You are on page 1of 95

2002 KURIKULUM

SA BATAYANG EDUKASYON
SA LEVEL SEKONDARI

Departmento ng Edukasyon
KAWANIHAN NG EDUKASYONG SEKONDARI
DepEd Complex, Meralco Ave., Pasig City

PANIMULA
Ang handbuk na ito ay naglalayong makapagbigay ng pangkalahatang
pananaw tungkol sa programa ng Filipino sa level sekondari. Magsisilbing gabay
din ito sa pagpapatupad ng kurikulum, sa pagpapabatid ng mga patakaran at
gabay sa mga dapat isagawa at isakatuparan.
Sa madaliang kabatiran at pag-unawa, ang handbuk ay naglalaman ng
mga sumusunod:
-

Ang deskripsyon na kung saan tinitiyak ang focus at empasis ng


larangan ng pagkatuto.

Ang yunit kredit na nagpapakita ng bilang ng yunit na nakalaan sa


larangan ng pagkatuto na nakabatay sa apatnapung (40) minuto bawat
yunit kredit at siyang gagamitin sa pag-eebalweyt ng mga mag-aaral
tungo sa susunod na level.

Ang laang oras pangklasrum na tumitiyak sa bilang ng minuto o oras


ng pagtuturo na nakalaan sa larangan ng pagkatuto sa bawat araw o
bawat linggo.

Ang mga inaasahang bunga na naglalahat sa mga pangkalahatang


kasanayan sa pagkatuto na dapat taglayin ng mga mag-aaral
pagkatapos ng bawat taon.

Ang saklaw at pagkakasunud-sunod ng mga aralin at kontent.

Ang mga mungkahing istratehiya na kinakailangang gamitin upang


higit na madevelop ang kontent, mapataas ang antas ng kasanayan at
maipakita ang pinagsanib na pagkatuto.

Ang mga kagamitan na kinabibilangan ng mga inaprubahang gamitin


sa pagtuturo. Kabilang din ang mga kagamitang tutulong sa paglalapat
ng information and communication technology kung kinakailangan.

Ang batayan ng pagmamarka na tumitiyak kung paano susukatin ang


kinalabasan ng pagkatuto at ang mga tiyak na kakayahan ng mga
mag-aaral na dapat lapatan ng marka.

Ang mga kasanayan sa pagkatuto na tumitiyak sa mga kaalaman,


kasanayan, gawi at mga pagpapahalagang kinakailangang madevelop
at matamo sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Ang hulwarang banghay-aralin na nagpapamalas ng proseso ng


makabuluhang pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng paglalapat
ng mga kinakailangang mga kasanayang pangpamumuhay (life skills)
at

kasanayan sa mataas na antas ng pag-iisip (higher order thinking skills),


pagpapakita ng mga pagpoproseso ng mga pagpapahalaga ( valuing
process) at ng ibat ibang interaktiv na gawaing tutugon sa mga
pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang handbuk ay binuo bilang gabay at hindi upang gawing de-kahon ang
operasyonalisasyon ng kurikulum. Hindi rin ito binuo upang gumawa ng
restriksyon kung papaano ang gagawing pagpapatupad ng kurikulum. Ang
pagpapasya kung papaano higit na mapahuhusay ang level ng pagkatuto ay
nakasalalay pa rin sa mga paaralan, mga punongguro at mga guro. Sila ang
higit na nakaaalam ng tamang direksyong dapat nilang tahakin at kung papaano
nila ito mararating.

NILALAMAN
Panimula

Deskripsyon..

Yunit Kredit

Laang Oras Pangklasrum 3


Mga Inaasahang Bunga Bawat Taon

Saklaw at Pagkakasunud-sunod ng mga Aralin.. 4


Mga Mungkahing Istratehiya at Kagamitang Pampagtuturo.. 16
Batayan ng Pagmamarka 17
Mga Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto..18
Mga Hulwarang Banghay-Aralin. . 58

DESKRIPSYON
A. Mga Batayang Konseptwal
Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating
mga paaralang pambansa. Ang mga dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral
na Patakarang Edukasyong Bilingwal. Una, ituturo ito bilang isang sabjek
pangwika. Ikalawa, upang magamit ang wikang ito bilang wikang
pangklasrum sa iba pang sabjek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang
panturo. Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang
ng kaganapan sa pagkatuto. Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang
isang wikang may sariling kakanayahan upang magamit ito ng efektivo sa
pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino.
Sa konsiderasyon ng pagkatuto at pagtuturo ng Filipino sa level
sekondari, isinaalang-alang din ang mga sumusunod na kaisipan mula sa
mga eksperto.
Ayon kay Otanes ( 2001), sa anuman daw balaking bumuo ng isang
kurikulum pangwika, kinakailangang bigyang focus ang mga mag-aaral na
ang pangunahing layunin ay ang matuto ng wika upang sila ay
makapaghanapbuhay,
makipamuhay
sa
kanilang
kapwa
at
makapagpahalaga sa kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Ayon naman kay Espiritu ( 2001), nararapat daw ikonsidera ang mga
umiiral na teorya sa pagkatuto at pagtuturo ng wika sa anumang
pagtatangkang bumuo ng isang kurikulum pangwika. Sa pagtuturo wika sa
sekondari, nararapat daw na malinang ang kognitibo/akademikong
kasanayang pangwika. Maaari din daw ipasok ang pagsusuri ng istruktura ng
gramatika ng wika sa level na ito sapagkat sa panahon daw na ito, may
kakayahan ng maglinaw,magsuri, mag-evalweyt at mag-synthesize ang mga
mag-aaral ng kanilang mga natutuhan.
Sa pagbibigay ng tuon sa mga tiyak na istrukturang gramatikal bilang
bahagi ng pagkatuto ng wika, naging batayan ang mga kaisipan ni Sibayan
(1998). Ayon sa kanya, A knowledge of grammatical rules is useful. For
example, a good knowledge of the eight parts of speech is important because
one cannot use the dictionary intelligently as an aid to learning without
knowing the verb or adjective is and their function in a sentence. Properly
taught the basic of grammar rules, the learners will understand and
appreciate the language.
Sa pamamagitan ng mga kaisipang nabanggit, nabuo ang isang batayang
konseptwal. Bilang isang larangan ng pagkatuto sa level sekondari, ang
pangunahing mithiin ng Filipino ay ang makadevelop ng isang gradweyt na
mabisang komyunikeytor sa Filipino. Upang masabing mabisang
komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga
5

pangangailangang kasanayang makro ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita


at pakikinig. Bilang isang sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan,
nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng
kasanayang komunikatibo tulad ng diskorsal, gramatikal, sosyo-lingwistik at
istratejik. Sa proseso ng pagkatuto, magiging hanguan ng kaalaman at
kasanayang pangwika ang mga pangnilalaman partikular ay sa Araling
Panlipunan. Nakasandig din ang pagtuturo/pagkatuto ng Filipino sa mga
pampamahalaang target, apat na haligi ng pagkatuto at ang visyon at misyon
ng departamento.
B. Kontent
Bilang isang larangan ng pagkatuto at pantulong na sabjek sa level
sekondari, makikilala ang Filipino bilang FILIPINO SA ISKOLARLING
PAKIKIPAGTALASTASAN.
Sa unang dalawang taon (Una at Ikalawang Taon), ang bibigyan ng focus
ay ang masusing pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na istrukturang
gramatikal ng Filipino bilang isang wika kasabay sa pagtatamo ng wastong
kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ito, pagsasanibin ang
mga interdisiplinaring paksa at vokabularyong nakapaloob sa ibat ibang uri
ng texto tulad ng mga textong prosijural, referensyal, jornalistik, literari at
politiko-ekonomik at ang pagkatuto ng ibat ibang istrukturang gramatikal.
Sa huling dalawang taon (Ikatlo at Ikaapat na Taon), ang focus ay ang
pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa
at pag-unawa sa ibat ibang genre ng panitikang ( lokal at rehyunal, nasyunal
at Asyano) nakasalin sa Filipino.
Sa bawat taon, mananatili ang pagbibigay ng tiyak na atensyon sa
paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa
ibat ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pagtutuunan ng
isang linggong sesyon sa bawat markahan.
Mananatili pa rin ang pagbibigay pansin sa mga tiyak na akda bilang mga
akdang pampanitikan. Sa Unang Taon Ibong Adarna, Florante at Laura
naman sa Ikalawang Taon , Noli me Tangere sa Ikatlong Taon at El
Filibusterismo sa Ikaapat na Taon. Pagtutuunan ang mga akdang ito ng
dalawang linggong sesyon sa bawat markahan.
Ang bibigyan ng pansin sa apat na taong pag-aaral ng Filipino ay ang
pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.
Hindi nagkaroon ng radikal na pagbabago sa kontent ng Filipino bilang
sabjek sa level sekondari. Nanatili ang pagtuturo ng gramatika ng wika at ng
panitikan. Binigyan lamang ng focus ang maunawang pagbasa sa tulong ng
ibat ibang uti ng texto upang malinang ang kasanayang lingwistika ng mga
6

mag-aaral. Sa panitikan, tiniyak lamang ang mga batayan at sukatan ng


pagkatuto tulad ng mga tiyak na teorya, pamantayan at simulain.

YUNIT KREDIT/LAANG ORAS PANGKLASRUM:


Basahin ang DepEd Order No. 37, s. 2003, Revised Implementing
Guidelines of the 2003 Secondary Education Curriculum Effective School 20032004

MGA INAASAHANG BUNGA SA BAWAT TAON


Pagkatapos ng Ikaapat na Taon, ang isang gradweyt ay nagtataglay ng
kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng mapanuring
paghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan batay na rin sa mga tanggap
na pamantayan, istandard at teorya ng pamumuna. ( sa tulong ng mga akdang
rehyunal at Asyanong nakasalin sa Filipino)

Pagkatapos ng Ikatlong Taon, ang isang mag-aaral ay dapat na


nagtataglay na ng kahusayan, kaalaman at angkop na kamalayan sa
pagsasagawa ng kritikal na pagpapasya upang mabigyang-halaga ang ating
pambansang panitikan batay sa mga umiiral at tiyak na pamantayan, istandard at
teoryang pampanitikan.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Taon, ang isang mag-aaral ay dapat na


nagtataglay na ng kognitivong kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa
ng ibat ibang texto at nagagamit nang wasto ang angkop na istrukturang
gramatikal sa isang akademikong pakikipagtalastasan.

Sa pagtatapos ng Unang Taon, ang isang mag-aaral ay nararapat na


nagtataglay na ng sapat na kasanayan at kaalamang magamit nang wasto ang
mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang iskolarling pakikipagtalastasan
sa tulong ng mapanuring pagbasa ng ibat ibang uri ng texto.

SAKLAW AT PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA ARALIN


SA BAWAT LINGGO ( 10 LINGGO) NG BAWAT MARKAHAN
Unang Taon
Unang Markahan
A. Gramatika at Pagbasa
1. Agham at Kapaligiran

Tekstong Informativ
Panghihiram ng Salita
2. Paglalakbay at Kultura
Tekstog Narativ (Story)
Mga Ponema ng Filipino
3. Pamahalaan at mga Batas

Tekstong Ekspositori
Salitang may diptonggo at klaster
4. Relihiyon at Kasaysayan
Tekstong narativ (Recount)
Pares-Minimal sa Filipino
5. Edukasyon at Kasaysayan
Tekstong Informativ (Report)
Pagbubuo ng salita mula sa punong salita
Paglalapi, pag-uulit, pagtatambal
6. Pakikipagkalakalan at Kabuhayan

Tekstong Informativ (Explanation)


Pangungusap ayon sa layon
Naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad, nangangatwiran
7. Pag-aalsa Laban sa Kolonyalismo
Tekstong Informativ (Description)
Pangungusap ayon sa Balangkas
Payak, tambalan, langkapan, hugnayan
B. Ibong Adarna
8. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna
9. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna

C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing pagsulat ng komposisyon
(Pagsulat ng Talambuhay)
Ikalawang Markahan
A. Gramatika at Pagbasa
1. Heyograpiya at Kabuhayan
Tekstong argumentativ (Persweysiv)
Mga salitang nagpapakilala ng dami o lawak, lokasyon, tiyak o di-tiyak
2. Mamamayan at ang Batas
Tekstong argumentativ (Explanation)
Mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon
3. Kalakalan at Kabuhayan
Tekstong Informativ (Report)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng simbolo, imahe at nga
pahiwatig
4. Himagsikan at Panitikan
Tekstong informativ (Description)
Gamit g mga keywords sa pagpapakilala sa paksa, proposisyon, positiv at
nagativ na palagay
5. Demokrasya at Kalayaan
Tekstong informativ (Description)
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng damdamin, ideya, kaisipan at
mensahe
6. Kalakalan at Istatistiks
Tekstong Informativ (Explanation)
Mga pangungusap mula sa dalawa o higit pang ideya
7. Edukasyon at Kabuhayan
Tekstong narativ (Story)
Makabuluhang pagpapakahulugan sa mga salita/pangungusap
B. Ibong Adarna
8. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna
9. Mapanuring pagbasa sa Ibong Adarna

C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing pagsulat ng Komposisyon (Ibat ibang uri ng liham)
2

Ikatlong Markahan
A. Gramatika at Pagbasa
1. Pagnenegosyo
Tekstong Prosijural
Mga ginagamit na paksa sa pagbubuo ng pangungusap
2. Ekonomiya at Kabuhayan
Tekstong Informativ (Explanations)
Mga ginagamit ng panaguri sa pagbubuo ng pangungusap
3. Turismo at Kultura
Tekstong Informativ (Report)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala/nagpapatibay ng ideya
4. Pakikipagkalakalan
Tekstong Prosijural
Mga salita/pangungusap na nagpapakita ng paglilipat ng ideya sa bagong
ideya/nagwawakas ng ideya
5. Mga Hamon sa Kalayaan
Tekstong Argumentativ (Perweysiv)
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng pagkamakatotohanan ng
ideya/pagiging opinyon lamang
6. Mga Karapatang Pantao
Tekstong Informativ (Explanation)
Mga pamaksa/pantulong ng pangungusap
7. Ang EDSA Bilang Kasaysayan
Tekstong Narativ (Story)
Mga pangungusap na nagpapakilala ng paraan ng pagsasalaysay
B. Ibong Adarna
8. Mapanuring Pagbasa sa Ibong Adarna
9. Mapanuring Pagbasa sa Ibong Adarna
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
(Pagsulat ng anekdota)

Ikaapat na Markahan

A. Gramatika at Pagbasa
1. Kolonyalismo at Kamalayang Panlipunan
Tekstong Argumentativ (Persweysiv)
Mga pangungusap na nagpapakilala ng sanhi at bunga
2. Ang Pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas
Tekstong Informativ (Explanation)
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pakay o motibo
3. Sining at Himagsikan
Tekstong Narativ (Story)
Mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay/di-kasiyasiyang palagay
4. Kultura at Kabuhayan
Tekstong Argumentativ (Persweysiv)
Mga
salita/pangungusap
na
nagpapakilala
ideya/magkasalungat na ideya

ng

magkatulad

na

5. Mga Pangulo ng Pilipinas


Tekstong Informativ (Recount)
Mga pagbabagong morpoponemik na nagaganap sa salita
6. Mga Kamalayang Pilipino sa Sining at Agham
Tekstong Informativ (Report)
Mga Modal ng Filipino
7. Relihiyon at Kasaysayan
Tekstong Informativ (Recount)
Mga sangkap ng pangungusap at gamit ng bawat isa (Paksa, panaguri,
pandiwa, kumplemento, pokus)
B. Ibong Adarna
8. Mapanuring Pagbasa ng Ibong Adarna
9. Mapanuring Pagbasa ng Ibong Adarna
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
(Pagsulat ng talaarawan)

Ikalawang Taon
Unang Markahan

A. Gramatika at Pagbasa
1. Kalakalan
Tekstong Informativ
Mga salita ayon sa formalidad ng gamit
2. Heyograpiya ng Asya
Tekstong Argumentativ (Persweysiv)
Mga salita ayon sa tindi ng ipinapahayag
3. Turismo at Kabuhayan
Tekstong Narativ (Story)
Gamit ng mga cohesive devices
Anapora at Katapora
4. Ekonomiya at Edukasyon
Tekstong Informativ
Gamit ng mga panandang diskurso
5. Nasyonalismo
Tekstong Argumentativ
Gamit ng mga panandang kohesyong gramatikal
6. Ekonomiya at Globalisasyon
Tekstong Deskriptiv (Technical)
Mga panandang leksikal
7. Nasyonalismo at Kalayaan
Tekstong Narativ
Mga panuring na ginagamit sa modifikasyon ng pangungusap
B. Florante at Laura
8. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit
9. Mapanuring Pagbsa sa Florante at Laura Bilang Awit
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
( Pagsulat ng Balita )

Ikalawang Markahan
A. Gramatika at Pagbasa
1. Kapaligiran at Kaunlaran
Tekstong Ekspositori ( Explications)
Mga Pangungusap na Pahiwatig
2. Ekonomiya at Agrikultura
Tekstong Deskriptiv ( Impressionistic )
Mga Pahayag na Interaksyunal
3. Ekonomiya at Tao
Tekstong Narativ ( Textual Interpretation )
Mga Salitang Ginagamit sa Paghihinuha
4. Ekonomiya at Sistemang Pulitikal
Tekstong Argumnetativ ( Persweysiv)
Mga Pangungusap na Nagpapahayag ng Paliwanag/Katwiran
5. Mga Reformang Pang-ekonomiya
Tekstong Argumentative ( Scientific)
Mga pangungusap na Nagpapakilala ng Pagpapaliwanag/Pangangatwiran
6. Sistemang Pulitikal sa Asya
Tekstong Deskriptiv ( technical)
Mga Pangungusap na Nagpapakilala ng Opinyon
7. Mga Bunga ng Kilusang Reformista
Tektong Narativ ( Narration )
Kaganapan/Kumplemento ng Pandiwa
B. Florante at Laura
8. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Isang Awit
9. Mapanuring Pagbasa sa Florante art Laura Bilang isang Awit
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
( Pagsulat ng editoryal )

