You are on page 1of 85

Q2 WEEK 1 –Day1 HEALTH 1

Wastong Pag-uugali
sa Oras ng Pagkain
Ano-ano ang wastong gawi
sa hapag-kainan sa oras ng
klase?
Iparinig ang awit
na “ Ako ay May
Mga Kamay”
(Tono: Maliliit na
gagamba)
• Tungkol saan ang awit?
• Kailan magandang tingnan ang ating mga kamay?
• Paano natin mapapanatiling malinis ang ating
mga kamay?
Magpapakita ng larawan ang guro.
Ano-ano ang nakikita nyo
sa larawan?
Ano kaya sa palagay ninyo
ang kanilang ginawa dito?
Ano kaya ang maaring mangyari
kung hindi sila naghugas ng
kamay? Bakit?
Alam n’yo ba na ang paghuhugas
ng kamay ay isang magandang gawi
bago kumain?
• Paano maiiwasan ang ang germs o mikribyo?
• Paano ito nakukuha?
• Paano ito naisasalin?
• Paano ito maiiwasan?
• A. Gawain Bago Magbasa ng Kwento:

Ano ang iyong paboritong ulam?


Ano ang paboritong ulam ni Roy?
• B. Gawain Habang Bumabasa:
Basahin ang kwento sa mga bata.

• C. Gawain Pagkatapos Bumasa:


1. Magtanong sa kwentong inilahad.
2. Ilahad sa mga bata ang tamang gawi sa hapag-kainan na
nasa LM p19
Itaas ang puting flaglets kung ito ay
tamang gawi at pulang flaglets kung
ito ay maling gawi.
1. Isara ang bibig ngumunguya ng pagkain.
2. Maghugas ng kamay bago kumain gamit ang
sabon
3. Magmadaling kumain.
4. Gumamit ng “Pakiusap” kung may nais na
ipaabot na pagkain.
5. Itaas ang paa sa upuan habang kumakain.
“STAR HUNT”
Panuto: Pumili tayo sa klase ng mga batang
maayos na maipapakita sa atin ang wastong
gawi sa hapag kainan. Ang batang
makagagawa nito ang magkakamit ng ating
malaking STAR.
Ano-anong mga tamang gawi sa
hapag-kainan ang dapat ninyong
tandaan?
Gawin ang Checklist na ito.
Alin sa mga sumusunod na gawi sa hapag-kainan ang ginagawa
mo?
Lagyan ng (/) ang iyong sagot: Palagi, Bihira, Hindi Ginagawa?

Gawi sa Hapag-kainan Palagi Bihira Hindi


Ginagawa
1. Naghuhugas ng kamay
gamit ang sabon.
2. Nakaupo ng maayos
habang kumakain.
Gawi sa Hapag-kainan Palagi Bihira Hindi
Ginagawa
3. Nakasara ang bibig
habang ngumunguya ng
pagkain.
4. Gumagamit ng salitang
“Pakiusap” kapag may
nais na ipaabot na pagkain
Karagdagang Gawain:

Ang Aking Pangako


Wastong gawi sa hapag-kainan, sa loob ng isang
araw dapat isakatuparan.
Gagawin ko ito araw-araw, nang ako’y
magkaroon nang wastong gawi sa hapag-
kainan.
Q2 WEEK 1 –Day2- HEALTH 1

Wastong Paghuhugas
ng Kamay
Laro: Ituro Mo (Touch Me) Game

Humarap sa kapareha.
Sa hudyat ng guro ituturo ang bahagi ng
katawan ng kapareha.
Awit:
I Have Two
Hands
• Tungkol saan ang awit?
• Kailan magandang tingnan ang ating mga daliri?
• Paano natin mapapanatiling malinis ang ating mga
kamay?
Itanong:

Narinig na ba ninyo ang salitang germs o mikrobyo?


