You are on page 1of 3

"Ha?" gulat ko "Sino si Beth?" ulit nya Di ako makaimik. Naibulalas ko ang pangalan ni Beth. "Walanghiya ka.

Eto at bini-bj kita, iba ang nasa isip mo!" galit na sabi ni Mabel. "'bel..." sambit ko Tumayo si Mabel at sinimulan akong hampas-hampasin. "Gago ka! Gago ka! Sinong Beth? Sino?!" "Mabel.... 'bel" sambit ko habang iniilagan ang mga hampas nya "orifice ka! Ibang babae iniisip mo.... ibang babae iniisip mo..." Tumigil sa kakahampas si Mabel. Napaupo sya sa sahig. Umiiyak. "Gago ka! Bakit mo ako ginaganito?" tanong nya habang umiiyak "'bel..." di ko alam kung anong sasabihin "Matapos kong ibigay ang sarili ko sa yo, may iba ka palang babae." patuloy nya "Di ganun 'bel..." sabi ko "Sino si Beth? Bago ba sya ha? Sawa ka na ba sa akin ha?!!" galit nyang tanong "Di ganun Mabel... di ganun..." ang tangi ko lang masabi "Anong ginawa mo sa akin? Di ako dating ganito? Ngayon hinahanap-hanap ko lagi ang sex. Ginawa mo sa akin ito. Tapos.... tapos.... mambababae ka pa!" gigil na gigil na sabi nya "'bel, di ko sinasadya" "Di sinasadya?! Pinil it mo akong mag-sex dati. Di sinasadya?" sumbat nya Di ako makasagot. "Bakit tahimik ka lang dyan? Guilty ka no? Guilty ka no?" "Mabel... di ko sinasadya ang lahat. Di ko gustong mangyari ito, ang saktan ka" "Gago! Gago ka!" "'bel pakinggan mo ako. Kung maibabalik ko lang, di ko hahayaang umabot sa ganito. Pero nangyari na. Kagustuhan nating dalawa ang nangyari sa atin." Umiiyak pa rin si Mabel. "Kailangan ko ng umalis. Wala ako dapat dito 'bel" "Tang ina mo! Matapos mong masarapan aalis ka na lang?" sigaw nya "'bel... uulitin ko... pareho nating gusto ito... pareho tayong... nasarapan..." Di pa rin tumitigil sa hagulgol si Mabel. Tumayo ako at kinuha ang aking mga damit. Sinuot ko ulit ang mga ito. "'bel. Alam ko may kasalanan ako sa yo. Pero sana tanggapin mo rin na meron ka ring parte dito. Huwag mong lahat ibagsak ang sisi sa akin. Pareho tayong nadarang. Pareho tayong nahilig. Libog 'bel... libog ang pundasyon ng relasyon natin. Di pagmamahal." "Mahal kita Jun." "Sigurado ka ba 'bel? Nag-sex muna tayo bago tayo naging magnobyo. Mas nauna ang libog." "Pero..." ani Mabel "Akala ko rin mahal kita Mabel. Pero hindi pala. Init lang ang nararamdaman ko. Katawan mo lang ang hinahanap-hanap ko. Masakit mang pakinggan pero yun ang tutoo." "Jun? Paano na ako?" "Kailangan nating maging tutoo sa isa't isa Mabel. Ayaw kong saktan ka. Mas gugustuhin ko ng sabihin sa yo ngayon ito kaysa magpatuloy ako sa

pagkukunwari." Naiyak lalo si Mabel. "Paano ako Jun?" Kinuha ko ang bath robe at lumapit ako kay Mabel. Tinakpan ko ang hubad nyang katawan. "'bel... mali ako. Di na ako bata para maglaro-laro pa. Gusto ko ring magkapamilya. Tama na ang kalokohang ginagawa ko." "Sinong lalaki pa ang papatol sa akin Jun? Nakuha mo na ang pagkabirhen ko?" "Di lang yun ang hinahanap ng lalaki 'bel. Hinahanap namin ang pagmamahal. Tunay na pagmamahal." "Jun, di ko alam kung kaya ko." "Makakayanan mo 'bel. Nandito ako para sa yo... bilang kaibigan." "Jun?" "Kailangan ko ng magpaalam 'bel. Di kita malilimutan, ang pinagsamahan natin, ang mga kuwentuhan. Masaya ako na naging tayo. Pero sa tingin ko mas liligaya tayo kung maghiwalay tayo at hanapin ang para sa atin talaga." Tahimik lang si Mabel. Lumapit ako sa kanya at hinagkan ko ang kanyang ulo. "Bye 'bel" Naglakad ako papuntang pintuan at lumabas na. Di na ako ... ...lumingon muli. Mabilis ang ginawa kong mga paghakbang. Ewan ko pero parang nabunutan ako ng tinik. Parang ang gaan ng pakiramdam ko. Di ko gusto ang nangyari sa amin ni Mabel. Nasaktan ko sya. Pero... pero... kailangan. Para sa mahal ko. Para kay Beth. Kaagad akong nakakuha ng taxi at sumakay. Pauwi ako sa may amin, papunta kung saan ako liligaya talaga... "Beth! Beth!" Tok! Tok! Tok! "Beth!" Di ako makapaghintay. Gu sto kong makita si Beth. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko para kanya. Tok! Tok! Bumukas ang pinto. "Bakit andito ka?" tanong ni Beth "Beth ... pwede mo ba akong papasukin?" Di kumibo si Beth. Pumasok ako tapos sinara nya ang pinto. "Akala ko ba magla-lunch ka kina Mabel?" tanong nya "Beth. Sorry. Sorry naging tanga ako at manhid." "Anong pinagsasabi mo dyan, Jun?" Napansin ko na mugto ang mga mata ni Beth. "Umiyak ka ba?" tanong ko "Ha? Eh... hin... hinde." sagot ni Beth habang kinukusot ang mga mata. "Beth..." mahina kong sambit. "May kasalanan ako sa yo. Di ako tumupad sa usapan natin." "A... anong usapan?" tanong ni Beth "Kailangan mo pa bang magkunwari? Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin." sabi ko Tahimik lang si Beth. "Nangako ka... nangako ka na lagi kang nandiyan para sa akin. Tinupad mo ang pangako mo. Di mo ako iniwan. Lagi kang nariyan pag kailangan kita." sabi ko. "Ako naman... di ko tinupad ang pinangako ko sa yo noon." Nakatingin sa akin si Beth.

Nangingilid ang luha. "Di naman talaga ako umaasa eh. Nakikita kong masaya ka naman eh. So masaya na rin ako." mahina nyang sabi "Beth... narito ako... to keep my promise... na ang pipiliin ko ay ang karapatdapat sa akin." "Jun...." "Ikaw yun Beth. Ikaw ang talagang mahal ko at gustong makasama. It's always been you." "Jun..." Pumapatak ang luha sa mata ni Beth "Jun... di pwede... paano... paano si Mabel?" "Hiwalay na kami ni Mabel. Nagpaalam na ako sa kanya." ang sinabi ko habang papalapit ako kay Beth. "Minsan ko ng sinabi sa yo ito Beth. Uulitin ko ulit. Mahal kita." Dumaloy ang mga luha sa pisngi ni Beth. "Alam kong mahal mo ...

You might also like