You are on page 1of 77

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

(Unang Linggo)

The Spaniards gathered 7,000 islands, gave the thing a name, and made themselves
masters of the place. For 300 years, the natives resisted fiercely, singly at first, then
in larger and larger groups. And lost each time. In typical islander fashion, it was
no big deal.

1200, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikang


Butuan.
1380, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol]
upang magturo ng Islam sa Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sa
kanluran ng Mindanao.
1450, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [sultanate] ng
Muslim.

Saan Mula Ang Lupa?


And then the Americans came.
Iyan ang dati at lumang kasaysayan ng Pilipinas, naituro at sa kasawimpalad ay
itinuturo pa sa lahat ng Pilipino. Laging English, laging nagsisimula sa pagdating ng
mga Espanyol, laging tungkol sa mga dayuhan, laging walang katuturan sa mga
katutubo. Laging laos, simulat simula pa.
Kahit gaanong tapat at taos-puso, hindi mahuhuli sa ibang wika ng Once upon a
time ang kalooban ng Pilipino, ang pag-unawa at pakikipag-isa ng damdamin sa
mga tao ng nakaraan na, sa huling tuusan, ay ang buod at puso ng anumang
kasaysayan. Kaya nang mabalita na Tagalog, o Pilipino, o Filipino (whichever) ang
gagamitin na sa pagtuturo sa mga paaralan, masigla ang naging paghanap ng
kasaysayan ng Pilipinas na sulat sa Tagalog, o Pilipino, o Filipino (alinman) dahil sa
pag-asang mababasa na, sa wakas! ang karanasan ng bayan mula sa paningin ng
katutubo, hindi sa wika (at damdamin) ng dayuhan.
MAHIGIT 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati
ay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat,
46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro cuadrado. Sa dadalawa,
Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay
kinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng
Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan.
Mga Bakas Ng Lumipas (I)

26,000 - 24,000 SN, may tao na sa Pilipinas.


9,000 - 8,000 SN, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [Austronesians].
3,300 SN, nagsimulang humiwalay ang ibat ibang wikang katutubo mula sa
isang ninunong wika.
2,100 SN, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobo
mula sa humiwalay na mga wika.
600, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon
pa bago nagkalakal ng tunay na porselana.
1001, dumating sa China ang mga sugo [ambassadors] mula Butuan.

ANG alikabok na tinatapakan, nasisinghot at nagpapadumi ng damit ay galing sa


sahig ng dagat, nalukot paitaas nang mabundol ng sahig ng Pacific Ocean. Mula
naman ang malalaking bahagi ng mga pulo sa bulwak ng mga bulkan sa mga butas at
siwang ng tipak na lupa na lumulutang sa kumukulong bato. Dating akala, kasama ng
Pilipinas ang Malaysia at Indonesia sa munting tipak na lupa na iniipit ng 3
naglalakihang tipak:
1.
2.
3.

Sahig ng dagat Pacific, sa silangan;


Tipak ng Australia at India, sa timog at kanluran; at
Lupa ng China at Japan, sa hilaga.

Ngunit napagtanto nitong 1983 lamang na ang Pilipinas mismo ay 3 o higit pang
magkakadikit na tipak na nagkikiskisan at umuusad sa 3 o higit pang
makakasalungat na tungo.
Bakit umuusad?
Ang sapantaha ng mga nag-agham, batay sa mga katibayang nausisa mula nuong
1950s, ang kumukulong bato ang siyang nagpapalutang at nagpapagalaw sa iba't
ibang lupain ng daigdig - animo'y takip ng palayok o caserola na itinutulak at
pinaiiktad ng sumusubong sinaing. Ang nasukat na pinakamabilis na usad, hindi sa
Pilipinas, ay 15 sentimetro o 6 pulgada sa santaon, ang pinakamabagal ay 2
sentimetro o kulang-kulang isang pulgada, santaon; karaniwang usad ay kasing bilis
ng tubo ng kuko sa daliri, daw.
Patuloy ang gitgitan ng mahigit 12 piraso na natuklasang bumubuo sa balat ng
daigdig, pati na sahig ng mga dagat.
Maraming lamat at butas dahil sa salyahan, at
duon bumubulwak ang kumukulong bato na
nakabalot sa buong daigdig sa ilalim ng mga
tipak. Ang tipak ng Pacific Ocean ang
kinikilalang pinakamapanganib sa
kasalukuyan; tinawag na sinsing na apoy
[ring of fire] dahil sa dami ng bulkan at

lindol sa paligid nito. Kasama ang Pilipinas sa sinsing, kasama sa pagsabog ng


bulkan, kasama sa lindol.

Maikling Deskpripsyon ng Pilipinas


Sukat: 300,400
Bilang ng Pulo: 7,107 islands
Populasyon : Humigit kumulang sa 87 Milyon (estimate: 2005)
Kapal ng Tao : 295 katao gada 1 sq. km.
Nakatira sa Kabayanan : 61% (2003)
Nakatira sa Kabukiran : 39% (2003)
Inaasahang mabubuhay ng : 69.9 taon (2005)
Bilang ng sanggol na namamatay pagkasilang : 24 sa 1,000 pagsilang
Pursyento ng maypinagaralan : 96% (2005)
Lahing Pinagmulan : Malay race
Uri ng Gobyerno: 6 na taong pamamahala sa ilalim ng isang Presidente
Pambansang Salita: Filipino, Sinasalita ng karamihan - English
Relihiyon : Katoliko (83%), Protestante (9%), Islam (5%), Iba pa (3%)
Pangunahing Syudad : Manila, Baguio, Cebu, Davao
Sistemang pang Edukasyon: 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa
high school, 4 na taon sa kolehiyo
Semestre : Unang semestre, simula Enero hanggang Octubre
Ikalawang semestre, simula Nobyembre hanggang Marso
Bakasyon: Simula Abril hanggang Mayo
Ang Mga Naging Pangalan ng Arkipelago:
- Nuong panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga dayuhang
Chino ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas. Nuong panahon ng
pamumuno sa China ng pamilya Sung at Ming, taong 900 1300
AD, tinawag na Mait (pulo ng ginto) ang ilang pulo ng Pilipinas,
partikular na ang Mindoro.
- Nuong 1521, panahon ng pagdating ni Fernando Magallanes,
pinangalanan niya ang mga kapuluan bilang Islas de San Lazaro
(Mga Kapuluan ni San Lasaro)
- Ang pangalang Pilipinas ay nanggaling sa salitang Kastila na
Filipinas, na ibinigay ng isang Kastilang manlalayag na si Ruy
Lopez de Villalobos nuong 1543AD sa pagpaparangal sa nuon ay
batang prinsipe ng Espana na si Prinsipe Felipe II.
- Nuong taong 1751, si Padre Juan J. Delgado, isang Hesuitang
manunulat ng kasaysayan, ay tinawag ang Maynila na Perlas ng
Silangan dahil sa ito ay naging isa sa mga sentro ng kalakalan sa
Asya kahit nuong bago pa man dumating sa bansa ang mga kastila.
Sa kanyang huling liham, nuong 1896, araw bago maisagawa ang
hatol na kamatayan, tinawag ni Dr. Jose Rizal ang kanyang inang
bayan bilang Perla del mar de Oriente (Mutyang Mahalaga sa
Dagat Silangan).

Ang pangalang Filipinas ay unang lumitaw sa isang mapa na


nalimbag sa Venice nuong 1554 sa pangunguna ni Battista Ramusio,
isang Italyanong heograpiko. Ang Kastilang salita na Filipinas ay
nuong lumaon ay napalitan ng pangalang Philippine Islands sa
panahon ng pamamalakad ng Kolonyang Amerika noong 1898.
Napalitan ito ng pangalang Republika ng Pilipinas nuong kinilala
ang kanyang kalayaan nuong 1946.
Isang pangarap na palitan ang pangalan ng Pilipinas:
Si Artemio Ricarte, isang Katipunang heneral, ay ninais palitan ang
pangalan ng Pilipinas ng Rizaline Republic.
Si Ferdinand Marcos ay nagmungkahi na gawing Maharlika
(pangalan ng kanyang grupo na kumalaban sa mga hapon nuong
Ikalawang Digmaang Pangdaigdig) ang pangalan ng Pilipinas.

Linguahe at Dialekto sa Pilipinas:


Ayon sa pagsasaliksik ng isang Americanong linguistiko na si Richard
Pitman, tinatayang nasa 55 uri ng katutubong linguahe at 142 dialekto ang
matatagpuan sa Pilipinas. Lahat ng katutubong salita ay base sa Malay at
Polinisyang salita. Ang pursyento ng mga pangunahing linguahe sa Pilipinas
ay:
1. Cebuanos Cebu, Western Leyte, Bohol, at Eastern Negros,
Zamboanga at iba pa. (24.39%) region 7, 9, 10 at ilan sa 11
2. Tagalog Central at Southern Tagalog Region (23.82%)
3. Ilocanos Ilocos at La Union (11.14%) karamihan ay sa region 1
4. Ilonggos or Hiligaynon Western Negros, Southern Mindoro, at
Panay Island (9.99%) region 6 at ilan sa 11
5. Bicolanos Bicol Region <Albay, Camarines Norte, Camarines Sur,
Catanduanes, Masbate, at Sorsogon> (6.96%) region 5
6. Waray-waray Samar and Eastern Leyte (4.62%) region 8
7. Ibanags (Cagayanos) Cagayan (3.80%)
8. Pampanguenos (Kapampangans) Pampanga (3.43%)
9. Zambals Zambales (2.70%)
10. Pangasinenses Panggasinan (2.26%)
11. Iba pa (6.89%)
Ang Ingles ang isa sa pinaka gamit na salita sa Pilipinas lalo na sa larangan
ng politika, edukasyon at komersyo. Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa sa
mga bansang hindi Ingles ang pananalita subalit isa sa pinaka gumagamit ng
Ingles bilang salita.
Ang Pambansang Salita ng Pilipinas: Ipinahag at ipinatupad ni Presidente
Manuel Quezon ang Tagalog nuong 1935 bilang pambansang salita ng
Pilipinas sa pagaakalang ang pagiisa ng salita ay mahalagang aspeto sa
pagunlad sa politika at ekonomiya.
(Ikalawang Linggo)

Ang Mapa ng Pilipinas:


a. Ang mga Rehiyon (17 Rehiyon)
b. Ang mga Probinsya (81 Probinsya)
Ang Edukasyon sa Pilipinas: Ang mga Pilipino ay matindi ang
pagmamahal sa edukasyon. Ang mga magulang sa Pilipinas ay talaga
namang nagtatrabaho ng husay mapagaral lang ang kanilang mga anak. Sa
Pilipinas, halos humigit kumulang sa 50 colegio, pribado man o pam-publiko.
Ang colegio na may pinakamatandang kasaysayan sa Pilipinas ay ang Santo
Tomas (UST) na itinatag nuong 1611, mas matanda pa sa Harvard University
na itinatag nuong (1636) na sinasabing pinakamatandang eskwelahan sa
kasaysayan ng Estados Unidos. Dahil sa mga eskwelahang itinatag sa
Pilipinas, wala sa 10% sa kasalukuyang panahon ang bilang ng walang
pinagaralan sa Pilipinas.
Para sa Madaling pagpapatakbo ng bansang Pilipinas, hinati ito sa 16 na
rehiyon at 79 na probinsya. Bawat probinsya ay pinamumunuan ng
gobernador na inihahalal ng taong bayan para mamuno sa loob ng tatlong
taon. Ang mga Rehiyon ay ang National Capital Region (NCR), na binubuo
ng buong kamaynilaan; ang Cordillera Administrative Region (CAR), isang
semiautonomous na rehiyon ng mga tribo sa kabundukan ng hilagang Luzon;
at ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), na binubuo ng
apat na probinsya sa Mindanao. Ang ARMM ay isang quasi self-governing
region na binuo nuong 1989. Meron itong inihalal na legislative assembly at
pinamumunuan ng gobernador na may kapangyarihang magpairal ng batas
Ang Unang Tao
ANG lawin, matapos awayin ang panginoon ng
dagat, ay lumapag sa isang pulo upang
magpahinga. Namataan niya ang isang malaki at
matayog na punong kawayan. Pinagtutuka, at
nabiyak ang kawayan. Lumabas mula sa biyas si
Maganda at si Malakas, ang unang tao sa
Pilipinas.

Ang mga tao na unang nagka-katawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon,
araw-araw at habang-buhay, ay tinawag na mga unang taong nakatindig [homo
erectus], natuklasan sa 2 bahagi ng Asia at tinawag na taong Java [Java Man] at
taong Peking [Peking Man].

Unang natuklasan
ang bungo ng taong Java
nuong 1861
malapit sa Trinil, sa Java,
Indonesia, ni
Eugene Dubois at
inakalang
700,000 taon ang tanda.
Pagkaraan ng 100
taon, nuong 1969,
natuklasan ang
isa pang bungo ng taong
Java sa Sangiran naman, sa Java rin, at natantong 1.7 milyon taon ang tanda. Ang
taong Peking ay inakalang kulang-kulang kalahating milyong taon ang tanda
matapos natuklasan ang bungo sa China, malapit sa Beijing, ngunit hindi matiyak
sapagkat nadurog ang bungo sa bombahan nuong nakaraang digmaan. [Nasabing
babae daw ang bungo na natagpuan, kaya ang dapat daw itawag ay Peking Woman,
hindi po biro.]
May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa Tabon
[Tabon cave], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN.
Sabi ng mga nag-agham sa ninuno [anthropologists] na
sila ay taong kasalukuyan [homo sapiens] at hindi mga
unang tao. Maaari daw na kauri sila ng mga unang
katutubo o aborigines ng Australia, ang Koori na dumayo
mula Asia 60,000 taon nakaraan, at ng Japan, ang Ainu na
dumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing
10,000 taon] SN. Ang katunayan ay may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kung
hindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam kung ano sila,
maliban sa hindi sila Negrito.

Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas?


Malamang. Baka naman hindi, maaaring may
ibang nauna. Ang pinakamatandang katibayan ay
ang tao sa Tabon, kaya masasabing 'katunayan'
na hindi Negrito ang unang tao sa Pilipinas.
Ngunit hindi pa matiyak kung kailan dumating
ang mga Negrito, kaya hindi pa masasabing
'katotohanan' ito. Ang mga gamit na bato na
natuklasan sa Cagayan Valley ay maaaring ilang
daan libong taon ang tanda. Negrito ba o hindi
ang may gawa?
Ang dating sapantaha ay nakarating sa Pilipinas
ang Negrito nuong huling tag-ginaw [Ice Age] 30,000 taon hanggang 18,000 taon
SN, nang bumabaw ang dagat at nakalakad ang tao sa lupang lumitaw mula Vietnam,
Indonesia at Malaysia. Iyon ang sapantaha dahil akala walang alam ang Negritong
magbangka o maglakbay sa dagat. Maaaring totoo ang sapantaha, maaaring mali ang
akala. Marunong gumawa ng bangka at sagwan ang mga aborigine sa New Guinea
at Melanesia, gamit ay palakol at askarol na batong pinatulis, at marunong

mamangka nang maghapon. Marunong din kaya ang mga Negrito na gamit din ay
bato, at kailan natuto?
Ang katotohanan ay walang may alam kung kailan o kung saan nanggaling ang
Negrito. Kung tutuusin, walang patunay na may Negrito o
nagkaroon kailan man ng Negrito sa Pilipinas, maliban sa
nasa Pilipinas sila. Ngayon at noong matagal na. Walang
patunay sapagkat mahirap matunton sa sukal ng gubat
ang mga gamit nila, ang pamumuhay nilang palaboylaboy, walang bahay o pirmihang tirahan, o libingan ng
patay.

Walang sukat ang poot ng mga Espanyol nang matuklasan nilang mga Muslim ang
ilang Hanuno nuong ika-16 sandaan taon [16th century] at pinuksa nila hanggang sa
looban at bundukin ng Mindoro. Napasamang naapi at nalipol ang lahat ng mga
Mangyan at Negrito sa matagal na digmaan. Ngayon, patuloy pa rin ang pagkaapi at
pagtataboy sa mga Mangyan ng mga dayo mula sa Luzon at Visayas, at ang pagsira
ng mga loggers sa kanilang mga kaingin at pananim sa bundok.

Sila ang pinaka-hindi-pinansin sa lahat ng tao sa daigdig;


sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang pangkatpangkat [walang tribo ang mga Negrito; angkan-angkan
lamang ang pagsasama-sama nila]. Ang Aeta ng
Zambales, Cagayan at Isabela, ang Agta, Arya, Ata at
Ati ng Panay at Negros, ang Baluga, ang Batak ng
Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanao. Ngunit hindi pa nagtagal, sila ang
pinakamadanak sa maraming pulo, gaya ng Panay [pinangalanan mula sa tawag nila
sa isang halaman, ang aninipay] at ng Negros, pinangalan ng ganuon ng mga
Espanyol dahil sa dami nila duon nuon.
Magkakaiba ang kanilang gawi; ang mga Aeta ng Cagayan at Isabela ay mapusok,
ang mga Batak ng Palawan ay kimi, maraming bulaklak sa kawatan at patagu-tago
sa gubat. Malamang magkakahiwalay at magkakaibang panahon, daan-daan o libulibong taon ang pagitan, ang pagdating nila sa Pilipinas.

Sinasabing dinatnan ng mga Mangyan ang mga Negrito sa


Mindoro 600 - 700 taon SN at, naitaboy man nila mula sa mga
dalampasigan, hindi naman nila inapi at kuway
nakipagkalakal pa, lalo na ang mga gintong iniluluwas ng mga
Negrito mula sa bundok. Ang ginto ang naging batayan ng
kalakal ng mga Mangyan sa mga nagpapabalik-balik na Intsik
nuong kaharian ng Sung at ng Ming nuon ika-13 sandaang
taon [13th century]. Hinayag ng mga Intsik ang kalakal sa
pulo na tinawag nilang Mait, ang pulo ng ginto o Min-o-Lo.
Ang kalakal naman ng Intsik, lalo na ang kanilang mga banga
at mangkok, ang umakit sa mga taga-ibang pulo na
magkalakal sa Mindoro, pati na marahil ang mga Hanuno,
kaya masagana ang mga Mangyan hanggang dumating ang mga dayong Muslim na
nagtaboy sa kanila sa bundok, gaya ng nangyari sa mga Negrito dati sa iba't ibang
bahagi ng Pilipinas.

Ilan sa mga Katutubong Grupo (Indigenous Groups) na


matatagpuan sa Pilipinas
Sa Apayao
Sa Palawan
1. Apayao o Isneg
13. Tagbanuwa
Sa Kalinga
14. Batak
2. Kalinga
15. Tagabato
Sa Benquet at Mountain
16. Taut-bato
Province
17. Molbog
3. Ifugao
18. Jama-Mapun
4. Igorot
Sa Surigao del Norte
5. Ibaloy
19. Mamanuwa
6. Kankanay
20. Kalibugan
7. Bontok
21. Subanun
8. Benguet
Sa Zamboanga del Sur
Sa Isabela
22. Samal
9. Gadang
Sa Maguindanao,
Sa Zambales
Cotabato at Sultan
10. Negrito o Aeta
Kudarat
Sa Quezon
23. Manobo
11. Ken-uy
24. Tiruray
Sa Mindoro
25. Iranun
12. Mangyan
26. Tboli
a. Alangan
Sa Davao Oriental
27. Mandaya
b. Bangon
Sa Davao del Sur
c. Batangan
28. Bagobo
d. Buhid
29. Blaan
e. Iraya
Sa Basilan
f. Nauhan
30. Yakan
g. Ratagnon
Sa mga pulo ng Sulu
h. Tagaydan
31. Tausug
i. Hanuno
32. Buranun
Sa Karagatan ng Sulu
33. Badjao

(Ikatlong Linggo)

Labingisang Pinakamalalaking Isla sa Pilipinas

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.

Luzon
Mindanao
Panay
Samar
Negros
Palawan
Mindoro
Leyte
Cebu
Bohol
Masbate

Tatlong mahahabang kabundukan na matatagpuan sa Luzon:


1. Kabundukan ng Sierra Madre simula Appari hanggang Quezon,
siya ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas
2. Kabundukan ng Cordillera simula Ilocos Norte hanggang La Union
at Benguet
3. Kabundukan ng Caraballo simula Nueva Vizcaya hanggang Nueva
Ecija

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Humigit kumulang sa 50 Bulkan ang matatagpuan sa Pilipinas ,


ang pinaka aktibo ay ang mga sumusunod:
Iraya sa Batanes
Pinatubo sa Zambales
Taal sa Batangas
Banahaw sa Quezon
Mayon sa Albay
Bulusan sa Sorgoson
Kanlaon sa Negros
Hibok-hibok sa Camiguin
Makaturing sa Lanao
Apo sa Davao del Sur

Bundok na may bukal ng mainit na tubig:


1. Mt. Makiling sa Laguna
2. Mt. Bulusan sa Sorsogon

1.
2.
3.

Iba pang mahahalagang lugar sa Pilipinas:


Banaue Rice Terraces sa Ifugao
Baguio City sa Benguet
Ang Chocolate Hills sa Bohol ay binubuo ng libong bulubundukin.
Kapag tag-araw, simula Pebrero hanggang Mayo, nagkukulay
chocolate ang mga bulubundukin habang natutuyo ang mga damo
na tumubo dito.

4. Cagayan River na may haba na 513 km. ay ang pinaka mahabang


ilog sa bansa. Dumadaloy ito mula sa bundok Caraballo malapit sa
Nueva Ecija papuntang Babuyan Channel sa may hilagang Luzon.
5. San Juanico Strait na matatagpuan sa pagitan ng Samar at Leyte
ay tinuturing na pinaka makipot sa buong mundo.
6. Tubbataha Reef sa Tubbataha ay isang lugar sa Pilipinas na
nakatamo ng pangalang World Heritage Site.
Panahon ng Pakikipagugnayan: (900 AD-1300AD) ito ay panahon ng
pakikipagkalakalan ng mga tao sa Pilipinas sa mga karatig bansa
Nuong panahon ng Pakikipagugnayan, ang pangunahing salita na ginagamit
ay ang Malay. Kaya naman hindi katakatakang ang ilang salita sa Filipino ay
may pagkakahawig sa salitang Malay lalot higit sa salitang tumutukoy sa
Komersyo. Ang mga halimbawa nito ay:
upa (payment), lako (peddle), gusali (hall), tunay (real), biyaya (grace),
aral (learning), atsara (pickles), patis (brine-salty water), puto (native
cake), kalan (stove), pinggan (plate), pagsamba (adoration)
Ang mga kaugalian, produkto at ilang tradisyon ng mga Pilipino ay
naimpluwensyahan din ng kulturang Hindu, tulad ng:
1. pagbibigay ng dowry
2. mga pamahiin tulad ng pagkain ng kambal na saging na maaaring
magresulta sa kambal na anak, at ang paglilinis ng mukha ng pusa
na nagpapahiwatig na may bisitang darating.
3. ang uri ng pananamit tulad ng putong at sarong na nahahalintulad sa
puttee at sari ng mga Indian.
4. mga uri ng bulaklak tulad ng sampaguita at champaka
5. prutas tulad ng Indian mango at nangka
6. mga gulay tulad ng ampalaya, patola, at malunggay
7. Hindung mga salita tulad ng:
Ama (father), nanay (mother), asawa (wife or husband), halaga
(price), kalapati (dove), kuta (fort), sutla (silk), saksi (witness), tala
(star), raha (king), sandata (weapon), maharlika (noble)
Ang mga minanang salita naman sa mga Intsik ay may kinalaman sa
pamilya tulad ng:
- ate (big sister), kuya (big brother), suki (friend), gunting (scissors),
hiya

(Ikaapat na Linggo)


1.
2.
3.
4.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

Mga Tradisyonal na Pampamayanang Pilipino


sa Islam nanggaling ang sultanatong uri ng gobyerno, kasama sa
mga titulong pangpulitika at maharlika ay ang:
sultan (pinakamataas na pinuno)
raja muda (tagapagmana)
dayang (prinsesa)
kali (hukom)
ang sunod sa hanay ng mga pinuno at mamayan base sa
kayamanan, impluwensya at pribilehiyo ay ang:
datu o namumuno
maharlika o pamilya ng namumuno
timawa o pangkaraniwang mamamayan
alipin o ang tagapaglingkod
iba pang hanay sa lipunan ay binubuo ng:
umalahokan isang tagapagbalita
anito ninuno
babaylan pari na may mataas na antas
mangkukulam pari na may mababang antas

Ang Islam ay dinala sa kapuluan ng mga mangangalakal na Indones. Ilang


taon bago dumating ang mga kastila, ang Islam ay naitaguyod na sa
kapuluan ng Sulu, at lumaganap sa Mindanao na umabot sa Maynila nuong
1565. Subalit kahit na ang Islam ay nakarating sa Luzon, ang pagsamba sa
Anito ang sya paring ginagawa ng karamihang katutubo sa kapuluan. Ang
mga migranteng Muslim na dumating sa Pilipinas ang syang nagpakilala ng
pampulitikang konsepto ng mga teritoryong pinamumunuan ng isang raja o
sultan na kung saan ay may kapangyarihan syang higit kaysa sa datu.
Tinatayang nasa 500,000 ang mga taong naninirahan sa mga barangay sa
buong kapuluan ng Pilipinas nuong panahon ng pagdating ng mga Kastila sa
Pilipinas.
Visaya: Mga Takas-Hari
Lalaki: Pahaloka ko, Inday!
Babaye: Halok lang sa uban!
- Awit Cebuano
AYAW magpahalik si Inday, sa iba na lang daw
humalik!
Ayaw din ng mga Visaya na sumamba sa Buddhism mula
sa India na pinairal sa kaharian ng Sri Vijaya sa
malaking pulo ng Sumatra, sa Indonesia, mula nuong 650
hanggang 1290 AD. Nuong kalawakan ng kanilang
kaharian, sakop ng mga Vijaya ang buong Sumatra at ang kanluran ng katabing pulo

ng Java, pati ang ibat-ibang bahagi ng Malaysia, timog Thailand, at ang kanlurang
Borneo, matapos puksain ng kanilang malaking sandatahang dagat [navy] ang mga
mandarambong at mga magdaragat sa mga pook na iyon.
Pilit nilang pinadadaanan ang lahat ng barko at bangkang nagkakalakal sa
Palembang, ang kanilang himpilan, upang magbayad ng buwis. Pilit din nilang
pinasasamba ang mga sakop sa mapagpayapang Buddhism upang mapigil ang
anumang damdaming mag-aaklas ng mga tao. Ang mga ayaw sumamba o magbayad
ng buwis sa kalakal ay tumakas papuntang Visayas, malayo at hindi abot ng
sandatahang dagat ng mga Vijaya.
Nang mawasak ang Sri Vijaya ng mga taga-Indonesia sa Kediri, sa katabing pulo ng
Java, nagkagulu-gulo at muling nagtakasan ang tao. Naiba, ang mga nagsitakas at
nakarating din sa Visaya ay ang mga Vijaya naman na umiiwas sa pagsakop ng mga
taga-Java, na nagtayo ng kanilang kaharian, ang Majapahit nuong 1292 hanggang
1478. Naging matumal ang pagsamba ng Buddhism ngunit ipinagpatuloy ng mga
Majapahit ang paggamit ng mga hiram na gawi, salita at parangal mula sa India,
gaya ng rajah at maharlika, upang maging katangi-tangi sa mga pangkaraniwang
tao. Damdamin nilang nakakatulong ito sa pagpapatahimik sa mga nasakop na mga
tagapulo, at sa pangingikil ng buwis na kinabubuhay nila. Patuloy na naglayasan ang
mga ayaw pasakop at magbuwis, pami-pamilya, angkan-angkan at pangkat-pangkat,
dala pa mandin ang mga hiram na gawi mula India. Sa 800 taon ng 2 kaharian ng Sri
Vijaya at Majapahit, kumalat ang mga takas sa Visayas at ibang bahagi ng
Pilipinas, nauso ang rajah-rajah at datu-datu.
Inaangkin ng mga taga-Cebu na sila ang tunay na Visaya sapagkat "dalisay" daw
ang salita nilang Sugbuanon o Cebuano, hindi nahaluan ng ibang wika gaya ng
Waray na Cebuanong nahaluan ng Bicolano, at ng Ilonggo na Cebuanong hinaluan
ng Tagalog. Inaangkin din nila na Cebu ang una at pangunahing pinuntahan ng mga
takas mula Vijaya sapagkat sila ang pinakamatagal nang Visaya.
Ang Bohol daw ay maraming may wika at gamit ng mga Bukidnon, at dati rin daw
may mga Bukidnon sa Negros. Ang Panay naman daw ay sakop ng maraming
Karay-as at Aklanon, mga tao na higit na matagal na sa Pilipinas kaysa sa mga
Visaya.
Malamang mula sa Indonesia ang mga nanirahan sa Ormoc, Leyte, pinatibayan ng
mga gintong palamuti at alahas na natuklasan ng mga nag-agham [scientists] duon na
hawig daw sa gawa-gawa sa Java bago umunlad ang kaharian ng Majapahit duon.
Hawig din daw ang isang kuwintas sa mga alahas ng mga unang tao sa Batanes at sa
Luzon, katibayan na nakipag-ugnay ang mga dayo sa mga katutubo duon.
Nakipagkalakal din sa mga Intsik at mga taga-Indonesia at taga-Malaysia ang mga
Visaya. Marunong silang magmina at magpanday ng ginto at bakal, gumawa ng
bangka, maghawi ng tela at magpalay kahit bahagya pa lamang kumakalat ang

paggamit ng araro at kalabaw nang dumating ang mga Espanyol. Karaniwang 30


hanggang 100 pamilya lamang ang naninirahan sa isang baranggay; magkakalapit
naman at magkaka-ugnay ang mga baranggay sa bawat pulo, at nagkakampikampihan kapag binubulabog ng mga dayuhan. Ngunit sila-sila rin ang nag-aawayaway, kahit na ang mga magka-baranggay; ang mga lalaki ay laging may dalang
sandata, sibat at gulok, kahit na mangangapit-bahay lamang. Madalas ang nakawan,
patayan at pag-aalipin ng mga tagapulo, magkakalapit man o magkakalayo, kaya ang
sinumang malakas ay nagiging datu, rajah o pinuno ng baranggay. Walang
kinikilalang hari ang mga Visaya nuong dumating ang mga Espanyol, bagaman at
nagsisimula na ang ilan-ilang datu na magtayo ng pang-2 baranggay bilang
bakasyunan o pandagdag sa pagkakakitaan. May ilan ding baranggay na lumaki
kagaya ng Cebu nuong panahon ni Rajah Humabon na nagkakaroon ng daan-daang
pamilya. Ngunit pangkaraniwang nagkakasama lamang ang maraming Visaya sa
kalakal at paghahanap ng kita.
Ang isa pang hiram na gawi ng mga Visaya mula India, sumidhi at lumaganap nang
husto sa pagdating ng mga Muslim pagkatapos, ay ang pagkakaroon ng maraming
alipin.
Mindanao: Ang Mga Ayaw-Hari
Ako'y ibigin mo, lalaking Matapang!
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam
- Awit, Leron-leron Sinta
MARAMING pangkat sa Mindanao ay tumangging maging
Muslim, nagtago, nakipagdigmaan, ayaw bitawan ang kanilang
pananampalataya sa kanilang mga ninuno at ibat-ibang anyito,
ayaw kilalanin ang mga sultan na ibig sumupil sa kanila. Sa
pagkakahawig ng gawi nila sa maliliit na bara-baranggay, hiwahiwalay sa gubat, bundok at parang, makikilatis ang buhay ng
mga Pilipino bago
nagdatingan ang
mga hari.
Sinasapantaha na
marami sa mga
umayaw sa Islam ay
galing sa Malaysia at Indonesia nang
unang pumasok duon ang
pagsampalataya ni Mohamed, lalo na sa
maunlad na lungsod ng Malacca, sa Malaysia.
Mula Malaysia ang mga Tiruray, karaniwang nagsisiksikan ang ilang pamilya sa
isang tahanan, madalas higit sa isa ang asawang babae, mahilig sa kabayo, gaya ng

mga Tiboli. Mahigit 200 taon SN, isang lagalag mula sa France, si Pierre Sonnerat,
ang nakapansin na hindi nila tinatali ang mga kabayo, hinahayaang lamang maglibotlibot. Kapag kailangan lamang nila hinuhuli at ginagamit; pagkatapos, pinawawalan
muli. Bilang pang-aliw sa mga piging at ibang pagdiriwang, pinaglalaban nila ang
mga kabayong lalaki, ngunit pinipigil agad at hindi pinababayaang magkasakitan o
magkasugatan.
Malaking pangkat-pangkat ang mga Tiruray, nagkakaingin at nangangahoy mula sa
ibaba o timog ng Cotabato River hanggang sa mga gubat ng bulubundukin ng
Cotabato. Tatlong magkakahiwalay na pangkat sila, batay sa kanilang mga tirahan.
Ang mga taga-bundok ay mga pagano; ang iba ay nag-ugnay sa mga kalapit na
Muslim ngunit, maliban sa pailan-ilan, hindi sila sumapi sa Islam.
Ang mga babaing Tiboli ang pinakamakulay magdamit sa Pilipinas.
Karaniwang pantaas nila ay maitim na asul na may burdang pula,
dilaw at puti, may putong sa ulo ng hawing abaca na kung minsan
ay malapad, o kaya ay maliit ngunit napapaligiran ng mga
makukulay na suklay. Nagkikislapan ang mga kuwintas, hikaw at
singsing sa mga bisig, daliri, binti at paa. Malalapad na sinturon na
may palamuti at pangkawit na tanso, dala-dala ang kanilang nganga sa tansong sisidlan na sinasabit sa kanilang balikat. Tunay na
tanyag ang kanilang anyo!
Ang mga batang babae ay nagsisimulang maghikaw sa edad na 6
lamang, marami pang hikaw ang isinusuot nang sabay-sabay. Ang
mga batang lalaki naman ay nagpapatato, o kaya ay nagpapalamuti
sa katawan ng mga peklat na hinugis nang iba-iba. Nuong dati,
kinikikil at iniitiman nila ang mga ipin.
Bantog ang kanilang mga hawing tela. Kinukulayan nila ang mga sinulid na abaca
bago hawiin, pinung-pino at kaakit-akit ang mga kathang
kulay sa tela. Ang telang gagamitin sa kasal ay inaabot ng
ilang buwan hawiin; may paniwalang mapalad ang telang ito,
hindi ginugupit at baka malasin. Ginagamit pa uli sa
panganganak at sa iba pang pagdiriwang. Kapag ipagbibili
ang telang pinangkasal, kinakabitan o tinatalian muna ng
sinsing na tanso nang hindi magalit ang mga espiritu.
Ang mga datu ang tagapag-ayos ng kanilang mga awayaway, ang nagtuturo sa kanilang mga dating gawi at mga
alituntunin sa buhay. Pinagkakasunduan ng mga magulang
ang pag-aasawa ng mga anak; karaniwang mag-asawa ng
higit sa isa ang mga mayaman. Nabubuhay sila sa
pagkakaingin, pangangahoy na may gamit na lason sa pana

at patalim. Gaya ng karamihan sa mga taga-Mindanao, mahilig silang umawit at


sumayaw.

ilalahad ng mga magiting ang kanilang mga tagumpay; at lahat sila ay aawit at tutula
ng mga kasaysayan ng kanilang mga ninuno, habang nag-iinuman ng lambanog.

Kapag may namatay, binuburol nila sa loob ng inukang punong-kahoy at


ipinaglalamay nang 2 linggo. Sa huling gabi ng lamay, buong magdamag papasanin
ang kabaon at inilalakad paikut-ikot sa bahay, sinasaliwan ng tugtog ng mga musiko
at panaghoy ng mga naulila, at ng mga salaysay at papuri sa buhay ng namatay.
Pagsikat ng araw, itatali ang kabaong sa tuktok ng mataas na kawayanan; duon iiwan
hanggang lubusang maagnas ang bangkay. Ang bahay ng namatay ay sinusunog
upang mapilitang lumisan ang kaluluwa; kung manatiling paligid-ligid ang kaluluwa,
kakainin ito ng mga masasamang espiritu.

Ang mga Subanon ang mga "taga-ilog" ng Mindanao, naninirahan sa kanlurang


Lanao. Bantog ang kanilang mga gawang banga, tapayan at palayok. Sa kabila, sa
bulubundukin ng silangang Lanao, ay mga Bukidnon, malalaking pangkat ng mga
mandirigma, mapusok at ayaw pasupil. Ang mga katabi-tabi nila ay mandirigma rin,
ang mga Mandaya, mga Manobo at mga Bilaan.

Kalapit, kaugnay at kahawig ng mga Tiboli ang mga Ubu sa look o lawa ng Sebu
[Lake Sebu]. Magara rin silang manamit, masinop din silang maghawi ng tela at
manahi ng mga gamit. Kaiba ang kanilang paniwala na kapag natapos gawin ang
anumang gamit o tela, nagkakaroon ng kaluluwa o espiritu ang mga ito at ayaw na
nilang ipagbili. Dinaig din nila ang mga Tiboli sa pagpapanday ng tanso at bakal.
Ayaw mag-Muslim, ngunit panay ang gaya sa mga Muslim ng mga Bagobo, bantog
na mga panday ng tanso, sandata at bitbitang bakal. Sakop nila ang timog Davao at
Cotabato, lagpas sa bundok Apo hanggang Pulangi River. Lubhang makulay ang
kanilang mga damit na, gaya ng mga Tiboli, ay hawi sa abaca, bordado at
pinalamutian ng mga bakal, batu-bato, at kabibing makukulay.
Ang mga kumpol ng mga Bagobo, ang mga malaya at mga alipin, ay pinamumunuan
ng mga datu, naghahatol at nagpapataw ng parusa ukol sa mga batas at dating gawi,
katulung-tulong ng mga matatanda. Ang mga magigiting nila ay tinatawag na
magani [bayani sa Tagalog], karaniwang mga lalaking nakapatay na ng ilang tao at
may karapatan nang magsuot ng pulang damit.
Hawig sa mga taga-India, marami silang sinasambang gimokod [bathala] at mga
kaluluwang tinatawag na mabalian [anyito]. Kasunduan ang pag-aasawa nila; ang
mga magulang ng lalaki ang pumipili ng mapapangasawa, at nakikipagtawaran sa
bayad sa mga magulang ng babae. Bilang kapalit, nang hindi naman sabihing
ipinagbili nila ang kanilang anak na babae, ang mga magulang ay nagbibigay ng
handog na kala-kalahati ang halaga ng ibinigay ng mga magulang ng lalaki. Dagdag
pa, gawi na magsilbi ang lalaki sa pamilya
ng babae bago at pagkaraan ng kasal.
Mayroon silang dating ginagawang
pagdiriwang, kung nanalo sa digmaan o
gumaling sa sakit o kulam - ibinibilad nila
ang pugot na ulo ng mga kaaway at
pumapatay sila ng alipin bilang handog at
pasasalamat sa mga anyito. Pagkatapos,

Mahilig ang mga Bukidnon sa pagdiriwang na tinawag nilang kaamulan.


Nagdiriwang sila sa mga kasalan, at pagkatapos ng ani. Ginagawa rin tuwing
nagkakasama ang mga magkakalapit na pangkat o baranggay upang maiwasan ang
pagdidigmaan. Halos lahat ng pagkakataon, nagdiriwang sila, lalo na sa pagpuputong
sa datu. Sayawan ang kanilang pagdiriwang, tugtugan ng mga tansong gong, may
paligsahan ng mga bugtong at tula.
Sa Davao, ang mga Mandaya at mga Mansaka ay magkalapit at magka-ugnay sa
wika at gawi. Kapwa nagkakaingin sa mga gulod at bundok, nangangahoy ng mga
baboy-damo at usa, gamit ang sibat at mga aso. Gumagamit sila ng lason at lambat sa
pangingisda. Maliliit at hiwa-hiwalay ang kanilang mga baranggay, ilan-ilang
pamilya lamang bawat isa, pinamumunuan ng bagani [bayani], isang mandirigmang
nakapatay na ng 10 tao o higit pa. Tinatayo nila
ang mga kubo nila sa matatayog na puno,
madalas sa gilid ng bangin upang mahirap
lusubin at madaling ipagtanggol. Mahilig sila sa
mga estatwa ng kanilang mga anyito. Kapag
may nagkakasakit, tinatawag nila ang baylan,
matandang babaing nagdarasal, sumasayaw at
nag-aalay sa mga espiritu upang maalis ang
sakit o kulam. Kapag may namatay, 2 araw ang
lamay bago ilibing sa gubat ang bangkay, balot
sa banig; pagkatapos, susunugin ang bahay ng
namatay. Pinagkakasunduan ng mga magulang ang kasal ng kanilang mga anak
habang bata pa ang mga ito. Bantog ang hawing tela sa abaca ng mga Mandaya,
itinuturo sa mga anak na babae ng kanilang ina. Makulay at
maraming palamuti ang damit ng babae at lalaki. Dating
kinikikil at iniitim ang mga ngipin. Inaahit na makitid ang
mga kilay.
Sinasamba ng mga Manobo o Kulaman ang bundok ng
Apo, kalat-kalat sila mula sa timog Cotabato at Davao
hanggang Agusan at Surigao del Sur. Sila ay nagkakaingin,
nangingisda at nangangahoy, naghahawi ng tela at mga supot
at buslo, at gumagawa ng mga palayok at paso.

