You are on page 1of 38

1

Music, Art, Physical Education


and Health

Kagamitan ng Mag-aaral

Tagalog
Unit 2

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri


ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Music, Art, Physical Education, and Health- Unang Baitang

1
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: ____________
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang
mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
 
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

  Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral


MUSIC
Consultant at Editor: Mauricia D. Borromeo
Manunulat: Cielito Margo Mirandilla
ART
Consultant at Editor: Alice Pañares, MA
Manunulat: Anna Victoria C. San Diego
Mga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art)
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,
Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus
Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art)
Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. Castro
PHYSICAL EDUCATION
Consultant: Larry A. Gabao, PhD.
Manunulat: Salve A. Favila, PhD.
HEALTH
Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD.
Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento,
Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. Callo
Mga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. Vicencio
Mga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,
Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus
Mga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia,
Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health)
Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE),
Ma. Theresa M. Castro
Encoder: Earl John V. Lee

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________________


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

2
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Health
YUNIT 2: Ako ay Malusog ….……………………... 221
Aralin 1: Kamay na Malinis ............................................. 225
Gawain 1 ……………………………………………... 225
Gawain 3: Ito ang Paraan ………….…………....... 228
Aralin 2: Paang Malinis …..…………….….................... 231
Aralin 3: Wastong Gawi sa Pag-ubo at Pagbahin ...... 235
Gawain 1: Wastong Pagbahin ……………………. 236
Gawain 2: Wastong Gawi sa Kalusugan ………... 237
Aralin 4: Magsuot ng Malinis na Damit......................... 238
Gawain 1: Malinis o Marumi ………………………. 238
Gawain 2: Malinis na Damit ……………………….. 238
Gawain 3: Gawin Natin Ito ………………………… 239
Gawain 4: Anong Isinusuot Natin sa Iba’t ibang
Pagkakataon? ..……………………………….. 240
Gawain 5: Anong Damit ang Dapat Isuot? ……. 241
Gawain 6 : Kulayan ang Damit …………………... 242
Aralin 5: Ang aking Pagtulog ........................................ 243
Gawain 1: Kailangan Kong Magpahinga …..…. 243
Gawain 2: Gaano Ka Katagal Matulog …….….. 243
Gawain 3: Matulog nang Maaga .………….…… 244
Gawain 4: Inaayos Ko ang Aking Tulugan .…….. 245
Gawain 5: Handa na Akong Matulog …….……. 245
Gawain 6 : Ang aking Gamit sa Pagtulog .…….. 248
Aralin 6: Ang Aking Tindig …………............................... 249
Gawain 1: Tumayo nang Tuwid ……………….…. 249
Gawain 2: Umupo nang Tuwid ……………….….. 250
Gawain 3: Wastong Paglakad .………….……….. 250
Gawain 4: Pulutin ang Iyong Gamit .…………….. 251
Gawain 5: Sino ang May Maayos na Tindig? ….. 251

3
YUNIT 2. AKO AY MALUSOG

Gusto mo bang maging malusog?

4
Subukin Natin
A. Alin ang larawang nagpapakita ng wastong gawi sa
kalusugan?

Lagyan ng tsek () sa hiwalay na papel.

B. Isulat ang letra ng angkop na larawan sa kuwaderno.


1. Ginagamit sa paghuhugas ng paa.

2. Tinatakpan ang bibig kapag umuubo.

5
3. Ginagawa pagkatapos gumamit ng palikuran.

4. Ginagawa pagkagising.

5. Ginagamit pagkatapos maligo.

C. Gumuhit ng pusong pula kung tama ang pangungusap


at dilaw kung mali sa kuwaderno.

