You are on page 1of 55

7

TALASANAYAN SA ESP
Ikalawang Markahan
7

TALASANAYAN SA ESP
Ikalawang Markahan

Ang Talasanayan (Activity Sheet) na ito ay magkatuwang


na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
paaralan ng SDO Urdaneta City. Hinihikayat namin ang mga
gurong gagamit nito na magpadala ng kanilang mga puna o
mungkahi sa SDO Urdaneta City sa email address na ito:
urdaneta.city@deped.gov.ph | lrmdsdepedurdaneta@gmail.com.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Department of Education ● SDO Urdaneta City


Talasanayan sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikalawang Markahan
2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anumang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

TALASANAYAN SA ESP 7 DEVELOPMENT TEAM


Writer/s: Lea C. Cardinez
Evaluators/ Nida Masangcay Reden Damian
Reviewers:
Rowena Lampad Crispina Sotto
Merry B. Joy Tabula Lara Jill Duazo
Illustrator/s: Mark Jay Q. Bongolan
Layout Artist: Jeralyn D. Lapeña
Management Schools Division Superintendent Fatima R. Boado CESO VI
Team:
Asst. Schools Div. Superintendent Rosario O. Cabrera
Division EPS, LRMS Joel B. Caballero EdD
EPS-In-Charge of Learning Area Edgar F. Olua PhD
Project Development Officer II—LRMS Roseanne O. Cabrera
Librarian II—LRMS Jesusa S. Agbanlog

Printed by SDO URDANETA CITY—LEARNING RESOURCES DEVELOPMENT AND


MANAGEMENT UNIT
Department of Education—Region I

Office Address: High School Drive, San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Telefax: 075-568-3054
E-mail Address: urdaneta.city@deped.gov.ph
Talaan ng Nilalaman

Ikalawang Markahan

Linggo 1.1
2
Gawain 1 : Alin ang Naiiba? ……………………………………………….
2
Gawain 2 : Tao, Natatangi Ka nga ba? …………………………………..
3
Gawain 3 : Pagkakatulad, Pagkakaiba, Tukuyin Na …………………..
Linggo 1.2
4
Gawain 1 : Kilos Mo, Pagpasyahan ………………………………………
5
Gawain 2 : Pagharap sa Hamon sa Kabataan ………………………….
6
Gawain 3 : Isip at Kilos-loob, Gamitin ng Wasto ………………………
Linggo 2.1
7
Gawain 1 : Brainteasers ……………………………………………………
8
Gawain 2 : Paglalahad ……………………………………………………...
8
Gawain 3 : Pagpapatunay, Ikuwento Mo ……………………………….
Linggo 2.2
9
Gawain 1 : Pasya Ko ay Wasto ……………………………………………
9
Gawain 2 : Wastong Pagpapasya, Atin nang Isagawa ………………..
Gawain 3 : Isip at Kilos-loob Pagtugmain, Tamang Tamang
10
Linggo 3.1 Hakbang Linangin…………………….. … ………………..

Gawain 1 :
Tama o Mali ……………………………………………………. 12
Gawain 2 :
Ako ang Iyong Konsensiya …………………………………. 12
Gawain 3 :
Konsensiya, Ano ka nga ba? ……………………………….. 13
Linggo 3.2
Gawain 1 :
Wastong Paraan, Iyong Pagpasyahan ……………………. 14
Gawain 2 :
Ang Kalupi ……………………………………………………... 15
Gawain 3 :
Wastong Pagpapasya ………………………………………... 16
Linggo 4.1
Gawain 1 :
Konsensiya Mo, Pakinggan Mo …………………………….. 17
Gawain 2 :
Konsensiya Mo, Timbangin Mo …………………………….. 19
Gawain 3 :
Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko …….. 20
Linggo 4.2
Gawain 1 : Scrambled Letters ……………………………………………. 21
Gawain 2 : Payabungin Natin …………………………………………….. 21
Gawain 3 : Dugtungan Tayo ……………………………………………… 22
Linggo 5.1
Gawain 1 : Wish Ko Lang …………………………………………………. 24
Gawain 2 : Larawan ba ng Kalayaan, Suriin Mo! ……………………... 25
Gawain 3 : Kalayaan, Bigyang Kahulugan …………………………….. 27
Linggo 5.2
Gawain 1 : Gawing Nakaaapekto ………………………………………… 28
Gawain 2 : Malaya Ka nga Ba? …………………………………………... 28
Gawain 3 : Ang Pagiging Makata ng Isang Malaya …………………... 29
Linggo 6.1
Gawain 1 : Hanap Salita …………………………………………………… 30
Gawain 2 : Gawi Mo, Panagutan Mo …………………………………….. 31
Gawain 3 : Crossword Puzzle ……………………………………………. 32
Linggo 6.2
Gawain 1 : Kalayaan Mo, Kinabukasan Mo ……………………………. 33
Gawain 2 : Kalayaan, Iguhit Mo ………………………………………….. 34
Gawain 3 : Kalayaan Ko, Kabutuhan Ko ……………………………….. 34
Linggo 7.1
Gawain 1 : Kilalanin Sila …………………………………………………... 36
Gawain 2 : Iyong Kilalanin, Pagkakaiba at Pagkakatulad ng… …….. 38
Gawain 3 : Islogan ng Pagkakapantay-pantay ………………………... 39
Linggo 7.2
Gawain 1 : Dignidad ng Kapwa Ko, Igagalang Ko ……………………. 40
Gawain 2 : Itala ang Pagpapahalaga sa Kapwa ……………………….. 41
Gawain 3 : Pagsulat ng Saloobin ………………………………………... 42
Linggo 8.1
Gawain 1 : Akronim ………………………………………………………… 43
Gawain 2 : The Golden Rule ……………………………………………… 44
Gawain 3 : Programa Para sa Bayan ……………………………………. 45
Linggo 8.2
Gawain 1 : Sariling Dignidad, Sukatin Mo ……………………………... 46
Gawain 2 : Hanap Salita …………………………………………………… 46
Gawain 3 : Hakbang sa Paggalang, Itala Mo …………………………... 47
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 1


Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng
isip at kilos-loob.