Alam ninyo ba kung saan ito galing at paano ito
nakukuha?
Paano ito naisasalin?
Paano ito maiiwasan?
Ilahad sa bahaging ito ang salitang mikrobyo.
• Ano-ano ang ginagawa ng bata sa larawan?
• Ano kaya sa palagay ninyo ang kanilang ginawa bago
kumain?
• Ano kaya ang maaring mangyari kung hindi sila
naghugas ng kamay bago kumain? Bakit?
• Pagmomodelo ng guro ng tamang paghuhugas ng
kamay.
Pangkat I ”Artista Ka Ba”
Ipasadula ang sitwasyon.
Oras na ng pagkain, tinawag si Lota ng kanyang nanay upang sabay-sabay
silang buong mag-anak na kumain. Mabilis na tumungo si Lota sa kusina
at naghugas muna ng kamay bago dumulog sa hapag kainan. Kumain sila
nang maayos at pagkatapos muling naghugas si Lota ng kamay.
Ipaulat sa mga mag-aaral.
Batay sa isinagawa ng unang pangkat, ano-ano ang mga kilos
na isinagawa nila sa dula?
Pangkat II – ”Ayusin Mo”
Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng wastong
paghuhugas ng kamay. Lagyan ng bilang 1-6
“STAR HUNT”
Panuto: Pumili tayo sa klaseng isang batang
maayos na maipapakita sa atin ang wastong paraan
sa paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos
kumain. Ang batang makagagawa nito ang
magkakamit ng ating malaking STAR.
Ipakita Mo!
Pangkatang pagpapakitang kilos nang wastong
paghuhugas ng kamay.
Ano ang dapat nating ugaliin upang
maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na
nakapagdudulot ng sakit?

Tandaan: Ugaliing maghugas ng kamay


upang maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.
Lagyan ng / kung wastong paraan sa paghuhugas ng kamay lagyan
ng X kung hindi.

_____1. Banlawang mabuti ang mga kamay sa


paghuhugas nito.
_____2. Gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay.
_____3. Kuskusin ng sabon ang bawat daliri ng mga kamay.
_____4. Hayaang laging madumi ang kamay.
_____5. Punasan ang mga kamay pagkatapos
Karagdagang Gawain:
Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos gumamit
ng palikuran.
Q2 WEEK 1 –Day3- HEALTH 1

Wastong Paghuhugas
ng Kamay Pagkatapos Gumamit
ng Palikuran
Ano ang dapat gawin bago at
pagkatapos kumain?
Bakit kailangan natin itong
gawin?
Awit:
“This is the Way”
This is the way I wash my hands,
I wash my hands; I wash my hands.
This is the way I wash my hands.
To keep them clean and germ-free.
• Tungkol saan ang awit?
• Bakit kailangang maghugas ng kamay?
• Bakit kailangang Germ-Free ang ating
kamay?
Itanong:

• Alam nyo ba ang ibig sabihin ng germ o


germs?
• Saan kaya ito galing at paano ito nakukuha?
• Paano ito maiiwasan?
• Ano-ano ang nakikita ninyo sa larawan?
• Ano kaya sa palagay ninyo ang ginawa ng
bata?
• Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi
siya naghugas ng kamay matapos gumamit ng
palikuran? Bakit?
Pangkat I – “Basahin Mo”
Panuto: Basahin ang tugma at iparinig ng
malakas sa klase.

“Kalusugan”
Kalusugan ay laging isipin
Paghuhugas ng kamay ay ugaliin
Katawan ay di sakitin
Pagka’t mikrobiyo ay umiwas sa atin.
Pangkat II- “Kulayan Mo”
Panuto: Kulayan ang larawan na nagpapakita ng
wastong Gawain pagkatapos gumamit ng palikuran.
Basahin ang wastong Paraan ng Paghuhugas ng kamay
Ipakita Mo!

Pangkatang Pagpapakitang Kilos nang wastong


paghuhugas ng kamay.
Kulayan ng pula ang kung wastong paraan ng paghuhugas ng kamay.

1. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.


2. Maglaro agad kahit di pa naghuhugas ng kamay
pagkagamit ng palikuran.
3. Kuskusin ng sabon ang bawat daliri ng mga kamay sa
paghuhugsa ng kamay.
4. Hayaang laging madumi ang kamay.
5. Hugasang mabuti ang kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.
Ano ang dapat nating ugaliin
pagkatatapos gumamit ng palikuran?
Bakit?

Tandaan: Maghugas ng kamay


pagkatapos gumamit ng palikuran
upang maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.
Karagdagang Gawain:

Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos


gumamit ng palikuran.
Q2 WEEK 1 –Day4- HEALTH 1

Kapag Marumi
ang mga Kamay
Pakinggan ang
awit na “ Ako ay
May Mga
Kamay”
(Tono: Maliliit na
gagamba)
• Ano ang kanyang ginagawa upang laging malinis ang
kanyang mga kamay?

• Bakit mahalaga na laging malinis ang ating mga


kamay?
Tingnang mabuti ang larawan. Sino ang dapat
maghugas ng kamay? Bilugan ang sagot.