1. Magsuot ng malinis na damit.


2. Matulog ng marumi ang paa.

6
3. Maglaro sa labas kahit mainit.
4. Punasan ang iyong mukha ng malinis na
tuwalya.
5. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos
kumain

7
Aralin 1: Kamay na Malinis
Pag-aralan Natin
Gawain 1

Awit tungkol sa ating mga kamay (sa tono ng “Maliliit na


Gagamba”)
Awitin Natin

Ako’y may mga Kamay

Ako’y may mga kamay


Kaliwa at kanan
Itaas mo man ito’y
Malilinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak itong
mga kamay

8
Siya si Rica.
Ipinakikita niya sa atin ang
kaniyang mga kamay.
Anong sinasabi niya? Kumusta? Rica ang
pangalan ko.
Ito ang aking mga kamay.
Nakagagawa ako ng
maraming bagay sa tulong
ng aking mga kamay.
Taglay na kalinisan, kay
gandang pagmasdan
’Pagkat ito'y laging
hinuhugasan. Ikaw, paano
mo inaalagaan ang iyong
kamay?

Kailangang hugasan ang ating mga kamay.


Kailan dapat hugasan ang ating mga kamay?

Kapag ito ay marurumi.


Bago at pagkatapos kumain.

9
Pagkatapos gumamit ng palikuran.

Pagkatapos pakainin ang alagang aso.

Kapag umubo at bumahin.

Pagkatapos maglaro sa labas.

Pagsasanay 1
Sino ang dapat maghugas ng kamay?

10
Isulat sa kuwaderno ang bilang ng larawan.

Gawain 3: Ito ang Paraan

Hugasan natin ang ating mga kamay.


Gawin natin ito.
Hugasan nang wasto ang ating mga kamay.
Sinasabi sa awit ang tamang paraan.
Awitin natin. (sa tono ng “Ang Piyera ni Juan”)

Ito ang Paraan


Ito ang paraan ng paghuhugas ng kamay, May wastong
paghuhugas ng kamay, paghuhugas ng paraan ng
kamay paghuhugas ng
kamay
Ito ang paraan ng paghuhugas ng kamay Pag-aralan natin.
upang sakit ay maiwasan.
11
Tandaan Natin

Hugasan nang wasto


ang ating mga kamay.

12
Ang Aking Pangako

Nangangako ako
na huhugasan ko nang wasto
ang aking mga kamay.

Lagda ng Magulang: _______________________


Petsa: _______________________

13
Aralin 2: Paang Malinis
Pag-aralan Natin
Gawain 1

Tingnan si Biboy.
Naglalaro siya sa baha.
Ang dumi-dumi niya.
Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos
maglaro?

Dapat bang maglaro si Biboy sa tubig-


baha?

Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel

Kailan dapat hugasan ang ating paa?

14
1. Kapag ito ay marumi.

2. Bago tayo matulog.

3. Pagkatapos magtampisaw sa baha.

Kailangang hugasan nang wasto ang ating paa.


Narito ang wastong paraan ng paghuhugas.
1. Gumamit ng tubig at sabon.
Hindi sapat na tubig lamang ang
gamitin sa paghuhugas ng paa.
Gumamit ng sabon. Kuskusing
mabuti ang buong bahagi.

15
2. Tuyuing mabuti ang mga paa.

Gumamit ng malambot na
pamunas o tuwalya. Tuyuin ang
pagitan ng mga daliri. Ang
natitirang dumi ang nagiging sanhi
ng mabahong amoy at impeksiyon
sa paa.

Suriin Natin

A. Tingnan ang mga larawan


Sino ang dapat maghugas ng paa?
Sabihin ang letra ng larawan.

16
B. Naglaro si Kiko kasama ang kaniyang kamag-aral.
Napansin niyang marumi ang kaniyang mga paa. Nais
niyang hugasan ang mga ito.
Tulungan si Boy na makarating sa poso.
Guhitan sa hiwalay na papel ang dadaanan ni Kiko
papunta sa poso.

Pag-aralan Natin
 Ingatan ang ating mga paa upang mapanatili nitong
malinis at malusog.
 Hinuhugasan natin ang mga paa kapag:
 marumi
 bago matulog
 pagkatapos magtampisaw sa baha
 Gumamit ng tubig at sabon sa paghuhugas ng ating
mga paa.
Tuyuing mabuti gamit ang malinis na tuwalya.