Paksa: Isip at Kilos-Loob

TANDAAN NATIN
A. Talasalitaan
1. Kilos-loob – Ang kilos loob ay nangangahulugan ng paggawa ng isang bagay
ayon sa iyong kalooban o kagustuhan. Mayroon kang sariling desisyon at
paniniwala na ang iyong pinipili ay tama at makakatulong sa iyong sarili at sa
ibang tao.
2. Kakayahan – Ito ay tumutukoy sa likas na galing ng isang tao na tumutukoy din
sa kalakasang intelektuwal ng isang tao na nakagagawa ng mga pambihirang
bagay o kahanga hangang bagay.
B. Konsepto ng Pampagkatuto
Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang halaman, ang
hayop at ang tao. Katulad sa halaman, ang tao ay nangangailangang alagaan
upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang
makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad sa hayop ang tao ay may
damdamin kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa kapabayaan o pagpapahirap.
Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari na hindi inaasahan.
Nagagalit siya kapag pinakitunguhan nang hindi tama subalit kumakalma sa
tuwing pinakitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa mga ito ang kayang gawin ng
tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos”, kaya nga ang tao ay
tinatawag na kanyang obra maestra.
Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa
kanya. Ang mga katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay
lamang ng tao na nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr.
Manuel Dy Jr., ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso
at ang kamay o katawan.

1
Gawain 1: Alin-alin Ang Naiiba?
Panuto: Masdan mo ang mga sumusunod na larawan. Sagutin ang mga
tanong at nakatakdang gawain pagkatapos nito.

Halaman Hayop Tao

1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?

2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?

3. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag.

Gawain 2: Tao, Natatangi Ka Nga Ba?


Panuto: Pag-aralan ang dalawang larawan. Magbahagi ng inyong saloobin o
opinyon sa mga larawan at sagutin ang bawat tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng lalaki at ng langgam sa kanilang ginawa?

2
2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan ang kanyang ginawa?

3. Ano ang palatandaang ang tao ay may isip?

Gawain 3: Pagkakatulad, Pagkakaiba, Tukuyin Na


Panuto: Pag-aralan ang larawan sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang
mga katanungan ukol dito.

1. Ano ang pagkakaiba ng pagtugon ng lalaki at ng aso sa paalala? Bakit?

2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya ang paalalang ito?

3. Ano ang palatandaan na ang tao ay may isip?

4. Ano ang palatandaan na ang tao ay may kilos-loob?

5. Kung susuwayin ng tao ang paalalang ito natatangi pa rin ba siya? Patunayan.

3
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 1


Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit
at tunguhin ng isip at kilos-loob

Paksa: Isip at Kilos-Loob

Gawain 1: Kilos mo, Pagpasyahan


Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Ibigay ang pagpapa-
siya sa bawat sitwasyon.

1. Gumawa kayo ng inyong proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa bahay ng


inyong kaklase. Pagkatapos gawin ang nasabing proyekto, napagpasiyahan ninyong
magkakaibigan na mamasyal muna sa batis malapit sa bahay ng iyong kaklase. Hindi
mo namalayan ang oras at gabi na nang makauwi ka sa inyong bahay. Alam mong
pagagalitan ka ng iyong mga magulang dahil sa pangyayari. Ano ang iyong
gagawin?

Ano ang iyong gagawin?

4
1. Nagmamadali kang pumasok sa paaralan dahil mahuhuli ka na sa iyong klase at
mapapagalitan ka na naman ng iyong guro. Sa daan may napansin kang isang lalaki
na nahihirapang tumawid sa kalsada dahil sa kanyang kapansanan. Ayaw mong
mahuli sa iyong klase dahil sa nakatakdang pagsusulit. Ano ang nararapat mong
gawin sa pagkakataong ganito?

Paano na kaya ito? Hindi ko


na alam kung saang lugar
na itong napuntahan ko.

Ano ang iyong gagawin?

Gawain 2: Pagharap sa Hamon sa Kabataan


Panuto: : Ang sumusunod na sitwasyon ay karaniwang kinakaharap ng
isang kabataang katulad mo. Sakaling mangyari ang parehong sitwasyon sa
iyo, paano mo ito haharapin? Itala ang sariling isip at kilos-loob sa
sitwasyon.

SITWASYON SARILING ISIP AT KILOS-LOOB

1. Sinabi ng iyong kaibigan na hindi siya


papasok sa paaralan ng tanghali dahil
gusto nitong magcomputer at hindi ito
alam ng kanyang magulang.

2. Nanuod ka ng telebisyon kagabi at dahil


doon ay hindi ka nakapag-aral.
Kinabukasan, nagbigay ng pagsusulit
ang inyong guro at sinabihan ka ng
iyong matalik na kaibigan na komopya
sa kanya dahil magkaibigan naman daw
kayo at nakapag-review siya.

5
SITWASYON SARILING ISIP AT KILOS-LOOB
3. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili
ng suka sa tindahan. Hindi napansin
ng nanay mo na napasama sa
perang Php 20 ang Php 500 nito.
Noong panahong iyon ay gusto mong
sumama sa outing ngunit wala kang
pera at ayaw ng iyong nanay

Gawain 3: Isip at Kilos-Loob, Gamitin ng Wasto


Panuto: Sumulat ng isang pangyayari o karanasan sa iyong buhay na
kung saan nagamit mo nang lubos ang iyong isip at kilos-loob. Ilahad kung
paano mo ito nagawa at isulat ang sagot sa nakalaang espasyo sa ibaba.

6
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 2


Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang
nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kanyang mga
pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at
kabutihan.

Paksa: Isip at Kilos-Loob

TANDAAN NATIN
Konsepto ng Pampagkatuto
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t
patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa
katotohanang natuklasan.
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de
Aquino ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung kaya’t ang
tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan.

Gawain 1: Brain teasers


Panuto: Sagutin ang brain teasers sa ibaba.Isulat ang mga kasagutan
sa patlang na nasa ibaba ng bawat kahon.

HEAD
1. 3. R E A D
HEELS

W
BELT O
2. 4. WORDS
NO HITTING D
S

7
Gawain 2: Paglalahad
Panuto: Batay sa unang gawain, ano-ano ang iyong ginamit sa pagsagot
ng mga teaser na ito? Paano mo ginamit ang iyong isip, puso at kamay o
katawan para masagutan mo ang mga ito? Isulat ang iyong obserbasyon sa
loob ng kahon.

Gawain 3: Pagpapatunay, Ikuwento Mo


Panuto: Magbahagi ng sariling karanasang nagpapakita at nagpapatu-
nay sa katagang “ ANG TAO AY BUKOD-TANGING NILALANG NG DI-
YOS”. Ihayag mo ito sa pamamagitan ng isang kuwento.

8
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 2


Kasanayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na
pagpapasya tungo sa katotohanan at kabutihan
gamit ang isip at kilos-loob.