Kamag-anakan ng mga Manobo sa Cotabato ang mga Ata, na may 2 pangkat naman,
ang mga Talaingod sa gubat-gubat ng Davao, at ang mga Matigsalug. Nagkakaingin
sila ng gabi, at tulad ng mga Hawayano, mahilig sila sa taro. Makukulay ang
kanilang damit, ang mga babae ay nagsusuot ng mga sinsing sa braso at binti.
Ang mga Bilaan ay may ilang pangkat--ang mga Tagalakad sa gubat-gubat sa
tuktok ng mga bundok, ang mga Buluan sa tabi-tabi ng Buluan Lake, at ang mga
Biraan. Silang lahat ay namumuhay sa kaingin, nangingisda, nangangahoy at nagaalaga ng baboy at manok.
Ang Mga Unang Hari
Kung ayaw lumapit ng bundok kay Mohammed
Si Mohammed ang lalapit sa bundok!
- sinabi raw ni Mohammed
TOTOO man o hindi ang Maragtas, kung
may 10 datu ngang tumakas mula Borneo,
bago pa sila nag-ati-atihan sa Panay,
nakarating na sa Pilipinas ang mga Arabe.
Ang mga una ay hindi pa Muslim,
nagkakalakal lamang, ngunit bandang
1300, nagkaroon na ng daungan sa Jolo
ang mga Muslims, Arabe, Malay at mga taga-Indonesia, sabay sa
pagbagsak ng kaharian ng Majapahit sa Java. Mula Malaysia at
Indonesia, hindi sa Arabia, ang Islam na pumasok sa Pilipinas
nuong 1350, nang nagkaroon ng sultan o hari sa lungsod ng
Malacca sa Malaysia. Mabilis ang paglawak ng Islam sa mga
pulu-pulo, ang isang dahilan ay ang paggamit ng kanyon. Ang mga
kahariang Muslim ay sa mga kapwa Muslim lamang naglalako ng
kanyon. Sa Malacca nanggaling si Makdum [ama sa wikang
Arabe], ang unang nagturo ng Islam sa Sulu. Duon siya namalagi
hanggang mamatay nuong 1380, at nalibing sa Tawi-Tawi. Siya
ang kinikilala ng mga Tausug na simula ng kanilang kasaysayan
sa Sulu.
Ipinagpatuloy ang pagtuturo ng Islam sa Sulu ni Rajah Bagginda,
mula naman sa Sumatra, Indonesia. Napangasawa ng anak niya si
Abu Bakr, isang lagalag mula Arabia na, nang mamatay si Rajah Bagginda nuong
1450, ay hinirang ang sarili niya bilang sultan ng Sulu.
Siya ang unang hari sa Pilipinas.

Gumaya sa kanya si Mohamed Kabungsuwan, isang maharlikang tumakas mula sa


Malaysia nang sakupin ng mga Portugis ang Malacca nuong 1511. Pagkarating sa
tinatawag ngayong Malabang nuong bandang 1515, pinangasawa niya ang mga anak
na babae ng ilang datu sa gitnaang Mindanao, pati na ang mga Iranun at mga
Maranao. Isa sa mga napangasawa ay si Putri Tunoma, prinsesa sa Cotabato, at
duon itinayo ni Kabungsuwan ang kanyang kaharian ng mga nakararaming
Maguindanao.
Siya ang pang-2 hari sa Pilipinas.
Siya ang nakaluklok sa Mindanao nang dumating sa Pilipinas ang mga unang
Espanyol, sina Ferdinand Magellan, nuong 1521. Isa sa mga anak niya kay
Angintabu, princesa naman ng mga Iranun, si Saripada Makaalang, ang sultan ng
malawak na kaharian sa kalagitnaan ng Mindanao nuong 1543 nang dumating ang
isa pang pangkat ng mga Espanyol, sina Ruy Lopez de Villalobos, ang nagpangalan
sa Pilipinas.
Pagkasakop ng mga Espanyol sa kalakihan ng Visayas at Luzon, nuong panahon na
ni Miguel Lopez de Legazpi, tinangka nilang simulan ang pagsakop sa timog
Pilipinas ngunit napasama sila sa labu-labo ng mga Tausug, mga Maguindanao at
ang mga Iranun at mga Maranao ng Buayan. Nagdigmaan pa ang mga tagaBuayan laban sa mga Maguindanao nuong 1619 hanggang 1621 bago naging
pangunahing sultan si Kudarat, kilala ng mga Espanyol sa pangalang Corralat at ng
mga Dutch bilang Guserat. Sa kanyang 50-taon paghahari mula nuong 1619
hanggang 1671, naging makapangyarihan ang kaharian ng mga Maguindanao,
umabot mula sa Davao hanggang Dapitan, sa hilagang dalampasigan ng Zamboanga.
Sa pamumuno ng mga sultan o hari sa Pilipinas, naging malakas at magilas ang mga
Muslim sa Mindanao at sa ilang pulo ng Visayas. Nagsisimulang dumanak ang mga
Muslim sa Luzon nang dumating ang mga sundalong Espanyol ni Legazpi nuong
1565; malamang naakit o nadaig nila ang buong kapuluan kung hindi sila sinupil ng
mga Espanyol. Ang mga Muslim ang unang nagpasok ng maraming kanyon sa
Pilipinas.
Ang mga unang Muslim, at unang "naghari" sa Mindanao ang mga Tausug, ang mga
tao ng usug o agos [ng dagat]. Nagkakalakal, nagpupuslit [smuggling], nang-aalipin
[slave trading], mapusok, pala-away, mga tunay na lalaki. Sa tingin nila sa sarili,
nakatataas sila sa lahat ng tao sa Mindanao. May 3 sapinan ang kanilang lipunan, ang maharlika, ang karaniwang mamamayan, at ang mga alipin. Lubha nilang
ikinararangal ang kanilang pangalan, ayaw mabahiran ng anumang pintas lalo na ng
pagkaduwag. Kumpol-kumpol ang mga magkakapit-bahay sa mga dalampsigan; sa
looban, kalat at magkakahiwalay ang mga bahay. Ang mga bahay nila ay karaniwang
nakasampa sa mga tukod na puno, 2 tao ang taas ng sahig mula lupa, at may batalan
papuntang likuran o kusina. Upang makapasok ang araw sa umaga, hanggang maaari
ay inihaharap nila sa silangan ang pintuan ng bahay sapagkat karaniwang walang

durungawan ang mga bahay, mga siwang lamang ang nasa mga dingding. Para daw
madaling maipagtanggol, at para maikubli ang kanilang mga dalaga.
Malaki ang mga sala nila, mahilig silang magkabisita. Isang dingding sa sala ay
karaniwang buo at duon nakasalansan ang
kanilang mga banig at kutsong kapok na
gamit sa pagtulog. Madalas may taklob na
nakasabit sa kisami.
Mahilig magnga-nga at magbihis ng magara
ang mga Tausug, lalo na kung may
pagdiriwang - may nakasulsi pang gintoginto sa damit. Ang mga babae ay nagsusuot
ng pantalong maluwag, tinatawag na sawal
[salawal sa Tagalog] at balot ng patadyong na maaaring gamiting balabal, kumot o
kung kinakailangan, duyan. Ang mga lalaki ay nagpapantalon ng makipot, tinatawag
na salway kuput [makipot na salawal] na hanggang binti lamang ang haba. May
balot na malaking panyo sa ulo, ang putong, na maaaring gamiting sisidlan o supot.
Ang tinitignan nilang kayamanan ay ginto at alahas. Karaniwang nagmamana ng
mga alahas ang mga babae; alahas din ang inaasahang handog ng mga lalaki sa
kanilang asawa paminsan-minsan. Ang mga lalaki ay mapagmahal sa kanilang mga
sandata, lalo na ang mga baril.
Ang mga Maguindanao ang sumunod na naging Muslim, at sumunod naging "hari",
mga taga-Central Plains ng Cotabato. Sila ang pinakamalaking tribo sa Mindanao,
mga magsasaka at mangingisda, naging mga mandirigma at makapangyarihan sila
dati sa buong kapuluan. Kulang-kulang 100 taon pagkarating ng mga Espanyol sa
Pilipinas, ginapi at pinalayas nila ang mga Espanyol sa Zamboanga at sa buong
Mindanao nuong 1663, sa pamumuno ni Sultan Kudarat. Nakipag-ugnay at
nakipagkalakal pa sila sa mga taga-Holland, ang mga Dutch na sumasakop nuon sa
Maluku [Moluccas, Spice Islands] at kalakihan ng Indonesia.
Ang mga Maranao sa paligid ng Lanao Lake ang pinakahuling naging Muslim.
Bantog sa kanilang magagandang ukit sa kahoy, nag-aaway-away sila-sila. Kalapit sa
mga Maguindanao, maraming pinaghawig ang 2 tribo; mahilig din sila kapwa sa
awit at sayawang sinasaliwan sa mga gong.Kahit na sila ang huling naging Muslim,
masugid ang mga Maranao sa pagsampalataya. Ayaw nilang makipag-ugnay sa mga
hindi Muslim; makaluma sila at magalang, away pasaling, umabot man sa patayan.
Ang mga Maranao ay may kapangkat, ang mga Iranun o Ilanun sa hilagang libis
sa baybayin ng Illana. Inaangkin nila na mga takas sila, o ang mga pinuno man
lamang nila, mula sa mga kaharian ng Sri Vijaya at Majapahit sa Indonesia.
Bagaman naging mga Muslim, patuloy na ginamit ng kanilang mga pinuno ang
parangal na rajah mula sa India sa halip ng sultan na mula sa Arabia. Nasalaysay na
dati silang naninirahan sa Misamis Oriental, napilitang lumikas nang sumabog ang

bulkang Hibok-hibok sa pulo ng Camiguin. May kasabay pa raw na dambuhalang


alon [tsunami or tidal wave]. Ang sabi, ang iba sa mga Iranun ay humiwalay at sa
Lanao nagtuloy.
Sa mga naging Muslim, ang mga Samal ang pinakahirap, sunudsunuran sa ibang tribo sa paligid. Kumpol-kumpol sila sa mga
kubong nakapatong sa mga tukod na nakatarak sa dalampasigan
ng dagat o tabing ilog. Isda at gulay lamang ang kinakain nila;
madumi ang tingin nila sa karne ng mga
hayop sa lupa. Madalas silang makihalo sa
mga espiritista at naniniwala sila sa mga
bathala at diwani ng mga ilog, batu-bato at
malalaking punung-kahoy.
Kaugnay sila ng mga Badjao, ang mga
palaboy ng dagat. Sukdulang naninirahan sa
kanilang mga bangka o vinta, umaahon
lamang sila sa lupa upang mailibing pagkamatay.
Sa pulo ng Basilan naninirahan ang munting tribo ng mga Yakan, nagsasaka at
nagpapastol ng hayop, naghahawi ng tela at banig. Tahimik at malumay, hindi
gaanong makulay ang kanilang mga damit. Kagawi at malamang kauri nilang
malapit ang mga Tagapulong Magdaragat [Polynesians] na sumakop sa Hawaii at
iba pang pulu-pulo ng Pacific Ocean. Nagtatanim sila sa mga gulod at gilid ng
bundok ng kamote, gabi, buko at gulay. Magkakalayo ang kanilang bahay-bahay na
karaniwang malapit sa simbahan ng mga Muslim [mosque] gayung matumal ang
kanilang pananampalataya, nahaluan ng dati nilang pagsamba sa anyito at mga
kaluluwa sa pali-paligid.
Inaangkin na mga Muslim din daw si Rajah Suliman, ang huling katutubong pinuno
sa Manila na sinakop ng mga Espanyol. May ilang kanyon si Suliman, pahiwatig na
sinusulsulan siya ng mga Muslim na sumasarili nuon sa mga kanyon sa kapuluan.
Ngunit walang ulat ang mga Espanyol na Muslim ang mga taga-Manila na dinatnan
nila. Masugid ang mga Espanyol sa pagtuus sa mga Muslim, kaya mahirap
paniwalaang hindi nila napansin kung Muslim sina Suliman. Ang nababakas lamang
sa mga lumang ulat ng Espanyol ay bagong salta sina Suliman at hindi pa nagtatagal
ang pagsakop ng pangkat niya sa Manila nang dumating ang mga Espanyol. Ang
mga katutubo sa paligid ng Manila nuon ay nagtangkang kumampi sa mga Espanyol
dahil nais nilang gapiin sina Suliman. Pahiwatig ito na hindi nagkaroon ng sapat na
panahon si Suliman na pagbuuin at patatagin ang kapangyarihan niya sa pali-paligid.

Mga Bakas Ng Lumipas (II)

1492, narating ni Cristobal Colon [Christopher Columbus] ang America,


pinagkamalan niyang India.
1494, kasunduan [treaty] sa Tordesillas, pinaghatian ng Portugal at Espanya
ang daigdig.
1511, sinakop ng mga Portugis ang lungsod ng Malacca, sa Malaysia. Isa sa
mga napalayas ay ang maharlikang pamilya ng binatang Mohamed
Kabungsuwan, na nagtayo ng kahariang Muslim sa Cotabato. Narating ni
Fernando Magallanes [Ferdinand Magellan] ang kapuluan ng Maluku
[Moluccas, the spice islands] sa Indonesia, matapos bagtasin ang Indian
Ocean, kasama ng mga Portugis na nagtayo ng himpilan at kalakal sa pulo
ng Ternate.
1521, Mar 17, narating ni Magallanes ang kapuluan ng Pilipinas matapos
bagtasin ang Pacific Ocean.
1521, Abr 27, napatay si Magallanes ng mga sandatahan ni Lapu-Lapu sa
pulo ng Mactan, sa Visayas.
1522, Sep 6, nakabalik sa Espanya si Sebastian del Cano, kasamahan ni
Magallanes, matapos umikot sa daigdig.
1524, unang pag-ani sa Pilipinas ng mais na dala ni Magallanes.
1526, dumating si Juan Garcia Loaysa mula Espanya, umiwas sa Mindanao
at nagtuloy sa Maluku.
1528, narating ang Surigao, sa Mindanao, ni Alvaro Saavedra de Ceron
mula Mexico; nagtuloy sa Maluku.
1543, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Pilipinas mula Mexico;
bininyagan ang mga kapuluan sa Leyte, Visayas, ng Islas del Felipinas
bilang parangal kay Felipe 2, tagapagmana ng kaharian ng Espanya.
1553, naging hari ng Espanya si Felipe 2.
1565, narating ni Miguel Lopez de Legazpi ang Pilipinas mula Mexico,
kasama ng 5 frayleng Augustinian at sinakop ang Cebu. Natagpuan ang
estatwa ng Santo Nino na iniwan ni Magellan sa Cebu nuong 1521.
Tinuklas ni Fray Andres Urdaneta ang landas pabalik sa Mexico na
gagamitin sa galleon trade sa susunod na 240 taon.
1571, Mayo, sinakop ni Legazpi ang Manila. Sinimulang itayo ang
Intramuros.
1574, nilusob ang Manila ng mandarambong na Intsik, si Lim [a] Hong.
1576, namatay si Juan de Salcedo, apo ni Legazpi, matapos sakupin ang
maraming lalawigan ng Luzon.
1577, dumating ang mga unang frayleng Franciscan sa Pilipinas.
1578, hinirang na katedral ang simbahan sa Manila. Sinimulan ng mga
Espanyol ang pagsakop sa Mindanao laban sa mga Muslim. Tinalo nila, sa
pamumuno ni Capitan Rodriguez de Figueroa, si Sultan Panguian ng Sulu;
sinunog nila ang Jolo.

1579, nagapi ng mga Maguindanao ang pagsakop ng mga Espanyol na


inutos ni Governador Francisco de Sande.
1580, itinatag ang Alcayceria sa Binondo, sa kabila ng ilog Pasig, para sa
mga katolikong Intsik.
1581, dumating ang mga unang frayleng Dominican.
1580, naging hari ng Portugal si Felipe 2; natigil ang pagdarambong ng
Portugis sa Pilipinas.
1584, itinatag ang Audiencia Real [Royal Auditor] sa Manila upang supilin
ang anumang kalabisan ng governador at iba pang pinunong Espanyol sa
Pilipinas.
1587, bumalik sa Espanya si Alonso Sanchez upang hilingin ang pagbabago
ng palakad sa Pilipinas mula kay Felipe 2.
1590, sinimulan itayo ang makapal na batong pader ng Intramuros sa
Manila.
1593, inutos ng emperador ng Japan, si Hideyoshi, na sumuko ang Pilipinas.
1596, napatay ni Ubal, taga-Buayan, si Capitan Rodriguez de Figueroa nang
matalo ang lusob ng mga Espanyol sa mga Muslim ng Buayan, Cotabato, sa
Mindanao.
1598, dumating si Ignacio de Santibanez, unang arsobispo ng Manila.
1599, nilusob at sinunog ng mga Muslim ang mga baranggay at simbahan
sa dalampasigan ng Panay, Negros at Cebu. Maraming napatay at naalipin.
1603, nilipol ang mga Intsik sa Manila at paligid, libu-libo ang pinatay at
kinulong.
1604, itinatag ang unang ospital, simbahan at kumbento sa Los Banyos,
Laguna.
1606, dumating ang mga unang frayleng Recollect. Nagapi si Datu
Sirongan sa Buayan, Cotabato.
1609, nilathala ni Dr. Antonio de Morga sa Mexico ang aklat, Sucesos de
las Islas Filipinas [Historical Events in the Philippine Islands].
1611, itinatag ni frayle Miguel de Benavides ang paaralan ng Santo Tomas
sa Manila.
1616, sumabog ang bulkan Magayon [Mayon] sa Ybatan [Bicol]. Nagaklas ang mga Ilocano, pinamunuan ni Pedro Almazan.
1617, tinalo ng mga Espanyol, pinamunuan ni Juan Ronquillo, ang mga
barkong pandigma ng mga Dutch na lumusob sa Manila.
1621, nag-aklas sa Bohol si Tamblot laban sa Espanyol.
1624, ipinatapon ang lahat ng Espanyol mula sa Japan; ipinatigil ng mga
Espanyol ang kalakal ng mga Hapon sa Pilipinas.
1626, dumating ang estatwa ng Virgin de Antipolo sa Manila. Nagtatag ang
mga Espanyol ng daungan sa pulo ng Formosa [Taiwan ngayon].
1635, itinayo ni Juan de Chavez ang unang kuta ng Espanyol sa
Zamboanga, ang Fuerza Pilar, sa utos ni Gov Gen Juan Cerezo de
Salamanca; hindi nagtagal, natalo si Datu Tagal, nandarambong sa Visayas.

1637, tinalo ni Governador Hurtado de Corcuera ang mga Muslim, kasama


ang bata pang Sultan Kudarat, nang lusubin ng mga Espanyol ang Lamitan
at Ilian, sa Cotabato, Mindanao.
1638, sinakop ni Corcuera ang Jolo.
1640, napag-isa ng mga Muslim ang kanilang kaharian [sultanate] ng sultan
sa Cotabato matapos ang matagal na digmaan ng mga taga-Buayan at mga
Maguindanao. Humiwalay ang kaharian ng Portugal sa kaharian ng
Espanya. Nagapi ang pagsakop ng mga Espanyol sa Macao, China.
1641, pumutok ang bulkan Taal.
1642, itinigil ng mga Espanyol ang pagtatag ng simbahang katoliko sa
Japan.
1645, ginawang kolehiyo ang paaralan ng Santo Tomas sa Manila. Nagiba
ang Manila ng malaking lindol.
1647, sinakop ng mga Dutch ang Corregidor, nangulimbat sa Bataan,
pinatay ang 400 Pilipino sa Abucay. Itinaboy sila ng mga Pilipino,
pinamunuan ni Capitan Juan de Chaves.
1649, nag-aklas si Conde Gumapos sa Zambales. Nag-aklas din si
Sumuroy sa Palapag, hilagang Samar.
1660, pinagpapatay ang mga Intsik sa Pilipinas. Nag-aklas ang mga
Kapampangan, pinamunuan ni Francisco Maniago. Nag-aklas din si Hari
Andres Malong, nagtangkang magtatag ng kaharian sa Pangasinan.
1662, nagtangkang sakupin ang Manila ni Koxinga, lagalag na Intsik.
Pinagpapatay na naman ang mga Intsik sa Manila.
1663, napaurong ng mga Muslim ang mga Espanyol na umalis sa
Zamboanga at buong Mindanao; muling naging makapangyarihan si Sultan
Kudarat na nakipag-ugnay pa sa mga Dutch sa Indonesia.
1683 Marso 13, ipinatapon sa Mariveles, Bataan, si Felipe Pardo, arsobispo
ng Manila, ni Juan de Vargas, governador-general ng Pilipinas.
1684, ipinatapon sa Cavite si Valenzuela, pangunang ministro [Prime
Minister] ng mga Espanyol.
1700, pinayagan maging pari ang mga Pilipino; pinagbawalang maging
frayle.
1718, lumusob muli sa Mindanao ang mga Espanyol.
1719, nag-aklas ang mga frayle sa Intramuros, pinatay si Fernando
Bustamante, governador general ng Pilipinas, at ang kanyang anak na lalaki.
Nagtayo uli ng kuta, ang Fuerza Pilar, ang mga Espanyol sa Zamboanga.
1751, ipiniit sa Manila si Sultan Muhamad Alimudin ng Mindanao.
1754, sumabog ang bulkan Taal, nasalanta ang mga kabayanan ng Tanauan,
Taal, Sala at Lipa. Itinatag ang unang hukbo ng Espanyol sa Pilipinas.

(Ikalimang Linggo)
Spices: Bulabog Mula Sa Malayo
MAHIGIT 400 taon SN, nilusob ng mga Espanyol ang Pilipinas. Bakit?!
Hindi sinasadya, naligaw lang, naghahanap lang ng panghalo sa ulam, - ni hindi alam
na mayroon palang Pilipinas! Ang sadyang hinahanap nila nuon una ay ang mga
pulu-pulo sa Indonesia, ang
Maluku [Moluccas, the Spice
Islands], na naging bantog bilang
kaisa-isang tinubuan ng spices,
mga panghalo at pampalasa sa
pagkain na inasam nuon, at
inaasam hanggang ngayon sa
Europa, lalo na ang nutmeg, cloves [clavos sa Espanyol] at ang tinawag nilang kayu
manis [cinnamon o matamis (manis) na kahoy (kayu)]. Nagpapabango at
nagpapasarap ng pagkain.
Ang mga anak-anakan [descendants] kasi ng mga magdaragat na lumikas sa Maluku
nuong araw ay naglayag pabalik-balik sa India at sa pulo ng Madagascar, sa tabi ng
Africa. Nagkalakal ang mga taga-Maluku ng spices
kapalit sa mga salamin, tanso, mga sinsing,
kuwintas, damit at iba pa. Isang balikan at mayaman
habang buhay ang lahat ng naglayag, kaya lakas
loob nilang tinawid ang lawak at panganib ng dagat
ng India [Indian Ocean], kahit na 5 taon bago
nakakabalik sa Maluku. Karamihan ng mga spices
na dala sa India ay nauubos duon; ang mga dala sa
Madagascar ang natikman ng mga taga-Europa.
Mula duon, dala-dala ng mga Arabe at Afrikano ang
mga spices papunta sa Rhapta, sa Somalia, tapos
tuloy sa Muza, Yemen, bago dinadala sa baybayin
ng Red Sea sa Arabia papunta sa Mediterranean Sea
at sa mga bayan ng Europa.
Hayag ni Pliny the Elder, manalaysay [historian] ng ancient Rome nuong bandang
2040 taon SN, na ang cinnamon na nilalako ng mga taga-Ethiopia ay binibili lamang
nila sa mga kalapit, na bumibili naman sa mga magdaragat na palaging tumatawid sa
Indian Ocean.

Tinatawid ang mga malalawak na dagat sakay sa mga balsang walang gabay o
sagwan, o anumang tulong sa paglalakbay maliban sa kanilang tapang at buong
kalooban. Naglalayag sila kapag tag-ginaw, nang humaharabas ang hangin mula
silangan at tuloy-tuloy silang nakakarating. Halos 5 taon bago sila nakakabalik sa
pinanggalingan, at marami sa kanila ang namamatay sa paglalakbay. At ano ba't
para lamang sa hilig ng mga babae nila sa alahas at moda.
Ngunit bago pa sumikat ang ancient Rome, nagkalakal na ang mga magdaragat sa
iba't ibang lugar sa kanluran. May natagpuang cloves sa Terga, Syria, na bandang
3,700 taon na ang tanda. Sa ancient Egypt din nuong bandang 3,500 taon SN,
nabanggit ang cinnamon nuong reyna pa duon si Hatshepsut, ang tanging babaing
naging Paraoh. Pati sa mga lumang kasulatan ng mga Hudyo, nuong 2,700 taon SN,
nang nakatayo pa ang Templo sa Jerusalem, kahalo ang cinnamon, at baka na rin
ang pandan [lemon grass] sa mahal na langis na ginagamit sa Templo. Ang mga
Hudyo ang nagpangalan ng quinamon na nahiram naman sa English na cinnamon.
Kung ilang daang taon nahirati ang mga taga-Europa sa lasa at bango ng mga spices,
kaya lubha silang naunsiyami nang sakupin ng mga Muslim ang Middle East at
hilagang Africa nuong bandang 700, at naipit ang daloy ng spices mula Maluku. Lalo
nang naputol ang daloy nang sakupin ng mga Muslim sa Turkey ang Constantinople
[Istanbul ang tawag ngayon] nuong 1453. Ang 2 mayaman at magkaribal na lungsod
sa Italia lamang, ang Genoa at Venice, ang pinayagan ng mga Muslim na bumili ng
mga spices at iba pang bilihin sa Arabia at sa Middle East. Sinarili ng 2 ang
napakaunting kalakal sa Mediterranean Sea at nagmahalan ang seda [silk] at lahat ng
mga bagay mula sa Asia. Lumagpas ng 30 patong ang halaga ng spices sa Europa,
pang-mayaman na lamang ang pampalasa ng pagkain duon.
Samantala, sa dulong kanluran ng Europa, ang magkatabing kaharian ng Portugal at
Espanya ay kapwa naghirap sa gilid ng Atlantic Ocean. Barado mula sa ugnayan sa
buong Europa dahil sa mapagkamkam na mga taga-France at mga taga-Italia, at dahil
sa matagal na pagsakop sa kanila ng mga Muslim, hindi sila nakapagkalakal at
kumita nang mainam. Naisipan ng mga Portugis, sa
pamumuno ni Principe Enrique [Prince Henry, the
navigator], na mag-aral ng paglalayag upang
makapagkalakal sila sa iba't ibang bayang nararating
sa Atlantic Ocean. Yumaman ang Portugal, nasarili
ang ginto at iba pang kalakal sa kanlurang Africa, at
palayo nang palayo ang naabot ng kanilang mga
barko hanggang nuong 1488, nabagtas ni Bartolome
Diaz ang buong pampangin ng Africa hanggang
dulong timog. Duon, nuong Pasko ng 1500, naikot
ni Vasco De Gama ang lusutang tinawag niyang Cabo da Boa Esperanza [Cape of
Good Hope] papuntang Asia. Lalong yumaman ang mga Portugis nang marating at
magkalakal sa India. Nagtayo sila ng mga kuta sa Africa at India upang hadlangan
ang ibang mga taga-Europa na nais ding humakot ng spices at iba pang kalakal mula
Asia.

Hagad ang mga Espanyol, nais magpayaman din kahit na upahan nila ang sinumang
payag maglayag para sa Espanya. Una nilang pinundaran si Cristobal Colon
[Christopher Columbus], taga-Italya na balak, upang makaiwas sa mga sandatahang
Portugis sa Africa at dahil paniwala niyang bilog ang daigdig, maglayag pakanluran
at bagtasin ang Atlantic Ocean at datnan ang Asia at India mula sa kabilang panig.
Wala nuong nakaaalam na may America palang nakaharang duon. Akala ni
Columbus, India ang tinumbok niya nuong 1492, tinawag niyang indio ang mga
taong natagpuan niya. Hanggang ngayon tuloy, indian pa rin ang tawag sa mga
katutubong Amerkano [native Americans], kahit na wala silang anumang kaugnayan
sa India.
Sumugod din ang mga Portugis sa America, sinakop ang Brazil. Nagsasalpukan na
ang 2 magkapit-kaharian nang umawat si Papa Julio Dos [Pope Julius II] at
pinagkasundo sa Tordesillas [Treaty of Tordesillas] nuong 1494 na hatiin ang
daigdig. Ang lahat ng lupaing "natuklasan" sa bandang silangan ay angkin ng
Portugal, at sa bandang
kanluran ay sakop naman ng
Espanya. Lintik ang galit ng
ibang mga taga-Europa France, England, [Dutch]
Netherlands at Italya - na nais
ding magkalakal sa Asia at
India. At huwag ka, patuloy
na
nagsasalpukan ang mga
Portugis at Espanyol kapag nagsasalubong sa karagatan.
Mula sa Goa, ang kanilang himpilan sa India, narating ng mga Portugis ang kaharian
ng Malacca, sa Malaysia [malapit sa Singapore] nuong 1510 at nalaman kung saan
ang Maluku [Moluccas, Spice Islands] na tanging pinanggagalingan ng mga spices.
Hindi nag-isang taon, nuong 1511, sinakop ni Alfonso de Albuquerque ang
Malacca, na ginawa nilang malaking kuta, Porta de Santiago [Port of St. James]. Sa
sumunod na taon, 1512, natagpuan at sinakop ng mga Portugis ang Maluku. Ang
laking ligaya nila nang makitang tumutubo nang ligaw ang cinnamon, cloves at iba
pang spices sa mga pulu-pulo ng Maluku, hindi ginagamit, ni hindi pinapansin ng
mga tagaruon. [Gaya ng mga Pilipino, ang mga taga-Indonesia ay hindi mahilig kahit
hanggang ngayon sa lasa ng cinnamon at cloves. Nalalasap lamang ang mga ito sa
mga lutong Amerkano at Espanyol; ang nutmeg ay karaniwang gamit ng mga tagaIndia naman.
Ipinagbibili lamang ng mga tagaIndonesia ang cinnamon, hindi
nila ginagamit. At ang cloves, ni
wala silang pangalan kundi
kretek, ang tunog nito kapag
nasusunog. Hinahalo kasi nila sa

bantog na sigarilyo, rokok kretek [clove cigarettes], at kapag sinindihan, ang tunog
ng putok ng cloves ay tek-krek-tek!
Hindi na mamahalin ang spices ngayon dahil naitanim na sa India, Africa at mga
pulo-pulo sa Caribbean at South America. Ang pinakamahal na spice ngayon ay ang
saffron, hibla ng bulaklak na hinihimay isa-isa at nagpapasarap sa lahat ng lutuin,
lalo na sa arroz valenciana at paella. Abot sa 25,000 piso ang isang kilo ng saffron.
Saan tumutubo ang saffron? Sa Espanya, at ilan pang pook lamang.
Panghuli: Isa sa mga sundalong Portugis na lumusob sa Malacca nuong 1511, at
dumayo sa Maluku nuong 1512, ay isang magiting na binata, nagngangalang Fernao
de Magalhaes. Sa Espanya, nang lumikas siya duon, ang pangalan niya ay
Fernando Magallanes [sa English, Ferdinand Magellan].
Mga Barkong ginamit nina Magallanes:
1. San Antonio Juan de Cartagena ang Capitan
2. Trinidad Fernando Magallanes and Capitan
3. Conception Gaspar de Quesada and Capitan
4. Victoria Luiz de Mendoza ang Capitan
5. Santiago Juan Serrano and Capitan
Ang Espedisyon ni Magallanes
1. San Lucar de Barameda, Espanya
Nuong Setyembre 20, 1519, Si Magallanes, kasama ang may 250 tauhan
lulan ng limang barko (ang Trinidad, Conception, Santiago, San Antonio, at
Victoria) ay umalis ng Espanya at naglayag papuntang kanluran. Kasama at
panauhin ang isang tagamasid [observer], si Antonio Pigafetta na nagtala
araw-araw ng buong paglalakbay mula, at pabalik sa Espanya.
2. Mga Isla ng Canary
Unang sinapit nina Magallanes ang Isla ng Canary nuong Setyembre 26,
1519.
3. Pernambuco, Brazil
Tinawid nila ang karagatan ng Atlantiko, at nuong Nobyembre 29,1519
narating nila ang Pernambuco, Brazil.
4. Rio de Janiero, Brazil
Nuong Disyembre 13, 1519, pinangalan ni Magallanes ang Rio de Janiero
bilang Santa Lucia dahil lumapag sila rito nuong kapiestahan ng santa.
Duon, nakipagpalitan sila ng produkto sa mga katutubong Indian para sa
pagkain.
5. Rio de la Plata
Narating nila ang lugar na ito nuong Pebrero 1520. Nagsisimula nang
lumamig sa parting ito ng mundo.
6. Puerto San Julian
Sa lugar na ito nagtago sina Magallanes sa bagyo nuong Marso 1520. Sa
panahong ito rin nagsimulang magplano ang ibang Kapitan na huwag nang
magpatuloy at bumalik na lamang sa Espanya.

7. Rio Santa Cruz


Agosto ng 1520, nagdagdag sila ng pagkain sa lugar na ito.
8. Ilang mga insidente
Nawasak ng malakas na bagyo ang barkong Santiago.
Ang San Antonio, sa pangunguna ni Esteban Gomez ay lumikas nuong gabi
ng Nobyembre 20, 1520 at nagbalik sa Espanya.
9. Kipot ni Magallanes
Pinangalanan ni Magallanes bilang Kipot ng mga Santo, lumusot sila rito at
narating ang karagatan ng Pacifico nuong Nobyembre 28, 1520.
10. Guam
Pagkatapos ng 98 araw sa Pacifico, narating nila ang mga Isla ng Guam na
tinwag ni Magallanes bilang Islas Ladrones (Isla ng mga Magnanakaw)
nuong Marso 6, 1521.
11.
Isla
ng

Suluan sa Samar
Nuong Marso 16 o 17, 1521, narating nila ang Samar at pinangalanan itong
"Islas de San Lazaro," sa karangalan ng kapiestahan ni San Lazaro.
12. Maliit na Isla ng Homonhon
Matatagpuan sa may Golpo ng Leyte, dito sila bumaba at ginamot ang mga
may sakit.
13. Masao,Butuan, Agusan del Norte
Lumapag nuong Huwebes Santo, Marso 18, nakaniig ni Magallanes si Raja
Kolambu, nagkasundo silang magsandugo (kasi kasi or blood compact
ceremony) nuong Marso 29, 1521.
14. Ang Unang MIsa
Nuong Linggo ng Pagkabuhay Marso 31 1521, isang misa ang tinanghal sa
Masao sa panguguna ni Padre Pedro de Valderrama.
Isang malaking krus na yari sa kahoy ang itinayo sa may burol, at sa
pagkakataong ito, pinangalan ni Magallanes ang buong kapuluan bilang
"Islas de San Lazaro."
15. Cebu
Si Magellanes at Raha Kolambu, kasama ang kanilang mga tauhan ay
pumunta at nakalapag sa Cebu nuong Abril 7, 1521. Tinanggap ang
kanilang pagdating nina Rajah Homabon at ng kanyang asawa na si
Lisabeta. Ang dalawa ay bininyagan sa pagkakatoliko, Carlos at Juana bilang

mga bagong pangalan, at binigyan ng imahen ng batang Jesus (Sto. Nino)


bilang regalo.
16. Mactan
Dalawa ang Datu sa Mactan, si Zula na tumangkilik kay Magallanes, at si
Lapu-lapu na hindi tumangkilik. Para ipakita ang kanyang bangis, sinugod
ni Magallanes ang Mactan nuong Abril 27, 1521, subalit napipilan siya,
sampu ng kanyang tauhan ng pangkat ni Lapu-lapu at napatay pa sa
enkwentro.
17. Ang Pagpatay sa natitira pang mga Espanyol
Nuong Mayo 1 1521, ang nalalabing tauhan ni Magallanes ay tinangkang
pagpapatayin ng mga Cebuano habang nakikipag-piging kay Raha
Humabon. Napilitan silang tumakas sakay ng barkong Trinidad at Vicrtoria.
Hindi na nila nadala pa ang barkong Conception dahil kulang na sila sa
tauhan para patakbuhin pa ito, kaya sinunog na lamang nila ito.
18. Tidore Moluccas
Nuong Nobyembre 8, 1521, narating nila ang Tidore kung saan nakabili sila
ng mga sangkap para sa pagluluto (spices). Sakay ng Victoria, sa
pangunguna ni Juan Sebastian del Cano, nagtuloy sila ng paglalakbay
hanggang sa makabalik sa Espanya.

(Ikaanim na Linggo)

19. Pagbabalik sa Espanya


Ang Victoria, sa panguguna ni Juan Sebastian del Cano nuong Setyembre
6 1522, kasama ang 18 tauhan ay naikot ang mundo sa tagal na 2 taon, 11
buwan, at 16 na araw.

Hinirang ni Urdaneta at itinanghal ang


isang matandang kawani, si Miguel
Lopez de Legazpi, at siya, pagkaraan ng
6 taon paghahanda sa Mexico, ang
namuno sa 4 barkong naglayag nuong
Noviembre 20, 1564, ang San Pedro, San
Pablo, San Juan at San Lucas. Kasama
niya ang kanyang apo, si Felipe de
Salcedo, si Urdaneta at 4 frayleng
Augustinian at 380 tauhan. Sa gitna ng
Pacific Ocean nuong Enero 9, 1565,
nadaanan nila ang isang pulong tinawag
nilang Isla delos Barbados dahil may
balbas ang mga nakatira. Narating nila ang Guam pagkaraan ng isang buwan, at
inangkin ni Legazpi ang mga pulu-pulo sa ngalan ng Espanya.

Mga Espedisyon Pagkatapos ni Magallanes:


Mga espedisyon sa Pilipinas na hindi naging matagumpay:
1st: Pinamunuan ni Kapitan Garcia de Loaysa nuong 1525 kasama ang
450 katao lulan ng 7 barko (hindi nakarating sa Pilipinas)
2nd: Pinamunuan ni Sebastian Cabot nuong 1526 kasama ang 250 katao
lulan ng 4 na barko (hindi nakarating sa Pilipinas)
3rd: Pinamunuan ni Alvero Saavedra Ceron nuong 1527 kasama ang 110
katao lulan ng 3 barko. Ang barkong Florida lamang ang nakarating sa
Pilipinas sa may Surigao.
4th: Pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos nuong 1542 kasama ang 400
katao lulan ng 6 na barko. Narating nila ang baybayin ng Banganga sa may
Silangang bahagi ng Mindanao nuong Pebrero 2, 1543. Narating din ng ilan
sa kanila ang isla ng Leyte. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Felipina
bilang pag pupugay sa kanilang susunod na hari sa Espanya na si Prinsipe
Filipe II.

Legazpi: Magalang, Maraming Kanyon


Bawat isa, naghiwa sa bisig o dibdib at nagpatak ng dugo sa tubig o tuba.
Pinaghati-hati
ang halo sa lahat, at walang lilisan hanggang hindi nauubos ang madugong inumin.
- Miguel de Legazpi, tungkol sa kasi-kasi
HINIRANG na pinuno si Andres Urdaneta, nakabalik uli sa Mexico at naging
frayleng Augustinian matapos ng ilang taong pagkulong ng mga Portuguese nuong
kasama siya ni Juan Loaysa sa paglakbay sa Pilipinas nuong 1525. Subalit tumanggi
si Urdaneta at tinanggap na lamang na siya ang maging pangunahing piloto ng
paglalakbay sapagkat alam na niya kung paano magpunta sa Pilipinas. Higit pa,
paniwala niya na may paraang makabalik sa Mexico mula Pilipinas, kailangan kung
magpapabalik-balik sa Mexico at Pilipinas.

Nuong Febrero 13, 1565, natapos ang tahimik sa Pilipinas nang namataan nila
Legazpi ang Samar. Hindi sila nakadaong sapagkat ipinagtabuyan sila ng mga
Waray-waray duon. Pati na sa Limasawa, Camiguin at Butuan, Mindanao,
sinagupa sila ng mga tagapulo. Sumunod si Legazpi sa utos ni Felipe 2, hari ng
Espanya, na huwag digmain ang mga Pilipino kundi kaibiganin at binyagan; kaya sa
Bohol sila nagtuloy.