Ikatlong Markahan
A. Gramatika at Pagbasa
1. Imperyalismo sa Asya
Tekstong Argumentative ( Persweysiv )
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng aktwal na intensyon
2. Neokolonsyalismo sa Asya
Tekstong Argumentative ( comments)
Pagkilala sa wastong gamit ng mga pangatnig
3. Kulturang Asyano
Tekstong Ekspositori
Mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng paglalagom ng kaisipan
4. Ekonomiyang Asyano
Tekstong Informativ
Pangungusap na nagpapakilala ng pagbibigay ng proposisyon
5. Pagpapahalagang Asyano
Tekstong Narativ
Mga salita/pangungusap na kaugnay ng iba pang salita/pangungusap sa loob
ng pahayag
6. Relihiyong Asyano
Tekstong Narativ
Pagbubuo ng pangungusap mula sa dalawa o higit pang pahayag
7. Asya Bilang Isang Kontinente
Tekstong Deskriptiv
Salita/pangungusap na nagpapakailala ng argumento
B. Florante at Laura
8. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit
9. Mapanuring Pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikahaing Pagsulat ng Komposisyon
( Pagsulat ng Kathang-buhay )

Ikaapat na Markahan

A. Gramatika at Pagbasa
1. Ang Nagbabagong Asya
Tekstong Desktipriv
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagtanggap at pagtanggi
2. Mga Dakilang Asyano
Tekstong Argumentativ
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng alternatibong solusyon
3. Pagbabagong Dulot ng Digmaan
Tekstong Narativ
Mga salita/pangungusap na nagsasaad ng implikasyon
4. Nasyonalismo sa Asya
Tekstong Argumentativ
Mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagkakatulad
5. Ang Sining sa Asya
Tekstong Ekspositori
Mga salita/pangungusap na nagpapakilala ng pagsalungat
6. Kilusang Reformista at Pambansang Kamalayan
Tekstong Narativ (Report)
Wastong gamit ng mga pangngalang-diwa
7. Kultura At Tao
Tekstong Informativ
Mga Pangungusap na pabuod at pasaklaw
B. Florante at Laura
8. Mapanuring pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit
9. Mapanuring pagbasa sa Florante at Laura Bilang Awit
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
(Pagsulat ng sanaysay)

Ikatlong Taon
Unang Markahan

A. Mga Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Akdang


Pampanitikan
1. Elemento Tula
2. Paraan ng Paglalahad Sanaysay
3. Kombensyon Dula
4. Istruktura Nobela
5. Uri Maikling Kwento
6. Tungkulin Iskrip ng Dulang Pampelikula
7. Kalikasan Maikling Kwento
B. Noli Me Tangere
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela
9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
- Liham-Paanyaya sa Isang Panauhing Tagapanayam
Ikalawang Markahan
A. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Batay sa Teoryang Imahismo Tula


Batay sa Teoryang Klasisismo Dula
Batay sa Teoryang Klasisismo Buod ng Nobela
Batay sa Teoryang Romantesismo Tula
Batay sa Teoryang Romantesismo Maikling Kwento
Batay sa Teoryang Humanismo Sanaysay
Batay sa Teoryang Esksistensyalismo Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
- Pagbubuo ng Bibliyograpi
9

Ikatlong Markahan
A. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Batay sa Teoryang Humanismo Tula


Batay sa Teoryang Formalismo Tula
Batay sa Teoryang Formalismo Maikling Kwento
Batay sa Teoryang Eksistensyalismo - Buod ng Nobela
Batay sa Teoryang Eksistensyalismo Dula
Batay sa Teoryang Naturalismo Maikling Kwento
Batay sa Teoryang Dekonstruksyon Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Isang Komposisyon
- Pagsulat ng Buod ng Isang Binasa
Ikaapat na Markahan
A. Pagbasa at Pagpapahalaga sa Akdang Pampantikan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Batay sa mga Arketayp Buod ng Nobela


Batay sa Bayograpikal na Basa Tula
Batay sa Sosyolohikal na Pananaw Dula
Batay sa Pagka-Feminismo Maikling Kwento
Batay sa saykolohikal na Basa Iskrip ng Pelikula
Batay sa Pagdedekonstrak Sanaysay
Batay sa Pagka-markismo Maiklign Kwento

B. Noli Me Tangere
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
- Pagsulat ng Isang Rebyu

10

Ikaapat na Taon
Unang Markahan
A. Pagbasa at Pagsusuri sa Mga Saling Akdang Rehyunal
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Maikling Kwentong Cebunao sa Pananaw Humanismo


Sanaysay Hiligaynon sa Pananaw Klasisismo
Sanaysay Muslim sa Pananaw Formalismo
Tulang Bikolano sa Pananaw Imahismo
Tulang Kapampangan sa Pananaw Romantesismo
Dulang Tagalog sa Pananaw Sosyolohikal
Maikling Kwentong Tagalog sa Pananaw Eksistensyalismo

B. El Filibusterismo
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
- Pagsulat ng Ibat Ibang Uri ng Liham-Pangangalakal
Ikalawang Markahan
A. Pagbasa at Pagsusuri sa mga Saling Akdang Asyano
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Sanaysay Indones sa pananaw Dekonstruksyon


Feminismo sa Kwentong Thai
Eksistensyalismo sa Kwentong Hapon
Romantesismo sa Dulang Hapon
Realismo sa Kwentong Singapore
Imahismo sa Kwentong Malay
Naturalismo sa Nobelang Combodian ( buod)

B. El Filibusterismo
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
- Pagsulat ng Isang Suring-Pelikula

11

Ikatlong Markahan
A. Pagbasa at Pagsusuri sa Mga Saling Nobelang Asyano
( angkop na kabanata lamang)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Nobelang Thai sa Teoryang Realismo


Nobelang Hapon sa Teoryang Romantesismo
Nobelang Indones sa Teoryang Naturalismo
Nobelang Combodia sa Teoryang Eksistensyalismo
Nobelang Hapon sa Teoryang Feminismo
Nobelang Singapore sa Teoryang Humanismo
Nobelang Thai sa Teoryang Markismo

B. El Filibusterismo
8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuri sa pagkapanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10 Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
- Malikhaing Pagsasalin
Ikaapat na Markahan
A. Pagbasa at Pagsusuri sa Nobelang Tagalog
( Angkop na kabanata lamang )
1. Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco sa Pananaw
Realismo
2. Timawa ni Agustin Faabian sa Pananaw Eksistensyalismo
3. Pinaglahuan ni Faustino Aguilar sa Pananaw Naturalismo
4. Ang Tundo Man May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz sa
Pananaw Romantesismo
5. Titser ni Liwayway Arceo sa Pananaw Humanismo
6. Pusong Walang Pag-ibig ni Roman Reyes sa Pananaw
Sosyolohikal
7. Canal De La Reina ni Liwayweay Arceo sa Kamalayang Panlipunan
B. El Filibusterismo
8. Pagsusuring Pampanitikan Bilang Nobela
9. Pagsusuring pampanitikan Bilang Nobela
C. Aralin sa Pagsulat
10 Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon
12

- Pagsulat ng Tala Mula sa Natipong Tala

MGA
MUNGKAHING
PAMPAGTUTURO

ISTRATEHIYA

AT

KAGAMITANG

Sa pagtuturo/pagkatuto ng Filipino bilang isang sabjek pangwika na


magdedevelop sa kahusayan sa maunawang pagbasa at pagkilala sa mga tiyak
na istrukturang gramatikal, gagamitin ang istratehiyang Teaching Grammar
Through Texttypes (TGTT). Sa ganitong lapit ng pagtuturo, ang pagkatuto ng
tiyak na istrukturang gramatikal ng wika ay kasabay sa paglinang nang
maunawaang pagbasa. Ang pag-aaral ng tiyak na istruktura ng wika ay
hahanguin sa mga paksang pangnilalaman sa pagkakataong ito ang binigyan ng
focus ay ang Aralin Panlipunan.
Sa paggamit ng TGTT sa pag-aaral ng istrukturang gramatikal,
mahalagang mabigyan ng pansin ang mga sumusunod:
1. Paglalapit/paglalapat ng texto sa karanasan ng mga mag-aaral
2. Pagsusuring pangnilalaman na nagbibigay tuon sa paksa,
pangunahing kaisipan, mga pantulong na kaisipan, mga
opinyong lumutang, mga paniniwalang inihayag. Kinakailangan
ding makabuo ng pansariling paalagay ang mga mag-aaral
tungkol sa nilalaman ng texto.
3. Pagsusuri sa mga ispesifik na katangian ng texto tulad ng tono (
kilos o galaw, damdamin ), layon ( ano ang nais sabihin ),
paraan ng pagkakasulat ( pagbubuo ng salita, paggamit ng
parirala,
pagbubuo
ng
pangungusap,
pagsisimula,
pagpapalawak, pagwawakas, formalidad ng gamit ng salita ),
pananaw, relasyon ng sumulat sa texto, at relasyon ng sumulat
sa mambabasa
4. Pagkilala sa tiyak na uri ng texto ( ekspositori, narativ,
impormativ, deskriptiv, argumentativ, instruksyunal, referensyal,
at prosijural )
5. Pagsusuring Gramatikal ( pagkilala sa mga tiyak na istrukturang
gramatikal na ginamit upang maging mabisa ang pagkakabuo
ng texto) )
6. Evalwasyon.Eksposyur sa katulad pang texto
Sa pag-aaral naman ng panitikan, ang pagtalakay ay magsisimula sa
paglalapit ng akda sa mga tiyak na karanasan ng mga mag-aaral, susundan ng
pagsusuring linggwistika , susundan ng pagsusuring pangnilalaman, pagsusuring
pampanitikan, paglikha at pagpapahalaga.
Sa paglalapit sa akda sa maga mag-aaral, iuugnay ito sa mga dati ng
kaalaman at mga tiyak na karanasan.

13

Susundan naman ito ng pagsusuring panglinggwistika na kung saan ang


pagsusuri ay ibabatay sa mga tiyak na elementong ponemiko tulad ng
sukat/tugma, pag-uulit ng mga salita, pantig, letra , onomatopea. Sa bahagi ring
ito masusuri ang akda batay sa mga ibig sabihin ng salita ( pamimili ng salita,
pahiwatig, kapangyarihan ng salita, pag-aagawan ng kahulugan ng salita,
etimoloji ng salita ). Sa bahagi ring ito maaaring suriin ang akda batay sa
pagkakabuo ng mga pangungusap ( haba,ikli, pag-uulit, pagbabagu-bago ).
Sa pagtalakay naman ng akda sa aspektong pagsusuring pangnilalaman,
susuriin ang akda batay sa mga nais sabihin nito, sa mga tiyak na tradisyunal na
elemento,pagtukoy sa bisa ng akda sa lipunan ( kamalayang panlipunan).
Sa pagsusuring pampanitikan, ang akda ay susuriin batay sa mga tiyak na
teorya, pamanatayan sa pamumuna, katawagang pampanitikan at ugnayan at
pagkakaayos ng mga tiyak na elemento ng akda.
Sa paglikha, ang mga mag-aaral ay aakaying makalikha ng mga tiyan na
genre ng panitikan samantalang sa pagpapahalaga, ang mga mag-aaral naman
ay aakaying mapagsuri ng kanilang sariling gawa at ng gawa ng iba batay sa
mga natutuhang pamantayan.
Sa kabilang banda, ang pagkatuto ng malikhaing pagsulat ng isang
komposisyon ay gagawing isang proseso. May mga tiyak na kasanayang
lilinangin sa bawat araw na ang layon ay makasulat sa huling araw ng pag-aaral.
Ang anumang naisulat ng mga mag-aaral ay ituturing na personal . Ang isinulat
ay daraan ng pagwawastong pansarili at pagwawasto ng iba at proseso ng
revisyon. Susundin ang proseso ng pagsulat, pagbabahaginan, pag-eedit,
revisyon at faynalisasyon. Tinatawag itong processed writing.
Lahat ng mga inaprubahang teksbuk ng departamento ang siyang
magiging pangunahing kagamitan/babasahing gagamitin. Ang mga guro ay
malayang gumamit ng anumang versyon ng ibat ibang suplementong aklat tulad
ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo bastat
ito ay aangkop sa kahingian ng pagkatuturo at pagkatuto. Sa mga akdang
pampanitikan, mananatiling batay ang inaprubahang Kanon ng Panitikang
Pilipino na ipamamahagi ng BSE sa bawat dibisyon.

BATAYAN NG PAGMAMARKA
Naririto ang gabay sa pagmamarka sa Filipino bilang isang sabjek at larangan
ng pagkatuto.
MarkahangPagsusulit..
Interaksyong Pangklase
Pagtataya sa mga Nagawa..
- Pagsasatao
- Panggagagad
14

25%
25%
25%

- Pagkikipagtalo
- Pangangatwiran
- Dagliang Pagtatalumpati
- Pag-uulat
-Pangkatang talakayan
Pagsulat ng Komposisyon..
- Nilalaman
- Pamamaraan
Lingguhang Awtput na Pasulat.

10%

15%
100%

15

MGA PANLAHAT AT TIYAK NA KASANAYANG


PAMPAGKATUTO
UNANG TAON
Sa pagtatapos ng bawat markahan, inaasahang malilinang sa bawat magaaral ang mga sumusunod na mga panlahat at tiyak na kasanayang
pampagkatuto:

UNANG MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Napauunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,
pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga diskursong napakinggan.
1.1 Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig
( listening comprehension)
1.1.1 Nabibigyang-halaga ang mga pananalitang narinig batay sa
paraan ng pagpapahayag
1.1.2 Nakikilala ang kaisipang narinig batay sa :
- dami o lawak
- tiyak o di-tiyak
- lokasyon o direksyon
- sanhi o bunga
1.1.3 Natutukoy sa napakinggang diskurso ang mga pahayag na:
- nagpapakilala ng ideya
- nagpapatibay sa ideya
- naglilipat nito sa bagong ideya
- nagwawakas ng isang ideya
1.1.4 Nabibigyang-diin ang mahahalagang punto sa tekstong narinig
1.1.5 Natutukoy ang pagsisimula ang isang usapan sa pamamagitan
ng tuwiran at di-tuwirang pahayag
1.1.6 Natutukoy ang daloy ng pagpapahayag sa diskursong
napakinggan tulad ng kung papaano:
- sumasagot
- nagpapatuloy
- nagpapalutang ng ideya
- nakalalahok sa usapan
1.1.7 Naisasagawa ang isang mabisang pagtatapos sa isang diskurso tulad
ng:
- pag-alis sa isang usapan
- paglalagom sa paksang napag-usapan

16

PAGSASALITA
1. Natatamo ang mga kaalamang pambalarila na makatutulong sa
malinaw at mabisang pakikipagkomunikasyon
1.1 Nagagamit nang wasto ang mga salitang hiram batay sa binagong
alfabeto
1.2 Nakikilala ang uri at gamit sa pagpapahayag ng mga:
- ponemang segmental
- ponemang supra-segmental
1.3 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salitang may diptonggo
at klaster
1.4 Natutukoy at nagagamit nang angkop ang mga pares-minimal
1.5 Nabubuo ang ibat ibang salita batay sa punong salita sa
pamamagitan ng:
- paglalapi
- pag-uulit
- pagtatambal
1.6 Nakikilala at nakabubuo ng ibat ibang uri ng pangungusap batay sa
layon
- naglalarawan
- nagsasalaysay
- naglalahad
- nangangatwiran
1.7 Nakabubuo ng mga pangungusap batay sa tiyak na balangkas
- payak
- tambalan
- hugnayan
- langkapan
2. Naipapakita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang
komunikasyon
2.1 Natutukoy ang punto ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pahayag
2.2 Naipaliliwanag ang katwiran sa pagsalungat o pagsang-ayon sa isang
ideya
2.3 Nakabubuo ng mga tiyak na paninindigan kaugnay sa nabasa o
narinig
PAGBASA
1. Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa
kayarian, kahulugan at kaangkupan ng mga salita sa kontekstong
pinaggagamitan
1.1 Napipili ang mga salitang angkop sa tiyak na sitwasyon
17

1.2 Nasasabi ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito


sa pangungusap
1.3 Napipili ang mga salitang ang kahulugan ay ipinahihiwatig ng tunog
nito ( onomatopea)
2. Nalilinang ang pag-unawa sa tekstong binasa
2.1 Nabibigyang-kahulugan ang magkakaugnay na pahayag upang
maibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
2.2 Natutukoy ang kahulugan ng pamagat at nakapagbibigay ng isang
alternativ
2.3 Nabubuod ang tekstong binasa batay sa mga pangunahin at
pantulong na kaisipan
2.4 Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa
tekstong binasa
3. Nagagamit
ang
dating
kaalaman
sa
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa teksto

pag-unawa

at

3.1 Napagtutulad at napag-iiba ang mga kaisipang nakapaloob sa


tekstong binasa
3.2 Naiuugnay ang mga kaisipan sa tekstong binasa sa mga
pansariling karanasang
- aktwal na narasanan
- nasaksihan
- narinig/nabasa
4. Napauunlad ang kasanayan sa pagsusuri at pagbibigay-halaga sa
tekstong binasa
4.1 Natutukoy ang tiyak na uri ng teksto
- desktiptiv
- narativ
- ekspositori
- argumentativ
- informativ
- instruksyunal
4.2 Natutukoy ang tono ng teksto
4.3 Nabibigyang-reaksyon ang layon ng teksto
PAGSULAT
1. Naipakikita ang kakayahang pumili ng pamamaraan at batayang
panretorika upang pasulat na maipahayag ang sariling damdamin,
opinion, ideya at saloobin

18

1.1 Nababaybay nang wasto ang mga salita batay sa binagong alfabeto
1.2 Nagagamit nang wasto ang ibat ibang sangkap sa pagsulat
1.3 Nakabubuo ang wastong balangkas
2. Naipapakita ang pagiging malikhain sa pagsulat
2.1 Nakasusulat ng talambuhay bilang isang pasulat na komunikasyon
2.2 Nababatid ang mga katangiang dapat taglayin ng isang masining na
talambuhay
2.3 Nakikilala ang mga tiyak na katangian ng dalawang uri ng talambuhay
- pansarili
- talambuhay ng ibang tao

