You are on page 1of 1

MALINIS

NA KAMAY,
GERMS
GOODBYE!














Ang bakterya, mikrobyo ay nagkalat sa maraming
bagay, ika nga its everywhere! Nakakatakot kasi ang mga
mumunting microorganism na ito na mala-monster naman
sa pagdadala ng sakit sa mga tao.
Gamit ang ating mga kamay, nakukuha natin ang mga
mikrobyo na ito na may banta sa ating kalusugan. Sa
pamamagitan din ng kamay ay maaari nating mahawaan o
mailipat ang mikrobyo at sakit sa ibang tao.
Alam ninyo ba mga bata na ang kamay ang
pinakamaduming bahagi ng katawan ng tao dahil ito ang
ginagamit sa panghawak ng ibat ibang bagay kung saan
nakukuha natin ang dumi?Sa simpleng paghawak sa
maduming bagay ay nakukuha natin ang germs na
maaaring maka-infect sa atin at sa ibang tao kaya naman
ang paghuhugas ng kamay ay napakahalaga.
(source: by bineza zapanta)
Mga benepisyo ng
paghuhugas ng kamay
Ang paghuhugas ng kamay o handwashing ay isang
gawaing pangkalusugan (health practice) at isang mahusay
ng paraan upang makaiwas sa mga impeksyon o sakit na
dulot ng mga mikrobyo gaya ng mga bacteria o virus.
Tunay nga na ang paghuhugas ng kamay ay isang
mabisang panlaban sa mga sakit gaya ng pagtatae
(diarrhea), ubot sipon, trangkaso, at iba pa.
Kailan dapat maghugas ng
kamay?
Ugaliing maghugas ng kamay:
Bago kumain ng umagahan, tanghalian, hapunan, o
merienda
Bago magsipilyo
Pagkatapos gamitin ang kasilyas o comfort room
Pagkatapos umubo sa kamay
Pagkatapos manggaling sa isang sitwasyon o lugar na
maraming tao gaya ng pagsakay sa jeep,o pagpunta sa
palengke o .kahit sa labas lamang ng inyong bahay.




Kung ikaw ay humahawak ng pagkain, siguraduhing
maghuhas rin ng kamay bago humawak..

Paano ang tamang paraan ng
paghuhugas ng kamay?
1. Basain ang kamay ng tubig mula sa gripo
2. Sabunin ang palad ng kamay ng masinsinan
3. Kuskusin ang mga kamay, maging ang kamao at mga gilid
at gitna ng mga daliri
4. Ikuskos rin ang mga dulo ng daliri sa palad ng kabilang
kamay
5. Banlawan ng mabuti ang kamay
6. Punasan ang mga kamay ng paper towel o malinis na
bimpo.
(Source: www.kalusugan.ph)

You might also like