Duon, nakadambong ang mga Espanyol ng isang barkong nagkalakal mula Borneo
at nadakip nila ang isang Muslim na marinero [navigator] na umamin na
nagkakalakal duon ang mga taga-Borneo, taga-Maluku ng Indonesia, mga tagaMalacca ng Malaysia, at iba pang barko mula China at India. Ang marinero rin ang
naghayag kung bakit inaway sina Legazpi ng lahat ng mga tagapulo. Ilang taon
pagkaalis ng pangkat ni Ferdinand Magellan nuong 1520, at ilang ulit pagkatapos,
may mga dumating na Espanyol daw sila at nakipagkaibigan, tapos sinunog ang mga
baranggay, inabuso, pinatay o inalipin ang mga tagapulo. Walang 2 taong nakaraan,
ang hayag, nalusob ang Bohol at kulang-kulang sanlibong Boholano ang nasalanta at
nadukot.
Hintay muna: Kung galit ang lahat ng tagapulo sa mga Espanyol, paano
nakadaong sina Legazpi sa Bohol? Kung walang tao duon, wala ring pagkain,
bakit sila dumaong? At kung may tao, bakit hindi sila kinalaban at itinaboy,
ganung katatapos lang silang dambungin ng mga Espanyol?
Totoong kaunti lamang, wala pang 400 ang mga Espanyol, marami pa sa kanila ang
nanghina sa gutom at maysakit, at kayang-kaya silang ipagtabuyan ng mga tagapulo.
Ang pagdambong sa barkong nagkakalakal na inulat ng mga Espanyol ay maaaring
pagyayabang lamang; nadaig nila ang mga nasa barko dahil kusang hindi lumaban.
Si Jose Rizal ang naghayag kung paano
at bakit nakadaong nang matiwasay
sina Legazpi sa Bohol. Isinulat ni Rizal
nuong Abril 5, 1896, habang siya ay
nakatapon [exiled] sa Dapitan,
Mindanao, sa kanyang kaibigan, si
Fernando [Ferdinand] Blumentritt ng
Austria, bayan sa tabi ng Germany. Ang
sulat niya:
Si Lagubayan ang pangunahing tao o
datu ng Bohol, Baclayon, Mansasan,
Dawis at sa gulod ng Mindanao, ng
Dapitan na pinaruonan niya, kasama ng
800 pami-pamilyang alalay niya dahil sa kataksilang tinamasa ng kanyang kapatid, si
Donya Ilison sa kamay ng mga katutubo. Mula dito naghiganti si Lagubayan at
kinatakutan ng mga katutubo, at siya ang naging panginoon ng mga Subano. Nang
dumating ang mga Espanyol, pinaalis niya ang mga sugo [ambassadors] ng Ternate,
isa sa mga pulo ng Maluku o [Moluccas, Spice Islands], na sakop nuon ng mga
Portuguese, karibal ng mga Espanyol. Nagpasiya siya na ang mga Espanyol na
lamang ang kakaibiganin niya. Kaya binigyan ni Lagubayan sina Legazpi ng mga
gabay [guides] na nagdala sa kanila kay Catunas, ang iniwan ni Lagubayan upang
mamahala sa Bohol. At si Catunas ang naghatid kina Legazpi sa Cebu na
pinagtayuan ng mga Espanyol ng una nilang kuta.

Sabi patabi: Si Catunas na tinuran sa liham ni Rizal ay maniwaring si Raja


Sikatuna ng mga lumang salaysay. Sinasabi ngayon na dapat si Raja Katuna ang
tawag sa kanya ngunit batay sa sulat ni Rizal, hindi siya raja o datu, at ang parangal
sa kanya ay Ka na gamit pang panggalang hanggang
ngayon sa mga lalawigan. Kaya ang tunay niyang
pangalan ay Ka Tunas, na nagsilbi kay Datu o Raja
Lagubayan. Ang Lagubayan sa Visaya ay 'malaking
lupain' o 'malawak na sakop o ari-arian', ngunit ito ay
kaibang paksa na. May ulat din na Tunas ay tuksong
palayaw lamang dahil naglalaho siya tuwing may
labanan, ngunit ito ay hindi napatibayan sa ibang ulat at,
kung anuman, ay kaiba nang paksa rin.
Ipinaliwanag ni Rizal na ang tawag sa Dapitan ng mga katutubo ay Ilihan, maaaring
pahiwatig na tirahan ni Ilison, ang kapatid ni Lagubayan. Sabi
pa niya, ang ibig sabihin ng Dapit sa wikang Bisaya ay
anyayahan, at ang kahulugan ng Dapitan ay ang purok na
pinag-anyayahan ng 800 pami-pamilya ng mga Boholano.
Bilang patibay sa salaysay, inulat ni Rizal na ang lahat nang ito
ay nakalahad sa kasulatang nilagdaan at nilagyan ng selyo
nuong Julio 7, 1718, ni Fernando Manuel de Bustillo
Bustamante y Rueda, ang pinaslang na governador-general sa
Manila. Ang kasulatan ay binili ni Rizal mula sa anak-anakan ni
Lagubayan, na nuon ay sadlak na sa pagdarahop, at ipinatago sa
Museo Biblioteca de Manila nang hindi mawala sa kanyang
dukhang kubo sa Dapitan. Hinayag ni Rizal na tunay, hindi
huwad ang kasulatan.
Mabalik kay Legazpi: Ipinasundo niya sa marinero ang mga
pinuno ng Bohol, at hinarap at nakipagkasi-kasi siya sa mga
alumpihit na Ka Tunas [si Raja Sikatuna, o si Raja Katuna o si Catunas, alinman] at
kasamang Raja Gala, kapwa malungkot sa pagdating ng mga Espanyol.
Mga Portuguese galing sa Maluku, hindi mga Espanyol gaya namin, ang mga
nagsamantala sa inyo! ang pilit ni Legazpi.
Ewan,
ang sabi naman ni Ka Tunas, magkakamukha
kayong lahat, pati ang damit at sandata,
magkakahawig.
Nagpatuloy makipagkaibigan si Legazpi;
nagpatuloy din ang mga Espanyol sa
pagmamasid sa pali-paligid, lalo na't gipit sila sa
pagkain - may 380 sundalo at marinerong

kasama ni Legazpi at malalakas kumain lahat. Namataan ng kanyang tauhan ang


mayamang baranggay ng Cebu sa katabing pulo.
Cebu, sa tingin ng mga Espanyol, ang mga unang binyagan, ang mga pumatay kina
Magellan, ang mga nagtatwa ng kanilang pagka-catholico, ang mga talipandas.

paligid. Sakay sa mga barkong bagong dating mula Mexico, ang San Miguel at La
Tortuga, lumunsad si Goiti nuong Mayo 8, 1570, kasama ang 90 sundalo, 20 marino,
si Capitan Salcedo at ang tagapagtala [notario], si Hernando Riquel. Sumabay sa
kanila ang 15 bangkang pandagat [paraw] ng mga taga-Panay at mga taga-Cebu na
ibig sumali sa anumang mangyayari at bumahagi sa anumang makukurakot.

Nilusob ni Legazpi ang Cebu nuong Abril 25, 1565. Hindi na pagkakaibigan ang
sadya, pinagkakanyon niya ang baranggay na pinamumunuon na ni Raja Tupas,
anak ni Humabon, ang dating kaibigan ni Magellan. Takbuhan patakas ang mga
taga-Cebu at dumaong ang sandatahang Espanyol, sinunog ang mga kubu-kubo.
Natagpuan nila ang estatwa ng Santo Nino na handog ni Magellan sa asawa ni
Humabon.

Narating pagkaraan ng 2 araw ang mga pulo ng Calamian [Calamianes Islands] na


nasa pagitan ng Mindoro at Palawan; una ang bunduking Sibuyan, balitang may mga
minahan ng ginto, ngunit hindi nakipag-usap kahit kanino, tumuloy sa pulo ng
Banton, sa timog ng Marinduque, tirahan ng ilan-ilang Espanyol na nakarating duon
kasama ng mga tagapulo. Maraming tao sa Banton at maraming kambing, inilalako
sa mga kalapit.

Milagro! palatas ni Legazpi; madaling nag-utos na magtayo ng capilla na


magbabahay sa Santo Nino. Matatag na ang pagsakop ng Cebu, at tapos na ang
capilla nuong Junio 1, 1565, nang magbalikan ang mga nagugutom na taga-Cebu at
sumuko sa Espanyol, kasama si Raja Tupas at pamilya niya. Sinimulan silang
binyagan nina Frayle Urdaneta. Nang naghukay ang mga Espanyol upang itayo ang
kanilang malaking kuta, Fuerza de San Pedro, natagpuan nila ang labi ng malaking
cross na itinayo duon ni Magellan at sinunog nina Humabon, at ito ay ibinahay sa
capilla kasama ng Santo Nino.

Narating at dumaong sa pulo ng Mindoro, bantog nuon bilang Munting Luzon.


Sakop ng mga Muslim ang lahat ng baybay at daungan. Sa looban, napag-alaman na
patago-tago ang maraming mga hubad, ang Chichimecos [Mangyan ang tawag sa
kanila ngayon]. Nabalita rin na sa kalapit na ilog, tawag ay Bato [Baco, ang
pangalan ngayon, malapit sa Calapan], may
nakadaong na 2 barko ng mga Sangley
[tawag sa Intsik ng mga taga-Mindoro]
ngunit, dahil sa masamang panahon, hindi
agad narating ng mga pinadalang paraw sa
pamumuno ni Salcedo. Kinabukasan,
biglang sagsag magkasabay ang 2 barko ng
mga Intsik, nagpapaputok ng mga culverin
[maliit na kanyon], binabayo ang mga
tambol, labas lahat ng espada at
naghihiyawan ang mga Intsik ng digmaan.
Wala si Salcedo, ngunit naagap na
sumagupa ang mga Espanyol, sakay sa
maliliit na paraw, at binaril ang mga Intsik ng kanilang mga de sabog [arquebus].
Napatay ang 20 Intsik at nagkubli ang 80 natira; sinampa ng mga Espanyol ang 2
barko, dinakip ang mga Intsik at sinunggaban ang maraming kalakal na natagpuan.
Naasar si Salcedo nang makita ang ginawa ng mga Espanyol. Lalong galit ang
sumunod na Goiti, nais sanang makipagkaibigan gaya ng utos ni Legazpi, at hindi
makipag-away. Sinita niya ang mga Intsik, Hindi dapat lumusob! Inutos niyang
kumpunihin ang mga sira ng 2 barko. Ibinalik ang isang barko sa
mga Intsik upang makauwi sa China, ang pang-2 ay ipinabalik
kay Legazpi sa Panay, sakay lahat ng nakamkam sa mga Intsik.

Ginamit ni Frayle Urdaneta ang isang barko pabalik sa Mexico nuong Julio, 1565,
kasama si Felipe de Salcedo. Ang landas na nilayag nila, sa hilaga ng Pacific Ocean,
malapit sa Japan, ang batay ng galleon trade, kalakal ng Pilipinas at Mexico sa
susunod na 200 taon. Nang dumaong si Urdaneta sa Acapulco nuong Octobre 3,
1565, silang dalawa ni Salcedo na lamang ang nakatayo pa, ang mga kasama nila ay
pulos gulapay na sa sakit at gutom; 14 na mga kasama ang namatay na. Nagtuloy si
Urdaneta sa Espanya upang maglahad at, pagkabalik sa Mexico, isinulat ang
paglakbay niya kasama ni Loaysa, at ang paglakbay kasama ni Legazpi.
Sa Cebu, samantala, unti-unting ginugutom ang mga Espanyol; hindi kaya ng pulo
na sustentuhan ang dami ng tao duon. Nuong 1567, 2 taon pagkalisan ni Urdaneta,
dumating sa Cebu ang tulong na hiniling ni Legazpi mula sa Mexico. Kasama ng
mga dagdag na sundalo ay ang 18 taong apo ni Legazpi, si Juan de Salcedo, pumalit
sa kapwa apo, si Felipe de Salcedo, bilang pinuno ng 100 sundalong kasama.
Natiyak ng mga Espanyol na kaunti rin ang pagkain sa Bohol at sa Isla delos
Negros, kaya lumipat sila nuong 1569 sa pulo ng Panay. Sa tabi ng ilog Banica,
nagtayo sila ng isa pang kuta, tinawag nilang Capiz, pangalan ng kabibe o tulya
duon at ngayon ay ngalan ng isa sa mga lalawigan sa pulo.
Ngunit Panay man ay salat sa bigas dahil sa peste ng mga tipaklong, ilang taon nang
sinasalanta ang mga palayan. Narinig nila na mayamang lungsod ang Manila sa
malawak na pulo ng Luzon. Hindi nag-isang taon, pinalikas ni Legazpi ang kanyang
kanang-kamay, si Martin de Goiti, upang usisain ito at ang iba pang mga pulo sa

Inutos ni Goiti sa mga taga-ilog Bato na ipunin ang kanilang


mga ginto at hahakutin ng mga Espanyol pagbalik. Hangos ang
buong pangkat sa baranggay ng Mindoro, nabalitaang nag-ipon
ang mga Muslim duon ng mga culverin, pana, palaso at mga
sandata upang makipaglaban. Gigil ang mga Espanyol
makipagsagupaan! Mahigit 4 metro ang kapal ng pader na

batong napaligid sa kuta ng baranggay. Sangkatutak na mandirigmang Muslim at


maraming culverin sa tuktok ng gulod sa loob ng kuta. Napuna ni Goiti na marami sa
mga mandirigma ang kunway ayaw makipagdigmaan. Inutos niyang mamalagi sa
malayo ang kanyang mga sundalo at, kasama lamang si Salcedo, ang tagapagtalang
si Riquel, isang tagapagsalita at ilang kawal, lumapit sa kuta si Goiti at nakipagusap.
Alumpihit pa rin ang maraming Muslim, at gigil na ang mga sundalong Espanyol.
Inutos ni Goiti na magparada at magpakitang gilas ang mga Espanyol, sabay sa
paputok ng mga kanyon ng kaniyang 2 barko. Gimbal ang mga Muslim,
nagtakbuhan sa gulud-gulod ang mga mamamayan ng baranggay, tangay ang
kanilang mga pamilya at ari-arian. Nangako ang mga pinuno ng Muslim na
magbabayad sila ng ginto at, sa loob ng 5 araw, 200 tael [sukat ng Intsik, higitkulang sa 1.5 onsa] na ginto ang tinanggap ng mga Espanyol. Dahil sa mga kuwento
ng yaman ng Manila, nainip si Goiti at inutos sa mga taga-Mindoro na ihanda ang
200 pang tael ng ginto sa pagbalik niya. Lumusong sila sa Luzon, dumaong ang mga
barko sa baranggay ng Balayan. Tapos, pinasok ni Salcedo at ng mga paraw,
kasunod ang mga taga-Balayan sa kanilang mga bangka, ang katabing ilog
hanggang sa baranggay at lawa ng Bombon [tinatawag ngayong kabayanan ng Taal
at Taal Lake]. Nang makita ng mga taga-Balayan na walang tao sa Bombon,
umuwi sila matapos punuin ang kanilang mga bangka ng mga ari-arian ng mga tagaBombon.
Patuloy si Salcedo sa paghanap sa mga taga-Bombon. Natambangan at nasugatan
siya sa binti ng panang may lason
ngunit nagamot naman. Pagka-daong
nila sa pampang, natagpuan ang mga
taga-Bombon sa isang bukid,
naghihiyawan at walang tigil ng
pagpana sa mga Espanyol. Hinati ni
Salcedo ang kanyang mga sundalo at
lumusob sa magkabila ng mga tagaBombon; nagtakbuhan naman ang
mga ito, mahigit 40 ang napatay.
Sa loob ng Bombon, pinakawalan ni Salcedo ang 2 Intsik na natagpuang nakagapos
at duguan; nakita rin ang bangkay ng ilan-ilang Intsik, ang iba ay nagdurugo pa.
Nagkakalakal sa Bombon ang 2 barkong Intsik, ang hayag, nang marinig nilang may
mga Espanyol sa Mindoro. Pupunta sana sila, ngunit pinigilan sila ng mga tagaBombon. Nag-away na; nagpaputok ng culverin ang mga Intsik at napatay ang isang
pinuno ng Bombon. Dinumog sila ng mga taga-baranggay at isa-isang pinahirapan
hanggang mamatay, maliban sa 2 natagpuang buhay pa.
Pagkaraan ng 3 - 4 araw sa Balayan, naglayag muli papuntang Manila sina Goiti.
Sumabit ang 8 bangka ng mga taga-Balayan, nais maghiganti sa mga taga-Tulayan,
isang baranggay na madaraanan. Ninakaw daw kasi ang kanilang kalakal mula

Manila nuong minsan napadpad sila ng bagyo sa Tulayan, pinugutan pa ang 2 sa


kanila at isinabit ang mga ulo. May nakita nga ang mga Espanyol na mga ulo ng tao,
nakatusok sa sibat, ngunit nakipagkaibigan ang mga taga-Tulayan at nangakong
magbabayad ng buwis kaya ipinagbawal ni Goiti ang paghihiganti ng mga tagaBalayan. Kaming mga Espanyol ang maghuhusga ng mga away ninyo, utos niya.
Habang abala si Goiti sa Tulayan, hinarang ng mga Espanyol at ng mga kasamang
tagapulo, sakay sa mga paraw, ang mga nakasalubong na tapaque [maliit na
bangka, hindi pandagat] galing sa Manila. Ninakaw ang mga bigas at tuyong isda.
Lumaban ang iba, nasugatan ang 2 Espanyol at napatay ang isang kasama nilang
tagapulo. Nadakip ang isa sa mga naka-tapaque. Nagsiklab si Goiti nang malaman,
Wala nang maglilimayon mula ngayon! Dito kayong lahat sa nakikita ko!
Kinabukasan, pasok sila sa Manila Bay, kasama ang 2 Cebuano, si Mahomet at ang
kapatid, kapwa dating taga-Manila. Sa payo nila, hindi nagtuloy sa Manila kundi
dumaong muna sa may kalayuan [malamang sa Sangley Point, Cavite, dating
daungan ng mga barkong lumalaot sa Manila] at naghintay ng pasintabi ni Raja
Suliman. Nakita ng mga Espanyol na punung-puno ng mga bangka, tao-tao at barabaranggay ang pampang hanggang Manila. Naghintay nang 3 araw sina Goiti
matapos nagpa-Manila ang 3 magpapasintabi: ang kapatid ni Mahomet, na may
asawa daw sa Manila, ang nadakip na naka-tapaque, at isang tagasalitang marunong
mag-Arabe na Kafir [hindi Muslim na taga-India]. Kasama ng kapatid ni Mahomet
pagbalik ang isang tio ni Raja Suliman na nagsabing nais ni Suliman
makipagkaibigan sa mga Espanyol. Nuon din, naglayag sina Goiti pa-Manila;
pinauna nila ang tio ni Suliman upang ipaalam ang pagdalaw. Maraming bangka na
lumapit kina Goiti, umaangal na hinamig ni Suliman ang lahat ng kanilang yaman at
maraming pinatay sa kanila ngunit walang kibo si Goiti. Mataas na ang araw nang
dumaong sila pampang ng ilog Pasig, sa labas ng Manila. Karimot na lumapit ang
mga Intsik mula sa 4 barkong nakadaong din duon, nagkalalako ng alak, seda,
manok at bigas. Nagsumbong na kinuha raw ng mga taga-Manila nang walang bayad
ang pinakamamahalin nilang kalakal. Wala pa ring kibo si Goiti.
Napapaligiran ang Manila ng matayog na bakod ng mga tinulisang punung-kahoy.
Nakahilera sa tabing-ilog ang sandakmang sandatahan ni Suliman, may mga kanyon
sa bukana ng baranggay. Ang daming tao! Hanga ang mga mandirigma sa mga
arquebus ng Espanyol. Sa pampang nagkita si Goiti at si Raja Matanda; sumunod
ang kanyang nakababatang pamangkin, si Suliman. Nagpalitan sila ng talumpati:
kapwa sila makapangyarihan, kapwa sila
magtatanggol ng kanilang karangalan, kapwa
sila mapayapa, at iba pa, bago nagbalikan sa
barko ang mga Espanyol at umuwi sina
Suliman at Matanda. Nuong hapon,
nagpaalam si Mahomet, nakitulog sa mga
kamag-anak sa Manila. Napansin ng mga
Espanyol na parami nang parami ang mga
mandirigma sa Manila; panay ang dating ng
mga bangka, puno ng mga sandatahan. At sa

pagdami, bumabangis ang turing sa kanila ng mga mandirigma. Pagbalik


kinabukasan, kasama ni Mahomet ang tio ni Suliman na sumundo sa kanila sa
Cavite: Nabalita daw na hihingan ng buwis ang Manila; dahil dito, hindi na maaaring
pumasok sa ilog Pasig ang mga Espanyol!

Tupok na ang Manila nang bumagsak ang inaasahang ulan. Maraming nakurakot ang
lahat, lalo na sa malaking bahay ni Suliman at katabing imbakan [bodega], puno ng
bakal, tanso, porselana, bulak, kumot, at kasko ng alak. Ang mga kama at gamit
bahay lamang, sabi ng mga nakakita, ay tumbas ng 5 libong piraso ng pilak.

Huwag paniwalaan ang sabi-sabi, sagot ni Goiti. Mag-uusap kami uli at


magkakasundo.

Bakit nakipagdigmaan kayo, mayroon nang casi-casi? tanong ng Espanyol sa mga


nadakip na taga-Manila. Si Suliman ang may kagagawan!, ang sagot, laging
sinasalungat ang tio, si Raja Matanda. Malupit talaga ang pag-iisip! Siya raw ang
nag-utos magpaputok ng kanyon. Pagkaraan ng 2 araw, lumunsad sina Goiti, kasama
ang 4 barkong Intsik na nagtuloy sa Mindoro. Dumaan si Goiti sa mga baranggay na
nangakong magdadagdag ng buwis na ginto, ngunit wala ni isang lumitaw. Dahil sa
papaiba na ang ihip ng hangin, napilitang bumalik agad sa Panay nang hindi
mabalam ng ilang buwan sa malayo.

Pagkaalis ng tio, nagpasiya si Goiti na kausapin si Suliman nang harapan at, kasama
ang 2 tagapagsalita, pumasok sa Manila. Pinaligiran sila ng mga mandirigma at
pinaghintay sa kubo [maliit na bahay ang hayag ng Espanyol, malamang tanggapan
lamang o hintayan ng mga bisita] ni Suliman na hangos dumating. Pati na si
Matanda. Silang tatlo ay nagcasi-casi; nangako si Suliman na padadalhan ng pagkain
ang mga Espanyol, ngunit may tangka siyang lihim na puksain ang mga Espanyol.
Nuong hapong iyon, nang tangkang magkalakal sa Manila ang tagapagtala, si
Riquel, sinaway ni Mahomet at pinabalik sa barko, may pasabi: Upang ipagdiwang
ang kasunduan nuong umaga, magpaparada at pagpapakitang gilas ang lahat ng
mga taga-Manila pati na sa dagat. Huwag daw mabahala, papuputukin ang lahat ng
kanyon ng Manila!
Sa bangka pabalik sa barko, nagsumbong ng mga nagsasagwan, balak daw ng mga
mandirigma na upakan ang mga Espanyol sa susunod na pag-ulan, nang mababasa at
hindi magagamit ng mga Espanyol ang kanilang mga arquebus. Natunugan ang lihim
ni Suliman nang ibalita ni Riquel ang pasabi at sumbong, at naalaala ang bangis at
tirya ng mga mandirigma sa mga sundalong Espanyol. Dumating pa si Mahomet,
may dagdag na pasabi mula kay Suliman: Balak lusubin sa dagat ang mga Espanyol
ni Lakan Dula, puno ng bara-baranggay sa kabila ng ilog Pasig. Inanyayahan daw si
Suliman na sumapi ngunit tumanggi. Pinasabi ni Suliman na, dahil dito,
maghahandang makipag-digmaan ang mga taga-Manila at, paglusob ni Lakan Dula,
susugod din sila upang tulungan ang mga kaibigan nilang Espanyol.
Nagpasalamat si Goiti sa babala. Handa kaming lumaban! Kung hindi madilim na,
susugurin na namin si Lakan Dula, ang sagot niya kay Suliman. Nuong gabing iyon,
lahat ng Espanyol ay natulog nakasandata; lahat ng sabit na tagapulo ay sa pampang
pinatulog. Mga Espanyol lamang ang maaaring pumasok sa mga barko. Mataas na
ang araw kinabukasan nang maaninaw ang maraming sasakyan sa dagat, papalapit.
Baka ito na ang salakay, isip ni Goiti, at nagpadala ng isang paraw upang mag-usisa.
Ngunit nang malapit nang kaunti, mga tapaque lamang pala! Baka nakawan uli ng
mga nasa paraw, inutos ni Goiti na magpaputok ng kanyon upang pabalikin ang
paraw. Sumagot ang 3 kanyon ng mga taga-Manila, akala umpisa na ang salpukan.
Haging ang 2 putok, ang isa ay tumama, butas ang gilid ng barko! Sa isang iglap,
nilusob ng mga Espanyol at mga kasamahang tagapulo ang kuta ng Manila, winalat
ang bakod na kahoy, sinunggaban ang 13 kanyon duon at pinagkakanyon ang mga
mandirigma! Inutos ni Goiti na sunugin ang Manila dahil napakalaki nito upang
sakuping lahat, at baka magkahiwa-hiwalay ang kanyang mga sundalo. Tumalilis si
Suliman at ang mga kasamahan.

Sa sumunod na taon, nuong Abril 20, 1571, si Legazpi na mismo ang nagtungo sa
Manila, dala ang buong sandatahan, 27 barko sakay ang 230 arquebusiers at si frayle
Diego de Herrera, padre provincial ng mga Augustinian, bagong dating mula
Mexico. Ilang linggo sila sa Mindoro bago tumuloy sa Luzon. Sinunog ng mga tagaManila ang kanilang mga bahay nang mamataan nilang papalapit ang malaking
sandatahan Espanyol, tapos tumakas sila sa kabila ng ilog Pasig, sa purok ni Lakan
Dula. Alas-2 ng hapon na nang dumaong si Legazpi sa Manila. May ilan-ilang bahay
pang nakatayo, hindi lahat ay nasunog. Dumating naka-bangka si Lakan Dula,
upang makipagtawaran para kina Raja Matanda at Raja Suliman. Nang mapaniwala
ni Legazpi na hindi parurusahan at walang maghihiganti kay Suliman, sumuko na
ang mga taga-Manila at pumayag mapasa-ilalim sa mga Espanyol.
Dito inilipat ni Legazpi nuong May 18, 1571, ang pamahalaan niya bilang
governador habang buhay [adelantado] ng Pilipinas, ayon sa kasunduan nila ni
Felipe 2, hari ng Espanya. Malawak ang mga bukirin at palayan ng Central Luzon
kaya natiyak niyang hindi na magkukulang ang pagkain para sa kanyang mga tauhan.
Dito rin namatay ang matandang Legazpi pagkaraan ng isang taon, nuong Agosto 20,
1572, habang pinapalitan ang bakod na kahoy ng batong pader sa paligid ng Manila
na, hindi nagtagal, tinawag na Intramuros [sa pagitan ng mga pader].
SA MGA sumunod na taon, ang mga kasalukuyang lalawigan ng Bulacan,
Pampanga at bahagi ng Tarlac na tinawag nuong La Gran Pampanga ay sinakop
ni Martin Goiti, mayamang encomendero na. Ang apo ni Legazpi, si Juan de
Salcedo, ang pinakahuling conquistador, ang sumakop sa tinawag nilang Ilocos na
binuo ng tinatawag ngayong Ilocos, Pangasinan at bahagi ng Zambales. Si Salcedo
rin ang sumakop sa Cagayan, sa dulong hilaga ng Luzon, at sa timog, sa mga
tinatawag ngayong Laguna, Tayabas at Bicol. Kakampi nina Goiti at Salcedo ang
ilang daang mandirigma mula sa Cebu, Negros at Panay. Nang bandang huli,
kasama na rin ang mga Kapampangan at ang mga taga-Cavite.

Kasunod ng mga conquistador, madalas kasabay pa, ang mga frayle na nagkanyakanya sa buong Pilipinas. Ang mga Augustinian ang umari sa Batangas, Bulacan,
Pampanga, Ilocos, Cebu at Panay. Ang mga Franciscan ang kumuha sa Bicol,
Tayabas at malalaking piraso ng Laguna. Napasa sa mga Jesuit ang Cavite,
Marinduque, Samar, Leyte, Bohol, Negros at ilang piraso ng Mindanao. Ang mga
Dominican naman ang humawak sa Bataan, Pangasinan at ang buong Cagayan
Valley. Napunta sa mga Recollect ang Romblon, Palawan at ibang purok sa Luzon
na hindi nakuha na ng ibang mga frayle.
Mga Orden ng Romano Katoliko
Katulad sa Amerika, ang mga dumating sa Pilipinas na orden ng Romano
Katoliko na tumulong para sa konbersyon ng mga Pilipino ay ang mga
Agustino (1565), Franciskano (1577), Hesuita (1581), Dominikano (1587),
Recolleto (1606), and Benedikto (1895). Sa pagsunod sa patakaran ng
patronato real ng Simbahang Katoliko, ang pamahalaang Espanya ang
umako ng mga gastusin para sa pagpapalaganap ng mabuting balita,
binabayaran ang mga prayle at sinusuportahan sa kanilang mga
pagmimisyon. Nagkaroon ang mga prayle ng malaking impluwensya hindi
lamang sa simbahan kundi maging sa pamahalaan. Sa kalaunan ang mga
orden ng simbahan ay nagkamal ng maraming mga lupain sa biyaya ng mga
mayayamang Espanyol (the principala, or principal ones), at nabigyan rin
sila ng karapatang pagtrabahuhin ang mga katutubo sa kanilang mga lupain.
Mga Eskwelahang naitatag nuong Panahon ng Espanyol:
Kahit nuong simula ng ika 19 na siglo, ang salitang espanyol ay hindi pa rin alam
salitain ng maraming mga katutubo. Pinilit ipakita ng mga Espanyol ang kanilang
pagiging mataas kaysa sa mga indio sa pamamagitan ng antas ng edukasyon at sa uri
ng salitang ginagamit.
Ang mataas na paaralan ay bukas lamang sa mga Espanyol at Pilipino (tawag sa mga
espanyol na ipinanganak sa Pilipinas). Binuksan lamang sa mga meztizo at mga
indio ang mataas na paaralan nuong 1863.
Ang mga Hesuita ang unang nagtatag ng paaralan sa Pilipinas. Tinawag itong
Colegio de Manila na natatag nuong 1589. Napalitan ito ng pangalan bilang Colegio
de San Ignacio. Nuong 1621, ginawa itong universidad ni Papa Gregorio XV.
Subalit naipasara ito nuong 1768 nuong napalayas sa Pilipinas ang mga Hesuita.
Itinatag din nila nuong 1601 ang Colegio de San Jose.
Pagbalik nila sa Pilipinas nuong1859, itinatag nila ang Ateneo de Manila, ang unang
eskwelahan na tumanggap ng mga indio at meztizo.
Ang mga Dominikano naman sa pangunguna ni Padre Miguel de Benavides, ang
ikatlong arsobispo ng Maynila nuong 1611 ay itinatag ang Colegio de Nuestra
Senora del Santissimo Rosario, na pinangalanang Universidad de Santo Tomas
nuong 1645 ni Papa Innocencio X.
Itinatag din nga mga Dominikano ang Colegio de San Juan de Letran nuong 1620
para pangalagaan ang mga naulilang Espanyol

Ang kauna-unahang Colegio para sa mga kababaihan ay ang Colegio de Santa


Potenciana nuong 1594. Isinara ito pagkalipas ng dalwang taon at inilipat ang mga
magaaral sa Colegio de Santa Isabel na itinatag nuong 1596 (pinaka matandang
eskwelahan na umiiral sa Pilipinas). Ang Santa Catalina (1696) at Santa Rosa (1750)
ay mga eskwelahan din na itinatag para sa mga babae.
Iba pang halimbawa ng mga eskwelahan na itinatag na nuong panahon ng
Amerikano:
University of the Philippines (1908), Adamson University (1932), the University of
the East (1946), Far Eastern University (1928), Feati University (1946), at ang
Unibersidad ng Santo Toms (1611), na lahat ay nasa Maynila. Ang ilan pa ay ang
Bicol University (1969) sa Legaspi; University of Mindanao (1946) sa Davao; Saint
Louis University (1911) sa Baguio; at Southwestern University (1946) sa Cebu.
Nuong Agosto 22, 1677, ipinag-utos ni Carlos 2, hari nuon sa Espanya, na turuan at
gawing pari ang sinumang katutubo na magnais. Isa sa mga paaralang nakakatupad
nito ay ang kolehiyo ng Santo Tomas, na may seminaryo para sa mga nag-aaral ng
pagpapari. Sa kahilingan ng kolehiyo, hinirang ito nuong 1680 ni Carlos 2 sa
pagkalinga ng kaharian, at inutos niya kay Felipe Pardo, arsobispo ng Manila, na
tangkilikin ang pagiging pari ng mga tagapulo. Ngunit masidhi ang pagka-makalahi
[racism] ng maraming frayle sa Pilipinas at laban sa pagpapari ng mga indio. Isa na
sa kanila si Pardo, na sumagot nuong Junio 6, 1680, sa utos ni Carlos 2, at
pinintasan ang kakayahan at pagkatao ng mga indio:
Walang tiyagang mag-aral ng religion ang mga indio, lalong hirap matuto dahil sa
kanilang mga bisyo, mga masamang gawi at mga maling akala. Kaya kailangan
silang ituring na mga mistulang bata, kahit na iyong mga 50 - 60 anyos na. Pati na
ang mga anak ng Espanyol, ang nagpalaki kasi ang mga inang indio, o mga aliping
babae, mali ang natutunan at hindi angkop maging mga pari. Pulos tamad kasi,
medyo binabae at lahat ay itinuturing na biro lamang. Kung gagawing pari, magiging
masamang tutularan ng mga sumasamba. Ang dapat mangyari, ipadala rito ang mga
matimtimang Espanyol na masugid sa pagligtas ng kaluluwa.
Nuong 1700, sa utos ng hari, nagsimulang papasukin ang mga katutubo at mga
mestizo sa mga seminaryo at paaralan ng pagpapari. Ngunit nanaig ang mga frayle sa
pagpigil sa mga katutubong maging frayle, kaya pulos Espanyol lamang ang lahat ng
frayle sa Pilipinas, na nakipag-agawan sa mga paroco [parishes], laban sa mga pari
na kinabibilangan ng mga katutubo at mga mestizo.
Bakit kinalaban ang pagpapari ng mga katutubo at mestizo? Bakit nag-agawan
sa mga paroco? Bakit ang hari pa ang nag-utos sa pagpapari, nakikialam lang
'ba?
Lagi nang ma-politica ang bigayan ng mga paroco na, batay sa gawi ng feudalism,
ay kapangyarihan, karangalan at yaman ng sinumang magkamit. Naging mainit ang
agawan sa Pilipinas sapagkat naging luklukan [throne] ang paroco ng lahat ng

kapangyarihan sa baranggay, nayon o kabayanan. Karaniwan, ang frayle, nag-iisang


Espanyol sa buong pook, ang mistulang 'hari' ng libu-libong katutubo sa paroco.
Damdamin ng mga frayle, na pulos Espanyol, na hindi dapat magkaroon ng ganuong
uri ng kapangyarihan ang mga katutubo at mestizo, makakabawas sa pagkamataas ng
Espanyol, lalo na ng frayle, sa kapuluan. Ang pagbawas sa kapangyarihan ng frayle
ang nasa ni Carlos 2 nang nag-utos siya nuong 1677. Gawi sa Europa na pailalim
ang pari sa obispo [o arsobispo] na sumasagot naman sa hari na siyang nagpapasiya
sa lawak ng sakop ng obispo [diocese], kaya madaling mapasunod ng kaharian. Sa
Espanya, tawag sa pari ay sacerdote [secular priest] dahil hindi sila kasapi ng
matimtimang lipunan [religious society]. Samantala, ang mga frayle ay pailalim sa
superior ng kanilang kumbento, na pailalim naman sa provincial ng kanilang
'lalawigan', na pailalim naman sa pinuno [director general, general of the order] ng
kanilang matimtimang lipunan. Ang pinuno ay sumasagot sa Papa sa Roma, na
siyang nagpapasiya tungkol sa pagbuo o paglansag ng lipunan ng frayle. Kaya
mahirap pasunurin ng kaharian ang mga frayle, lalo na't madalas magka-digmaan ng
hari ang Papa dahil sa mga sakop na lupain sa Italya, at sa buong Europa na.

Sangley: Intsik
Ang mga mestizong Intsik sa ibang bayan sa timog silangang Asia ay itinuring na
tangi at kakaibang uri ng Intsik, ngunit sa Pilipinas, itinuring silang tangi at
kakaibang uri ng Pilipino
- Edgar Vickberg, historian, US Library of Congress
Putoseko sa tindahan, kung ayaw kang
magpautang, uubusin ka ng langgam
- awit, Sit-si-rit-sit
INTSIK ang tawag sa kanila ng mga Pilipino, hindi na matunton kung saan
nagmula ang pangalan. Ang nais nilang tawag sa mga sarili ay Chinoy, mula sa
pinagkabit na Chinese at Pinoy. Nuong panahon ng Espanyol, ang tawag sa kanila ay
Sangley, mula sa seng li o maglalako sa wika ng mga taga-Xiamen [Amoy dati],
isang lungsod sa Guandong [dating Canton], sa China. Dito nanggaling ang
pangalang Sangley Point ng daungan sa Cavite ng mga barkong nagkalakal sa
Manila daan-daang taon bago dumating ang Espanyol.
Padalaw-dalaw lamang muna nuong panahon ng
kaharian ng Tang [Tang dynasty] sa China nuong taong
618 hanggang 987. Dumalas at naging palagian ang
balik-balik nuong 1127 - 1279 nang naghari ang mga
Sung [Sung dynasty], pinatibayan ng mga porselanang
banga at tapayang nahukay sa lumang libingan sa Santa
Ana, Manila, at sa Calatagan, Batangas kamakailan.
Patuloy ang pagkalakal nuong mga kaharian ng mga
Yuan [umpisa sa apo ni Genghis Khan, si Kublai
Khan] nuong 1279 - 1368 at ng mga Ming nuong 1368 1644.
Giliw nuon ng mga tagapulo ang mga porselana, gamit sa bahay at sa pagkain, at
ataol sa paglilibing ng mga kamag-anak, at ang seda [silk], tanso, salamin, at
sariwang pancit ng mga Intsik. Kapalit ang mga kalakal ng mga katutubo, ginto,
perlas, pagong, mamahaling kahoy na narra, kamagong at iba pa, at ang giliw naman
ng Intsik, ang pagkit [wax] at hibe. Binanggit ang kalakal sa mga lumang kasulatan
sa China; tinawag na Liu Sung o Luzon ang mga pulo sa ibaba o timog ng China, at
Ma-it ang Manila, Cavite, Batangas at pulo ng Mindoro. Lumago ang kalakal mula
Lingayen, Pangasinan, hanggang Mindanao, Borneo at Melaka, sa Malaysia.
Dumalaw pa raw sa China ang ilang magdaragat mula Butuan sa Mindanao nuong
panahon ng Sung. Nuong 1372 - 1424, ang mga datu naman ng Ma-it ang pabalikbalik na bumabati sa mga emperador ng mga Ming.
Sa buong China, ang mga taga-Guandong at mga taga-Fujian [dating Fookien]
lamang ang nagkagawi ng pagdaragat, kaya sila ang karamihan sa mga Intsik na

dumayo sa Pilipinas, lalo na pagkarating nuong 1571 ni Miguel de Legazpi, ang


Espanyol na sumakop sa Manila. Sadyang inakit sila ni Legazpi at ng mga sumunod
na governador sa Manila upang pagyamanin ang kalakal ng China at Pilipinas, na
madaling pinalitan ng balikan mula China at Mexico na pinadaan sa Manila at
tinawag na galleon trade. Dahil sa pasok ng pilak mula Mexico, dumagsa ang mga
taga-Guandong at mga taga-Fujian, at hindi lamang nagkalakal, mandin nanirahan
na at naging mga naglalako, kargador, karpintero, mason, magsasaka at artisan sa
mga simbahan at kumbentong itinatayo ng mga Espanyol sa Manila at pali-paligid.
Kaya nuong 1603, 38 taon lamang pagkarating ni Legazpi, mayroon nang mahigit
30,000 Intsik ang nabilang sa Manila at mga kalapit na pook, kahit na ipinatapon ng
mga Espanyol ang 12,000 Intsik nuong 1596. Dinaig nila sa dami ang mga Espanyol
na, upang hindi matabunan, ipinagbawal ang pagtira ng mga Intsik sa loob ng
Intramuros. Pinagbayad din ang bawat isa ng buwis. Nagsisikan sila sa Parian
[dating tawag ng mga taga-Manila sa palengke o
malaking talipapa] sa labas, kinatatayuan ngayon
ng city hall ng Manila, hanggang sa ilog Pasig,
ang kauna-unahang squatters area at Chinatown
sa Pilipinas. Sa lupit ng turing sa kanila,
naghimagsik ang 6,000 Intsik sa Parian nuong
1603, sinunog ang mga baranggay ng mga
katutubo sa paligid ng Intramuros at sinugod ang
Intramuros mismo. Maraming Espanyol na
pinatay, pinugutan ng ulo. Pagdating ng malaking
sandatahang Espanyol mula sa Visayas at
Mindanao, katulong ang mga taga-Manila, nilipol
ang mga Intsik at sinunog ang Parian. Mahigit
20,000 Intsik ang pinatay bago natapos ang
himagsikan. Kahit na malawak ang pinsala,
nagpatuloy ang galleon trade at pagkaraan
lamang ng 1 taon, nuong 1604, nagsimula uling
dumami ang mga Intsik sa Pilipinas.
Sa bawat purok at nayong pasukin ng mga Espanyol, sumunod ang mga Intsik upang
magkalakal o maging manggagawa. Sa bawat simbahang itayo ng mga frayle, may
tindahang itinayo ang mga Intsik. Sa bawat lansangang ipagawa sa kabayanan upang
mag-ugnay sa Manila, tinahak pabalik-balik ng mga Intsik, bitbit at pasan-pasan,
tulak kariton ang mga paninda at bilihin. Walang 50 taon pagkarating ni Legazpi,
naging pangkaraniwan nang makita ang Intsik sa bawat sulok ng mga lupaing
sinakop ng Espanyol. At sila ang ginamit na bilihan ng mga kailangan ng lahat,
Espanyol, frayle at katutubo, na ayaw nang lumuwas sa kabayanan o sa Manila.
Hindi nagtagal, walang 100 taon mula nang dumating si Legazpi, namakyaw na ang
mga Intsik ng bigas, palay at mga pananim at prutas, nagpundar na ng mga imbakan
[bodega] at gilingan ng palay at mais. Nagpautang, naningil, nag-ilit, sila ang naging
paluwagan [bank, financier], mga tagapagluwas [middlemen] at mga tagapagtayo

ng kalakal [enterpreneurs] sa bara-baranggay. Sa kalakihan ng sanpuluan, naging 3


bahagi ang paghanapang-buhay [economy]:

Ang maka-Europa at maka-kabayanang rangya ng mga Espanyol, nakapako


sa Manila at malalaking lungsod
Ang kahig-tukang pamumuhay ng mga katutubo, ayaw mawalay sa
kanilang giliw na nayon at baranggay
Ang kalakal at pananalapi ng mga Intsik na nag-ugnay - at naghiwalay - sa
magkabilang pamumuhay ng mga sumakop at ng mga sinakop.

