You are on page 1of 11

Part 13: Much Fruit (8:4-21)

October 13, 2013

Introduction

Paano kaya kung sobrang laki na ng church natin at 10,000 na ang umaattend? Mainam kaya iyon? Siyempre gusto natin dumadami ang bilang natin kesa nga naman kumokonti. Hindi masaya iyon. Pero tandaan din natin na hindi dami ng tao ang pinag-uusapan. Hindi dami ng umaattend, umaawit at nakikinig ng Salita ng Diyos. Dapat siyempre malinaw na Salita ng Diyos talaga ang ipinapangaral. At kung ipinapangaral man ang salita ng Diyos, ang tanong naman, sinusunod ba ito ng libu-libong taong ito? Mas mainam pa ang kakaunti kung lahat naman ay nakikinig at sumusunod kesa naman sa napakarami na kakaunti lang ang sumusunod at wala namang nakikitang pagbabago sa buhay sa karamihan. Nagiging ilusyon tuloy ng maraming nakikinig - church attenders/members - na sila ay born again, na sila ay may relasyon kay Jesus, na sila ay sa langit mapupunta. Kasi? Dahil tinanggap daw nila si Jesus. They prayed the sinner's prayer. They were baptized and have signed up for membership. Pero

wala namang nakikitang pagbabago o paglago sa pagsunod sa buhay nila. They were living like the rest of the world. They were self-centered, materialist, lovers of pleasure rather than lovers of God. Nandito na tayo sa point ng "The Story of Jesus" na sikat na siya, celebrity, dinudumog ng mga tao. "Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa iba't ibang bayan at lumapit kay Jesus" (Luke 8:4a). Sa tingin natin, mukhang mainam ang nangyayari. Pero naparito si Jesus hindi para mag-gather ng maraming tagapakinig lang. Hindi niya kailangang magpasikat sa kanila. Hindi mga fans ang hanap niya. Kundi iyon bang bawat isa ay tulad ng babae sa kuwento natin last week - na bagamat makasalanan, naranasan ang pagpapatawad ng Diyos, nag-uumapaw ngayon ang pag-ibig sa kanyang puso para sa Diyos. At ano ang resulta kapag ang isang tao ay umiibig sa Diyos? Siyempre susunod siya sa mga utos niya. Hindi na kabigatan ang pagsunod kundi kagalakan. Sabi ni Jesus, "If you love me, you will keep my commandments" (John 14:15). Ibig sabihin, ilusyon pala kung ang isang tao sinasabi kay Jesus, "I love you," pero palagi namang sumusuway sa utos niya. Kaya mo bang sabihin, "I love you, but I don't want to obey you. Ako pa rin ang masusunod"? Our text for today (Luke 8:4-21) is all about obedience to the Word of God. Hindi iyong basta nakikinig lang, pero yung nakikinig talaga at handang sumunod. Kaya sabi niya sa verse 8 pagkatapos niyang banggitin ang kanyang kuwento o parable tungkol sa apat na klase ng tagapakinig, "He who has ears to hear, let him hear" (ESV). Iyon bang makinig talaga, pagisipang mabuti, siyasatin ang sarili. "Kayong mga nakikinig, dapat n'yo itong pag-isipan" (ASD)! Sabi din niya sa verse 18, "Take care then how you hear" (ESV) o "Makinig kayong mabuti sa sinasabi ko" (ASD). Anong nais ni Jesus na gawin natin na tugon sa mga talatang ito? Siyasatin natin ang sarili natin kung sumusunod tayo sa mga salita ng Diyos dahil ito ang salamin ng tunay na kundisyon ng buhay natin. Ito ang panahon para harapin

natin ang katotohanan. Kahit masakit. Kung nagpatingin ka sa doktor, kahit masakit na malamang may sakit ka sa puso, mainam na rin iyon kesa naman hindi mo nalaman o nagdedeny ka pa. Para din sa atin ito. Kapag nagpapanggap lang tayo na nakikinig lang pero di sumusunod, sino naman ang niloloko natin? Hindi naman natin maloloko si Jesus. Hindi rin naman ibang tao ang niloloko natin. Sarili lang natin ang niloloko natin. "But be doers of the word, and not hearers only, deceiving yourselves" (James 1:22). Bakit mahalaga ang pagsisiyasat sa sarili? Dahil nagpapakita ito ng tunay na kalagayan natin. Kung sisiyasatin natin ang ating sarili, anu-ano ang ipinapakita nito sa tunay na kalagayan natin? Magbibigay ako ng tatlo.

