangangalakal at misyonerong Protestante. Sa mga unang hati ng 1884 ay nagsimula ang mga Aleman sa kanilang interest sa mga pulo ng Pasipiko na nasa inpluwensiya ng Espanya na nauwi sa pagsakop at pagkakatatag ng German New Guinea at. Upang mapigil ang intrusyon ng mga Aleman sa Carolinas ay nagpadala ang mga Espanyol sa Maynila ng mga kawal na halos ang karamihan ay nirekluta mula sa mga mamamayan ng Pilipinas sa layunin na bigyan asersiyon ang kapangyarihan ng Espanya sa mga pulo. Isang pangyayari noong 1885 na dumating ang mga hukbong nabal ng Espanya sa pulo ng Yap upang itaas ang kanilang bandila, subalit pinalipas pa ang mga araw para isagawa ang pormalidad ng pagtataas ng bandila. Sa pagkakataong iyon ay lumitaw ang barkong pandigma ng Alemanya, nagpasapit ng mga marinong kawal at itinaas ang kanilang bandila na nasaksihan ng mga naunang dumating na Espanyol. Nilisan ng mga duwag na Espanyol ang pulo. Ang pangyayaring ito ang halos naging dahilan ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Alemanya noong 1887. Halos ang Maynila ay nasa estado ng pagkatakot at naghahanda sa maaring maging pagsalakay ng mga Aleman sa Pilipinas. Mula sa leksiyon sa naging kaganapan sa pulo ng Yap ay naging masugid ang Espanya sa madalian nitong pag-aankin sa mga pulo ng Carolinas na rito ang pulo ng Ponape ay isa. Walang Aleman sila na naka-enkwentro, subalit ang mga taga-pulo ay nilabanan ang tangkang okupasyon ng mga Espanyol sa kanilang lugar. Sa mga iniikutang kaganapan noon sa Pilipinas ay magpapaliwanag nito kung bakit noong magbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1887 ay isa sa mga ikinakalat na bali-balita sa kaniya ay ang pagiging espiya ni Bismark ng Alemanya. Ang mga sundalong sugatan na hindi dinadalaw ng mga matataas na opisyal ay ang mga karaniwang sundalong Pilipino naglilingkod sa hukbong kolonyal ng Espanya. Sa kapanahunang sinusulat ni Rizal ang nobelang ito, ang pamahalaang Espanya sa Maynila sa pamumuno ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler ay nagsasagawa ng isang marahas na ekspedisyon sa isa mga pulo ng Carolinas. Ang ekspedisyong militar na ito ay bigo dahilan sa maraming mga kawal Pilipino ang nasawi at nasugatan sa pakikipagsagupa sa mga taga-pulo. PANSININ NA HINDI BINANGGIT NI RIZAL ANG PANGALAN NG PULO.

dayuhan, ay naisip ang pagtimbang ng mga pagk amatay, na kung ang sa mga sundaloy dakila sapagkat tumutupad sa kanilang katungkulan, ang sa mga tagakapuluan ay maluwalhati sapagkat ipinagtatanggol ang kanilang tinubuan.16

Kataka-takang kapalaran ang sa ilang bayan! anya. Dahil sa may isang manlalakbay na umahon sa kanilang dalampasigan ay mawawalan na sila ng kalayaan at nagiging sakop o alipin, hindi lamang ng manlalakbay, hindi lamang ng mga tagapagmana nito, kundi ng kanila pang mga kababayan, at hindi sa isang panahon lamang kundi magpakailanman! Kataka-takang pag-unawa sa katwiran!17 Ang kalagayang itoy nagbibigay ng malaking karapatan upang lipulin ang lahat ng dayuhan na wariy siyang lalong mabangis na hayop na maitatapon ng dagat!18

16 Ang panimulang pangungusap na ginamit ni Rizal ay isang anyo ng panggagatong sa mga kawal Pilipino na naglilingkod sa kolonyal na hukbo ng Espanya. Iminumulat ni Rizal na ang mga katutubong kawal na taga Pilipinas ay ginagamit lamang ng mga Espanyol na instrumento ng kanilang pananakop ang biktima ay ginagamit din sa pambibiktima. Higit sa lahat ay ang pagpapamulat na sila ay mistulang PAMBALA LAMANG SA KANYON ng mga Espanyol. Pansinin na pinagtitimbang ni Rizal sa pamamagitan ng kaniyang tauhang si Isagani ang perspektibo ng sakripisyo ng dalawang naglalabang pangkat. Ibinigay ni Rizal ang salitang KADAKILAAN sa mga Pilipinong sundalo na tumupad ng kanilang tungkulin para sa kolonyal na pamahalaan. Samantalang ang mga taga-pulo ng Ponape, ang ibinigay na salita ni Rizal ay KALUWALHATIAN. 17 Sa pamamagitan ng pagninilay na ito ni ISAgani ay inilalantad ni Rizal ang kawalan ng katumpakan ng pananakop. 18 Sa pamamagitan ng pagnilaynilay ni Isagani ay ipinapasok ni Rizal ang ukol sa pag-aaring ganap (justification) ng isang rebolusyon.