Paksa: Isip at Kilos-Loob

Gawain 1: Pasya Ko ay Wasto


Panuto: Basahin ang mga gawain sa ibaba ng kahon. Para sa una at
pangalawang kolum, lagyan ng tsek (√) kung alam mo at ginagawa mo at
ekis (X) naman kung hindi. Sa ikatlong kolum naman isulat ang iyong
paliwanag. Sagutan ang mga katanungan. Gumamit ng panibagong papel
para sa iyong mga kasagutan.

Alam Ko Ginagawa Katuwiran/


Ko Paliwanag
1. Pag-aaral ng mabuti.
2. Pagiging magalang, mabuti at matapat sa
lahat ng oras.
3. Pagiging responsable sa pag-aalaga ng
kapatid.
4. Pag-iingat sa mga bagay sa paaralan,
bahay at sa iba pang lugar.

Mga Katanungan:
1. Batay sa resulta ng iyong ginawa, nagagampanan mo ba ang iyong mga tungkulin
bilang tao?
2. May sagot ka bang hindi magkatugma sa alam mo at ginagawa mo? Kung mayroon o
wala, maari mo bang ipaliwanag.
3. Sa iyong palagay, dapat bang magkatugma ang alam mo sa ginagawa mo? Ibigay ang
iyong sariling pagkaunawa.

Gawain 2: Wastong Pagpapasya, Atin nang Isagawa


Panuto: Pakilusin ang isipan kasabay ng paggamit ng bukal na kaloo-
ban sa pagpapasya. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay nagpapakita ng wastong
pagpapasya at ekis (X) naman kung hindi.

1. Isinasaalang-alang ng aming pamilya ang pagsisimba tuwing Linggo.


2. Hindi ko ipinagsasabi sa ibang tao ang aking problema.
3. Nakikisama ako sa aking mga kaibigang kaklase sa pagliban sa panghapong
asignatura upang hindi ako matawag na walang pakikisama.

9
4. Pag-aaral nang mabuti ang pokus ko upang masuklian ang hirap ng aking mga
magulang.
5. Masayang maglaro sa selpon, nakakawala ng pagkabagot ngunit nililimitahan ko
kung mayroong mas mahalagang gagawin.
6. Magpakita ng magandang asal sa tuwing ang guro ay nasa paligid lamang.
7. Baryang pera lamang ang kinukuha ko sa pitaka ng aking magulang kung kaya’t
kahit hindi ko na ito ipaalam.
8. Mas akma ang pagbigay ng pagkain kaysa pera sa mga nanglilimos na bata sa
palengke.
9. Ang pagtitipid ko sa maayos na paraan ay makatutulong sa akin balang araw.
10. Nangunguha kami ng mangga sa bukid tutal wala namang bantay.

Gawain 3: Isip at Kilos-loob Pagtugmain, Tamang Hakbang


Linangin
Panuto: Paano mo malilinang ang tamang paggamit ng iyong kilos -
loob? Sundan ang mga hakbang sa ibaba at subukang sagutin ang hinihingi

Araw
Tungkulin na nais
isakatuparan
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Lingo
upang maging Paraan o Hakbang
tugma ang alam
ng isip sa na Gagawin
ginagawa ng
kilos-loob

10
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 3


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas
Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may
kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito
ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan
ang masama.

Paksa: Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas


Moral

TANDAAN NATIN
A. Talasalitaan
1. Konsensiya – ang paghusga ng isip kung masama o mabuti ang ating mga gi-
nagawa o kinikilos. Ito rin ang maituturing na batas moral na itinanim ng
panginoon sa puso at isip nating mga tao.
2. Likas Na Batas Moral – ay ang teorya na nagsasabing taglay ng bawat isa sa
atin ang kaalaman ng tama at mali. Sinasabi dito na dahil tayo ay nilikha ng
Diyos, at dahil ang lumikha ay mabuti at makatarungan, marapat lamang na
isipin na tayo ay ganoon din.
3. Prinsipyo – ay ang antas ng kahalagaan ng isang bagay o gawain, kasama ang
layunin ng pagtukoy kung anong mga gawain ang pinakamabuting gawin o
kung ano ang pinakamainam na paraan para mabuhay (normatibong etika), o
upang isalarawan ang kabuluhan ng iba't ibang mga gawain (aksilohiya).
B. Konsepto ng Pampagkatuto
Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama.
Ang kakayahang ito ay tinatawag na konsensiya. Ang salitang konsensiya ay mula
sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin
ay “knowledge” o kaalaman. Samakatuwid, ang konsensiya ay nangangahulugang
“with knowledge” o mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang kaugnayan ng
kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa
pamamagitan ng kilos na ginawa.
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa
dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan
ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama.
Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o
sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.

11
Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o
malaman ang batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibiduwal kaya’t
ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan
ang masama.

Gawain 1: Tama o Mali, Ipaliwanag ang Napili


Panuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpipili sa
sitwasyong ito. Suriin ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung
ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon? Piliin ang iyong gagawin sa apat
na pagpipilian at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan.


May nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa.
Nang tingnan mo, naglalaman ito ng
dalawang libong piso. Naroon din ang ID
ng may-ari na isa mong kaklase. May sakit
ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang
pambili ng kanyang gamot.

Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang
iyong naging sagot. Isulat sa panibagong papel para sa iyong kasagutan sa
pagpapaliwanag.

Hahayaan ko lang ito sa Ibibigay ko ito sa kakalase


mesa total hindi naman ko na nagmamay-ari nito.
ito sa akin.
TAMA ba o MALI?
TAMA ba o MALI?
Ipaliwanag
Ipaliwanag

Ituturo ko ito sa kasama


Kukunin ko ito para ko para siya ang
may ipambili kami sasabihin kong kumuha.
ng gamot para sa
tatay ko. TAMA ba o MALI

TAMA ba o MALI Ipaliwanag

Ipaliwanag

Gawain 2: Ako ang Iyong Konsensiya


Panuto: Magbigay/Magbahagi ng sitwasyon o karanasan kung saan
nagtatalo ang paggawa ng mabuti at paggawa ng masama. Paano mo
nailalapat ang iyong konsensiya sa ganitong pagkakataon?

12
1.

2.

3.

4.

5.

Paano umiiral ang paggamit mo ng iyong konsensiya sa mga nasabing sitwasyon?

Gawain 3: Konsensiya, Ano Ka nga ba?


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng konsensya. Gawin ito sa pamamagi-
tan ng graphic organizer.

