You are on page 1of 24

PANDESAL 2005

Biyernes, Hulyo 1, 2005


Ika-13 Linggo ng Taon
Junipero Serra
Unang Pagbasa: Gen 23:1-4, 19; 24:1-8, 62-67
Tinapay ng Buhay: Mt 9:9-13
Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na
nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: Sumunod ka sa akin. At tumayo si
Mateo at sinundan siya. At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming
tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa
kanyang mga alagad. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga
alagad: Bakit kumakaing kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis ang
inyong guro?
Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Hindi ang malulusog ang nangangailangan
ng doktor kundi ang mga maysakit! Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng
Awa ang gusto ko, hindi handog. Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti
kundi ang mga makasalanan.
Komentaryo
Sa maraming kultura, mahalaga at makahulugan ang pagsasalo sa hapag-kainan
dahil ito ay pagkakataon para sa pakikipagkaibigan, pakikipag-ugnayan at pagbuo ng
pamayanan. Kayat ang pakikisalo ni Jesus sa mga publikano at makasalanan ay
nararapat unawain bilang pakikiisa niyat pakikipagkapatiran sa mga taong itinakwil at
isinaisantabi sa lipunan. Bumubuo siya ng komunidad kasama ng mga taong nasa
laylayan ng lipunan. Ito ang Mabuting Balita-na ang Diyos, sa katauhan ni Jesus, ay
buong-habag at pagmamahal na lumalapit sa atin. Kung gayon, hindi paghatol at
kaparusahan ang huling salita ng Diyos kundi kapatawaran, kagalingan at pag-ibig.
Sabado, Hulyo 2, 2005
Ika-13 Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Gen 27:1-5, 15-29
Tinapay ng Buhay: Mt 9:14-17
Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan at nagtanong: May araw ng ayuno
kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?
Sinagot sila ni Jesus: Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang
kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at
sa araw na iyon sila mag-aayuno.
Walang magtatagpi ng bagong pirasong tela sa lumang balabal sapagkat uurong
ang tagpi at lalo pang lalaki ang punit.
At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung
gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak at masisira rin ang

mga sisidlan. Sa bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak; sa gayoy pareho silang
tatagal.
Komentaryo
Kung minsan ay parang wala nang pagbabago sa buhay, paulit-ulit lang ang mga
pangyayari sa lipunan at nangyayari sa ating sarili. Sa kabila ng mga pangakong
magbago ay madalas tayong nabibigo. Sa ganitong mga sandali hindi malayo ang
panghinaan ng loob at sumuko sa pag-aakalang wala nang magbabago. Subalit taliwas
dito ang pahayag ni Jesus. Sa piling niya, laging posible ang pagpapanibago dahil siya
ay katangi-tangi at walang katulad. Hatid niya ang bagong-buhay kung kayat hindi
dapat malungkot ang sinumang nananahan sa piling niya. Bagkus itoy paanyaya na
magdiwang at magalak. Tinatawagan niya tayong buksan ang ating mga sarili nang ito
ay mapagpanibago niya.
Linggo, Hulyo 3, 2005
Ika-14 na Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Zac 9:9-10
Magalak kang lubos, Dalagang Sion!
Sumigaw, Dalagang Jerusalem!
Dumarating ngayon ang inyong hari,
matuwid at matagumpay,
pakumbaba at sakay sa isang asno
sa bisirong anak ng isang babaeng asno.
Wala nang mga karwahe sa Efraim,
wala nang mga kabayo sa Jerusalem,
pagkat aalisin niya ang mga iyon.
Ikalawang Pagbasa: Rom 8:9, 11-13
Wala nga kayo sa ilalim ng laman kundi sa espiritu dahil sa inyo nananahan ang
Espiritu ng Diyos.
Kung wala ang Espiritu ni Kristo sa sinuman, hindi siya kay Kristo.
At kung nasa inyo ang Espiritu ng nagpabangon kay Jesus mula sa mga patay,
bubuhaying muli ng nagpabangon kay Kristo mula sa mga patay ang inyong mga may
kamatayang katawan sa bisa naman ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
Kaya, mga kapatid, hindi na tayo utusan ng laman; huwag kayong mabuhay ayon
sa laman. Kung nabubuhay kayo ayon sa laman, mamamatay kayo; kung papatayin
naman ninyo ang mga gawa ng laman sa bisa ng espiritu, kayoy mabubuhay.
Tinapay ng Buhay: Mt 11:25-30
Nagsalita si Jesus sa pagkakataong iyon: Pinupuri kita Amang Panginoon ng
Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at
marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang
ikinasiya mo.
Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak
kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang
gustuhing pagbunyagan ng Anak.

Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin


ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at
mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat
mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.
Komentaryo
Kung paanong mahirap lagyan ng laman ang sisidlang puno na, mahirap ding
pasukin ng Diyos ang mga taong puno ng kanilang sarili. Ito marahil ang dahilan kung
bakit nakatago mula sa matatalinot marurunong ang tunay na mahahalagang kaalaman
ukol sa Diyos. Kapansin-pansin sa Biblia kung paanong ang pagtawag ng Diyos ay
malimit na iginagawad sa mga karaniwang tao katulad ni Moises na uutal-utal, ang mga
makasalanang disipulo, si Mariang probinsiyana - mga taong may pagpapakumbaba,
bukas ang loob at handang magsilbing kasangkapan ng Diyos para sa iba.

Lunes, Hulyo 4, 2005


Ika-14 na Linggo ng Taon
Elizabet ng Portugal

Unang Pagbasa: Gen 28:10-22


Tinapay ng Buhay: Mt 9:18-26
Habang nagsasalita si Jesus, lumapit sa kanya ang isang pangulo ng sinagoga at
paluhod na sinabi: Kamamatay nga lamang ng aking anak na babae, pero halika at
ipatong ang iyong mga kamay at siyay mabubuhay. Kaya tumayo si Jesus at sumama
sa kanya, pati na ang kanyang mga alagad.
Nilapitan naman siya mula sa likuran ng isang babaeng labindalawang taon nang
dinudugo, at hinipo nito ang laylayan ng damit ni Jesus. Sapagkat naisip niya: Kung
mahihipo ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, gagaling na ako. Lumingon
naman si Jesus, nakita niya siya at sinabi: Lakasan mo ang iyong loob, anak ko,
pinagaling ka ng iyong pananalig. At gumaling ang babae sa sandaling iyon.
Pagdating ni Jesus sa bahay ng pangulo, nakita niya ang mga tumutugtog ng plauta
at ang maraming taong nagkakaingay. At sinabi niya: Umalis kayo! Hindi patay ang
dalagita kundi tulog. Pinagtawanan nila siya. Ngunit pagkaalis ng mga tao, pumasok
siya, hinawakan ang bata sa kamay at bumangon ito. Lumaganap ang balitang ito sa
buong lupaing iyon.
Komentaryo
Marami tayong karamdaman o sugat sa buhay - pisikal, emosyonal o espirituwal.
Kung minsan ay mistula tayong zombie o mga patay. Marami sa atin ang sumasangguni
sa pari, counselor at psychiatrist upang gumaling. Ang iba sa atin ay gumagaling ngunit
ang iba ay nanatiling sugatan. Minsan naman ang paghilom ay panandalian lamang.
Dahil dito ay naitatanong natin: saan at kanino nagmumula ang ganap na kagalingan at
panunumbalik ng buhay? Itinuturo ni Jesus na ang ganap na kagalingan at kaganapan
ng buhay ay nagmumula sa Diyos. Hangad ng Diyos na makamtan natin ang kaganapan
ng buhay at tayo ay tinatawag niya na magbigay ng buhay sa ating kapwa.

