You are on page 1of 5

DETAILED LESSON PLAN IN HEALTH II

(TRADITIONAL FORMAT)

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 45 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. matukoy ang mga kailangang tandaan sa paggamit ng pambahay na kagamitang


kemikal
b. pahalagahan ang sariling kalusugan sa paggamit ng pambahay na kagamitang
kemikal
c. maipaliwanag ang mga kailangang tandaan sa paggamit ng pambahay na kagamitang
kemikal

II. SUBJECT MATTER

Aralin: Lesson 4.3 Rules for Safe Use of Household


Sanggunian:
Curriculum Guide: K-12 p. __
Teacher’s Guide: 394-396
Learner’s Material: 473-475
Kagamitan: larawan, mga pambahay na kagamitang kemikal (Zonrox, Insect Spray,
sabong panlaba)
Values Integrated: Pagpapahalaga sa Pansariling kalusugan at kailgtasan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Pambungad na gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Awit
4. Pagtala ng nagliban
5. Pagwawasto ng takdang aralin

B. Panlinang na gawain

1. Pagsasanay

Mayroon akong mga flashcards.


Sabihin ninyo sa akin kung ang mga
nakasulat dito ay nakakatulong sa ating
mga kalusugan.

Gulay nakakatulong
Alak hindi nakakatulong
Prutas nakakatulong
Sigarilyo hindi nakakatulong
Gatas nakakatulong

2. Review

Ating balikan ang ating nakaraang


aralin.

Anu-ano ang mga paraan upang


mapangalagaan natin ang ating kalusugan? Kumain ng gulay.

Mahusay. Ano pa? Mag-ehersisyo


Magaling!

C. Pagganyak

(Ipakita ang mga kagamitang kemikal


na ginagamit sa bahay)

(Mga maaring gamitin: sabon, Zonrox, etc)

Mayroon akong mga kagamitan sa


inyong harapan. Sino ang maaaring magsabi
sa akin kung anu-ano ang mga ito? (Sasagot ang mga bata)

Saan madalas ginagamit ang mga ito? Ginagamit na panglinis


(Iba pang mga sagot)

Sino ang madalas gumamit ng mga ito? Ginagamit po ito ng mga


nanay.

Tama. Sino pa? Ginagamit rin po ito ng mga


kasambahay

D. Paglalahad

Ngayon ay may babasahin akong isang


kuwento tungkol sa isang bata. Siya si Lino.
Ating alamin ang kanyang kuwento.

Ngunit bago tayo mag-umpisa, anu-ano


ang mga hakbang sa pakikinig sa kuwento? Umupo ng maayos

Tumahimik at making sa
guro

Ngayon ay ating basahin ang kuwento.

Lino, lagging mag-ingat

Si Lino ay isang masipag na bata. Lagi


siyang tumutulong sa kanyang mga magulang
sa mga gawaing bahay.

Tumutulong siya sa pagwawalis,


paghuhugas ng pinggan at pagpunas ng sahig
ng bahay. Tunay ngang napakasipag ni Lino.
Tuwang-tuwa lagi ang kanyang mga magulang.

Isang araw, napansin ni Lino na marami


na ang kanyang mga maruruming damit. Naisipan
niyang maglaba.

Ito ang unang pagkakataon na siya ay


maglalaba ng kanyang mga damit. Lagi naman
niyang pinapanood ang kanyang nanay
tuwing siya’y naglalaba.

Nang siya’s naglalaba na, nais niyang


hanapin ang Zonrox upang mabilis matanggal
ang mantsa sa damit.

Naghanap si Lino hanggang sa makita


niya ang isang putting bote. Ito ay nakalagay sa
itaas ng aparador ng kanilang kusina.

“Ito ata ang ginagamit ni inay sa paglalaba.


Putting bote ‘yun eh.”

Ngunit bago pa makaratiing si Lino sa


kanyang nilalabhan, nagulat siya nang
tawagin siya ng kanyang nanay.

“Lino, bakit mo hawak ‘yan,” tanong ng ina.

“Maglalaba po sana ako. Ito po ba ang


ginagamit ninyong pantanggal ng mantsa?”

“Naku anak. Bitawan mo ‘yan. Panglinis


natin ‘yan ng palikuran. Hindi ‘yan pwede sa
damit,” sabi ng ina.

Kinuha ng nana yang panlinis sa anak


at ibinalik ito sa dating lalagyan.

