You are on page 1of 12

Kultura sa Asya

Rehiyon at Kultura sa Asya

Japan
Maituturing na pinakamodernong bansa sa asya ang Japan subalit napanatili nito ang impluwensya ng
relihiyon sa kanyang tradisyon .
Itinuturo pa rin sa mga Haponesa ang pagsusuot ng tradisyunal na damit nakimono at obi, ang
detalyadong ritwal ng seremonya sa tsaa at pag-aayos ng bulaklak (kilala rin sa tawag na ikebana).

Mga Babaeng nakasuot ng Kimono

Isang halimbawa ng Obi


Dinudumog pa rin ng milyong Hapones ang mga dambanang Shinto at templong Buddhist.

Templong Buddhist

Dambanang Shinto
Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilng dambana sa Ise o kung tawagin at Ise Shrine.

Ise Shrine
Nakatutuwang isipin na ang mga Hapones ay nakasakay sa pinaka-modernong sistemang transportasyon
subalit pag-uwi sa kanilang bahay ay nagsusuot ng kimono at tradisyunal na
tsinelas , nauupo
sa tatami mat , at kumakain ng pagkaing Hapones .

Vietnam
Makikita sa mga bansang Buddhist , partikular sa Timog Silangang Asya , na hindi lamang personal na
kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kundisyon ng pang araw-araw na pamumuhay.
Malaki rin ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang pambansa.Kadalasang nangunguna ang mga
mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.
Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga Vietnamese.May mga
naglalabang partidong pulitikal na Buddhist.
Isang katibayan ng pagiging aktibo ng mga buddhist sa isyung pulitikal at panlipunan ay ang tanyag na
pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963.

Ang self-immolation ni Thich Quang Duc sa Vietnam


Ginawa niya ito, katulong ang dalawang mongheng nagbuhos ng gasolinasa kanyang katawan, sa isang
abalang sangandaan sa Saigon (ngayon ay Ho Chi Min City ), mapaniil na patakaran ng Kristiyanong
rehimen ni pangulong Ngo Dinh Diem laban sa mga Buddhist sa Vietnam.

Si Ngo Dinh Diem

Sa ilalim ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa pamahalaang Kristiyano bago
naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng rehimen ang restriktong ipinataw nito sa mga Buddhist
gaya ng pagbabawal sa pagwawagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa kanila.
Sinasabing ang naturang insidente ay lalong nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga
naniniwala sa relihiyong ito.
Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa rehimeng Diem sa South Vietnam noong 1963.

India
Isa sa mga tradisyong Hindu ang sati (sutte sa ibang aklat) o ang pagpapakamatay ng balong babae sa
pamamagitan ng pagsama sa cremationo pagsunog ng labi ng asawang namatay.

suttee o sati
Bagamat ipinagbawal na ito ng pamahalaang English sa India noong 1829 pa, noon lamang 1987 isang
kaso ng sati ang naitala.
Patunay lamang na sa kabila ng batas na nagbabawal dito, patuloy parin ang ilang Hindu sa pagsasagawa
nito.
Ang pangunahing dahilan ng pagsasagawa nito ang paglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki sa
pamamagitan ng sati, pinaniniwalaang makakamtan ng asawa ang kaluwalhatiaan sa kabilang buhay.

Noong 1987, isang 18 taong gulang na balong babae, si Roop Kanwar, ang nagsagawa ng sati.wala pang
isang taong kasal nang namatay ang kanyang asawa, subalit hindi ito naging hadlang upang hindi niya
isagawa ang tradisyong ito.

Si Roop Kanwar at ang kanyang asawa

ang pagsasagawa ng sati


Dahil sa pangyayaring ito, naging maigting ang pagtatalo sa pagitang ng usapin ng tradisyon at
modernisasyon .

Inaresto ang mga tumulong sa pagpapakamatay ni Kanwar, kasama ang kanyang nakababatang kapatid
na lalaki na siyang nagsindi ng apoy.
Subalit makalipas ang siyam na taon, nagdesisyon ang korteng Indian na palayain ang mga ito sa
pamamagitan ng deklarasyong ang sati ay isang tradisyong panlipunan.