Martes, Hulyo 5, 2005


Ika-14 na Linggo ng Taon
Antonio Zaccaria
Unang Pagbasa: Gen 32:23-33
Tinapay ng Buhay: Mt 9:32-38
May nagdala naman kay Jesus ng isang lalaking pipi na inaalihan ng demonyo.
Nang mapalayas niya ang demonyo, nakapagsalita ang pipi kaya namangha ang mga
tao at kanilang sinabi: Wala pang nangyaring ganito sa Israel. Ngunit sinabi naman
ng mga Pariseo: Nagpapalayas siya ng demonyo sa tulong ng pinuno ng mga demonyo.
At nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon; nagtuturo siya sa kanilang mga
sinagoga, nagpapahayag ng Mabuting Balita ng Kaharian at nagpapagaling ng lahat ng
sakit at karamdaman. Nang makita niya ang makapal na tao, naawa siya sa kanila
sapagkat hirap sila at lupaypay na parang mga tupang walang pastol. At sinabi niya sa
kanyang mga alagad: Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga
manggagawa. Idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga
manggagawa sa kanyang ani.
Komentaryo
Maraming tao sa ating paligid ang lito. Napakarami rin ang naghahanap ng
kahulugan sa buhay. Ang mga katotohanang ito sa ating lipunan ay hamon sa atin
bilang tagasunod ni Jesus at tagapagtaguyod ng Kaharian ng Diyos. Paano natin
haharapin at tutugunan ang hamong ito sa atin? Iminumungkahi ni Jesus na simulan
natin sa maliliit na gawa kagaya ng pagmamalasakit at pakikiisa sa hirap na
nararanasan ng ating kapwa. Hinihimok rin tayo na tulungang mabawi ang lakas ng
loob ng bawat tao at maging saksi ng Mabuting Balita. Ang mga ito ay magbibigay pagasa, sigla at buhay sa bawat isa.
Miyerkules, Hulyo 6, 2005
Ika-14 na Linggo ng Taon
Maria Goretti

Unang Pagbasa: Gen 41:55-57; 42:5-7, 17-24


Tinapay ng Buhay: Mt 10:1-7
Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan
sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at
karamdaman.
Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro,
at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid
nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si
Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na
magkakanulo sa kanya.
Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: Huwag kayong lumiko
papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang
nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel.

Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: Palapit na ang kaharian ng


Langit.
Komentaryo
Katulad ng labindalawang alagad, ang bawat isa sa atin ay tinatawagang ipahayag
ang Mabuting Balita ng Kaharian ng Diyos. Ito ang Mabuting Balita: na ang ating Diyos,
sa katauhan ni Jesus, ay Diyos ng pag-ibig at kapatawaran. Ang katotohanan ng
kaharian ng Diyos ay ating nababanaagan sa tuwing naitataguyod ang katarungan, sa
tuwing may pagbubuo ng komunidad at kapatiran, sa tuwing napangangalagaan ang
maliliit sa lipunan at sa tuwing nananaig ang pag-asa sa kabila ng kadiliman.
Naitataguyod ba natin ang ganitong kaayusan sa pamamagitan ng ating mga salita at
gawa?

Huwebes, Hulyo 7, 2005


Ika-14 na Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: Gen 44:18-21, 23-29; 45:1-5


Tinapay ng Buhay: Mt 10:7-15
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong
paglalakbay: Palapit na ang kaharian ng Langit. Pagalingin ang maysakit, buhayin ang
patay, linisin ang mga mayketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito
nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. Huwag magdala ng ginto,
pilak o pera sa inyong mga bulsa. Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o
sandalyas o tungkod, sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang
ikabubuhay.
Pagdating nyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at
makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis.
Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. Kung karapat-dapat
ang sambahayang ito, sasakanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman
karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal.
At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga
salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipagpag ang alikabok sa inyong mga paa.
Sinasabi ko sa inyo, mas magiging magaan pa sa araw ng paghuhukom para sa mga
taga-Sodom at Gomorra kaysa bayang iyon.
Komentaryo
Tuwing pag-uusapan ang Kaharian ng Langit, ang madalas naiisip ng mga tao ay
isang lugar na hahantungan kapag tayoy pumanaw. Subalit higit dito ang Kaharian ng
Diyos. Nararanasan natin ito sa bawat kilos o gawang magpapalaya at nagbibigaybuhay at sa tuwing naitataguyod ang katarungan at napalalaganap ang pagmamahalan.
Kaya ito ang Mabuting Balita. Ito ang ating bokasyon, anuman ang ating estado sa
buhay: ang maghatid ng Mabuting Balita at maging mga Mabuting Balita mismo sa
pamamagitan ng pagmamahal at pagbibigay-buhay sa iba. Sa paanong paraan natin ito
maisasakatuparan sa kasalukuyang panahon?

Biyernes, Hulyo 8, 2005


Ika-14 na Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: Gen 46:1-7, 28-30


Tinapay ng Buhay: Mt 10:16-23
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, Isinusugo ko kayo ngayon na parang mga
tupa sa gitna ng mga asong- gubat. Maging matalino nawa kayo gaya ng mga ahas at
walang-malay na parang mga kalapati.
Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin
kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari
dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano.
Pag nilitis naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyoy
ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi
ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at
isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian
kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit ang mananatiling matatag hanggang wakas ang
siyang maliligtas.
Pag inusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa iba. Sinasabi ko sa inyo, bago
ninyo matapos daanan ang lahat ng bayan sa Israel, darating na ang Anak ng Tao.
Komentaryo
Batid natin na hindi biro ang maging alagad ni Jesus. Kalakip ng buhay-alagad ang
pag-uusig at pagkamuhi ng marami lalung-lalo na ang maykapangyarihan. Asahan sa
buhay ng isang alagad ni Jesus ang makatagpo ng katunggali sapagkat ang
pinahahalagahan ng mundo ay salungat sa turo at itinataguyod ni Jesus. Sadyang hindi
maiiwasan ng nagnanais sumunod kay Jesus ang masangkot sa gulo at
pakikipagtunggali. Kung kaya ipinapayo ni Jesus na maging maagap at alisto sa harap
ng kasamaan sa mundo. Kinakailangang matutuhan natin ang sining ng pakikipaglaban
at maging matalino gaya ng ahas. At higit sa lahat ang pananalig na hindi tayo nagiisa.

Sabado, Hulyo 9, 2005


Ika-14 na Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: Gen 49:29-32; 50:15-26


Tinapay ng Buhay: Mt 10:24-33
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga apostol, Hindi daig ng alagad ang kanyang guro, o
ng utusan ang kanyang amo. Sapat nang tularan ng alagad ang kanyang guro, at ng
utusan ang kanyang amo. Kung tinawag na Beelzebul ang may-ari ng bahay, ano pa
kaya ang kanyang mga kasambahay! Kaya huwag kayong matakot sa kanila.
Walang tinatakpan na di nabubunyag at walang natatago na di nahahayag. Ang
sinasabi ko sa inyo sa dilim, ipahayag ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang
pabulong, ipahayag mula sa bubong.

Huwag matakot sa mga nakapapatay ng katawan ngunit hindi ng kaluluwa.


Matakot kayo sa may kapangyarihang sumira ng kaluluwa pati ng katawan sa
impiyerno. Nabibili ang maya nang dalawa isang pera, pero wala isa mang bumabagsak
sa lupa na hindi niloloob ng Ama. At kayo, bilang na pati buhok sa inyong ulo. Kaya
huwag kayong matakot: mas mahalaga kayo kaysa mga maya.
Ang sinumang kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay kikilalanin ko sa harap ng
aking Ama sa Langit. At ang ayaw kumilala sa akin sa harap ng mga tao ay hindi ko rin
kikilalanin sa harap ng aking Ama sa Langit.
Komentaryo
Isa raw sa mga pangunahing hadlang sa paglago natin bilang tao ang TAKOT. Ang
mga bata ay takot sa dilim at sa multo. Ang mga binatat dalaga ay takot na dimapabilang, mabigot pagtawanan. Ang matatanda ay takot magbukas ng kanilang sarili
at magpakita ng kahinaan. Ang mga alagad ay takot magtayat manindigan. Napakarami
nating kinatatakutan! Kung kayat napakahalaga ng pahayag ni Hesus: Huwag matakot
... mahalaga kayo. May halaga ka! May Diyos na nagpapahalaga sa iyo at di ka
kailanman pababayaan. Ito ang dahilan kung bakit di dapat mangibabaw ang
pangamba sa atin. Mahalaga ka! Kaya mo bang tanggapin ang iyong angking kabutihan
at dangal?
Linggo, Hulyo 10, 2005
Ika-15 na Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Is 55:10-11
Bumababa buhat sa langit ang ulan at niyebe at di nagbabalik doon hanggat ang
lupay di nadidilig at pinasisibol ito at pinasusupling hanggang mamunga ito ng mga
butong panghasik at tinapay na pagkain, gayundin naman ang aking salita na
lumalabas sa aking bibig: hindi iyon babalik sa akin nang walang nagagawa kundi
gagawin nito ang aking nais at tutuparin kung bakit ko ito isinugo.
Ikalawang Pagbasa: Rom 8:18-23
Sa palagay koy hindi maihahambing ang kasalukuyan nating tinitiis sa mahahayag
na kaluwalhatiang laan para sa atin. Nananabik nga ang sangkinapal; pinananabikan
nito na ipakita nang buong liwanag ang mga anak ng Diyos. Nagpapaalipin ang
sangkinapal sa walang saysay, hindi kusang-loob kundi dahil sa lumupig dito. Ngunit
may pag-asa ito: pati ang sangkinapal ay ililigtas sa pagkaalipin sa mga puwersa ng
kabulukan at makikibahagi sa laya at luwalhati ng mga anak ng Diyos.
Alam natin na hanggang ngayoy dumaraing ang sangkinapal dahil sa kirot ng
panganganak. At tayo mismoy dumaraing din sa ating kalooban pagkatanggap natin ng
unang bahagi ng espiritu; pinananabikan natin ang pagiging mga anak.
Tinapay ng Buhay: Mt 13:1-9 (o 13:1-9)
Umalis sa bahay si Jesus at naupo sa may dalampasigan. Ngunit maraming tao ang
nagtipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa bangka samantalang nakatayo
naman sa pampang ang mga tao. At marami siyang ipinahayag sa kanila sa tulong ng
mga talinhaga.

