You are on page 1of 3

Ingklitik

Ang ingklitik ay mga kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ngunit ang mga salita ay maaring kaltasin sa pangungusap nang hindi masisira ang kahulugan nito. Maaaring magamit ang mga ingklitik sa pagbibigay ng ibat ibang kahulugan sa pangungusap o palagay Aalis ka na? Aalis ka pala? Kumain muna sila bago umalis. Kumain yata sila bago umalis. Naghihintay pa siya hanggang ngayon. Naghihintay ba siya hanggang ngayon?

Mga Uri ng Pang-ugnay


Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Pang-ukol
Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. sa para sa ayon kina para kay tungkol sa na may HALIMBAWA: Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat. Mga Gamit ng Pang-ukol Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa: Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. Halimbawa: Ang bagong damit ay para kay Lita. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip. Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan. Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

Pangatnig
Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap: at pati saka o ni maging subalit ngunit kung bago upang sana dahil sa sapagkat Gamit ng Pangatnig Dalawang salitang pinag-ugnay Halimbawa: Ang langis at tubig ay Hindi mapagsasama. Dalawang pariralang pinag-ugnay Halimbawa: Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuha. Tinawag niya ang aso athinuli nila ang isda. Dalawang sugnay na pinag-ugnay Halimbawa: Ang bunsong si Hannah ay mahusay magpinta at ang panganay na si Kristell ay mahusay umawit. Uri ng Pangatnig Panimbang Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. at saka pati ngunit maging datapuwat subalit Halimbawa: Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera. Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto. Pantulong Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay. kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa Halimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

Pang-angkop
Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g)

Halimbawa: Maayos na pamumuhay ang hangad Nina Jaime. Masayang naglalaro si Ben. Mga salitang inuugnay ng pang-angkop Pang-uri at Pangngalan Halimbawa: Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.

'====Pang-abay at Pang-abay==== Halimbawa: mahal na mahal ko si Junwelben. Pang-abay at Pang-uri Halimbawa: Likas na maputi

TONO O INTONASYON NG MGA SALITA


Tono o intonasyon pagtaas at pagbaba ng tinig na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. - Parang musika ang pagsasalita nang may tono may bahaging mababa, katamtaman at mataas. - Maaaring makapagpahayag ng ibat ibang damdamin, makapagbigay ng kahulugan o makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng tono/tinig.

You might also like