at wag mo ring itago wag mong bahiran ang panyo nang kalungkutan mong madungis na patuloy na nagmamantsa sa puso mong hindi maka usad sa mga bagay na gumugulong na parang bote sa lansangan sinisipa ng kung sino man wag mo itong takpan wag mo itong takpan malinis mo itong ginamit malinis mo ring ibabalik kung ano man ang nangyari hayaan mo ang hangin magkubli hindi mo ito mababalik kahit na ika'y maglumpasay na parang bata buksan mo na lang lampara ng buhay..