IKALAWANG MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawaang pakikinig sa ibat
ibang diskurso na ang layon ay makaunawa, makakuha at makapagayos ng mga impormasyon
1.1 Natutukoy ang mga ideya sa mga detalyeng nasa tekstong narinig
1.2 Natutukoy ang angkop na punto sa isang teksto na may:
- koordinasyon ng magkakaugnay na impormasyon
- maayos
na
pagkakasunud-sunod
ng
mga
nagsasalungatang ideya
1.3 Nabubuood ang teksto batay sa mga mahahalagang punto
1.4 Napaiikli ang diskursong napakinggan sa:
- pagbabawas ng paulit-ulit na impormasyon
- pagbabawas ng mga walang kaugnayang impormasyon
1.5 Naisasaayos ang mga narinig na impormasyon sa pamamagitan ng
retorikal na tungkulin tulad ng:
- definisyon
- klasifikasyon
- deskripsyon ng proseso
1.6 Naisasagawa ang pagtatala ng narinig na impormasyon
- sa parehong istilo ( paraphrasing)
- sa naiibang istilo

PAGSASALITA
1. Natatamo ang kaalamang pambalarila na makatutulong sa mabisa at
mahusay na pakikipagtalastasan
1.1 Natutukoy at nagagamit nang wasto sa pagpapahayag ang mga
saltang nagpapahayag ng:
19

1.2

1.3

1.4

1.5
1.6

- dami o lawak
- tiyak o di-tiyak
- lokasyon o direksyon
Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salita/pahayag na
nagpapahiwatig ng:
- simbolo
- imahe
- pahiwatig
Natutukoy ang mga keywords na nagpapakilala ng:
- paksa
- isang proposisyon
- positiv na pahayag
- negativ na pahayag
Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapahayag ng:
- damdamin
- ideya
- kaisipan
- mensahe
Nakabubuo ng mga pahayag mula sa dalawa at higit pang ideya
Naisasagawa ng mayaman at malikhaing paglinang ng talasalitaan

2. Naipapakita ang kahusayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon
2.1 Nakabubuo ng definisyon ng mga salita at konsepto
2.2 Nakabubuo ng mga angkop na tanong bilang paglilinaw sa mga
mensaheng ibinibigay/tinatanggap
2.3 Naisasalaysay nang buong linaw ang mga kaalamang narinig/nabasa
2.4 Napipili ang angkop na ekspresyon/pananalita sa pagpapahayag ng
sariling puna

PAGBASA
1. Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa
kayarian, kahulugan at kaangkupan ng ga salita sa kontekstong
pinaggagamitan
1.1 Nakikilala ang mga salitang may bahagyang pagkakaiba kahit na ang
mga ito ay magkakatulad sa kahulugan
1.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga salita ayon sa:
- denotasyon
- konotasyon
1.3 Napag-uuri-uri ang mga salita ayon sa:
- mga salitang kaugnay sa pandama
- mga salitang kaugnay ng damdamin
- mga salitang may pagkakaugnayan
20

2. Nalilinang ang pag-unawa sa nilalaman ng tekstong binasa


2.1 Natutukoy at naipaliliwanag ang paksa ng teksto sa tulong ng:
- pamagat
- pangunahing kaisipan
- simula
- wakas
2.2 Napipili ang mga positiv na opinyon sa loob ng teksto
2.3 Natutukoy ang mga negativ na opinyon sa loob ng teksto
2.4 Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga opinyong inilahad sa
teksto
3. Nagagamit ang dating kaalaman sa pagpapakahulugan sa teksto
3.1 Nakapaghihinuha sa mga opinyong binanggit sa teksto
3.2 Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay-solusyon sa mga
suliranin
3.3 Naiuugnay ang pinakamalapit na pansariling karanasan sa mga
karanasang inilahad sa teksto
3.4 Nakabubuo ng katwiran sa :
- pagkamakatotohanan ng teksto
- pagkadi-makatotohanan ng teksto
4. Napauunlad ang kasanayan sa pagsusuri at pagbibigay-halaga sa
tekstong binasa
4.1 Nasusuri ang teksto batay sa tiyak na uri nito
4.2 Nasusuri ang tekstong binasa batay sa :
- istilo sa pagbubuo ng mga salita
- istilo sa pagbubuo ng mga pangungusap

PAGSULAT
1. Naipamamalas ang pagkamasining sa pasulat na paraan
1.1 Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng isang talata
1.2 Nabibigyang-halaga ang paggamit ng wastong bantas sa pagsulat
1.3 Naipakikita ang sariling istilo sa pagsulat
- sa pagsisimula
- sa pagpapalawak
- sa pagwawakas
2. Nalilinang ang pagkamalikhain sa pagsulat ng:
- ibat ibang uri ng liham

21

IKATLONG MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Naipamamalas ang kasanayan sa maunawang pakikinig kaugnay sa
pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at mabisang pagpapahayag ng
damdamin
1.1 Natutukoy ang angkop na hangganan ng mga salita ( word
boundaries) sa mga napakinggang pangungusap
1.2 Nakikilala ang mahahalagang salita (key words) na nagpapahayag
ng paksa at proposisyon
1.3 Natutukoy ang mga panandang ginamit sa napakinggang diskurso
2. Naisasagawa ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig sa ibat
iabng diskurso na may layuning transaksyunal ( binibigyang halaga
ang impormasyon)
2.1 Natutukoy sa diskursong napakinggan kung may sapat na kaalaman
ang nagsasalita
2.2 Natutukoy kung ang isang napakinggang proposisyon ay matibay o
hindi
2.3 Nasusuri ang level ng kahalagahan ng impormasyong narinig
2.4 Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang diskurso
- mahahalagang puntos
- paglilinaw sa paksa
- paglilnaw sa ideya

PAGSASALITA
1.

Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na magagamit sa


pagsasakatuparan efektiv na pakikipagtalastasan
1.1 Natutukoy ang mga bahagi ng panalita na ginagamit sa pagbubuo ng
paksa ng pangungusap
1.2 Nakikilala ang mga tiyak na bahagi ng panalita na ginagamit sa
pagbubuo ng panaguri ng pangungusap
1.3 Natutukoy at nakabubuo ng mga salita/pangungusap na:
- nagpapakilala ng ideya
- nagpapatibay ng isang ideya
1.4 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/pangungusap na:
- naglilipat ng isang ideya sa bagong ideya
- nagwawakas ng ideya
1.5 Natutukoy at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na:
- nagpapakilala ng pagkamakatotohanan ng ideya
- nagpapakilala ng pagiging opinyon lamang
1.6 Nakabubuo ng mga pamaksa at pantulong na pangungusap
22

1.7 Natutukoy at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakilala ng


paraan ng pagsasalaysay
2.

Naipakikita ang efektiv na paggamit ng Filipino sa pasalitang


komunikasyon
2.1 Naipahahayag ang mga panukala o proposisyon
2.2 Nabibigyang-reaksyon ang mga panukala o proposisyon
2.3 Naiwawasto nang maayos ang mga maling pananaw na narinig
2.4 Nakapagpapahayag ng positiv na pananaw sa mga bagay-bagay
2.5 Nakabubuo ng hinuha sa mga impormasyong narinig

PAGBASA
1 Napalalawak ang talasalitaan asa pamamagitan ng pagkilala sa
kahulugan, kayarian at sitwasyong pinaggagamitan ng mga salita
at idyom
1.1 Nakikilala ang mga salitang:
- magkasingkahulugan
- magkasalungat
- magkasingtunog ngunit magkaiba ang kahulugan
1.2 Natutukoy ang mga salitang may higit sa isang kahulugan
1.3 Nasasabi ang kahulugan gn matatalinghagang salita at mga idyom
2. Napapaunlad ang mga kasanayan asa pag-unawa sa mga ideya sa
tekstong binasa
2.1 Napipili ang mga mahahalagang detalye batay sa layon o nais sabihin
ng teksto
2.2 Nabibigyang-puna ang mga ideya/kaisipang nakapaloob sa teksto
2.3 Naipaliliwanag ang mga impormasyong ipinahahayag ng dayagram,
grap, tsart, semantic, map at mga kauri nito.
3. Napauunlad ang kakayahang magpakahulugan sa tekstong binasa
3.1 Naiuugnay ang paksa/kaisipang nakalahad sa teksto sa mga
pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon
3.2 Naibibigay ang wastong hinuha sa:
- pangyayari
- kaalaman
- pakay o motiv
- layon ng may-akda
4. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri at pagpapahalaga sa
tekstong binasa
23

4.1 Naibabahagi ang sariling pananaw sa katangian ng teksto ayon sa:


- kaangkupan sa lipunan
- pagkamakatotohanan
- pagkakapani-paniwala
- pagiging kasiya-siya

PAGSULAT
1. Naipakikita ang
komunikasyon

pagkamalikhain

at

masining

sa

pasulat

na

1.1 Nagagamit ang sariling istilo sa pagbubuo ng:


- magandang simula
- maayos na pagpapalawak
- makabuluhang wakas
1.2 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat batay sa:
- nilalaman
- sangkap
2. Nalilinang ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagsulat
anekdota
-

sariling anekdota
anekdota ng ibang tao

IKAAPAT NA MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Naipamamalas ang mga kasanayan sa maunawang pakikinig
kaugnay sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at mabisang
pagpapahayag ng damdamin
1.1 Naisasagawa ang angkop na pag-uulit ng mga pahayag na narinig
1.2 Naisasagawa ang pagtukoy sa ibang paraan ng diskursong
napakinggan
1.3 Natutukoy sa mga pahayag ang narinig ang :
- nagpapayo
- nagbababala
- nanghihikayat
- argumento
1.4 Natutukoy sa mga pahayag na narinig ang nagsasaaad ng
magandang intensyon ng nagsasalita

24

2. Naisasagawa ang mga kasanayan sa pakikinig sa ibat ibang


diskurso na may layuning transaksyunal.
2.1. Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa
iba pang anyo ( transkoding)
2.2 Nakabubuo ng ugnayan sa mga bahagi ng tekstong napakinggan sa
pamamagitan ng kayariang kohensyon
- anapora/katapora bilang pagpapatungkol
- paghahambing
- ellipsis
2.4 Naibibigay ang kahulugan ng konsepto ayon sa :
- dami o lawak
- tiyak o di-tiyak
- sanhi o bunga

- panahon
- kondisyon at kontrast
2.5 Natutukoy ang maaaring kalabasan ng pangyayaring narinig

PAGSASALITA
1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong tungo sa
efektiv na komunikasyon
1.1 Nakikilala ang mga salita/ pahayag na nagsasaad ng sanhi at bunga
1.2 Natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motivo
1.3 Nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng:
- kasiya-siyang palagay
- di-kasiya-siyang palagay
1.4 Natutukoy at nakagagamit ng mga pangungusap/pahayag na
nagpapakilala ng:
- pagkakatulad ng ideya
- pagsasalungatan ng ideya
1.5 Nakikilala ang ibat ibang pagbabagong morpoponemik na nagaganap
sa isang salita
1.6 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang ibat ibang modal ng Filipino
1.7 Nakikilala ang ibat ibang sangkap ng pangungusap at natutukoy ang
gamit ng bawat isa
- paksa
- panaguri
- pandiwa
- kumplemento ng pandiwa
- pokus ng pandiwa
2. Naipapakita ang efektiv na paggamit ng Filipino sa pasalitang
komunikasyon
25

2.1 Nagagamit ang angkop na pananalita sa panghihikayat


2.2 Nabibigyang-dahilan/ katwiran ang kilos ng kapwa
2.3 Nailalahad sa maayos na hakbang ang pagsasagawa ng isang
proseso
2.4 Naipagtatanggol, nasusuportahan, nakasasalungat sa isang
proposisyon, aksyon at panukala

PAGBASA
1. Napalalawak ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa
kahulugan, kayarian at sitwasyong pinaggagamitan ng mga salita at
idyom
1.1 Nakikilala ang ibat ibang pagpapangkat ng salita ayon sa punong
salita
1.2 Nakikilala ang salita ayon sa sitwasyong pinaggagamitan
1.3 Napipili ang mga salita sa pangungusap na nagbibigay- pahiwatig sa
kahulugan ng mahirap na salita
2. Napapaunlad ang mga kasanayan sa pag-unawa sa mga ideya sa
tekstong binasa
2.1 Nakikilala ang pangunahing puntos sa isang pahayag asa
pamamagitan ng:
- paraan ng paglalahad
- pangwakas na pagbibigay-diin
- paksang pangungusap sa mga pahayag na pabuod
- paksang pangungusap sa mga pahayag na pasaklaw
2.2 Napipili at nalalagom ang mga impormasyong nakapaloob sa binasa
ayon sa sariling pagpapakahulugan
2.3 Natutukoy ang mga detalye na tumutukoy / sumusuporta sa
pangunahing ideya
3. Napauunlad ang kakayahang magpakahulugan sa binasang teksto
3.1 Nabibigyang-impresyon ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng:
- pagpili ng lohikal na wakas
- pagbubuo ng sariling wakas
- pagbabago ng wakas
4. Nalilinang ang kasanayan sa pagsusuri at pagpapahalaga sa
tekstong binasa
4.1 Naihahambing ang mga kaisipang inilahad sa teksto sa:
- pamantayang pansarili
- pamantayang galling sa ibang tao
26

sinasabi ng ibang tekstong nabasa

PAGSULAT
1. Naipapakita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng sariling talaarawan
1.1 Nakabubuuo ng lohikal na pagsasalaysay ng mga tiyak na pangyayari
1.2 Nagagamit ang kaalaman sa pagbubuo ng talaarawan
- format
- nilalaman
- pamantayan sa pagsulat
- paraan

KOMPETENSING LILINANGIN SA PAGSUSURI NG IBONG DARNA


( May laang dalawang linggo sa bawat markahan )
UNANG MARKAHAN
1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian at
pamantayan
1.1 Nakapaglalahad ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan batay sa:
- paglalarawan ng tauhan
- paglalahad ng mga pangyayari
- paksang tinalakay
- kapaligirang binigyang-buhay
- mga paniniwalang inilahad
1.2 Nakapagsasagawa ng pag-aanalisang kritikal sa tulong ng mga tiyak
na bahaging nagpapakita ng:
- sanhi at bunga kaugnay ng mga pangyayari
- sanhi at bunga kaugnay ng kinahinatnan
- pagiging emosyunal ng tauhan
- nagpapakita ng pakay at motibo ng bawat tauhan
1.3 Nakabubuo ng mga patunay sa tulong ng mga tiyak na bahaging
nagpapakita ng:
- pag-uugali ng tao ( masama o mabuti)
- kinahinatnan ng mga tauhan
- pakikipagsapalaran ng mga tauhan

27

IKALAWANG MARKAHAN
1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian at
pamantayan
1.1 Nakapipili ng mga tiyak na bahagi na nagpapakita ng kasiya-siyang:
- tauhan
- sitwasyon
- pangyayari
- tagpuan
- usaapan
1.2 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng:
- magkakatulad na ideya
- magkasalungat na ideya
- magkatulad na opinyon
- magkasalungat na opinyon
- magkatulad na paniniwala
- magkasalungat na paniniwala
1.3 Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging
nagpapatunay ng:
- panlipunang pananaw
- pangkultural na pananaw
- panrelihiyong pananaw
1.4 Napahahalagahan ang akda batay sa mga inilalahad na:
- tradisyong katutubo
- tradisyong pambansa
- tradisyong pandaigdigan

IKATLONG MARKAHAN
1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa tiyak na katangian at
pamantayan
1.1 Nakapagbibigay ng pansariling paghuhusga sa akda batay sa:
- posibilidad ng mga pangyayari
- di-posibilidad ng mga pangyayari
1.2 Natutukoy ang ibat ibang pagpapahalagang Pilipinong lumutang sa
akda
1.3 Nakabubuo ng desisyon hinggil sa pagkamalapit sa realidad ng akda
1.4 Natutukoy at naiuugnay sa aktwal na pangyayari sa kasalukuyan ang
mga kamalayang panlipunang inilahad sa akda

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nasusuri ang akda batay sa ibat ibang pananaw pampanitikan.
28

1.2 Nabibigyang-pansin sa tulong ng mga tiyak na bahagi ang pagkaklasisismo ng akda


1.3 Napatutunayan sa tulong ng mga tiyak na bahagi ang pagkahumanistik ng akda
1.4 Nakabubuo ng mga tiyak na imahe sa tulong ng mga tiyak na bahagi
1.5 Nakabubuo ng pangangatwiran sa pagka-romantesis ng akda batay
na rin sa mga tiyak na bahagi nito
1.6 Nakapagpapatunay sa tulong ng mga tiyak na bahagi na ang akda ay
sumunod sa pananaw naturalistik sa panitikan

29

IKALAWANG TAON
Inaasahan na sa pagtatapos ng bawat markahan, malilinang sa mga mag-aaral
ang mga sumusunod na kompetensi

UNANG MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Naisasagawa ang proseso ng pakikinig na bottom-up ( ginagamit ang
mga narinig na input leksikal at gramatikal bilang hanguan ng mga
impormasyon tungkol sa kahulugan ng mensahe )
1.1 Nakikilala ang ayos ng pangungusap na nagpapaiba sa istilo ng
pagpapahayag
1.2 Nakikilala ang mga sequence marker ( pananda ng pagkakasunudsunod)
1.3 Nakikilala ang mga salita/pahayag na familyar at di-familyar
1.4 Natutukoy ang mga positiv at negativ na pahayag
1.5 Nakikilala ang mga makahulugang pagkakasunud-sunod ng mga
pangungusap sa pagbuo ng diskurso
2. Naisasagawa ang pakikinig na may magamit ang wika sa
komunikasyong sosyal ( interaksyunal)
2.1 Nakikilala ang mga angkop na pahayag na nararapat gamitin sa
pagsasagawa ng komunikasyong interaksyunal
2.2 Nasasabi kung ang pakikipagtalastasan ay angkop sa tiyak na
sitwasyon
2.3 Nakikilala ang layon o intensyon ng nagsasalita
2.4 Natutukoy sa napakinggang pahayag ang kontradiksyon, di-sapat na
impormasyon at iba pang pagpapakahulugan ng nagsasalita
3. Naisasagawa ang proseso maunawang pakikinig na transaksyunal
( pagkuha ng impormasyon o mensahe)
3.1 Natutukoy ang mga tiyak na detalye sa isang diskurso
3.2 Nakukuha ang batayang impormasyon sa diskursong napakinggan
3.3 Natutukoy ang pangunahing ideya sa diskursong narinig
3.4 Nakikilala o naisasagawa ang layon o intensyon sa isang diskurso:
- pakikiusap
- pagpapayo
- pag-uutos
- pagsunod sa ipinagagawa