At sinabi ni Jesus: Lumabas na ang maghahasik para maghasik. Sa kanyang


paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at
kinain ang mga iyon. Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa
roon. Madaling tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng
araw, nasunog ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyo ito. Nahulog ang iba pang
buto sa mga tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman.
Nahulog naman ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba,
animnapu naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. Makinig ang may tainga!
Pagkatapos ay lumapit sa kanya ang mga alagad at nagtanong: Bakit sa
pamamagitan ng mga talinhaga ka nagsasalita sa kanila?
Komentaryo
Madalas nating gamitin ang mga salitang mababaw at malalim para ilarawan
ang tao. Ang mga taong mababaw ay karaniwang maingay, malikot, laging abala,
kulang ng panahon para sa pagninilay. Kadalasan ay panandalian lamang ang bunga
ng kanilang mga gawa. Ang mga taong malalim ay iyong mga sinasabi nating
nakakakita ng mga bagay na tunay na mahalaga dahil may kakayahan silang huminto
sa pagmamadali, manahimik at manalangin ngunit hindi tayo isinilang na mababaw o
malalim. Ang pagiging mababaw o malalim ay bunga ng pamamaraan ng
pamumuhay. Pinagpapasiyahan natin ito.
Lunes, Hulyo 11, 2005
Ika-15 na Linggo ng Taon
Benito
Unang Pagbasa: Ex 1:8-14, 22
Tinapay ng Buhay: Mt 10:34-11:1
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga apostol, Huwag ninyong isipin na dumating ako
para magdala ng kapayapaan sa lupa. Hindi kapayapaan ang dala ko kundi tabak.
Dumating akong taglay ang paghihiwalay: ng tao laban sa kanyang ama, ng anak na
babae sa kanyang ina, ng manugang sa kanyang biyenan. At magiging kaaway ng bawat
isa ang kanyang mga kasambahay.
Ang mas nagmamahal sa kanyang ama o ina kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa
akin. Ang mas nagmamahal sa kanyang anak kaysa akin ay hindi karapat-dapat sa
akin. At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi
karapat-dapat sa akin. Ang nagpapahalaga sa kanyang sarili ang siyang mawawalan
nito, at ang nawawalan naman ng kanyang sarili ang siyang makakatagpo nito.
Kung may tumatanggap sa inyo, tinatanggap din niya ako; at kung may
tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin. Kung may tumanggap
sa isang propeta dahil propeta ito, tatanggapin niya ang gantimpalang bagay sa isang
propeta; kung may tumanggap sa isang mabuting tao dahil marangal ito, tatanggapin
niya ang gantimpalang bagay sa isang mabuting tao. Kung may magpainom ng malamig
na tubig sa isa sa maliliit na ito dahil sa alagad ko ito, sinasabi kong hindi siya
mananatiling walang gantimpala.
Nang matapos si Jesus sa pagtuturo sa Labindalawa niyang alagad, umalis siya
roon para magturo at mangaral sa mga bayan doon.

Komentaryo
Sa harap ng mga pangaral at ng mismong buhay ni Jesus, ang bawat isa sa atin ay
nahaharap sa isang pagpili. Maniniwala ba ako at susunod sa kanya o patuloy kong
susundan ang mga pinapahalagahan ng mundo? Ito marahil ang kahulugan ng
paghahati na ipinahayag ni Jesus sa pagitan ng mga alagad at ng mga nahihirapang
maniwala. Ang sinumang nais sumunod kay Jesus ay haharap sa pagtutol at
pagsalungat ng iba, maging ng mga mahal sa buhay. Hindi katahimikan ng libingan ang
hatid ni Jesus. Hindi huwad na kapayapaan kung saan napagtatakpan lamang ang mga
dapat pagpilian. Ang katauhan ni Jesus ay paanyayang italaga ang buhay sa Diyos.

Martes, Hulyo 12, 2005


Ika-15 Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Ex 2:1-15
Tinapay ng Buhay: Mt 11:20-24
Sinimulang tuligsain ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng karamihan sa
kanyang mga himala, sapagkat hindi sila nagpanibagong-buhay: Sawimpalad kayong
mga bayan ng Corozain at Betsaida! Kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga himalang
naganap sa piling ninyo, matagal na sana silang nagsisi nang may abo at sako. Kaya
sinasabi ko sa inyo: Mas magiging magaan pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng
paghuhukom kaysa inyo.
At ikaw naman, Capernaum, itataas ka ba sa langit? Hindi, itatapon ka sa
kaharian ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodom nangyari ang mga himalang naganap
sa iyo, nananatili pa sana ngayon ang Sodom.
Kaya sinasabi ko sa inyo: mas magiging magaan pa ang sasapitin ng lupain ng
Sodom sa araw ng paghuhukom kaysa inyo.
Komentaryo
Tinuligsa ni Jesus ang mga bayang ginawan niya ng mga himala dahil hindi sila
nagpanibagong-buhay. Ano kaya ang sasabihin ni Jesus sa ating bayan? Sa kabila ng
himala ng EDSA, na hinirang ng buong daigdig bilang huwaran ng mapayapang
pakikibaka, masasabi bang nagpanibagong-buhay ang Pilipinas kung patuloy ang
kahirapan at katiwalian? Sa kabila ng mga munting himala sa ating mga sariling buhay,
masasabi ba nating nagpanibagong-buhay ang bawat Pilipino kung nagpapatuloy ang
pagkamakasarili at kakulangan ng pagmamahal? Hindi lang sapat makita ang himala.
Ang panukat ng tunay na pagkakita ay kung nagbabago ang tao dahil sa nakita at
naranasan niya.
Miyerkules, Hulyo 13, 2005
Ika-15 Linggo ng Taon
Enrique
Unang Pagbasa: Ex 3:1-6, 9-12
Tinapay ng Buhay: Mt 11:25-27

Nagsalita si Jesus sa isang pagkakataon, Pinupuri kita Amang Panginoon ng


Langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito sa matatalino at
marurunong, at ipinamulat mo naman sa mga karaniwang tao. Oo, Ama, ito ang
ikinasiya mo.
Ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama ang lahat. Walang nakakakilala sa Anak
kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinumang
gustuhing pagbunyagan ng Anak.
Komentaryo
Kinikilala sa ating lipunan ang matalino, nakapag-aral at dalubhasa. Kasama sa
mga tinitingala ng marami ang nakapagtapos sa sikat na unibersidad. Bahagi ng
pagkilala sa kanila ang bigyan ng parangal, status at ilang pribilehiyo. Ngunit
sinasalungat at itinutuwid ni Jesus ang ganitong kaugalian at pananaw. Itinuturo ni
Jesus na ang katotohanan ng Kaharian ng Diyos ay ipinagkaloob at higit na
nauunawaan ng mga hindi nakapag-aral o mga karaniwang tao sapagkat
pangkaraniwan ang kanilang puso at kalooban. Nagtataglay sila ng malinis na puso,
bukas ang kalooban sa Diyos at handang magtalaga ng kanilang sarili.
Huwebes, Hulyo 14, 2005
Ika-15 Linggo ng Taon
Kateri Tekakwitha
Unang Pagbasa: Ex 3:11-20
Tinapay ng Buhay: Mt 11:28-30
Nagwika si Jesus, Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at
pagiginhawahin ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong
mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong
kaluluwa. Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.
Komentaryo
Kung minsan naiisip natin na parang walang katapusang trabaho at hirap ang
buhay. At sa tuwing lulubog ang araw, nararamdaman natin ang matinding pagod. Sa
ganitong karanasan ay nagiging mahalaga ang pahinga. Ito marahil ang dahilan sa
nakaugaliang pag-inom ng beer at pagkanta sa karaoke. Kahit sandali, naiibsan ang
pagod ng ating katawan. Ito ay patunay na tayo ay naghahanap ng kaginhawahan sa
buhay. Hindi naibibigay ng mga bagay sa mundo ang ganap na kaginhawahan.
Inaanyayahan tayo ni Jesus na bumaling sa kanya. Ang ginhawang hatid niya ay
natatangi.