At inisip-isip, na ang mga taga-pulong iyon, na dinidigma ng kanyang bayan ay walang ibang krimen kundi ang taglay na kahinaan.19 Ang mga manlalakbay ay lumunsad din naman sa dalampasigan ng ibang bayan; dahilang natagpuang malalakas ay hindi na pinagtangkaan ng kanilang hangad.20 Kahit na mahihina ay minamaganda niya ang ipinamamalas,21 at ang pangalan ng mga kalaban, na hindi kinalimutan kabitan ng tawag na duwag at traidor ng mga pahayagan22 ay ipinalalagay niyang mga pangalang magiting, sapagkat namamat ay sa gitna ng kadakilaan23 sa paanan ng mga gibang moog ng kanilang di wastong kuta, mga dakila pa kaysa matatandang bayaning taga-Troya;24ang mga nasa pulong iyon ay
19 Para kay Rizal, ang mga katutubo sa pulong hindi niya binabanggit ang pangalan ay walang anumang krimen para digmain ng mga Pilipinong sundalo na naglilingkod sa hukbo ng Espanya. Ang kasalanan lamang ng mga taga pulo ng Carolinas ay ang inaakala sila ng mga Espanyol na mahina at naging ito ang naging dahilan ng pagkamatay at pagkasugat ng mga Pilipinong pambala sa kanyon ng hukbong Espanyol. Nota: Ang larawan sa pahina ay ang aktwal na hitsura ng mga kawal Pilipino na ginamit ng mga Espanyol sa ekspedisyon sa mga kapuluan ng Carolinas pulo na hindi pinangalanan ni Rizal.. 20 Ipinapaliwanag rito na ang mga matatapang na bayan ay hindi maaring gapihin ng isang mananakop. 21 Mapansin sana na ang salitang MAHINA rito ay kabaligtaran sa katotohanan. Bakit ginamit ni Rizal ang salitang MAHINA sa mga taga-pulo ng Carolinas? Mahusay si Rizal sa paggamit ng insulto sa pamamagitan ng pabaligtad na kahulugan. Kung hindi mo naiintindihan si Rizal ay isa kang matalinong tao. 22 Tinuturuan ni Rizal ang kaniyang mga mambabasa na maging kritikal sa pagbasa ng mga ginagamit na mga pananalita sa pahayagan. Papaano magiging duwag ang mga taga pulo ng Carolinas sa isang ekpedisyon na kanilang ginapi? Papaano magiging traidor ang mga taga-kapuluan sa isang pamahalaan na hindi man lamang nagkaroon ng epektibong gobernansiya sa kanilang pook? 23 Habang sinisiraan ng pahayagan ang mga tagapag-tanggol ng isang pulo ng Carolinas, ang nababasa ni Isagani ay ang kintab ng kadakilaan na nakatago sa isang paninira. Tandaan natin na makata si ISAgani ay nababasa ang ganito at maaring makasulat ng papaganito ring kaayusan. 24 Bakit dakila pa sa mga Troya ang mga taga-pulo ng Penope? Para kay Rizal ay higit pang dakila pa kaysa matatandang bayaning taga-Troya. Ang mga taga-Troya ay nagapi ng mga sumalakay sa kanila, samantalang ang mga

hindi nagnakaw ng isa mang Elenang Pilipina. At sa kanyang kasigabuhangloob sa pagkamamakata ay iniisip ang mga kabinataan sa mga pulong iyon na nangagkakapuri sa mata ng mga babae roon, at dahil sa siyay nangingibig, na may nasang mawala sa mundo, ay kinaiinggitan niya ang mga kabinataang iyon na nakakatagpo ng isang dakilang pagpapatiwakal.25 At napabulalas na: Ah! Ibig kong mamatay, mauwi sa wala, iwanan ang aking bayan ng isang dakilang pangalan, mamatay dahil sa kanya, siyay ipagtanggol sa pagdagsa ng mga dayuhan at pagkatapos ay tanglawan ng araw ang aking bangkay na wariy tanod na walang kilos sa mga talampas ng dagat!26 At ang pakikilaban sa mga Aleman ay pumasok sa kanyang alaala, at halos dinamdam niya ang pagkakasawata sa gayon; namatay sana siya nang buong kasiyahan sa piling ng watawat ng Kastilat Pilipino, bago sumuko sa dayuhan.27 Sapagkat sa Espanya, anya, ay nabibigkis kami nang mahigpit, dahil sa nakaraan, sa kasaysayan, sa pananampalataya, sa wika Ang wika, oo, ang wika! Isang palibak na ngiti ang nalalarawan sa kanyang mga labi;28 nang gabing yaon ay mayroon silang gagawing isang piging sa magpapansit upang ipagdiwang ang pagkamatay ng akademya ng wikang Kastila.29