Relationship with Jesus

Pabaligtad ang gagawin natin ngayon. Unahin muna natin yung dulong bahagi ng text natin.
Then his mother (that's Mary) and his brothers came to him, but they could not reach him because of the crowd. And he was told, Your mother and your brothers are standing outside, desiring to see you. But he answered them, My mother and my brothers are those who hear the word of God and do it. (8:19-21).

Hindi natin alam kung bakit pinuntahan si Jesus ng nanay niya at mga kapatid niya. Siguro dahil concern sila kay Jesus. Itong mga kapatid nga niya sa panahong ito hindi pa naniniwala sa kanya. Hindi man natin alam ang dahilan, malinaw na may gustong ituro si Jesus sa atin. Doon sa mga nagnanais na makita siya, makalapit sa kanya (tulad ng pamilya niya), encouragement na makikita siya, makakalapit sa kanya, magkakaroon ng relasyon sa kanya. At anong katiyakan natin na ganito? Kapag nakikita natin sa buhay natin ang ebidensiya - ang pagnanais ng puso natin na hindi lang makinig, kundi sumunod! Sinasabi ni Jesus na ang tunay niyang kapamilya, ang tunay na may relasyon sa kanya ay "Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Dios" (v. 21).

Ang pagsunod sa salita ng Dios ay nagpapakita sa sarili mo na tunay ang relasyon mo kay Jesus. Hindi ibig sabihin na binabalewala ni Jesus ang relasyon niya sa kanyang biological family. Oo mahalaga iyon. At isang pagsunod natin sa Diyos ay alagaan at mahalin ang pamilya natin. Pero dapat nating marealize na ang pagsunod sa salita ng Dios ay dapat na priority natin - na higit pa sa sarili nating pamilya. If anyone comes to me and does not hate his own father and mother and wife and children and brothers and sisters, yes, and even his own life, he cannot be my disciple" (14:26). Halimbawa, kung araw ng linggo at araw ng pagsamba sa Diyos, may dumating kang bisita o kamag-anak, o tambak ang labada mo, o sabi ng asawa mo na huwag kang magsimba, ano ngayon ang gagawin mo? Kung oras ng pagbibigay, tapos naisip mo ang dami mo pang kailangang bayaran, babawasan mo ba o magiging tapat ka? Concern tayo sa relasyon natin sa pamilya natin, sa kapakanan ng mga anak natin. Pero kung uunahin palagi natin ang pagsunod sa salita ng Diyos, hindi ibig sabihing mapapabayaan natin ang pamilya natin. Ang totoo nga, mas makakabuti ito sa kanila dahil makikita nila kung anong relasyon ang pinakamahalaga sa buhay - ang relasyon sa Panginoong Jesus. Ang paglago natin sa pagsunod sa salita ng Diyos ay nagpapakita na ang ugat nito ay ang relasyon natin kay Jesus. Kung hindi nakikita ang ganitong bunga, ibig sabihin walang ugat, walang relasyon kay Jesus. Siyasatin nating mabuti ang sarili natin. Anong klaseng relasyon meron tayo sa kanya? Baka superficial lang. Baka naririto lang tayo kasi nandito ang family natin, nandito ang friends natin, o comfortable kayo dito. Ang pagsunod sa salita ng Dios ay nagpapakita sa sarili mo na tunay ang relasyon mo kay Jesus. Ibig sabihin, kung hindi mo nakikita sa sarili mo na lumalago ka sa pagsunod sa kanya at binabalewala mo pa rin ang karamihan sa mga inuutos niya, baka wala kang tunay na relasyon sa kanya. At kung wala kang relasyon sa kanya, matakot ka dahil darating ang araw na lahat

ng sa tingin mo ay meron ka, ay babawiin sa iyo. Iyan ang pangalawang pag-uusapan natin.

Reward when Jesus Returns

Dapat siyasatin natin ang sarili natin sa pagsunod sa salita ng Diyos dahil ipinapakita nito, pangalawa, kung totoong tatanggap tayo ng gantimpala sa pagdating ni Jesus. Hindi naman kasi natin siya matatakasan. Hindi naman kasi tayo makakapagtago sa kanya. Ang salita kasi ng Diyos ay parang isang ilaw na nagpapakita ng tunay na kalagayan ng puso natin. Sa ibang tao, maaari nating maitago ang tunay na kundisyon nito, pero sa Diyos hinding-hindi.
No one after lighting a lamp covers it with a jar or puts it under a bed, but puts it on a stand, so that those who enter may see the light. For nothing is hidden that will not be made manifest, nor is anything secret that will not be known and come to light" (8:1617).