KONSENSIYA

13
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 3


Kasanayang Pampagkatuto: Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang
mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo
ng Likas na Batas Moral.

Paksa: Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas


Moral

Gawain 1: Wastong Paraan, Iyong Pagpasyahan


Panuto: Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipakita
kung paano mo gagamitin sa wastong paraan upang baguhin ang mga
pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

SITWASYON 1
Nagbigay ng relief goods ang inyong barangay at isa ka sa mga nabigyan. Medyo
nakakaangat sa buhay ang inyong pamilya at nalaman mong may mga mamamayan na
hindi pinalad na nabigyan. Sa pagkakataong ganito ano ang nararapat mong gawin?

SITWASYON 2
Panahon ngayon ng krisis dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Marami sa mga tao
ang naranasan ang hirap at gutom dahil sa lahat halos ay tumigil sa pagtatrabaho. May
inilaang tulong ang pamahalaan upang mairaos kahit papano ng mga tao ang gutom at isa
na dito ay ang pagbibigay ng DSWD ng pera para sa bawat pamilya. Sa loob ng inyong
tahanan hindi namalayan ng DSWD na nabigyan pareho ang iyong magulang ng tulong na
pera. Anong gagawin mo sa mga pagkakataong ganito?

14
SITWASYON 3
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng kapaligiran, nalaman mo
ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa sambayanan. Mayroong babala sa inyong
baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa
hindi itinakdang lugar na tapunan nito. Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong
bahay, nakita mo ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi
itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang
gagawin mo?

Gawain 2: Ang Kalupi


Panuto: Basahin ang komiks at ipahayag ang damdamin sa nabasa.
Gumamit ng panibagong papel para sa iyong kasagutan

http://markignaciusmdc.blogspot.com/2012/09/ang-kalupi-by-benjamin-pascual.html

15
Gawain 3: Wastong Pagpapasya
Panuto: Bilang isang indibidwal, naharap na tayo sa mga napakara-
ming pagpapasya na nagkaroon ng magandang bunga. Ilahad mo sa unang
kolum ang iyong karanasan sa wastong pagpapasya at sa ikalawang kolum
naman ang naging magandang bunga nito.

Karanasan sa Wastong Pagpapasya Magandang Bunga ng Pagpapasya

16
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 4


Kasanayang Pampagkatuto: Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at
masama sa kongkretong sitwasyon batay sa
sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas
Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.

Paksa: Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas


Moral

TANDAAN NATIN
Ang budhi o konsensiya ay ang batayan ng pagsusuri ng kilos at ang
sumasaklaw sa pansariling batayan ayon sa katotohanan at katwiran, alinsunod sa
likas na batas moral. Ito rin ay bahagi ng kaisipan na humuhusga kung mabuti o
masama ang kilos na gagawin o ginagawa ng isang tao.
Karaniwa'y may dalawang uri ng budhi: tama at mali.
 Tamang budhi: kapag ito ay naghusga o nagpasya batay sa tamang prinsipyo
na ang isang aksiyon ay naaayon o dili kaya'y taliwas sa batas.
 Maling budhi: kapag ito ay nagpasyang tama ang isang aksiyon batay sa
maling prinsipyo at kapag ang aksyo'y hinusgahang mali kahit nababatay sa
tamang batas.

Gawain 1: Konsensiya Mo, Pakinggan Mo


Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ito sa
pamamagitan ng pagkilala sa sasabihin o paghuhusga ng konsensiya sa
sitwasyong ito. Isulat ito sa unang hanay o kolum. Kilalanin din ang
pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito. Isulat ito sa ikalawang
hanay o kolum. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang halimbawa.

Halimbawa:

Sitwasyon: Nawala mo ang perang binigay ng tatay mo na pambayad sa


proyekto ninyo. Natagalan bago ka nabigyan dahil nahirapan siyang kitain
ang perang iyon dahil inuna ang pangangailangan ninyo sa araw-araw.
Mahigpit niyang ibinilin na ibayad agad.

17
PAGHUHUSGA NG KONSENSIYA BATAYAN NG PAGHUHUSGA
Sabihin sa tatay ang nagyari. Tumulong na Kailangang pahalagahan ang katotohanan,
makagawa ng paraan upang makabayad kaya’t masama ang magsinungaling.
sa proyekto.

SITWASYON 1:
Alam mong ang iyong matalik na kaibigan ay nakaugalian nang mangodigo
tuwing may pagsusulit kayo sa inyong klase. Kinausap mo siya tungkol dito at
nakiusap siya na huwag mong sasabihin ito sa inyong guro dahil mawawala ang
pag-asa niyang makapasok sa mabibigyan ng parangal.

PAGHUHUSGA NG KONSENSIYA BATAYAN NG PAGHUHUSGA

SITWASYON 2:
Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo ang bahay
nila sa mataas na paaralan pinayagan siya na tumira malapit sa paaralan sa
kanilang bayan. Tuwing Biyernes nang hapon siya umuuwi sa kanilang lugar at
bumabalik sa inuupahang bahay tuwing Linggo nang hapon. Isang araw, niyaya
si Penny ng kaniyang mga kaklase na mag-inuman sila. Hindi naman daw siya
mapapagagalitan dahil hindi naman malalaman ng kaniyang magulang.

PAGHUHUSGA NG KONSENSIYA BATAYAN NG PAGHUHUSGA

SITWASYON 2:
Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase na pandaraya sa
test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro. Hindi nakapag-aral si Amy para sa
pagsusulit sa Matematika sa araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang
ginagawa ng kaniyang mga kaklase na mandaya.

PAGHUHUSGA NG KONSENSIYA BATAYAN NG PAGHUHUSGA

18
Gawain 2: Konsensiya Mo, Timbangin Mo
Panuto: Piliin kung alin ang nagpapakita ng tama at maling konsensiya
sa sumusunod na sitwasyon. Ibigay ang pagkakaiba ng tama at maling
konsensiya.

1. Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung
piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng
baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka
mang baon subali’t isinauli mo ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo,
hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.
2. Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin mong sobra ng dalawampung
piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera. Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng
baon ng iyong ina dahil kulang ang kinita ng iyong ama sa pamamasada. Naisip mo
na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa araw na iyon.
Katwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang tindera sa pagsusukli.
Hindi masama na itinago mo ang pera nagpasalamat ka pa dahil nagkamali ang
tindera.