tagapulo ng Ponape sa dahilang ang nagawa nilang magtagumpay sa kanilang mga kalaban. 25 Sa panahong iyon si Isagani ay desperado sa inaasahan niyang pagkakasira (break) nila ng kasintahan at nag-iisip ng pagpapakamatay. Samantalang ipinapasok naman ni Rizal ang isang maluwalhating kamatayan sa mga kabinataan ng Penope na naghain ng buhay para sa kanilang kalayaan ang maaring maging susi ng kabayanihan na ito ng mga taga Penope ay ang pagtatangi at paghanga ng mga kadalagahan sa kanilang mga bayaning mangingibig. 26 Shit! sa lugar na iyon na kinahaharapan ni ISAgani at binibigkas ang kaniyang pangarap ay doon din iniharap ng kumathang si Rizal ang kaniyang bangkay at monumentong libingan ni Rizal ay nakabantay sa Look ng Maynila. 27 Walang hiyang palusot ni Rizal isinunod niya na mamatay siya sa piling ng watawat ng Espanyol at ng PILIPINAS. Subalit makikita ang isang panloloko ni Rizal walang bandera noon ang Pilipinas. 28 Pansinin na pagkatapos niya maipasabi kay Isagani ang pagkampi sa Espanya ay itinatanim naman ni Rizal - ang ipinalit naman niya sa labi ni Isagani ay isang mapanlibak na ngiti.

Ay! ang buntunghininga niya, kapag ang mga liberal sa Espanya ay kagaya ng mga naririto, sa madaling panahon ay mabibilang ng InangBayan ang mga nagtatapat sa kanya!30 Ang gabiy unti-unting lumalaganap at dahil dooy naragdagan ang kapighatian sa puso ng binata na wala nang pag-asa halos na makita si Paulita. Iniiwan na ng mga namamasyal ang Malecon upang tumungo sa Luneta, na ang ilang bahagi ng tinutugtog doon ng musika ay nakararating na dala ng masarap na hangin sa hapon hanggang sa kinalalagyan ng binata; ang mga marino ng isang pandigmang-dagat, na nakahimpil sa ilog, ay gumagawa ng mga paghahandang ukol sa gabi, na nangagsisiakyat sa lubid na wariy mga gagamba;31 ang mga bapor ay unti-unti nang naglalagay ng kanilang ilaw na nagbibigay-buhay doon; samantalang sa dalampasigan Do el viento riza las calladas olas Que con blando murmullo en la ribera Se deslizan veloces por si solas32 - na sinabi ni Alaejos, ay bumubuga sa dakong malayo ng manipis na singaw na ginagawang wariy kayong madalang at matalinhaga ng liwanag ng buwan, na noon ay kabilugan.33 Isang malayong dagunot ang nadinig, dagunot na unti-unting lumalapit; lumingon si Isagani at ang kanyang pusoy tumibok nang malakas; isang
29 Pansinin na ang wika ay pambuklod ng bansa, pagkakataon na sana ng Espanya na bigkisin ang mga Pilipino sa ilalim ng isang bandila nang patayin ang kahilingan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng akademiya. Ang gagawing pagdiriwang ng mga mag-aaral sa pagkamatay ng akademiya ng wikang Espanyol ay isang anyo ng paglalaro ng mga salita ni Rizal. Sa totohanang kaganapan ay hindi ipinagdiriwang ang pagkamatay. Ang maari lamang magdiwang sa isang kamatayan ay ang mga kalaban o ang mga taong may nakikitang benepisyo mula sa pagkamatay na iyon. 30 Ang mga nagkukunwaring liberal na katulad ni Don Custodio na higit na tuta ng mga prayle. Mas higit na kakampi sila ng mga prayle kaysa ng pamahalaan ng Espanya. 31 Mga miyembro ng hukbong nabal ng Espanya na naghahanda para magtungo sa mga sentro ng prostitusyon sa dako ng Kamaynilaan na tinatawag ni Rizal sa isang kabanata na Templo ni Cytherea. 32 Kinukulot ng hangin ang tahimik na alon Na nagbibigay ng malambot na bulong sa pampang Na mabilis na dumadausdos na kusa
33