“Anak, basahin mo ang pangalan ng


produkto sa susunod upang maging ligtas.”

“ Opo nanay. Pasensya na po.


Tatandaan ko po ‘yan.”

E. Pagtalakay

Sino ang bida sa kuwento? Ang bida po ay si Lino at ang nanay

Ano ang katangian ni Lino? Siya po ay masipag

Anu-ano ang ginagawa ni Lino? Naglilinis ng bahay

Mahusay. Ano pa? Nagwawalis ng sahig.

Ano ang nangyari noong kinuha ni


Lino ang puting bote sa aparador? Kinuha ito ng kanyang nanay.

Bakit ito kinuha ng kanyang nanay? Ito po ay hindi Zonrox kundi


panglinis ng palikuran.

Ano kaya ang mangyayari sa damit ni


Lino kung hindi siya napansin ng kanyang
nanay? Masisira po ang kanyang damit.

Tama. Maaari bang may mangyari kay


Lino kung ginamit niya ang laman
ng puting bote? Meron po. Maaari siyang
masugatan.

Tama. Lagi ninyong tatandaan na


kailangang basahin ang pangalan
at nilalaman ng produkto bago
natin ito gamitin.

Maaari ba kayong magbigay ng mga bagay


na nasa inyong bahay na hindi pa maaaring
gamitin ng mga bata? Gas po, sir
Tama, ano pa? Zonrox po

Ano pa? Pamatay po sa mga insekto

Magaling!

Kung kayo si Lino at nahawakan ninyo ang


panlinis ng palikuran, ano ang inyong gagawin
upang matanggal ang amoy ng kemikal sa inyong
kamay? Maghuhugas po ako ng kamay.

Tama!

Naririto naman ang mga kailangan nating


isaisp sa paggamit ng mga pambahay na
produktong kemikal

1. Basahin ang nilalaman ng produkto

Maaaring ito ay Flammable o maaaring


magsanhi ng sunog

Maaari rin itong may nakalagay na


Keep out of reach of children. Ibig sabihin
bawal itong makuha ng mga bata.

2. Kung kayo ay nakahawak ng produktong


kemikal, maghugas agad ng kamay.

F. Paglalapat

Tayo ay magpapangkatang gawain.


Hahatiin ko kayo sa limang grupo.

Bibigyan ko kayo ng isang cartolina.


Guguhit kayo ng isang produktong kemikal
at sasabihin ninyo sa akin kung saan ito
ginagamit. Pagkatapos, sasabihin niyo rin
kung paano ito itatago at ano ang gagawin
pagkatapos gamitin.

Ngunit bago tayo magpangkatang


gawain, anu ano ang mga hakbang sa pagsasagawa
ng pangkatang gawain? Basahin ang panuto.

Ano pa? Tumulong sa kagrupo.

Huwag umalis sa grupo


hanggat di pa tapos ang
gawain.
Magaling.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


Maganda at malinis
ang pagkakaguhit at
5
nasagutan ang mga
tanong ng guro
Maganda ang
pagkakaguhit at
4
nasagutan ang mga
tanong ng guro
May naipakitang guhit
ngunit tinulungan ng
3
guro sa pagsagot ng
mga tanong
May naipakitang guhit
ngunit hindi maayos
2
ang pagsagot sa mga
katanungan
Hindi nagpapakita ng
interes sa
1
pagsasagawa ng
gawain

G. Paglalahat

Anu-ano ang mga gagawin upang maging ligtas


sa paggamit ng produktong kemikal?
Basahin ang nilalaman ng
produkto

Tama. Ano pa?


Kung kayo ay nakahawak ng
produktong kemikal, maghugas
agad ng kamay.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng tamang
paggamit ng produktong kemikal at MALI kung mali ang paggamit sa produktong kemikal.

_______________1. Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng spray sa lamok.

_______________2. Gamitin ang panlinis ng palikuran nang hindi nagpapaaalam sa


nakakatanda.

_______________3. Lagyan ang lampara ng gas ngunit humingi ng tulong sa nakakatanda.

_______________4. Ibuhos ang gas sa lampara ng hindi nagpapaalam sa magulang.

_______________5. Gamitin ang posporo ng hindi nagsasabi sa magulang.

V. Takdang-Aralin

Gumuhit ng limang produktong may kemikal na ginagamit sa bahay at kulayan ito.


Sumulat ng tatlong gawain kung paano ito gagamitin nang maayos.

Inihanda ni:

NIEL M. BAJAO

You might also like