Biyernes, Hulyo 15, 2005


Ika-15 Linggo ng Taon
Buenaventura
Unang Pagbasa: Ex 11:10-12:14
Tinapay ng Buhay: Mt 12:1-8

Naglakad noon si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga.


Nagutom ang kanyang mga alagad at sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at
kinain iyon. Nang mapansin ito ng mga Pariseo, sinabi nila kay Jesus: Tingnan mo ang
iyong mga alagad, gumagawa sila ng ipinagbabawal sa Araw ng Pahinga!
Ngunit sumagot si Jesus: Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong
magutom siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain
ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal sa kanya o sa kanyang mga kasama
na kainin ito liban sa mga pari. At hindi ba ninyo nabasa sa Batas na sa Araw ng
Pahinga, walang pahinga ang mga pari sa Templo pero wala silang kasalanan dahil
dito?
Sinasabi ko naman sa inyo: Ditoy may mas dakila pa sa Templo. Kung
nauunawaan ninyong talaga ang salitang ito, Awa ang gusto ko, hindi handog, hindi
sana ninyo hinatulan ang walang-sala.
At isa pay ang Anak ng Tao ang Panginoon ng Araw ng Pahinga.
Komentaryo
Kadalasan ay itinuturing natin ang relihiyon bilang pinagsama-samang batas o isang
listahan ng mga dapat at hindi dapat. Dahil dito ay nauuwi ang buhaypananampalataya sa isang legalistikong pananaw at pamumuhay. Kung minsan ay
natutuon ang ating atensiyon sa pagpuna at pagtutuwid ng mga asal at gawa ng ibang
tao. Nagiging alipin tayo ng batas. Nakakalimutan natin na ang batas ay para sa
kapakanan natin at tugon sa ating mga pangangailangan. At higit sa lahat, ito ay
nagsisilbing gabay at daan tungo sa kabanalan, pagpapakabuti at pagmamalasakit sa
kapwa. Ang wastong pag-unawa sa batas ay daan sa tunay na kalayaan.

Sabado, Hulyo 16, 2005


Ika-15 Linggo ng Taon
Birheng Maria ng Carmel
Unang Pagbasa: Ex 12:37-42
Tinapay ng Buhay: Mt 12:14-21
Pagkalabas ng mga Pariseo, nagusap-usap sila kung paano nila siya masisiraan.
Nalaman ito ni Jesus kaya lumayo siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa
kanya. Pinagaling niya ang lahat ng maysakit ngunit inutusan niya sila na huwag
siyang ipamamalita.
Kaya natupad ang sinabi ni Isaias, ang propeta: Narito ang utusan ko na aking
pinili, ang mahal ko na siya kong kinalulugdan. Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu
at siya ang magpapahayag sa mga bansa ng aking mga pasya.
Hindi siya makikipagtalo o sisigaw, hindi maririnig sa mga liwasan ang kanyang
tinig. Hindi niya babaliin ang sugatang tangkay o papatayin ang aandap-andap na
mitsa. Hindi siya titigil hanggang magwagi ang katarungan. Ang kanyang pangalan ang
inaasahan ng lahat ng bansa.
Komentaryo
Ano ba ang ibig sabihin ng maging lingkod? Sa ating lipunan ang naglilingkod ay ang
taong sikat o tanyag at maingay: maraming nagawa para sa kanyang nasasakupan.

Subalit naiiba ang larawan ng lingkod ng Diyos ayon kay propeta Isaias. Ang isang
lingkod ay mahinahon, mapagkumbaba at makatotohanan sa kanyang salita. Hangarin
niya ang maitaguyod ang katarungan at ihatid ang pag-asa sa bawat tao. Ganito ang
paglilingkod na ginawa ni Jesus at sa ganitong pamamaraan din tayo dapat maglingkod
sa iba: isang paglilingkod na payak at tahimik.
Linggo, Hulyo 17, 2005
Ika-16 Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Kar 12:13, 16-19
Walang ibang Diyos liban sa iyo na nangangalaga sa lahat at dapat mong
pangatwiranan tungkol sa iyong mga kapasiyahan.
Sa iyong lakas nagmumula ang iyong katarungan, at sapagkat ikaw ang Panginoon
ng lahat, mapatatawad mo ang lahat.
Ipinamamalas mo ang iyong lakas sa mga nag-aalinlangan sa iyong ganap na
kapangyarihan at sinasasansala mo ang kapangahasan ng mga ayaw kumilala rito.
Ngunit ikaw, Panginoong Makapangyarihan, humahatol ka nang matimpi at
pinamamahalaan mo kami nang maingat, dahil sa nagagawa mo ang lahat kailanmat
iyong naisin.
Sa ganitong paraan itinuro mo sa iyong bayan na ang makatarungan ay dapat
maging maawain sa kanilang kapwa; binigyan mo rin ng pag-asa ang iyong bayan sa
pagkaloob sa kanila ng pagkakataong makapagsisi sa kanilang mga pagkakasala.
Ikalawang Pagbasa: Rom 8:26-27
Gayon din naman, tinutulungan tayo ng espiritu - mahina nga tayo. Para ano at
paano tayo mananalangin? Hindi natin alam, ngunit ang espiritu ang sumasamo para
sa atin sa paghibik na di kayang sabihin. At siyang sumusuri sa mga puso ang
nakakaalam kung ano ang kalooban ng niloloob ng espiritu, sapagkat ayon sa Diyos
ang pagsamo ng espiritu alang-alang sa mga banal.
Tinapay ng Buhay: Mt 13:24-43 (o 13:24-30)
Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga. Naihahambing ang kaharian ng
Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. At samantalang
natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng masamang damo
ang taniman ng trigo at saka umalis.
Nang tumubo ang mga tanim at nagsimulang mamunga ng butil, naglitawan din
ang masasamang damo. Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: Ginoo, di
bat mabubuting buto ang inihasik mo sa iyong bukid, saan galing ang mga damo?
Sinagot niya sila: Gawa ito ng kaaway. At tinanong naman nila siya: Gusto mo
bang bunutin namin ang mga damo? Sinabi niya sa kanila: Huwag, at baka sa
pagbunot ninyo sa mga damo e mabunot pati ang trigo. Hayaan ninyo na sabay silang
tumubo hanggang anihan. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin muna
ninyo ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at
tipunin sa aking kamalig.
Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga: Naikukumpara ang kaharian ng
Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kanyang
bukid.

Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglakiy mas malaki ito sa mga gulay, at
parang isang puno - dumarating ang mga ibon ng langit at dumadapo sa mga sanga
nito.
At sinabi ni Jesus ang iba pang talinhaga: Naikukumpara ang kaharian ng Langit
sa lebadurang kinuha ng isang babae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang
umalsa ang buong masa.
Itinuro ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi
siya nagturo sa kanila na hindi gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi
ng Propeta: Magsasalita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago
mula pa sa simula ng daigdig.
At pinaalis niya ang mga tao at saka pumasok sa bahay. Lumapit noon sa kanya ang
kanyang mga alagad at nagtanong: Ipaliwanag mo sa amin ang talinhaga ng mga trigo
sa bukid. Sumagot si Jesus: Ang nagtanim ng mabuting buto ay ang Anak ng Tao.
Ang bukid naman, ang daigdig; ang mabuting buto, ang mga tao ng Kaharian; at ang
masasamang damo, ang mga tauhan ng demonyo. Ang kaaway na naghasik sa kanila
ay ang demonyo; ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo, at ang mga manggagawa
ay ang mga anghel.
Kung paanong tinitipon ang masasamang damo at sinusunog sa apoy, ganito rin
ang mangyayari sa katapusan ng mundo. Ipadadala ng Anak ng Tao ang kanyang mga
anghel at titipunin nila sa kanyang kaharian ang mga eskandalo at ang mga gumagawa
ng masama. At itatapon ang mga ito sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at
pagngangalit ng ngipin. At pagkatapos nito, magniningning ang mga makatarungan
tulad ng araw sa Kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may tainga!
Komentaryo
Mahirap takasan ang katotohanan na maraming problema sa lipunan. Ang
lumalalang problema sa ating lipunan ay nakikita natin sa ating paligid, naririnig sa mga
radyo at nababasa sa mga dyaryo. Kung minsan ay nakapanghihina ang pag-iral ng
kasamaan. Sa ganitong kalagayan ay nagiging mahalaga ang pananalig at pag-asa na
hatid ng paghahari ng Diyos. Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng isang butil na maliit
ngunit nagiging pinakamalaking halaman o punong-kahoy sa paglago. Ang kasamaan ay
malalabanan at masusugpo sa pamamagitan ng paghahasik ng mabuting gawa. At
nakikiisa tayo sa tahimik ngunit tiyak na paglago at tagumpay ng kaharian ng Diyos sa
pamamagitan ng maliliit na kilos at gawang pagpapakabuti at pagmamahal.
Lunes, Hulyo 18, 2005
Ika-16 na Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Ex 14:5-18
Tinapay ng Buhay: Mt 12:38-42
Sinabi noon ng ilang guro ng Batas at mga Pariseo: Guro, gusto naming makakita
ng tanda mula sa iyo. Sumagot si Jesus: Isang palatandaan ang hinihiling ng masama
at di-tapat na lahing ito ngunit walang palatandaang ibibigay sa kanila, maliban sa
palatandaan ni Propeta Jonas. Kung paanong tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan
ng balyena si Jonas noon, gayundin naman tatlong araw at tatlong gabing mananatili
sa ilalim ng lupa ang Anak ng Tao.
Sa paghuhukom, babangon ang mga taga-Ninive kasama ng mga taong ito at
hahatulan ang salinlahing ito sapagkat nagpanibagong-buhay sila sa pangangaral ni

Jonas, at ditoy may mas dakila pa kay Jonas. Sa paghuhukom, babangon ang Reyna
ng Timog, kasama ng mga taong ito at hahatulan sila. Sapagkat dumating siya mula sa
kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang karunungan ni Solomon, at ditoy may
mas dakila pa kay Solomon.
Komentaryo
Kumikilos tayo sa araw-araw sa tulong ng mga palatandaan: ang ilaw pantrapiko ay
nagsisilbing gabay sa kalye at ang numero para mabatid kung tayo ay pagpapalain. Ang
lahat ng ito ay binibigyan natin ng pagpapahalaga at itinuturing na mabisang gabay sa
ating buhay. Ang nakakalungkot ay ang pagsasawalang-bahala natin sa
pinakamahalagang gabay sa ating buhay - ang pananahan at pagkilos ng Diyos sa ating
buhay. Pakinggan natin ang panawagan ni Jesus at itigil na ang paghingi ng mga
palatandaan. Sa halip ay tignan at suriin natin ang karanasan at kasaysayan ng ating
bayan sapagkat dito ipinahihiwatig ng Diyos ang kanyang kalooban sa atin.

Martes, Hulyo 19, 2005


Ika-16 na Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: Ex 14:21-15:1
Tinapay ng Buhay: Mt 12:46-50
Nagsasalita pa si Jesus sa mga tao nang dumating ang kanyang ina at mga kapatid
para makipag-usap sa kanya, at naghihintay sila sa labas. Kaya may nagsabi sa kanya:
Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; gusto ka nilang makausap.
Sumagot si Jesus sa nagsabi sa kanya: Sino ang aking ina? Sino ang aking mga
kapatid? At itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi: Narito ang aking ina at
mga kapatid. Ang nagsasagawa sa kalooban ng aking Ama sa Langit ang aking kapatid
na lalaki at kapatid na babae at ina.
Komentaryo
Isang katangian daw ng kulturang Pilipino ang pagpapahalaga sa kamag-anak.
Gagawin natin ang lahat para sa kadugo. Kung minsan, kahit na may maling nagawa,
pinagtatakpan. Lahat ng ito sa ngalan ng pamilya. Tinutuligsa ni Jesus ang ganitong
pagpapahalaga. Sa pamilya ng Diyos, hindi dugo ang pangunahing pamantayan. Ang
tunay na anak at mga magkakapatid sa pamilya ng Diyos ay yaong mga tapat sa
kalooban ng Ama. Hindi pagiging kasapi ng mga grupong relihiyoso ang naggagawad ng
karapatang ituring ang sinuman bilang anak ng Ama. Ang pinakamahalaga ay ang
pagtalima sa kalooban ng Ama, ang magmahal at magbigay-buhay sa iba.
Miyerkules, Hulyo 20, 2005
Ika-16 na Linggo ng Taon
Apolinario
Unang Pagbasa: Ex 16:1-5, 9-15
Tinapay ng Buhay: Mt 13:1-9
Nang araw ding iyon, umalis sa bahay si Jesus at naupo sa may dalampasigan.
Ngunit maraming tao ang nagtipon sa paligid niya kaya sumakay siya at naupo sa

bangka samantalang nakatayo naman sa pampang ang mga tao. At marami siyang
ipinahayag sa kanila sa tulong ng mga talinhaga.
At sinabi ni Jesus: Lumabas na ang maghahasik para maghasik.
Sa kanyang paghahasik, may ilang butong nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang
mga ibon at kinain ang mga iyon.
Nahulog naman ang ibang buto sa batuhan at mababaw ang lupa roon. Madaling
tumubo ang mga buto dahil hindi malalim ang lupa. Ngunit pagsikat ng araw, nasunog
ito sa init at sapagkat walang ugat, natuyo ito. Nahulog ang iba pang buto sa mga
tinikan. At nang lumago ang mga tinik, sinikil ng mga ito ang halaman. Nahulog naman
ang iba sa matabang lupa at namunga: nagbunga ng sandaan ang iba, animnapu
naman ang sa iba, at tatlumpu ang iba pa. Makinig ang may tainga!
Komentaryo
Kapansin-pansin na sa kabila ng makailang ulit na pagkabigo, nagbunga pa rin ng
masagana ang pagsisikap ng tagahasik. Talaga yatang bahagi ng anumang tagumpay
ang karanasan ng paulit-ulit na kasawian. Ganito ang naging karanasan ni Jesus: ilang
ulit na nabigo at nauwi sa pagkapakot pagkamatay bago humantong sa muling
pagkabuhay. Ganito rin ang pagdaraanaan ng nagnanais sumunod sa kanya.
Makakaranas ng kabiguan ang nagnanais maghasik ng kabutihan at katarungan dahil
maraming puso ang sarado at laban sa mabuting gawa. Sa ganitong sitwasyon,
mahalaga ang pagpupunyagi at pananalig sapagkat ang bunga at ani ay higit sa ating
inaakala.

Huwebes, Hulyo 21, 2005


Ika-16 na Linggo ng Taon
Lorenzo ng Brindisi
Unang Pagbasa: Ex 19:1-2, 9-11, 16-20
Tinapay ng Buhay: Mt 13:10-17
Pagkatapos ay lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong: Bakit sa
pamamagitan ng mga talinhaga ka nagsasalita sa kanila?
Sumagot si Jesus: Sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga lihim ng kaharian ng
Langit, ngunit hindi sa kanila. Sapagkat ang meron ay bibigyan pa at sasagana pa siya.
Ngunit ang wala ay aagawan pa ng nasa kanya na. Kaya nagsasalita ako sa kanila nang
patalinhaga sapagkat tumitingin sila pero walang nakikita, nakaririnig sila pero hindi
nakikinig o nakakaunawa.
Sa kanila natutupad ang mga salita ni Propeta Isaias: Makinig man kayo nang
makinig, hindi kayo nakakaunawa; tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo
nakakakita.
Pinatigas nga ang puso ng mga taong ito. Halos walang naririnig ang kanilang mga
tainga at wala ng nakikita ang kanilang mata. At baka makakita ang kanilang mata at
makarinig ang kanilang tainga at makaunawa ang kanilang puso, upang bumalik sila at
pagalingin ko sila.
Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga
na nakakarinig.

Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong
makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong
naririnig pero hindi nila narinig.
Komentaryo
Sa isang Kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas, isang biyaya ang palagiang
mapakinggan ang mga aral ni Jesus. Bakit patuloy na umiiral ang katiwalian? Bakit
parang hindi tayo lumalago sa buhay pananampalataya? Marahil ipinikit na natin ang
ating mga mata sa totoong nagaganap at isinara na ang ating mga tainga sa panawagan
para sa pagpapakatao? Paalala lang kapatid: ang pagbabalik-loob ay nagsisimula kung
hinahayaan ang ating mga sariling baguhin ang ating nakikita at naririnig. Muli nating
tignan ang ating paligid at kalooban at pakinggan ang hinaing ng ating kapwa at ang
bulong ng ating mga puso.Bumaling tayo kay Jesus at sa daang kanyang itinuturo.
Biyernes, Hulyo 22, 2005
Ika-16 na Linggo ng Taon
Maria Magdalena

Unang Pagbasa: Awit 3:1-4


Tinapay ng Buhay: Jn 20:1-2, 11-18
Pagkatapos ng Araw ng Pahinga, habang madilim pa, maagang pumunta sa
libingan si Maria Magdalena, nang makita niyang tanggal ang bato mula sa libingan,
patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa isa pang alagad na mahal ni Jesus.
Sinabi niya sa kanila: May kumuha sa Panginoon mula sa libingan, at hindi namin
alam kung saan nila siya inilagay.
Nakatayo namang umiiyak sa labas si Maria sa may libingan. Sa kanyang pag-iyak,
yumuko siyang nakatanaw sa libingan. At may napansin siyang dalawang anghel na
nakaputi na nakaupo, isa sa may ulunan at isa sa may paanan ng pinaglagyan sa
katawan ni Jesus.
Sinabi sa kanya ng mga iyon: Ale, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila: May
kumuha sa Panginoon ko, at hindi ko alam kung saan siya inilagay. Pagkasabi niya
nito, tumalikod siya at napansin niya si Jesus na nakatayo pero hindi niya nakilalang si
Jesus iyon.
Sinabi sa kanya ni Jesus: Ale, bakit ka umiiyak? Sinong hinahanap mo? Sa pagaakala niyang iyon ang hardinero, sinabi niya sa kanya: Ginoo, kung kayo ang nagdala
sa kanya, sabihin nyo sa akin kung saan nyo siya inilagay at kukunin ko siya.
Sinabi sa kanya ni Jesus: Maria! Pagkaharap niyay sinabi niya sa kanya sa
Aramaiko: Rabbouni! (na ibig sabihiy Guro).
Sinabi sa kanya ni Jesus: Huwag kang humawak sa akin sapagkat hindi pa ako
nakaaakyat sa Ama. Puntahan mo ang mga kapatid ko at sabihin sa kanila: Paakyat
ako sa Ama ko at Ama ninyo, sa Diyos ko at Diyos ninyo.
Pumunta si Maria Magdalena na ibinabalita sa mga alagad: Nakita ko ang
Panginoon. At sinabi niya ang mga sinabi sa kanya.

Komentaryo
Kung minsan nagpapakita na sa atin si Jesus ngunit hindi natin siya nakikilala. Ito
ang nangyari kay Maria Magdalena nang dumalaw siya sa libingan ni Jesus. Sa
paghahangad niyang makita at mabawi muli ang katawan ni Jesus, hindi niya nakilala
ang bagong-anyo ng Jesus na muling nabuhay. Kumapit siya sa kanyang dating
pagkakakilala kay Jesus. Namulat lamang siya nang tawagin ang kanyang pangalan at
paalalahanang huwag kumapit sa kanyang mga akala sapagkat hindi niya pag-aari si
Jesus. Ano ang ating mga akala hinggil kay Jesus na kailangang isuko o bitiwan?
Nakikilala ba natin si Jesus sa ating kapwang nangangailangan?

Sabado, Hulyo 23, 2005


Ika-16 na Linggo ng Taon
Brigida ng Sweden
Unang Pagbasa: Ex 24:3-8
Tinapay ng Buhay: Mt 13:24-30
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad ang isa pang talinhaga. Naihahambing ang
kaharian ng Langit sa isang taong naghasik ng mabuting buto sa kanyang taniman. At
samantalang natutulog ang mga tauhan, dumating ang kaaway. Hinasikan nito ng
masamang damo ang taniman ng trigo at saka umalis.
Nang tumubo ang mga tanim at nagsimulang mamunga ng butil, naglitawan din
ang masasamang damo. Kaya lumapit sa may-ari ang mga katulong at sinabi: Ginoo, di
bat mabubuting buto ang inihasik mo sa iyong bukid, saan galing ang mga damo?
Sinagot niya sila: Gawa ito ng kaaway. At tinanong naman nila siya: Gusto mo
bang bunutin namin ang mga damo? Sinabi niya sa kanila: Huwag, at baka sa
pagbunot ninyo sa mga damo e mabunot pati ang trigo. Hayaan ninyo na sabay silang
tumubo hanggang anihan. At doon ko sasabihin sa mga mag-aani: Bunutin muna
ninyo ang mga damo, at bigkisin para sunugin; at saka kunin ang lahat ng trigo at
tipunin sa aking kamalig.
Komentaryo
Mapaghanap tayo sa buhay. Kadalasan tayo ay naghahanap ng mga bagay na
makapagpapaligaya at makapagbibigay kahulugan sa ating buhay. Ngunit parang laging
may kulang sa kabila ng masinsinan nating paghahanap. Hindi tayo kontento sa ating
nakita, natagpuan o naranasan. Pakiramdam natin ay may isang bagay na mas higit
ang halaga sa maraming bagay. Para kay Jesus ito ay ang paghahari ng Diyos sapagkat
ito ang nagbibigay dahilan o kahulugan sa kanyang buhay. Pinagsisikapan niyang
maipadama sa iba ang walang-hanggang pag-ibig ng Diyos. Katulad ng isang
kayamanan o mamahaling perlas, itinaya ni Jesus ang lahat at maging ang kanyang
sariling buhay para sa paghahari ng Diyos. At dito niya natagpuan ang kaganapan ng
buhay at tunay na kaligayahan.
Linggo, Hulyo 24, 2005
Ika-17 Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: 1H 3:5, 7-12


Kinagabihan, napakita si Yawe kay Solomon sa Gibeon sa isang panaginip at sinabi
ng Diyos: Hingin mo ang gusto mong ibigay ko sa iyo.
Sinabi ni Solomon: At ngayon, O Yaweng aking Diyos, pagpalain mo ang iyong
lingkod bilang kahalili ni David na aking ama, bagamat akoy maliit na bata lamang at
walang alam gawin.
Ang iyong lingkod ay nasa piling ng iyong bayang pinili, isang bayang dakila at
hindi mabilang sa dami. Kaya pagkalooban mo ang iyong lingkod ng pusong
maunawain para pamunuan ang iyong bayan at para mapagpasyahan ko ang mabuti at
masama. Sapagkat sino ang makapamumuno sa ganito kalaking bayan mo?
Nasiyahan ang Panginoon at ang bagay na ito ang hiniling ni Solomon. At sinabi sa
kanya ng Diyos: Dahil ito ang iyong hiniling at hindi mahabang buhay o mga
kayamanan para sa iyong sarili, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi pagkaunawa
ang hiningi mo para mapagpasyahan kung alin ang tama, ipagkakaloob ko ang iyong
hinihiling. Binibigyan kita ngayon ng isang pusong marunong at mapagsuri kaya wala
kang makakatulad sa mga nauna sa iyo at wala nang lilitaw pang tulad mo sa mga
susunod sa iyo.
Ikalawang Pagbasa: Rom 8:28-30
Alam natin na ginagamit ng Diyos ang lahat para sa ikabubuti ng mga nagmamahal
sa kanya, na tinawag niya ayon sa kanyang pasya. Ang mga nakilala niyay itinalaga
niya na maging kawangis at kalarawan ng kanyang Anak upang maging panganay siya
sa maraming magkakapatid. At pagkatalaga niya sa kanila, tinawag din niya sila; at
pagkatawag sa kanila, pinaging-matuwid niya sila; at pagkabanal niya sa kanila,
niluwalhati niya sila.
Tinapay ng Buhay: Mt 13:44-52
Naihahambing ang kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid.
Kung may makakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaligayahan,
ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili niya ang bukid.
Naihahambing din naman ang kaharian ng Langit sa isang negosyanteng
naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang
halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas.
Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa
dagat at nakahuli ng kung anu-ano. Nang puno na ang lambat, hinila ito papunta sa
pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabubuting isda sa mga timba at
itinapon ang mga walang kuwenta. Ganito ang mangyayari sa katapusan ng mundo.
Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabubuti; at itatapon sila sa
nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pagngangalit ng mga ngipin.
At itinanong ni Jesus: Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito? Oo, ang sagot
nila. Kaya sinabi niya sa kanila: Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa
Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at
luma sa tuwing kukuha siya.
Komentaryo
Mapaghanap tayo sa buhay. Kadalasan tayo ay naghahanap ng mga bagay na
makapagpapaligaya at makapagbibigay kahulugan sa ating buhay. Ngunit parang laging