Isa sa mga kabayanang dinanak ng mga Intsik kasunod sa mga frayle ay ang, sa una,
munting baranggay ng Pagsanjan, katabi ng Lumban, sa Laguna. Walong Intsik at 2
Hapon, pulos binata, pulos binyagang katoliko, agad nanirahan duon pagkatapos pa
lamang itatag ni frayle Juan de la Plasencia, Jesuit na misyonaryo at manalaysay
[historian]. Galak ang 10 dayuhan sa katayuan ng bagong baranggay sa dugtong ng 2
ilog, mainam sa kalakal, at nagtayo sila ng tindahan at nagpundar ng paglalako ng
nga-nga [betel nut]. Lahat sina Alfonso at Diego Changco, Mateo Caco, Jose
Jegote, Juan Juco, Diego at Marcos Suico at Eugenio Vinco ay
nag-asawa ng mga Pilipina mula sa mga katabing baranggay ng
Longos, Paete, Pakil, Cavinti at Santa Cruz. Lumago ang
kanilang kalakal at hindi nagtagal, dumating ang iba pang mga
Intsik na nag-asawa rin ng mga Pilipina at nagkalakal din.
Dumating din ang mga naging kapit-bahay nila mula sa mga
kabayanan sa paligid, hanggang sa naging kabayanan at bantog
ang Pagsanjan, pinagyaman ng mga mestizong Intsik na anakanakan ng mga unang 10 binata.
Nuong 1750, sinimulan ang paghigpit sa mga Intsik. Pinagbawal
na ang pagpasok mula China; ang mga nandirito na, pinagbawalang magkalakal o
manirahan sa mga lalawigan at mga purok sa looban ng pulu-pulo. Pinagbawalan din
nuong 1755 ang mga hindi-binyagang Intsik na sumali sa kalakal ng galleon trade,
sa mga Espanyol napunta lahat ng kita. Nuong 1766, pinalayas nang tuluyan ang
mga hindi-binyagang Intsik. Madaling baling sila sa palusot, karamihan ay mga
hampas-lupang binata na simula't simula pa ay wala nang balak bumalik sa China.
Marami ang nag-asawa ng mga Pilipina at naging mistulang Pilipino na, gaya ng 10
taga-Pagsanjan, nagpabinyag at naging katoliko. Nang kinakainitan ang mga hindibinyagan, nagkaroon sila at ang kanilang mga anak-anakan ng pagkakataong pumalit
sa kalakal at pananalapi na sinarili dati ng mga Intsik. Sila, ang libu-libong mestizo,
ang naging pang-3 bahagi ng hanapang-buhay sa Pilipinas. Kahit na nuong itigil ang
pagpapalayas nuong 1788, bihirang Intsik ang pinayagang makalayo, pinagkumpulkumpol na lamang sila sa Binondo at Santa Cruz, sa tabi ng ilog Pasig, at nasa
kabilang panig ng Intramuros.
Sa panahon ito, bandang 1800, ang mga frayle ang pinakamayaman sa Pilipinas at
mga may-ari ng mga pinakamalawak na lupain. Sila rin, matapos palayasin ang mga

Intsik, ang pinakamalakas magpa-utang sa mga magbubukid na, dahil walang pagasang makaahon sa utang, ay unti-unting nagapos sa lupang sinasaka, gaya ng mga
serfs nuong panahon ng feudalism sa Europa. Sa pagdami, at pagsidhi ng hirap ng
mga may-utang, unti-unti silang nawalan ng tiwala, nagsimulang mapoot sa mga
frayle at hindi nagtagal, pati sa simbahan at sa pamahalaan sa Manila. Samantala sa
pagkasangkot ng Espanya sa digmaan, kasabay sa pagdanak sa Pilipinas ng mga
patapon ng Central at South America, pinutol ng bagong layang Mexico nuong
1820 ang galleon trade at natigil ang pagpasok ng pilak ng Mexico sa Pilipinas, ang
tanging paghanapang-buhay at tustos sa pamahalaan ng Manila, na napilitang
pasanin ng naghihirap nang kaharian sa Madrid. Duon nuong 1839, napagpasiyahan
na kailangan palaguin ang kalakal sa Pilipinas upang mabayaran ang pamamahala sa
kapuluan at ang patuloy na digmaan laban sa mga Muslim sa Mindanao at Sulu.
Itinigil ang 81 taong paghigpit sa Intsik, hinayaan nang manirahan at maghanapbuhay sa alin mang pook sa Pilipinas.
Dumami uli ang mga lumikas mula sa China. Inutos nuong 1844
ng Madrid na itigil ng mga alcalde mayor ng mga lalawigan
ang kanilang pansariling pagkalakal dahil hadlang ito sa paglago
ng kalakal sa kapuluan. Nakita ng mga Intsik ang malaking
pagkakataon - nasok sila sa lahat ng lalawigan at hinamig ang
lahat ng kalakal na dating sinarili ng mga pinunong Espanyol.
Lalong dumami ang dumating mula sa China. Pagkaraan lamang
ng 5 taon, umabot 6,000 ang mga Intsik sa paligid ng Manila
nuong 1849. Buhos na ang pasok ng mga Intsik at nuong 1866,
mahigit 66,000 ang nabilang at kalahati, mahigit 30,000 ay
naglipana na sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas. Nahamig nilang
muli, at napalawak pa, ang mga kalakal at pananalaping
inangkin ng mga mestizong Intsik nuong napaghigpitan sila.
Nasarili o nasakop nila ang ilang mahahalagang gawain pakyawan, pagbodega, pagluwas at pagtitingi ng bigas at mga kakanin.
Ang mga mestizong Intsik, nang maramdaman ang pagdumog ng mga Intsik at mga
patapong Espanyol, ay umalis sa pagkalakal at inasikaso na lamang ang pag-ari at
pagpa-upa ng lupa, nagpundar ng pautangan o lumipat sa mga bago at lumalawak na
gawaing dalubhasa [professions] sa medisina, batasan [law], pharmaceutica
[chemistry] at pamamahala ng mga pabrika at kalakal [commercial and industrial
management]. Ang mga kalakal na pinagkuwartahan ng pamahalaan ay mga
pananim [agricultural products] - tabako, abaka, asukal, copra at iba pa - na
nagsulsol sa mga frayle na pag-ibayuhin ang pagkalkal ng pag-aari ng lupa sa buong
kapuluan. Masigla silang sinalihan nuong bandang 1850 ng mga mestizong Intsik, at
ng mga familia ng mga Pilipino na may kapit sa mga frayle at mga mestizong Intsik.
Lumaganap ang walang puknat na nakawan ng lupa [rampant land-grabbing] at
lalong nawalan ng ari ang mga katutubong magsasaka, libu-libo ang napilitang
umalis sa mga bukirin at naghanap-buhay sa mga kabayanan at mga lungsod. Ang
mga naiwan, ang mga kasama at sacada, ay lalong nabaon sa utang at, pati nang

mga familia at kamag-anak, ay naging mistulang alipin ng mga may-ari ng lupa, ng


mga cacique at mga haciendero.
Hintay muna: Paano nasunggaban ang mga lupa? Mga pari, nag-landgrabbing?
Ang pag-aari ng lupa, nuong dumating ang mga Espanyol, ay nasa
baranggay o nayon. Bagaman may kani-kaniyang tahanan at
taniman ang bawat tao, ang tinuring lamang na 'ari' ay ang ani o
ang mga bunga ng sariling pagpapawis. Batay ito sa dating gawi ng
mga magdaragat na ninuno ng mga tao sa Pilipinas. Ari nila ang
mga nahuling isda, hindi nila ari ang dagat. Hawak nila at
ipinagtanggol ang mga bahagi ng dagat na malapit sa baranggay o
nayon, ngunit ang pag-aari nila ay angkinan lamang, maaaring
ipaggamit o ipaupa sa iba paminsan-minsan, ngunit hindi
maaaring ipagbili. Marami pang lupain sa Mindanao ang
itinuturing nang ganito ng mga Muslim, kaya nagkadigmaan
tuwing ilitin ng pamahalaan sa hindi pagbayad ng buwis o ariin ng
mga "nakabiling" katoliko. Nuong panahon ng mga frayle, sila ang
nagtala ng mga pag-aari sa paroco, karamihan ay lupa, upang
mabuwisan. Sa tinagal ng panahon, nalista nila sa sariling
pangalan, o sa pangalan ng mga anak nila, ang mga lupaing walang may-ari o nailit
sa hindi pagbayad ng buwis. Sa maraming baranggay, lubusang ninakaw na lamang
ng mga frayle ang mga taniman, inilagay nila sa sariling pangalan nang walang
pasubali, kaya maraming magsasaka ang biglang naging mga kasama o sacada na
lamang sa mga bukid na minana mula pa sa mga ninuno. Isa ito sa mga
pinakamalaking dahilan ng Himagsikan nuong 1896.
Nang tumagal na rito ang mga bagong saltang Intsik, sila at ang kanilang mga
mestizong anak-anakan ay gumaya na rin sa pagpo-professional, pag-ari at pagpaupa ng lupa at pagpapautang. Nagsiksikan ang mga mestizong Intsik sa mga paaralan
at kolehiyo, at libu-libo ang naging mga de campanilla, dumami ang mga naging
professional. Marami ang nagpatuloy ng pag-aral at pagdalubhasa sa Europa, kung
saan nila namasdan na hindi sila kailangang maging utusan ng mga Espanyol, na sila
ay maaaring makapantay ng mga puti. Sa pagbalik ng mga educado, pumasok sa
Pilipinas ang mga narinig at natutunan tungkol sa pantayan ng mga mamamayan, ng
pakikibahagi ng lahat sa kapangyarihan, ng pagsali sa pamamahala ng bayan. At
umiral sa Manila at iba pang lungsod ng kapuluan mula nuong 1860 ang pagnasa,
hindi ng kalayaan at democracia - matagal pa bago makusa ang mga iyon - kundi ng
pagbuti ng turing ng mga Espanyol sa mga katutubo. Kaya nuong 1860, pagkaraan
ng halos 300 taon, ang pag-ari ng lupa, ang pagiging educado at de campanilla at,
higit sa lahat, ang pagkakaroon ng yaman ay nagtutok sa libu-libong mestizong
sangley sa bingit ng politica, ng paghangad na makabahagi sa kapangyarihan ng
bayan. Kapangyarihang walang balak ang Espanyol na ipamigay.

(Ikapitong Linggo)
Ang Maharlika At Ang Ilustrado
May payneta pa siya, oy! May suklay pa mandin, oy!
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng
-- Awit, Paruparong Bukid
SI Felipe 2, hari ng Espanya, ang nag-utos nuong Pebrero 8, 1597, na panatiliin sa
tungkulin ang mga maharlika kapag nagpabinyag. Namana ng mga anak-anak nila
ang tungkulin ng pagsilbi sa mga frayle at utusan ng mga Espanyol. Sila ang naging
mga utusan, taga-manman, taga-sumbong, tagapamahala at taga-parusa ng mga galit,
ng mga lumalabag sa utos. Bilang mga capitan del barrio, mga cabeza de
barangay , at mga governadorcillo, unti-unti silang nakakupit ng kapangyarihan
hanggang nuong bandang 1800, nakaipon sila ng sapat upang matanghal na mga
principales o pangunahing mamamayan sa kabayanan. Sa ganitong katayuan, madali
silang nakapagsamantala nang naging magulo at labu-labo ang agawan sa
kapangyarihan at nakagawan ng lupa ng mga frayle at iba pang mga Espanyol. Sila
ay nagpalawak din ng mga lupain.
Matumal nuong simula, nang maging tagapagsilbi lamang sila ng mga frayle,
malaking pagbagsak matapos ng daan-daang taong naghari-harian sila sa mga
mandirigma bilang mga datu at rajah, nilibak pa man sila ng mga pinunong
Espanyol sa Manila. Nang unang naupo si Miguel Lopez de Legazpi bilang
governador nuong 1571, nag-alok si Lakan Dula at iba pang maharlika ng tulong,
pasusukuin ang mga karatig baranggay, ngunit tinanggihan sila at pinagsabihan pa,
na hindi naman nila magagampanan ang inaalok nila, na hindi naman sila sinusunod
na ng mga tao. Totoo naman, wala ngang nakinig kina Lakan Dula sapagkat bagong
salta sila sa Manila at sa mata ng marami, mga mananakop na dayuhan din sila tulad
ng mga Espanyol.
Wala rin silang pananggalang sa masugid na pagkamakalahi [racism] ng mga
Espanyol na nagsadlak sa kanila sa pagiging indio, at sa kalupitan ng mga
encomiendero na panay ang hamig ng ginto at yaman. Nakatulong ang mga frayle, at
ang pananatili nila sa katungkulan bilang
pinuno ng baranggay. Bahagya lamang
nagbuti ang kalagayan nila nang maging kapamilya nila ang mga frayle at ang mga
anak-pari dahil karaniwang nag-utos-utos
din ang mga ito sa kanila, at ang pagdamay
at pakikisama ng mga kanayon lamang ang
naging ginhawa nila sa nagdaang 200 taon.

Dumating ang pagkakataon nila nuong 1750 nang simulang paghigpitan ang mga
Intsik. Ginamit nila ang mga pamanang katungkulan at munting kapangyarihan sa
bara-baranggay upang maka-ugnay at maka-pamilya ang mga masalaping sangley at
mga mestizong Intsik, - sa kasalan at compadrehan sa mga binyag at kumpil, sa
pagtulong sa pagbili ng lupa at pasimula ng pagkalakal sa nayon. Ang mga
principales ay nagsimulang maging masalapi, at handa sila nang maganap ang
sunud-sunod na mga pangyayari sa Pilipinas pagkasimula ng ika-19 sandaang taon
[19th century].

Tumiwalag ang Mexico mula sa pagsakop ng Espanya nuong 1819 at


naghayag sa sumunod na taon ng pagkapag-sasarili [independence].
Itinigil ang galleon trade. Ang kahuli-hulihang barko mula Acapulco,
Mexico, ay dumaong sa Manila nuong 1815. Naglaho na ang taon-taong
tustos na pilak sa lipunan at pamahalaan ng Espanyol sa Intramuros.
Masigasig na pinalago ng Espanya ang kalakal panlabas [exports] sa
Pilipinas upang maiwasan ang pagkalugi ng pamahalaan sa Manila at
pagtigil ng pagsakop sa Mindanao. Agad lumaganap ang pagtanim at
paglako ng mga aning pangkalakal [farm products] gaya ng abaca, tabako,
copra at asukal. Mabilis lumawak ang mga bukirin - at ang agawan ng lupa
- sa buong kapuluan.
Upang maakit ang pasok ng salapi sa Pilipinas, itinigil ang pagpigil sa
kalakal ng ibang bansa at "binuksan" ang iba't ibang lungsod Zamboanga nuong 1831, Manila nuong 1834, Iloilo nuong 1855 at Cebu
nuong 1863.
Isinara ng pamahalaan ang 1,000
monasteryo at ipinagbili ang kanilang
mga lupain sa Espanya nuong 1835.
Pinatay ang mga frayle at mongha na
lumaban. Marami ang napalayas at
nagpuntahan sa Pilipinas. Ang mga
frayle sa Pilipinas ay hindi na
pinayagang bumalik sa Espanya.
Itinigil ang pagsara sa gabi ng mga
pintuan ng Intramuros, at hinayaan
nang "bukas" ang Manila araw at
gabi simula nuong 1852.
Nagbalik sa Pilipinas ang mga ipinatapong frayleng Jesuit nuong 1859 at
itinatag nila ang Ateneo sa Manila, ang unang paaralang tumanggap ng mga
katutubo at mga mestizo. Buhos ang tustos ng mga anak ng mayamang
mestizo at principales kaya gumaya agad ang ibang paaralan at dumami
ang mga katutubo at mga mestizong Intsik na educado.
Nabuksan ang Suez Canal sa Egypt nuong 1869. Nagsimula rin ang
paggamit ng mga barkong dimakina [steamships]. Napamura, napabilis at
napadali ang lakbayan sa Europa. Nagdatingan ang iba't ibang taga-Europa
upang magkalakal sa Manila, Cebu at iba pang lungsod. Higit katuturan,

nagpuntahan sa Europa ang mga katutubo at mga mestizong Intsik na


educado upang ipagpatuloy ang pagdadalubhasa.
Sa pagpasok ng bagong salapi at paglawak ng kalakal sa buong kapuluan, dumami
ang mga mayamang mestizo at principales at sila ay naging kapansin-pansin at
kinainggitan. Ang mga mapaglibak na Espanyol sa Pilipinas ay nagsimulang maging
malupit at mapagparusa, lalo na't naging siksikan ang agawan ng mga lupain, ng mga
paroco at ng mga katungkulan sa pamahalaan sa Pilipinas sa pagdanak ng mga
patapon mula sa Central at South America. Nakisiksik na rin ang maraming takas
mula sa gulo at paghihirap sa Espanya, pati na ang mga frayle na napalayas nang
sarahan ang mga monasteryo duon. Naghari ang suhol, lagay at kapit sa lumalaking
pamahalaan, at simbahan, sa Pilipinas. Abala sa sariling mga suliranin, bahagya
lamang napag-ukulan ng pansin ng Madrid ang Manila, lalo na nang itigil nuong
1837 ang pagdalo ng mga kinatawan [deputados] mula Pilipinas sa batasan o cortez
ng Espanya. Bahagya ring nakinabang ang Espanya sa paglawak ng kalakal sa
Pilipinas dahil sinarili ng mga Espanyol duon na inggit din, at balisa, sa unti-unting
pagyaman ng mga principales at mga mestizo.
Hintay muna: Ano ang pinag-abalahang mga suliranin sa Espanya? Bakit hindi
napansin ang mga nangyayari sa Pilipinas?
Una na, kasangkot ang mga nasa pamahalaan ng Pilipinas at ang mga frayle [pati
ilang obispo] sa dumi [graft and corruption] ng pamamalakad kaya sadyang
inilihim sa Madrid ang mga pangyayari, o ang sanhi ng mga suliranin sa kapuluan.
Ang mga nasa Espanya naman ay gulung-gulo sa himagsikan laban sa France, sa
pagbalik ni Fernando 7 bilang panibagong hari, sa himagsikan at pagtiwalag ng mga
sakop [colonies] sa Central at South America, sa pag-usig ni Fernando 7 ng mga
Espanyol na makabago at ayaw maging matimtiman, sa pagkalugi ng paghanapangbuhay at paghihikahos [economic decline, poverty] sa Espanya, sa digmaang
sumunod sa pagkamatay ni Fernando 7 nuong 1833, sa kudeyta [coup d'etat] ng
mga general ng hukbong Espanyol na sumunod sa digmaan, sa contra kudeyta,
tapos, himagsikan uli...sunud-sunod ang mga suliranin sa Espanya nuon.
Sa Pilipinas, ang mga Espanyol lamang ang nagdambulan.
Puwera ang mga katutubo at mga mestizong Intsik; ang pag-unlad ng kapangyarihan
ay itinangi ng mga Espanyol sa mga Espanyol lamang. Nang umungol ang angal ng
mga principales, pinag-ibayo ng mga Espanyol at mga frayle ang paglibak at
pagmalupit sa mga katutubo at mga mestizo upang tumahimik at manatiling aba.
Nang ayaw tumahan, muhi at parusa ang ginamit, ngunit huli na. Nang buksan ang
mga paaralan sa mga katutubo at mga mestizo, nabuklat ang mga aklat ng karanasan
ng mga tao sa ibang bayan. Nang 'buksan' ang Pilipinas sa kalakal ng ibang bansa,
hindi lamang hasang dunong sa kalakal ang dala ng mga dayuhan na pumasok sa
kapuluan, pati na mga maunlad na pag-iisip at babasahin mula Europa at America.
Nang buksan ang Suez Canal at nagtungo ng Europa, hindi lamang pagdalubhasa

ang natagpuan kundi ang pantayan ng mga mamamayan sa ilalim ng mapagtangkilik


na pamahalaan, hindi ng hari, hindi ng pari, kundi ng mga karaniwang tao.
Huli na upang ipinid muli ang mga nabuksan.
Nagsimula nilang tawagin ang mga sariling ilustrado [the enlightened], ang mga
nasinagan ng mga bagong kalayaan, isa na ang karapatan
ng mamamayan na makibahagi sa pamahalaan. Halo sa
pagiging pinakamataas sa lipunan ng mga katutubo, ang
pag-aari nila ng lupa at pagiging mga mayaman at educado,
hindi na indio ang tingin sa sarili, mga mamamayan na at
hindi mga "nasakop", hindi na nila naatim na hindi
magkamit ng karagdagang kapangyarihan.
Hindi pa nila inisip, nuong bago mag-1880, na pumiglas sa
Espanya. Kabaligtaran, ninasa ng marami na maging higit
na malapit, maging lubusang bahagi na, hindi lamang
sakop, ng Espanya. Unsiyami sa patuloy na paglibak ng
mga Espanyol sa Pilipinas, hindi naiwasan ang dapat
asahang pagbaling nila sa politica. Sa pagnasang maging kapantay ng mga Espanyol,
ang ilan, gaya ni Jose Rizal, ay nagsimula nang tumawag sa mga sarili ng Pilipino
upang ipahiwatig ang kanilang pagiging kapantay ng mga Espanyol na ipinanganak
sa Pilipinas.
NABAON ang mga timawa.
Sa pagsigla sa politica ng mga ilustrado, sa paglaganap ng kalampag na ipagbuti
ang turing sa mga katutubo, lalo namang sumidhi ang pagpigil at pagmalupit ng mga
Espanyol sa Pilipinas, lalo na ng mga frayle, upang hindi mabawasan ang kanilang
mga lupain, yaman at kapangyarihan. Sa mga dukha unang nabuhos ang kanilang
lupit. Nang buksan ang mga paaralan sa mga katutubo at mga mestizo, lalong naging
hamak ang mga hampas-lupa sa pataasan sa lipunan. Walang na ngang pangtustos
makapag-aral, dinagdagan pa ang kanilang mga pasanin nang simulan silang
pagbayarin taon-taon ng buwis sa cedula nuong 1884. Baon sa utang sa mga cacique
at mga haciendero, lubusang nawalan sila ng pag-asang makaahon sa paghihirap.
Nawalan pa sila ng kakampi.
Pamana sa mga anak-anakan ng mga
magiting, kasama ng kanilang pagiging
pinakamataas sa lipunan, ang pagtangkilik
pag-aruga sa mga taga-baranggay. Nang
maging maharlika ang mga magiting
nuong panahon ng mga mandirigma,
nabawasan ang pagtangkilik na ito sa

at

paghangad ng mga datu at rajah na magkaroon ng maraming alipin. Nang dumating


ang mga Espanyol at gawing mga utusan ang mga maharlika, naging napakababa
ang mga taga-baranggay, naging utusan ng mga utusan. Gayunman, mahigit 200 taon
namuhay nang tahimik ang mga timawa dahil kasama-sama nila sa baranggay at
nayon ang mga principales at natutungo nila tuwing kinakailangan. Naglaho ang
ugnayang ito nang nauso ang pagkurakot at pagyaman ng mga pinuno sa dambulan
ng lupa at ari-arian nuong pagkaraan ng 1850, at lumuwas na sa Manila at mga
lungsod ang mga maylupa upang bumahagi sa lumalagong pakikipagkalakal sa mga
taga-Europa. Kagaya ng mga Espanyol at mga frayle, naging mababa na rin ang
tingin ng mga principales sa mga magbubukid.

Naging bantog ang mga mapuputi at makikinis ang balat. Naging pintas ang maging
maitim ang balat, ang magpawis sa paghahanap-buhay, ang magka-kalyo sa kamay.
Naging kagalang-galang ang magsapatos, katawa-tawa ang magbakya, kahiya-hiya
ang nakayapak. Nauso ang umiwas sa mahirap na laging maraming hiling na
nakakabawas sa salapi, at sa pamumuhay sa lungsod at kabayanan, ng mayaman.

Simula nuong 1860 hanggang 1890, patuloy na naiwang nag-iisa sa pagkaapi ang
mga dukha sa bukid at nayon, lalo na sa mga dampa sa Gitnaang Luzon, at sa mga
barung-barong ng mga squatters sa Tondo at Caloocan, sa gilid ng Manila. Natuto
ang mga timawang magtulungan at magdamayan sila-sila, kilalaning magkakahawig
ang kanilang kalagayan at kapakanan. Nang lumaganap ang mga adhika ng mga
ilustrado na ipagbuti ang turing sa katutubo, natuto rin ang mga timawa na
magsama-sama at magka-isa. Ngunit kakaiba sa mga ilustrado, wala silang
pagmamahal sa Espanya at walang nasang manatiling kasa-kasama ng mga
Espanyol. Kaya nuong 1890, handa na ang mga timawa na makibaka nang sabaysabay sa ikabubuti ng mga sarili.
Mga Bakas Ng Lumipas (I)

1754, sinimulan ni Dagohoy ang paghimagsik sa Bohol, tumagal hanggang


1829.
1754 Marso 3, nakipagkasunduan si Sultan Muhamad Alimudin sa mga
Espanyol.
1755, ipinatapon sa labas ng Pilipinas ang mahigit 2,000 Intsik mula
Manila.
1762, sinakop ang Manila ng mga British hanggang Abril 1764. Nag-aklas
si Juan de la Cruz Palaris sa Pangasinan laban sa pagbuwis ng mga
Espanyol. Sa 2 taon, lumaganap ang aklasan hanggang Ilocos.
1763, naghimagsik si Diego Silang sa Ilocos. Ibinalik ng mga British si
Sultan Alimudin sa kanyang kaharian sa Mindanao.
1767, ipinadakip ni Simon de Anda, pansamantalang governador, ang mga
frayle Augustinian sa Pampanga na ayaw pumailalim sa pamamahala ng
obispo.

1768, ipinag-utos ng Espanya ang pagpalayas sa mga frayleng Jesuit.


Ipinag-utos din ng Papa sa Roma sa sumunod na taon.
1770, ipinatapon ang mga frayleng Jesuit. Hinirang ng Madrid na
governador general ng Pilipinas si Simon de Anda y Salazar.
1774, inutos ng Madrid na ibigay sa mga Pilipino at mestizong pari ang
mga paroco na hawak ng mga frayle, na pulos mga Espanyol.
1775, ibinalik ang mga frayleng Augustinian sa Pampanga matapos sumuko
sa pamamahala ng obispo.
1776, binawi ng Madrid ang utos na mga Pilipino at mestizong pari lamang
ang mamuno sa mga paroco. Nagsimula ang himagsikan sa America laban
sa mga British.
1781, sinarili ng pamahalaan sa Manila ang pagtanim at pagkalakal ng
tabako, pinamunuan ni Jose Basco.
1783, nagwagi ang mga Amerkano sa himagsikan, sumuko at umurong ang
British mula America.
1785 Marso 10, itinatag ni Carlos 3, hari ng Espanya, ang Real Compania
de Filipinas upang paunlarin ang mga kalakal sa Pilipinas.
1788, nag-aklas ang mga Ilocano, pinamunuan ni Ambaristo, laban sa
pagsarili ng kalakal ng tabako.
1803, binili ng America ang malaking lupain ng Louisiana; nagsimula ang
paglawak ng America papuntang Pacific Ocean.
1807, sinarili ng pamahalaan sa Manila ang kalakal ng basi. Nag-aklas ang
mga Ilocano, pinamunuan ni Pedro Mateo.
1808, sinakop ang Espanya ng France, pinamunuan ni Napoleon Bonaparte.
Hinirang na hari ang kapatid, si Joseph Bonaparte. Naghimagsik ang mga
Espanyol at nagtatag ng pamahalaan sa Cadiz. Naghimagsik sa America
ang mga sakop ng Espanya.
1810, isinali ang mga Pilipino sa pambansang batasan [cortez] ng Espanya.
1811, lumisan ng Cavite ang kahuli-hulihang galleon papuntang Acapulco,
sa Mexico.
1812 Enero 6, ipinanganak si Tandang Sora Melchora Aquino, ina ng
Katipunan.
1814, sa tulong ng Britain, napalayas ang mga Frances sa Espanya.
Hinirang na hari si Ferdinand 7.
1815, lumisan sa Acapulco, Mexico ang kahuli-hulihang galleon papuntang
Manila.
1817, nagwagi ang himagsikan sa Argentina at nakalaya mula sa Espanya.
1818, hinati ang Ilocos, ginawang Ilocos Norte at Ilocos Sur.
1819, tumiwalag ang Mexico mula sa Espanya.
1820, naghayag ang Mexico ng pagkapag-sasarili [independence]. Inutos ni
Hari Ferdinand 7 sa pamahalaan sa Cadiz na sakupin uli ang mga bayan sa
America. Tumanggi ang Cadiz at nagsimula ang himagsikan sa Espanya
laban kay Ferdinand. Nalugi at nagsara ang Real Compania de Filipinas.
Napalayas ang libu-libong Espanyol at mestizo mula sa America, puntahan

sa Pilipinas at sinarili ang kalakal at pamahalaan. Lumaganap ang


pagpababa ng mga katutubong Pilipino. Octobre 9, pinagpapatay ng mga
Pilipino ang mga dayuhan sa Manila at Cavite nang ipamalita ng mga
Espanyol na ang mga dayuhan ang sanhi ng cholera na pumatay sa libulibong Pilipino.
1821, inagaw ng America ang Florida mula sa Espanyol.
1822, itinatag ang unang pahayagan sa Manila, ang El Filantropo.
1823, sa tulong ng France, ginapi ni Hari Ferdinand 7 ang himagsikan sa
Espanya. Nakalaya na ang lahat ng sakop ng Espanya, maliban sa Cuba,
Puerto Rico, Pilipinas, Guam at ilang lupain sa Africa. Junio, nag-aklas sa
Manila si Andres Novales, mestizong Mexicano sa hukbo ng Espanya,
laban sa paglibak ng mga Espanyol.
1826, ipinag-utos na mga frayle lamang ang mamuno sa mga paroco sa
Pilipinas. Ibinaba ang mga Pilipino at mestizong pari sa pagka-kura [curate]
na lamang. Deciembre 17, ipinanganak si Graciano Lopez-Jaena.
1829, nasugpo ng mga Espanyol ang himagsikan ni Dagohoy sa Bohol.
Pinatawad ang libu-libong kasapi na namuhay nang tahimik mula nuon.
1830, binuksan ang unang bangko sa Pilipinas.
1831, binuksan ang Zamboanga sa kalakal ng buong mundo.
1833, naging reyna ng Espanya si Isabela 2.
1834, binuksan ang Manila sa kalakal ng buong daigdig.
1835, nag-aklas sa Cavite si Feliciano Paran. Sa Espanya, ipinag-utos na
wasakin lahat ng mahigit 1,000 monasteryo at ipinagbili ang mga lupain.
Pinatay ang mga mongha at frayle na lumaban; ang mga pari at mga Jesuits
ay pinaghanap at dinakip. Ang mga frayle sa Pilipinas ay hindi na
pinayagang makabalik pa sa Espanya.
1837, ipinagbawal ang pagdalo ng mga Pilipino sa pambansang batasan
[cortez] ng Espanya.
1839, pinayagan ang mga Intsik na manirahan at magkalakal nang husto sa
buong Pilipinas. Dumami ang mga Intsik sa kapuluan.
1841, nag-aklas si Apolinario dela Cruz, hari ng mga Tagalog, at ang
Confradia de San Jose.
1843, pinayagan nang magtindahan ang mga Intsik kapantay ng mga
Espanyol.
1844, ipinagbawal ang pagkalakal ng mga pinuno ng mga lalawigan
[alcalde mayor] na sinasarili ang kalakal. Lumawak ang kalakal ng mga
Intsik sa buong kapuluan. Lumusob ang hukbong Espanyol, pinamunuan ni
Claveria, laban sa mga Muslim sa Mindanao. Pinagbawalan ang mga
Intsik na pumasok sa mga lalawigan at looban ng mga pulo.
1847, sinakop ng mga Espanyol ang Davao, sa Mindanao.
1848, sinakop ng America ang California sa pagkatalo ng Mexico sa
digmaan. Nasa kabilang gilid na ng Pacific Ocean ang mga Amerkano.
1850 Agosto 30, ipinanganak si Marcelo H del Pilar.

1851, sinakop ng mga Espanyol, pinamunuan ni Antonio de Urbiztondo,


ang Sulu.
1852, nagbukas ang Banco Espanol-Filipino. Sinimulang iwanang bukas
ang Manila [Intramuros] araw at gabi.
1853 Peb 21, ipinanganak si Felix Resurreccion Hidalgo sa Binondo,
Manila.
1854, nag-aklas si Cuesta.
1855, binuksan ang Iloilo sa kalakal ng buong mundo.
1857, itinatag ang pagawaan ng salapi sa Manila.
1859, nagbalikan ang mga frayleng Jesuit sa Pilipinas. Itinatag ang Ateneo
de Manila, ang unang paaralang tumanggap ng mga Pilipino at mga
mestizo.
1860 Mayo 8, ipinanganak si Gregorio Aglipay. Mayo 22, ipinanganak si
Julio Nakpil. Nagsimula ang digmaan ng mga kapwa mamamayan [civil
war] sa America dahil sa pag-alipin sa mga Negro.
1861, ipinag-utos na palitan ng frayle ang lahat nang paroco sa Manila na
hawak ng Pilipino at mestizong pari. Sinakop ng mga Espanyol ang
Cotabato at iba pang lupain sa Mindanao habang nag-aaway duon ang mga
Maguindanao at mga taga-Buayan. Enero 28, ipinanganak si Julian Felipe.
Junio 19, ipinanganak si Jose Rizal.
1862 Nob 30, ipinanganak si Andres Bonifacio.
1863, binuksan ang Cebu sa kalakal ng buong mundo. Lumindol sa Manila,
nasira ang katedral, maraming nasaktan.
1864, nanawagan si Padre Jose Burgos na gawing kapantay ng mga frayle
ang turing sa mga Pilipino at mestizong pari; kasama ni Burgos na
nanawagan sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Julio 23,
ipinanganak si Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas. Nagwagi sa
America ang mga laban sa pag-alipin ng mga Negro.
1868, nagkudeyta ang hukbong Espanyol at pinalayas si Reyna Isabela 2.
Dumating sa Manila ang mga kinatawan ng mga reforma ng
maluwalhating himagsikan [glorious revolution] sa Espanya. Nagsimula
ang himagsikan sa Cuba sa sigaw sa Yara [grito de Yara] ni Carlos
Manuel de Cespedes, nahalal na pangulo ng Republika ng Cuba.
Nagsimula ang himagsikan sa Puerto Rico, sa sigaw sa Lares [grito de
Lares], nagtatag ng junta ng himagsikan. Okt 13, ipinanganak si Nay Isa
Teresa Magbanua sa Pototan, Iloilo.
1869, binuksan ang Suez Canal sa kalakal dagat ng buong mundo. Dumami
ang mga taga-Europa na nagkalakal sa Pilipinas. Tumanggi ang America na
tulungan ang himagsikan sa Cuba.
1870, nag-aklas sa Cavite si Eduardo Camerino laban sa mga frayle.
1872, nag-aklas sa Cavite si Sarhento La Madrid at 200 sundalo ng hukbong
Espanyol; ginapi ni Governador Rafael de Izquierdo. Peb 17, binitay ang 3
Pilipinong pari, Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, sa
Bagumbayan, Manila.