NOTA: IPAGPALIBAN ANG PAG-AARAL KAY ALAEJOS

sasakyang hila ng dalawang kabayong puti ang dumarating, ang mga kabayong puti na nakikilala niya sa gitna ng sandaang libo. Sa sasakyan ay nakalulan si Paulita, si Donya Victorina at ang kaibigang kasama nang gabing nakaraan. Bago makahakbang ang binatay nakaibis nang bigla si Paulita at nginitian si Isagani ng isang ngiting lubos na pakikipagkasundo; si Isaganiy napangiti naman at sa wari niyay napawing parang usok ang lahat ng ulap, ang lahat ng masusungit na akalang sa kanyay sumalakay; may mga liwanag ang langit, awit ang hangin at bulaklak ang nakakalat sa mga damo ng nilalakaran. Ang masama lamang ay naroroon si Donya Victorina, si Donya Victorina na kailan mat nakikita ang binatay hindi tintigilan na pagtanungan ng balita tungkol kay Don Tiburcio.34 Tinungkol ni Isagani ang pagtuklas ng kinalalagyan sa pamamagitan ng mga nag-aaral na kakilala niya. Wala pang makapagsabi sa akin hanggang ngayon, ang sagot, at katotohanan nga ang kanyang sinasabi sapagkat si Don Tiburcio ay nagtatago pa naman sa bahay ng amain ng binata sa bahay ni Padre Florentino.35 Sabihin ninyo sa kanya, ang sabing galit na galit ni Donya Victorina, na ipinahahanap ko siya sa guwardiya sibil; sa patay man o sa buhay ay ibig kong matanto kung saan naroonsapagkat iyang pangangailangang nagantay ng sampung taon bago makapag-asawa ang isang gaya ko! Gulilat na napatingin sa kanya si Isagani; iniisip ni Donya Victorina ang pakasal. Sino kaya ang kapos-palad? Ano ba ang pagkakakilala ninyo kay Juanito Pelaez? ang biglang tanong ng babae. Si Juanito? Hindi matumpakan ni Isagani ang isasagot; ngani-ngani nang ibig sabihin ang lahat ng kasamaan ni Pelaez na kanyang batid, ngunit ang pagkamapagbigay ay siyang naghari sa kanyang puso at ang sinabiy pawang pagpuri sa kaagaw, sa dahilang kaagaw nga niya. Dahil sa gayon ay tuwangtuwa at magalak na pinakapuri ni Donya Victorina ang mga kabutihan ni
34 Iyon lamang ang mahalaga kay Donya Victorina kay Isagani maging isang asset sa paghahanap sa nawawala este nagtatago palang asawa. 35 Makikita ang pagiging tuso ni Isagani totoo ang kaniyang sinasabi na wala pang kaeskuwela na nakapagsasabi sa kaniya kung saan matatagpuan si Don Tinurcio dahilan sa hindi alam ng kaniyang mga kaeskuwela na si Don Tiburcio ay nagtatago sa mismong bahay ng kaniyang tiyuhin.

Pelaez, at gagawin sanang katapatang-loob si Isagani tungkol sa kanyang panibagong pag-ibig, nang dumating na tumatakbo ang kaibigan ni Paulita upang sabihin na ang pamaypay nitoy nahulog sa mga batong nasa pasigan, sa kalapit ng Malecon. Pakana o pagkakataon, ngunit ang pangyayaring itoy nagbigay-daan upang ang kaibigan ay umalis kasama ng matandang babae at si Isagani naman ay mangyaring makipag-alaman kay Paulita. Sa isang dako naman ay ikinalulugod ni Donya Victorina ang gayon at upang maiwan sa kanya si Juanito, ay niluluwagan ang pagligaw ni Isagani. Mayroon nang handang paraan si Paulita; nang magpasalamat ay nagpakunwaring may pagkamuhi, may sama ng loob, at ipinahiwatig, sa isang paraang lubhang mahinhin, na siyay nagtataka sa pagkakatagpo doon sa binata, gayong ang lahat ng taoy nasa Luneta, sampun ng mga artistang Pransesa. Tinipanan ninyo ako, papaanong hindi? Gayunman, kagabiy hindi man ninyo napunang akoy nasa dulaan; sa buong itinagal ng palabas ay minamatyagan ko kayo at hindi hinihiwalayan ng tingin iyong mga babaing cochers Nagkapalit ang kalagayan; si Isagani na naparoon upang humingi ng paliwanag ay siya pang nagbigay at lumigaya siyang lubos nang tinuran ni Paulita na siyay pinatatawad. Tungkol sa pagkakaparoon ng babae sa dulaan ay dapat pang pasalamatan sa kanya, siya, sa kapipilit ng tiyahin, ay pumaroon lamang sa pag-asang makikita ang binata sa buong palabas. Gaano ang pagkutya niya kay Juanito Pelaez! Ang aking tiyahin ang umiibig! ang sabi na kasabay ang masayang halakhak. Kapwa nagtawanan; ang pagkakasal ni Pelaez kay Donya Victorina ay ipinagkakatuwa nilang mabuti at halos namamalas na nilang nangyari; ngunit naalaala ni Isagani na si Don Tiburcio ay buhay at ipinagkatiwala ang lihim sa kanyang giliw, matapos na mapangakong hindi sasabihin kahit kanino. Si Paulitay nangako ngunit sa sariliy tangka ang sabihin sa kaibigan.36 Ang bagay na itoy siyang naglipat ng usapan sa bayan ni Isagani, na napapalibutan ng kagubatan at nalalagay sa baybayin ng dagat na naguumugong sa paanan ng mataas na talampas. Ang mata ni Isagani ay nagliliwanag sa pagbanggit sa liblib na sulok na iyon; ang siga ng pagmamakatangi ay nagpapapula sa kanyang pisngi,
36 Walang sikreto ang mga lalaki na hibang sa pag-ibig sa isang babae.