30

PAGSASALITA
1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong sa
pagtatamo ng efektiv na pasalitang komunikasyon
1.1 Nakikilala ang salita/ pangungusap ayon sa formalidad ng
pagkakagamit
1.2 Nakabubuo ng salita ayon sa tindi ng pagpapahayag
1.3 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga cohesive devices na:
- anaphora
- katapora
1.4 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang ibat ibang panandang
diskurso
1.5 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga panandang kohesyong
gramatikal
1.6 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga panandang leksikal at
sintaktik
1.7 Natutukoy ang mga pamuring na ginagamit sa modifikasyon ng
pangungusap
2. Naipapamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino tungo sa
efektiv na pasalitang komunikasyon
2.1 Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan at pag-aatubili
2.2 Nasasabi nang maayos ang pagsang-ayon o di-pagsang-ayon sa mga
pangangatwirang narinig o nabasa
2.3 Nakapagbibigay ng mga panuto sa pagsasagawa ng isang bagay
nang buong linaw
2.4 Nakapagpapahayag nang buong linaw ng mga tagubilin
2.5 Nakukuha ang kailangang impormasyon sa pamamagitan ng
pasalitang sarvey

PAGBASA
1. Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa
kahulugan ng salita o idyom
1.1 Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagtataglay ng
di-lantad na kahulugan
1.2 natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ang kahulugan
ay nakapaloob sa pagitan ng mga salita
1.3 Nabibigyang-kahulugan ang mga piling parirala/pahayag batay sa
konteksto ngpagkakagamit nito
1.4 Nabibigyang-hinuha ang kahulugang maaaring ipinahihiwatig ng
pamagat
2. Nalilinang ang kakayahang umunawa sa teksto
31

2.1 Natutukoy kung ang teksto ay :


- isang desktiptiv
- isang narativ
- isang ekspositori
- isang informative
- isang argumentativ
2.2 Natutukoy at nailalarawan sa imaheng viswal ang mga kaisipan o
ideyang nakapaloob sa teksto
2.3 Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto
2.4 Nakikilala ang tono ng tekstong binasa sa tulong ng mga tiyak na
bahagi
3. Napauunlad ang kahusayang magpakahulugan sa nabasang teksto
3.1 Naibibigay ang reaksyon sa nabasa batay sa datihan ng mga
kaalaman tungkol dito
3.2 Naibibigay ang pangkalahatang impresyon sa tekstong binasa
- paksa
- tema
- tono
- layon
- paraan ng paggamit ng mga salita

PAGSULAT
1. Naipakikita ang mayamang imahinasyon sa pagsulat ng isang tiyak
na uri ng paglalahad
1.1 Naisusulat ang wastong pag-uugnayan ng mga salita, parirala, sugnay
at pangungusap
1.2 Napag-uugnay-ugnay sa isang maaayos na pagkakasunud-sunod ng
mga makabuluhang pangungusap sa pagbubuo ng talataan sa isang
balita.
1.3 Nakapagsusuri ng mga tiyak na halimbawa ng balita at nakabubuo ng
pasulat na reaksyon
2. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang balita
2.1 Nagagamit ang mga tiyak na pamantayan sa pagsulat ng balita
2.2 Nakasusulat batay sa tiyak na uri
2.3 Nakasusulat ng isang balita batay sa isang orihinal na balita

32

IKALAWANG MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Napauunlad ang kahusayan sa/ at naisasagawa ang proseso ng
pakikinig mula sa mensaheng narinig at mga datihan ng alam na
impormasyon ( top-down process )
1.1 Natutukoy ang layon at saklaw ng narinig
1.2 Nakukuha ang mahahalagang detalye sa narinig
1.3 Nahihinuha ang pamaksang-diwa ang diskursong narinig
1.4 Natutukoy ang kalalabasan ng mga pangyayari sa narinig na usapan
1.5 Nahihinuha ang sanhi at bunga ng napakinggan
1.6 Nahihinuha ang kahalagahan ng isang panukala
2. Naisasagawa ang proseso ng maunawaang pakikinig na may
layuning interaksyunal
2.1 Natutukoy ang mga panawag-hudyat na ginagamit ng nagsasalita
upang:
- magpatuloy
- huminto nang bahagya
- tumigil at magwakas
2.2 Natutukoy ang layon at intensyong ipinahahayag ng nagsasalita
2.3 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita
tungkol sa paksang tinatalakay

PAGSASALITA
1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na makatutulong upang
maisagawa ang efektiv na pasalitang komunikasyon
1.1 Natutukoy ang mga pahayag/pangungusap na nagpapakilala ng
pahiwatig
1.2 Nakikilala ang mga pahayag na ang layon ay interaksyunal
1.3 Natutukoy at nagagamit nang wasto ang mga salitang nagpapahiwatig
na paghihinuha
1.4 Napipili at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng:
- pagpapaliwanag
- pangangatwiran
1.5 Napipili at nakabubuo ng mga salita o lipon ng mga salita na
nagpapakilala ng:
- pagpapaliwanag
- pangangatwiran
1.6 Napipili ang mga pangungusap/pahayag na tumutukoy sa pagbibigaykahulugan at pag-iisa-isa
33

1.7 Natutukoy ang mga salita na ginagamit sa pagkuha ng mga


impormasyon
2. Naipamamalas ang kasanayan sa efektiv na paggamit ng Filipino sa
pasalitang komunikasyon
2.1 Naipaliliwanag nang maayos ang damdamin tungkol sa paksang
pinag-usapan
2.2 Nailalahad nang buong husay ang mga tiyak na ideya at konseptong
narinig/nabasa
2.3 Nailalahad nang maayos ang pansariling pangangatwiran, dahilan at
saloobin
2.4 Nagagamit nang wasto ang angkop na istratehiya sa:
- pagbubukas ng isang usapan
- pagsasaaayos ng kahinaan sa pagsasalita
- pagpapanatili ng usapan
- pagtatapos ng usapan

PAGBASA
1. Napauunlad ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagkilala sa
kahulugang taglay ng salita
1.1 Naipaliliwanag ang kahulugan ng matatalinghagang salita at mga
idyom
1.2 Nakalilikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at
pinagsama
1.3 Natutukoy ang kahulugan ng salita:
- magkasingkahulugan
- magkasalungat na kahulugan
- magkahawig na kahulugan
2. Nalilinang ang kakayahang umunawa sa tekstong binasa batay sa
mga tiyak na katangian
2.1 Napapangkat ang mga magkakatulad na ideya at kaisipan
2.2 Napagsasama-sama ang mga magkakasalangutang ideya at
kaisipang nakapaloob sa binasa
2.3 Napapangkat ang mga ideya upang makabuo ng isang mabuting
balangkas ng binasa
2.4 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa
binasa
3. Napauunlad ang kahusayang magpakahulugan sa binasa
3.1 Nakabubuo ng hinuha batay sa:
- mga pangyayari
34

- dating kaalamang kaugnay sa binasa


3.2 Natutukoy ang posibleng layon ng may-akda sa paglalahad ng mga
kaaalaman
4. Nalilinang ang kasanayang maging mapanuri
ideya, kaalamang inilahad sa teksto

sa mga kaisipan,

4.1 Nakapaghahambing o nakapag-uuri-uri ng mga ideya o kaisipang


nakasaad sa binasa
4.2 Naiuugnay ang implikasyon ng akda sa mga tiyak na pangyayari sa :
- sarili
- sa kapaligiran
- sa ibang tao
4.3 Nasusuri ang teksto batay sa paraan ng pagkakasulat
- istilo sa pagbubuo ng salita
- istilo sa pagbubuo ng mga pangungusap

PAGSULAT
1. Natatamo ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa paraang
pasulat
1.1 Nagagamit nang wasto ang panuntunan sa pagbabaybay ng salita
batay sa binagong alfabeto
1.2 Nakasusulat ng sariling reaksyon at saloobin batay sa iasng tiyak na
paksa
1.3 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat
- format
- nilalaman
- kawastuang gramatikal
2. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang editorial
2.1 Nakikilala ang ibat ibang uri ng editorial
2.2 Nagagamit nang wasto ang mga tiyak na istrukturang gramatikal sa
paglalahad ng pansariling opinion
2.3 Nakakapag-iiba-iba ng uri ng editorial batay sa mga tiyak na katangian
nito

35

IKATLONG MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Napauunlad ang kasanayan sa at/ o naisasagawa ang proseso ng
pakikinig mula sa mensaheng narinig ( top-down process) at mga
datihan ng alam
1.1 Naibibigay ang pansariling damdamin o saloobin ng nagsasalita
1.2 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita
1.3 Nabubuo ang isang proposisyon mula sa impormasyong narinig
1.4 Nakapagbubuod sa tulong ng mga narinig na mahahalagang
kaalaman
2. Naisasagawa nang mahusay ang proseso ng pakikinig na may pagunawa mula sa taglay na leksikal at gramatikal na kakayahan sa
pagkuha ng mensahe ( bottom-up process)
2.1 Natutukoy ang kahulugan at gamit ng mga di-familyar na salita sa
pamamagitan ng:
- paglalapi
- paggamit ng hudyat na kontekstwal
2.2 Nakikilala ang ugnayan sa pangungusap sa pamamagitan ng:
- modifikasyon
- negasyon
- modal
3. Napauunlad ang kasanayan sa maunawang pakikinig na may
layuning transaksyunal
3.1 Natutukoy ang pangunahing punto at mahahalagang detalye sa
narinig
3.2 Nakukuha ang ibat ibang tala mula sa narinig sa pamamagitan ng:
- ugnayang pamaksa
- pagsasalin sa pagsipi
- pagsulat kung ano ang narinig
- ugnayang sunuran ( pagkakasunud-sunod o antasan)
- pagbibigay-diin o empasis
- revisyon, pagsisingit, pagbubura

PAGSASALITA
1. Natatamo ang kaalamang gramatikal na makatutulong tungo sa
efektiv na komunikasyon

36

1.1 Natutukoy at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapakilala sa


aktwal na intensyon
1.2 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga salita/ pangungusap na
nagpapakilala ng paghahatid ng mensahe
1.3 Napipili ang mga salita/ pangungusap na nagpapakilala ng
paglalagom
1.4 Natutukoy ang mga pangungusap/ pahayag na nagpapakilala ng
pagbibigay proposisyon
1.5 Napipili ang mga salita/ pangungusap na kaugnay ng iba pang
salita/pangungusap na nakapaloob sa isang pahayag
1.6 Nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nabuo mula sa isa
o higit pang pangungusap
1.7 Natutukoy at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng
argumento
2. Naipamamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino sa pasalitang
komunikasyon
2.1 Natutukoy ang aktwal na intensyon/layon ng nagsasalita batay sa tono
ng pagsasalita
2.2 Naipapahayag ang damdamin at nais na mensahe sa pamamagitan
ng hulwarang intonasyon
2.3 Nabubuo ang pagpapasya ayon sa mga patunay at katwirang inilahad
2.4 Nailalahad ang mga patunay na makaiimpluwensya sa pagbubuo ng
desisyon
2.5 Naisasagawa ang paglilinaw bago bumuo ng desisyon

PAGBASA
1. Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng ibat ibang paraan ng
pagbibigay-kahulugan sa salita
1.1 Naisasama ang isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng
ibang kahulugan ( collocation)
1.2 Nakikilala ang pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng
kahulugang ipinapahayag ( clining )
1.3 Naisasagawa
ang
ibat
ibang
paraang
ginagamit
sa
pagpapakahulugan sa salita tulad ng:
- pag-uugnay sa sariling karanasan
- ayon sa sitwasyong pinaggagamitan
- sa pamamagitan ng pahiwatig na tono
2. Napauunlad ang kakayahang mging mapanuri sa tekstong binasa
1.1 Nakikilala ang mga panadang diskurso ( discourse marker) na
nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng teksto:
- panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod
37

panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng


diskurso
- panandang naghuhudyat sa pananaw na ginamit ng
may-akda
1.2 Natutukoy ang ginamit na paraan sa pagbubuo ng talata
- istilo sa panimula
- istilo sa pagpapalawak
- istilo sa pagwawakas
1.3 Nasusuri ang paraan ng pagkakagamit ng salita ayon sa:
- pagiging formal
- pagiging do-formal
1.4 Naipaliliwanag ang ibat ibang pakahulugang napapaloob sa teksto:
- konseptwal
- proposisyonal
- kontekstwal
- pragmatic
-

PAGSULAT
1. Natatamo ang mga kasanayan sa efektivong paggamit ng Filipino sa
pasulat na komunikasyon
1.1 Naipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng magkakaugnay na
kaisipan
1.2 Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na
komunikasyon:
- wastong baybay
- wastong bantas
- wastong istruktura
- kawastuang gramatika;
1.3 Nakabubuo ng maayos na balangkas
2. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pasulat na komunikasyon
1.1 Nakasusulat ng isang kathambuhay batay sa mga tiyak na katangian
nito
- batay sa tiyak na format
- batay sa kawastuang pangnilalaman

38

IKAAPAT NA MARKAHAN
PAKIKINIG
1. Naisasagawa ang mahusay na proseso ng maunawaang pakikinig
mula sa taglay na leksikal at gramatikal na kakayahan sa pagkuha ng
mensahe
( bottom-up process)
1.1 Natutukoy ang ugnayan ng mga bahagi ng teksto sa pamamagitan ng
mga panandang kohesyong leksikal:
- pag-uulit
- kasingkahulugan
- antitesis
- aposisyon
1.2 Natutukoy ang ugnayan sa mga bahagi ng teksto sa pamamagitan ng
mga panandang kohesyong gramatikal:
- pagpapatungkol ( anapora/katapora)
- hambingan
- pagpapalit
- ellipsis
- pag-uugnay
2. Napauunlad ang kasanayan sa maunawaang pakikinig tungo sa
komunikasyong transaksyunal
2.1 Nakukuha ang mahahalagang punto sa napakinggan upang magamit
sa pagbubuod
2.2 Naisasaayos ang mga impormasyong napakinggan batay sa antas
nito
2.3 Naililipat sa isang dayagrama ng mga impormasyong napakinggan
2.4 Nabibigyang-kahulugan ang napakinggan sa pamamagitan ng
paglilipat nito sa grap
2.5 Nabubuo ang grid- pang-impormasyon kaugnay ng tekstong
napakinggan

PAGSASALITA
1. Natatamo ang mga kaalamang gramatikal na magagamit sa efektiv na
pasalitang komunikasyon
1.1 Natutukoy ang mga salita/ pangungusap na naghuhudyat ng opinion
1.2 Napipili at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na nagpapakilala
ng alternativ na solusyon
1.3 Nakikilala at nakabubuo ng mga salita/ pangungusap na
nagpapahayag ng implikasyon
39

1.4 Natutukoy at nakabubuo ng mga salita/pangungusap


nagpapahayag ng pagkakatulad ng ideya
1.5 Nakikilala at nakabubuo ng mga salita/pangungusap
nagpapahayag ng pagsasalungatan ng ideya
1.6 Natutukoy at nakagagamit nang wasto ng mga pangungusap na:
-nagpapahayag ng patanggi
- nagpapahayag ng pagtanggap
1.7 Nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na:
- pabuod
- pasaklaw

na
na

2. Naipakikita ang kasanayan sa paggamit ng Filipino tungo sa efektiv


na pasalitang komunikasyon
2.1 Naipaliliwanag ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa ng isang gawain
2.2 Naihahatid ang mensahe sa tuwiran at di-tuwirang paraan
2.3 Naipahahayag nang maayosa ng matinding reaksyon sa mga bagay
na di nagugustuhan
2.4 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinion at saloobin
2.5 Nakabubuo ng mga:
- pasubali
- proposisyon

PAGBASA
1. Napalalawak ang talasalitaan sa tulong ng ibat ibang paraan ng
pagbibigay-kahulugan sa salita
1.1 Nabubuo ang bagong salita mula sa ibinigay na salitang-ugat sa
pamamagitan gn paglalapi, pag-uulit at pagtatambal batay sa
kahulugang nakasaad
1.2 Napapangkat ang mga salita ayon sa formalidad ng pagkakagamit
1.3 Nakikilala ang mga salitang kaugnay ng isang salita o paksang ideya
2. Napauunlad ang kakayahang maging mapanuri sa tekstong binasa
2.1 Natutukoy ang mga gamit na pang-ugnay ( cohesive devices) sa pagunawa sa binasa:
- anaphora
- katapora
2.2 Napipili ang mga salita sa teksto na:
- iisa ang kahulugan
- maraming kahulugan
- magkasalungat ang kahulugan
2.3 Nasusuri ang paraan ng pagkakasulat ng teksto batay sa:
- kinakausap at nagsasalita
40

2.4
2.5
2.6
2.7

- relasyon ng teksto at sa sumulat


- relasyon ng teksto sa mambabasa
Naibibigay ang opinion sa dapat na maging wakas ng teksto
Naipahahayag ang katwiran sa napiling opsyon sa mga alternativ na
solusyon sa suliraning inilahad sa teksto
Napipili ang mga bahagi ng tekstong may tuwirang kaugnayan sa
realidad
Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto:
- batay sa paksa
- batay sa layon
- batay sa tono
- batay sa pananaw
- batay sa paraan ng pagkakasulat
- pagbubuo ng salita
- pagbubuo ng pangungusap
- pagtatalata

PAGSULAT
1. Naipamamalas ang kahusayan sa paggamit ng Filipino pasulat na
komunikasyon
1.1 Nakapag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang impormasyon sa
pagbubuo ng talata
1.2 Nagagamit ang kaalamang gramatikal tungo sa wastong pagsulat
1.3 Napahahalagahan nang wasto ang ibat ibang sangkap sa efektiv na
pagsulat tulad ng:
- kaisahan
- kapayakan
- kawastuan ng kontent
- kawastuang gramatikal
1.4 Naipapahayag ang pansariling opinion, damdamin, saloobin sa
pasulat na paraan
1.5 Nabibigyang-halaga ang kaayusang teknikal sa pagsulat tulad ng:
- pagpapahalaga sa tamang bantas
- pagpapahalaga sa tamang istruktura
- pagpapahalaga sa maayos na pagsulat
- pagpapahalaga sa wastong baybay
2. Naipamamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng isang salaysay
2.1
2.2
2.3
2.4