Maaaring makapagtago tayo pansamantala. Maaaring ang pakikinig mo ng sermon every Sunday ay paraan ng pagtatago mo o pagtatakip sa tunay na pamumuhay mo Monday to Saturday. Yun bang para akala ng iba OK ka, akala ng iba, you are really part of the family. Kaya nga nang may makarating sa akin na balita tungkol sa isang member na minamaltrato ang ibang tao, nagulat ako kasi nakikita ko siya every Sunday, nakikinig. Minsan nakakatulog pero nakikinig naman. Iyon pala, parang hindi naman nakikinig. Nakadilat ang mata, nakabukas ang tenga pero natutulong ang puso. "Falling asleep in church really does not concern me. It can happen for any number of reasons, both good and bad. What does concern me are the thousands who warm a pew every Lord's Day with their bodies awake but their souls asleep" (Kent Hughes, Luke, 1:288). Hindi ko alam kung sino ang tulog ang puso sa inyo. Pero malalaman at malalaman din iyon. Sooner or later. In this life or in the life to come. At kung ikaw ang taong iyon, wag kang magugulat sa kakahinatnan mo, dahil iyon lang ang nararapat sa iyo. "Take care then how you hear, for to the one who has,

more will be given, and from the one who has not, even what he thinks that he has will be taken away" (8:18). Ang ibang tao nag-iilusyon na meron silang eternal life, na mapupunta sila sa langit. Pero nananatiling ilusyon iyon sa kanila. Na para bang akala nila meron silang tiket na parang nakakuha ng grand prize, pero wala naman doon ang pangalan nila, ni hindi naman nila nakikilala talaga ang Panginoon. Ang iba kinakapitan ngayon ang kayamanan, ang relasyon nila, ang kasiyahan nila sa buhay. Pero sa pagdating ni Jesus, lahat ng ilusyong iyon ay maglalaho. Akala mo sa iyo, hindi pala para sa iyo. Napakasakit ng mararanasan ng mga taong iyon. Kaya siyasatin natin ang sarili natin kung sumusunod nga ba tayo sa salita ng Diyos. At kung sumusunod nga tayo. Tandaan natin, panghawakan natin, "more will be given." Hindi pa natin natatanggap ang lahat ng nakalaan para sa mga anak ng Diyos na gumagawa ng kanyang kalooban. Pero tiyak iyon, darating iyon, mapapasaatin ang lahat ng kayamanan, lahat ng kasiyahan, lahat ng kapangyarihan, dahil sa pagdating ni Jesus, makakasama natin siya. He is our joy, he is our riches, he is our power.

Renewed Heart

Kaya naman wag na nating hintayin pa ang araw na iyon para noon pa lang malaman kung ano ang tatanggapin natin. Ngayon pa lang siyasatin nating mabuti ang sarili natin tungkol sa pagsunod sa salita ng Diyos dahil nagpapakita ito ng tunay na kalagayan ng puso natin ngayon. Ito ang pangatlo at panghuling pag-uusapan natin. Kaya gumagamit si Jesus ng tinatawag ng parables - mga kuwentong nagsasalarawan ng katotohanang espirituwal. Na sa pamamagitan nito, makikita ng mga nakikinig ang tunay na kundisyon ng puso nila. Para malaman kung saan sila talaga nakatayo. Ginagawa ito ni Jesus dahil ang goal niya ay hindi para palakihin ang crowd kundi para hatiin, to draw the line, to filter true disciples from those who are not.