nanginginig ang kanyang boses, ang kanyang damdaming makata ay sumusulak at ang mga salitay pumupulas na mainit, puno ng sigabo na waring ang pag-ibig ng kanyang pag-ibig ang tinuturan, kayat hindi nakapigil sa pagbulalas ng mga salitang: Oh! Sa ilang ng aking mga kabundukan ay dinadanas ko ang pagkamalaya, malayang gaya ng simoy, gaya ng liwanag na walang sagkang kumakalat sa sansinukob! Libo mang bayanan, libo mang palasyo ay ipagpapalit ko; sa sulok na iyon ng Pilipinas, na malayo sa mga tao, ay dinadanas ko ang tunay na kalayaan! Doon, kaharap ang mga sadyang likas, kaharap ng hiwaga at ng walang katapusan; ng kagubatan at ng karagatan, ay nag-iisip ako, nagsasalita at gumagawa nang gaya ng isang taong walang kinikilalang panginoon! Si Paulita, sa harap ng gayong sigabo ng kalooban, dahil sa bayang kinakitaan ng unang liwanag, sigabong hindi kilala, siya, na hirating makadinig ng pag-alipusta sa kanyang bayan at maminsan-minsang siyay nakikiayon sa gayon,37 ay nagpahalata ng kaunting wariy panibugho sa paraang paghihinampo na gaya ng dati. Ngunit madali siyang napapayapa ni Isagani. Oo! ang sabi, siyay iniibig ko nang higit sa lahat ng bagay noong hindi pa kita nakikilala! Ibig na ibig ko ang magliklik sa kagubatan, humimbing sa lilim ng mga puno, umupo sa ungos ng isang talampas upang saklawin ng tingin ang Pasipiko, na sa harapan koy hinahalo ang kanyang mga bughaw na alon, at inihahatid sa akin ang mga awit na natutuhan sa mga dalampasigan ng malayang Amerika38 Bago kita nakilala, ang dagat na iyon ay siyang aking mundo, aking lugod, aking pag-ibig, aking mga pangarap. Kapag nahihimbing na mapayapa at ang araw ay nagniningning sa kaitaasan ay ikinalulugod ko ang pagtanaw sa banging nasa aking paanan na may limampung metro ang lalim, at hinahanap ko ang mga kahanga-hangang hayop sa kagubatan, ang mga bulaklak ng bato at mga korales na naaaninag sa bughaw na tubig, ang malalaking serpiyente, na alinsunod sa sabi ng mga taong-bukid ay umaalis umano sa gubat upang manahanan sa dagat at dooy magpakalaki-laki Sa kinahapunan, na, umanoy siyang paglabas ng mga sirena, ay sinusubukan kong masigasig sa pagitan ng mga alon, na minsan ay waring namalas ko sila sa gitna ng bula at dooy nangaglalaro; maliwanag na naririnig ko ang kanilang mga awit, awit tungkol sa kalayaan, at naulinigan ko ang tunog ng kanilang mataginting na alpa. Noong araw ay
37 Nagpaparunggit kaya si Rizal kay Leonor Rivera. 38 Pansinin na ang kanlungan ni Isagani ay dakong Pasipiko ng Luzon sa Sierra Madre, si Elias naman sa NMT ay nagbabalak na magtungo sa mga cordillera ng Hilagang Luzon.

dumadaan ako ng mahahabang sandali sa pagmamalas ng pagbabagu-bagong anyo ng mga ulap, sa pagmamalas sa punong nag-iisa sa kapatagan, sa isang talampas, na hindi ko maunawa ang sanhi ng pagkakagayon, na hindi makilalang lubos ang damdaming iyon na ginigising sa aking kalooban. Madalas na akoy pinagsasalaysayan ng mahahabang pangaral ng aking amain at sinasabing dadalhin ako sa isang manggagamot dahil sa baka akoy magkaroon ng sakit na mapanglawin. Datapwat nakita kita, kitay inibig, at sa pagpapahingang ito sa pag-aaral ay waring may isang bagay na wala sa akin nang akoy naroon, ang kagubatan ay madilim, malungkot ang ilog na umaagos sa kagubatan, ang dagat ay nakaiinip, ang abot ng malas sa dakong kalookan ay walang ano mang bagay At kung maparoon ka lamang doon, kahit miminsan! Kung kanawin ng dulo ng iyong mga daliri ang tubig ng mga batisan, kung tingnan mo ang dagat, maupo ka sa talampas at pahigingin mo ang hangin sa pamamagitan ng iyong mahihimig na awit, ang aking kagubatan ay magiging Eden, ang agos ng batisan ay aawit, sisipot ang liwanag sa kusim na dahon, magiging batong brilyante ang mga patak ng hamog at magiging perlas ang mga bula ng dagat! Ngunit nadinig ni Paulita na upang makarating sa bayan ni Isagani ay kailangang magdaan sa mga bundok na maraming maliliit na linta, at dahil sa bagay na ito ay kinikilig na ang duwag nating dalaga. Dahil sa gawi na niya ang ayaw mapagod, at sa dahilang siyay malayaw ay sinabing maglalakbay lamang siya kung naka-karwahe o naka-tren.39 Si Isagani, na nakalimot na sa kaniyang pesemismo at sa lahat ng dako ang nakikita na lamang ay mga bulaklak na walang tinik, ay sumagot: Sa loob ng di mahabang panahon, ang lahat ng puloy makakalatan ng mga daang-bakal, na lubhang matutulit halos parang hangin napagdaraanan niyong perokaril, gaya ng sabi ng isang sumulat; at sa gayon, ang mga lalong magagandang sulok ng sangkapuluan ay mabubuksan sa lahat Sa gayon, ngunit kailan? Kung akoy hukluban na40
39 Ito na ang magpapatunay na ang bahaging ito ay para kay Leonor Rivera. Noong sinusulat ni Rizal ang nobelang ito ay pinasisimulan na kompanyang Ingles ang paglalatag ng mga riles ng Tren mula sa Maynila hanggang sa magiging huling estasyon nito sa bayan ng Dagupan ang bayan ni Leonor Rivera. 40 Napakalinis ng pagkakagamit ni Rizal kay Paulita Gomez. Ang pagtatanong ng dalaga ay isang hindi direktang panunumbat sa mabagal na pag-unlad ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas. Sa kabanatang ito ay may