Kapampangan ang sarili nilang mga bahay at sumumpang ipaglalaban nila ang
kanilang mga karapatan. Pinuno nila si Francisco Maniago ngunit wala silang
nagawa nang tumangging sumapi ang pinuno ng Arayat, si Juan Macapagal, sa
pakana ni governador Manrique de Lara.
Mga Unang Aklasan
Lintik lamang ang walang ganti
-- Matandang wikain
PARANG nag-iipong bagyo na ipinahiwatig ng kulog at kidlat, ang papalapit na
himagsikan ay pinangunahan ng maraming aklasan. Dalawa ang nakapagtayo ng
malayang pamahalaan sa Pilipinas; ang isa ay tumagal nang 85 taon bago nasupil.
Nuong 1585, 11 taon lamang pagkamatay ni Miguel de Legazpi, nagtangka nang
maghimagsik sa Pampanga, ngunit ipinagkanulo ng isang babae. Pagkaraan ng 2
taon, nagsapakat sina Felipe Salonga, puno ng Polo, Esteban Tasi, puno ng
kabayanan ng Bulacan, at ang mga pinuno ng Tondo, sina Misilo at Ta-is. Humingi
pa ng tulong sa Borneo ngunit napigil ng mga Espanyol. Sa sumunod na taon, nagaklas naman ang mga Ilocano sa pamumuno ni Dingras. Sa Cagayan naman
naghimagsikan nuong 1596 ang mga punong baranggay sa pamumuno ni Magalat at
ng kanyang kapatid. Umarkila ng mga mamamatay-tao si Francisco Tello,
governador general ng Pilipinas, na pumatay kay Magalat. Sumunod nag-aklas ang
mga Igorot nuong 1601; gaya ng mga Muslim sa Sulu, kailan man ay hindi sila
nagawang binyagan ng mga Espanyol.
Nag-aklas muli sa Ilocos nuong 1616, sa pumumuno ni Pedro Almazan. Ang mga
Gaddang ang sumunod naghimagsik. Isang matandang binyagan, si Bancao ang
nag-aklas sa Leyte, upang bumalik ang mga Waray-waray sa pagsamba sa mga
anyito gaya nang dating gawi; nagapi ang kanyang pangkat nang lusubin ng alkalde
mayor [provincial governor] ng Cebu, kasama ang 40 bangka ng mga mandirigmang
Cebuano. Pati ang mga Intsik sa Parian, sa labas ng Intramuros, ay nag-aklas dahil
sa lupit ng turing sa kanila. Mahigit 12,000 Intsik nuong 1603 ang sumugod sa
Manila at gumapi sa mga sundalong Espanyol na nanawagan ng tulong mula mga
katutubo. Pinagpapatay ng mga ito ang mga Intsik at napuksa ang aklasan.
Nuong 1621, isang babaylan sa pulo ng Bohol ang humikayat sa mahigit 2,000
Boholano na wakasan ang pagka-api sa kamay ng mga Espanyol. Ipinangako ni
Tamblot, ang babaylan, na tutulungan sila ng mga ninuno at ng mga diwata. Itinaon
nila ang aklasan sa kapistahan ni San Javier nang lahat ng frayleng Jesuit ay nasa
Cebu upang magdiwang. Sugod uli ang sanlibong mandirigmang Cebuano at 50
sundalong Espanyol sa utos ni Don Juan de Alcarazo at pinuksa si Tamblot nuong
araw ng bagong taon ng 1622. Si Pedro Ladia, isang taga-Borneo, ang nagsabing
apo-apo siya ni Lakan Dula, ang nanawagan sa mga taga-Malolos na hirangin
siyang Hari ng mga Tagalog nuong 1643. Ngunit nadakip siya ng mga Espanyol at
pinatay sa Manila. Sumiklab sa Pampanga nuong 1660 nang sunugin ng mga

Nuong 1744 nagsimula ang pinakamahabang aklasan sa


Pilipinas, tumagal ng 85 taon, nang nautusan ang isang pulis,
si Sagarino Sendrijas, na dakpin ang isang taga-Bohol na
umalis sa kanyang pagka-katoliko. Si Sagarino ang napatay sa
pagdakip. Dinala ng kapatid niya, si Francisco 'Dagohoy'
Sendrijas, ang bangkay sa nag-utos na frayle, si Gaspar
Morales ng mga Jesuits, ngunit tumanggi itong ilibing ang
kapatid sa cementerio dahil napatay sa duelo, na labag daw sa
utos ng simbahan. Sumumpa si Dagohoy na maghihiganti.
Nagtayo siya ng malayang pamahalaan sa bundok-bundok ng
Bohol, ang kauna-unahang pamahalaan ng Pilipino mula nang
dumating ang mga Espanyol nuong 1565. Mahigit 3,000
Boholano ang namundok at sumapi sa kanya.
Pinatay ni Dogohoy si Frayle Morales. Napatay din ang isa
pang frayle, si Giuseppe Lamberti, ng mga kakampi ni
Dagohoy. Umabot sa 20,000 ang mga sumapi sa kanya nang
mabantog na siya ay may "galing" at tinawag siyang
Dagohoy mula sa wikang "dagon sa hoyohoy" [anting-anting
sa hangin, nakatatalon sa kabilang bundok]. Ilang ulit niyang
tinalo ang mga sandatahang Espanyol; naitaboy niya ang mga
kampo ng sundalo sa Loboc, Jagna, Talibon at Dauis na
itinayo ng mga Espanyol upang lupigin siya. Tuloy pa rin ang
aklasan pagkamatay niya, sa pamumuno ng anak, si Handog,
at ng kapatid, si Iwag. Nuong Mayo 1827, sa utos ni governador Mariano Ricafort,
ang pang-21 governador na lumusob kay Dagohoy, nagpadala ng mahigit 2,000
sundalo at Cebuano si Jose Lazaro Cairo, alkalde-mayor ng Cebu, upang puksain
ang aklasan. Ilang ulit silang nanalo sa sagupaan ngunit patuloy ang aklasan. Nuong
Abril sa sumunod na taon, nagpadala uli ng kanyon at sundalo sa pamumuno ni
Kapitan Manuel Sanz. Mahigit isang taon naglabanan bago nagapi ang aklasan
nuong Agosto 31, 1829. Mahigit na 19,000 sa mga naghimagsik ang bumaba sa
bundok at nagbalikan sa mga kabayanan ng Batuanan, Cabulao, Catigbian at
Vilar.
Si Diego Silang ang naghimagsik sa Ilocos nuong Disyembre 1762. Napalayas niya
ang mga Espanyol mula Vigan, Ilocos Sur, at tinalo niya ang
mga sandatahang Espanyol na paulit-ulit nagtangkang lupigin
siya. Nagtayo siya ng malayaang pamahalaan, ang pang-2
pamahalaan ng katutubo sa Pilipinas [nakatayo pa nuon ang
malayang pamahalaan ni Dagohoy sa Bohol]. Nakipag-ugnay at
kinilala ang pamahalaan niya ng sandatahang Britain, na nuon

ay sumasakop sa Manila, dahil sa digmaan ng Espanya at Britain sa Europa [sevenyear war, 1756-1763]. Napatay siya nuong Mayo 1763 ng isang mamatay-taong
inarkila ng mga Espanyol. Ipinagpatuloy ng kanyang viuda, si Maria Josefa
Gabriela Silang, at ng tio, si Nicolas Carino, ang paghihimagsik ngunit nagapi sa
sagupaan sa Kabugao. Tumakbo sila sa Abra at nagbuo ng sandatahang lumusob sa
Vigan uli ngunit natalo; binitay si Gabriela nuong Septiyembre 30, 1763.
Sa Ilocos pa rin, nang simulan ng mga Espanyol ang sunud-sunod na sarilinan ng
kalakal [monopolies], sunud-sunod din ang aklasan. Nuong 1788, namuno si
Ambaristo laban sa sarilinan ng kalakal na tabako na itinayo ni Jose Basco y
Vargos nuong 1781. Nuong 1807, si Pedro Mateo ang nag-aklas laban naman sa
sarilinan ng alak na basi. Nuong 1814, nagligalig si Hernando Sarrat upang maging
kapantay ng mga Pilipino ang mga Espanyol sa Pilipinas. Dahil sa maraming aklasan
sa Ilocos, pinaghati ang Ilocos Norte at Ilocos Sur nuong 1818 upang higit na
madaling supilin ang mga maligalig. Sukdulan na ang baba ng tingin ng mga frayle
sa Pilipino nuong ipanganak si Apolinario dela Cruz sa Lukban, Tayabas, nuong
1815. Espanyol lahat ng frayle, hindi pinayagan simula't simula pa na sumali ang
mga Pilipino o mestizo sa kanilang matimtimang lipunan [religious order]. Matagal
nang nais ng kaharian sa Madrid na mga katutubo ang humawak ng mga paroco sa
Pilipinas, upang mabawasan ang lumalagong kapangyarihan at lupain ng mga frayle.
Utos ng Hari sa Madrid nuong 1774 na ibigay sa mga katutubong pari ang mga
paroco na hawag ng mga frayle. Naglagay ang pamahalaan ng mga katutubo at
mestizong pari sa ibat ibang paroco ngunit hindi sumuko ang frayle, pagkaraan
lamang ng 2 taon, nuong 1776, napatigil nila ang utos ng hari. Saka, ginawang pari o
sacerdote lamang ang mga katutubo o mestizong nais sumapi sa simbahan, hindi
maaaring maging frayle. Hindi lamang ito, nuong kapanahunan ni Dela Cruz,
hinadlangan pa nila ang pagiging pari ng mga katutubo o mestizo, upang mabawasan
ang karibal nila sa paghawak ng mga paroco. Kaya nang lumaking matimtiman si
Dela Cruz at paulit-ulit nagtangkang mag-pari, lagi siyang nilibak ng mga frayle.
Nagtiyaga na lamang si Dela Cruz na maging tagapaglinis at utusan sa ospital ng
San Juan de Dios sa Manila, ngunit nang sumapi siya sa kapatid-samahan ng mga
mapagdasal [lay brotherhood] ng Cofradia de San Juan de Dios, sinisante siya at
napilitang bumalik sa Lukban. Duon, itinatag niya at 19 kasama nuong 1832 ang
sariling kapatid-samahan, ang Cofradia de San Jose, para sa mga katutubo o
mestizo lamang, walang Espanyol. Sa loob ng 8 taon, libu-libo ang naging kasapi
nila sa Tayabas, Batangas, Laguna at Tondo. Sa payo ng mga kasaping abogado,
hiniling niyang kilalanin ang samahan ng obispo sa Nueva Caceres, Camarines, at
pagkatapos sa Audiencia Real sa Manila, ngunit tinanggihan nang kalabanin siya ng
mga frayleng Franciscan at ni Manuel Sancho, ang frayle sa Lukban. Inutos ni
Marcelino de Oraa, ang governador general, na lansagin ang samahan. Dinakip at
pinahirapan ng mga sundalo ng Espanyol ang mga kasaping taga-Majayjay, sa
Laguna. Napilitang tumakas si Dela Cruz at ang libu-libong kasapi sa Inlaying
Isabang, malapit sa Sariaya, at duon, hinayag niyang ililikas ng Diyos ang mga
katutubo mula sa pang-aapi ng mga Espanyol. Nuong Octobre 23, 1841, nilusob sila
ni Joaquin Ortega, governador ng Tayabas, kasama ng mga frayle at mga sundalong
Espanyol. Lumaban at nagwagi sina Dela Cruz, tinulungan ng mga Negrito, napatay

pa nila si Ortega. Nagpadala ng higit na maraming Espanyol


si Governador Oraa, kasama ng ilan daang sundalong
Kapampangan. Umurong sina Dela Cruz sa Alitao, sa
paanan ng bundok Banahaw. Duon sila nagapi ng mga
Espanyol nuong Nobyembre 1 1841. Mahigit 500 sa samahan
ang pinagpapatay, pati mga babae at mga bata. Nahuli si Dela
Cruz at pinugutan ng ulo sa plaza ng kabayanan ng Tayabas
nuong Nobyembre 4, 1841. Ibinitin ang ulo sa harap ng
bahay niya sa Lukban. Libu-libo sa mga kasapi ng Cofradia ang tumakas sa mga
bundok ng Banahaw at San Cristobal at naging mga taga-bundok o remontado
mula nuon. Dumanak sila at nagbara-baranggay, lalo na ang mga nasa Banahaw, at
naging bantog bilang mga relihiyoso. Ngayon, dinadayo ng maraming sumasamba, at
tinatawag na silang mga colorum.
Ngunit nuong panahon ni Dela Cruz, patuloy ang paglibak ng mga frayle sa mga
Pilipino. Alam nilang nais ng kaharian sa Madrid na kunin ang pinakamalalaking
lupain sa Pilipinas, na ari nuon ng mga frayle, upang gamitin sa gastos ng
pamahalaan sa Manila. Umabot sa paghataw nila ng sinumang katutubo na
nagsasalita ng Espanyol. Ayon kay Apolinario Mabini, nais ng mga frayle na
matuto lamang ang mga indio ng dasal at buhay ng mga santo ngunit hindi dapat
matuto ng Espanyol, at kapag natuto, mauunawaan na nila ang mga utos at batas ng
pamahalaan, at hindi na nila kailangan pang sumangguni sa mga frayle.
Ipinaghiganti si Dela Cruz ni Sarhento Samaniego at ng mga taga-Tayabas na
sundalo ng sandatahang Espanyol, nakadestino malapit sa Manila. Nilusob at
sinakop nila ang Fuerza Santiago nuong Enero 20, 1843, ngunit nagapi ng mga
Espanyol at binitay kinabukasan. Isang tauhan ni Dela Cruz, si Januario Labios, ay
nag-aklas sa Tayabas sa panig ng mga magsasaka.
Nasugpo sa dahas si Dela Cruz at Samaniego, ngunit hindi nagapi ng pananakot ang
masidhing pagnanasa ng madlang makaingos sa tuluyan at sumisidhing
pagmamalupit at pang-aapi. Sa panahong maaaring ipiit ang sinumang ayaw
lumuhod at humalik sa kamay ng frayle, nang ang sinumang magsalita laban sa
Espanyol ay maaaring bitayin sa Bagumbayan, marami at panay ang tumakas sa
pinakaliblib na natagpuan nila, gaya ng mga colorum, o nagtulisan nang tuluyan at
namuhay sa pandarambong. Sa mga lalawigan paligid ng Manila, nagsimulang
naglipana ang mga tulisan, ilang pook sa Laguna ang tinawag na villas delos
ladrones - takot, hawak ang gulok at walang tiwala ang mga tao sa sinumang
nakasalubong na hindi kilala.
Itinatag nuong 1868 ang Guardia Civil, mga masunuring Pilipinong ginawang pulis,
pinamunuan ng mga Espanyol; hinimpil sa bawat lalawigan at malalaking
kabayanan. Kasabay ang pagdami ng mga carcel. Sa Bilibid ipiniit ang mga
nahatulan nang mahaba; ginamit na lagakan ang Fuerza Santiago ng mga bibitayin
sa Bagumbayan. Hindi nakaligtas sa pansin ng mga Espanyol na ang aklasan ni
Dela Cruz ang pinakamalawak, sinapian ng libu-libong tao mula sa iba't ibang purok

ng Luzon, at nagsimula ito sa mga matimtiman. Kinalimutan muna ng mga Espanyol


at ng mga frayle ang kanilang labanan at nagkaisa sa pagsugpo sa nakikitang
paghamon sa kanilang kapangyarihan. Lalong nag-init ang tingin sa mga katutubo o
mestizong pari. Nuong 1861, ipinag-utos ng pamahalaan na ibalik sa mga frayle ang
lahat ng paroco sa Manila na hawak ng katutubo o mestizong pari. Lagablab ang
labu-labo, agawan sa mga paroco. Nuong 1864, naglabas ang mestizong Padre Jose
Burgos ng isang matigas na panawagan [manifesto] na gawing pantay ang pagturing
sa mga pari at frayleng katutubo, mestizo at Espanyol. Sa mga sumanib sa kanyang
kampanya ay 2 pang mestizong pari, sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto
Zamora.
Nang mag-aklas ang 200 sundalong katutubo sa
Cavite nuong Enero 20, 1872, sa pamumuno ng isang
mestizong Espanyol, si Sarhento La Madrid, at
patayin ang kanilang mga pinunong Espanyol, ginamit
itong dahilan upang dakpin at bitayin ang 3 mestizong
pari. Nuong Pebrero 15, 1872, sa harap ng buong
Manila, ginarote sila sa Bagumbayan, unti-unting
sinakal ng bakal sa leeg hanggang mamatay.
Sinadyang malupit ang pagpatay upang matigil ang
kalampag at takutin ang sinumang nais umangal sa
pamamahala ng Espanyol. Ngunit ang kabaligtaran
ang nangyari. Gimbal ang buong Pilipinas sa
pagpaslang hindi lamang sa iisa kundi sa 3 pari, na
walang kasalanan at nagnais lamang makapantay ng mga Espanyol, gaya ng nais ng
nakararaming tao. Kaya sa halip na masindak, maraming nag-alab loob muli, gaya
nang nangyari nuong panahon ni Dela Cruz. Naghintay lamang ng may isa muling
magtayo ng watawat at maghayag ng paglikas ng Pilipino sa kaapihan.
At hindi gaya ng panahon ni Dela Cruz, kadamdamin nila ngayon ang mga
ilustrado. Ngayon, hindi gaya ng nakaraan, hindi na nila tatanggapin ang taguring
indio ng mga Espanyol. Mula ngayon, sa kauna-unahang panahon, sila na ang
tatawaging Pilipino.
Mga pag-aalsa ng Mamamayang Pilipino at mga Pinagmulan ng
Kamalayang Makabayan
1. Pag-aalsa ni Lakandula at Sulayman (1574), Dahilan: Ang
pagbabago sa polisiyang ipinatupad ni Legazpi
2. Ang unang pag-aalsa sa Pampanga (1585), Dahilan: Pangaabuso
ng mga Encomendero
3. Ang sabwatan sa Tondo (1587-88), Dahilan: Para ibalik ang dating
kalayaan
4. Ang pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan (1596), Dahilan: Tributo
5. Ang pag-aalsa ng mga Igorot (1601), Dahilan Cause: Pagtanggi sa
Relihiyong Kristiano

6. Ang pag-aalsa ng mga Iraya sa Hilagang Isabela sa Cagayan Valley


(1621), Dahilan: Pagmamalabis ng mga Kastilang opisyal
7. Ang pag-aalsa ni Tamblot sa Bohol (1621-22), Dahilan: Ang
kagustuhang bumalik sa katutubong relihiyon
8. Ang pag-aalsa ni Bankaw sa Leyte (1622), Dahilan: Ang
kagustuhang bumalik sa katutubong relihiyon
9. Ang pag-aalsa ni Ladia (1643), Dahilan: Ang pagmamalabis ng mga
Espanyol
10. Ang pag-aalsa sa Dabao (1650), Dahilan: Ang pagtanggi sa
kautusang pagpapadala ng mga karpintero sa pagawaan ng barko
sa Cavite
11. Ang pag-aalsa ni Sumoroy sa Samar (1649-50), Dahilan:
Pwersahang pagpapatrabaho
12. Ang pag-aalsa ni Maniago sa Pampanga (1660), Dahilan: Ang
palagiang pagpapadala ng mga kalalakihan para magputol ng kahoy
sa kabundukan
13. Ang pag-aalsa ni Andres Malong sa Pangasinan (1660-61), Dahilan:
Pagmamalabis ng mga Espanyol at ang kagustuhang mamuno
14. Ang pag-aalsa ni Gumapos (1661), Dahilan: para ipagtatuloy ang
sinimulan ni Andres Malong
15. Ang pag-aalsa ni Almazan (1660), Dahilan: para sa pansariling
ambisyon
16. Ang pag-aalsa ni Tapar sa Panay (1663), Dahilan: para magtatag ng
bagong relihiyon sa tulong ng mga katutubo
17. Ang pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol (1744-1829), Dahilan: Ang
pagtanggi ng simbahan na bigyan ng maayos na liRefusal to Give
His Brother a Christian Burial
18. Ang pag-aalsa ni Diego Silang (1762-63), Dahilan: His
Imprisonment, Abusive Government Officials, Heavy Taxation
19. Ang pag-aalsa ni Palaris (1762-65), Dahilan: Tribute, Spains Loss of
Prestige Due to the British Occupation of Manila
20. Ang pag-aalsa para sa Alak na Basi (1807), Dahilan: Wine Monopoly
of 1786
21. Ang pag-aalsa par depensahan ang Konstitusyong Espanyol (1815),
Dahilan: Abolition of the Liberal Spanish Constitution
22. Ang pag-aalsa ng magkapatid na Bayot (1822), Dahilan: Feeling of
Distrust between the Peninsulares and the Creoles
23. Ang pag-aalsa pangrelihiyon ni Hermano Pule (1840-41), Dahilan:
Religious Freedom
24. Ang Digmaang Muslim-Kristiano (1578-1898)
Polo ang pwersahang pagpapatrabaho sa mga indiong kalalakihan na may
edad 16-60 taong gulang. Nagsisilbi sila sa gobyerno o simbahan sa loob ng
40 araw taon-taon. Nuong 1884, ginawa na lamang itong 15 araw.

Ang Tributo - nagkakahalaga ng 8 reales (1 peso) sa pera o ano mang


kagamitan, itinaas sa 12 reales (1.50 pesos) nuong 1851. At nuong 1884,
pinalitan ang sistemang ito ng tinatawag na cedula.
(Ikawalong Linggo)

in the province of Cavite mutinied and killed their Spanish officers under
the leadership of Sergeant Lamadrid. The rebellion was quickly suppressed.
Lamadrid was executed at Bagumbayan. Accused of alleged conspiracy in
the rebellion were Father Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto
Zamora. They were sentence to death by garrote on February 17, 1872.
The Spaniards succeeded in uniting the Filipinos in a common spirit to
oppose colonial authority. Between 1872 and 1892, national consciousness
was growing among Filipinos who had settled in Europe. The execution of
GOM-BUR-ZA eventually hastened the growth of Filipino nationalism.

Kilusang Reporma o Propaganda:


Pinagmulan ng Kamalayang Makabayan
1.

Paglaganap ng Kaisipang Malaya when Spain gradually exposed the


Philippines to international commerce in the late 18th and early 19th
centuries, liberal ideas from Europe filtered in. The thoughts of
Montesquieu, Rousseau, Voltaire. Locke, Jefferson and other political
philosophers were made known through books and periodical brought into
the country by men from foreign ports.

2.

Pagdaramdam laban sa mga Principales - there was a mounting


dissatisfaction against the principales (or the political and social aristocracy,
which includes the prominent landowning and propertied citizens),
accommodated as intermediaries of the Spanish government from the
inception of its colonial rule.

3.

Pagbabago sa Kultura with the implementation of a new educational


system, qualified Filipinos were able to pursue higher education. They
were able to see the repressive colonial policies of Spain after being
enlightened with liberal ideas; thus, giving birth to a new breed of Filipinos
the ilustrados (enlightened ones).

4.

Hindi pantay na pagtingin sa Lahi the Spaniards commonly regarded


the Filipino natives as belonging to the inferior race and haughtily called
as the indios. The preconceived notion of the Spanish colonizers that the
natives could not rise beyond their limited intelligence instigated the
enlightened Filipinos to struggle for equality.

5.

6.

Pagtatalo para sa Sekularisasyon ng Simbahan the return of the Jesuits


in1859 as well as the policy of desecularization directly affected the native
seculars. The secularization controversy transformed into a Filipinization
issue since the secular priests were mostly Filipinos. The effort to
secularize the parishes in a way heightened the nationalist feeling of the
people.
Some of the strong proponents of the secularization movement of parishes
were Archbishop Gregorio Meliton Martinez and Father Jose Burgos.
Pagaaklas sa Cavite nuong 1872: Pagpatay sa Gomburza) when
Rafael de Izquierdo replaced Governor de la Torre in 1871, he abolished the
privileges of the arsenal workers and engineer corps regarding exemption
from tribute and force labor. About 200 Filipino soldiers and dock workers

Ang Propaganda:

Nuong 1872, matapos ipahuli ng pamahalaan ang daan-daang ilustrado at katutubong


pari, lalot higit ang pagpatay sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zamora,
pinagigting nitong lalo ang kamalayang makabayan at ang paghingi ng pagbabago sa
bansa. Ang mga Pilipinong liberal na ipinatapon sa Uropa at mga ilustrado na
nagaaral sa mga unibersidad sa Uropa ay nagtatag ng kilusang propaganda.
Pinangunahan ito ng tatlong matatalinong Pilipino na sina Graciano Lpez Jaena, M.
H. del Pilar, at Jos Rizal.
Pangalan ng mga Magigiting na Propagandista:
1.
2.

Graciano Lopez Jaena (1856-1896) Nuong 1874, sinulat niya ang satirong
Fray Botod na nagbubulgar ng kasakiman, katamaran, at kalaswaan ng mga
prayle.
Marcelo H. del Pilar (1850-1896) isang abogado at magaling na
manunulat. Sinulat nya ang mga sumusunod:
a. Dasalan at Tocsohan
b. Pasyong Dapat Ipag-alab ng Taong Babasa
c. Ang Kadakilaan ng Dyos
d. Caiingat Cayo
e. Dupluhan
f. Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipino
g. La Soberania Monacal
h. La Frailocracia Filipina

3.

4.
5.
6.
7.

8.
9.
10.
11.
12.
13.

Ginamit niya ang mga Pen name o alyas na: Dolores Manapat, Piping
Dilat, Siling Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos, Carmelo D.A. Murgas,
L.O. Crame at Plaridel.
Jose Rizal (1861-1896) isang doctor na nagmula sa bayan ng Calamba
Laguna. Sinulat niya ang:
a. Noli Me Tangere (1886)
b. El Felibusterismo (1891)
c. Filipinas Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang
Daang Taon)
d. La Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Pilipino)
e. Sucesos de las Islas Filipinas [Kasaysayan ng Sanpuluang
Filipinas],
Itinatag niya ang samahang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892.
Ginamit nya ang mga alyas na: Dimas Alang at Laong Laan
Gregorio Sanciangco nalathala sa Madrid Espana and kanyang aklat na El
Progreso de Filipinas nooong 1881 na tumutukoy sa mga pagkukulang ng
Pamahalaang kolonyal.
Jose Maria Panganiban (1863-1890) nagsulat siya ng mga artikulo sa La
Solidaridad, sa ilalim ng alyas na Jomapa at J.M.P.
Pedro A. Paterno (1858-1911) isang magaling na abogado.
Mariano Ponce (1863-1918) habang nasa Espanya, sumali sya sa kilusang
propaganda at naging isa sa nanguna sa pagtatatag ng La Solidaridad.
Ginamit niya sa kanyang mga sinulat ang mga alyas na Naning, Kalipulako,
or Tigbalang.
Antonio Luna (1866-1899) mahusay sumulat ng mga sanaysay, at ginamit
ang alyas na Taga-ilog.
Juan Luna (1857-1899) isang magaling na pintor, at kilala sa kanyang
obra na Spoliarium.
Isabelo de los Reyes (1864-1938) katulad ng ibang progagandista, nagalit
sa kanya ang mga prayle at mga nanunungkulan sa pamahalaan sa walang
habas niyang pagbubunyag ng katiwalian sa simbahan at pamahalaan.
Pedro Serrano Laktaw naging guro ni Prinsipe Alfonso de Bourbon na
naging Haring Alfonso XIII ng Espanya).
Felix Resurreccion Hidalgo kinilala sa kanyang obrang Virgenes
Cristianas Expuestas al Populacho (Christian Virgins Exposed to the
Rabble).
Galicano Apacible naging pangulo ng La Solidaridad nuong araw na
itinatag ito nuong Disyembre 31, 1888.

Mga Organisasyon ng Kilusang Propaganda


1.
2.

Circulo Hispano-Filipino itinatag nuong 1882 ni Juan Atayde, isang


Espanyol na ipinanganak sa Maynila.
La Solidaridad - itinatag nuong Disyembre 31, 1888 sa Barcelona. Naging
pangulo nito si Galicano Apacible at ikalawang pangulo naman si Graciano
Lopez Jaena. May pahayagan ito na tinawag ding La Solidaridad na

sinimulan nuong Pebrero 15 1889 sa Barcelona bilang patnugot nito si


Graciano Lopez Jaena.
3.

Asociacion Hispano-Filipina itinatag nuong 1889 ni Propesor Miguel


Morayta, propesor ni Rizal sa Unibersidad de Madrid.

4.

Logia Revolucion unang samahang masonarya na pawang mga pilipino


ang kasapi na natatag nuong 1889 ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona.

5.

Lodge Solidaridad itinatag nuong 1890 nina M. H. del Pilar at Julio


Lorente sa Madrid.

6.

Lodge Nilad itinatag nuong Enero 6, 1892 ni Pedro Serrano Laktaw sa


Manila.

7.

La Liga Filipina itinatag nuong Hulyo 3, 1892 ni Jose Rizal sa Manila.


Naging pangulo nito si Ambrosio Salvador.

Ang mga Propagandista at ang Kilusan sa Europa:


Lagablab ang politica ng protesta ng mga ilustrado sa Barcelona, Espanya, at
nahawa si Rizal, bumulwak ang tinitimping pagkasuklam sa pang-aapi sa katutubo,
namasdan niya mula pa nuong pagkabata. Sumapi siya sa mga mason [freemasons]
at nagsimulang sumulat sa protestang pahayagan, La Solidaridad nina Graciano
Lopez Jaena, taga-Iloilo, at Marcelo H del Pilar, ng Bulacan. Ang mga frayleng
Franciscan, Augustinian, Recollect at Dominican ang sinisi ni Rizal sa pagkasadlak
ng Pilipinas, at nanawagan sa 'Inang Espanya' na:

Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas


Isali ang Pilipinas sa Cortez, ang batasan ng Espanya
Palitan ang mga frayle ng mga Pilipinong pari
Maging malayang magsalita ang mga Pilipino
Magpantay ang Pilipino at Espanyol sa harap ng batas

Nagpatuloy sa pagdadalubhasa si Rizal sa France, Germany at Austria. Nuong 1886,


timigil sa Belgium at sinulat niya ang Noli Me Tangere, nobelang nagbulgar ng
kalabisan ng mga frayle. Ipinagbawal ng mga Espanyol ang pagbasa ngunit
maraming aklat ang napalusot at nabantog sa Manila. Isa sa mga patagong bumili ng
Noli si Bonifacio, at isinama niya sa munting aklatang tinipon nilang 3 magkaibigan
sa kanilang hanap-buhayan. Sina Jacinto at Valenzuela ay takaw din sa pagbasa at
nagkasundo silang magsusyo ng mga aklat. Dinala ni Valenzuela ang mga aklat ng
medisina niya; mga aklat ng batas at abogasya ang abuloy ni Jacinto, ang pinagaralan niya dati sa San Juan de Letran at sa Santo Tomas. Ang mga dinagdag ni
Bonifacio maliban sa Noli, ay ilang limbag ng La Solidaridad, ang bibliya, isang

nobelang French, ang Les Miserables, at ilang aklat sa English, Lives of the
Presidents of the United States, History of the French Revolution, at Religion
Within the Reach of All. Mahapding panghihinayang ni Bonifacio na hindi siya
nakapagtapos ng pag-aaral; tinuruan ang sarili ng English, German at French, at
nagbasa ng maraming aklat upang palawakin ang kanyang pag-iisip.
Nuong 1887, bumalik sa Pilipinas si Rizal pagkaraan ng 5 taon sa Europa ngunit
madaling umalis muli sa payo ni governador general Eulogio Despujol, isang
mason din, dahil sa galit ng mga frayle sa mga isinulat niya. Nagdaan ng Japan at
America, bumalik si Rizal sa Europa at, sa London, England, tinapos ang pagsulat
ng kanyang mga kuru-kuro at sapantaha sa Sucesos de las Islas Filipinas
[Kasaysayan ng Sanpuluang Filipinas], tungkol sa nakalipas na kaugnayan ng mga
tao sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia, mula sa mga ulat nuong 1609 ni Antonio de
Morga, isang archaelogist o tagapag-aral ng mga unang tao, tungkol sa mga gawi at
pagsamba ng mga Tagapulong Timog nuong bago dumating ang mga Espanyol.
Sinulat din ni Rizal nuong 1891 ang pang-2 niyang nobela, El Filibusterismo [Ang
Subersibo], karugtong ng Noli, at higit na palaban kung hindi tunay na
mapaghimagsik.
Muling ipinagbawal ang pagbasa, muling pinuslit ang mga aklat, muling bumili si
Bonifacio at isinama sa kanyang aklatan, at muling kumalat ang Fili sa kapuluan. At
muling napuot ang mga frayle.
Inilit ng mga frayle ang haciendang inuupahan ng pamilya ni Rizal, sinunog ang
kanilang bahay sa Calamba, at tuluyang pinalayas na. Bulag na ang ina ni Rizal.
Tumakas ang mag-anak papuntang Hongkong at duon sumagsag si Rizal nuong
Noviembre 20, 1891. Sa dunong at galing bilang manggagamot, mabilis siyang
nakapagpatayo ng clinica, naging bantog sa mga taga-Hongkong at natustusan ang
buong pamilya. Isinulat niya kay Ferdinand Blumentritt, kaibigang Aleman na nais
pumigil sa pagbalik niya sa Pilipinas, na pati nang ama at mga kapatid niya ay nasa
Hongkong na rin at mapayapang namumuhay. Ang mga magulang niya, sabi sa sulat,
ay nais nang manatili sa Hongkong habang buhay sapagkat higit pa sa kayang
pagtiisan ang naging buhay na nila sa Pilipinas. Gayun pa man, alumpihit na
magpasa-Manila si Rizal, nasaring sa isinulat ng isang tagahanga duon tungkol sa
mga nananawagan nang walang panganib sa Europa habang araw-araw nanganganib
ang buhay ng mga nananawagan sa Manila. Pagkaraan ng 6 buwan lamang, sa
hilakbot ng kanyang familia, bumalik sa Pilipinas si Rizal nuong Junio 26, 1892 ,
naniwalang duon at hindi sa Europa higit na mabisa manawagan. Itinatag niya nuong
Julio 6 ang samahang Liga Filipina upang

Pagkaisahin ang lahat ng tao


Mapayapang pilitin ang pamahalaang itigil ang pag-api
Pag-aralan at pairalin ang pagbubuti ng bayan.

At kampanya talaga ang ginawa niya - lakbay sa lalawigan, talumpating Tagalog,


hindi Espanyol, sa lahat ng nais makinig, tagpuan sa mga kilalang taong
makakapaghikayat ng iba pa sa mga adhikain: Magkaisa, Magkasama-sama nang
maayos, at Maging makibayan, Mapayapa sa gabay ng Inang Espanya!
Si Bonifacio at libu-libo pa, marami ay ilustrado, ang sumapi sa Liga ngunit hindi
nagtagal, dinakip si Rizal, dinala sa Malacanang at, upang hindi mabitay, ipinatapon
ni Governador Despujol sa Dapitan [ngayon ay lungsod sa Zamboanga del Norte, sa
Mindanao] nuong Julio 17, 1892. Gimbal at sindak ang buong Manila, dahil naging
sagisag na si Rizal ng pagtawag ng ikabubuti ng mga Pilipino. Nuong gabi ng Julio
27, 1892, nagpulong nang lihim sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga
[ngayon, Claro M. Recto Avenue], sa Tondo, sina Bonifacio at ilang kaibigan,
Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Valentin Diaz. Nagkasundong itatag ang lihim na
Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, upang
tuparin ang 3 adhikain:

Magkamit ng kalayaan mula Espanya


Gawing pantay ang mga mayaman at mahirap
Magtulungan sila-sila sa mga panahon ng paghihirap, sakit at kamatayan
Inilagda ang kanilang mga pangalan sa
sariling dugo, nagbigay ng 25 sentimos
na paunang-bayad at nangakong
magbubuwis ng 12 sentimos buwanbuwan. At manghihikayat ng iba pang
nais sumapi. Upang hindi mabuska ng
mga Espanyol, pumili sila ng mga
palayaw na gagamitin sa halip ng tunay
na pangalan.

Nawasak ang Liga Filipina bago nakapagsimula. Nalugi ang La Solidaridad nuong
1895, at sumunod na taon, namatay sa dalita at sakit sina Marcelo del Pilar at
Graciano Lopez Jaena sa Barcelona. Antal na ang mapayapang pag-adhika ng mga
ilustrado. Simula nang gabing iyon, dugo ng mga timawa na ang mananawagan.

nagpukaw ito sa napakaraming mamamayang Pilipino na magkaisa laban sa


pamahalaang Espanya. Isa sa nilalaman ng pahayagan ay ang sanaysay na
sinulat ni Bonifacio, ito ay pinamagatang Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog.
Listahan ng mga kilalang Katipunero:

(Ikasiyam na Linggo)
Ang Impluwensya ng Kilusang Propaganda
Ang Katipunan at ang Cuerpo de Compromisarios ay mga samahang nagmula sa La
Liga Filipina. Ang nagtatag ng Katipunan na sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa
and Teodoro Plata ay pawang mga kasapi sa La Liga at pawang mga
naimpluwensyahan ng Kilusang Propaganda sa Espanya.
Ang Katipunan
Ang Katipunan ay isang lihim na samahan na itinatag nina Bonifacio, Diwa, at Plata
nuong Hulyo 7, 1892 sa may bahay sa Calle Azcarrage (ngayon ay Claro M. Recto
Avenue) sa Tondo Manila na dinaluhan nina Deodato Arellano, Valentin Diaz at Jose
Dizon. Layunin ng samahan na patalsikin ang Kolonyang Espanya sa Pilipinas. Ang
buong pangalan ng Katipunan ay Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan (sa ingles ay: Supreme and Venerable Society of the Sons of
the People).
Ang pagsali sa Katipunan ay nangangailangan ng pagpirma gamit ang sariling dugo.
Tatlo ang antas ng kasapi sa samahan. Ang una ay tinatawag na katipun, na
nagsosoot ng itim na mascara at gumagamit ng password na Anak ng Bayan. Ang
ikalawang antas ay ang kawal, na nagsosoot ng berde na mascara at gumagamit ng
password na Gomburza. Ang ikatlo at pinakamataas na antas ay ang bayani, na
nagsosoot ng pulang mascara na gumagamit ng password na Rizal.
Ang mga Dokumento at Pahayagan ng Katipunan:
1.
2.

3.

Ang Kartilla, isang dokumento na inihanda ni Emilio Jacinto na naglalaman


ng 13 aral na kinakailangang tangkilikin ng mga miembro ng Katipunan.
Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan, sampung utos na sinulat
ni Bonifacio na dapat sundin ng mga katipunero.
Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan, sa ilalim ng pangangasiwa ni
Emilio Jacinto, layon ng pahayagang ito na ipakalat ang mga idealismo ng
Katipunan. Isang beses lamang nalathala ito nuong Enero ng 1896, subalit

Emilio Aguinaldo
Melchora Aquino
Andrs Bonifacio
Gregoria de Jess
Gregorio del Pilar
Licerio Gernimo
Emilio Jacinto
Mariano Llanera
Vicente Lukban
Antonio Luna
Miguel Malvar
Macario Sakay
Saturnino Echavez

Libu-libo na ang mga naging kasapi sa lihim pa ring Katipunan, tantiyang umabot
na sa 30,000 sa sangpuluan, karamihan ay mga manggagawa sa Manila at mga
magsasaka sa gitnaang Luzon. Ang unang supremo, si Deodato Arellano, ay
pinalitan nuong 1893 ni Roman Basa ngunit hindi niya nagampanan, kaya si
Bonifacio ang naging punong tagapagpaganap. Katulong niya si Jacinto bilang
kalihim at fiscal. Silang dalawa rin, katulong si Pio Valenzuela, ang mga patnugot
ng una at kaisa-isang lathala ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan na
nagpalaganap ng mga adhikain ng napipintong himagsikan at naghikayat sa mga
taong sumapi.
Sa Kalayaan unang nabunyag ang pagka-utak ng Katipunan ni Jacinto. Dukha ring
gaya ni Bonifacio ipinanganak si Emilio Jacinto sa Trozo, Tondo, nuong Deciembre
15, 1875, kina Mariano Jacinto at Josefa Dizon, isang hilot. Nang maulila sa ama,
napilitan siyang makitira sa tio, si Don Jose Dizon upang makapag-aral sa San Juan
de Letran. Labag sa kagustuhan ng ina at tio, itinigil niya ang pagkuha ng abogacia
sa Universidad de Santo Tomas upang sumapi sa Katipunan, nang 19 taon gulang pa
lamang. Ang mga sinulat niya sa Kartila sa palayaw na Pingkian [swordfight] at sa
Kalayaan bilang Dimasilaw, ang humuli ng kalooban ng mga tao:
Ipagtanggol mo ang inaapi, makibaka sa umaapi.
Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang
may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.

Huwag sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik;


ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan.
Ang halaga ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng
mukha, wala sa pagka-pare na kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa
balat ng lupa. Wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang
nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang
pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpa-aapi't di nakikiapi; yaong
marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Nuong 1896, pakiramdam ni Bonifacio na may sapat na lakas na ang Katipunan
upang simulan ang himagsikan, ngunit wala silang mga baril; kailangan din nila ang
malaki, lihim at ligtas na himpilan upang imbakan ng mga gamit at pagkain,
pagkumpulin at turuan ang mga Katipunero sa pakikipaglaban. Minsan nuong 1896,
nagtungo si Bonifacio at si Guillermo Masangkay sa Montalban upang sipatin ang
mga gulod at cueva, pati na ang cueva ni Bernardo Carpio sa bundok Tapusi, sa
San Mateo, Morong [lalawigan ng Rizal ngayon], ngunit wala silang nagawa na
tungkol duon sapagkat, handa o hindi, nagsimula na ang himagsikan.
Sa dami ng mga kasapi, nangyari ang dapat asahang mangyayari - nabulgar ang
Katipunan. Patago, inimprenta nila ang Kartilya at Kalayaan sa El Diario de
Manila, kasabwat ang mga Katipunero duon. Ang isa, si Teodoro Patino ay
nangumpisal kay Mariano Gil, frayleng Augustinian, tungkol sa mga balak ng
Katipunan, at kung sinu-sino ang kilala niyang Katipunero. Hangos nagsumbong ang
frayle at nuong Agosto 19, 1896, sinimulan ng Guardia Civil ang magdamag at
maghapong halughugan at dakipan sa Manila. Umabot nang 4,000 ang pinahirapan at
binitay sa Bagumbayan, kasama ang karamihan ng mga ilustrado na dating kasapi sa
wasak nang La Liga Filipina.
Kaskas tumakas palabas ng Manila si Bonifacio, Jacinto at mga pinuno ng
Katipunan. Ang isang hindi nakatakbo ay si Rizal. Sakay siya sa barko papuntang
digmaan sa Cuba, nakalayag na mula Manila nang abutin ng balita ng himagsikan sa
Manila, at ng utos na dakpin siya. Ibinalik sa Manila, nilitis kunwari ng sandatahang
Espanyol at, sa utos ni Camilo de Polavieja, ang bagong dating na governador
general, hinatulan siyang mabitay sa Bagumbayan pagkaraan ng 3 araw, sa ika-8 ng
umaga ng Deciembre 30, 1896.

Mabuhay ang Pilipinas! hiyawan ng mga katipunero, sabay sa pagpunit ng kanilang


mga cedula. Mabuhay ang Himagsikan! Mabuhay ang Katipunan!.
Pagkatapos ng sigaw-sigaw, lumapit si Bonifacio kay Jacinto, Ano na'ng gagawin
natin ngayon? Iminungkahi ni Jacinto na kailangan nila ng sandata, lusubin agad nila
at agawin ang mga baril ng mga bantay na sundalong Espanyol sa El Deposito,
imbakan ng tubig para sa Manila sa San Juan del Monte [ngayon ay Pinaglabanan,
San Juan, sa Metro Manila]. Nuong Agosto 30, pinamunuan nilang dalawa ang 800
Katipunerong sumalakay sa bandang 100 lamang na mga Espanyol at mga Pilipinong
sundalo duon, kayat masugid na umurong at nagkulong sa El Deposito. Bitbit ang
mga nakurakot na sandata, buong loob na lumusob ang mga Katipunero papuntang
Manila ngunit sa Caloocan pa lamang, nakasalubong na nila ang hukbong Espanyol
na humahangos pasaklolo sa El Deposito. Tumalbog hanggang Mandaluyong ang
mga Katipunero sa sagupaan, mahigit 150 ang napatay at bandang 200 ang nahuli,
marami ay binitay sa Bagumbayan.
Bagama't talo, ang labanan sa San Juan at Caloocan ay nagpasiklab ng himagsikan sa
buong gitnaan at timog Luzon. Sa mga sumunod na araw, nilusob ng mga Katipunero
ang mga Espanyol at Guardia Civil sa Marikina, Pasig, San Mateo, Pateros at
Taguig. Nuong araw ng Pinaglabanan, hinayag ng governador general, si Ramon
Blanco, na panahon ng digmaan [state of war] na sa mga lalawigan ng Manila,
Batangas, Bulacan, Laguna, Cavite, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. Ang mga
Ilocano at mga Bicolano, takot na baka masakop ng mga Tagalog, ay bumitin at
naghintay ng kung anuman ang mangyayari.
Kinabukasan ng Pinaglabanan, Agosto 31, 1896, inupakan ang mga Espanyol sa
Noveleta at ang munisipyo ng General Trias [dating San Francisco de Malabon],
kapwa sa Cavite, ng mga katipunero ng pangkat ng Magdiwang habang ang pangkat
ng Magdalo ay sumalakay at sumakop sa himpilan ng mga sundalong Espanyol sa
Kawit [dating Cavite del Viejo, Old Cavite] sa pamumuno ni Candido Tirona.
Nuong Septiembre 2, 1892, ang mga Katipunero ni 'Capitan Miyong' Emilio
Aguinaldo ay nagtangkang tambangan ang mga saklolong sandatahang Espanyol sa
Bacoor ngunit napa-urong sila. Sa Imus, kinabukasan, muling sumagupa ang mga
Katipunero at tinalo nila ang sandatahang Espanyol ni General Ernesto de Aguirre.
Itinanghal na bayani si Aguinaldo nang umuwi sa Kawit, hindi na lamang siya si
Capitan Miyong ng Kawit, siya na ay si General Miyong ng Katipunan.

Ang Rebolusyon:
MAY 1,000 katipunero ang nagkita-kita nuong Agosto 23, 1896, sa gubat-gubat ng
Balintawak, Caloocan. Upang hindi matutop ng mga umaaligid na Guardia Civil at
mga sundalong Espanyol, tumuloy sina Bonifacio sa munting tindahan at tahanan ni
'Tandang Sora' Melchora Aquino sa kalapit na Pugad Lawin at duon nagpulong
kung ano ang gagawin. Nagkaisa na, nabisto na rin lamang ang Katipunan, simulan
na nila ang himagsikan at, bibitayin na rin lamang sila, lumaban na sila hanggang sa
'huling patak ng dugo'.