Nakapipili ng isang napapanahong paksa


Nakabubuo ng maayos na pagbabalangkas
Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon
Nakapagpapangkat-pangkat ng mga magkakaugnay na ideya at
impormasyon
41

2.5 Nabibigyang-halaga ang pagbubuo ng isang kaakit-akit


pagsisimula
2.6 Nakabubuo ng isang di-inaasahang pagwawakas
2.7 Naipamamalas ang kahusayan sa pagpapalawak ng kaisipan

na

HANAY NG MGA KOMPETENSING LILINANGIN SA PAGSUSURI NG


FLORANTE AT LAURA( may laang dalawang lingo bawat markahan)

UNANG MARKAHAN
1. Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian nito
1.1 Nasusuri ang akda batay sa pagkakabuo nito.
- pagsunod sa bahagi bilang awit
- pagsunod sa banghay ng isang awit
- pagsunod sa istruktura ng awit
1.2 Nakapagpapahayag ng pansariling pananaw tungkol sa pagkakabuo
ng akda alinsunod sa tatlong bahagi ng isang awit
1.3 Nakapagbabahagi sa klase ng pagsang-ayon at pagsalungat sa mga
ideyang may kinalaman sa mga bahagi ng awit bilang akdang
pampanitikan
1.4 Nasusuri ang banghay batay sa:
- kaugnayan sa sariling karanasan
- mga suliranin at solusyon
- sariling paglalagom
- sariling interpretasyon

IKALAWANG MARKAHAN
1. Napahahalagahan ang akdang pampanitikan batay sa mga dati ng
kaalaman
1.1 Nasusuri ang mga tiyak na kabanata sa pamamagitan ng:
- pagbibigay ng opinion sa mga pangyayaring inilahad
- pag-uugnay sa mga pangyayari sa aktwal na karanasan
- pag-uugnay sa mga pangyayari sa mga karanasan ng
iba
- pagbibigay solusyon sa mga suliraning inilahad
- pag-uugnay ng suliranin sa aktwal na suliranin
1.2 Nakabubuo ng lagom ng kabanatang binasa sa tulong ng mga
kaugnay na karanasan
1.3 Naiuugnay ang akda sa mga tiyak na karanasan ng sumulat
42

IKATLONG MARKAHAN
1. Napahahalagahan ang akda batay sa mga tiyak na detalye
1.1 Nakabubuo ng pansariling konklusyon sa kabisaan ng ginawang
wakas
1.2 Naibibigay ang mga punong kaisipan sa bawat kabanata sa tulong ng
pamagat
1.3 Nakapag-uuri-uri ng mga ideya/kaisipang inilahad sa akda
- panlipunan
- pampamilya
- pampamahalaan
- pansimbahan
1.4 napahahalagah ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ng mayakda
- dayalog
- monolog
- tuwirang pagsasalaysay

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng ibat ibang pananaw
pampanitikan
1.1 Naihahanay ang mga tiyk na pangyayari sa akda sa mga aktwal na
pangyayari sa kasaysayan ng bansa
1.2 Natutukoy ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda
1.3 Nasusuri ang akda sa romantesismong pagtingin
1.4 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa pananaw klasisismo
1.5 Nasusuri ang pagka-naturalistik ng akda
1.6 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na nagpapatunay ng
humanistikong karakter ng akda
1.7 Nakabubuo ng mga matulaing imahe batay sa mga tiyak na bahagi

43

IKATLONG TAON
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring
pagbasa/pag-unawa sa ibat ibang genre ng panitikan
1.1 Pagsusuring Panglingwistika
1.1.1 Nasusuri ang mga elementong ponemiko sa akda bilang
sangkap sa mabisang pagkakabuo
1.1.1.a Natutukoy ang istruktura ng sukat at tugma
1.1.1.b Nakikilala ang bisa ng pag-uulit-ulit ng mga salita,
pantig o
letra sa kabuuan at kasiningan ng akda
1.1.1.c Natutukoy ang mga salitang ipinakikilala ng tunog nito
1.1.1.d Nasasabi ang bisa ng ginawang pamimli ng salita sa
pagbubuo ng akda
1.1.1.e Natutukoy ang kahalagahan ng pagbibigay-tuon sa
kapangyarihan ng salita sa kasiningan ng akda
1.1.1.f
Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga
salitang may likas na pinagmulan ( etimoloji)
1.1.1.g
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig o
konotasyon
1.1.1.h
Nakikilala at naipaliliwanag ang mga bahaging
nagpapakita ng mga salitang nag-aagawan ng
kahulugan
1.1.1.i Naibibigay ang sariling puna hinggil sa pagkakabuo ng
mga pangungusap batay sa:
- ikli o haba
- pag-uulit
- pagbabagu-bago ng istilo
1.2 Pagsusuring Pangnilalaman
1.2.1 Nasusuri ang akda batay sa mga nais sabihin nito sa:
- sarili
- sa ibang tao
- sa isang indibividwal
- sa kalahatan
1.2.2 Nabibigyang-reaksyon ang pagkakabuo ng akda batay sa mga
kaisipan/ideya tungkol sa:
- tauhan
- pangyayari
- paksa
- tema
- pananaw
1.2.3 Nakapag-uugnay ng mga tiyak na karanasan sa akda sa:
- pansariling karanasan
44

- karanasan ng ibang tao na nabatid


- karanasan ng ibang tao na nasaksihan
1.2.4 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng
kahinaang aystetik
1.2.5 Napipili ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng
kalakasang aystetik nito.
1.2.6 Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda batay sa:
- kaisipang inilahad
- pangyayaring inisa-isa
- ideyang lumutang
- opinyong nangibabaw
- paniniwalang pinanindigan
- argumentong inilahad
- pagpapahalagang moral
- pagkamakatotohanan
- kalayuan sa realidad
1.3. Pagsusuring Pampanitikan
1.3.1 Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng
panitikan sa pagsusuri sa akda
- local na kasaysayan
- pambansang kasaysayan
- pandaigdigang kasaysayan
1.3.2 Nasusuri ang kabisaan ng akda batay sa:
- pagkakaugnay-ugnay
ng
ibat
ibang
elemento
- paraan ng pagkakalahad ( pananaw)
- tiyak na uri nito
- layon/ nais sabihin
- relasyon sa sumulat
- relasyon sa mambabasa
- implikasyon sa kamalayang panlipunan
- implikasyon sa kamalayan ng tao
1.3.3 Nailalapat ang ibat ibang pananaw alinsunod sa tiyak na
teoryang pampanitikan
1.3.3.A Nasusuri ang akda sa pagka-klasisismo nito
A1. Nabibigyang-halaga ang kaayusan ng banghay:
- pagsisimula
- pagpapalawak
- pagwawakas
A2. Natutukoy ang kaugnayan ng simula sa wakas ng
akda
A3. Nabibigyang-puna ang lohikal na paglalalahad ng
mga pangyayari
45

A4. Nasusuri ang pagka-marangal ng mga tauhan


batay sa:
- kilos
- pananalita
- paniniwala
- pagpapahatid ng kaisipan
A5. Naipapahayag ang bisang pandamdaming
natamo sa akda
A6. Natutukoy ang mga bagong kaalamang natutuhan
sa pagbasa ng akda ( bisang pangkaisipan)
A7. Naipaliliwanag ang kaugnayan ng pagiging
maayos sa kasiningan ng akda
1.3.3 B. Nailalapat ang mga kaalaman hango sa teoryang
romantesismo sa pagbasa/pag-unawa sa akda
B1. Nakabubuo ng patunay ng kawalan ng
istruktural na banghay:
- paggamit ng flashback
- paggamit ng daloy ng kamalayan
- pagwasak sa istruktura ng banghay
B.2 Napipili at nakapagbibigay ng patunay tungkol
sa mga bahaging nagpapakita ng:
- pagtakas sa katotohanan
- mga di-kapani-paniwalang pangyayari
- heroismo
- pantasya
B.3 Naiisa-isa ang mga damdaming nakapaloob
sa akda na :
- ipinahihiwatig ng salita
- ipinahihiwatig ng parirala
- ipinahihiwatig ng pangungusap
- ipinahihiwatig ng isang talata
1.3.3.C. Nabibigyang-halaga ang akda sa pagkahumanismo nito
C1. Naiisa-isa ang mga tiyak na bahagi na
nagbibigay- halaga sa kagalingan ng tao
C2. Natutukoy ang mga pahayag na patungkol sa :
- kagandahan ng pag-uugali ng tao
- kabutihan ng gawi ng tao
- kagandahang ginagawa ng isang tao
- magandang aral na napulot sa tao
- pagpaparangal sa isang tao
1.3.3.D. Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa imahismo
sa pagbasa sa akda
46

D.1 Nakabubuo ng mga tiyak na matulaing imahe


batay sa:
- isang salita
- isang taludtod
- isang saknong
- kabuuan ng akda
- pamagat ng akda
D.2 Natutukoy ang bisang pandamdamin at
pangkaisipang nakapaloob sa akda
D.3. Nakalilikha ng pasariling matulaing imahe batay
sa akda
1.3.3.E Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na
pamantayan ayon sa pananaw naturalismo sa
panitikan
E.1 Naiisa-isa ang mga bahagi ng akda na
nagpapakita ng pagiging emosyunal ng tao
E.2 Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya hinggil sa
efekto ng paggamit ng kapaligirang masukal,
marumi at kasuklam-suklam sa kasiningan ng
akda
E.3 Naiisa-isa ang mga bahaging nagpapakita ng
mga kasuklam-suklam na pangyayari
1.3.3.F Nailalapat ang kaalaman sa teoryang realismo sa
pagsusuri sa akda
F.1

Naiisa-isa ang mga katotohanang inilahad sa

akda
F.2 Napipili ang mga bahaging nagpapakita ng
pagkamakatotohanan ng:
- tauhan
- pangyayari
- tagpuan
- kapaligiran
- paksa at tema
F.3 Nabibigyang-reaksyon ang paraan ng
pagsasalaysay ng may-akda
F.4 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na
nagpapatunay ng pagkakaroon ng
transpormasyon ng tauhan batay sa:
- pisikal
o emosyon
o intelektwal
o ispiritwal
- saykolohikal
47

1.3.3.G. Nasusuri ang akda batay sa pananaw formalismo


G.1 Napahahalagahan ang akda batay sa tiyak na
elemento nito
G.2. Nabibigyang-kahulugan ang mga
matatalinghagang salitang inamit sa akda
G.3 Natutukoy ang bisa ng mga tayutay at idyom sa
kasiningan ng akda
1.3.3.H. Naisasagawa ang pagdedekonstrak sa akdang
binasa
H.1 Naiisa-isa ang mga nais sabihin ng akda
H.2 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa
mga dati ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng
tao
H.3 Nakabubuo ng pansariling kahihinatnan ng tauhan
sa akda
H.4 Nakabubuo ng pansariling pagwawakas
H.5Naiisa-isa/ naipaliliwanag ang mga kamalayang
panlipunang inilahad sa teksto
1.3.3.I. Nailalapat ang pananaw eksistensyalismo sa
pagsusuri sa akda
I.1 Nabibigyan ng reaksyon ang mga tauhan batay
sa:
- kalakasan ng paninindigan
- pagbubuo ng desisyon
- kapangyarihang pansarili
- pagtanggap sa kinahinatnan / kahihinatnan
- paniniwala sa sarili
I.2 Napipili ang mga bahagi ng akda na nagpapakita
ng pagiging makapangyarihan ng tao batay sa
kanyang:
- kilos
- gawi
- ugali
- paniniwala
- paninindigan
2. Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng ibat ibang genre
ng panitikan
2.1 Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa ibat ibang elemento sa
paglikha ng tula:
- may sukat at tugma
- malayang taludturan
48

2.2 Naisasagawa ang malikhaing pagsulat ng sanaysay batay sa tiyak na


uri nito
- formal
- di-formal
2.3 Nailalapat ang mga kaalaman sa uri ng maikling kwento sa pagsulat
ng isang tiyak na halimbawa
- makabanghay
- pangkatutubong-kulay
- pangkaisipan
- pangkapaligiran
- pantauhan
2.4 Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa kumbensyon ng dula sa
pagbubuo ng isang bahagi
- aside
- soliloquy
- monolog

PAGTUTURO NG KOMPOSISYON
UNANG MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng
isang liham-paanyaya para sa isang panauhing tagapanayam
1.1 Nagagamit nang wasto ang mga mahahalagang sangkap sa pagsulat
nang wastong liham-paanyaya sa isang panauhing tagapanayam
1.2 Nagagamit ang angkop na kaalamang gramatikal sa pagsulat
1.3 Nakapagbibigay-reaksyon sa mga piling halimbawa bilang gabay sa
pagsulat
1.4 Napahahalagahan ang paggamit ng mga salitang batay sa bagong
alfabeto
1.5 Nailalapat ang pansariling istilo sa pagsulat

IKALAWANG MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman sa pagbubuo ng bibliyograpi
1.1 Nakapagsusuri ng mga tiyak na halimbawa
1.2 Nagagamit ang kaalaman tungkol sa wastong format
1.3 Nakabubuo ng bibliyograpi batay sa kaayusan
1.4 Nakasusunod sa mga tiyak na modelo
1.5 Nakapaghahanay-hanaya ng mga mahahalagang at magkakaugnay
impormasyon

49

2. Nakasusulat ng tiyak na halimbawa batay sa mga tiyak na


pamantayan sa pagsulat:
- wastong baybay ng salita batay sa bagong alfabeto
- wastong bantas
- gamit ng malaki at maliit na letra
- kalinawan
- kaisahan

IKATLONG MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng
buod ng isang akdang binasa
1.1 Nakabubuo ng tamang balangkas
1.2 Napipili ang mga mahahalagang detalye at impormasyon
1.3 Nasusunod ang mahahalagang hakbang sa pagbubuod
1.4 Napupuna ang ilang mga tiyak na halimbawang modelo
1.5 Nakapaghahambing ng isinulat sa isang tiyak na modelo]
2. Nakasusulat ng isang buod ng akdang binasa na may:
- kawastuang gramatikal
- tamang format
- lohikal na pagbubuo
- malinaw na presentasyon ng mga kaalaman
- katapatan sa binubuod

IKAAPAT NA MARKAHAN
1.Naipapamalas ang kahusayan sa pagsulat ng isang rebyu sa tulong ng
mga tiyak na kaalaman at pamantayan
1.1 Nakapagbibigay ng mga angkop na observasyon tungkol sa nabasa o
napanood
1.2 Nakapagbabahagi ng mga reservasyon tungkol sa gagawing
paghuhusga sa nabasa o napanood
1.3 Nagagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagbubuo ng rebyu
1.4 Nakapagbibigay-puna sa isang tiyak na modelo
2.Nakasusulat ng isang rebyu na nagsasaalang-alang sa :
-wastong format
- paraan ng presentasyon
- kawastuang gramatikal

50

HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA KOMPETENSI


SA PAGSUSURI SA NOLI ME TANGERE ( para sa dalawang
linggong sesyon bawat markahan)
UNANG MARKAHAN
1. Napauunlad at napayayaman ang karanasan sa pamamagitan ng
akda upang makapagpalawak ng kaisipan at pananaw sa buhay
1.1 Nasusuri ang akda batay sa isang tiyak na bahagi ng kasaysayan ng
bansa/daigdig
1.2 Naihahanay ang akda sa mga tiyak na isyung panlipunan batay sa
ispesifik na panahon
1.3 Nasusuri ang akda batay sa mga umiiral na pilosopiyang pandaigdig
1.4 Nasusuri ang akda batay sa kaugnayan nito sa karanasan ng sumulat
1.5 Nasusuri ang akda batay sa istilo ng istruktura tulad ng:
- pagsunod sa anda ng epiko
- pakikipagkapwa-teksto
- pagpapaliguy-ligoy
- paggamit ng dalawahang oposisyon
- pagkapanitikan

IKALAWANG MARKAHAN
1. Nalilinang ang kahusayang maging mapanuri sa akdang binasa
1.1 Nakikilala at nasusuri ang akda batay sa magkakaugnay at lohikong
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
1.1.1 Nabibigyang-puna ang kabanata bilang siyang simula ng
banghay
- pagpapakilala sa mga pangunahing tauhan
- paghahanda sa mambabasa tungkol sa napipintong suliranin
1.1.2 Nasusuri ang tiyak na kabanata bilang bahagi na
nagpapahayag ng tumitinding galaw
- maiigting na pangyayari na may kinalaman sa pangunahing
tauhan
1.1.3 Nabibigyang-puna ang tiyak na kabanata na tumutukoy sa
kasukdulan tungo sa kakalasan ng nobela
- pagkilala sa pinakamaigting na bahagi
1.1.4 Nabibigyang-puna ang bahaging nagpapahiwatig ng wakas ng
nobela
- naging resolusyon sa mga suliranin

51

2. Nasusuri ang akda batay sa masining na paglalarawang pantauhan


2.1 Nabibigyang-puna ang pagkamakatotohanan ng tauhan batay sa :
kilos
paniniwala
saloobin
pilosofiya
gawi
paninindigan

IKATLONG MARKAHAN
1. Napahahalagahan akda batay sa mga tiyak na pamantayang
pampanitikan
1.1 Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya batay:
- efektivong paggamit ng tunggalian
- efektivong paggamit ng matatalinghagang kaisipan
- efektivong paggamit ng mga tayutay
- efektivong paggamit ng mga simbolo