“Sa maruruming paa, sakit ay makukuha,


kaya alagaan sa tuwi-tuwina.”
Aralin 3. Wastong Gawi sa Pag-ubo
at Pagbahin
17
Pag-aralan Natin

Gawin Natin
Gawain 1: Wastong Pagbahin
Takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahin:
18
Itapon ang tissue paper sa:

Kung ikaw ay may sipon:

Hindi dapat gamitin ang kamay na pantakip sa bibig kapag


umuubo.

Gawain 2: Wastong Gawi sa Kalusugan


Tingnan ang larawan.
Iguhit ang  sa kuwaderno kung wastong gawi sa
kalusugan.

19
Iguhit ang  kung hindi wastong gawi sa kalusugan.

Tandaan Natin

Sa pag-ubo at pagbahin,
bibig ay takpan
upang sakit ay maiwasan.

Aralin 4: Magsuot ng Malinis na Damit


Pag aralan Natin
Gawain 1: Malinis o Marumi

Boy Roy

20
Sino ang malinis tingnan?
Bakit?

Gawain 2: Malinis na Damit

Malinis na Damit

Malinis na damit
ang laging isuot,
nang maging kaaya-aya
sa tuwi-tuwina.

21
Gawain 3: Gawin Natin Ito

Magpalit ng damit pagkatapos maligo.

Magpalit ng damit kung ito ay marumi na.

Magpalit ng damit bago matulog sa gabi.

Ugaliin ang madalas na pagpapalit ng damit panloob.

22
Gawain 4: Anong Isinusuot Natin sa Iba’t ibang
Pagkakataon?

Iba’t iba ang isinusuot nating damit.


Bawat isa ay may sariling gamit.

1. Magsuot ng uniporme sa paaralan.


2. Magsuot ng damit panlaro kapag
naglalaro. Ito rin ang isinusuot kapag
nasa bahay. Ang mga damit na ito ay
simple at maginhawa sa katawan.

3. Magsuot ng angkop na damit sa pook-dalanginan.


Magsuot din ng angkop na damit sa
mga pagtitipon.

4. Magsuot ng
damit pantulog kapag matutulog.
Ito ay maluwag at maginhawa sa
katawan.

5. Gumamit ng damit panloob.

Gawain 5. Anong Damit ang Dapat Isuot?


Tingnan ang mga larawan. Isulat ang letra ng tamang larawan.

23
Gawain 3: Kulayan ang Damit
Kilalanin sina Ali at Sara.
Tulungan silang magbihis. Iguhit sa papel at kulayan ang damit
nina Ali at Sara.

24
Tandaan
Magsuot ng malinis na damit araw-araw.
 Magpalit ng damit:
 pagkatapos maligo
 kapag marumi na
 bago matulog sa gabi
• Magsuot ng iba’t ibang uri ng damit.
 uniporme
 damit panlaro
 damit para sa pagtitipon
 damit pantulog
 damit panloob
• Magsuot ng malinis na damit panloob.

Aralin 5: Ang Aking Pagtulog


Gawain 1: Kailangan Kong Magpahinga

Maglakad tayo.
Tumakbo tayo.
Kapag pagod na tayo,
tayo’y magpahinga.
25
Gawain 2: Gaano Ka Katagal Matulog?

Ang pagtulog at pagpapahinga ay tumutulong upang tayo ay


lumaki at lumusog.

Gaano katagal matulog si Nina?


Bilangin ang bituin.

Tingnan ang orasan.


Ika-8:00 na ng gabi.
Natutulog si Nina tuwing ika-8:00 ng gabi.
Gumigising siya tuwing ika- 7:00 ng umaga.
Natutulog siya ng 11 oras.
Ikaw, anong oras ka natutulog?
Anong oras ka gumigising?

Natutulog ako sa ganap na _____.


Gumigising ako sa ganap na ______.

26
Natutulog ako ng _________.

Gawain 3: Matulog nang Maaga

Matulog at gumising
nang maaga,
para maging malusog
at masigla.

Anong oras ka natutulog?


