You are on page 1of 2

UNANG KABANATA Sinakmal siya ng isang malamig at makalangit na hangin.

Sa itaas, bumukad ang makapal na palumpong ng mga bituin sa namumulaklak na kalangitan; sa ibaba, sa lupa, sumisingaw ang mga bato, nagbabaga pa rin sa init ng maghapon. Payapa't matamis ang langit at lupa, liglig sa malalim na pagk apipi ng mga eternal na tinig ng gabi, higit pang tahimik sa katahimikan. Madili m noon, marahil hatinggabi. Ang araw at buwan - na siyang mga mata ng Diyos - ay nakapinid na't umiidlip, at ang binata, maligayang nagnilay, tangay ng maamong hangin ang kanyang isipan. Ngunit nang siya'y nagmuni, Anong pag-iisa! anong Par aiso! biglang nagbago ang ihip ng hangin, nanlapot; hindi na ito ang simoy na ma kalangit, bagkus sangsang na ng mabibigat at masesebong hininga, animo'y sa isan g masukal na palumpong o hinamugang halamanang masagana sa paanan niya'y may hay op na naghuhugot-hininga, o isang bayan kaya, na walang-bisang naghihirap upang makatulog. Nangapal ang hangin, naging balisa. Ang maligamgam na hininga ng mga tao, hayop at duwende'y umakyat at nakihalo sa sumusulak na asim ng pawis ng tao , ng samyo ng tinapay na kalalabas lamang sa pugon, at ng sebo ng lawrel na pama hid sa buhok ng mga babae. Ika'y suminghot, dumama, humula - ngunit wala kang nakita. Unti-unti'y n asanay na'ng mata mo sa lagim at nakaaninaw ka ng isang punong sipres na matibay at may matutuwid na sanga, mas madilim pa'ng kulay kaysa sa gabi; isang kumpol ng mga palma datilerang nakabungkos na parang bukal ng tubig; at mga punong olib ang kalbo halos ang mga dahon, pakalu-kaluskos sa hangin at tumataginting na par ang pilak sa pusikit. At doon, sa isang berdeng patse ng lupa'y nakita mo ang mg a hamak na kubakob, minsang nakakalat nang pangkat-pangkat, minsang paisa-isa, y ari sa gabi, putik at laryo, at kinukulapulan ng apog. Nahinuha mo mula sa amoy at sa dungis na may mga hugis-tao, iba'y nakatalukbong ng puting kumot habang ib a'y wala, na natutulog sa ibabaw ng mga bubungan. Lumikas na ang katahimikan. Napuno ng hapis ang gabing kanina'y matiwasa y at ilang. Pumulu-pulupot at umikut-ikot ang mga kamay at paa ng tao, hindi map akali, hindi makahimbing. Bumuntung-hininga ang puso ng mga tao. Nanlaban ang mg a nahihilahil at suwail na taghoy upang magkaisa ang gulong pipi at pinag-iwanan ng Diyos; naghikahos upang mabulalas ang noon pa'y ibig nang sabihin. Ngunit di nila magawa, at nagkalat ang mga hiyaw at naligaw sa nagkandakani-kaniyang pagh ihimutok. Biglang humaginit ang isang matinis, nakapupunit-pusong sigaw mula sa pi nakamataas na bubungan, sa may pusod ng bayan. May dibdib ng taong nabibiyak sa dalawa: "Diyos ng Israel, Diyos ng Israel, Adonai, gaano pang katagal?" Hindi 'y on tao; bagkus, isang buong bayang nananaginip, sama-samang dumaraing, ang buong lupain ng Israel sampu ng mga buto ng mga patay nito at mga ugat ng mga puno, a ng lupain ng Israel na naghihirap sa pagdadalantao, hindi makaluwal, napapasigaw na lamang. Matapos ng mahabang katahimikan, muling pumulandit sa hangin ang hiyaw m ula lupa hanggang langit, ngunit ngayo'y lalong napopoot at higit ang pagdaramda m: "Gaano pa katagal? Gaano pa katagal?" Nagising ang mga aso sa bayan, nagsipag tahulan, at sa mga patag na bubungang yari sa putik, siniksik ng mga babaeng sin dak ang mga ulo nila sa kilikili ng kanilang mga asawa. Nananaginip ang binata. Narinig niya'ng sigaw habang natutulog at siya'y kumislot; biglang nasindak ang panagimpan at akmang tatakas. Nagsahangin ang bu ndok, at sumambulat ang mga lamang-loob nito. Hindi iyon yari sa bato, bagkus sa paghimbing at pagkahilo. Ang pangkat ng mga gahigante't mababangis na kalalakih an, na kanina pa padabug-dabog na pumanhik - pawang mga bigote, balbas, kilay at mahahabang braso - sila ri'y nagsahangin, humaba, lumawak, tuluyang nagbagong-h ugis saka nagkahimu-himulmol, parang mga ulap na nasaboy sa malakas na bugso. Ka unti na lamang at sukat silang maglaho sa haraya ng nananaginip. Ngunit bago 'yon mangyari, bumigat ang kanyang ulo at muli siyang bumulu sok sa isang malalim na paghimbing. Nangapal uli ang bundok at nagsabatong muli, naging sulido ang mga ulap at naging laman at buto. May narinig siyang paghinga l, at mga hakbang na nagmamadali, at muling lumitaw sa tuktok ng bundok ang pula ngbalbas. Bukas ang bestido niya, siya'y nakapaa, namumula ang mukha't pawis na