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga tiyak na teoryang pampanitikan sa pagsusuri sa
akda
1.1 Nasusuri ang akda batay sa pagka-klasisismo nito sa tulong ng mga
bahaging nagpapahayag ng:
- katotohanan
- kagandahan
- kabutihan
1.2 Nasusuri ang akda batay sa pananaw naturalismo sa tulong ng mga
bahaging nagpapakita ng:
- kapaligirang karumal-dumal
- pangyayaring kasuklam-suklam
- paglalabanan ng tao para mabuhay
1.3 Nasusuri ang akda batay sa pananaw realismo sa tulong ng mga
bahaging nagsasaad ng:
- makatotohanang kaisipan
- pagbabago ng tauhan
- makatotohanang pangyayari
1.4 Nasusuri ang akda batay sa pananaw feminismo sa tulong ng mga
bahaging nagpapakita ng mga pangyayaring may kinalaman sa mga
tauhang babae

52

1.5 Nasusuri ang akda batay sa pananaw eksistensyalismo sa tulong gn


mga bahaging kinakakitaan ng:
- pagkamakapangyarihan ng tao sa kanyang sarili
- pananagutan ng tao sa kanyang pagpapasya
- kalayaan ng taong mag-isip

53

IKAAPAT NA TAON
1. Nagagamit na batayan sa mapanuring pagbasa ng akdang
pampanitikan ang ibat ibang pamantayan at batayang kaalaman
1.1 Pagsusuring Panglinggwistika
1.1.1 Napahahalagahan ang pagkakabuo ng akda batay sa paggamit
ng mga salita
A. Nasasabi ang bisa sa akda ng pamimili ng salita
B. Nabibigyang-katwiran ang kahalagahan ng pagkilala sa
kapangyarihan ng salita sa akda
C. Nabibigyang-puna ang pagkakagamit ng mga salitang may
likas na kahulugan ( etimoloji)
D. Natutukoy ang bisa ng paggamit ng mga salitang tago ang
kahulugan
E. Nakikilala ang kasiningan ng paggamit ng mga salitang nagaagawan ng kahulugan
1.1.2 Naibibigay ang puna hinggil sa pagkakabuo ng mga
pangungusap:
A. Paggamit ng mahahaba at maiikling pangungusap
B. Pag-uulit ng mga pangungusap
C. Pagbabagu-bago ng istilo sa pagbubuo ng mga
pangungusap
1.2 Pagsusuring Pangnilalaman
1.2.1 Natutukoy ang mga bahaging nagpapahayag ng:
- mga talinghaga
- mga larawang-diwa
- mga pagpapatungkol
1.2.2 Nasusuri ang akda batay sa istruktura ng banghay nito ayon sa:
- makabuluhang simula
- maigting na tumitinding galaw
- kasukdulan
- di-inaasahang wakas
1.2.3 Nailalahad ang bisa ng mga kaisipang inilahad sa akda batay sa
refleksyon nito sa:
- pamayanan
- pambansang kaligiran
- lipunan
- pambansang kamalayan
1.2.4 Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:
- pagkakatulad ng mga tauhan
54

- pagkakatulad ng mga pangyayari


- pagkakatulad ng mensahe
- pagkakatulad ng paksa
- pagkakatulad ng tema
- pagkakatulad ng istruktura
1.2.5 Nasusuri ang akda batay sa mga bahaging :
- nagtuturo
- nagpapaliwanag
- nangangaral
- nagbibigay-aliw
1.3 Pagsusuring Pampanitikan
1.3.1 Naiuugnay ang mga kaalaman tungkol sa kasaysayan ng bansa
sa tiyak na akda:
- panrehiyon
- pambansa
- pandaigdig
1.3.2 Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na batayang kaalaman
tulad ng:
- kumbensyon sa dula
- istruktura sa nobela
- tungkulin sa sanaysay
- elemento sa tula
- uri sa maikling kwento
1.3.3 Nailalapat ang mga kaalaman sa ibat ibang pananaw
pampanitikan sa mapanuring pagbasa ng akda
A. Nasusuri ang akda batay sa mga kaisipang hango sa
teoryang klasisismo
A.1 Naiisa-isa ang mga bahaging nagpapakita ng tiyakang
kaugnayan ng mga tauhan sa pwersa ng kalikasan
A.2 Napipili ang mga kaisipan at pahayag na nagpapakita ng
kadakilaan ng Diyos at nasasabi ang efekto nito sa tao
A.3 Napipili ang mga tiyak na bahaging nagpapakita ng
kabutihan, kagandahan at katotohanan
A.4 Nasusuri ang akda batay sa pagka-universal ng paksa
B. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa akda sa
tulong ng mga kaalamang hango sa teoryang
romantesismo
B.1 Nailalahad ang paninindigan sa bisa ng pagkakagamit
ng kalikasan at kapaligiran sa pagkamasining ng akda
B.2 Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga payak
na salita sa kasiningan ng akda
55

B.3 Nakabubuo ng kritikal na paghuhusga sa kapayakan ng


mga tauhan at sa efekto nito sa kasiningan ng akda
C. Napahahalagahan ang pagka-humanismo ng akdang
binasa
C.1 Nabibigyang-reaksyon ang mga magagandang kaisipan
at paniniwala tungkol sa tao
C.2 Natutukoy ang mga tiyak na bahagi ng akda na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
C.3 Napipili ang mga tiyak na bahagi na tumutukoy sa
kagalingan ng isang tao
C.4 Nasusuri ang akda batay sa magagandang saloobin at
damdaming inilahad ng mga tauhan
D. Nababasa ang akda sa tulong ng mga pamantayang
naturalistic
D.1 Nakapagbibigay-patunay na ang buhay ay tila isang
mabangis na lungsod at walang awing kagubatan
D.2 Nabibigyang-puna ang pakikipagsapalaran ng tao na
binibigyang-diin sa akda
D.3. Nasusuri ang umiiral na efekto ng kapaligiran sa
pakikipagsapalaran ng tao
E. Napupuna ang pagka-realismo ng akda
E.1 Nabibigyan ng reaksyon ang tuwirang kaugnayan ng
kapaligiran sa pagbabago ng tauhan
E.2 Nasusuri ang mga kaisipang nagpapakita ng pakikipagugnayan ng tauhan sa kanyang kapwa at lipunan
E.3 Naihahanay ang mga tiyak na bahagi ng akda sa umiiral
na katutubong tradisyong pampanitikan
E.4 Nakapagpapatunay na ang mga mga pangyayari sa
akda ay angkop sa tunay na buhay
F. Napahahalagahan ang akda sa tulong ng mga
kaalamang batay sa teoryang formalismo
F.1 Nabibigyan ng reaksyon ang kagandahan/kahinaan ng
akda batay sa:
- istruktura
- pagkakabuo
F.2 Nasusuri ang bisa ng pag-uugnay-ugnay ng mga
elemento ng akda sa kasiningan nito
F.3 Naihahambing ang akda sa isa pang katulad na genre
batay sa tiyak na elemento
56

G. Nakapag-dedekonstrak sa akda batay sa mga tiyak na


pamantayan
G.1 Nabibigyang-kahulugan ang mga nais sabihin ng akda
batay sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan
G.2 Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig
ng impluwensya ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa at sa kinahinatnan nito
G.3 Nasusuri ang akda batay sa kaangkupan ng lengwahe
sa atmospera
G.4 Nabibigyang-puna ang bisa ng diskursong ginamit sa
kasiningan ng akda
H. Nasusuri ang akda batay sa pananaw eksistensyalismo
H.1 Nabibigyan ng puna ang istilong ginamit ng may-akda
sa pagsasalaysay
H.2 Natutukoy ang mga bahaging nagpapamalas ng
malayang kaisipan ng tauhan/may-akda

HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA


KOMPETENSI SA PAGTUTURO NG KOMPOSISYON
UNANG MARKAHAN
1.Nailalapat ang mga batayang kaalaman at mga tiyak na pamantayan sa
pagsulat ng ibat ibang uri ng liham-pangangalakal
1.1 Nakikilala ang ibat ibang uri ng liham-pangangalakal
1.2 Nakapagbibigay-reaksyon sa isang tiyak na modelo
1.3 Nagagamit ang sariling istilo sa pagsulat
1.4 Nailalapat nang angkop ang mga tiyak na elemento sa pagsulat
1.5 Nabibigyang-halaga ang mga tiyak na sangkap sa pagsulat tulad ng:
- wastong baybay
- wastong gamit ng bantas
- kawastuan sa kontent
- kawastuang gramatikal

IKALAWANG MARKAHAN
1. Nagagamit sa pagsulat ng isng suring-pelikula ang mga dati at
bagong kaalaman tungkol sa mga tiyak na batayan
57

1.1 Nababatid ang mga tiyak na impormasyong kinakailangan sa pagsulat


1.2 Nabibigyang-puna ang isang tiyak na modelo
1.3 Nakapagbabahagi ng pansariling raksyon tungkol sa :
- reservasyon sa pagsulat
- limitasyon ng kaalaman sa pagsulat
- kahandaan sa pagsulat
- di-kahandaan sa pagsulat
1.4 Naisasagawa ang pagsulat ng isang suring-pelikula sa tulong ng
kaalaman sa:
- wastong format
- wastong paraan
- wastong bahagi
- wastong nilalaman
- wastong gamit ng istruktura ng wika
- wastong paggamit ng mga bantas
- wastong baybay

IKATLONG MARKAHAN
1. Nakapagsasagawa ng pagsasalin sa tulong ng mga tiyak na
pamantayan
1.1 Nababatid ang mga pangunahing batayang simulain sa pagsasalin
1.2 Nabibigyang-puna ang mga pilosopiyang kaugnay sa pagsasalin
1.3 Nabibigyang-puna ang mga tiyak na modelo
1.4 Nasusunod nang wasto ang mga hakbang at paraan sa pagsasalin
1.5 Nabibigyang-pansin ang kawastuang gramatikal sa pagsasalin

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nailalapat ang mga batayang kaalaman sa pagsulat ng mga natipong
tala
1.1 Nababatid at nagagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagtitipon
ng tala
1.2 Nagagamit nang wasto ang ibat ibang kagamitang pinagkukunan ng
tala
1.3 Nakikilala ang mga talang may kabuluhan at walang kabuluhan
1.4 Naipamamalas ang kahusayan sa pag-uuri-uri ng mga tala
1.5 Naipakikita ang kasanayan sa apagpapangkat-pangkat at
pagsasaaayos ng mga tala ayon sa level nito
1.6 Nakapagsusuri ng isang tiyak na modelo
1.7 Nakasusulat ng maayos na presentasyon ng mga natipong tala batay
sa:
58

pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya


wastong format
wastong presentasyon
wastong sangkap
wastong nilalaman
kawastuang gramatikal

HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA KOMPETENSI


SA PAGSUSURI NG EL FILIBUSTERISMO ( may laang dalawang
lingo bawat markahan)
UNANG MARKAHAN
1. Nailalapat at napahahalagahan ang mga kasanayan at kaalamang
pampanitikan sa pagsasagawa ng isng masining na pagsusuri
1.1 Nabibigyang-reaksyon ang resentasyong lohikal ng akda
1.1.1 Nabibigyang-puna ang simula ng akda sa tulong ng
kagandahan ng simula
- nagpapakilala sa tauhan
- naghahanda sa mga mambabasa sa napipintong
suliranin

1.1.2 Nabibigyang-reaksyon ang istilo sa pagpapatindi ng galaw sa


tulong ng mga maiigting na bahagi
1.1.3 Nasusuri ang bahaging nagpapakita ng kasukdulan at
kakalasan ng kwento
1.1.4 Nabibigyang-reaksyon ang istilo sa pagwawakas
1.1.5 Nakikita ang kaugnayan ng simula sa wakas
1.2 Nasusuri ang pagkapanitikan ng akda sa pagpapahalaga sa
paggamit ng mga simbolo
1.2.1 Napipili ang mga tiyak na bahaging nagpapakita ng ibat ibang
simbolo
1.2.2 Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga simbolo sa
kasiningan ng akda
1.2.3 Natutukoy ang bisa ng pagkakagamit ng mga simbolo
1.2.4 Nabibigyang-puna ang paghahanay ng mga simbolo sa mga
tiyak na kabanata

59

IKALAWANG MARKAHAN
1. Nailalapat at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at
pamantayan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri
1.1 Nasusuri ang akda batay sa paraan ng paglalarawang-tauhan
1.1.1 Nakikilala ang mga makatotohanang tauhan batay sa :
- kilos
- gawi
- pananalita
- paniniwala
- mga opinyong inilahad
- kinahinatnan
1.1.2 Nakapagpapatunay ng pagkadi-makatotohanan ng tauhan
batay sa:
- kilos
- pananalita
- gawi
- paniniwala
- mga opinyong inilahad
- kinahinatnan
1.2.3 Nabibigyang-reaksyon ang ugnayan ng mga tauhan sa :
- bawat isa
- sa lipunan

IKATLONG MARKAHAN
1. Napahahalagahan at nagagamit ang mga batayang kaalaman at mga
pamantayan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri
1.1 Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na katangian nito
1.1.1 Natutukoy at nabibigyang-patunay ang ginamit na tunggalian
1.1.2 Nabibigyang-reaksyon ng istilo ng may-akda sa paraan ng
presentasyon batay sa:
- pagkapanitikan ng akda
- pakikipagkapwa-teksto ng akda
- paggamit ng makatotohanang tauhan
- paglalahad ng mga karunungan

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Nagagamit at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at
pamantayan sa pagsasagawa ng masining na pagsusuri
60

1.1 Nailalapat ang mga kaalaman sa ibat ibang teoryang


pampanitikan sa pagsusuri
1.1.1 Nakapagpapatunay sa tulong ng mga bahagi sa pagkaklasisismo ng akda
1.1.2 Nasusuri ang akda batay sa pananaw romantesismo
1.1.3 Naihahanay ang pananaw realismo sa pagsusuri sa akda
1.1.4 Napatutunayan sa tulong ng ilang bahagi ang pagka-feminismo
ng akda
1.1.5 Nagagmit ang ilang pananaw eksistensyalismo sa pagbasa sa
akda
1.1.6 Napahahalagahan ang akda sa pananaw naturalismo

MGA HULWARANG BANGHAY-ARALIN


Ang pagkakaroon ng mga hulwarang banghay-aralin ay isang gabay sa
pagtatamo ng iisang mithiin- ang lubos na maisakatuparan ang efektivong
proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Sa mga halimbawang banghay taglay ang mga
provisyong nagpapakita ng ibat ibang gawaing lilinang sa life skills, sa higher
order thinking skills, multiple intelligence at aakay sa mga mag-aaral tungo
sa pagtatamo ng cooperative learning.

Unang Taon
Gramatika at Pagbasa
1 Linggong Sesyon

I. ANG PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa
Pamagat ng Teksto
Uri ng Teksto
Kagamitan
Gamit ng Wika
Istruktura ng Wika
Kasanayang Istratejik
Kasanayang Pampag-iisip
Halagang Pangkatauhan

: Pamahalaan at Batas
: Batas Militar sa Pilipinas
: Tekstong Persweysiv
: Isinateyp na Talumpati/
Sanaysay
: Paghahambing/Pagkokontrast
: Mga Keywords
: Pagkuha ng Tala
: Pagsang-ayon/Pagsalungat
: Pagsasabi ng sariling opinyon at
paniniwala nang buong pagtitiwala sa
sarili

61

II.

MGA INAASAHANG BUNGA ( sa bawat araw)


A. Nakabubuo ng hinuha sa paksa batay sa pamagat at nailalapat ang
mga tiyak na karanasan at kaalaman tungkol dito
B. Naipapahayag nang buong linaw ang mga paniniwala at opinyong
nakapaloob sa tekstong narinig/nabasa at nakabubuo ng sariling
paniniwala/opinyon nang buong pagtitiwala sa sarili
C. Natutukoy ang tono at layon ng teksto at nakikilala ang tiyak na uri nito
D. Natutukoy ang mga keywords na ginamit sa teksto at nakabubuo ng
paghuhusga batay sa kabisaan nito sa pagkakasulat ng teksto
E. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang tekstong
tinalakay

III.

PROSESO NG PAGKATUTO
Unang Araw
1. Mga Panimulang Gawain
a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng mga larawang
may kinalaman sa paksa. Pabubuuin ang bawat pangkat ng mga
kaisipang posibleng nakapaloob sa larawan sa tulong ng mga
sumusunod na gabay na tanong.
-

Anu-anong mga kaisipan ang maaari ninyong mabuo


mula sa larawan?

Bakit ganoong kaisipan ang inyong nabuo?

a.1 Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat


a.2 Pagbabahagi ng lider ng bawat pangkat sa klase ng nabuong
kaisipan
a.3 Pagbibigay ng feedback ng mga nakinig. Naniniwala ba o
hindi? Bakit?
b. Paglalahad. Pagbibigay ng pansin sa nakapaskel na pamagat ng
tekstong babasahin. ANG BATAS MILITAR SA PILIPINAS. Muli,
pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang bawat pangkat sa tulong ng
mga sumusunod na tanong.
-

Ano ang isinasaad ng pamagat?

Magbigay ng mga taglay ng kaalaman tungkol sa


pagkakaroon ng batas militar sa Pilipinas at paano
nalaman

Mag-ugnay ng pansariling karanasan na maaaring may


kauganyan sa pagkakaroon ng batas militar sa Pilipinas

62

Magbahagi ng karanasan ng ibang tao na may


kaugnayan sa pagkakaroon ng batas militar sa Pilipinas
na narinig o nabasa

c. Pagbubuo ng sintesis ng mga napag-usapan. ( igagayd ng guro


ang klase na makabuo ng sisntesis)
2. Pagtalakay sa Aralin
Ikalawang Araw
a. Pagpaparinig sa isinateyp na talumpati. Habang nakikinig, ipababasa
din ng guro ang sipi ng talumpati. Papipiliin ang mga mag-aaral ng
mga salita o parirala o pangungusap na hindi maunawaan.
b. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi
maunawaan batay na rin sa pagkakagamit nito sa teksto.
c. Pagpapalalim ng Kaalaman. Papangkatin ang mga mag-aaral sa walo.
Magkakaroon ng bahaginan batay sa mga sumusunod.
Pangkat 1 at 2: Papipiliin ng mga opinyong nakalahad sa teksto na
sa palagay ay katanggap-tanggap. Bakit?
Pangkat 3 at 4: Papipiliin ng mga opinyong nakapaloob sa teksto
na sa palagay ay hindi katanggap-tanggap.
Bakit?