Maaga napahilig sa politica at kapangyarihan si Aguinaldo, pang-7 anak ng mga


mestizong Intsik na Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy nang ipanganak nuong
Marso 22, 1869. Bantog, capitan municipal sa Kawit ang ama nang mamatay nuong
1878. Itinigil ni Aguinaldo ang pag-aral sa San Juan de Letran at ilang ulit naging
cabeza de barangay sa Binakayan bago nahalal nuong Enero 1, 1895 na capitan
municipal ng Kawit, tulad ng ama. Naging mason siya nuong araw ding iyon at,
nuong sumunod na Marso, sinamahan siya ng kaibigang Santiago Alvarez sa Tondo
at sa harap ni Bonifacio, sumapi sa Katipunan sa palayaw na Magdalo, ang santo ng
Kawit. Bilang capitan, mabilis niyang napalago ang pangkat at, hiwatig ng kanyang

ambisyon, ihiniwalay nuong simula't simula pa sa ibang pangkat ng mga Katipunero


sa Cavite, at hindi nagtagal, mula na rin sa Katipunan ni Bonifacio. Marami sa
pangkat niya, ni hindi alam kung ano ang Katipunan at kung sino si Bonifacio dahil
sa malaking paglilihim ng mga katipunero mula pa nuong 1892. Sumama lamang sa
paghihimagsik at Magdalo ang tawag sa mga sarili.
Ginawang General ng Katipunan sa Laguna ni Bonifacio ang mahal at matalik
niyang kaibigan, si Emilio Jacinto. Hindi nila kayang pasukin ang Manila, at may
ilan-ilang himpilan ng mga sandatahan Espanyol ang nanatiling lumalaban, ngunit
madaling nasakop ang mga kabayanan sa Gitnaang Luzon dahil sa kakulangan ng
mga sandatahang Espanyol. Nuong 1896, higit lamang 5,000 lahat-lahat ang mga
Espanyol sa buong Pilipinas, karamihan ay mga frayle, mga opisyal sa Manila, at
mga di-sandatahang nagkakalakal lamang. May 7,000 sundalo sa hukbong Espanyol,
ngunit mahigit lamang 1,000 ang Espanyol, ang iba ay mga katutubo. Karamihan pa
ng mga sundalo ay nasa Mindanao at nakikipagbaka sa mga Muslim. Nagsimula
silang ibarko pabalik sa Manila.
Samantala, nagtatag ng kani-kaniyang pamahalaan ang mga naghimagsik sa Luzon.
Sa San Isidro, Nueva Ecija, nagbuo ng sandatahan si Mariano Llanera, 41-anyos
na taga-Cabiao, nuong Septiembre 2, 1896, at maagap sinapian ng mga magsasaka
ng Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Sa Binakayan, Cavite, naganap ang
pinakamalaking tagumpany ni Aguinaldo nuong Nobyembre 10, 1896, nang talunin
niya ang isang pangkat ng sandatahang Espanyol sa kanyang dating baranggay at
lubusang patalsikin mula sa Cavite. Sa Kawit hinayag ni Aguinaldo ang himpilan ng
himagsikan niya, at dahil mahusay sa politica, nagsimulang nagpadala ng mga utos
sa iba't ibang pangkat ng mga katipunero sa timog Luzon sa ilalim ng kanyang
sagisag, hindi ng Katipunan. Si Bonifacio, walang kaalaman sa politica o sa
digmaan, ay unti-unting natakpan ng matagumpay na Aguinaldo.
Wala ring kaalaman sa digmaan si Governador Blanco kaya pinalitan ng malupit na
General Camilo Polavieja, tanghal na berdugo ng nag-aalab na himagsikan sa Cuba,
nuong Deciembre 1896 at nag-utos na bitayin lahat ng kasangkot sa himagsikan, pati
na si Jose Rizal at lahat ng kasapi ng Liga Filipina. Nawalan na ng pag-asa si Rizal
sa piitan ng Fuerza Santiago sa Intramuros. Sinulat ang kanyang Huling Paalam at,
upang mapakasalan sa simbahan ang nagmimighating Josephine Bracken, ang
kanyang Pagbawi [retraction] ng mga sinulat laban sa mga frayle. Nuong madalingaraw ng Deciembre 30, 1896, nagkumpisal at nagkomunyon si Rizal at nang isa-5 ng
umaga, ikinasal sila ni Josephine ni Victor Balaguer, frayleng Jesuit at padre ng
mga guwardiya sa piitan. Ibinigay ni Rizal kay Josephine ang lamparang
pinagtaguan niya ng Huling Paalam at dinala na siya ng mga sundalo kahit bandang
alas-6 lamang ng umaga. Maaga nang isang oras, ika-7 lamang ng umaga, nang
dumating si Rizal sa Bagumbayan, punung-puno ng mga nagpalakpakang mga
Espanyol at tahimik, nagdurusang mga Pilipino. Binaril siya agad kaysa maghintay,
sa takot na lumusob ang mga Katipunero at sagipin si Rizal. Kasama sa nagmasid
ang 2 kapatid, kapwa katipunero, sina Paciano at Trinidad. Si Paciano ang nagpayo
kina Bonifacio na huwag nang magtangkang iligtas si Rizal at masasalanta lamang

sila ng libu-libong sundalong Espanyol na dumating na mula sa Mindanao, sa Cuba


at sa Espanya.
Sa isang lihim na libingan sa cementerio ng Paco ibinaon ang bangkay ni Rizal,
upang hindi hukayin at nakawin. Pagkatapos, nagtungo sina Josephine, Paciano at
Trinidad sa mga katipunero sa General Trias. Nakatagpo nila si Bonifacio, galing sa
naunsiyaming pulong ng mga Magdiwang at mga Magdalo sa Imus upang tapusin
ang pagkakaribal nila. Hiniram ni Bonifacio kay Josephine ang Huling Paalam nang
ilang araw upang isa-Tagalog niya, katulong si Diego Mojica, isang makata ng
Cavite. Sa hiling ni Josephine, naglingkod sila sa ospital ng mga katipunero sa
hacienda ng Tejeros, sa tabi ng General Trias. Sa Cavite rin ang tungo ng kulangkulang 30,000 sundalong Espanyol na
naipon ni General Polavieja at sa walang
puknat na labanang tumagal nang halos 2
buwan, unti-unting naagaw nilang muli ang
baha-bahagi ng lalawigan. Isa sa
nakapagpahina sa mga katipunero sa Cavite
ay ang pagkakaribal, at hindi pagtutulungan
ng mga Magdiwang at mga Magdalo.
Dahil sa sunud-sunod na pagkatalo ng mga
manghihimagsik, tumawag uli ng pulong si
Bonifacio upang pagniigin ang 2 pangkat; kaya nuong Marso 22, 1897, nagtagpo
muli ang matataas na pinuno ng Katipunan sa convention ng Tejeros. Maysakit at
hindi nakadalo si Emilio Jacinto kaya ang nakasama lamang ni Bonifacio ay ang
asawa, si Gregoria de Jesus, kamag-anak ng pinuno ng mga Magdiwang, at ang 2
kapatid niyang Procopio at Ciriaco.
Isa sa mga saksi si Josephine Bracken nang imungkahi ng mga Magdalo sa Tejeros
convention na magtayo ng pamahalaang himagsikan upang ipalit sa Katipunan. Kahit
na nasa Kawit si Aguinaldo dahil sa papalapit na hukbo ni General Polavieja, nahalal
siyang pangulo. Si Mariano Trias [pangalan niya ang ipinalit sa San Francisco de
Malabon] ang naging pang-2 pangulo, at si Bonifacio ang hinirang na pang-3,
Kalihim Panglooban [secretary of the interior].
'Hindi siya abogado!'
Sinalungat si Bonifacio ni Daniel Tirona, ang alagad ni Aguinaldo. Nagpanting ang
hapdi ng kalooban ni Bonifacio sa hindi niya pagtatapos ng pag-aaral, isinigaw na
siya pa rin ang Supremo ng Katipunan, pinawalang-bisa ang buong convention at
nagpunta sa Naic upang bumuo ng sariling pamahalaan at sandatahan. Inutos ni
Aguinaldo kina Pio del Pilar at Mariano Noriel na iwanan si Bonifacio at sagupain
ang papalapit na sandatahang Espanyol upang walang kasamang sandatahan sina
Bonifacio papuntang Indang, dala ang kasulatang nilagdaan ng 40 pinuno ng
Katipunan na kampi sa kanya. Balak ni Bonifacio na tumuloy sa Batangas, alam
niyang sasaniban siya ng mga katipunero duon. Ngunit dumating mula Montalban si
Aguinaldo at inutos na dakpin si Bonifacio, wala siyang balak na hayaang makalabas

ng Cavite si Bonifacio. Nuong Abril 26, 1897, tinambangan ng mga sandatahan ni


Agapito Bonzon ang pangkat at sa labanan, napatay si Ciriaco Bonifacio. Nabaril sa
kaliwang bisig si Bonifacio, at sinaksak sa leeg ni Jose Ignacio Paua, Intsik na
bayaw ni Aguinaldo. Ang asawa ni Bonifacio, si Gregoria de Jesus, ay iginapos sa
isang punong-kahoy at ginahasa ni Bonzon. Kinaladkad sa himpilan ni Aguinaldo sa
Naic ang sugatang Supremo at nuong Mayo 8, 1897, hinatulang bitayin. Sa gulod ng
Nagpatong sa bulubundukin ng Maragondon, pinatay ang 34 taong Bonifacio at
ang kapatid na Procopio ni Lazaro Makapagal at ng kanyang mga sundalo, sa utos
ni Mariano Noriel, nuong Mayo 10, 1897. Nuong araw na iyon nagsimulang
pumanaw ang Katipunan, ang pagdilim ng
maningning na sikat ng araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang
Sangkapuluan [ -- Emilio Jacinto, Kartilya ng Katipunan ]
Sa mga sumunod na araw, hinalughog ni Gregoria ang guong Maragondon sa
paghanap sa libingan ng kanyang asawa hanggang sa magdugo ang kanyang mga paa
subalit hindi na natagpuan kahit kailan ang itinagong bangkay ni Bonifacio. Nakita
ng mga magsasaka at manggagawa ng Manila at paligid na pataksil na pinatay ang
nagmalasakit at katulad nilang timawa ng pangkat ng mga principales na hindi pa
nagtatagal ay katulong ng mga Espanyol na nagbuwis at nagpa-trabaho sa kanila
nang walang bayad. At nawalan sila ng gana. Libu-libo ang umuwi, marami rin ang
hindi na sumapi. Mula nuon, wala nang tagumpay na nakamit ang Himagsikan.
Tuluyang natalo at napalayas si Aguinaldo nang sakupin ang buong Cavite ng mga
sandatahan ni General Primo de Rivera, pumalit kay General Polavieja, na nagbitiw
ng tungkulin. Napilitang tumalilis si Aguinaldo, una sa Talisay upang magtago sa
tabi ni Miguel Malvar, matapang na general ng Katipunan sa Batangas.
Pagkatapos, tumakbo siya sa bundok ng Puray, malapit sa Montalban, ang himpilan
ni Bonifacio nuong hindi pa niya pinapatay, upang maipagtanggol naman siya ng
mga sandatahan ni Mariano Llanera. Paulit-ulit silang tinalo ng mga Espanyol
ngunit, dahil sa kakulangan ng sundalo at walang karagdagang tulong mula Espanya,
hindi kaya ni General Rivera na wasakin ang Himagsikan. Nang bigyan niya ng
400,000 pesos si Aguinaldo, sumuko ito at nagpatapon sa Hongkong kasama ng 34
niyang alalay.
Napilitan ding tumakas mula Cavite sina Josephine Bracken at magkapatid na
Trinidad at Paciano Rizal, tumawid ng bunduking Maragondon papuntang Laguna
de Bay gayung duguan na ang mga paa ng nakayapak na Josephine. Tinulungan
silang makapuslit sa Manila ni Venancio Cueto, isang pinuno ng Katipunan, at
naisakay si Josephine sa isang barko papuntang Hongkong. Duon namalagi ang
biyuda ni Rizal hanggang Deciembre 15, 1898, nang napangasawa niya ang isang
Pilipinong nagkakalakal, si Vicente Abad. Bumalik ang mag-asawa sa Manila,
kasama ang anak nila, si Dolores. Nagturo ng English si Josephine, at isa sa mga
naturuan niya ang binatang taga-Cebu, si Sergio Osmena, bayani ng Pilipinas nuong
panahon ng Amerikano. Tahimik na yumao si Josephine, ang dayuhang giliw ni
Rizal, nuong Marso 15, 1902, ng tuberculosis sa lalamunan. Nalibing siya sa Happy
Valley cemetery sa Hongkong. Lumaki at nakapag-asawa si Dolores at nag-iwan ng

mga anak na apelyido ay Mina. Gaya ng ama, si Vicente Abad, ipinilit niya
hanggang sa kahuli-hulihan, na anak siya ni Abad, hindi ni Rizal.
Deciembre, 1896. Pinalitan si General Blanco ni General Polavieja, na may dalang
2,000 sundalo mula sa Espanya. Mabilis dumating ang iba pang karagdagan mula sa
Espanya hanggang umabot sa 28,000 ang mga sundalo ni General Polavieja.
Nagkasagupaan nang 52 araw na walang patid sa Cavite at napatakbo ang mga
Pilipino. Sa timog ng Manila nalipat ang bakbakan. Nuong nagbabakbakan pa sa
Cavite, isang mestizong nagngangalang Llanera ang nakapag-ipon ng ilang libong
katipunero sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan. Napaglabanan niya ang lahat
na sandatahang Espanyol na sumugod. Duon nagtungo si Aguinaldo, dala-dala ang
nawatak na sandatahang aklasan mula Cavite. Kara-rakang lumaganap ang aklasan
sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac at Ilocos.
Samantala, nagbitiw ng tungulin si General Polavieja dahil sa nanghihina sa siya.
Pinalitan siya ni General Primo de Rivera.
July 1897. Nagpahayag ang Katipunan ng kanilang mga inaasam:

Ipatapon ang mga frayle [friars] at ibalik sa mga tao ang mga lupang
kinamkam nila. Ibigay ang mga katayuang hinahawakan ng mga frayle sa
mga paring paroco [sacerdote o secular priests]
Kalayaan mula sa Espanya, gaya nang ibinigay sa Cuba, sa pamamahala,
sa pagsamba at sa pagbabalita [political, religious and press freedoms].
Pantay na bayad sa Pilipino at Espanyol na namamasukan sa pamahalaan.
Ibalik sa mga may-ari o sa mga angkop na kabayanan ang mga lupaing
kinakam ng mga frayle; sakaling hindi matagpuan ang mga may-ari, hatihatiin at ipagbili ng pamahalaan ang mga lupa sa halagang kayang bayaran
ng lahat sa 4 na taong pagbabayad. Pati na rin ang mga lupang hawak ng
pamahalaan.
Itigil ang pagpapatapon ng mga mamamayan at ano pa mang pagmamalupit
sa mga Pilipino; pagpantayin ang tayo ng lahat sa batas, Pilipino o hindi.

Patuloy ang bakbakang walang hanggan. Araw-araw, nakikita ng Governador na


kahit hindi magwagi ang mga Katipuneros, makakatagal sila nang hindi napupuksa.
Napilitang makipag-usap si General Rivera. Ginamit niya ang isang Pilipino, si
Pedro Paterno, upang makipagniig kina Aguinaldo.
Deciembre 14, 1897. Pinirmahan ang Kasunduan sa Biac-na-bato [Pact of Biacna-bato] matapos ang 4 - 5 buwang tawaran nina Emilio Aguinaldo at iba pang
pinuno ng Katipunan, at ni Paterno, bilang abogado ni General Rivera.
Deciembre 27, 1897. Sumuko ang mga katipunero at isinauli ang kanilang mga
armas. Si Aguinaldo at 34 ng kanyang mga alalay ay nagtungo sa Hongkong, dala
ang paunang bayad, ika-5 bahagi, sa salaping ipinangako sa kanila ng Espanyol.

Wala na silang tinanggap na salapi pagkatapos. Hindi pa matiyak ngayon kung ano
ang pinagkasunduan sa Biac-na-bato. Umangal ang mga Katipunero na hindi
tumupad ang mga Espanyol sa mga pangako ng pagpapaigi ng turing sa mga
Pilipino at kapatawaran sa lahat ng katipunerong sumuko. Ngunit hindi nila ipinakita
ang anumang kasulatan ng kasunduan. Ipinipilit ng mga Espanyol na ang bayad na
salapi lamang ang ipinangako nila sa mga pinuno ng Katipunan. Malamang na may
mga ipinangako nga ang mga Espanyol. Malamang din na may mga inayunan sina
Aguinaldo na ikinahihiya nilang ilahad ngayon. Kaya ang magkabilang panig ay
kapwa ayaw magpakita ng kasulatan o copia ng kasunduan.
Samantala, patuloy ang pakyawang pagparusa ng mga Espanyol sa mga katipunero
at mga kakampi.
MARAMI ang naghimagsik sa pagsuko nina Aguinaldo matapos tumanggap ng
400,000 pisong bayad sa Biac-na-bato at pagbakasyon sa Hongkong. Ang ibang
pinuno ng Katipunan ay patuloy nanawagan ng himagsikan, gaya ni Emilio Jacinto
sa Laguna at ni Feliciano Jhocson na tumangging sumama sa Hongkong at, sa halip,
pumuslit sa Pugad-baboy, sa Caloocan, upang ipagpatuloy ang pakikibaka. Patuloy
ring nakibaka sina Francisco Makabulos, bayani mula sa La Paz, Tarlac, at si
Luciano San Miguel. Nagtatag ng pangkat ng Katipunan sa Tarlac si Makabulos
matapos sumabog ang Himagsikan sa Manila. Tumanggi siya sa pagsukong atas ng
kasunduan sa Biac-na-bato, sa halip, nagtatag pa ng sariling pamahalaan sa
Gitnaang Luzon [Central Luzon] at nagpairal ng Kasulatan ng Katauhan ng Bayan,
tinawag ngayong Makabulos Constitution, nuong Abril 17, 1898. Isa sa mga
pinuno ng Magdiwang sa Cavite si Luciano San Miguel, karibal ng mga Magdalo
ni Aguinaldo. Hindi niya pinansin ang Biac-na-bato at patuloy na lumaban sa
Espanyol.
Nuon lamang umalis na sina Aguinaldo nagsimulang mag-ipon ng tao at armas ang
mga taga-Ilocos at mga taga-Cebu. Dalawang angkan ng mga Ilocano, ang mga
Abaya at mga Guirnalda, ang nagtatag ng kanilang Katipunan, ang Espiritu de
Candon, at sumakop sa Candon, Ilocos Sur, nuong March 25, 1898, at natatag ng
Republica ng Candon, pinamunuan ni Fernando Guirnalda. Dumating ang mga
sundalong Espanyol pagkaraan ng 3 araw at dinakip ng mga naghimagsik. Binitay
ang mga pinuno, maliban lamang sa magkapatid na Guirnalda at si Federico Isabelo
Abaya, tumakas at namundok.
Sa Cebu, humingi ng tulong mula sa Luzon sina Candido Padilla, Teofisto Cavan
at Alejandro Climaco matapos nilang itatag ang kanilang kilusan. Ang ipinadala ay
si Pantaleon Villegas, matapang at hindi magkasing-laki ang mga mata.

Flags of the Philippine Revolution


During the Philippine Revolution, various flags were used by the Katipunan secret
society and its various factions, and later, after the Katipunan had been dissolved, the
Philippine Army and its Civil Government.
Other flags were the personal battle standards of different military zone commanders
operating around Manila.
The flags shown in this article are the official flags recognized during the Philippine
Centennial celebration in 1998. These flags are often erroneously included in the
"evolution of the Philippine Flag"; these flags are properly called "flags of the
Revolution". While many of the depicted symbols and layouts on some of the flags
have inspired the national flag, there is no direct relationship.
Katipunan flags
With the establishment of the Katipunan, Andres
Bonifacio requested his wife, Gregoria de Jesus, to
create a flag for the society. De Jesus devised a
simple red flag bearing the society's acronym, KKK,
in white and arranged horizontally at the center. This
was the first official flag of the society.

Some members of the Katipunan used other


variations. One variaton has the three Ks arranged in
the form of a triangle. Some others used a red flag
with only one K.

When the revolution heated up, the Magdiwang


faction of the Katipunan, which operated in Cavite
under Gen. Santiago Alvarez, adopted a flag
consisting of a red banner with white sun, at the
center of which is a white baybayin (the ancient
Tagalog script) letter ka. The sun initially had an
indefinite number of rays and was later standardized
to eight rays, to represent the eight provinces that
Spain first placed under martial law (Manila, Cavite,
Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, and
Nueva Ecija). This eight-rayed sun was later used in
the national flag of the Philippines. The flag is
actually incorrectly placed on this page. It is flipped
horizontally.
The Magdalo faction of the Katipunan, which also
operated in Cavite under Gen. Emilio Aguinaldo,
used a flag similar to the Magdiwang faction's. It
features a white sun with a red baybayin letter ka.
This emblem has recently been revived by a
breakaway faction of army officers calling
themselves the Magdalo Group. These officers
rebelled against the government of Gloria
Macapagal-Arroyo at the behest of Senator Gregorio
Honasan (see Oakwood Mutiny).
Personal flags
Andres Bonifacio, the Supremo of the Katipunan, had
a personal flag which depicts a white sun with an
indefinite number of rays on a field of red. Below the
sun are three white Ks arranged horizontally. This
flag was first unveiled on August 23, 1896 during the
Cry of Pugadlawin where the assembled Katipuneros
tore their cedulas (poll tax certificates) in defiance of
Spanish authority. The flag was used later during the
Battle of San Juan del Monte on August 30, 1896, the
first major battle of the Philippine Revolution.

General Mariano Llanera who fought in the


provinces of Bulacan, Tarlac, Pampanga, and Nueva
Ecija used a black flag with a white K on the left and
a white skull-and-bones on the right. Bonifacio
referred to the flag as Bungo ni Llanera (Llanera's
Skull).
General Pio del Pilar, the hero of Makati, used a red
banner which has a white equilateral triangle on the
mast with a K at each corner. At the center of the
triangle was a mountain with the sun rising behind it.
The flag was called Bandila ng Matagumpay (Flag
Of Victors) and was first used on July 11, 1895. The
flag was also one of the first to depict an eight-rayed
sun.
General Gregorio del Pilar, referred to as ang batang
General ("the young General") for his youth, used a
tricolor banner with a blue triangle at the mast and a
red stripe at the top of the flag and a black stripe at
the bottom. Del Pilar patterned his flag after that of
Cuba's, which then was also revolting against Spain.
First Official Flag
At the Naic Assembly of March 17, 1897, the
Katipunan military leaders decided to adopt a
flag with a new design. This new flag was red
and depicted a white sun with eight rays and a
face. This flag became the first official flag of
the Filipinos. The flag was used for less than a
year because the Filipinos signed a truce with
Spanish authorities (see Pact of Biak-na-Bato)
on December 14 to 15, 1897.

SI EMILIO AGUINALDO at si George Dewey ay nagkakilala nang nagbakasyon


sa Hongkong si Aguinaldo nuong Deciembre 27, 1897, pagkatapos siyang bayaran
ng mga Espanyol sa Biac-na-bato, ngunit hindi sila naging magkaibigan sapagkat
bihira nakikipag-kaibigan si Dewey. Matanda na, nag-retiro na dapat at umalis na sa
US Navy kung hindi inabutan ng utos ni William McKinley, president ng America,
na palubugin ang sandatahang dagat ng Espanya sa Manila. Walang pasintabi kay
Aguinaldo, na nasa Singapore nuong Mayo 1, 1898 - vacacion grande talaga - nang
durugin ni Dewey ang 7 luma at karag-karag na barkong pandigma ni Admiral
Patricio Montojo sa harap ng Cavite sa Manila Bay.
(Ikasampung Linggo)
Ang Pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas
Matagal nang ayaw ng America na makialam ang mga taga-Europa sa North o South
America kaya tuwang-tuwa sila nang mag-aklasan ang mga tagaroon at kumalas
mula sa Espanya nuong 1810 - 1820. Ang nalabi lamang na sakop pa ay ang Puerto
Rico at Cuba. Nang simulan ni Jose Marti ang himagsikan sa Cuba nuong 1895,
nais ng America na tumulong, lalo na nang nakita nila ang lupit ng mga Espanyol sa
mga taga-Cuba. Gaya sa Pilipinas, maraming tao ang pinahirapan at binitay. Walang
nakitang pasubali ang America,
ngunit nagpadala pa rin sila ng
ilang barkong pandigma sa Cuba
upang 'magmasid'.
Nagkaroon ng dahilan ang
America nuong Febrero 15, 1897,
nang sumabog at lumubog ang
kanilang barkong pandigma, ang
USS Maine habang nakadaong sa
Havana, capitollo ng Cuba. Pinaratangan nila ang Espanya at inutusang umalis na sa
Cuba. Tumanggi ang Madrid at hindi nagtagal, naghayag ng digmaan laban sa
America. Kinabukasan, Abril 25, 1898, naghayag din ang batasan [Congress] ng
America ng digmaan laban sa Espanya. Libu-libong sundalong Amerkano ang
lumusob sa Cuba, sa pangunguna ni Theodore Roosevelt, pinuno ng mga
Amerkanong nais sumakop ng iba't ibang lupain sa South America at Asia.
Nagkaroon ng suliranin si William McKinley, pangulo ng America nuon. Hati sa 2
ang sandatahang dagat ng Espanya. Ang isa ay nasa Atlantic Ocean, malapit sa Cuba.
Inutusan niya ang sandatahang dagat ng America sa Atlantic Ocean na wasakin ito.
Winasak naman! Ang pang-2 sandatahang dagat ng Espanya ay nasa Pacific Ocean,
malapit sa Manila, at ito naman, 2 araw pagkahayag ng America ng digmaan laban sa
Espanya, ang inutos niyang salakayin ng pang-2 sandatahang dagat ng America,
nakadaong nuon sa Hongkong.
Kaya nuong Abril 27, 1898, walang sabi-sabi, tahimik na naglayag ang 6 barkong
pandigma ng America, pinangungunahan ni Commodore George Dewey, upang
salakayin ang mga Espanyol sa Manila.

Nasugatan si Montojo at isa sa 2 anak niyang kasama sa labanan, si Eugenio


Montojo. Dahil sa pagkatalo niya sa Manila Bay, sinuspindi si Montojo ng hari ng
Espanya nuong Septiembre 1898, at nilitis siya ng hukumang militar [court
martial] sa Madrid. Ikinulong siya matapos mahatulan nuong Marso 1899, ngunit
ipinagtanggol siya ni Dewey, ang tumalo sa kanya sa Manila Bay. Pinawalan din si
Montojo, sinisante na lamang mula sa tungkulin. Namatay ang 75-anyos na Montojo
sa Madrid, Espanya, nuong Septiembre 30, 1917, salat sa gantimpala para sa
pagtulong niya, bilang pinuno ng sandatahang dagat ng Espanyol sa Pilipinas, sa
pagpuksa sa mga naghimagsik nuong 1896 - 1898.
Sa loob ng 7 oras, tinapos ng mga Amerkano ang 333 taong
pagsakop ng Espanya sa Pilipinas, 1565 - 1898. Nang
tumahimik ang mga kanyon ni George Dewey nuong hapon
ng Mayo 1, 1898, alam lahat ng mga Espanyol na wala na
silang laban - wala nang barkong makakarating mula
Espanya o Cuba upang tumulong o magdala ng gamit
digmaan, o ng pagkain man lamang. Ni wala silang barkong
masasakyan upang tumakas pabalik sa Espanya. Takbuhan at
nagsiksikan lahat ng 30,000 sundalong Espanyol sa Intramuros at nagmakaawa kay
Dewey na sila, ang mga Amerkano, ang sumakop sa Manila sa halip ng galit na mga
Pilipinong pinahihirapan at pinapatay nila nang dumating si Dewey. Wala akong
magagawa hanggang hindi dumarating ang mga sundalo namin, ang sagot ni
Dewey.
Ipinasundo niya si Aguinaldo sa Singapore at dumating ito sakay sa USS
McCullock, kasama ang 34 alalay, nuong Mayo 19 at, pagkadaong sa Cavite,
mabilis na itinatag muli ang Pamahalaang Himagsikan nuong Mayo 24, 1898, at
hinirang ang sarili niyang dictador na naman. Binigyan ni Dewey si Aguinaldo ng
isang lantsa, galing sa lumubog na punong barko ni Montojo, ang Cristina, at mga
baril na halungkat mula sa mga pinalubog na barkong Espanyol. Walang hinala si
Aguinaldo na kinabukasan lamang ng pagdidictador niyang muli, mahigit 10,000
sundalong Amerkano ang nagsimulang bumarko sa San Francisco, California, sa
pamumuno ni General Thomas Anderson, upang sakupin ang Pilipinas.
Magkakaroon na ng sundalo si Dewey.

Nabuhayan ng loob muli ang mga naghihimagsik. Marami sa Luzon at Visayas ang
nagsimulang lusubin ang mga Espanyol at mga guardia civil na iniwang bigla ng
sandatahang Espanyol na nagtatago na sa Intramuros. Ang mga Espanyol na kayang
umalis, ang mayaman at mga mataas na opisyal, ay lumisan na. Ang karamihan ay
tumuloy sa Zamboanga, madaling nakasakay ng barko pa-Malaysia, nuon ay sakop
ng English at hindi kalaban.
Sa loob ng Intramuros, ngatog ang mga Espanyol at ang mga kakamping Pilipino. Si
Pedro Paterno, ang kasapakat sa suhulan sa Biac-na-bato, ay naglabas nuong Mayo
31, 1898, ng isang manifesto ng pangako na pagbubutihin na ng mga Espanyol ang
pagturing sa mga Pilipino at hinikayat ang mga Pilipinong tulungan ang Espanya,
'ang ating kakampi' sa digmaan laban sa America. Ang kasabwat niya sa Biac-nabato, si Governador-General Primo de Rivera, ay nakaalis nuon pang Abril 10,
1898, 3 linggo lamang bago naglabanan sa Manila Bay. Pinalitan siya ng sawingpalad na General Basilio Agustin na walang nagawa matapos matalo si Montojo
kung hindi humingi ng tulong mula sa mga Pilipino. Katuwang si Bernardino
Nozaleda, arsobispo ng Manila, inalok si Aguinaldo ng isang milyon piso at
pangakong susuwelduhan pa nang palagian kung sasanib sa pamahalaan ng
Espanyol sa Manila. Payo ng kanyang mga alalay na tanggapin ang malaking salapi,
ngunit tumanggi si Aguinaldo, abala nuon sa pagtitipon ng mga kabayanan sa Luzon
at Visayas sa ilalim ng kanyang pamahalaan.
Nakapag-ipon ang mga naghihimagsik ng kulang-kulang 30,000 sandatahan sa
paligid ng Manila, bagamang kaunti lamang ang may baril. Karaniwang itak at sibat
na kawayan lamang ang sandata kaya hindi nila napasok ang Intramuros nang
walang tulong mula sa mga kanyon ni Dewey. Dinaan na lamang sa pagsigaw-sigaw
na tatagain sa leeg ang lahat ng Espanyol na makita nila pagkapasok sa
Intramuros, bantang pinaniwalaan ng mga Espanyol. At ng mga Amerkano.
Nuong Junio 12, 1898, hinayag ni Aguinaldo ang pagkapag-sasarili [independence]
ng Pilipinas sa kanyang bahay sa Kawit, Cavite. Tumangging dumalo si Dewey
ngunit isang coronel ng US Army, si LM Johnson, ang naparuon at nagmasid.
Sinundan ni Aguinaldo ang pahayag sa sumunod na 2 linggo ng balak na pagtatag ng
pamahalaan sa mga purok na napalaya na mula sa mga Espanyol, pagpupulong ng
mga kinatawan ng mga lalawigan sa isang Congreso ng
Himagsikan sa Malolos, Bulacan. Nuong Junio 23, 1898, hinayag
ni Aguinaldo na hindi na siya dictador at isang Republica ang
gagawing pamahalaan sa Pilipinas. Ngunit naubusan na siya ng
panahon. Nuong Junio 30, 1898, dumaong ang libu-libong
sundalong Amerkano ni General Anderson mula sa San Francisco.
Sumulat si Aguinaldo kay Anderson, umangal sa pagdaong ng mga
Amerkano nang walang pahintulot. Hindi siya pinansin at
sumunod pa ang kulang-kulang 9,000 sundalong Amerkano, nang
dumating si General Wesley Merritt nuong Julio 25, 1898, upang pamunuan ang
pagsakop sa Manila.

May mga sundalo na si Dewey. Panahon na ng Amerkano.


Mabilis na pumaligid sa Manila ang mga Amerkano, naghukay ng kanilang
paglalabanan, at nagkalat ng kanilang mga kanyon, upang walang Pilipinong
makapasok sa Manila. Nanawagan si Aguinaldo nuong Agosto 6, 1898, sa mga
pinuno ng ibang bansa na kilalanin ang kaniyang pamahalaan. Walang pumansin.
Sumulat ang mga Espanyol mula sa Manila kay Dewey at Merritt, hindi na raw
kailangang dumanak pa ang dugo. Nagkasundo sila nuong Agosto12, nagbarilan
nang kaunti nuong Agosto 13, upang hindi mapahiya ang mga Espanyol bago
sumuko, at pumasok sa Manila ang mga sundalo ni Merritt nuong Agosto 14.
Binantayang walang makapasok na Pilipinong kampi kay Aguinaldo. Kahit na mga
alalay ni Aguinaldo. Kahit na si Aguinaldo.
Dinaya man o hindi ang mga naghihimagsik ng mga
Amerkano, tunay na pahele-hele ang turing ng
pamahalaan ng America sa Washington DC dahil
marami man ang nais sumakop sa Pilipinas, marami
rin ang laban sa pagsakop kahit saan o kahit
kangino. Karamihan sa mga laban ay ang mga
pinuno at kasapi ng mga simbahan sa America, at
napilitan si President McKinley ipagliwanag sa
kanila kung bakit nilusob at sinakop ng mga
sundalong America ang Manila.
Hayag ni McKinley sa mga preachers at pinuno ng
mga simbahan nuong 1898:
Ang tutuo, hindi ko nais ang Pilipinas, at nang napasa-atin, parang handog ng
langit, hindi ko malaman ang gagawin ko sa kanila. Nang mag-umpisa ang digmaan
laban sa Espanya, si Dewey ay nasa Hongkong at inutusan kong pumunta sa Manila
at napilitan siya; sapagkat kung matalo, wala siyang madadaungan sa parte ng
daigdig duon, at kung manalo ang mga Don [mga Espanyol] malamang tumawid
sila ng Pacific Ocean at lapastanganin ang Oregon at California . Kaya
kinailangang wasakin niya ang sandatahang dagat ng Espanyol, at nagawa naman
niya! Ngunit hanggang duon na lamang ang mga balak ko nuon.
Nang matapos at natanto ko na napasakamay natin ang Pilipinas, inaamin kong
hindi ko alam ang gagawin sa kanila. Humingi ako ng payo sa lahat -- Democrats at
pati na Republicans -- ngunit walang naitulong. Naisip ko kunin ang Manila
lamang; o baka Luzon lamang; pagkatapos, naisip kong maaari ring ilan-ilang pulo
lamang ang kunin. Hindi ako nahihiyang sabihin sa inyo, mga ginoo, na ilang gabi
akong lumuhod at nagdasal sa Maykapal at humingi ng payo at liwanag. At isang
gabi, nasaisip ko - hindi ko alam kung paano ngunit nasaisip ko:

1.
2.
3.

4.

Hindi natin maaaring ibalik ang Pilipinas sa Espanyol.


Kaduwagan at laban sa karangalan ang gawin ito.
Hindi natin maaaring ibigay ang Pilipinas sa France o sa Germany
- ang mga karibal natin sa kalakal sa Asia - hindi mahusay na
kalakal ito at makakasira ng tiwala.
Hindi natin maaaring iwanan na lamang ang Pilipinas - hindi sila
handang mamahala sa sarili nila - at madali silang magkakagulo
at magkaka-abusong masahol pa kaysa sa mga ginawa ng
Espanyol.
Wala tayong ibang magagawa kung hindi kupkupin silang lahat at
turuan; pangalagaan, pangaralan at gawing mga Kristiyano at, sa
biyaya ng Diyos, gawin ang lahat nang ating kaya upang
mapagbuti natin sila, silang kapwa natin na pinagpahirapan para
sagipin ni Jesus Christ.

Matapos nito, nakatulog ako nang mahimbing at kinabukasan, ipinatawag ko ang


chief engineer ng War Department at inutos ko na ilagay ang Pilipinas sa mapa ng
America; at duon sila lalagi habang ako ang Pangulo!
Maaaring salitang politica
lamang ang pagdarasal sa gabi ni
Mckinley, ano ba't mga
relihiyoso ang kaharap niya kaya
dinagdagan pa ng gagawing
Kristiyano ang mga Pilipino
nang matuwa naman. Katunayan,
sinabi niya ang tunay na
harangin ng America: Ayaw
maiwan sa agawan ng mga taga-Europa, lalo na ng Germany, sa kalakal sa Asia,
ngunit China ang talagang tukoy niya, dahil ito na lamang ang nalalabing lupaing
maaaring lapain at sakupin [Ganito nga ang ginawa ng mga taga-Europa sa China sa
sumunod na 30 taon]. Sakop na ng English ang India at Malaysia, sakop ng France
ang Indochina [Cambodia, Laos at Vietnam]; sa Dutch Netherlands naman ang
Indonesia. Aali-aligid ang gutom na Germany; hindi sakuna na dumaong sa Manila
Bay ang kanilang mga barkong pandigma, sa pamumuno ni Admiral Otto von
Diederichs, nuong Junio, 1898, ilang linggo lamang matapos ang labanan sa Manila
Bay. Isa sila sa mga tinutukoy ni Aguinaldo nang manawagang kilalanin ang
kanyang pamahalaan nuong Agosto 6. Ngunit ang balak ng Germany ay sumakop,
hindi magpalaya, ng ibang bayan, kaya hindi pinansin.
Anuman ang nais ng karamihan sa mga Amerkano, napilitan silang lusubin ang mga
sakop ng Espanya nang maghayag ang Madrid ng digmaan nuong Abril 24, 1898.
Nawasak nila ang sandatahang dagat ng Espanya sa Santiago Bay at napasuko ang
mga Espanyol sa Cuba nuong Julio 17, 1898. Sumunod na Octobre, nagsimulang
magtawaran ang mga Espanyol at mga Amerkano sa Paris, France. Inalok ng
Espanya ngunit ayaw tanggapin ng America ang Cuba, may utang na 400 milyon

dolyar ito at walang Amerkanong payag na sakupin pagkatapos ng digmaan upang


palayain ito. Kaya napilitang maging malaya [free] ang Cuba, subalit baon sa utang
at watak-watak, hindi naging makapag-sarili [independent], ngunit mahaba at ibang
salaysay na iyon. Ang tinanggap lamang ay Puerto Rico, nais gawing daungan sa
Carribean Sea ng sandatahang dagat ng America [United States Navy], ang
Marianas Islands, nais din ng US Navy na daungan sa gitna ng Pacific Ocean, at
ang Pilipinas na binili ng America ng 20 milyong dolyar mula sa Espanya. Ang 3
kapuluan ang sakop ng kasunduang tinawag na Treaty of Paris. Nagtangkang
dumalo si Felipe Agoncillo bilang sugo ng Pilipinas sa lagdaan ng kasunduan nuong
Deciembre 10, 1898, ngunit hindi siya pinapasok.
Ipinag-utos ni McKinley na sakupin agad ang buong Pilipinas.
Maliban sa Manila, patuloy ang paglusob ng mga Pilipino at pagpalaya sa buong
kapuluan. Nuong Noviembre 6, 1898, sumuko sa kanila ang mga Espanyol sa
Negros. Nuong Deciembre 23, 1898, isinuko ni General Diego de los Rios, ang
naiwan at kahuli-hulihang governador ng Pilipinas, ang pulo ng Iloilo. Sa lungsod ng
Iloilo, katatapos pa lamang mag-Pasko at magdiwang sa pagsuko ng mga Espanyol
ang mga pinuno ng himagsikan sa Panay, sina General Martin Delgado at Coronel
Quintin Salas nuong Deciembre 28, 1898, nang biglang sumulpot ang mga
sundalong Amerkano at si General Marcus Miller at nagtangkang dumaong.
Hindi! ang sagot ng mga Ilonggo, at mabilis na naghukay ng paglalabanan, may 10
kilometro ang haba, sa harap ng Guimaras Strait at sa harap ng mga kanyon ng
sandatahang Amerkano. Nagbakbakan sila hanggang Febrero, 1899, nang masupil
ang karamihan ng mga naghihimagsik at sinakop ng mga Amerkano ang kalakihan
ng Panay. Sa mga bahaging malaya pa, patuloy nakibaka si Salas sa kabayanan ng
Cabatuan hanggang Septiembre, 1899, nang dumugin sila ng maraming Amerkano.
Sumuko ang karamihan ng mga Ilonggo, ngunit namundok si Salas at ilang pang
kasama, at nag-guerrilla hanggang naiwan na lang siyang nag-iisa. Sumuko siya sa
mga Amerkano nuong Octobre, 1901, ang kanyang ika-31 kaarawan, at ipinatapon
siya. Nagtungo siya sa Manila nuong 1908 at nag-abogado nuong 1912. Nang
payagan, bumalik siya sa Iloilo at duon siya namatay ng tuberculosis nuong Enero
24, 1917. Ang kaisa-isa niyang anak, si Rosario, ay nag-abogado rin, ang
pinakaunang babaing abogado sa Iloilo.
Nagbalik sa Bohol si Bernabe Reyes, isang taga-Dauis, malapit sa Tagbilaran, may
kasulatan mula kay Aguinaldo upang magbuo ng pansamantalang pamahalaan sa
Bohol, isasapi pagkatapos sa pamahalaan ng Pilipinas. Lumigid siya sa pulo, at sa
harap ng mga pinuno ng mga baranggay at purok, nahalal siyang presidente o
governador ng Bohol. Mapayapang namuhay ang buong Bohol hanggang dumating
ang sandatahang Amerkano nuong Marso 14, 1899, sa pangunguna ni Major Henry
Hale. Dahil walang sandata o sundalo, napilitang sumuko nang walang laban si
Reyes. Samantala, sa Malolos, Bulacan, itinatag ang unang Republica ng Pilipinas
nuong Enero 1899, hinirang na Pangulo si Aguinaldo at pinairal ang Kasulatan ng
Katauhan ng Bayan [constitution]. Inirapang lahat ng mga Amerkano, patuloy na

nag-ipon ng mga sundalo at sandata sa Manila, at paghanda sa paglusob sa mga


Pilipino.
Nuong gabi ng Febrero 4, 1899, binaril at pinatay ni William Grayson, sundalong
Amerkano, ang 2 o 3 Pilipinong naghihimagsik na nagtangkang tumawid sa tulay ng
Santa Mesa, sa labas ng Manila. Nagalit ang mga kasamahan at bumaril din ang
mga Pilipino. Nagsimula na ang digmaan, hayag ng alalay ni General Elwell Otis,
kapalit ni General Merritt bilang pinuno ng mga sundalong Amerkano. Sugurin ang
mga Pilipino ayon sa ating napagpasyahan, ang sagot ni Otis.
Masiklab ang bakbakan ngunit dehado ang mga Pilipino. May 3,000 patay silang
iniwan nang umurong mula sa paligid ng Manila dahil sa dami ng baril at kanyon ng
mga Amerkano. Nagsasayawan nuon sina Aguinaldo at mga alalay, ipinagdiriwang
ang bagong pamahalaan, nang dumating sa Malolos ang balita ng labanan. Agad
nagpasugo si Aguinaldo kay Otis na itigil ang barilan at simulan ang usapan. Huli
na, ang sagot ni Otis, Tignan na lamang natin kung saan makakarating 'to.