Sino-sino ang mga batang kailangang maghugas ng kamay? Bakit?


• Anong gawain ang ipinakikita sa larawan?
• Ano ang dapat gawin pagkatapos gumamit ng
palikuran?
• Ano ang dapat nating gamitin sa paghuhugas nag
kamay?
• Bakit kailangan nating maghugas ng kamay
pagkatapos gumamit ng palikuran?
• Ano ang magandang dulot sa atin ng malinis na
kamay?
Story Play:
Pangkat – I: Pagkatapos gumamit ng palikuran.
Story Play:

Pangkat – II: Pagkatapos pakainin ang alagang tuta.


Story Play:

Pangkat – III: Kapag umuubo at bumabahin


Story Play:

Pangkat – IV: Pagkatapos maglaro sa labas


Isulat ang TAMA kung mahalaga ang isinasaad ng
pangungusap at MALI kung hindi.

______1. Dapat maghugas ng kamay pagkagaling sa


palikuran.
______2. Matulog na marumi ang kamay.
______3. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos
kumain.
______4. Kumain kahit hindi pa naghuhugas ng kamay.
______5. Ugaliing maghugas ng kamay upang makaiwas sa
sakit.
Bakit kailangan nating maghugas ng kamay
pagkatapos ng mga gawain tulad ng paggamit
ng palikuran, pagpapakain ng alagang hayop
at iba pa?

Tandaan: Dapat maghugas ng kamay


pagkatapos gumamit ng palikuran, pakainin
ang alagang hayop at iba pa, upang maiwasan
ang pagkalat ng mikrobyo na
nakapagdudulot ng kamay
HEPHEP-HURRAY!
Panuto: Isigaw ang Hep-Hep kung ang gawain ay hindi dapat
maghugas ng kamay at Hurray kung dapat maghugas ng kamay.

Bagong gising.
Gumamit ng palikuran.
Umubo at bumahin
Nagtupi ng damit.
Naglaro sa labas.
Karagdagang Gawain:

Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos


pakainin ang alagang hayop.
Q2 WEEK 1 –Day5 HEALTH 1

Paghuhugas ng Paa
kapag Marumi
Awit:

“This is the way I wash my


hand”
Wash my hand (2x)
This is the way I wash my
hand.
Before and after mealtime.
BUUIN MO!
(Tumawag ng bata)
Panuto: Pagsamasamahin ang magkakahiwalay na larawan. Sabihin
kung ano ang nabuong larawan.

Kailan tayo dapat nag huhugas ng paa?


Tingnan si Biboy.
Naglalaro siya sa baha.
Ang dumi-dumi niya.
Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro?
• Sino ang nasa larawan?
• Saan naglalaro si Biboy?
• Tama ba na maglaro sa baha si Biboy? Bakit?
• Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro sa
baha? Bakit?
Pangkat I – “ Ikuwento Mo”
Panuto: Gamit ang larawan ikuwento sa sa klase ang istorya
tungkol kay Lito. ( Pipili ang unang pangkat ng kanilang
story teller)
Isa-pito na ng gabi oras na para
matulog.
Umakyat si Lito sa kanyang silid,
ngunit marumi pa ang kanyang mga
paa,
ano ang dapat niyang gawian?
Pangkat –II “Susugin Mo”
Naglaro si Kiko kasama ang kanyang kamag-aral. Napansin niyang
marumi ang kanyang mga paa. Nais niyang hugasan ang mga ito.
Tulungan si Kiko na makarating sa poso.
Pangkat – III “Ipakita Mo”
Panuto: Isadula ang sitwasyon.
Kailangang hugasan nang wasto ang ating paa.
Panuto: Bakatin ang mga paa sa puting papel.
Isulat sa ilalim ng guhit.
Huhugasan ko ang aking mga paa kapag marumi,
bago matulog at pagkatapos maglaro sa baha upang
maiwasan ang pagkakasakit.
Kailan tayo dapat naghuhugas ng paa?
Bakit?

Tandaan: Dapat ugaliing maghugas ng


paa kapag ito ay marumi, bago matulog at
pagkatapos maglaro sa baha upang
maiwasan ang pagkakasakit.
Ipakita Mo!

Pangkatang Pagpapakitang Kilos nang wastong


paghuhugas ng paa.
Panuto: Lagyan ng tsek ang larawan na nagpapakita
kung kailan tayo dapat maghugas ng paa.
Karagdagang Gawain:

Ugaliing maghugas ng paa kapag marumi ang mga ito.

You might also like