may kulang sa kabila ng masinsinan nating paghahanap. Hindi tayo kontento sa ating
nakita, natagpuan o naranasan. Pakiramdam natin ay may isang bagay na mas higit
ang halaga sa maraming bagay. Para kay Jesus ito ay ang paghahari ng Diyos sapagkat
ito ang nagbibigay dahilan o kahulugan sa kanyang buhay. Pinagsisikapan niyang
maipadama sa iba ang walang-hanggang pag-ibig ng Diyos. Katulad ng isang
kayamanan o mamahaling perlas, itinaya ni Jesus ang lahat at maging ang kanyang
sariling buhay para sa paghahari ng Diyos. At dito niya natagpuan ang kaganapan ng
buhay at tunay na kaligayahan.

Lunes, Hulyo 25, 2005


Ika-17 Linggo ng Taon
Jaime, Apostol
Unang Pagbasa: Ex 32:15-24, 30-34
Tinapay ng Buhay: Mt 20:20-28
Lumapit kay Jesus ang ina nina Jaime at Juan kasama ng dalawa niyang anak, at
lumuhod sa harap niya para makiusap. Tinanong siya ni Jesus: Ano ang ibig mo? At
sumagot siya: Narito ang dalawa kong anak. Iutos mong maupo ang isa sa iyong kanan
at ang isa naman sa iyong kaliwa sa iyong Kaharian.
Sinabi ni Jesus sa magkapatid: Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi.
Maiinom ba ninyo ang kalis na iinumin ko? Sumagot sila: Kaya namin. Sumagot si
Jesus: Totoong iinom din kayo sa aking kalis, ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa
aking kanan o kaliwa. Para sa mga hinirang ng Ama ang mga lugar na iyon.
Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila sa magkapatid. Kaya tinawag sila ni Jesus
at sinabi: Alam ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at
inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Hindi naman ganito sa inyo: ang may gustong
maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo; ang may gustong mauna sa inyo, siya
ang maging alipin ninyo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para
paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa
marami.
Komentaryo
Isa sa mga pinahahalagahan ng mundo ay ang kapangyarihan. Sa pamamagitan
nito ay nakukuha ng tao na mangibabaw sa iba-ang pulitiko sa mga mamamayan, ang
amo sa kanyang manggagawa, ang magulang sa kanilang anak, ang asawang lalaki sa
kanyang maybahay. Naipatutupad ng may kapangyarihan ang kanyang gusto o
ninanais. Subalit kabaligtaran nito ang itinuturo ni Jesus. Ang kapangyarihan ay hindi
para maghari kundi para makapagsilbi. Ang sinumang nagnanais maging una sa
kaharian ng Diyos ay kinakailangang maglingkod sa iba. Sa iyong pakikipag-ugnayan sa
iba, ano ang higit na nangingibabaw sa iyo? Ang makapangyarihang hari o ang isang
lingkod?
Martes, Hulyo 26, 2005
Ika-17 Linggo ng Taon
Joaquin at Ana, mga Magulang ni Maria

Unang Pagbasa: Sir 44:1, 10-15


Tinapay ng Buhay: Mt 13:16-17
Sinabi ni Jesus, Ngunit mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang
inyong mga tainga na nakakarinig.
Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong
makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong
naririnig pero hindi nila narinig.
Komentaryo
Mahirap isuko ang mga nakasanayan sa ating buhay dahil madali, sigurado, at
panatag ang loob natin. Ito marahil ang naging karanasan ng mga taong nahaharap sa
kakaibang hamon ni Jesus. Narinig nila ang kanyang mga turo subalit nagpasiya silang
manatili sa buhay na kanilang nakasanayan. Kaya marahil pinagpapala ni Jesus ang
mga tunay na nakakakita at nakakarinig sa kanya: silang mga tunay na umuunawa,
hindi sa pamamagitan ng pag-iisip kundi sa pamamagitan ng puso. Sa ganitong paraan
lamang magaganap ang paghilom at kaligtasan. Hahayaan ba natin ang ating sarili na
baguhin ng halimbawa at hamon ni Jesus?
Miyerkules, Hulyo 27, 2005
Ika-17 Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: Ex 34:29-35


Tinapay ng Buhay: Mt 13:44-46
Sinabi ni Jesus sa maraming tao, Naihahambing ang kaharian ng Langit sa
kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakita nito, ibabaon niya ito uli; at
dahil sa kanyang kaligayahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili
niya ang bukid.
Naihahambing din naman ang kaharian ng Langit sa isang negosyanteng
naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napakalaki ang
halaga, umalis siya at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas.
Komentaryo
Ang paghahanap sa Kaharian ng Diyos at ang pagkilala kay Jesus ay
maihahalintulad sa isang kayamanan. Ito ang malimit na kuwento ng mga nagbalik-loob.
Dahil naranasan nila si Jesus bilang isang walang-kaparang kayamanan, iniwan nila
ang mga nakasanayan at itinaya nila ang mga bagay na malapit sa kanilang mga puso
para sumunod sa kanya. Ipinagbili nila ang lahat. Ang ibig sabihin nito ay isinuko nila
ang pagka-makasarili - hindi lang minsanan kundi sa araw-araw ng kanilang buhay kapalit ng bagong-buhay na kanilang natagpuan sa piling ni Jesus. Kailan natin huling
sinubukang isuko ang isang bagay na malapit sa ating puso para kay Kristo?

Huwebes, Hulyo 28, 2005


Ika-17 Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: Ex 40:16-21, 34-38


Tinapay ng Buhay: Mt 13:47-53
Sinabi ni Jesus sa maraming tao, Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa
isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kung anu-ano. Nang puno
na ang lambat, hinila ito papunta sa pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon
ang mabubuting isda sa mga timba at itinapon ang mga walang kuwenta. Ganito ang
mangyayari sa katapusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang
masasama sa mabubuti; at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan
at pagngangalit ng mga ngipin.
At itinanong ni Jesus: Nauunawaan ba ninyo ang lahat ng ito? Oo, ang sagot
nila. Kaya sinabi niya sa kanila: Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa
Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at
luma sa tuwing kukuha siya.
Nang matapos ni Jesus ang mga talinhagang ito, umalis siya sa lugar na iyon.
Komentaryo
Ang Kaharian ng Diyos ay isang kaloob o biyaya para sa lahat. Katulad ng lambat,
ang Kaharian ng Diyos ay naglalayong maabot ang mabubuti at masasama. Bakit?
Dahil ang mapagligtas na pag-ibig ng Diyos ay walang pinipili kagaya ng araw na
sumisikat at ulan na dumidilig sa lahat. Katulad sa pangingisda, ang pagtataguyod ng
Kaharian ng Diyos ay nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng komunidad. Bakit?
Sapagkat hindi tayo nabubuhay at maliligtas nang nag-iisa. Nabubuhay tayo at
maliligtas na kasama ang ating kapwa. Alalahanin natin na pananagutan natin ang
kaligtasan ng ating kapwa.
Biyernes, Hulyo 29, 2005
Ika-17 Linggo ng Taon
Unang Pagbasa: 1 Jn 4:7-17
Tinapay ng Buhay: Jn 11:19-27
Marami sa mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria para makiramay sa kanila
sa kanilang kapatid.
Kaya pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, sinalubong niya ito. Si Maria
naman ay nakaupo sa bahay. At sinabi ni Marta kay Jesus: Panginoon, kung naririto
ka, hindi sana namatay ang kapatid ko. Ngunit kahit na ngayon, alam kong anuman
ang hingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.
Sinabi sa kanya ni Jesus: Babangon ang kapatid mo. Sinabi naman sa kanya si
Marta: Alam ko na babangon siya sa pagkabuhay sa huling araw.
Sinabi sa kanya ni Jesus: Ako siyang pagkabuhay (at ang buhay.) Mabubuhay ang
nananalig sa akin kahit na mamatay siya. Hinding-hindi mamamatay kailanman ang
bawat nabubuhay at nananalig sa akin. Pinaniniwalaan mo ba ito?
Sinabi niya sa kanya: Opo, Panginoon. Nananalig nga ako na ikaw ang Kristo, ang
Anak ng Diyos, na dumarating sa mundo.
Komentaryo
Madaling maniwala kung maayos ang lahat, maaliwalas ang buhay at ligtas tayo sa
anumang panganib. Mas mahirap manalig sa mga sandali ng kasawian o sa bingit ng