ilan pang pagkakataon na ipapakita ni Rizal kung papaano niya ginamit ang inosenteng anyo ni Paulita sa matalim na pang-iinsulto nito sa Espanya.

Bah! Hindi mo batid ang magagawa natin sa loob ng ilang taon, ang

sagot ni Isagani, hindi mo batid ang lakas at ang sigabo na maibibigay ng

bayan matapos ang daan-daang taong pagkahimbing Nililingap tayo ng

Espanya, ang kabinataan nating nasa Madrid ay gumagawa gabit araw at

iniuukol sa tinubuan ang bago nilang katalinuhan; ang lahat ng sandali ng

kanilang kabuhayan, ang lahat ng kanilang kaya; ang mahahabaging tinig

doon ay nakikisapi sa ating tinig, mga pulitiko na nakababatid ng walang

mabuting bigkis kundi ang pag-iisa sa kabuhayan at sa damdamin: kinikilala

ang ating katwiran at ang lahat ng bagay ay nagpapahiwatig ng isang

magandang kinabukasan ng madla41 Tunay nga at katatapos pa lamang na

41 Binigyan pa ni Isagani ng pag-asa ang kilusang propaganda at ang mabuting pakikitungo ng mga Espanyol sa Europa. Kung babasahin ito ng ilang beses ay mapapansin na kabaligtaran sa mga nagaganap ang kagawian ng Espanya.

kapagtitikim ng isang munting pagkabigo, kaming mga nag-aaral, ngunit ang

tagumpay ay unti-unti nang lumalaganap sa lahat ng layuninnasa budhi na

ng lahat! Ang taksil na pagkakatalong aming tinamo ay nagpapatunay ng mga

huling hinga, ng huling kilig ng mamamatay!42 Bukas ay mamamayan kami

42 Ang pagkatalo ng mga kabataang Pilipino sa Maynila ay huling kilig na isang mamamatay na pamahalaan. Ipinararamdam ni Rizal na ang pamahalaan dahilan sa kawalan nito ng sariling desisyon at parating pailalim sa mga prayle ay siyang pumapatay nito sa kaniyang sarili. Pansinin na ang bahaging ito ng pangarap ni Rizal ay pinasimulan niya sa salitang BUKAS.

ng Pilipinas na maganda na ang tutunguhin sapagkat malalagay sa mga mairuging kamay.43 iOo! Ang kinabukasan ay amin, nakikini-kinita ko nang kulay-rosas, nakikini-kinita kong ang pagkilos ay magbibigay-buhay sa dakong ito na laong panahong patay, nahihimbing44 Nakikini-kinita ko ang pagsipot ng mga bayan sa kalapit ng mga daang-bakal,45 at sa lahat ng pook ay may mga pagawaan na gaya noong nasa Mandaluyong!46 Nadidinig ko na ang pagsipol ng bapor, ang dagundong ng mga tren, ang ugong ng mga makina namamalas kong pumapaitaas ang usok, ang kanyang malakas na hinga, at nalalanghap ko ang amoy ng langis, ang pawis na mga kahangahangang kasangkapan na walang tigil sa paggawa Ang daungang iyan, na may mahinang pagkakayari, ang ilog na iyan na wariy pinaghihingaluan ng pangangalakal, ay makikita nating puno ng layag at maglalarawan sa atin ng panahon ng taglamig sa kagubatan ng Europa Ang malunas na simoy na ito at ang malilinis na batong iyan ay mapupuno ng uling, ng mga kahat at bariles na gawa ng tao; datapwat