(Ikalabingisang Linggo)
Si Aguinaldo At Si Mabini
...hinatulan ko siya na di nakiming magpapaslang upang angkinin at
sarilinin
ang Himagsikan... Sukdulan ang mga kasalanan niya, ang Maykapal
man
ay nagpasiyang hindi siya karapatdapat... Ang tanging pag-asa ni
Aguinaldo
ay ang mamatay na ipinaglalaban ang kalayaan ng Bayan...
-- Apolinario Mabini, sa Himagsikan Ng Pilipinas
ANG UTAK ng Himagsikan ay isang guro, tahimik at nag-iisa, laging nagmumunimuni. Ipinanganak na dukha si Apolinario Mabini nuong Julio 23, 1864 kina
Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa Talaga, Tanauan, Batangas. Nais ng ina
na mag-pari siya, ngunit abogasya ang tinapos sa San Juan de Letran at sa
Universidad de Santo Tomas nuong 1894 upang ipagtanggol ang mga naaaping
dukha. Nilagnat at nalumpo naman siya nuong 1896; kaya nang dakpin siya ng mga
Espanyol nuong Julio 1897 bilang kasapi sa La Liga Filipina ni Jose Rizal, hindi
siya binitay gaya ng ibang mga kasapi at napilitang pakawalan nang nakita ang
kanyang kapansanan.
Nuong Julio 1898 inilathala niya Ang Tunay na 10 Utos [The True
Decalogue], na sinulat niyang katulad sa 10 utos ng Diyos ng
simbahang katoliko ngunit naglaman ng kanyang adhika, paunlarin
ang pag-iisip at gawi ng mga tao upang magkaroon ng sabay na
himagsikan o pagbabago sa Pilipinas at sa kalooban ng mga
Pilipino. Tigatig sa mga adhika ni Mabini ang mga principales at
ilustrado na kakampi ni Aguinaldo, ngunit naging kilala siya sa
mga pangkaraniwang mamamayan at maghihimagsik. Higit sa
lahat, hayag ni Mabini, magsigasig kayong magpalaya ng bayan
sapagkat kayo lamang ang may tunay na pagtingin sa kanyang pagunlad at maging marangal, sapagkat ang kalayaan ng bayan ay
kalayaan para sa inyo, ang kanyang pagbuti ay inyong
kasaganahan.
Mahina ang katawan, nagpapahinga si Mabini sa Los Banyos nang ipatawag ni
Emilio Aguinaldo nuong 1898; mahigit sandaang tao ang nagbuhat sa kanyang

nakaduyan papuntang Kawit, Cavite. Walang paniwala si Aguinaldo nang makita


ang payat at lumpong Mabini, hindi gaya nang inasahan niyang matikas at
matipunong manunulat. Ngunit napahanga siya nang magsalita si Mabini, tahimik at
matatag, lalo na nang sabihin ni Mabini na kinalaban niya ang kasunduan ni
Aguinaldo sa Biac-na-bato sapagkat alam niya nuong pang unang nilagdaan
Deciembre 1897 na hindi matutupad. At ngayon, sinalungat ni Mabini ang balak ni
Aguinaldo na ihayag ang pagkapag-sasarili [independence] ng Pilipinas. Unahin
ang pagbuo ng pamahalaan, sabi ni Mabini, at kailangang handa nang magsilbi sa
bayan bago pa ihayag ang pagkapag-sasarili.
Kailangan ko ang pananalig ng mga tao, sagot ni Aguinaldo, at sa pahayag ng
kalayaan lamang sila mapapaniwala sa himagsikan at sa ating pamahalaan.
Napasang-ayon si Mabini at itinuloy ni Aguinaldo ang balak na ihayag nuong Junio
12, 1898, ang pagkapag-sasarili [independence]. Naging malaki ang tiwala niya kay
Mabini at ginawa niyang punong tagapagpayo. Dito nagsimula ang pagiging Utak
ng Himagsikan ni Mabini -- napagtibay niya ang bagong pamahalaan ng Pilipinas sa
Malolos at hinirang siyang presidente ng cabinete ni Aguinaldo nuong Enero 2,
1899. Siya ang nagpayo kay Aguinaldo na tapusin ang pagiging dictador at gawing
pansuguan [representational] o republica ang pamahalaan. Bilang pangunahing
ministro [prime minister] sa pulong ng himagsikan sa simbahang Barasoain sa
Malolos, Bulacan, siya ang nag-asikaso ng pag-ayos at pagsasama-sama ng mga
kabayanan sa bawat purok at lalawigan. Pinamunuan niya ang pagsulat ng
Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [Malolos Constitution] na pinairal nuong Enero
1899. Sa pagsulat nito naganap ang pinakamasidhing pagtatalo nila ni Aguinaldo,
hanggang umabot sa pagbitiw ni Mabini at ng buong cabinete nuong Deciembre 26,
1898.
Ayaw bitawan ni Aguinaldo ang hangaring maging hari, kahit pagkatapos niyang
ihayag ang katapusan ng kanyang pagiging dictador nuong
Junio 23, 1898. Sabay sa pahayag na 'yon, sinabi niyang
tagapagpayo lamang, hindi batasan, ang congreso ng
Malolos. Ipinilit ni Mabini na ang congreso ang susulat ng
mga batas na magpapairal ng pamahalaan sa buong bayan.
Nanaig si Mabini at, matapos mahirang na Pangulo si
Aguinaldo nuong Enero 1, 1899, binuo ni Aguinaldo
kinabukasan ang kanyang cabinete, at si Mabini uli ang
hinirang na presidente nito. At republica ang itinatag sa
Malolos na unang pamahalaan ng Pilipinas, hindi pamahalaan
ng isang tao lamang, nuong Enero 23, 1899.
Samantala, patuloy ang pagkalupig ng mga Filipino. Nuong
Febrero 22, 1899, sinakop ng mga Amerkano ang Cebu at
Iloilo; madaling sumuko ang buong pulo ng Panay. Sumunod na buwan, Marso,
sinakop naman ang pulo ng Bohol. Katapusan ng buwang iyon, nuong Marso 31,
1899, nilusob at sinakop ng mga Amerkano ang Malolos mismo. Takbuhan ang mga
pinuno ng bagong pamahalaan matapos sunugin ang simbahan ng Barasoain nang

hindi mabahiran ng mga Amerkano. Sa Tarlac muna inilipat ang capitollo, tapos sa
Nueva Ecija; sa sumunod na 2 taon, napilitan si Aguinaldo na paglipat-lipatin ang
himpilan ng bayan habang patuloy na umuurong palayo sa sumusugod na
sandatahang Amerkano.
Si Mabini, bilang pangunang ministro [prime minister] at kalihim panlabas
[secretary of foreign affairs] ay nagtungo sa Manila upang makipagtawaran sa mga
Amerkano. Kinausap si Jacob Schurman, puno ng bagong dating na Philippine
Commission, binuo ni McKinley nuong Enero 20, 1899, bago pa nagsimula ang
digmaan, upang pamahalaan ang pagsakop sa Pilipinas. Alok ni
Schurman, ayon sa utos ni McKinley, na papayagang magtatag
ng pamahalaang pansarili [self government] ang mga Pilipino,
sa ilalim ng America. Ito ang unang nasa ng mga tao bago
naghimagsik laban sa Espanya, ngunit dimdim ni Mabini na huli
na--lubusang kalayaan na lamang ang tatanggapin ngayon ng
mga naghihimagsik. Humingi siya ng panahon kay Schurman
upang kausapin sina Aguinaldo, at hinirang na itigil muna ang
labanan simula Abril 28, 1899, habang pinag-uusapan ang alok
ni Schurman. Tumanggi ang mga Amerkano, na mabilis at
patuloy na nagtatagumpay sa mga sagupaan, at walang nagawa
si Mabini kundi umalis nang walang kasunduan. Naghayag siya nuong Abril 15,
1899, ng manifesto na nagtatwa ng karapatan ni McKinley at ni Schurman na
sumakop at mamahala sa Pilipinas, at naghikayat sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang
paglaban sa mga Amerkano.
Kinalaban ng mga Pilipino ang mga Amerkano kinabukasan sa Majayjay, Laguna,
ngunit natalo, at napatay si Emilio Jacinto, ang katuwang ni Bonifacio sa
Katipunan. Sa kanyang pagyao, 2 na ang pumanaw na pag-asa ng Pilipinas
makalaya; 2 na lamang ang nalalabi, at isa rito, si Mabini ay unti-unti nang nawalan
ng tiwala kay Aguinaldo. Si Aguinaldo man ay nawalan na ng tiwala kay Mabini, at
nakinig na sa mga bulong at pintas ng mga naiingit sa dakilang lumpo. Pinasugo
niya nuong Abril 28, 1899 si
Pedro Paterno, ang
kasapakat niya sa suhulan ng
Biac-na-bato, upang
makipagtawaran tungkol sa
pagtigil ng labanan, ngunit
tumanggi si General Otis.
Pagkaraan ng 3 araw,
nagpasugo uli si Aguinaldo
nuong Mayo 2, 1899, at
kinausap nina Major
Manuel Arguelles at
Tenyente Jose Bernal si General Otis, ngunit tumanggi na naman ito. Pagkaraan ng
5 araw, lubusan nang sinisante ni Aguinaldo si Mabini nuong Mayo 7, 1899, at
nagbuo ng panibagong cabinete sa ilalim ni Pedro Paterno upang makiusap sa mga

Amerkano. Ngunit hindi maulit ni Paterno ang tagumpay niya sa Biac-na-bato, pilit
kasi ng mga Amerkano na isuko muna ng mga Pilipino ang mga sandata bago magusapan. Kaya walang nagawa si Paterno kundi maghayag ng manifesto, gaya ni
Mabini, ng hikayat sa mga tao na ipagpatuloy ang paglaban sa mga Amerkano.
Walang pinag-aralan at walang pagkatao, ang sulat ni Mabini tungkol kay
Aguinaldo. Lubusan nang nawalan ng tiwala kay Aguinaldo si Mabini nang dakpin
siya ng mga Amerkano nuong Septiembre 10, 1899. Sa piitan lagpas nang isang taon,
sinulat niya ang Pagtayog at Katapusan ng Republica ng Pilipinas. Pagkalaya
nuong Septiembre 23, 1900, nagsulat siya para sa mga pahayagan sa Nagtahan,
Batangas, patuloy nanawagan para sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng digmaan. Kaya
ipinatapon siya ng mga Amerkano sa Guam nuong Enero 5, 1901, at nakabalik
lamang nuong Febrero 26, 1903, matapos sumumpang kakampi na sa America.
Pinayo niya sa mga Pilipino na magniig at tumulong sa mga Amerkano sa
pamamahala, at sa inaasam na pagpalaya, ng bayan. Walang 3 buwan pagkabalik sa
Pilipinas, namatay si Mabini sa lumaganap na cholera epidemic nuong Mayo 13,
1903.
Isa na lamang ang nalalabing pag-asa ng bayang makalaya.
Ayaw Na Ng Bayan
Maraming taga-Manila, taga-Laguna at mga taga-Batangas na nakikipagbaka sa
Cavite ang nawalan ng gana sa Himagsikan dahil sa karumaldumal na pagpatay
kay Bonifacio, nawalan ng pag-asa at nagsi-uwian. Kaya madaling nagapi at
nasakop ang Cavite at napilitan ang tinaguriang 'pamahalaan ng Himagsikan' na
tumakas at magtago sa bundok-bundok ng Biac-na-Bato sa Bulacan...
-- Apolinario Mabini, sa La Revolucion Filipinas
SIMULA'T SIMULA pa ng pagsiklab ng Himagsikan, milyon-milyong Pilipino
na ang hindi pumansin, sadyang umayaw o
lubusang kumampi sa Espanyol at lumaban
sa Katipunan. Sinadya o hindi, nasarili ng
mga Tagalog ang pakikibaka, at lalong
nadiin ang pag-angkin sa mga panulat, gaya
ng mga hayag ni Andres Bonifacio sa Ang
Dapat Mabatid ng mga Tagalog, at ni
Emilio Aguinaldo sa Simula ng
Pamahalaang Tagalog at sa Mabuhay ang
mga Tagalog! na panting sa tenga ng mga
hindi-Tagalog.
Ang iba, gaya ng mga Kapampangan, kahit malapit sa Manila, ay hindi nakatikim ng
pagkaaping dinanas ng mga Tagalog - pagnakaw ng mga lupa at bukid at sapilitang
pagsisilbi sa Espanyol nang walang bayad. Maraming Kapampangan nuon ay kawani

sa pamahalaan o sundalo sa sandatahang Espanyol, tumatanggap ng sueldo at


nakakataas kahit papaano sa kalagayan ng pangkaraniwang Tagalog. Ang sakmalan
ng lupa sa Pampanga at Tarlac ay nangyari pagkatapos ng Himagsikan, hindi nuong
panahon ng Espanyol. Ang mga Ilocano, mga Bicolano at mga Visaya naman ay may
likas na hinala sa mga Tagalog at, gaya ng mga taga-Albay na kumampi sa mga
Espanyol, sindak na baka matatag ang isang kaharian ng mga Tagalog na pipilit sa
kanilang pumailalim sa Tagalog o maging Tagalog na rin.
Hintay muna: Hindi ba kasama ang Pampanga at Tarlac sa mga lalawigang
unang naghimagsik laban sa Espanyol? Nasa mga silahis ng araw sa watawat
ng Pilipinas sila, hindi ba?
Naging mainit ang agawan ng silahis ng araw sa watawat o bandila ng Pilipinas.
Ang pinakahuli ay ang lalawigan ng
Zambales na naghimagsik halos kasabay ng
ibang lalawigan nuong 1896. Tinanggihan
ng Centennial Commission nuong 1998
dahil ang official daw ay ang lista ng 8
lalawigan ni General Ramon Blanco,
governador nuon, sa paghayag ng
pamahalaang pandigma [martial law] sa
Pilipinas nuong Agosto 30, 1896: Manila,
Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac.
Ang ginamit na batayan ng Zambales ay ang 8 lalawigang nilista ni General Camilo
Polavieja, ang pumalit
kay Blanco bilang
governador, sa pahayag
nuong Deciembre 24,
1896. Napalitan ng
Zambales ang Tarlac:
Manila, Laguna, Cavite,
Batangas, Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija
at
Zambales.
Iba rin ang mga lalawigan
sa pahayag ni Aguinaldo
ng Pagkapag-sasarili [independence] nuong Junio 12, 1898. Nawala ang Tarlac at
Zambales, nasali ang Bataan: Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija at Bataan.

Sa pahayag ni Aguinaldo, ang kulay ng watawat, pula, puti at bughaw [azul o blue]
ay ginaya mula sa watawat ng America, bilang parangal sa 'kakampi at katulong ng
Himagsikan'.
Tungkol sa Pampanga at Tarlac: Ang mga Kapampangan na ang umaamin na
nakahiligan sila ng mga Espanyol at palagiang sinapi sa kanilang sandatahan at
kawanihang pamahalaan. Sabi pa, umunti ang dating nakararaming Kapampangan sa
Luzon dahil sa mahigit 300 taon ng pagsugod, dala ng mga Espanyol, sa iba't ibang
pulo, lalo na sa digmaan laban sa mga Muslim sa Mindanao. Marami raw ang mga
nasalanta, higit na marami ang hindi na nagbalik sa Pampanga at Tarlac, at
nanirahan na lamang sa mga pulong pinagdalhan. Karamihan sa mga inarkila ng mga
Espanyol ay sa Manila nadestino, at hindi maipagkakaila na maraming mga
Kapampangan ay naging mga taga-Manila na.
Hindi rin maipagkakaila na maraming Kapampangan sa sandatahang Espanyol. Isa
sa mga pinakahuling malaking pakikibaka nila ay ang pagpuksa sa daan-daang
kasapi ng Cofradia de San Jose sa bundok ng Banahaw nuong 1841. Nuong
sumiklab ang Himagsikan ng Katipunan, Kapampangan ang karamihan sa 6,000
Pilipinong sundalo sa sandatahang Espanyol sa Manila at Mindanao na ayaw nang
pagkatiwalaan ni General Ramon Blanco, ang governador nuon. Ang mga
sundalong Espanyol na lamang ang pinanglaban, ang mga Pilipino [Kapampangan]
ay inalisan ng armas at sinisante. Marami marahil sa mga napilitang bumalik sa
Pampanga at Tarlac ay sumapi sa pag-aklas ni General Francisco Makabulos at
naging malaking bahagi ng pagpalaya sa Tarlac, ngunit matanda na ang Himagsikan
nang mangyari ito, hindi sa simula.
Sa unang 2 taon, 1896 at 1897, halos lahat ng sagupaan ng mga Pilipino at mga
Espanyol ay nangyari sa mga paligid ng Manila at, mayroon mang ilan-ilang Ilocano,
Cebuano o Kapampangan, ang Himagsikan nuon ay likas at lubusang Tagalog.
Lumawak lamang sa Visaya at ibang lalawigan ang Himagsikan nuong napatay na si
Andres Bonifacio dahil

Ang mga kakilala nilang mga principales ang nagdala at namahala na sa


Himagsikan, gaya ni Leandro Fullon ng Antique
Nasuklam ang marami nang tumanggap ng lagay sina Aguinaldo at iniwan
ang Himagsikan sa Biac-na-bato, gaya ni Arcadio Maxilom ng Cebu
Naglayasan ang mga takot na Espanyol at walang naiwang pamahalaan sa
pulo maliban sa mga binuo ng mga katutubo, gaya nang nangyari kay
Bernabe Reyes ng Bohol.

Gayun pa man, marami ang mga wala pa ring tiwala sa mga Tagalog, gaya ng mga
taga-Panay na nagtatag ng Federacion delos Visayas dahil nais sumapi lamang, at
hindi pumailalim, sa pamahalaan ng mga taga-Luzon. Napalawak man ang
Himagsikan pagkapatay kay Bonifacio, ito rin naman ang nagpaunti ng mga
lumalaban sa Espanyol dahil sa pagka-unsiyami ng mga timawa na nawalan ng gana

nang sarilinin ng mga principales at ng mga alalay nila ang Himagsikan. Naglaho
ang malasakit ng mga tao-tao sa mga naghihimagsik. Nuong buhay pa si Bonifacio,
nakakapuslit pa ang mga katipunero labas-pasok sa Manila sa tulong ng mga tao-tao,
gaya ni Josephine Bracken; pati na ang mag-asawang Bonifacio ay binigyan ng
babala at tinulungang makatakas pa-Balintawak. Ang mga sugatang katipunero ay
ginagamot at itinatago sa mga naghahanap na Espanyol ng mga mamamayang gaya
ni Tandang Sora. Ang asawa ni Bonifacio, si Gregoria de Jesus, ay naitago nang
ilang buwan sa Manila mismo nuong 1897. Pagkapatay kay Bonifacio, nang malagas
ng mga Espanyol ang mga alalay ng mga principales, walang tinanggap na tulong si
Aguinaldo sa mga tao, kahit na sa Cavite mismo, gayung patuloy na lumaban sa
Espanyol sina Emilio Jacinto sa Laguna, at si Luciano San Miguel sa Cavite. Kaya
napilitan si Aguinaldo na makisukob sa mga sandatahan ni, una, Miguel Malvar ng
Batangas at, sunod, kay Mariano Llanera sa Bulacan at Nueva Ecija, bago tuluyang
nagpasuhol at nagpatapon mula sa Biac-na-bato.
Lalong pumanglaw ang tingin ng tao sa Himagsikan nang bumalik mula Hongkong
si Aguinaldo at itinanghal ang sariling dictador ng Pilipinas sa hayag niya ng
pagkapag-sasarili [independence] nuong Junio 12, 1898. Pulos mga don ang sumaksi
at lumagda sa pahayag, - ang mga don na kumaladkad sa mga tao na magsilbi para
sa mga frayle nang walang bayad, ang mga tumulong magnakaw ng mga lupa at pagaari ng mga katutubo. Sa pahayag ni Aguinaldo walang pangako gaya ng ginawa ni
Bonifacio ng

Pagbuti ng mga tao


Pagbalik ng lupa ng mga magsasaka
Pagbawas ng buwis, at
Pagtigil ng pa-trabaho nang walang bayad.

Kaya wala ring sumapi kay Aguinaldo maliban sa mga alalay ng mga don.

Hindi man alam ng mga Amerkano na mga principales at mga batakan lamang nila
ang 30,000 Pilipinong nakapaligid sa Manila nuong Febrero 4, 1899, madali nilang
natuklasan pagkatapos nilang tastasin ang mga ito sa walang puknat na labanan.
Walang hukbo sa likuran ng mga sandatahan, walang kakampi ang mga kalaban sa
pali-paligid ng Intramuros na madaling nalinis ng mga Amerkano. Pagkatapos, higit
pa ang lakad at takbuhan kaysa sa labanan hanggang masakop nila ang Malolos
nuong Marso 31, 1899. Sumunod na buwan, 4 araw na naglabanan sa Calumpit,
Bulacan, simula nuong Abril 24, 1899. Pagkatalo at pagka-urong ng mga
sandatahang Pilipino, wala na kundi katahimikan. Natuklasan ng mga Amerkano na,
kahit na sa paligid ng Manila, ang dating pugad ng ngitngit ng Katipunan, walang
namuhi sa kanila, walang tumaga sa likod, dumura sa nilakaran, umirap man lamang
o kahit nagsalita nang mataras.
Nakipagkaibigan sa kanila ang mga
pangkaraniwang mamamayan!
Walang paki ang mga timawa kung
wakwakin ng mga Amerkano ang
sandatahan ng mga principales. Ang
tanging naka-antal sa pagsakop ng mga
Amerkano sa Luzon ay ang tag-ulan,
nang nagputik ang mga lansangan at
umapaw ang mga ilog. Nang matapos
ang ulan nuong Octobre 1899,
sinimulan ng mga Amerkano ang
walang patid na pagsakop at hindi mabilang na pagwasak ng takbo nang takbong
hukbo ng mga naghihimagsik, hanggang napilitan si Aguinaldo nuong Noviembre
1899, pagkaraan ng isang buwan lamang, na tuluyang pagpira-pirasuhin ang nalalabi
niyang sandatahan at pagbundoking bilang mga guerrilla na lamang. Nakaabot na sa
Bayambang, Pangasinan, nuon ang pagkaripas niya. Tapos, tumakbo uli si
Aguinaldo at nakatakas lamang nang nakipaghamok hanggang napatay si Gregorio
del Pilar at ang kanyang pangkat sa Lagusang Tirad [Tirad Pass] sa timog ng
Candon, Ilocos Sur, nuong Deciembre 2, 1899.
Sumunod na buwan, nuong Enero 15, 1900, muling nakapuslit si Aguinaldo dahil
lamang sa pakipagbaka ni Manuel Tinio at ng kanyang pangkat ng mga taga-Nueva
Ecija, sa Monte Bimmuaya, Ilocos Sur. Lumusot sa Abra, tuloy sa Cordillera si
Aguinaldo at mula nuon, wala nang sapat na kakampi upang makipagsagupaan pa sa
humahabol na mga Amerkano, na tinutulungan pa ng ilan daang Pilipino sa
pamumuno ni Januario Galut. Sa libu-libong tao na nadaanan ni Aguinaldo, walang
nagtanggol sa kanya. Nagtago na lamang ang maliit na pangkat niya sa gubat-gubat
ng Isabela.
Ayaw na ng tao kay Aguinaldo.

(Ikalabingisang Linggo)
Koboys En Indios
The only good indian is a dead indian.
- Gen. Phil Sheridan, US Army
Shit happens.
- Kasabihan sa California
HINDI lamang sa larangan ng sandata napipilan ang mga Pilipino. Nuong
Deciembre 1900, hindi pa nahuhuli si Aguinaldo, nagsama-sama na ang mga
mestizong Espanyol, napag-iwanan ng mga lumikas na mga Espanyol, upang
puksain ang mga Pilipino sa politica. Nuong Febrero 2,
1901, itinatag nina Trinidad Pardo de Tavera, Pedro
Paterno, Cayetano Arellano at Benito Legarda ang
Partido Federal upang maghikayat na isama na sa
America ang Pilipinas, gaya nang ginawa ng America
sa Hawaii nuong 1898.
Tuwang-tuwa sa kanila si William Howard Taft, ang
politico na pumalit kay General Arthur MacArthur
bilang governador ng Pilipinas nuong 1901. Matapos

niyang iutos nuong Enero 7, 1901 na itapon sa Guam sina Apolinario Mabini,
Artemio Ricarte at iba pang ayaw kumampi sa mga Amerkano, magiliw niyang
ginamit sina Pardo de Tavera, Arellano at Legarda, 'my Brown Americans', upang
ipakita na makakapagtatag ng pamahalaan ang mga Pilipino sa ilalim ng America,
ayon sa tuntunin [policy] ni Pangulo McKinley ng America. Bilang paghahanda,
ginawa ni Taft na lubusang civilian na ang mga tagapamahala sa Pilipinas nuong
Julio 4, 1901, tinanggal sa tungkulin ang mga sundalong Amerkano na
nanunungkulan sa kapuluan. Pagkaraan ng 2 linggo,
itinatatag naman ni Taft ang Philippine
Constabulary upang ipakitang mga Pilipino na ang
magpupulis sa Pilipino.
Ngunit talbog si Taft dahil, hindi
niya napansin, hindi Pilipino ang
turing ng mga tao kina Pardo de
Tavera, Arellano at Legarda.
Maging silang 3, ang turing sa mga
sarili ay Espanyol, hindi Pilipino.
Ang hangarin nga nila, sa kanilang
Partido Federal, ay mamuno ang mga maka-Espanyol at ipagkait sa
mga Pilipino ang kalayaan at pagkakaroon ng sariling pamahalaan. Isa pang hindi
alam o hindi winari ni Taft, ang PC ay panibagong guardia civil lamang, na gaya
nuong panahon ng Espanyol ay walang ginawa kung hindi lumupig sa mga tao. Kaya
hindi agad pinansin ang mga hamuki ni Taft, at nagpatuloy ang tingi-tinging
pakikibaka sa iba't ibang panig ng Pilipinas bagamang wala nang pag-asang manalo,
at iilan-ilan na lamang ang nalalabing lumalaban.
Madaling ibinalik sa pakikibaka sa iba't ibang lalawigan ang mga Philippine Scouts
upang makatulong sa PC at sa hukbong Amerkano dahil sila ang pinakamahusay
tumunton at sumupil sa mga nakikibaka, gaya ni Federico Isabelo Abaya, isa sa
mga nagpatalsik sa mga Espanyol sa Ilocos Sur. Siya ang nagbuo at namuno ng
sandatahang Igorot na kasama-sama ni Antonio Luna sa paglusob sa Caloocan
nuong Febrero 1899. Nag-guerrilla si Abaya at patuloy na nakipagsalpukan sa mga
Amerkano hanggang sa mapatay siya nuong Mayo 3, 1900.
Sa Bohol, bagama't isinuko ang buong pulo sa mga Amerkano ni Bernabe Reyes,
naghimagsik si Pedro Samson dahil hindi maatim na pailalim sa mga Amerkano.
Mahigit 2,000 sandatahan ang naipon niya, may kasamang Waray-waray mula sa
Leyte at Samar, at ilang Ilonggo mula sa Panay. Nuong Marso 10, 1901, isang
pangkat niyang pinamunuan ni Capitan Gregorio Casenas ang natambangan ng mga
Amerkano sa Lonoy, Jagna, Bohol. Walang pinayagang sumuko, pinatay ng mga
Amerkano ang lahat ng 406 Pilipinong kasama sa pangkat sa tinawag na Lonoy
massacre.
Maraming nagalit sa akin dahil sa Pilipinas,' sabi minsan ni Pangulo McKinley ng
America, 'ngunit wala akong sala, hindi ko kagagawan 'yon.' Binaril si McKinley ng

isang sira ang ulo, si Leon Czolgosz, nuong Septiembre 6, 1901, sa Buffalo, New
York, at namatay pagkaraan ng isang linggo. Pinalitan siya ni Theodore Roosevelt,
bayani ng paglusob sa Cuba at naging ika-26th Pangulo ng America. Binitay si
Czolgolz nuong Octobre 29, 1901.
Kamamatay pa lamang ni McKinley nang maraming babae ang nagsimba nuong
gabi ng Septiembre 27, 1901, sa kabayanan ng Balangiga, Samar. May dalang mga
kabaong ang mga matipunong babae na nagkulong sa simbahan. Nang sitahin ng
isang sargento ng 74 sundalong Amerkano ng 9th US Infantry Regiment, na destino
duon, nakita ang bangkay ng isang bata sa loob ng kabaong. 'El Colera!', ang
pahayag ng isang babae, kaya hinayaan
ng sargento. Madaling-araw
kinabukasan, sinamahan ni Pedro
Sanchez, pulis ng Balangiga, ang 80
tagapaglinis ng kabayanan. Sa ika-6:30
ng umaga, inagaw ni Sanchez ang baril
ng bantay na Amerkano at pinukpok sa
ulo. Nagpaputok si Sanchez, at
tumaginting ang kampana ng simbahan.
Sugod mula sa simbahan ang mga
sandatahang Pilipino, ang mga
nagbalatkayong mga babae, hawakhawak ang mga itak na naipuslit sa loob ng mga kabaong. Pinagtataga nila ang 73
sundalong Amerkano na inabutang nag-aalmusal sa kanilang mga tolda [tents]. May
48 ang napatay at 22 ang nasugatan bago nakapagtanggol ang mga Amerkano at
pinagbabaril ang mga Pilipino; mahigit 200 ang nabaril nilang Pilipino bago
nakaurong sa himpilan ng mga Amerkano sa katabing nayon ng Basey.
Ang paglusob sa Balangiga ay pakana ni Pedro Abayan, presidente municipal o
mayor ng Balangiga, sa tulong ng mga tauhan ni Vicente Lukban, pinuno ng mga
naghimagsik sa Samar. Inanyayahan ni Abaya ang mga Amerkano, kunyari upang
ipagtanggol ang kabayanan sa pandarambong ng mga Muslim at mga tulisan.
Bilang ganti, dinurog ang Balangiga ng mga sandatahan ni General Jake Smith, at
ipinag-utos niyang patayin ang lahat ng lalaki sa Samar na may edad na 10 taon o
higit pa. No prisoners! ang habilin niya kay Major Littleton Waller, sunugin at
patayin silang lahat! Sa loob ng 2 linggo, 39 taga-Samar ang pinatay ng pangkat ni
Waller, at mahigit 250 bahay-bahay ang sinunog. Hindi na nabilang ang pinatay ng
iba pang pangkat ng mga Amerkanong pinasugod ni General Smith upang
maghiganti sa Samar. Dahil sa kalupitan, nilitis si General Smith sa America at
pinaalis sa hukbo.
Ngunit lawak ang pagmamalupit sa buong kapuluan. Ginamit ng mga Amerkano ang
mga PC at Philippine Scouts upang pahirapan ang mga tao hanggang ibunyag ang
pinagtataguan ng mga naghimagsik o ng kanilang mga sandata. Marami ring mga
baranggay at kabayanan sa Luzon at Mindanao ang winarak at sinunog, hinakot ang

mga naninirahan sa ibang pook, winarak at sinunog ang mga palayan at babuyan. Sa
ika-3 taon ng digmaan, lumaganap na ang pagkamuhi ng Amerkano sa mga Pilipino.
At ng Pilipino sa mga Amerkano. Gimbal sa kalupitan ng mga kapwa, ilang
sundalong Amerkano ang tumakas at nakitago sa mga Pilipino. Sa Ilocos Sur, naitala
pa ang kanilang mga pangalan, sina William Hyer, John Wagner, Edward
Walpole, Harry Dennis at si John Allance, dahil namarati sila duon kahit na
pagkatapos ng digmaan at nag-alisan na ang mga sundalong Amerkano. Nag-asawa
at nagpamilya na sila sa Ilocos at Manila.
Ngunit hindi lamang mga Amerkano ang nagmalupit sa mga Pilipino. Pati na ang
mga namundok na
sandatahang Pilipino ay
nagparusa sa mga
mamamayang ayaw tumulong
lumaban sa mga Amerikano.
Binitay ng mga Amerkano sa
Ilocos Sur si Francisco
Celedonio nuong Agosto 30,
1901, bilang isang kriminal
dahil sa pagpatay niya kina Basilio Noriega Sison, presidente municipal o mayor ng
Cabugao, at ang kanyang manugang, si Benigno Sison y Suller, dahil sa pagkampi
ng mga ito sa mga Amerkano.
Ipinadukot at pinapatay din ni Miguel Malvar, pinuno ng mga namundok sa
Batangas at Tayabas, ang sinumang kumampi sa mga Amerkano, o sinumang ayaw
tumulong sa mga naghihimagsik. Inihayag niya nuong Julio 31, 1901, 4 buwan
matapos kumampi si Aguinaldo sa mga Amerkano, na siya na, si Malvar, ang
panibagong supremo ng Katipunan. Ngunit hapo na ang mga Pilipino sa kalupitan
mula sa magkabilang panig. At unti-unti nang naaakit ang marami sa anyaya ng
Amerkano na magtayo ang mga tao ng sarili nilang pamahalaan. Si Malvar man ay
umamin ng pagkatalo at walang isang taon mula ng pahayag niya nang pagiging
supremo, sumuko siya sa mga Amerkano nuong Abril 16, 1902. Sumuko na rin si
Arcadio Maxilom sa Cebu nuong Octobre 1901. Sa Bohol, sumuko naman si Pedro
Samson nuong Pasko ng 1901. Nang madakip si Vicente Lukban sa Samar nuong
Pebrero 27, 1902, wala nang naiwang namumundok pa maliban sa mga tulisan at
mga mandarambong, na sinarili nang puksain ng PC.
Kaya naihayag ni President Roosevelt ng America nuong Julio 4, 1902, ang
katapusan ng digmaan sa Pilipinas. Hinayag din niya ang kapatawaran [amnesty] sa
lahat ng sumuko at namuhay nang mapayapa. Umabot sa 125,000 sundalong
Amerkano ang napalaban sa halos 4 taong digmaan, mahigit 4,200 ang napatay,
kulang-kulang 3,400 ang sugatan. Mahigit 600 milyong dolyar ang nagastos ng
America sa pagsakop sa kapuluang binili ng 20 milyon dolyar lamang mula sa
Espanya nuong 1898. Sa mga Pilipino, mahigit 34,000 ang napaslang na sandatahan
at halos 200,000 ang nasalantang mamamayan sa labanan, gutom o sakit na umiral
dahil sa digmaan. Marami ang namatay sa cholera na lumaganap nuong 1901 ]

hanggang 1903; kabilang dito si Apolinario Mabini sa Nagtahan, nuong Mayo 13,
1903.
Nuong Mayo 1902, sinimulan ng mga Amerkano ang
puspusang paglupig sa mga Muslim sa Mindanao dahil sa
mga galaw ng mga ito ng pagkalas mula sa Pilipinas at
malamang, sa takot ng mga Amerkano, pagsapi sa mga
British na sumasakop sa Malaysia nuon. Libu-libong
Pilipino scouts ang kasama ng hukbong Amerkano na
sumugod sa mga kuta ng mga Muslim sa Binadayan at
Pandapatan sa Lanao. Sa mga sumunod na buwan,
lumawak ang sagupaan sa Mindanao.
Maligayang bati! sulat ni Andrew Carnegie, makapangyarihang millionario sa
America at isa sa mga tutol sa pagsakop sa Pilipinas, matapos ibalita ni Pangulo
Roosevelt ang katapusan ng digmaan sa Pilipinas, sa pagtatapos ng pag-sibilisa sa
mga Pilipino. Nasabing may 8,000 sa kanila ang ginawang lubusang sibilisado at
ipinadala sa kabilang-buhay!

Isang Bayan, Isang Wika: English


Sukdulang lupigin natin sila nang agad matapos ang digmaan,
at maging kaibigan natin silang muli
- General Ulysses S. Grant, nuong US Civil War, 1860 - 1864
NAGPAPANIBAGONG buhay o lagalag, nagka-catechismo
o naghahanap-buhay, anumang tangka, 540 Amerikanong guro
at ang kanilang mga pamilya ang naglayag mula San
Francisco, California, upang magturo sa Pilipinas. Nagkusa
sila sa Civil Service Commission [sangunian ng kawanihang bayan] at sumakay sa
barkong panghakot ng sandatahan Amerikano [US Army transport], pinangalanang
Thomas, dating panglikas ng baka na tinawag na Minnewaska. Sila ang pumalit sa
mga sundalong umuwi na sa America.
Nauna sa kanila ang 46 Amerikanong sakay sa barkong
Sheridan ngunit sila ang pinamalaking pangkat nang
dumaong sila sa Manila nuong Agosto 23, 1901,
pagkatapos ng isang buwang paglalakbay, at madali
silang binansagang Thomasites, ang mga taga-Thomas.
Pagkaraan ng isang taon, humigit sa 1,000 ang mga
Amerikanong nagtuturo sa iba't ibang lalawigan ng
Pilipinas. At nagpapakasakit. Hindi nag-2 taon, 27 Thomasites ang namatay sa sakit

o pinaslang ng mga tulisan. Ang bayad pa sa kanila ay pesos ng Mexico, na nuon ay


laging bumababa ang halaga. Dahil sa layo sa Manila, madalas huli ang kanilang
sahod, wala silang makuhang gamit.
Naidadaos nila sa tulong ng mga tagaruon. Kapag walang paaralan, inaanyayahan
silang magturo sa mga munisipyo. Binibigyan at pinauutang sila ng pagkain ng mga
tindahan at ng mga nagkakalakal. Pati ang mga bayad sa multa at iba pang kita ng
nayon o ng kabayanan ay ibinigay sa kanila upang gamitin sa paaralan. May mga
kumalaban din sa kanila: Ang mga pari na naghihinala na nagtuturo sila ng pagsamba
ng Protestante. Ang mga dating guro rin ay maktol sa kakaibang gawi ng pagtuturo.
Nuong panahon ng Espanyol, nagbabasa ng malakas at sabay-sabay ang mga bata,
hindi inuunawa ang binabasa, sadyang kinakabesa na lamang. Ang mga Thomasites
ang nagturo sa mga Pilipino kung paano mag-aral - magbasa ng tahimik at
pagkatapos, isalaysay sa isa't isa ang nabasa [recitation] at pag-usapan ang paksa
[discussion]. Ang pag-unawa ay higit na mahalaga kaysa pag-memoria. Ito
hanggang ngayon ang turo sa mga bata sa paaralan.
Sila ang nagturo sa mga Pilipino na igalang na muli ang pagbabatak ng buto,
pagkatapos ng mahigit 300 taon paglibak ng mga Espanyol sa pagpapatulo ng pawis,
nang isama nila sa pag-aaral ang pagtanim sa bakuran [gardening]. Sila ang
nagsimulang magbuklod sa iba't ibang pangkat nang gawin nilang iisa, English, ang
wika sa paaralan. May isang munting salaysay: Nang ipakita ng gurong Thomasite
ang larawan ng isang kalabaw, magkakaibang pangalan ang isinagot ng mga bata,
mga galing sa Pangasinan, sa Ilocos, sa Pampanga at sa Benguet. Kaya ang itinuro
ng guro ay iisa lamang ang pangalan nito - KERebaw [carabao, ang dinig at bigkas
ng Amerikano sa 'kalabaw']. At sa kanilang pagtuturo, sa kanilang pakikitungo sa
tao, mula sa kanilang kuru-kuro, natutunan ng Pilipino kung ano ang maging malaya,
kung paano mag-isip, magsalita at maging mamamayan.
Ang pinamalaking nagawa nila ay simulan ang pagtuturo sa mga Pilipino na maging
guro rin. Pagkaraan ng 12 taon, nuong 1913, mahigit 7 libong Pilipino na ang naging
guro, kulang pa sa 700 ang mga natitirang Amerikanong guro. Pagkaraan ng 10 taon
pa, mahigit 300 na lamang ang mga Amerikano, at mahigit 24,000 ang gurong
Pilipino. At nuon ding 1923, mahigit 6,000 na ang mga paaralang may hardin ng
halaman at gulay. Nuong panahon ng Espanyol, wala.
Sila at ang itinayong Normal School, paaralan ng mga magiging guro sa mga
mababang paaralan [elementary schools], ang nagbago sa
Pilipinas, mula sa pagiging isa sa pinakabobong bayan.
Mahigit 300 taon, ayaw turuan ng mga Espanyol maliban
sa pagbasa ng dasal at buhay ng mga santo. Ngayon,
pagkaraan ng mahigit 3 anakan-anakan [generations], ang
Pilipinas ay isa sa mga may pinakamaraming marunong
bumasa at sumulat, 9 sa bawat 10 tao, sa buong daigdig.
At 3 sa bawat 5 Pilipino ay marunong ng English.