Anong oras ka gumigising?
Anong mangyayari sa iyo
kapag sapat ang iyong
pagtulog?
Bakit?

Gawain 4: Inaayos Ko ang Aking Tulugan


Pagmasdan ang larawan A at B

27
Alin sa dalawang batang lalaki ang iyong gusto?
Bakit?

Gawain 5: Handa na Akong Matulog


Basahin ang kuwento.

28
1. Palitan ang kobre-kama linggo-linggo.

2. Palitan ang punda linggo-linggo.

29
Tandaan

Kailangan natin ng sapat na oras sa


pagtulog.
Ang pagtulog ay nagpapalusog.

Mahimbing ang tulog natin kapag malinis


ang kobre-kama.
Mahimbing ang tulog natin kapag malinis
ang mga unan at kumot.

30
Gawain 6: Ang Aking Gamit sa Pagtulog
Ano-ano ang ginagamit mo sa pagtulog?
Isulat sa sagutang papel ang bilang ng tamang sagot.

Aralin 6: Ang Aking Tindig


Pag-aralan Natin

31
Gawain 1: Tumayo nang Tuwid

1. Tumayo nang tuwid sa tabi ng


dingding.
2. Hayaang nakalapat ang ulo sa
dingding.
3. Hayaang nakalapat ang balikat
sa dingding.
4. Hayaang nakalapat ang likod sa
dingding.
5. Tumingin nang diretso.
6. Ituwid ang tuhod.
7. Iliyad ang dibdib.
8. Huwag iliyad ang tiyan.

Nagawa mo ba?

Tumayo nang Tuwid

Tumayo nang tuwid


Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid
Mahal kong kamag-aral
Tumayo nang tuwid
Tumayo nang tuwid
Mahal kong kamag-aral
Gawain 2: Umupo nang Tuwid

1. Umupo nang tuwid sa silya.


2. Isandal ang likod sa silya.
3. Umupo nang tuwid ang balikat.

32
4. Hayaang dumikit ang ibabang bahagi ng katawan sa silya.
6. Umupo nang nakaayos ang tuhod at balakang.
6. Ilapat ang paa sa sahig.
7. Huwag pagpatungin ang dalawang binti.

Gawain 3: Wastong Paglakad

1. Tumayo nang tuwid.


2. Tumingin nang tuwid at hindi nakatungo.
3. Itaas ang baba.
4. Huwag iliyad ang tiyan.
5. Lumakad paharap.
6. Hayaang gumagalaw ang braso.
7. Ibaluktot nang bahagya ang tuhod.

33
Gawain 4: Pulutin ang Iyong Gamit

Kung may pupulutin o may ilalagay na bagay sa ibaba:


1. Ibaluktot ang tuhod kasabay ng hita.
2. Iwasang yumuko.

Gawain 5: Sino ang May Maayos na Tindig?


Piliin ang letra ng tamang sagot. Gawin sa kuwaderno.

1. Sino ang nakaupo nang maayos?

2. Sino ang nakatayo nang tuwid?

1. Sino ang may wastong tindig sa paglalakad?

34
Tandaan:

Tumayo nang tuwid


Umupo nang tuwid.
Maglakad nang wasto.
Pulutin ang mga bagay nang buong ingat.

35
Huling Pagtataya
A. Alin ang ginagamit natin sa paghuhugas ng kamay at
paa?
Iguhit sa iyong papel ang tamang sagot.

B. Paano tayo naghuhugas ng ating kamay?

36
Lagyan ng bilang ang larawan ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod.Gawin sa kuwaderno.

C. Piliin ang letra ng maling larawan sa kuwaderno.

37
D. Isulat ang Oo kung tama ang gawain at Hindi kung mali
sa iyong papel.
______ 1. Maglalaro ako nang buong araw.
______ 2. Matutulog ako sa tamang oras.
______ 3. Tatayo ako nang tuwid.
______ 4. Matutulog ako sa malinis na banig.
______ 5. Magpapalit ako ng damit linggo-linggo.

38

You might also like