You are on page 1of 1

Ang Wastong Paraan ng Paghuhugas ng Kamay

Ang paghuhugas ng kamay o handwashing ay isang gawaing pangkalusugan at isang


mahusay na paraan upang makaiwas sa mga impeksyon o sakit na dulot ng mikrobyo o virus.
Kailan dapat maghugas ng kamay?
Ugaliing maghugas ng kamay:

Bago at pagkatapos kumain.


Pagkatapos gumamit ng palikuran.
Para sa mga bata, pagkatapos maglaro.
Para sa matanda, pagkatapos ng ibat ibang gawaing bahay.
Pagkatapos umubo o bumahin.
Pagkatapos manggaling sa isang sitwasyon o lugar na maraming tao
Paano ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay?

Basain ang kamay gamit ang malinis na tubig.


Maglagay ng sabon.
Pagkuskusin ang mga palad.
Kanang palad sa ibabaw ng kaliwang palad.
Palad sa palad habang ang mga daliri ay magkakawing.
Likod ng mga daliri sa kabilang palad ng kamay.
Kuskusin ng paikot ang magkabilang hinlalaki.
Kuskusin ng paikot ang mga daliri sa kabilang palad.
Banlawan ang kamay.
Patuyuin ang kamay gamit ang malinis na bimpo o pamunas.
Maaari bang gamitin ang hand sanitizer sa paghugas ng kamay?
OO, pwedeng gumamit ng hand sanitizer, ngunit dapat siguraduhing may 70% o higit pang
alcohol na nilalaman ito. Dapat mabasa ng hand sanitizer ang buong kamay at kuskusin ito
hanggang matuyo.

You might also like