You are on page 1of 1

Impluwensya ng Pagkamulat na Pangkaisipan ng mga Pranses at Amerikano Nagbigay ang pagkamulat-pangkaisipan at wika ng mga Amerikano at Pranses sa rebolusyon.

Ngunit maraming Europeo ang nanatiling walang pinag-aralan.Ipinakilala ni Jean Jacques Rousseau ang reaksyon laban sa rason , ayon sa kanya walang natural na karapatan ang sinuman na pamahalaan ang kapwa niya.Natanyag siya sa kanyang Social Contact o rule by consent. Demokrasya ang nais ni Rousseau para sa tao.Ang kaugaliang ito ang naging simula ng Romanticism sa Europe sa huling bahagi 18-siglo .Ang Social Contract ang naging saligan ng batas sa rebolusyon sa France. Naging epektibo ang impluwensyang pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng pilosopiya.Higit na naging mapanuri ang mga tao at may natutuhan. May yumakap sa demokrasya at ang iba ay sa totalitaryan .Nagkaroon din ng pagbabago sa lipunan ,bunga ito ng Tolerable Actkung ng England kung saan binigyang kalayaan na pumili ng kanilang relihiyon. Maraming bansa ang sumunod nito at naging bahagi ng kanilang Saligang Batas. Sa ekonomiya, naimpluwensyahan sila nina Francois Quesnay at Adam Smith.Tinanggap nila ang ideyang ang lupa nag pinagmulan ng lahat ng yaman . Naniniwala rin si Quesnay sa doktrina ng malayang ekonomiya na hindi lamang ang salapi ang mahalaga sa tao kundi ang serbisyo na at produkto na maibibigay ng tao.Gayundin anglaissezfaire,ang paninwala na hindi dapat makialam ang pamahalaan sa ekonomiya. Maliban sa America na yumakap sa daigdig ng pamahalaang demokrasya, naging bahagi ng rebolusyong pangkaisipan sa England at Prussia sa pilosopiyang pulitikal nina Georg Friedrich Hegel,Karl Marx Friedrich Nietzsche at Thomas Hobbes. Naniniwala si Hegel na isang instrumento lamang ang indibidwal na isakripisyo at magsakripisyo kung kailangan. Nagbigay halaga si Nietzsche sa pagsisikap ng tao na maging makapangyarihan ,naniniwala siya na dapat wasakin ng malalakas ang mahihina upang magkaroon ng perpektong pamayanan.Tinangkilik naman ni Marx ang komunismo.Kay Thomas Hobbes ,suporta sa pamahalaan ang kailangan ,naniniwala siya sa Absolutismo.Sa kanyang may akda na Leviathan, sinabi niyang sakim ,makasarili at laging kalaban ng tao ang kapwa. Ang Panahon ng Pagkamulat o Ang Paliwanag (Ingles: Age of Enlightenment) ay isang katawagan na ginagamit upang ilarawang ang panahon sa Kanluraning pilosopiya at buhay pang-kultura na nakasentro noong ika-18 siglo, kung saan sinusulong ang katuwiran bilang ang pangunahing pinagmulan at pagkalehitimo ng may kapangyarihan.[1] Sumusulong na tuloy-tuloy sa Alemanya, Pransya Britanya, ang Olanda, Italya, Espanya, at Portugal, lumaganap ang kilusan sa karamihan sa Europa, kabilang ang Komonwelt ng Polako-Lituano,Rusya at Eskandinabya at gayon din ang Amerika.

You might also like