You are on page 1of 1

Ang Iliada ni Homero salin sa Filipino ni Guelan Varela - Luarca AKLAT I Awitin, bathaluman, ang hinggil sa poot ni Akhilleus,

anak-ni-Peleus, at ang pagguhong naidulot nito, ang libu-libong pasakit na ininda ng Akhaioi na laksa-laksang idinaluhong sa dilim ng Hades, mararangal na kaluluwa ng mga bayani, bangkay nila'y iniwang kanin ng mga aso at ibon --- bilang pagtupad sa kalooban ng Amang Bathala, sapul nang biglang bumulas ang samaan ng loob sa pagitan ng anak-ni-Atreus-poon-ng-tao, at saka ni Akhilleus-na-tumataginting. Sino bang banal ang pasimuno niring hidwaang mapait? Ang anak ng Bathala kay Leto, siyang napoot sa hari kaya't nagsaboy ng salot sa hukbo - Kay-raming namatay! Ang kadahilanan: dinusta ng Anak-Ni-Atreus si Khruses, ang matandang baylan, na dumulog sa may mga sasakyang-pandagat ng hukbong Akhaioi, dala ang kay-raming mga handog na pantubos, at bitbit din ang gintong tungkod na kinaiikiran ng mga sagisag ni Apollon, siyang bathalang Nanghahaplit-Mula-Sa-Malayo - nanikluhod ang baylan sa harap ng Akhaioi, ngunit lalo na sa dal'wang Anak-Ni-Atreus, Mga-Pinuno-Ng-Bayan, upang hilinging ibalik ang nadakip niyang anak na babae. Aniya:

cinematographe et chaupin andre bazin

You might also like