Pangkat 5 at 6: Papipiliin ng mga paniniwalang inilahad sa teksto


na sa palagay ay katanggap-tanggap. Bakit?
Pangkat 7 at 8: Papipiliin ng mga paniniwalang nakapaloob sa
teksto na sa palagay ay di-katanggap-tanggap.
Bakit?
d. Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangkatang talakayan.
e. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan. Anong pangkalahatang
kaisipan ang maaari nating mabuo sa nagapan na talakayan?
-

Opinyong dapat paniwalaan ng klase


Opinyong di-dapat paniwalaan ng klase
Paniniwalang dapat tanggapin ng klase
Paniniwalang di-dapat tanggapin ng klase

Ikatlong Araw
a. Pagpapabasa ng isang kaugnay na balita. Mula sa balita ay
magbibigay ng input ang guro tungkol sa tono at layon ng isang teksto.
63

b. Papangkating muli sa walo ang klase. Iparirinig ang talumpati.


Ipasusuri ang talumpati ayon sa tono at layon.
Gabay na Tanong: Anong damdamin ang naghahari sa talumpati?
Patunayan ng tiyak na bahagi.
Anu-ano ang mga katotohanang inilahad ng
teksto? Patunayan sa tulong ng mga tiyak na
bahagi.
Naiparating ba ito sa inyo nang malinaw? Bakit?
Bakit tinawag na persweysiv na teksto ang
tinalakay na talumpati. Magbigay ng mga
patunay.
c. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri.
d. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa isang tekstong
persweysiv.
e. Pagbubuo ng sintesis
Ikaapat na Araw
a. Pagbibigay ng guro ng kailangang input upang makilala ang tinatawag na
keywords
b. Muling pagpapabasa sa teksto ng talumpati.

c. Pagsusuri sa mga keywords na ginamit sa teksto. Pangkatang ang gagawing


pagsusuri.
Pangkat 1: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng paksa
Pangkat 2: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng proposisyon
Pangkat 3: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng positibong
opinyon
Pangkat 4: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng negatibong
opinyon
Pangkat 5: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng positibong
paniniwala
Pangkat 6: Mga keywords na ginamit na nagpapahayag ng negatibong
paniniwala
d. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong.

64

1. Epektibo bang nagamit ang mga keywords upang mailahad nang


malinaw ang mga tiyak na impormasyon? Patunayan.
2. Mahalaga ba ang kaalaman sa paggamit ng mga keywords sa
pagbubuo ng isang tekstong persweysiv? Patunayan
e. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang pinag-usapan.
Ikalimang Araw
a. Pagpapabasa ng isa pang halimbawa ng tekstong persweysiv.
b. Pagsusuri sa binasang teksto batay sa mga tiyak na katangian.
-

mga positibong opinyon


mga negatibong opinyon
mga positibong paniniwala
mga negatibong paniniwala
ang tono ng teksto
ang layon ng teksto

c. Pagsusuri sa binasang teksto batay sa mga keywords na ginamit


upang maipahayag ang mga sumusunod.
-

proposisyon
positibong opinyon
negatibong opinyon
posistibong paniniwala
negatibong paniniwala
paksa ng teksto

d. Pagpapasulat ng isang tekstong persweysiv sa tulong ng isang tiyak


na larawan at pamagat. Bago sumulat, pabubuuin muna ng guro ng
angkop na mga keywords ang mga mag-aaral.
e. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.
f.

Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa araling tinalakay.


kaugnayan ng mga angkop na keywords sa pagsulat ng isang tekstong
persweysiv

65

Ikalawang Taon
Gramatika at Pagbasa
1 Linggong Sesyon
I.

ANG PAKSA/ MGA KASANAYAN/ MGA KAGAMITAN


Paksa
Pamagat ng Teksto
Uri ng Teksto
Gamit ng Wika
Istruktura ng Wika
Kasanayang PampagIisip
Halagang Pangkatauhan

II.

: Kultura at Tao
: Evolusyong Kultural ng Tao
: Informativ
: Pagbibigay ng Informasyon
: Pabuod at Pasaklaw na Pangungusap
: Mapanuring Paglalahad
: Pagpapahalaga sa Kultura ng Tao

MGA INAASAHANG BUNGA ( sa bawat araw )


A. Nakabubuo ng hinuha sa tulong ng pamagat
B. Naipahahayag nang buong linaw ang mga kaalamang nakapaloob sa
tekstong narinig/binasa at nakabubuo ng pansariling paniniwala/
opinyon ng may buong pagtitiwala sa sarili
C. Natutukoy ang paraan ng pagkakasulat ng teksto at nakikilala ang
tiyak na uri nito
D. Nakikilala ang mga pangungusap na pabuod at pasaklaw at nakikilala
ang kabisaan nito sa pagkakasulat ng teksto
E. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang tekstong
tinalakay

III.

PROSESO NG PAGKATUTO
Unang Araw
1. Mga Panimulang Gawain
a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng ilang larawang
may kaugnayan sa paksa ng tekstong tatalakayin. Pabubuuin ang
bawat pangkat ng mga tiyak na kaisipang nakapaloob sa mga
napiling larawan. Ang pagtatalakayan sa pangkat ay ibabatay sa
mga sumusunod na gabay na tanong.
Gabay na Tanong:

Anu-anong mga pangunahing kaisipan ang


maaaring mahango sa larawan?
Ipaliwanag ang kaugnayan ng nabuong
kaisipan sa larawan

66

a.1 Pagbabahaginan sa bawat pangkat


a.2 Pagbabahagi ng lider ng pangkat sa klase
a.3 Pagkuha ng feedback mula sa ibang mag-aaral
a.4 Pagbubuo ng sintesis
b. Paglalahad.

Pagbibigay-pansin sa pamagat ng tekstong


ipababasa. EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO.

b.1 Pangkatang-Gawain.
Pagpapakahulugan sa Pamagat
Pagbubuo ng kaisipang batay sa pamagat
Pag-uugnay ng mga tiyak na karanasan bilang magaaral sa isinasaad ng pamagat
Pag-uugnay sa mga karanasang nabatid tungkol sa
isinasaad ng pamagat ( nabasa o narinig)
b.2 Pagbabahaginan sa pangkat
b.3 Pagbabahagi ng lider ng pangkat sa klase
b.4 Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral
b.5 Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan
2. Pagtalakay sa Aralin
Ikalawang Araw
a. Pag-uugnay ng larawan sa mga punong salita ng pamagat ng
tekstong babasahin.
EVOLUSYON

KU LTURA
TAO

b. Pangkatang pagpapabasa sa teksto. Ipasusuri ang tekstong


binasa batay sa mga sumusunod.
Pangkat 1 at 2: Mga kaalamang inisa-isa sa teksto na may
kinalaman sa pamagat nito.
Pangkat 3 at 4: Mga pangunahin at pantulong na kaisipang
inilahad sa teksto
Pangkat 5 at 6: Mga positiv at negativ na kaalamang inisa-isa
sa teksto
C. Pagbabahaginan sa pangkat.
67

D. Pagbabahagi ng lider ng pangkat sa buong klase.


E. Pagkuha ng iba pang feedback
F. Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay.

Ikatlong Araw
a.

Pagpapabasa ng isa pang kauring teksto.

b.

Pagsusuri sa binasa batay sa mga kaalamang inihanay

c.

Pagbibigay ng guro ng kinakailangang input tungkol sa paraan ng


pagkakasulat ng isang teksto.
-

d.

Paraan ng pagtatalata
Paraan ng pagbubuo ng salita
Paraan ng paggamit ng salita
Paraan ng pagbubuo ng mga pangungusap

Muling pagpapabasa sa tekstong lunsaran. Ipasusuri ang tekstong


binasa batay sa paraan ng pagkakasulat nito. Pangkatang
pagsusuri.
Pangkat 1 : Paraan ng pagtatalata. ( Paano sinimulan,
pinalawak at winakasan ang teksto)
Pangkat 2: Paraan ng pagbubuo ng pangungusap ( Anong
uri ng pangungusap ang kalimitang ginamit?)
Pangkat 3: Paraan ng pagkakagamit ng salita. ( Formal ba
o di- formal?)
Pangkat 4: Paraan ng pagbubuo ng salita ( Anong uri ng
salita batay sa kayarian ang kalimitang
ginamit/)
Pangkat 5: Pagbubuo ng hinuha kung bakit informativ ang
binasang teksto.

e.

Pagbabahaginan sa pangkat

f.

Pagbabahagi ng lider ng pangkat ng napag-usapan

g.

Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral

h.

Pabibigay ng guro ng faynal input tungkol sa isang tekstong


informativ

68

Ikaapat na Araw
a.

Pagbibigay ng guro ng panimulang input upang makilala ng mga


mag-aaral ang mga pangungusap na pabuod at pasaklaw.

b.

Muling pagpapabasa sa tekstong lunsaran. Ipasusuri ang teksto


batay sa mga ginamit na pangungusap na masasabing:
-

c.

Pagbabahaginan ng reaksyon tungkol sa pagkilala sa mga tiyak na


katangian ng mga pangungusap na pabuod at pasaklaw.
-

d.

pangungusap na pasaklaw
pangungusap na pabuod

Paano nagkaiba ang dalawa?

Muling pagpapabasa sa tekstong lunsaran. Pabubuuin ang bawat


pangkat ng magkatulad at salungatang opinyon tungkol sa
kabisaan ng pagkakagamit ng mga pangungusap na pabuod at
pasaklaw sa pagsulat ng isang tekstong informativ.
-

Naging mabisa ba ang manunulat sa pagkakagamit niya ng


mga pangungusap na pasaklaw? Bakit?

Naging mabisa ba ang manunulat sa pagkakagamit niya ng


mga pangungusap na pabuod? Patunayan.

d.1 Pagbabahaginan sa pangkat


d.2 Pagbabahagi sa klase
d.3 Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral
e. Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay.

IV.

EVALWASYON
Ikalimang Araw
a. Pagpapabasa ng isa pang tekstong informativ. (
ASYA)

PALAKASAN SA

b. Pagsusuri sa tekstong binasa batay sa tiyak na katangian nito.


-

mga kaalamang inihanay


paraan ng pagkakasulat
uri

b. Pagsusuri sa binasang teksto batay sa mga pangungusap na ginamit.


69

mga bahaging nagpapakita ng mga pangungusap na pabuod


mga bahaging nagpapakita ng mga pangungusap na pasakllaw

c. Pagpapasulat ng isang tekstong informativ batay sa paksang tinalakay.


Pagbibigayin muna ng mga halimbawa ng pangungusap na pabuod at
pasaklaw ang mga mag-aaral. Ipagagamit ito sa talataang isusulat.
d. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral.
e. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig na mag-aaral
f. Pagbibigay ng guro ng faynal input tungkol sa araling tinalakay. Ang
mga pangungusap na pabuod at pasaklaw sa pagsulat ng isang
tekstong informativ.

Tekstong Lunsaran
EBOLUSYONG KULTURAL NG TAO
Natagpuan mo na ba ang iyong sarili sa isang sitwasyon kung saan
kailangan kang humanap para sa iyong sarili ng pagkain, bahay at iba pang
pangangailangan? Ano ang inyong gagawin upang mabuhay? Marhil ay iisip ka
ng solusyon batay sa mga bagay na mapagkukunan na nasa iyong kamay at
gagamit ka ng mga paraan na tinatawag na trial ang error upang makalabas sa
sitwasyong iyon. Kung ikaw ay sang Boy Scout, gagamit ka ng mga paraan na
iyong natutuhan upang mabuhay. Marahil ay mapatutunayan mo sa iyong sarili
na ang iyong buhay ay mababatay sa mga ideya na iyong natutuhan, sa mga
paniniwala na palagi mong isinasagawa, sa mga pag-uugali na iyong nalinang at
sa mga teknolohiya na iyong ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Ang
kabanatang ito ay tatalakay sa proseso kung paano nilikha at pinaunlad ng tao
ang kanyang kultura.
Ang Batayan ng Kultura
Ang tao ay sumasailalim sa mga pagbabago upang makontrol ang
kanyang sarili at ang kanyang kapaligiran. Nagkaroon siya ng tuwid na
pagkakatayo upang makakilos ng malaya at magamit na mabuti ang kanyang
mata. Sa pamamagitan din ng pagkakatayong ito, nagamit niya ang kanyang
mga kamay upang makahawak ng mga bagay-bagay at makagawa ng mga
kasangkapan at sandata. Ang pagkakaroon niya ng higit na malaking utak ay
bunga ng mga pagbabago sa istruktura ng kanyang panga na bunga naman ng
pagbabago sa kanyang pagkain. Ang pagkakalagay ng kanyang ulo sa itaas ng
kanyang gulugod ay nagbigay ng puwang para sa kanyang sisidlan ng boses sa
lalamunan. Ang mga pagbabago sa sistemang pang-reproduktibo ng babae ay
nagbigay-daan sa pagbabagong-anyo ng sekswalidad ng tao. Ang mahabang
70

panahon ng kasanggulan ay nangahulugan lamang na ito ay dapat umasa sa


kalinga ng nakatatanda. Tunay na ang pag-uugali ng tao ay nakasalalay sa pagaagpang at pagbabagay; hindi kailanman sa likas na simbuyo. Ang tao ay
natututong sumuri at tumugon sa kanyang nakikita, naririnig at nararamdaman.
Ang Pagsibol ng Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng kulturang Asyano ay napakalawak at sadyang
napakahirap at sadyang napakahirap pag-aralan. Subukin natin na unawain ito
sa pamamagitan ng pagsilip sa mga payak na bahagdan ng pag-unlad ng
kulturang Asyano. Sa loob ng unang kalahating milyong taon, ang pagbabago
ay napakabagal.
Ang katawagang kultura ay ibinibigay sa pamamaraan ng pamumuhay ng
isang pangkat kung saan ang mga kasapi ay natatagpuan sa isang teritoryo,
responsible sa bawat isa at may pagkakakilanlan. Ang kultura ay binubuo ng
mga sumusunod:
1.
2.
3.

solusyon sa mga suliranin ng pamumuhay;


kaisipan at pagpapahalaga sa humuhubog sa mga patakaran ng
pag-uugali (relihiyon, folkways, mores, di materyal na kultura) ; at
kasangkapan at iba pang bagay na gawa ng tao o materyal na
kultura.

Ang mga tao ay nagiging tunay na kasapi ng isang lipunan kung ang mga
ito ay natuto nang iangkop ang kanilang sarili sa kultura ng lipunang kanilang
ginagalawan.
Ang kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay ang tao sa
mundo at bibigyan ito ng kahulugan. Ang tao ay umiinog sa isang panlipunang
kapaligiran, ang kalikasan ng tao ay hindi kailanman maihihiwalay sa kultura at
magkakaroon ng maraming kalikasang pantao tulad din ng pagkakaroon ng
maraming kultura. Ang pag-unlad ng kultura ay nababatay higit sa lahat sa
kakayahan ng tao na makipagtulungan kaysa makipag-away.
Ang pagsusuri ng kulturang Asyano ay nagiging masalimuot dahil sa mga
sumusunod:
1. ang pagsasalin ng kultura sa pagitan ng mga kultura;
2. ang mabagal na pag-unlad ng ilang kultura;
3. ang pagpapalit ng makaluma tungo sa makabagong kultura; at
4. ang pagsasanib ng mga katangian na malaya sa kabuuan.

71

Tekstong Pang-evalwasyon
PALAKASAN SA ASYA
Ang laro ay nauna pa sa sibilisasyon bagaman bihira ang nasusulat na
batayan. Maaaring makilala ang isang kabihasnan batay sa mga laro. Ang
palakasan at paglalaro ay bahagi ng kasaysayang panlipunan dahil sa
karamihan sa mga sinaunang laro ay ginagawa sa mga pagtitipon. Bahagi rin ito
sa mga seremonyang pangrelihiyon. Ang mga sinaunang tao ay naglalaro ng
knuckle bones at board games na ginagamitan ng tunog ng kabibe o bato o
kahoy bilang musika.
Ang tunay na katunayan ng mga laro at palakasan ay natagpuan sa
kabihasang Sumeria noong 3000 hanggang 1500 BC. Mula sa epikong
Gilgamesh , mababasa ang tungkol sa mga sinaunang laro. Sila ay
nagsusunggaban tulad ng mga toro. Ang mga kabayong pangkarwahe ay higit
na dapat gamitin sa mga karera at walang laban ang nasa ilalim ng pamatok.
Ang pangingisda at pamamangka ay karaniwang aliwan. Ang pangangaso
ay libangan ng mga mayayaman. Ang paggamit ng paglangoy sa digmaan ay
karaniwan sa mga Hettite. Ang kulturang pisikal ay bahagi ng paghahanda sa
digmaan at programang pangkalusugan.
Sa sinaunang Israel ang takbuhan at pangingisda ang karaniwang larong
pampalakasan. Ang mga persyano ay mahusay mangabayo at may laro silang
tulad ng
polo. Samantala, ang mga sinaunang taga-Ehipto ay naglalaro ng hayop,
juggling, club throwing, bola, buno, acrobatic at gymnastic.
Sa kasalukuyan, ang palakasan ay bahagi ng programa ng edukasyon at
kalusugan. Ang mga paaralan at mga opisina ay may programa para sa
kalusugang pisikal. Ang mga matatanda sa Tsina ay may regular na ehersisyo
na kung tawagin ay tai chi chuan samantalang ang mga kabataan ay mahilig sa
martial arts.
Sa Hapon, ang sumo wrestling ang isa sa sinaunang laro. Sa Malaysia,
ang soccer at karera ang pinakapopular na laro.

72

Ikatlong Taon
Panunuring Pampanitikan
1 Linggong Sesyon
I.

PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa
Tatalakaying Genre
Halimbawang Teksto
Mga Kagamitan

:Paraan ng Paglalahad
:Sanaysay
:Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto
:larawan ng mga simbolo, isinateyp na
sanaysay
Kasanayang Pampanitikan :Pagkilala sa akda batay sa paraan ng
paglalahad
Kasanayang Pampag-iisip :Pagsang-ayon/Pagsalungat
Halagang Pangkatauhan :Paggalang sa damdamin ng iba

II.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapaglalahad ng mga pansariling


karanasang nakapaloob sa akda.

karanasang

kaugnay

sa

mga

B. Mga layuning pampagtalakay


B.1 Pagsusuring Panlingwistika

Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang mga piling pahayag na


ginamit sa akda.