19
Gawain 3: Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko
Panuto: Gawin ang “Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko”.
Gawing gabay ang unang halimbawa kung paano ito gagawin. Gumamit ng
panibagong papel para sa gawain.

Kung Ang pasya o kilos na kailangang baguhin

Damdamin ko Damdamin ko sa pasya o kilos

Kaya Ang dapat kong gawin tungo sa kabutihan

Halimbawa:

Lunes Araw

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado
Linggo

Naglalaro ako ng
Kung computer games
tuwing bago gawin
ang homework ko.

Nalulungkot ako
dahil naging pabaya
ako. Nagsisisi ako
Damdamin ko dahil wala akong
maisumite na
homework
kinabukasan.

Uunahin ko ang
paggawa ng
homework bago
Kaya
maglibang tulad ng
paglalaro ng
computer games.

Ipinapangako kong tutuparin ang mga tinukoy kong pagbabago sa loob ng isang linggo.

20
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 4


Kasanayang Pampagkatuto: Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa
Likas na Batas Moral upang magkaroon ng angkop
na pagpapasiya at kilos araw-araw.

Paksa: Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas


Moral

Gawain 1: Scrambled Letters


Panuto: Iayos ang bawat letra upang mabuo ang tamang salita na
naaayon sa aralin.

1. AKNONEISYS -

2. STAAB AORML -

3. RIPSINOYP -

4. NKAARGUNNU -

5. NKAAALYA -

6. IMUABT -

7. AMMAAS -

8. IWHT EKGNDOLEW -

9. NKAAAMAL -

10. APGASGUUHH -

Gawain 2: Payabungin Natin


Panuto: Pumili ng limang salita sa Gawain 1 at bigyang pagpapa-
liwanag ito batay sa iyong pagkakaunawa.

1. 2.

21
3. 4.

5.

Gawain 3: Dugtungan Tayo


Panuto: Kompletuhin ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa naka-
laang sagutan sa ibaba.

Mahalaga ang paglalapat ng konsensiya sa araw araw na pagpapasya dahil

22
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 5


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikilala ang mga indikasyon o palatandaan ng
pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.

Paksa: Kalayaan

TANDAAN NATIN
A. Talasalitaan
1. Kalayaan – ay isang napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung mayroon
ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon
sa buhay.
2. Limitasyon – Isang limitadong tuntunin o pangyayari, isang paghihigpit.
3. Pananagutan – ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao,
institusyon o grupo. Ang pananagutan, kapag hindi ginawa, ay may
karampatang mga resulta na karaniwa'y negatibo.
B. Konsepto ng Pampagkatuto
Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang
“katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang
maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na
malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na
bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili.
Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa
kanya. Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaaring
puwersahin o pilitin.
Dalawang Uri ng Kalayaan:
 Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,
nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob
na Kalayaan ng kilos-loob ang:
a. kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o
hindi magnais
b. kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan
upang tukuyin kung alin ang nanaisin.
 Panlabas na Kalayaan—Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na
ninais ng kilos-loob. Naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang
kalayaang ito. Maaaring mabawasan o maalis ang kalayaang ito sa
pamamagitan ng puwersa sa labas ng tao. Kapag ang tao ay ikinulong,
mawawala ang kanyang panlabas na kalayaan.

23
Gawain 1: Wish Ko Lang!!!
Panuto: Alam mo ba ang kuwento ni Alladin? Ito ay tungkol sa isang
Genie na pinalaya sa isang lampara pagkatapos ng ilang daang taon. Bi-
lang pagtanaw ng utang ng na loob, binigyan niya ng pagkakataon si
Alladin na magkaroon ng tatlong kahilingan. Kung ikaw ang nasa katayuan
ni Alladin, ano ang iyong mga hihilingin?

At dahil ako’y iyong pinalaya, bibigyan


kita ng tatlong kahilingan. Hmmmm…?????
????????????

Ano ang magiging tugon mo sa tanong ng Genie? Punan ang patlang ng iyong sagot sa
sumusunod na tanong:
1. Isulat ang iyong tatlong kahilingan.
2. Isulat ang dahilan bakit ang mga ito ang iyong hiling.
3. Ang hiling mo ba ay maisasakatuparan kahit walang magic?
4. Paano ito mangyayari? Ano ang gagawin mo upang makamit ito?
5. Ano ang hindi mo gagawin upang makamit ito?
6. Ano ang taglay mo upang makamit ang iyong hiling kahit walang magic?

Mga Kahilingan:

Mga dahilan bakit ito ang iyong mga hiniling:

24
Mga gagawin ko upang makamit ang hiling:
1.
2.
3.

Hindi ko gagawin upang makamit ang hiling:


1.
2.
3.

Ano ang kakayahang taglay mo upang makamit ang


iyong hiling nang hindi nakadepende sa aking
magic?

Gawain 2: Larawan ba ng Kalayaan? Suriin mo!


Panuto: Ano ang kalayaan para sa iyo? Suriin ang mga sumusunod na
larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagkakaroon ng
kalayaan at alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat sa unang hanay ang
nagpapakita ng kalayaan at sa ikalawang hanay naman kung hindi ito
nagpapakita ng kalayaan. Sundan ang pormat na ito:

Nagpapakita ng Kalayaan Hindi Nagpapakita ng Kalayaan

25
Paggawa ng
gawaing bahay

Pagrespeto sa ating mga Frontliners

Pagtulong sa
Pakikipag-away Komunidad

Bayanihan

Maagang pakikipagrelasyon

Pag-aaral ng
leksiyon

Pamamahagi ng donasyon

Paninigarilyo Pambubulas

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit mo nasabing may kalayaan o walang kalayaan ang mga napili mong larawan?

26
2. Ano ang pinapakita nitong kahulugan ng kalayaan?

Gawain 3: Kalayaan, Bigyang Kahulugan


Panuto: Punan ang Concept Map ng mga salitang may kaugnayan sa
kalayaan.

Kalayaan

27
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 5


Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan
ang kalayaan.

Paksa: Kalayaan

Gawain 1: Gawing Naka-aapekto


Panuto: Mag-isip ng limang gawi ng kabataang tulad mo na makakaapekto
sa paggamit ng kalayaan.

Gawi ng Kabataang Nakaaapekto sa Paggamit ng Kalayaan

Gawain 2: Malaya Ka Nga Ba?