Pagkatapos niyang ikuwento ang parable of the four soils, hindi naman niya ito ipinaliwanag sa lahat, sa mga disciples lang. Ang dahilan? Sabi niya sa mga disciples niya nang tanungin nila kung ano ang ibig sabihin nun, "To you it has been given to know the secrets of the kingdom of God, but for others they are in parables, so that 'seeing they may not see, and hearing they may not understand'" (8:10). Ipinapakita dito ang dalawang layunin ni Jesus sa paggamit ng parables, depende sa mga nakikinig. Kung ang mga nakikinig ay ang mga tagasunod niya, na nagnanais sumunod sa napapakinggan nila, ito ay para malaman nila ang mga lihim o hiwaga ng paghahari ng Diyos o ng pagiging kabilang sa kaharian ng Diyos. Para naman sa mga nakikinig lang at wala naman talagang intensiyong sumunod, this is a form of judgment. Galing sa Isaiah 6:9-10 ang sinabi ni Jesus - makikita nila pero hindi nila makikita, maririnig, pero hindi mauunawaan. Dahil nga nagpapakita ito ng tunay na kalagayan ng puso ng tao. Parang salamin. Kung ikaw ay nakakakita, this is a gift para makita mo ang lagay ng puso mo at kung may dapat mang ayusin, malalaman mo. Pero para sa bulag, kahit anong harap mo ng salamin sa kanila, pinamumukha mo lang na bulag sila. So, ang invitation sa atin ni Jesus ngayon ay siyasatin ang puso natin. Bahagi ba talaga tayo ng kaharian ng Diyos? Are we part of the family? Are we in Jesus? Is God our Father? At kung tayo naman ay masipag at masigasig na nagbabahagi ng kanyang salita sa ibang tao, dapat marealize natin, maalala natin na iba't iba ang kalagayan ng puso ng mga taong nakikinig sa atin. Ngayon, ano ang ibig sabihin ng parable na ikinuwento niya? "May isang magsasakang naghasik ng binhi" (Luke 8:5). Ang magsasaka ay si Jesus at lahat ng mga nangangaral ng salita ng Diyos (nagkukuwento ng Story of God) mula noon hanggang ngayon. Ang binhi ay ang salita ng Diyos na pinapakinggan natin o itinuturo natin sa iba. At ang iba't ibang klaseng pinagbagsakan ng binhi ay nagpapakita ng iba't ibang

kalagayan ng puso ng tao. Merong apat dito, pero ang pangapat lang ang nagpapakita ng tunay na pakikinig sa salita ng Diyos. Soil #1 - Along the path. Maaaring ang iba sa inyo ay nandito sa una. Na ang salita ng Diyos ay "parang mga binhing nahulog sa tabi ng daan at natapakan ng mga dumadaan, at tinuka ng ibon" (8:5). Paliwanag ni Jesus na ito ang mga nakinig ng salita pero "dumating ang diyablo at kinuha iyon sa puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas" (v. 12). Naririnig mo ang salita ng Diyos, pero aktibong-aktibo ang diyablo sa buhay mo kaya di nakakarating sa puso. Nananatili kang binubulag ng diyablo para di mo makita ang totoo (2 Cor. 4:4; Eph 2:1-2). You are not really saved. You don't have real faith. Soil #2. On the rock. "May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig" (Luke 8:6). Anong ibig sabihin? Ito iyong "mga taong nakinig at masaya itong tinanggap. Ngunit hindi taimtim sa puso nila ang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng pagsubok, tumatalikod sila sa kanilang pananampalataya" (v. 13). Nakarating nga sa puso nila ang salita ng Diyos, pero sa ibabaw lang, emotional decision lang. Hindi buong loob. Nagpapakita na sa "bato" pa ang kalagayan ng puso nila, kaya di mag-ugat. Hindi totoo ang pananampalataya nila. "The one (only the one) who endures to the end will be saved" (Matt. 24:13). Hindi ibig sabihing nawawala ang kaligtasan. Ibig sabihin, sa simula't simula pa ay wala naman talagang salvation, dahil superficial lang ang faith. Tumubo pero hindi nag-ugat. Hindi talaga pumasok sa puso. Emotional experience lang. The true condition of the heart is revealed when times get tough. Nasubok na ang pananampalataya. Hindi pala totoo. Gusto lang Christian siya sa ginhawa, hindi sa hirap. Ngunit ang totoong pagsunod kay Jesus - sa hirap at ginhawa, sa kaginhawahan o sa kahirapan, sa kalusugan o sa karamdaman.