43 Pansinin na ang mahusay na pag-gamit ni Rizal ng salita Maana seremos ciudadanos de Filipinas, sa hanay ng salitang ito ay mahalaga ang ciudadanos sapagkat ito ay nangangahulugang malayang mamamayan at ang salitang de Filipinas ay makikitahan ng isang estado kung saan nagmumula ang pagiging mamamayan. Subalit nagpaala-ala rin si Rizal na ang isang mairuging pamahalaan ang esensiyal sa isang magandang Pilipinas ibig sabihin ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan ang Pilipinas sa kamay ng mga pulitikong mandurugas. i Magmula sa bahaging ito ay ipapakita ni Rizal sa pamamagitan ni Isagani ang kaniyang bisyon ng isang Pilipinas na kaniyang ninanais. 44 Tandaan na si Isagani at Paulita ay nasa dako ng bungad na bahagi ng Malecon na malapit sa monumento ni Anda at kinaroroonan ng puerto ng Maynila. Ang dakong iyon ay waring tulog at nahihimbing ay pagpapakita ng kalagayan ng pandaigdig na kalakalan ng Pilipinas noon. 45 Nang sinusulat ni Rizal ang nobelang ito ay hindi pa bukas ang serbisyo ng tren. Ang pagbubukas ng serbisyo ng tren noong 1892 ay nagbigay buhay sa mga bayan na dinaanan ng riles. Tandaan na ang unang linya ng riles ng tren ay dumaan sa gitnang Luzon na na halos kalupaan. Ang pagkakaroon ng istasyon ng tren sa mga bayan na iyon ay nagbigay daan sa pagkabuhay ng kanilang mga kalalakalakalan. 46 Ang Mandaluyong ang unang sentro ng mga industriya noon panahon ng mga Espanyol. Ang pagkakaroon ng bahagi nito sa Ilog Pasig ang maaring maging dahilan nito.

walang kailangan!47 Maglalakbay tayo nang madalian, sa mga maluluwag na sasakyan upang hanapin sa dakong loob ang ibang simoy, ang ibang tanawin sa ibang dalampasigan, mga lalong malalamig na singaw sa mga paanan ng kabundukan48 Ang mga bapor pan-digma ng ating hukbong-dagat ay siyang magbabantay sa ating mga baybayin:49 ang Pilipino at ang Kastila ay maguunahan sa pagpupunyaging gapiin ang ano mang pagdagsa ng mga taga ibang-lupain upang ipagtanggol ang inyong mga tahanan at bayaan kayong matuwa at mabuhay nang mapayapa, na ginigiliw at iginagalang. 50 Ligtas na sa paraan ng pagsasamantala, walang sama ng loob at pag-aalinlangan, ang bayan ay gagawa na, sapagkat kung magkakagayon ay hindi na makaruruhagi ang paggawa, hindi na magiging pangangayupapa, na wariy takda sa alipin; sa gayon ay hindi na pasasamain ng Kastila ang kanyang ugali sa tulong ng mga hangaring maghari-harian, at mataas ang tingin, masigabo ang puso, ay mag-aabutan kami ng kamay, at ang pangangalakal, ang paggawa, ang pag-aani, ang karunungan ay mahahawi sa ilalim ng kalayaan at ng mga kautusang tuwid at pantay-pantay na gaya nang sa mayamang Inglatera Si Paulita ay nangingiting wariy alinlangan at iniiling ang ulo.51

47 Pati ang posibilidad ng polusyon 48 Napansin ni Rizal na ang pagbabakasyon o paglalakbay ng mga mamamayan sa mga magagandang tanawin ay isa sa mga aktibidad ng mga industriyalisadong bansa. Nakikinita-kinita na Rizal noon pa man ang pagbubukas ng mga beach resort at alam na kaya ni Rizal ang probabilidad na ang Baguio ay maaring maging isang bakasyunang bayan. 49 Mapapansin na maging si Rizal ay nagbigay ng malaking kahalagahan sa isang malakas na hukbong dagat bilang isang pangangailangan sa isang bansa na may matatag na kabuhayan. 50 Maaring isipin na ang hukbong dagat na tinutukoy ni Rizal ay ang sa Espanya. Subalit kung babasahin ang tindig ng textong Espanyol ay ; el espaol y el filipino rivalizarn en celo para rechazar toda invasion extrangera, para defender vuestros hogares y dejaros vosotras reir y gozar en paz. Mapapansin rito na mayroong magkaibang hukbong nabal ang mga Pilipino at Espanyol hindi puwedeng magunahan ang dalawa kung magkapareho lamang ang kanilang barkong pandigma. Ang maaring binabanggit dito ay ang alyansa ng dalawang hukbong dagat na kagaya ng kaayusan noong mayroon pang base militar ang mga Amerikano sa Pilipinas. 51 Kawawang Paulita, gamit na gamit ni Rizal ang kaniyang pagiging inosente. Ano kaya ang hindi pinaniniwalaan ni Paulita kaya nito iniiling ng ulo? Yong sinasabi kaya ni Isagani, o ang magiging positibong pakikibahagi ng Espanya sa pagkakaroon ng isang malayang Pilipinas.