Panuto: Basahing mabuti ang tula sa ibaba at subukang sagutin ang
mga katanungan ukol dito. Gumamit ng panibagong papel para sa kasagu-

28
Malaya Ka Pa Ba?
ni Noel P. Sulay

Noong isang Lunes Ikaw ay nagpasya Wallet sa lamesa


Kasama ng barkada Sa kulay pa lamang
Sa sinehan ay pumunta Agad nakilala
Nanood ng komedya Kay daddy mo ito
Iniwan ang eskwela Hindi ka nagduda
Alam na alam mong Di mo napigilan
Pagsusulit ay bukas na di ito pinansin Kinuha ang isang daan
Mas inuna ang barkada Isinilid mo sa bulsa
Kinabukasan, kabado ka At kwarto’y iniwan
Pagsusulit nag-umpisa Lumabas ng bahay
Ang ‘yong paghahanda Sa mall ay namasyal
Alam mong kulang pa Natupad din ang gusto mo
Ang maglayas at maglibang
Kaya’t sa kaklase Nakamit mo ito
Ikaw ay tumabi Sa tulong ng “isang daan”
Sinabi sa kanyang “Pakopya nga pre” Nais ko pa sana Magkwento’t magsabi
Ililibre na kita Sa haba ng tulang ito
Doon sa Jollibee Di na yata maaari
Sa loob ng kwarto Ang tanong ko lamang
Pumunta ka Saguting mabuti
Nakita mong bukas Malaya ka pa ba
Mahal kong kumpare?

Mga katanungan:
1. Ano para sa iyo ang kahulugan ng kalayaan? Kailan mo masasabing malaya ang
isang tao? Ipaliwanag.

2. Sumasang-ayon ka ba sa sinasabi ng pahayag na “Malaya ang taong nakagagawa


ng lahat ng bagay na gusto niyang gawin.”? Pangatuwiranan.

Gawain 3: Ang Pagiging Makata ng Isang Malaya


Panuto: Gumawa ng sariling tula tungkol sa kalayaan. Ihayag mo ang
mga saloobin at pananaw tungkol sa kalayaan. Gawin ito sa isang malinis
na papel.

29
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa
mabuti o sa masama; ngunit ang kalayaan ay may
kakambal na pananagutan para sa kabutihan

Paksa: Kalayaan

TANDAAN NATIN
Ang kalayaan, sa pilosopiya, ay binubuo ng kalayaan ng kalooban at ito ay
salungat ng determinismo. Sa usaping politikal, ang kalayaan ay binubuo ng
panlipunan at pampulitikal na kalayaan na tinatamasa ng lahat. Sa teolohiya, ang
kalayaan ay kalayaan mula sa pagkalugmok sa kasalanan.
Ang modernong konsepto ng politikal na kalayaan ay nagmula sa konsepto
ng mga Griyego ng kalayaan at pagkaalipin. Ang pagiging malaya, para sa mga
Griyego, ay ang hindi pagkakaroon ng amo at ang kakayahang mabuhay nang
hindi umaasa sa kahit na sinong amo (mabuhay nang kung paano mo gustong
mabuhay). Iyan ang orihinal na konspeto ng kalayaan ng mga Griyego. Ito ay
malapit na maiuugnay sa konsepto ng demokrasya.

Gawain 1: Hanap Salita


Panuto: Ipagawa ang larong Word Hunt. Hanapin at tukuyin ang mga
salitang may kaugnayan sa kalayaang nakasulat sa ibaba ng worksheets.
Ito ay maaaring pahalang, pababa, pahilis o pabaliktad.

BATAS-MORAL PANANAGUTAN KABUTIHAN


KILOS-LOOB PAGPAPASYA KALAYAAN

30
Gawain 2: Gawi Mo, Pananagutan Mo
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyong nakasulat. Isulat kung
ano ang pwedeng maging resulta nito sa iyo at ang pagiging panangutan
mo sa bawat sitwasyon.

Sitwasyon Resulta Pananagutan


1. Pagbibisyo (pagsugal,
pagsigarilyo, pag-inom
ng alak, pagkalulong
sa droga).

2. Maagang pag-aasawa o
pagbubuntis.

3. Pagpapabaya sa pag-
aaral (hindi gumagawa ng
project, o naghahanda ng
takdang aralin at iba pa).

4. Pagrebelde sa magu-
lang.

5. Pagsama sa maling
barkada.

31
Gawain 3: Crossword Puzzle
Panuto: Basahin at pag-aralan ang bawat pangungusap at tukuyin kung
ano ang mga ito. Sagutin ito sa pamamagitan ng paglalapat ng mga tamang
letra sa bawat kahon.

Pahalang
1. responsibilidad na kailangan ng isang tao.
3. kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin.
4. kalayaang magnais o hindi magnais
6. nakasalalay sa kilos ng tao ang kanyang kalayaan

Pababa
2. isang napakahalagang karapan ng bawat tao
5. isang limitadong tuntunin o pangyayari

32
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 6


Kasanayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang
baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit ng
kalayaan.

Paksa: Kalayaan

Gawain 1: Kalayaan Mo, Kinabukasan Mo


Panuto: Punan ang tsart. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa
maaaring kahihinatnan ng kilos sa bawat sitwasyon. Isulat sa unang kolum
ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos. Isulat din sa ikalawang kolum
ang pangmatagalang epekto ng kilos. Gabay mo ang naunang sitwasyon
bilang halimbawa.

Sitwasyon Agarang Epekto Pangmatagalang Epekto

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


Kapag tinanggihan ko ang  Hindi masasayang ang  Hindi ako magugumon
alok ng kaibigan ko na pera ko. sa sugal.
sumama sa kanya para  Hindi ako matututong  Makakapagtapos ako ng
magsugal magsugal. pag-aaral
 Hindi na niya ako yayain
ulit sa susunod.
Kapag tumutulong ako sa
gawaing bahay.

Kapag hindi ko ginawa ang


aking mga takdang aralin.

Kapag maaga akong


nakipagrelasyon.

Kapag nag-aral ako ng


leksiyon araw-araw.

Kapag pinagbigyan ko ang


alok ng kaibigan kong ma-
nood ng pornograpiya.

33
Gawain 2: Kalayaan, Iguhit Mo
Panuto: Gumawa ng isang poster-slogan kung paano ang
pagpapakahulugan mo sa salitang Kalayaan. Gumamit ng ibang papel kung
kinakailangan.

Gawain 3: Kalayaan Ko, Kabutihan Ko


Panuto: Iyong pagnilayan ang mga pag-uugali o mga kilos na nais mong
baguhin o paunlarin. Banggitin din ang naging epekto nito sa iyong
pagkatao o sa kapwa. Ano ang gagawin mo upang mapaunlad o baguhin
ang kilos? Itala ang mga araw ng pagsasagawa nito at ang resulta nito.
Gumamit ng panibagong papel para sa mga kasagutan.