kamatayan. Sa ganitong kalagayan, mas madali ang manisi at manghinayang, ang


panghinaan ng loob at sumuko. Kaya kahanga-hanga si Marta sa ating kuwento.
Ipinamamalas niya sa atin ang kahulugan ng tunay na pananalig: ang maniwala na
hindi kasawian ang huling salita at si Jesus ang tanging makapagbibigay ng buhay sa
harap ng kamatayan. Itigil na natin ang paghahanap ng sekreto para mapahaba ang
buhay. Itinuro na ni Marta sa atin ang liwanag.

Sabado, Hulyo 30, 2005


Ika-17 Linggo ng Taon
Pedro Crisologo
Unang Pagbasa: Lev 25:1, 8-17
Tinapay ng Buhay: Mt 14:1-12
Umabot kay Haring Herodes ang katanyagan ni Jesus. At sinabi niya sa kanyang
mga kasambahay: Si Juan Bautista siya. Nabuhay si Juan mula sa mga patay kaya
nagkakabisa sa kanya ang makalangit na kapangyarihan.
Si Herodes nga ang nagpahuli kay Juan, at nag-utos na ikadena ito at ikulong dahil
kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Sapagkat sinabi ni Juan kay
Herodes: Hindi mo siya puwedeng maging asawa. Talaga ngang gusto ni Herodes na
patayin siya, pero takot siya sa mga tao na kumikilala kay Juan bilang isang propeta.
Kaarawan ni Herodes at nagsayaw ang anak na babae ni Herodias, at nasiyahan si
Herodes sa kanya. Kaya sinumpaan niya ang isang pangako na ibibigay sa kanya ang
anumang hingin niya.
At sinabi ng babae ayon sa turo ng kanyang ina: Ibigay mo rito sa akin ang ulo ni
Juan Bautista sa isang bandeha.
Nasaktan ang hari ngunit napanumpaan na niya ang pangako sa harap ng mga
bisita kaya iniutos niya na ibigay iyon sa kanya. At pinapugutan niya ng ulo si Juan sa
kulungan; inilagay sa isang plato ang kanyang ulo at ibinigay sa babae, at dinala ito ng
babae sa kanyang ina.
At pagkatapos ay dumating naman ang mga alagad ni Juan at kinuha ang kanyang
katawan at inilibing. At pagkatapos ay ibinalita ito kay Jesus.
Komentaryo
Ano ba ang masasabi natin tungkol kay Juan Bautista? Isa siyang propeta, ang
tagapagsalita ng Diyos at ng mga taong walang tinig sa lipunan. Nanawagan siya para
sa pagbabalik-loob sa liwanag ng walang-katapusang habag ng Diyos. Hindi niya
tinakbuhan ang pagpapahayag sa katotohanan, kahit na nalagay sa panganib ang
kanyang buhay. Ikinulong siya nang walang sala at pinapatay subalit hindi kailanman
nakitil ang kanyang tinig. Naririnig natin siya sa tuwing may nagpapahayag laban sa
kawalan ng katarungan, sa tuwing may nagpapamalas ng pagmamahal at sa tuwing
may naghahatid ng pag-asa. Kristiyano, magpaka-propeta ka!
Linggo, Hulyo 31, 2005
Ika-18 Linggo ng Taon

Unang Pagbasa: Is 55:1-3


Halikayo, lahat kayong nauuhaw, magsilapit sa tubig; at lahat kayong mga walang
pera, halikayo, bumili ng trigo at kumain. Oo, halikayo, bumili ng alak at gatas, nang
walang pera at walang presyo.
Bakit gagastahin ang inyong pera sa hindi nakabubusog at bakit nagpapakapagod sa
hindi nakasisiya? Makinig sa akin, at kayoy kakaing mabuti; masasarapan kayo sa
matatabang pag- kain.
Makinig kayo at lumapit sa akin; makinig sa akin upang mabuhay ang inyong
kaluluwa. Makikipagtipan ako sa inyo-isang walang hanggang tipan; tutuparin ko sa
inyo ang aking mga pangako kay David.
Ikalawang Pagbasa: Rom 8:35, 37-39
At sino ang magwawalay sa atin sa pagmamahal ni Kristo? Ang kasawiampalad ba,
ang hirap, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran, ang panganib, ang tabak?
Ngunit sa lahat ng ito, daig pa natin ang nanalo dahil sa nagmamahal sa atin.
Natitiyak kong kahit ang kamatayan at buhay, kahit ang mga anghel at pamumuno ng
kasalukuyang panahon o ng darating; kahit ang mga puwersa ng kaitaasan o ng
kailaliman; natitiyak ko na sa mga nilikhay walang makapagwawalay sa atin sa
pagmamahal ng Diyos na na kay Kristo Jesus na ating Panginoon.
Tinapay ng Buhay: Mt 14:13-21
Nang marinig ito ni Jesus, lumayo siya at namangka na sila-sila lang patungo sa
ilang na lugar. Ngunit nalaman ito ng mga tao at sumunod sila sa kanya na naglalakad
mula sa kanilang mga bayan. Pagdating ni Jesus sa pampang, nakita niya ang
maraming taong nagkakatipon doon at naawa siya sa kanila. At pinagaling niya ang
mga maysakit.
Nang hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi: Nasa ilang na lugar
tayo at lampas na ang oras. Paalisin mo na ang maraming taong ito para makapunta
sila sa mga nayon at makabili ng kani-kanilang pagkain.
Ngunit sumagot si Jesus: Hindi na nila kailangang umalis pa; kayo ang magbigay
sa kanila ng makakain. Sinabi nila: Wala kami rito kundi limang tinapay at dalawang
isda. Sinabi niya: Akin na.
At iniutos niyang maupo sa damuhan ang makapal na tao. Kinuha niya ang limang
tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at
ibinigay sa kanyang mga alagad; at ibinigay rin nila sa mga tao. At kumain silang lahat
at nabusog, at inipon nila ang mga natirang pira-piraso - labindalawang punong basket.
Mga limanlibong lalaki ang napakain bukod pa sa mga babae at mga bata.
Komentaryo
Para sa ating mga Pilipino, malaking problema at kahihiyan ang maubusan ng
maihahaing pagkain sa isang handaan. Ganito marahil ang naramdamang pagkabalisa
ng mga alagad ni Jesus sa ating kuwento. Ano ba ang nangyari nang magtipon ang mga
tao sa ilang na lugar na halos walang makain? Ayon sa ilang dalubhasa ng Biblia, ang
himala ng pagdami ng isdat tinapay ay himala ng pagbabahaginan. May isang bata raw
ang naglabas ng kanyang munting baon nang nakaupo na ang mga tao sa damuhan,
inalok ang kanyang katabi at nakita ito ng iba at tinularan. Nag-abot ang bawat isa ng

kani-kanilang mumunting dala para pagsaluhan ng kapwa. At ang natira ay labis-labis


pa.

You might also like