B.2 Pagsusuring Pangnilalaman

Nakapag-uugnay ng mga karanasang nakapaloob sa akda sa mga


pansarili at karanasan ng iba.

B.3 Pagsusuring Pampanitikan

Nasusuri ang sanaysay batay sa paraan ng paglalahad

C. Nasasabi ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akda


D. Nakasusulat ng isang magandang simula, matalinong eksplorasyon at
makabuluhang wakas ng isang sanaysay

73

III.

PROSESO NG PAGKATUTO

Unang Araw
1. Mga Panimulang Gawain
1.1 Pagganyak
1.1.1 Pagpapakita ng ibat ibang simbolo. Pag-iinterpret ng isang
simbolo batay sa nais ipahiwatig nito.
1.1.2 Pagpaparinig ng awit na Ugoy ng Duyan. Pagpapaugnay sa
awit at sa isa sa mga simbolo.
1.2 Paglalahad
a. Pagpapakahulugan sa pamagat ng texto. Ang Pag-ibig (
pangkatan)
Pangkat 1 at 2 : Pag-iinterpret sa drowing
Pangkat 3 at 4 : Pag-iinterpret sa mga pahayag
Pangkat 5 at 6 : Pag-iinterpret sa isang awit
b. Pagbabahaginan sa klase ng nabuong interpretasyon
c. .Pagpaparinig sa nakateyp na sanaysay. Habang nakikinig ay
ipababasa rin nang tahimik ang sipi ng sanaysay.
d. Pangkatang gawain.
Pangkat 1 at 2

:Pagpili ng mga tiyak na karanasang


inilahad sa sanaysay
Pangangatwiran kung bakit pinili.
: Pagpili ng mga karanasan sa texto
na kaugnay ng sariling karanasan

Pangkat 3 at 4

Pangkat 5 at 6

: Pagpili ng mga karanasan sa texto


na nangyayari sa kapaligiran at aktwal
na buhay. Pagpapatunay

2. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon


3. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan
Ikalawang Araw
Pagtalakay sa Paksa (Pangkatang Gawain)
1. Muling pagpapabasa/pagpaparinig sa nakateyp na sanaysay.
74

2. Pangkatang Pagsusuri
Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika
- Pagpapapili ng mga piling talinghaga sa akda
- Pagpapaliwanag sa mga talinghaga
- Pagpapatotoo sa mga talinghaga sa tulong ng mga
halimbawang sitwasyon/kalagayan o karanasan na
maaring sarili o sa iba.
Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman
-

Pag-iisa-isa ng mga kaalamang nais iparating sa


mambabasa
-makatotohanan
-di-makatotohanan
- kapani-paniwala
- di-kapani-paniwala

Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan


Pagsusuri sa paraan ng paglalahad ng sanaysay
batay sa:
-paraan ng pagsisimula
- paraan ng pagpapalawak
- paraan ng pagwawakas
- fomalidad ng salita

IV.

C.

Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon

D.

Pagbubuo ng sintesis ng paksang tinalakay sa tulong ng mga


kaugnay na larawan.

EVALWASYON

Ikatlong Araw
1. Papangungusap na pagbubuod ng texto.
2. Pangkatang Pagsusuri
Pangkat 1 at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot

75

Pagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga


sumusunod na kaisipan, ideya at opinyong inilahad
sa akda.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay
hindi magtatagal, at kara-karang mapapawi sa
balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at
pagkakaisa.

Ang kasakiman at katampalasanan ay nagaanyo ring pag-ibig kung minsan.

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibubunga


kundi tunay ligaya at kaginhawahan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan


ng pag-ibig at binubulag ng hamak na
pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang
ninanasa kundi ang ganitong kalagayan.

Ipalalagay na may tapat na nais at tatawaging


marurunong ang mabuting magparaan upang
magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na
hangal yaong marunong dumamay sa
kapighaatian at pagkaapi ng kanyang mga

kapatid.
Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng . Paghahambing
Pagpapabasa ng sanaysay na Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog. Pagsasagawa ng paghahambing sa tinatalakay na
texto. Paano nagkakatulad ang dalawang akda?

Pangkat 5 at 6: Pagpapakita ng Pagtataya

76

Pagbabahaginan tungkol sa naging epekto ng sanaysay sa


sarili.

-mga pagbabagong pangkaisipan matapos mabasa ang


sanaysay
-mga pagbabagong pandamdamin matapos
mabasa
ang sanaysay

2. Pagbabahaginan ng kinalabasan ng pangkatang diskasyon.


3. Pagbuo ng sintesis ng napag-usapan

V.

PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

Ikaapat na Araw
3. Pasusulatin ng maikling sanaysay ang mga mag-aaral batay
sa tiyak na pamantayan:
3.1 dalawang talata lamang
3.2 ang bawat talata ay may tig-10 magkakaugnay na
pangungusap
3.3 formal ang paglalahad ng mga kaisipang, ideya,
opinion at pangyayari
4. Pagpapabasa ng ilang simula
5. Pagbibigay puna ng guro sa ilang narinig.
6. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing -bahay
1.

Muling
pagbasa/pagpaparinig
sa
sanaysay.
Habang
nakikinig/nagbabasa,papipiliin ng guro ang mga mag-aaral ng mga
parirala, salita o pahayag na maaring gamitin sa pagsulat ng
sanaysay.

2.

Paglalahad ng mga piniling parirala at pangungusap. Ipapapaliwanag


ang kahulugan nito at ang dahilan kung bakit pinili.

3.

Pagpapabasa ng simula at wakas ng textong tinalakay. Pagbibigay


ng kritik tungkol sa kabisaan at kahinaan ng dalawa

4. Pagbibigay ng guro ng input ng mabuting simula at makabuluhang


wakas

77

5. Pagpapasulat batay sa mga sumusunod na pamantaya


-

3 talataan
5 pangungusap bawat talata
may kaakit-akit na simula
malawak na eksplorasyon
makabuluhang wakas
formal ang uri ng wika

6. Pagpapabasa ng ilang napasimulan


7. Pagkuha ng feedback mula sa nakinig
8. Pagbibigay ng guro ng feedback sa narinig
9. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay.

Ikalimang Araw
Pagpapahalaga sa isinulat
1. Muling pagpaparinig/pagpapabasa sa sanaysay. Habang nakikinig ay
ipababasa nang tahimik ang isinulat na sanaysay.
2. Pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang mga mag-aaral kung ano ang
nadama habang isinusulat ang akda? Bakit?
3. Papipiliin ng guro ang mga mag-aaral ng isang kamag-aral.
Pagpapalitan ng isinulat ang dalawa at bibigyan ito ng puna.
4. Pagbabahagiin ang ilang mag-aaral tungkol sa naging palitan ng puna.
5. Pagbibigay-reaksyon ng guro.
6. Pagbibigay ng guro ng huling input tungkol sa paraan ng paglalahad
sa sanaysay.

78

VI.

TAKDANG GAWAIN ( KUNG KAILANGAN LAMANG)

Tekstong Babasahin
ANG PAG-IBIG
(Emilio Jacinto)

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na


gaya ng pag-ibig.
Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang
Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pagibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig.
Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang
tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.
Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at karakarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa,
at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at
tinangay ng hanging mabilis.
Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa
mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan.
Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig
kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na
kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging
tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga
bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.
Ang pag-ibig wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng
matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak
na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging
dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.
Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang
mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili
lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino
ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang
matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo
ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa
kanyang kahinaan.
Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran
hanggang sa tayoy mahikayat na silay bahaginan ng kaunting kaluwagan ang
79

ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating


buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin
kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?
Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at
kaginhawahan. Kailanpamat sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at
ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat
hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yamat
bulaang karangalan.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na
pag-ibig!
Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang
magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng
matuwid.
Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng
hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang
ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan,
pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan.
Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung
mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang
kahinaan at karupukan.
Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?
Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at
kabuhayan, at kung nagkakaisa nat nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay
nagiging maaagang pasanin, at ang munting ligayay matimyas na nalalasap.
Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi
nakadarama ng tunay na pag-ibig.
At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at
mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo
kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong inat mga kapatid?
Hindi, pagkat silay iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampu
ng buhay kung silay nakikitang inaapi ng iba.
Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang
tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay
ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.
Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili
ang magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawaging
marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at
ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng
kanyang mga kapatid.
80

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa
inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang
muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan
ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

Tekstong Gagamitin sa Paghahambing


ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG
(Andres Bonifacio)
ITONG KATAGALUGAN na pinamamahalaan ng unang panahon ng
ating tunay na mga kababayan iyaong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito
ang mga Kastila ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawahan.
Kasundo niya ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ang mga taga Hapon, silay
kabilihan at kapalitan ng mga kalakal. Malabis ang pagyabong ng lahat ng
pinagkakakitaan, kayat dahil ditoy mayaman ang kaasalan ng lahat, batat
matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang
pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na
nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na di umano, tayoy aakayin sa lalung
kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala
ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man
silay ipinailalim sa talagang kaugalian ng mga Tagalog na sinaksihan at
pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa
na kumuha ng kaunting dugo sa kanilang mga ugat, at yaoy inihalut ininom nila
kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian.
Itoy isang tinatawag na Pacto de Sangre ng haring Sikatuna at ni Legaspi na
pinakakatawan ng hari sa Espanya.
Buhat nang itoy mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong daang taon
mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating
pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayuk-dukan;
iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na
ayaw pumayag na sa kanilay pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa
mga Intsik at taga-Holanda ng nagbalang umagaw sa kanila nitong katagalugan.
Ngayon sa lahat ng itoy ano sa mga ginawa nating paggugol ang
nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating
pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan
ng ating
paggugugol! Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at
mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayoy lalong gigisingin sa kagalingan
ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak asal, pinilit na sinira
ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling
pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating
Bayan; at kung tayoy mangahas humingi ng kahit na gabahid na lingap, ang
nagiging kasagutan ay ang tayoy itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na
anak at, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas
81

sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karaka-rakang


nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan;
ngayong lagi nang ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na
daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, balot
mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na
Kastila; ngayon tayoy

malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina na nakitil na buhay ng anak sa


panangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad
ng isang kumukulong tingga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating
pusong nagdaramdam; ngayon lalut lalo tayong nabibiliran ng tanikala ng
pagkaalipin, tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan.
Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katwiran na sumisikat sa
Silanganan ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan
ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niyay tanaw sa ating mga
mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng
katwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong
kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran ang
tayoy umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.
Itinuturo ng katwiran ang tayoy magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala at
nang tayoy magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating
Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan;
panahon ng dapat nating ipakilala na tayoy may sariling pagdaramdam, may
puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon ng dapat simulan ang
pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing
na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga
Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat
kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumuntuntong tayo at nabibingit sa
malalim na hukay ng kamatayan na sa atiy inuumang ng kaaway.
Kaya! Oh mga kababayan! Ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang
igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na
magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.

82

Ikaapat na Taon
Panunuring Pampanitikan
1 Linggong Sesyon
I.

PAKSA/MGA KASANAY/MGA KAGAMITAN


Paksa

:
Pagbasa/Pagsusuri sa Novelang
Asyano sa
Teoryang Eksistensyalismo
Tatalakaying Genre
: Novelang Cambonian
Halimbawang Teksto
: Mabuhay ka, Anak ko ( bahagi)
ni Pin Yathay
salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mga Kagamitan
: globo mapa, larawan, sipi ng texto
Kasanayang Pampanitikan
: Pagkilalang pantauhan batay sa sa
teoryang eksistensyalismo
Kasanayang Pampag-iisip
: Pagsasa-ayos/Pagsalungat sa saloobin
ng tauhan
Halagang Pangkatauhan
:Pagpapakita ng katatagan at matibay na
paninindigan sa mabibigat na pagsubok
ng buhay

II.MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)


A .Naisasalaysay ang mga narinig o nabasang mga karanasang may relasyon
sa mga pangyayaring nasa novela
B

Mga layuning pampagtalakay


B.1 Pagsusuring Panglingwistika
Napipili ang mga salitang maaring iugnay sa isang pangunahing salita
B.2 Pagsusuring Pangnilalaman
Nasusuri ang tauhan batay sa kanyang
kilos,paniniwala,gawi,paninindigan.
B.3 Pagsusuring Pampanitikan
Nabibigyang puna ang mga saloobin/mithiin ng pangunahing tauhan
gamit ang teoryang eksistesyalismo

C. Naipaliliwanag ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akda.


D. Nakasusulat ng isang sanaysay na may kaugnay sa paksa novelang tinalakay
83

III.

PROSESO NG PAGKATUTO

Unang Araw
2. Mga Panimulang Gawain
2.1 Pagganyak ( pangkatang gawain )
Pangkat 1 at 2 : Pagtalakay sa isang balitang may
kinalaman sa digmaan sa Combodia
Pangkat 3 at 4 : Paggamit ng globo upang maipakita ang
kinalalagyan ng Cambodia
Pangkat 5 at 6 : Pagbibigay ng mga dati ng kaalaman
tungkol sa bansang Cambodia
1.1A. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa pangkat
1.1B. Pagkuha ng iba pang feedback mula sa mga nakinig
1.1C. Pagbibigay ng guro ng feedback tungkol sa talakay
2.2 Paglalahad
1. Pagbibigay ng hinuha tungkol sa pamagat. Mabuhay Ka, Anak
Ko.
-

tungkol saan kaya?


ano ang nais sabihin?

2. Pagbubuo ng interpretasyon ng pamagat


-

isang drowing
isang awit
isang talataan
isang skit

3. Pagbabahagi ng inihandang gawain


4. Pagbubuod ng texto batay sa mga sumusunod:
PIN YATHAY

CAMBODIA

84

KHMER ROUGE
5. Pagbabahaginan bilang pagpapalalim sa ginawang pagbubuod
6. Pagbibigay ng sintesis
Ikalawang Araw
Pagtalakay sa Paksa (Pangkatang Gawain)
1. Pakikinig ng nakateyp na buod ng texto
2.

Pangkatang Pagsusuri
Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika
b.1.1 Pagtukoy sa mga salitang may kaugnayan sa
pangunahing salita
Sihanouk

Rebolusyonaryo

Concentration Camp

CAMBODIA

Machine gun

KHMER ROUGE

Lon Nol

Pangkat 3 at 4: Pagsusuring Nilalaman


-Pagpapakita ng mga eksena (Isasakilos) sa buhay
ni Pin Yathay kaugnay ng mga krisis na kanyang
pinagdaan noong digmaan sa Cambodia.
-Pagsusuri sa tauhan batay sa kanyang kilos,
paniniwala, gawi, paninindigan.
85

Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan


- Paglalarawan sa pangunahing tauhan batay sa
-pakikipagsapalaran
-pagdedesisyon
-kalagayan sa lipunan
- Paniniwala/Di paniniwala ng pangunahing tauhan
3. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa pangkat.
4. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig
5. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback
6. Pagbubuo ng sintesis
Pagbubuo sa pangungusap upang magbigay ng isang
kaisipan
a. nabatid kong
b.napatunayan kong
c.ikinalulungkot ko ang
d.kinatuwa ko ang..
e. naniniwala akong..

IV. EVALWASYON
Ikatlong Araw
1. Muling pagpaparinig ng nakateyp na buod ng texto
2.

Pangkatang pagsusuri
Pangkat 1 at 2: Pagpapakita ng Pakikisangkot
Pag-uugnay ng mga karanasan sa akda sa aktwal
na karanasan o sa iba
- Pagkukwento sa mga pinagdaanang hirap ng
mga
mahal sa buhay noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
- Mabibigat na krisi na nararanasan at
napagtagumpayan

86

Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng Paghahambing


Pag-uugnay sa texto sa iba pang textong binasa
- kasaysayan
- tauhan
Pangkat 5 at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya
Pagbuo ng salawikain batay sa efekto ng akda
sa mambabasa.
- pangkaalaman
- pandamdamin
V. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

Ikaapat na Araw
Paglikha
1. Muling pagpapabasa sa buod ng novela
2. Pagpapadrowing sa masasamang ibinubunga ng digmaan (isahang
gawain at ilalagay sa coupon bond)
3. Pagdidisplay sa pisara ng mga drowing na ginawa ng mga mag-aaral
4. Pagbibigay-reaksyon sa mga larawang iginuhit
5. Pagbubuo ng mga parirala o pangungusap na may kaugnayan sa
textong binasa
6. Pangangatwiran sa kaugnayan nito sa texto
7. Pagpapaliwanag ng guro sa magiging gawain ng mga mag-aaral
8. Pagpapasulat sa mga mag-aaral ng isang sanaysay tungkol sa
paksang: Ang Pinapangarap kong Daigdig batay sa mga sumusunod
na pamantayan:
8.1 3 talataan
8.2 5 pangungusap baw3at atalata
8.3 ginagamit ang mga nabuong pangungusap
8.4 may magandang simula
8.5 malawak ang eksplorasyon
8.6 masining na pagwawakas
87

8.7 formal ang uri ng wika


9. Pagpapabasa sa ilang napasimulan
10. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig
11. Pagbibigay ng feedback ng guro
12. Pagpapatuloy ng pagsulat bilang gawaing-bahay

Ikalimang Araw
Pagpapahalaga sa Isinulat
1. Magpaparinig ng musika tungkol sa digmaan. Habang nakikinig,
ipababasa ang isinulat na sanaysay.
2. Pagbibigayin ng reaksyon ang mga mag-aaral sa naramdaman
habang :
- sumusulat
- binabasa ang isinulat
3. Papipiliin ng kapareha ang mag-aaral. Ipababasa sa kapareha ang
isinulat. Magbibigay-kapwa ng reaksyon.
4. Pagbabahagi sa klase ng naging usapan ng magkapareha
5. Pagbibigay-reaksyon ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod:
- istilo ng pagsulat
- nilalaman
6. Pagbibigay ng guro ng karagdagang feedback sa gawain
7. Pagbibigay ng guro ng huling input tungkol sa paksang tinalakay
VI. TAKDANG GAWAIN
A. Pagtitipon ng mga kliping tungkol sa Cambodia..

88

You might also like