You are on page 1of 5

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araway inipon niya ang kanyang
mga gamit at inilulan sa kanyang alagangkabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang
mahabangpaglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
" Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang
tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.
" Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisanmo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."
Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako.
Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil
madaling mag-init ang katawan ko
," pakiusap pa rin ng kalabaw.
" Bahala ka sa buhay mo
," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw.
Hindinagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang
makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat nggamit na pasan ng kalabaw at
inilipat sa kabayo na bahagya namangmakalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga
dalahin.
" Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganitokabigat ang pasan ko
ngayon
," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.




Ang Lobo at ang Ubas


Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa
sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Katig.Com:


Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.




Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sapalengke. Inilulan niya ang
mga sako ng asin sa kanyang kabayo atnagtungo sila sa palengke.
Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang
kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman
ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo atnapansin niya na
lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sakong asin at siya ay natuwa.
Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na
nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-
isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa
kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa
ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang
mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa
pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo -
dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay magpapadulas pa rin ako sa
ilog para mas gumaan pa ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang
biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may
alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong
asin.
Ang Lobo at ang Ubas

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol
sa isang lobo at puno ng ubas.

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng
ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng
ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya
maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot
ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.
"Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.











Ang Pabula ng Daga at ng Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat
ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan
sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong
masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin"
sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng
leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang
napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang
nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa
kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad
namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na
bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

You might also like