pawis. Sa likuran niya'y nakabuntot ang dagsa-dagsa niyang mga tagasunod, nagtat ago pa sa matatalas na bato ng bundok. Sa itaas, muling naging matibay na kisame ang simboryo ng langit, ngunit ngayo'y may iisang bituin na lamang, malaki, par ang sambibig na apoy, nakalambitin sa silangan. Pabuka na no'n ang liwayway. Nakaunat ang higa ng binata sa kanyang kamang yari sa pinagkatam, mabiga t ang hininga, napahandusay matapos ng magdamagang pagpapagal. Sandaling lumukso ang talukap ng kanyang mata, para bang nalintikan ng Tala ng Umaga, subalit di siya nagising: muli na naman siyang nabitag sa kulambo ng bangungot. Nanaginip s iyang huminto ang pulangbalbas. Bumalong ang pawis mula sa kilikili nito, sa kan yang binti at noong kay-lalalim ng mga kulubot. Nagsisingaw sa bibig dala ng pag od at galit, nagsimula siyang magmura, ngunit nagpigil ng sarili, at nilulon na lamang ang tungayaw at nauwi sa paghibik, "Gaano pa katagal, Adonai, gaano pa ka tagal?" Ngunit hindi naapula ang galit niya. Siya'y pumihit. Simbilis ng lintik, umalagwa ang mahabang martsa sa kanyang kaloob-looban. Lumubog ang mga bundok, naglaho ang mga tao, natampol sa isang bagong pu rok ang panaginip at nakita ngayon ng binabangungot na sumambulat sa kanyang ita as, sa mababang kisameng yari sa tubo, ang buong Lupain ng Kanaan - parang hangi ng hinabi, tadtad ng maraming kulay, puno ng mga palamuti, at nangangatal. Sa ti mog, nag-ibang-wangis ang nangangaligkig na disyerto ng Idumea at naging likod n g isang leopardo. Lampas doon, ang Patay na Dagat, malapot at nakalalason, lumul unod at lumalagok ng liwanag. Mas malayo pa rito'y nakatindig ang buktot na Heru salem, naliligiran sa bawat dako ng mga kautusan ni Jehovah. Umaagos sa mga batu -batong kalye nito ang dugo mula sa mga biktima ng Diyos, mula sa mga kordero at mga propeta. Sumunod ang Samaria, marusing, tinapak-tapakan ng mga pagano, may balon sa gitna kung saan umiigib ng tubig ang isang babaeng nagpalamuti ng pula at pulbos sa kanyang mukha; at sa wakas, sa pinakahilaga, naro'n ang Galilea - m aaraw, payak, sagana. At umagos mula sa isang dulo ng panaginip tungo sa kabila ang ilog Hordan, ang maharlikang ugat ng Maykapal, na dumadaan sa mabubuhanging ilang at mayayamang hardin, tinutubigang lahat nang walang inaalintana si Juan B autista at mga ereheng Samaritano, kapuwa mga puta at mga mangingisda ng Henesar et - walang pinipili Na

You might also like