Kilos na Nagiging Gagawin M Resulta


Nais Kong Epekto sa kong i B sa
H
Baguhin o Pagkatao o Pagbabago M y i S L Pagkatao
L u
Paunlarin Kapwa a e y a i o Kapwa
u w
r r e b n
n e
t k r a g
e b
e u n d g
s e
s l e o o
s
e s
s
Halimbawa: Naging Pipiliin ko na
Pagsagot walang ang mga
nang respeto sa salitang
pabalang sa magulang gagamitin ko
aking mga sa pakikipag-
magulang. usap sa aking
mga
magulang.
Magiging
mahinahon.

34
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 7


Kasanayang Pampagkatuto: Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anuman
ang kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi,
edukasyon, relihiyon at iba pa.

Paksa: Ang Dignidad ng Tao

TANDAAN NATIN
A. Talasalitaan
1. Dignidad – ay ang karapatan o pagiging karapat-dapat ng isang tao na
respetuhin at pahalagahan ng kanyang mga kapwa tao. Ang pagkakaroon ng
dignidad ay karapatan ng sinumang tao. Bukod pa rito, ang pagkakaroon ng
dignidad ng isang tao ay hindi sa anumang paraan nakasalalay sa kanyang
edad, anyo, o estado sa buhay.
2. Pagpapahalaga – ay tumutukoy sa pagbibigay ng importansya, kuwenta o
kapakinabangan sa isang bagay, tao, konsepto, o pangyayari.
3. Paggalang – pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o
sa sarili. Kailangang mayroon itong lalim ng integridad, tiwala, mga
komplementaryong pinapahalagaang kaugaliang wagas, at kasanayan.
B. Konsepto ng Pampagkatuto
Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang tunay na mensahe ng
gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang karapatan ng bawat indibidwal sa
paggalang ng kanyang kapwa. Hindi nga ba’t ito rin ang utos ng Diyos sa tao?
Sinabi niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong
sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao.
Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ibig sabihin, ayon sa
Kaniyang anyo, katangian at kakayahan. Samakatuwid, ang dignidad ng tao
ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito
ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ng lahat ng tao.
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung
bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila ng
kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling
laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao.

35
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig
mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin.
3. 3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anumang gawin mo sa iyong kapwa
ay ginagawa mo rin sa iyong sarili.

Gawain 1: Kilalanin Sila


Panuto: Tunghayan mo ang bawat larawan sa ibaba. Tukuyin mo kung
ano ang ipinahahayag ng bawat isang aytem sa titik a, b, at c tungkol sa
larawan. Isulat ang sagot sa nakalaang pagsasagutan sa tabi ng bawat
larawan. Gabay mo ang unang bilang.
a. Madalas na katawagan sa kanila ng mga tao.
b. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tao na tulad niya sa
kalye.
c. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao.

a. Pulubi

1. b. Naaawa

c. Pinandidirihan

a.

2. b.

c.

a.

3. b.

c.

a.

4. b.

c.

36
a.

5. b.

c.

a.

6. b.

c.

a.

7. b.

c.

a.

8. b.

c.

a.

9. b.

c.

www.google.com

a.

10. b.

c.

https://www.facebook.com/permalink.php?
story_fbid=101983438160512&id=101938254831697

37
Gawain 2: Iyong Kilalanin, Pagkakaiba at Pagkakatulad ng
Iyong Kapwa
Panuto: Sa iyong komunidad iyong pag-aralan ang pamumuhay ng ba-
wat tao sa iyong paligid. Iyong mapapansin na may dalawang magkaibang
katayuan sa buhay. Ito ay ang mayaman at ang mahirap. Suriin mo ang
kanilang pagkakatulad at pagkakaiba sa pamamagitan ng Venn Diagram.
Ang Venn Diagram ay ginagamit upang ipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay. Gawin ang iyong sariling Venn
Diagram.

Natatangaing Katangian Natatangaing Katangian

Mayaman Mahirap

Pagkakatulad

Matagumpay mo bang nagawa ang iyong Venn Diagram? Ngayon naman ay sagutin mo
ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang nakita mong pagkakaiba ng dalawang tao na may magkaibang katayuan sa
buhay? Ipaliwanag.

38
2. Ano naman ang kanilang pagkakatulad? Ipaliwanag.

3. Sa pagitan ng kanilang pagkakaiba at pagkakatulad, alin sa iyong palagay ang higit na


dapat na pagtuunan ng pansin at pagpapahalaga? Ipaliwanag.

4. Ano ang ipinahihiwatig nito sa iyo?

5. Sa panahon ngayon ng krisis dulot ng COVID-19, paano mo maipapakita ang pagpapa-


halaga sa iyong kapwa na hindi tinitingnan ang anumang katayuan sa buhay?

Gawain 3: Islogan ng Pagkakapantay-pantay


Panuto: Lumikha ng isang islogan na nagpapahayag ng paggalang sa
dignidad ng tao anuman ang kanyang katatayuan sa lipunan.

39
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 7


Kasanayang Pampagkatuto: Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang
sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad
ng tao.

Paksa: Ang Dignidad ng Tao

Gawain 1: Dignidad ng Kapwa Ko, Igagalang Ko


Panuto: Tayain mo ang iyong kakayahang gumalang at magpahalaga
sa dignidad ng iyong kapwa. Tunghayan ang mga sumusunod na larawan.
Suriin mo ang mga ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ang mga larawan bang ito ay gumagalang at nagpapahalaga sa pagkatao ng tao?


Pangatwiranan.

2. Ano ang pagkakatulad ng mga larawang ito?

3. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan na ito tungkol sa pagiging tao?

4. Kung ang lahat ng mga ito ay nangyayari sa isang lipunan, anong paglalarawan ang
maaari mong maibigay ukol sa lipunan na ito?

40
Gawain 2: Itala Ang Pagpapahalaga sa Kapwa
Panuto: Itala ang kailangan mong ibigay sa iyong kapwa bilang patu-
nay na

a. d.

b. e.

c. f.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sa iyong pagsusuri sa iyong buhay, naibibigay mo ba talaga sa iyong kapwa ang iyong
mga itinala? Oo, Bakit? Hindi, Bakit ?

______
2. Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong kapwa, ano ang magiging damdamin mo kung
hindi iginagalang ang iyong dignidad bilang tao? Ipaliwanag.