Pangarap, pangarap! ang buntunghininga, nadinig kong sinasabi na kayoy maraming kalaban Ang sabi ni Tia Torina ay aliping lagi na ang bayang ito. Sapagkat ang ali moy isang hangal; sapagkat hindi maaaring siyay mabuhay nang walang alipin, at kung wala siya noon ay pinapangarap ang sa darating na panahon, at kung hindi mangyari ay binubuku-buko sa sariling kalooban. Tunay ngang mayroon kaming mga kalaban, na magkakaroon ng tunggalian, ngunit kami ang magtatagumpay. Mangyayaring gawing walang wastong kalungan ng matandang kaparaanan ang mga durog na moog ng kanilang mga kuta, amin silang gagapiing umaawit ng kalayaan, sa harap ng inyong mga malas, sabay sa pagakpak ng inyong kamay na aming minamahal! Sa isang dakoy hindi ka dapat manganib; ang labanan ay mapayapa; sukat na ang iaboy lamang ninyo kami sa pag-aaral, gisingin ninyo sa amin ang marangal at mataas na pag-iisip at udyukan ninyo kami sa pagtataman, sa kagitingan, na ang pinakagantiy ang inyong paggiliw!52 Taglay ni Paulita ang kanyang ngiting mahiwaga at waring nag-iisip; nakatanaw sa dako ng ilog at tinapik-tapik ng pamaypay ang pisngi. At kung wala kayong mapala? ang tanong na waring hindi pinahahalagahan nang gaano ang usapan. Ang tanong na itoy nakasugat kay Isagani; tinitigan ang mga mata ng kanyang irog, dahan-dahang hinawakan ang isang kamay at nagwikang: Pakinggan mo: kung wala kaming mapala At nahintong nag-aalinlangan. Pakinggan mo, Paulita, ang patuloy, batid mo kung gaano ang aking pagsintat pagsamba sa iyo; alam mong nalilimot ko ang sarili, kung akoy iyong tinititigan, kapag nababakas ko sa titig na iyan ang isang kislap ng pagibig gayunman, kapag wala kaming napala ay papangarapin ko ang isa mo pang titig at mapalad akong mamamatay upang ang isang liwayway man lamang ng pagmamalaki ay sumilay sa iyong mga mata at masabi mo, sa balang araw, sa lahat, kasabay ng pagtuturo sa aking bangkay, na: ang aking pag-ibig ay namatay sa pagsasanggalang ng mga karapatan ng aking bayan! Halinang umuwi, ineng, at baka ka sipunin! ang sigaw, nang sandaling iyon, ni Donya Victorina.
52 Itinuturo rito ni Rizal ang mahalagang papel ng kababaihan sa paglaya ng bayan. Sa sulat ni Rizal sa mga kadalagahan ng Malolos ay binanggit nito ang isang payo sa mga dalaga na palakasin ng loob ng mga kalalakihan.

Ang boses na iyon ay nagpabalik sa kanila sa katunayan ng buhay. Oras na ng pag-uwi, at sa kagandahang loob ay inantay ng binata na ulitin pa. Sa dahilang kay Paulita ang karwahe, ay umupo sa paharap si Donya Victorina at ang kaibigan, at sa bangkong maliit ang dalawang magsing-irog. Lulan ng iisang sasakyan, makatabi ang ginigiliw, langhapin ang bango, masagi ang sutlang damit, makitang nag-iisip, na nakahalukipkip, naliliwanagan ng buwan sa Pilipinas na nagpapahiram ng kagandahan at dangal sa bulgar na idealismo na hindi inaasahan ni Isagani na mangyayari.53 Napakamaralita ng mga pauwing naglalakad, na nangag-iisa, at nangagsisiilag upang paraanin ang matuling sasakyan! Sa hinaba-haba ng dinaanang iyon, sa buong haba ng baybayin ng liwaliwan ng Sabana, ang tulay ng Espanya, ay walang nakita si Isagani kundi isang magandang ulong nakatagilid, na mainam ang pusod, na nagtatapos sa isang sunud-sunurang leeg na nawawala sa mga guyon ng pinya. Isang brilyante ang kumikindat sa kanya sa pingol ng munting tainga, na wariy bituin sa gitna ng mga pinilakang ulap. Si Isagani ay nakarinig ng malayong uliyaw na itinatanong sa kanya si Don Tiburcio de Espadaa, ang pangalan ni Juanito Pelaez, ngunit sa ganang kanya ay naging wariy tunog ng kampanang nadidinig na malayo, magulong tinig na nadidinig sa gitna ng bungang-tulog. Kinailangang ipaalaala sa kanya na nakarating na sila sa liwasan ng Sta. Cruz.

53 Talagang sa nagamit pa uli ni Rizal ang pagiging inosente ni Paulita Gomez hanggang sa pagsasara ng kabanata.

You might also like