You are on page 1of 2

Pangngalan ay mga pangalan ng tao, hayop, pook,

bagay, pangyayari. Ito ay ginamit sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, lugar at pangyayari. Halimbawa: Bogart ang panagalan ng aso nila. Si Angelina ang pinakamabait sa lahat. Sa SM Bacoor ay maraming tao. Bagong Taon ang gusto ko sa lahat.

Pangatnig

ay ginagamit para ipakita ang relasyon ng

mga salita sa pangungusap. Halimbawa: Magkaisa kayo upang umunlad ang bansa natin. Mahal ka niya dahil mabait at maganda ka. Nagalit siya sa iyo gawa ng siniraan mo siya. Mag-aral ka ng mabuti upang tumaas ang iyong marka. Lumapit ka para marinig mo.

Panghalip

ay ginagamit sa pagpapalit o paghalili sa

pangngalan. Ako ang mamumuno sa bayan na ito. Tayo ay magtulungan. Siya ang astig sa lahat. Sa kanya ko binigay an gang aking bag. Sa atin mapupunta ang kagalingan ng bayani.

Pang-ukol

ay ginagamit kung para kanino o para saan

ang kilos. Halimbawa: Bumili siya ng libro para kay Carlo. Ipinasa niya lahat ang kanyang marka liban sa Math. Sumama siya kahit labag sa kanya. Nagpaliwanag siya tungkol sa paksa. Nakatanggap ako ng regalo mula sa iyo.

Pandiwa

bahagi ng pananalita na nagsasad ng kilos.

Halimbawa: Sumasayaw ng low ang mga bata. Kumakanta si Dexter ng fall for you. Lumalangoy siya sa dagat. Umaarte siya na parang artista. Tumatakbo siya ng mabilis.

Pang-angkop

bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. Halimbawa: Magandang bata si Elena. Masipag na estudyante si Melvin. Si Allan ay mahinahong makipag-usap. Marangal na pag-uugali ang meron kay Marvin. Butihing anak si Jason.

Pang-uri naglalarawan ng karakter o katangian ng


pangngalan o panghalip. Halimbawa: Mayabang si Chris Michael. Malago ang puno. Matangkad ang mga manlalaro ng basketball. Mataba si Jen. Mabait na bata si Angelu.

Pang-abay naglalarawan kung paano ginawa ang


kilos o pandiwa o naglalarawan din ng kapwa pang-abay. Halimbawa: Mabilis tumakbo si Lydia de Vega. Ang buong mag-anak ay nagsimba kahapon. Maliligo kami sa ilog. Sampung magagandang dalaga ang kalahok sa paligsahan.

THE EIGHT (8) PLANETS

Forms of energy

You might also like