3. Sa iyong palagay, makatarungan bang matanggap ng iyong kapwa ang iyong mga iti-
nala? Pangatwiranan.

4. Ano ang maitutulong ng pagsasagawa ng mga bagay na ito para sa iyong sarili at sa
iyong kapwa?

5. Bakit kailangang pahalagahan mo ang iyong kapwa?

6. Bakit mahalagang makatanggap ka ng pagpapahalaga mula sa iyong kapwa?

41
Gawain 3: Pagsulat ng Saloobin
Panuto: : Gumawa ng liham para sa taong nalabag mo ang dignidad.
Isaad ang iyong saloobin, ideya, at mungkahi upang pangalagaan at pahala-
gahan ang dignidad ng isang tao. Sundan ang pormat sa ibaba.

Minamahal kong ,

Lubos na nagmamalasakit,

(Isulat ang buo mong pangalan)

42
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 8


Kasanayang Pampagkatuto: Napatutunayan na ang:

a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang


nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa
tulad ng pagmamahal sa sarili at
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay
nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho
nilang tao.

Paksa: Ang Dignidad ng Tao

TANDAAN NATIN
Pakikipag-ugnayan o pakikipagkapwa tao ay tunay na mahalagang aspeto
ng social life. Ang pagsusuri ng ating mga pakikipag-ugnayan dito sa Pilipinas ay
nagpapahayag nang maraming bagay tungkol sa ating pagkatao. Ang mga sosyal
na pakikipag-ugnayan ay dapat maging makabuluhang pokus ng pagsusuri sa
prosesong pagkilala ng konseptong kapwa.
Ang wikang Filipino sa ganitong paraan, ay nagbibigay ng konseptual na
pagkakaiba-iba sa maraming antas at paraan ng pakikipag-ugnayan.

Gawain 1: Akronim
Panuto: Bigyan ng pagpapakahulugan ang salitang DIGNIDAD ayon sa
iyong pagkakaunawa.

D -
I -
G -
N -
I -
D -
A -
D -

43
Gawain 2: The Golden Rule
Panuto: Ipaliwanag ang kasabihang “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw
mong gawin sa iyo”.

44
Gawain 3: Programa Para sa Bayan
Panuto: Magtala ng 2-3 programa ng pamahalaang kumikilala sa dignidad
ng lahat ng tao at ng mga napababayaang mga sektor ng lipunan
(marginalized). Gawing gabay ang nakahandang halimbawa sa ibaba.

PROGRAMA/ LAYUNIN PAANO NITO NAIAANGAT


PROYEKTO ANG DIGNIDAD NG TAO?
Special Education Upang bigyan ng pantay na Naitatanim sa isip ng mga
pagkakataon ang mga taong batang may espesyal na
may kapansanan na makapag pangangailangan at sa
-aral. kanilang mga magulang na
kinikilala ng pamahalaan ang
kanilang kahalagahan bilang
bahagi ng lipunan.

45
Pangalan: Petsa: .
Baitang/ Seksiyon: Score: .

ESP 7, IKALAWANG MARKAHAN, LINGGO 8


Kasanayang Pampagkatuto: Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang
ipakita ang ppaggalang at pagmamalasakit sa mga
taong kapus-palad o higit na ngangailangan kaysa
sa kanila.
Paksa: Ang Dignidad ng Tao

Gawain 1: Sariling Dignidad, Sukatin Mo


Panuto: Pag-aralan ang Dignity Barometer sa ibaba. Tayahin kung ano ang
estado ng iyong sariling dignidad sa kasalukuyan. Isa (1) ang
pinakamababa at sampo (10) ang pinakamataas. Pagkatapos sukatin ang
iyong sariling dignidad, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Gumamit ng panibagong papel kung kinakailangan.

D Mga Gabay na Tanong:


I
G 10 1. Bakit ako nasa ganoong antas/ bilang sa pagpapahalaga at
N 9 paggalang sa aking kapwa?
I
T 8
Y 7
B 6
A 5
R
O 4
2. Ano ang aking nararapat na gawin upang maging karapat-dapat
M 3 sa pagmamahal at paggalang ng aking kapwa?
E
T 2
E 1
R

www.google.com

Gawain 2: Hanap Salita


Panuto: Hanapin at bilugan ang limang (5) salitang may kaugnayan sa
dignidad ng tao.

PAGKATAO PAGMAMAHAL PAGGALANG


PAKIKIPAGKAPATIRAN PAGKAKAPANTAY-PANTAY

46
P A G G A L A N G B N M N
A G M A M A E W S D D P B
K U T U R G T A H A L A G
I O A P I O Y G D E F G V
K D Y K R T F D S F V K P
I L P N A V F F C S D A T
P F A B D R S S C V G K T
A N N T R Q A B B P V A Y
G D T M A M N P A T B P J
K L A M N N V P A T G A G
A Z C V B N A N M T N N F
P E R T M H N Y R R A T G
A J N P A G K A T A O A B
T U Y L T R Q W S D D Y F
I P A G M A M A H A L P C
R G Y U T U R G D E F A S
A L K J H G F D S S N N H
N U I O P U Y T R E D T V
A S D F G H J J K K L A Z
Y T R E W Q M N B V X Y X

Gawain 3: Hakbang sa Paggalang, Itala Mo


Panuto: Gamit ang T-tsart, punan ang bawat kolumn ng kinakailangang
datos.

Kapwa Hakbang upang ipakita ang paggalang at pagmamahal sa


kanilang dignidad.

1.

2.

3.

1.

2.

3.

1.

2.

3.

47
SANGGUNIAN
Luistro, Armin et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 7: Kagamitan ng Mag-aaral.
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS).
2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600
http://markignaciusmdc.blogspot.com/2012/09/ang-kalupi-by-benjamin-
pascual.html
https://www.pinterest.ph/pin/176203404154957832/feedback/?
in-
vite_code=97e756615cca41feb934c44566f1178b&sender_id=7134689033759159
27
https://www.facebook.com/permalink.php?
story_fbid=101983438160512&id=101938254831697
https://docplayer.nl/68898661-Hoofdstuk-2-aarde-klimaat-en-landschap.html

Written By: Lea C. Cardinez


Position: Teacher III
School: Palina West National High School
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office of Urdaneta City


High School Drive, San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan 2428
Telephone Number: (075) 568-3054
Email Address: urdaneta.city@deped.gov.ph | lrmdsdepedurdaneta@gmail.com

You might also like