Soil #3 - Among thorns. "May mga binhi namang nahulog sa lupang may matitinik na damo. Sabay na tumubo ang mga binhi at mga damo, pero sa bandang huli ay natakpan ng damo ang mga tumubong binhi" (Luke 8:7). Ibig sabihin? Ito ang "mga taong nakinig ngunit sa katagalan, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Kaya hindi sila lumago at hindi nagbunga" (v. 14). Sa tingin lang ng tao lumalago sila. Pero sa bandang huli napatunayan na ang mga bagay sa mundong ito, ang mga tao sa mundong ito ay mahalaga pa sa kanila kaysa kay Jesus. If they have to choose, obey Jesus or be wealthy, they will choose to be wealthy and forsake Christ. Si Jesus palamuti lang, pampaswerte ba, ginagamit lang, kapag wala na silang nakitang pakinabang, wala na rin kay Jesus. Their obedience is not sincere. I hope and pray na hindi ka katulad nito. Kundi... Soil #4 - Good soil. "Ang iba nama'y nahulog sa mabuting lupa. Tumubo ang mga ito at namunga ng napakarami (isandaang ulit ang dami)" (v. 8). Ibig sabihin? "Mga taong nakikinig at iniingatan ito sa kanilang malinis at tapat na puso, at pinagsikapang sundin hanggang sa mamunga" (v. 15). Ito ang nais ng Diyos. Hindi lang makinig, kundi mamunga sa pagsunod. Ito ang mga tunay na disciples. Ito ang mga tunay na born-again. Iyong nakikita mong sa dami ng bunga, sa laki ng pagbabago sa buhay nila, alam mong gawa ng Diyos, alam mong nasa kanila ang Espiritu. Ito ang mga taong nasa kaharian ng Diyos, nasa ilalim ng New Covenant. "And I will give them one heart, and a new spirit I will put within them. I will remove the heart of stone from their flesh and give them a heart of flesh, that they may walk in my statutes and keep my rules and obey them. And they shall be my people, and I will be their God" (Ezek. 11:19-20). Ito ang mga taong nagpapatuloy sa pananampalataya hanggang wakas, mga taong sumusunod hanggang sa kamatayan, araw-araw, unti-unti lumalago sa pagsunod kay Jesus. Kung ikaw ay tunay na Christian, you are a good soil. You now have a new heart, a good heart. Gawa ito ng Diyos. At magpasalamat tayo dahil siya ang nagbigay nito. Pero alam

natin na merong mga panahon sa buhay natin na nagiging tulad tayo ng pangalawa o pangatlo. Kaya patuloy pa rin nating siyasatin ang sarili natin tungkol dito dahil nagpapakita ito kung totoong may bago na tayong puso at kung anu-anong pa ang dapat na magbago sa atin.

Don't Wait Until It's Too Late

Siyasatin natin ang sarili natin kung sumusunod tayo sa mga salita ng Diyos dahil ito ang salamin ng tunay na kundisyon ng buhay natin. Seryosong usapan po ito. Kung ano ang lagay ng puso natin, ipinapakita kung ano ang lagay ng relasyon natin kay Jesus. Kung ano ang lagay ng relasyon natin kay Jesus, nagpapakita kung ano ang haharapin natin sa pagbabalik niya. So, let us search our hearts. Sabi ni Darrell Bock, isang New Testament scholar
The stakes are rising, for rejection leads to a hardening of hearts and judgment from God. A person should not delay responding to the word, for as time passes it may become harder to respond. If one waits, it may eventually become too late (Luke, 1:718).

I have a list of people na kakausapin ko kasi they were not walking in obedience to God - sa relasyon sa kanya, sa relasyon sa pamilya at ibang tao, at sa mga di pa Christians. Urgent ito. Let us help each other. Remind and encourage one another as long as it is still today. "Take care, brothers, lest there be in any of you an evil, unbelieving heart, leading you to fall away from the living God. But exhort one another every day, as long as it is called today, that none of you may be hardened by the deceitfulness of sin" (Heb 3:12-13 ESV). Kahit ako, kailangan ko ng encouragement at paalala ng salita ng Diyos tungkol sa pagsunod. Nitong mga nakaraang araw, dahil sa dami ng inaalalang kaso dito sa church, napansin ko ang puso ko na hindi nagrerespond ng tama sa sinasabi ng Diyos. Nagtuturo ako ng Preaching sa IGSL. Sa preaching lab namin this week, 10 sermons ang narinig ko. Nakakapagod. Pero sa huling nagpreach, isang babaeng Vietnamese, first time daw siyang magpreach. Pero ang mensahe niya ay nagpaalala sa akin na sumunod sa panawagan niyang magtiwala sa kanya

anuman ang sitwasyon sa paligid ko, anuman ang naririnig kong sinasabi ng mga tao laban sa akin. Ito ang bisa ng salita ng Diyos, na nagiging salamin sa kalagayan ng puso natin. Pakinggan nating mabuti. Huwag balewalain. Sumunod ngayon pa lang. Huwag hintaying huli na ang lahat.

You might also like