Saudi Arabia
Sa lipunang Arabo, nananatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam na may paniniwala
sa ummah o konsepto ng pagkapantay-pantay ng lahi, kasarian, o uring panlipunan.
Subalit dahil sa ilang salik, hindi ito ganap na naipapatupad sa bansang Arabo.Halimbawa, sa usapin ng
kasal, pinapayagan ang kalalakihang magkaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine.
Subalit kailangan ay mapakain niya nang pantay-pantay ang mga ito.Tila rin walang kahirap-hirap sa
lalaki na makipagdiborsyo sa kanyang asawa.
Sa usapin naman ng karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na lalaki sa ina
hanggang umabot siya sa pitong taong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili.
Kapag ang babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya mapunta sa kanyang
ama.
Subalit kung magdesisyon ang babae na magpakasal nang hindi pa natatapos ang panahon ng legal
custody, mawawalan na siya ng karapatan sa kanyang anak.
Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw ang Taliban, mas lumala ang diskriminasyon sa
kababaihan.

Isang grupo ng Taliban


Ang Taliban ay isang grupo ng mga radikal na Muslim.Dahil sa kautusanng Taliban, napilitan ang mga
babae na magsuot ng burka, ang kanilang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan.

Mga babaeng nakasuot ng burka

Bukod dito, kailangan pa nilang magsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata.
Tinanggal din ang karapatan nilang bumoto, mag-arak, magtrabaho, at tumanggap ng benipisyong
pangkalusugan.
Sa pagbagsak ng Taliban, Bahagyang nabawasan ang di-makatwirang restriksyon sa kababaihan.

Pilipinas
Kinahaharap ngayon ng Pilipinas ang mabilis na paglaki ng populasyon.
Ito ay ayon sa United Nations Polulation Fund na nagdedeklarang apat na sanggol ang ipinapanganak sa
bawat minuto simula taong 2000.
Dahil dito, tinatayang aabot sa 84.2 milyon noong 2000 ayon sa National Statistic Office (NSO). Subalit
may mga datos na nagsasabing nasa 86 milyon na ang populasyon sa Pilipinas noong 2004.
Malaking Problema ito para sa bansa, lalo na at ang sangkatlong (1/3) bahagi ng populasyon ay
kumikita ng $1 bawat araw.
Nangangahulugang ito ng kahirapan sa pamumuhay ayon sa World Bank.
Ang nasabing kita ay hindi sapat para sa isang pamilya na tustusan ang pagkain, upa, tubig, kuryente,
pagpapaaral sa anak, at iba pang pangunahing pangagailangan.

Pagdami ng Populasyon

Ayon sa Direktor ng Philippine Population Commission na si Tomas Osias, naniniwala siyang bahagi ng
solusyon ang pagpapalaganap ng kaalaman hingil sa pagpaplano ng pamilya.
May kakulangan din sa pagpapamudmod ng mga mumurahing contaceptive o mga artipisyal na
pamamaraan ng pagpigil ng pagbubuntis.

Halimbawa ng contraceptives

Isang pills na pumipigil sa pagbubuntis

Sa kabila ng mga suliraning pang-ekonomiya, maaari ding maging dahilan sa pagdami ng kasong Human
Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immune Defiency Syndrome o AIDS ang hindi paggamit ng
kontrasepsyon.
Noong 2004, tinatayang may 1,810 kaso ng HIV at AIDS ayon sa pamahalaan (9,400 kason naman ayon
sa United Nations).
Maaaring dumami pa ito dahil sa hindi malawakang paggamit ng kondom.
Noong 2003, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pagsuporta sa rhythm method, isang
uri ng pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya kung saan di magtatalik ang mag-asawa sa panahon
ng ovulation ng babae.
Ayon sa mga kritiko, ito ay hindi maaasahan na pamamaraan at mahirap sundin.
Nagmungkahi rin ang ilang mambabatas ng two-child policy upang solusyunan ang problema sa
populasyon.
Marami ang tumutol sa panukalang ito sa dahilang wala raw karapatan ang Estado na limitahan ang
bilang ng nais maging anak ng mag-asawa.
Ayon naman sa Simbahang Katoliko Romano, mangangampanya sila laban sa simumang pulitikong
magtataguyod ng artipisyal na pamamaraan ng pagpigil sa pagbubuntis.
Naniniwala ang marami na hangga't tinututulan ng Simbahang Katoliko ang programa sa pagpaplano ng
pamilya gamit ang kontrasepsyon, asahang mgapapatuloy ang paglobo ng populasyon.

You might also like