You are on page 1of 17

Mga Patnubay sa

Mabuting Paghuhugas
ng Kamay
■Ang paghuhugas ng kamay,
kapag nagawa nang wasto, ay
isang mahalagang kasanayan sa
pansariling kalinisan sa katawan
upang maiwasang makakuha at
makapagpalaganap ng mga
nakakahawang sakit.
Kailan tayo dapat
maghugas ng ating mga
kamay?
■ Bago hawakan ang mga mata, ilong at bibig
■ Bago kumain o humawak ng pagkain
■ Pagkatapos gumamit ng palikuran
■ Kapag nalagyan ang mga kamay ng mga inilalabas sa
palahingahan, hal., pagkatapos umubo o bumahin
■ Pagkatapos humawak ng mga pampublikong instalasyon
o kagamitan, gaya ng mga hawakan ng escalator, mga
pindutan ng elevator o mga hawakan ng pinto
■ Pagkatapos magpalit ng mga lampin o humawak ng mga
nadumihang bagay kapag nag-aalaga ng mga munti o
may sakit na bata
Mga hakbang para sa
mabuting paghuhugas
ng kamay
■ Basain ang mga kamay sa tumutulong tubig
■ Maglagay ng likidong sabon at pagkuskusin ang
mga kamay para makagawa ng bula
■ Alisin mula sa tumutulong tubig, pagkuskusin ang
mga palad, likod ng mga kamay, pagitan ng mga
daliri, likod ng mga daliri, mga hinlalaki, dulo ng
mga daliri at mga pupulsuhan. Gawin ito nang
kahit 20 segundo
■ Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa
tumutulong tubig
■ Patuyuin ang mga kamay nang mabuti gamit ang
alinman sa malinis na cotton na tuwalya, papel na
tuwalya o ang pantuyo ng kamay
■ Dapat na huwag muling direktang hawakan ang
gripo gamit ang malilinis nang kamay
■ Maaaring isara ang gripo gamit ang tuwalya na
ibabalot sa gripo; o pagkatapos sabuyan ng tubig
ang gripo upang linisin; o sa pamamagitan ng ibang
tao
Mangyaring
tandaan
■ Ang mga tuwalya ay hindi dapat pinaghihiraman
■ Ang mga gamit nang tuwalyang papel ay dapat na
wastong itapon
■ Ang mga pansariling tuwalyang gagamitin pa ay dapat na
itago nang maayos at labhan nang kahit minsan araw-
araw. Mas mabuti ding magkaroon nang higit sa isang
tuwalya para sa madalas na pagpapalit
■ Pahiran ang mga kamay ng 70-80% na solusyong alcohol
upang disimpektahin ang mga kamay kapag walang
magamit na pasilidad sa paghuhugas ng kamay

You might also like