Ngunit sa Manila nuong 1902, mga Amerkano lamang ang marunong mag-English,
pulos Espanyol pa ang wika ng mga principalia na nagsimulang dumanak sa
lungsod upang mag-politica - wala nang ibang landas na matatahak upang maging
malaya sapagkat lubusang supil na ang sandatahang Pilipino. Kinalampag nila si
governador William Taft na payagan silang magtatag ng Partido Independencia
ngunit panay ang tanggi nito dahil sa salitang 'independencia'. Nuong 1902, ipinasa
ng batasan ng America [United States Congress] ang Philippine Organic Act na

Nagbigay sa mga Pilipino ng mga karapatang nakatakda sa Bill of Rights at


tinatamasa ng mga Amerkano
Nagtatag ng Philippine Assembly na bubuoin ng mga kinatawang ihahalal
sa Hulyo 1907
Inalis ang simbahan mula sa pamahalaan

Dahil sa napipintong kauna-unahang halalan sa Pilipinas, pumayag na rin si Taft


nuong 1902 na magtatag ng sapian ang mga Pilipinong makabayan, kung aalisin ang
'kalayaan' sa pangalan at adhika, ngunit ang mga Pilipino naman ang tumanggi.
Kaya nasarili ng Partido Federal ang politica sa Manila, at nagsimulang maniwala
sina Pardo de Tavera, Arellano at Legarda na sikat sila. Nagkaroon ng pagkakataon
ang mga Pilipino nang nahirang na kalihim ng digmaan ng America [US Secretary of
War] si Taft at lumisan ito nuong Enero 1904. Upang makalusot kay Luke Wright,
ang pumalit na governador ng Pilipinas, binago ng mga maka-kalayaan ang pangalan
ng kanilang sapian, naging Partido Nacionalista
[Nationalist Party] nang iharap nila sa Philippine
Commission upang makamit ang kinakailangang
pagsang-ayon nito. Tinangkilik pa rin nila ang
mga adhikang 'kalayaan sa pinakamadaling
panahon' at 'pang-sarili at makapag-isang
pamahalaan ng Pilipinas'. Napayagan silang
itatag ang Partido Nacionalista nuong 1906,
tamang-tama at nagkaroon sila ng isang taon
upang kumampanya para sa halalan nuong 1907
ng mga magiging kinatawan sa kauna-unahang
Philippine Assembly.
Karumal-dumal ang pagkatalo ng Partido Federal nina Pardo de Tavera, Arellano at
Legarda, tinabunan sila ng mga kandidato ng Partido Nacionalista. Kaya pulos
Pilipino ang mga kinatawang nagpulong nuong Octobre 16, 1907, nang buksan ang
Philippine Assembly upang sumulat ng mga batas sa Pilipinas. Isa sa mga saksi sa
pagbubukas si William Taft, kalihim ng digmaan ng America, nagbalik upang
makita ang pagbubuo ng Assembly. Binago ng mga talunang Pardo de Tavera,
Arellano at Legarda ang kanilang Partido Federal, ginawang Partido Progressivo
Nacional [Progressive National Party]. Ginawa ring kalayaan na at hindi pagsama sa
America ang kanilang kampanya, ngunit tabingi pa rin. Kaya nakipagsanib sila sa
Partido Democrata Nacional [National Democratic Party] nuong 1917 upang

maging Democratic Party of the Philippines. Tinalo pa rin ng mga Nacionalista sa


halalan.
Nuong 1916, inilabas ng batasan ng America [US
Congress] ang batas na tinawag na Jones Law na
nangakong bibigyan ng kalayaan ang Pilipinas kapag
nakapagtatag ang mga Pilipino ng matibay at
mapayapang pamahalaan. Nagkatotoo rin, sa wakas,
ang mga adhika ni Apolinario Mabini, 13 taon
pagkaraan ng kanyang kamatayan. Ipinayo niya nuong
pang 1902 sa lahat ng nais makinig, at sa mga
Amerkano na pulos ayaw makinig, na lubusang
kalayaan lamang ang tatanggapin ng mga Pilipino, at
lubusang kalayaan lamang ang mapapairal ng mga
Amerkano dahil ito ang tanging karanasan nila. Ipinayo rin ni Mabini sa mga pinuno
ng mga Pilipino na makipagkasundo sa mga Amerkano at tumulong sa pamamahala
ng kapuluan sapagkat sa ganitong paraan lamang makakamit ang kalayaan ng bayan.
'Hell Run By Filipinos'
Nanaisin ko pa sa infierno na palakad ng Pilipino kaysa sa langit sa ilalim ng
Amerkano!
-- Manuel Luis Quezon
IKINULONG si Manuel Quezon dahil sa pagpatay sa sumukong
sundalong Amerkano nuong digmaan ng Pilipino laban sa
pagsakop ng America. Laban si Quezon sa Katipunan, hindi niya
pinansin ang Himagsikan nuong 1896 at nagpatuloy sa pag-aaral
ng abogasya. Ngunit tumigil siya at sumanib sa hukbong Pilipino
nuong 1899 upang labanan ang pagsakop ng mga Amerkano.
Mapusok si Quezon, anak ng mestizong Espanyol na dating
sundalo ng sandatahang Espanyol, si Lucio Quezon, at ng
mestiza ring Maria Dolores Molina ng Baler, Tayabas [lalawigan
ng Quezon ngayon]. Gaya ng libu-libong sandatahang Pilipino,
nahuli si Quezon ng mga Amerkano at napiit sa paratang na
pagpatay. Pagkaraan ng 6 buwan, pinawalan din siya dahil sa
kawalan ng sapat na katibayan laban sa kanya, at nagbalik si Quezon sa Universidad
de Santo Tomas at nagtapos, naging abogado. Naging fiscal sa Mindoro, bago naging
governador sa Tayabas nuong 1905.
Naging governador din ang ka-eskuwela ni Quezon sa paaralan ng
abogasya sa UST, si Sergio Osmena, sa lalawigan ng Cebu
pagkatapos nilang magtapos magkasabay nuong 1903.
Magkasabay din silang tumigil sa pag-aaral at sumapi sa hukbong
Pilipino upang labanan ang mga Amerkano. Hindi rin sumapi si

Osmena sa Katipunan at nagtayo na lamang ng pahayagan, ang El Nuevo Dia [The


New Day, o Ang Bagong Araw], sa paniwalang mapagbubuti ang bayan sa
mapayapang paraan, gaya ng paniwala ni Jose Rizal. Bagaman at sumama siya sa
paglaban sa Amerkano, labag sa kalooban ni Osmena ang gumamit ng dahas kaya
naging mensahero na lamang siya sa himpilan ni Emilio Aguinaldo.
Halos magkasing-edad sila ni Quezon, bata lamang ng isang buwan si Osmena nang
ipanganak nuong Septiembre 9, 1878, sa Cebu sa mestizong pamilya rin. Naging
magkaibigan silang dalawa at, dahil kapwa mahilig sa umaalsang politica nuon,
naging matalik na magkakampi. Si Osmena, katulong si Quezon, ang nagtatag ng
Partido Nacionalista nuong 1906, at nagbuklod sa mga principalia na nagsusumigi
nuong magkatungkulan sa pamahalaang binubuo sa ilalim ng mga Amerkano. Kapwa
rin silang nahalal sa Philippine Assembly nuong 1907 at dahil sa pumumuno nila sa
Partido Nacionalista ay naging makapangyarihan duon. Naging sugo ng Pilipinas sa
America si Quezon bilang resident commissioner mula nuong 1909, habang pinuno
naman si Osmena ng Partido.
Nuong 1904, nagsisimula pa lamang sina Quezon at Osmena sa pagiging abogado
nang makilala nila ang batang tenyente, si Douglas MacArthur, anak ni General
Arthur MacArthur, dating governador ng Pilipinas. Katatapos din ni MacArthur
nuon sa West Point at kadi-destino pa lamang sa Pilipinas nang magkita sila sa US
Army-Navy Club at nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigang matalik sa
tanang buhay nilang tatlo, pagkakaibigan nakapaghugis ng kasaysayan ng Pilipinas
sapagkat hindi nagtagal, silang 3 ay naging pinuno ng bayan nang mahirang si
MacArthur na pinuno ng Philippine Department ng sandatahan ng America.
Nagtagumpay ang 7 taong kampanya ni Quezon sa Washington DC nang ipasa ng
batasan ng America [US Congress] ang Jones Law nuong 1916, na nagtatag ng
Senado ng Pilipinas upang palitan ang Philippine Commission bilang pangunang
bahagi ng Batasang Pilipinas [Philippine Congress] samantalang ang Philippine
Assembly ang naging pang-2 bahagi ng Batasang Pilipinas, sa bagong pangalang
House of Representatives [Pulungan ng mga Kinatawan]. Mabilis na nagbalik si
Quezon at nahalal na senador, at nahirang na pinuno ng Senado habang si Osmena
ang naging pinuno naman ng House of Representatives bilang Speaker, hanggang
siya man ay nahalal na senador nuong 1922.
Sa wakas, nagbunga ang pag-amuki ng mga Pilipino
nang ipasa ng US Congress nuong 1934 ang Tydings
McDuffie Act, nagbigay ng kalayaan sa Pilipinas sa
loob ng 10 taon, at bilang paghanda, nagtatag ng
pamahalaang Commonwealth. Nanalo sa halalan
nuong 1935 ang magkatuwang na Quezon at
Osmena, tinalo sina Emilio Aguinaldo at Gregorio
Aglipay. Naging unang pangulo ng Commonwealth si
Quezon at Pangalawa [vice president] si Osmena.
Nuong 1929, hiniling nilang 2 sa Washington DC na

maging governador ng Pilipinas ang kaibigan nilang Douglas MacArthur, kapalit ni


Henry Stimson na pabalik na sa America, ngunit sa halip, ginawang pinuno ng
Hukbong America [US Army chief of staff] si MacArthur nuong 1930. Nang
matapos siya ng tungkulin nuong 1935, hinirang siya nina Quezon at Osmena upang
bumuo ng sandatahan ng Pilipinas [Philippine armed forces] sa harap ng lumalaking
panganib ng digmaan laban sa Hapon. Silang 3 magkaibigan muli ang namuno sa
Pilipinas mula nuon, maliban sa pagka-asaran nila nuong 1938 nang natanto ni
Quezon na walang sapat na panahon si MacArthur upang makapagbuo ng hukbo.
Lihim siyang tumalilis sa Tokyo, Japan, upang makiusap na huwag isangkot ang
Pilipinas sa darating na sagupaan ng Japan at America. Hindi siya pinansin ng mga
Hapon at, pagbalik sa Manila, nakipagkasundo muli kina MacArthur at Osmena
upang madaliin ang pagbuo ng sandatahan. Ang America man ay nakadama ng
papalapit na paglusob ng Japan, at ibinalik sa tungkulin si MacArthur bilang puno
ng USAFFE [US Armed Forces Far East] nuong 1941. Iyong taon din, hahalal muli
sina Quezon at Osmena bilang pangulo at pangalawa ng Commonwealth, at silang 3
ang nag-abang sa pagdating ng mga kaaway.

(Ikalabintatlong Linggo)
Saling-Pusa: Panahon Ng Hapon
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
- awit makabayan, Bayan Ko
Nais kong malaman ng lahat, kapag natagpuan ang iyong
bangkay, na ipinaglaban mo ang aking bayan
- Manuel Quezon, nang ibigay ang singsing kay General Douglas MacArthur bago
pumunta sa America mula Corregidor
MATAGAL inabangan, ngunit napakagimbal din nang walang babalang lumusob
ang mga Hapon sa Pilipinas nuong Deciembre 8, 1941. Binomba at sinalanta ang
mga eroplanong pandigma sa Clark air base sa Pampanga; lumusong ang mga
sundalo, pinamunuan ni General
Masaharu Homma, sa White
Beach sa Lingayen, Pangasinan, at
iba pang pook sa Luzon at sabaysabay tumulak papuntang Manila.
Tangkang duon paurungin, ipitin at
durugin ang mga nagtatanggol,
nang madaling matapos ang

pagsakop sa Pilipinas. Mahigit isang buwan lamang ang itinakda ng mga Hapon
upang sakupin ang Pilipinas.
Sa kahilingan ng pamahalaan ni Manuel Quezon na hindi madurog ang Manila,
hinayo niGeneral Douglas MacArthur ang kanyang sandatahan, 64,000 Filipino at
16,000 Amerkano, sa gubat at bundukin ng Bataan at sa pulo ng Corregidor, higit
na mainam pagtanggulan. Duon sinagupa ang
sulong marahas ng bandang 65,000 sundalong
Hapon. Bagaman at nakalamang ang mga
nagtanggol, karamihan sa kanila ay mga baguhan,
mga binatilyong bahagya lamang naturuang
mandigma, kulang pa sila sa mga baril, bala,
pagkain at gamot. Nuong 1936 lamang sinimulan ng
pamahalaan ang hukbong sandatahan ng Pilipinas at
dahan-dahan pa ang ginawang pagbuo, pinilas
lamang ang ilang pangkat mula sa PC [Philippine
Constabulary ] na sanay lamang sa pagsupil sa mga
tagabukid at walang alam sa digmaan, at
dinagdagan ng mga bagong sundalo, na lalong
walang alam sa digmaan.
Ang mga Hapon, sa kabilang dako, ay mga beterano ng mahigit 5 taong matagumpay
na digmaan sa Manchuria at hilagang China.
Isa pang nakapilantod sa mga nagtanggol ay ang maling pakana ng mga Amerkano:
Hahadlangan nila ang mga Hapon nang ilang linggo, sapat na panahon lamang upang
makarating ang tulong na hukbo mula sa America. Ngunit dinurog ng mga Hapon
ang sandatahang dagat ng America sa Pearl Harbor, Hawaii, bago pa nilusob ang
Pilipinas, kaya walang tulong na hukbo o gamit na nakarating sa Bataan o
Corregidor. Walang isang buwan pagkasimula ng digmaan, sinakop ng mga Hapon
ang walang labang Manila nuong Enero
2, 1942. Hinakot at iniligtas sa America
sina Pangulong Quezon, Sergio Osmena,
ang Pangalawa, at ang kanilang mga
pamilya. Si General MacArthur din ay
inutusan ni Franklin Roosevelt, pangulo
ng
America,
na
lumikas sa Australia nuong Marso 11, 1942, upang
pamunuan ang pagtanggol sa Australia at pag-ipon
duon ng sapat na lakas upang balikan at gapiin ang
mga Hapon.
Samantala, ang mga naiwang gutom, sugatan,
maysakit at nanlulumong nagtanggol sa Bataan at

Corregidor, mga lubusang ulilang putok sa buho - "walang ama, walang ina, walang
Uncle Sam" - ay nakipagpalitan ng dugo at buhay sa mga Hapon, ngunit sa kawalang
ng tulong at karagdagang sandata, nadaig din: Ang Bataan nuong Abril 9, at nuong
Mayo 6, 1942, isinuko na rin ang Corregidor ni General Jonathan Wainwright, ang
iniwan ni MacArthur upang mamuno sa Bataan.
Habang lumalaban pa ang mga nasa Corregidor, sinimulan ng mga Hapon nuong
Abril 9, 1942 ang karumaldumal na death march, pinalakad nang 90 kilometro mula
sa Mariveles, Bataan, ang 70,000 sumukong Pilipino at Amerkano hanggang San
Fernando, Pampanga. Duon sila isinakay sa tren hanggang Capas, Tarlac, tapos
naglakad muli nang 13 kilometro hanggang Camp O'Donnell, kung saan sila ipiniit.
Sa tanang lakbay, hindi sila pinakain. Pinaggugulpi, ninakawan, ang mga
humandusay at hindi na nakalakad, binayoneta at binaril, kaya 54,000 lamang ang
nakarating sa Camp O'Donnell, - may 10,000 ang napatay, at bandang 4,000 lamang
ang nakapuslit, sa tulong ng mga taga-nayon na nadaanan, at nagtago sa mga gubat
at bundok. Maraming sundalo, Pilipino at Amerkano, ang tumangging sumuko sa
mga Hapon at nag-guerrilla, nakipagtira-at-taguan sa Kempetai, ang pulis militar
ng Hapon, at sa Makapili, mga Pilipinong kumampi sa mga Hapon, nag-ispiya at
nakipaglaban sa mga guerrilla sa bundok at gubat sa buong Pilipinas. Sa Manila at
ibang mga lungsod, marami ring Pilipino ang nakipag-ayos sa mga mananakop; may
ilan-ilan pang yumaman nuong panahon ng Hapon.
Nuong Oktobre 14, 1943, itinatag ang Republika ng Pilipinas
sa ilalim ng mga Hapon, pinamunuan ni Jose Laurel bilang
Pangulo. Ngunit laking hirap ang dinanas ng mga tao sa
kapangahasan ng mga Hapon, at kinamuhian ng mga tao ang
pamahalaan ni Laurel. Marami ang sumanib sa mga guerrilla at
hindi nagtagal, nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng
radio at paggamit ng mga sugo at ispiya, ang sandatahang
Amerkano sa Australia at mga guerrilla sa iba't ibang sulok ng
kapuluan. Kahit gaanong kanipis ang ugnayan, at walang naitulong laban sa
pagmalupit ng mga Hapon, nakapagpatibay naman ng loob ng mga tao sa pananalig
na magbabalik ang mga Amerkano at magkakaroon ng ginhawa at katahimikan muli
sa Pilipinas.
Ang panahon ng Hapon, 1941-1945, ay mapusok, madugo, malupit at nakakatakot
ngunit napakaikli upang magkaroon ng matagalang bisa o pagbabago sa buhay ng
Pilipino. Lumantad muli sina Emilio Aguinaldo at Artemio Ricarte na hindi
pinansin nuong panahon ng Amerkano, upang tumulong sa pamahalaan ni Laurel.
Iniladlad pa nila ang watawat ng Pilipinas na ipinagbawal ng mga Amerkano. Ngunit
hindi rin sila pinansin ng mga Pilipino na, maliban sa mga collaborators, ay balisa
sa paglaban sa mga Hapon, o paghanap ng makakain, sapagkat hinahamig ng mga
Hapon ang lahat ng palay sa sanpuluan para sa kanilang mga sundalo, sa tulong ni
Manuel Roxas, ang kalihim ng bigasan sa pamahalaan ni Laurel. Ang mga
collaborator lamang na tulad nila ang nagtamasa ng husto nuon. Nagtamasa rin,
ngunit bahagya lamang, ang mga manunulat sa Tagalog na nagsamantala sa

pagbawal ng Hapon sa paggamit ng English. Tinangka nilang palawakin, sa


pagtangkilik ng mga Hapon, ang paggamit ng Tagalog sa mga paaralan at sa mga
kasulatan ng bayan. Ngunit naantal ang kanilang gana nang nagturo ng Niponggo o
wikang Hapon sa mga paaralan.
Wala kahit katiting na napala ang Pilipinas sa panahon ng Hapon maliban sa (1)
pagpatibay ng damdamin ng tao na hiwalay sila sa pamahalaan, at (2) natutong
maging marahas ang mga magsasaka at mga hampas-lupa [farm workers]. Maliban
sa Bataan at Corregidor, sinakop ng mga Hapon ang buong Luzon sa loob lamang
ng isang buwan ng walang pitagang pagpatay, paggahasa, pagnakaw at pagwasak sa
bawat madaanan. Namundok o nagtago sa gubat-gubat ang mga hamak, takbuhan sa
Manila at mga lungsod ang mga mayaman. Ngunit sa patuloy na karahasan at
pagsakop ng mga dayuhan, napilitan silang lahat na mag-iba ng tangka. Marami sa
mga mayaman, mga taga-lungsod at mga educado ay sumanib at sumipsip sa mga
Hapon, naging mga collaborator.
Ang mga hampas-lupa ay lumaban.
Nang pumasok ang mga Hapon nuong Deciembre 1941, namundok ang maliit na
pangkat ng mga komunista, pinamunuan ni Crisanto Evangelista ng PKP o Partido
Komunista ng Pilipinas, at nanawagan sa mga tao na tulungan silang sugpuin ang
mga dayuhan. Sa bundok ng Arayat at putikan [swamp] ng katabing Candaba,
bumuo sila ng mga guerilla mula sa mga namundok ding mamamayan. Upang
magkasandata, ninakawan nila ang mga munisipyo at mga hacienda, tinambangan
nila ang mga pulis at PC [Philippine Constabulary], pati maliliit na pangkat ng mga
sumusugod na sundalong Hapon. Nabantog ang mga komunista at tiningala ng mga
tao bilang kaisa-isang tagapagtanggol laban sa mga Hapon, dahil ang hukbong
Amerkano at Pilipino ay napako nuon sa Bataan at Corregidor. Ngunit pagkaraan
lamang ng isang buwan, nuong Enero 1942, nahuli si Evangelista ng mga Hapon at,
nang tumangging maging collaborator, pinatay siya.
Nuong Marso 29, 1942, sa gubat sa paanan ng bundok Arayat, sa gilid ng mga
lalawigang Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac, nagbuklod ang mga komunista at
ang higit na maraming mga socialista upang buoin ang Hukbalahap o Hukbong
Bayan Laban sa Hapon at hinirang si Luis Taruc, pinuno mula sa San Luis,
Pampanga, bilang supremo. Mula sa 500 sandatahan lamang, dumami ang mga
sumapi sa kanila, sa sariling kusa o sapilitan, at dumami ang mga sandata mula sa
mga napulot sa mga pinagdaanan ng labanan ng mga hukbong Amerkano at Hapon,
o kinamkam sa patuloy na pagtambang sa mga pulis at PC na kumampi na sa mga
Hapon. Sa simula, natanggol lamang sila sa mga sarili, ngunit hindi nagtagal, naging
hukbo silang lawak sa buong Luzon; nakapagtatag pa sila ng sariling pamahalaan sa
ilang purok na napalaya nila.
Hintay muna: Ang pulis at ang PC ay kumampi sa mga Hapon? Hindi ba sila
lumaban man lang?

Maliban sa ilang namundok at sumapi sa Hukbalahap, taimtim na sumunod ang mga


pulis at PC sa lahat ng utos ng Hapon, mula pa nuong unang pasok ng Hapon.
Walang natala na lumaban sila kahit minsan. Hindi lamang sila, pati na ang mga
bantay o civilian guards [hawig ang gawi sa mga guardia civil nuong panahon ng
Espanyol, kaya lamang hindi pamahalaan ang nagpasuweldo] na inarkila ng mga
haciendero upang magmanman sa kanilang mga lupain ay kumampi sa Hapon.
Mayroon ding mga karaniwang mamamayan na, sa anumang dahilan, ay pumanig sa
mga dayuhan at tinaguriang mga Makapili. Tulung-tulong silang lahat sa pagtiktik at
pagpuksa sa mga Huk at mga guerrilla.
Nuong Septiyembre 1942, sumugod ang hukbong Hapon sa bundok Arayat upang
puksain ang mga Huk, ngunit ilan lamang ang napatay, at binaling ng mga Hapon
ang galit sa malupit na pag-usig ng mga mamamayan ng Luzon. Lalong dumami ang
namundok at sumapi sa Huk, at pagkaraan lamang ng 2 buwan, umabot ng 5,000 ang
mga sandatahang Huk. Sinimulan muli nilang lusubin ang mga garrison ng PC at
mga Hapon upang nakawin ang mga sandata, gamit at pagkain. Maraming naakit sa
kanilang tapang at dahas, at nadoble ang mga kasapi nilang namundok , umabot ng
10,000 nuong Marso 1943. Nuong buwang iyon lumusob uli ang mga Hapon, - 5,000
sundalo, pulis, PC at Makapili - sa 1,500 Huk sa hilaga ng Pampanga. Sa 10 araw
na madugong labanan, 100 Huk at ilang mataas na pinuno ang napipilan at nahuli ng
mga Hapon, ngunit karamihan ay nakatalilis. Lalong lumaganap ang pagtangkilik ng
mga tao at lumawak ang mga lupaing hinawakan o pinamahalaan ng mga Huk sa
Luzon. Nakapagtayo pa sila ng Stalin University sa mga bundok ng Sierra Madre.
Ang mga "guro" ay ang mga komunistang sundalo mula sa China, mga beterano sa
paglaban sa mga Hapon.
Hintay muna uli: Bakit hindi lumaban ang mga mayaman? Bakit sila nagcollaborator? Bakit hindi sila pinahirapan ng mga Hapon?
Maagang nagkaunawaan at nagtulungan ang mga Hapon at mga collaborator.
Nakitungo ang mga Pilipino, ipinagamit pa ang mga pangasiwaan ng pamahalaan
upang mabilis na masakop at mabisang mapamahalaan ang Pilipinas. Kaya kaunti
lamang na Hapon ang nahimpil sa Pilipinas, maliban sa mga lumaban sa Huk at mga
guerrilla. Ang karamihan ng mga sundalo ay nagpatuloy makibaka sa mga Amerkano
at mga Australyano sa bandang Australia at sa maraming pulo sa dagat silangan
[Pacific Ocean]. Bilang kapalit, hindi naman sinansala ng mga Hapon ang mga
collaborator, binigyan pa ng kaunting kapangyarihan upang tumulong sa
pamamahala ng kalakal at pagsingil ng mga buwis. May mga collaborator na
yumaman pa sa kurakot at paglako ng mga kailangan ng Hapon.
Hintay muna pa: Bakit hindi tumulad sa kanila ang mga tagabukid at
nakitungo na rin sa mga Hapon?
Kung tutuusin, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkakataon. Kinailangang dumaklot
ng mga kailangan ang mga Hapon, gaya ng palay na pagkain ng milyon-milyong

sundalong nakadestino sa mga bayan at pulong sinakop nila. Kaya hindi nila ginalaw
ang mga bukirin ng mga haciendero upang patuloy na matamnan, at tinulungan
pang bantayan upang hindi manakaw ang mga palay o masira ang mga ani. Hindi
naiwasan na may maghirap dahil sa pagsakop at pagdaklot, at ang mga tagabukid at
mga manggagawa - ang mga pinakawalang kapangyarihan sa buong kapuluan - ang
pinili ng mga Hapon. Kaya ang mga kaawa-awa ay walang nabalingang magtanggol
o maghiganti kundi ang mga tulad nilang sawimpalad na sumanib o tumulong sa mga
Huk at sa mga guerrilla.
Sa 3 mahabang taon, nakipagbaka sila - tinambangan ang mga patrol at mga convoy,
nilusob ang mga himpilan at munisipyo sa mga ilang na kabayanan, dinukot at
pinatay ang mga Makapili at sinumang collaborator na natiktikan nila. Sa hinaba
ng panahon, naging bihasa sila at makapangyarihang hukbo. Sa ilang pook sa mga
bundok at gubat ng Luzon at Visayas na lubusang "napalaya" nila, naalis ang lahat
ng sundalong Hapon, PC at mga collaborator, at ang mga Huk ang naging
pamahalaan.
Hintay muna na naman: Ano naman ang nangyari sa mga guerrilla? Hindi ba
sila ang mahigpit na katunggali ng mga Hapon?
Maraming pangkat ng mga Pilipino at Amerkano,
nakatakas sa Bataan, Corregidor at iba pang pulupulo ang lumaban bilang guerrilla. Ngunit
bandang 1943, sa utos ni General MacArthur,
tumahimik sila at nag-imbak ng lakas at gamit. Sa
pagtanggol na lamang sa sarili sila lumaban sa
mga Hapon. Nangyari na mga Huk lamang ang
lumusob sa mga Hapon. Pagkaraan lamang ng
mahigit isang taon, nuong 1944, nang malapit
nang bumalik ang mga Amerkano, sa utos uli ni
MacArthur, muli silang sumabak upang mabawasan ang mga Hapon sa Pilipinas.
Iyon man ay paunti-unti lamang. Nabunyag pagkatapos ng digmaan na daigkaramihan sa mga guerrilla ang nagbansag sa mga sariling USAFFE [US Armed
Forces Far East] kahit hindi tunay, at mga sundalong kanin lamang. Nilibak sila
nang husto ng mga tao nuon. Panay kasi ang hakot ng bigas at pagkain mula sa mga
tagabukid ngunit ayaw lumaban o sumalungat sa pagmalupit ng mga Hapon. Naging
kasabihan na kapag may nawalang kalabaw o baboy na ang mga ito ay na-USAFFE,
o kinuha ng mga tuliSAFFE [pinagduktong na tulisan at USAFFE].
Nais ni MacArthur, nabunyag din pagkatapos ng digmaan,
na maging layunin ng mga guerrilla ang pagtulong lamang sa
pagbalik ng mga Amerkano, at hindi ang pagtanggol sa mga
mamamayang sakop at pinagmalupitan ng mga Hapon. At
ayaw ni MacArthur na maging mga bayani ang mga Huk, na
sa tingin niya ay mga komunista na kailangan pang supilin
pagkatapos ng digmaan. Inilihim niya ito at inutos lamang na

itigil ang paglaban, kaya nangyari pa kung minsan, ang mga guerrilla ang
tumambang at sumalungat sa mga Huk upang mapigil ang paglusob nila sa mga
Hapon.
Hindi alam ng mga Huk ang balak at paniwala ni MacArthur kaya sila, gaya ng
karamihan ng mga mamamayan, ay taimtim na naghintay sa pagbalik ng mga
Amerkano at pagpuksa sa mga malupit na mga Hapon, at sa ipinangakong kalayaan
ng Pilipinas pagkaraan ng digmaan. At ang mga Huk ay umasa na kikilalanin din
ang paghihirap at pagpapakasakit nila sa pakibaka sa mga kaaway. Sa wakas, sa
pagbalik ni MacArthur.

'I Shall Return!'


Iyong pangkat na 'yon, ako ang pinuno nila, kailangang mahabol ko sila, kailangang
malaman ko kung saan sila pupunta, kung ano ang gagawin nila, para
mapangunahan ko sila, maakay ko sila duon!
Humahangos na taga-Paris, nuong French Revolution
What are we in power for?!
Sagot ng isang nanunungkulan sa pamahalaan sa paratang ng graft and corruption
NAGTAYO si Manuel Quezon ng pansamantalang pamahalaan ng Pilipinas sa
America upang hintayin ang muling paglaya ng bayan mula sa pagsakop ng mga
Hapon. Nang mamatay siya sa tuberculosis nuong Agosto 1944, pumalit bilang
Pangulo si Sergio Osmena, ang Pangalawa [vice president] sa naantal na
pamahalaan ng Commonwealth. Kasama si Osmena nang dumaong si General
Douglas MacArthur at sandatahang Amerkano ng dagat silangan [Pacific Ocean ]
nuong Octobre 20, 1944 sa Leyte, upang simulan ang pagpapalayas sa mga Hapon.
Itinatag muli ni Osmena ang pamahalaan ng Pilipinas sa Tacloban, punong lungsod
[capital] ng Leyte nuong Octobre 23, 1944. Inabot nang 3 buwan bago nakarating sa
Luzon ang mga Amerkano, nang lumusong sa San Fabian, Lingayen Gulf,
Pangasinan, nuong Enero 1945 at nakibaka sa mga Hapon papuntang Manila.
Ibinuhos ng mga Hapon ang kanilang poot at kawalang pag-asang makaligtas pabalik
sa Japan sa walang labang mga mamamayan, lalo na sa Manila at mga paligid.
Libu-libong tao ang nasalanta at nadurog halos ang buong lungsod sa madugong
bakbakan sa Manila, na nasakop muli ng mga Amerkano, sa tulong ng mga guerrilla
at mga karaniwang mamamayan, nuong Febrero 1945.
Nakipagsagupaan muli sa Bataan at Corregidor ang mga Amerkano laban sa mga
Hapon ngunit nagkabaligtad ang kanilang katayuan - ang mga Hapon naman ngayon
ang walang pag-asang makatanggap ng tulong at karagdagang sandata mula sa labas.

Tuluyang nagapi ang mga ito nuong katapusan ng Junio, 1945, at ipinahiwatig ni
General MacArthur ang pagkatupad ng kanyang sumpang "Ako ay magbabalik!",
nang ihayag nuong Julio 5, 1945, na napalaya na ang buong Pilipinas. Sa Mindanao
at ilan-ilang pulo, nagpatuloy ang ang bakbakan hanggang sa pagsuko ng Japan
nuong Septiembre 1945.
Mahigit 1 milyon Pilipino ang namatay sa digmaan, kulang-kulang kalahating
milyong Hapon ang napuksa sa Pilipinas, ngunit higit ang tinamasang dalamhati ng
kapuluan. Nang muling magpulong nuong Junio 9, 1945 ang Batasang Bayan
[Philippine Congress] mula nang mahalal nuong 1941, mabibigat ang mga suliraning
namulagat sa mga kinatawan - wasak ang kalakihan ng lungsod, naglaho ang
yaman-bayan [treasury], nagbabakbakan ang kani-kanilang pangkat ng mga
mamamayan at madugo ang panggugulo ng mga naglipanang sandatahan at tulisan.
Danak ang karahasan at sunggaban, nakawan at patayan, paggahasa at pagkawalang
kapwa-tao.
Samantala, nag-aklas ang Hukbalahap. Nang lumusong ang mga sundalong
Amerkano sa Luzon nuong 1945, maraming kabayanan ang dinatnan nilang malaya
na at walang nagtanggol na mga Hapon. Ang sumalubong sa kanila, may paypayan
pa ng mga watawat ng America, tugtog ng mga musiko at matitikas na talumpati, ay
ang mga Huk na, sa maraming kabayanan, ay sumingit lamang matapos umalis ang
mga sundalong Hapon at nagkunwaring sila ang lumaban at nagpalaya ng
kabayanan. Gayun man, ang mga Huk ang tumulong sa pagluwas ng mga Amerkano
papuntang Manila, at pagkatapos, sa pagtunton sa mga pangkat ng mga Hapon na
namundok at nag-guerrilla sa iba't ibang bahagi ng Luzon. Pinuri sila ng mga
Amerkano sa pahayag nuong Deciembre 20, 1945, na malaki ang naitulong ng mga
Huk sa paglaban sa mga Hapon, at maraming sundalong Amerkano ang nailigtas sa
kamatayan dahil sa kanila. Hangad ng mga Huk na kilalanin at gantimpalaan sila ng
America.
Ipinakulong sila ni MacArthur.
Gaya ng mga principales at mayayamang
kaibigan niya, walang tiwala si MacArthur sa
mga Huk at inutusan niya ang mga espiya ng
hukbong Amerkano , ang CIC [US army counter
intelligence corps] at ang pinagbuo muling PC
[Philippine Constabulary] na ibalik sa
kapangyarihan ang mga dating pinuno ng
pamahalaang Commonwealth, kahit na ang mga
ito ang tumulong sa mga Hapon, at paalisin ang
mga tao na inilagay ng mga Huk sa mga
kabayanan ng Gitnaang Luzon, kahit na ang mga
lumaban sa Hapon. Simula nuong pang Enero
1945, pinagdadakip na ng CIC at PC ang mga
pinuno ng Huk sa pagiging subersibo, pati na

ang supremo, si Luis Taruc. Nuong sumunod na buwan, Pebrero 1945, sinimulang
patayin ang maraming Huk. Isa sa pinakamadugong pinaslang ay ang mahigit 100
Huk ng Pangkat 77 na pauwi matapos mag-demo sa Manila. Pagdaan sa Malolos,
Bulacan, hinarang sila ng mga sundalong Pilipino at pinatay sa utos ni Coronel
Adonias Maclang, sa sulsol ng mga Amerkanong pinuno ng CIC duon. Pagkatapos,
hinirang ng mga Amerkano si Maclang na alkalde ng Malolos.
Hintay muna: Tapos na ang digmaan, bakit aklas pa nang aklas, hindi na lang
tumahimik at naghanap-buhay ang mga Huk?
Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon. Pagkatalo ng mga Hapon, nagbalikan ang mga
maylupa (landowners) at humingi ng bayad-upa mula sa mga magsasaka para sa 3
taong sakop ng Hapon ang Pilipinas. Hiningi rin ang bahagi nila sa ani nuong 3
taong nakaraan. Gaya ng dapat asahan, walang naibayad ang mga hampas-lupa
[tillers of the earth] na naghirap din at nagutom pa dahil sa pagdakma ng mga palay
ng mga Hapon [at ng mga guerrilla at mga Huk na rin] nuong digmaan. Ngayon,
niligalig at pinahirapan sila ng mga security guards, pulis at PC na binayaran at
pinalusob ng mga maylupa. Dahil ibinalik ng mga Amerkano sa pamahalaan at
hukuman ang mga mayaman at maylupa, walang napagkublihan ang mga dukha
kundi ang mga Huk. O sila na mismo ang naging Huk na rin. Hindi gaya nuong
bago nagdigmaan, nagkasandata na ang mga hampas-lupa at marami sa mga guards,
pulis at PC ang napaslang. Sa patuloy na pagligalig ng mga mayaman at maylupa sa
mga magsasaka, maaaring sabihin na sila ang pinakamabisang kakampi ng mga Huk
sa pagpapalawak ng aklasan sa Pilipinas, gaya nang kalupitan ng mga Espanyol ang
nagpasimula at nagpalawak ng Katipunan nuong panahon ni Andres Bonifacio.
Nang kumalampag nuong Septiembre 1945 ang libu-libong hampas-lupa na lumuwas
sa Manila [pati na ang Pangkat 77], pinakawalan sina Taruc. Nilansag nila ang
Hukbalahap at nagbuo ng panibagong kampihan, ang DA o Damayan ng mga
Taong Bayan [Democratic Alliance] upang makipaghalalan bilang kinatawan sa
Batasan [congress] ng unang Republica nuong 1946. Mabilis silang sinapian ng
PKM o Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid [National Peasants Union]
ang dati, at unang samahan ng mga magsasaka sa Nueva Ecija nuong 1924, ang
KPMP o Kapisanang Pambansa ng mga Magbubukid sa Pilipinas [National
Peasants Party], na itinatag muli dahil sa patuloy na pag-usig ng mga may lupa.
Nabaling ang pagdakip at pagpatay sa mga kasapi ng DA-PKM nang nagsimulang
kumampanya ang mga kandidato nuong Deciembre 1945, at lubhang sumidhi
hanggang napilitan si Taruc na tumelegrama nuong Enero 16, 1946 kay Harry
Truman, pangulo ng America, na ipatupad sa CIC at PC ang utos niya [ni Truman]
na gawing mapayapa ang halalan sa Pilipinas.
Nanalo ang 6 kandidato ng DA-PKM sa halalan nuong Abril 1946, kasama si Luis
Taruc, bilang kinatawan sa Batasan ng bagong Republica ng Pilipinas.

(Ikalabingapat na Linggo)
Si Roxas At Ang Mga Collaborators
...Julio 4, 1946, sinimulan ang Republica ng Pilipinas at naging
unang Pangulo si Manuel Roxas. Durog-durog ang Manila...
Napakaraming Pilipino ang walang sapat na pagkain
nuong araw na iyon. Kahindik-hindik ang precio ng bigas
- Robert Aura Smith, Philippine Freedom, 1946-1958,
Columbia University Press, New York, 1958
Nasiwalat ang cancer na kumalat sa bayan. Natunghayan ng mga tao kung paano
ginamit
ang pamahalaan upang magpayaman...ang
pagmamalabis ng mga kamag-anak at iba't
ibang anomalia, ang pagkagutom at
kawalang-wala ng mga tao...
Julio 4, 1946 ay tinalikuran na ng mga
Pilipino bilang araw ng paglaya
- David Joel Steinberg, The Philippines,
A Singular and a Plural Place,
Westview Press, Colorado, 2000
KASAMANG lumaban sa Bataan at
Corregidor si Manuel Roxas nang lumusob sa Pilipinas ang mga Hapon nuong
1942. Tumakas siya nang magwagi ang mga Hapon ngunit
nabihag siya ng mga ito sa Mindanao at, matapos tanggapin
ang alok na maglingkod sa pamahalaan sa ilalim ng Japan,
ibinalik siya sa Manila upang maging Kalihim ng Palay at
Bigas [Minister of Rice] sa pamahalaan ni Jose Laurel sa
ilalim ng mga Hapon nuong 1943-1944. Ang mga tinawag na
collaborators.

Tangi at mahalaga ang tungkulin ni Roxas at naubos ang kanin sa Pilipinas dahil sa
hakot para sa libu-libong sundalong Hapon na patuloy na sumasakop sa mga pulo ng
Timog Silangan nuong mga taon na iyon. Taimtim na nanungkulan si Roxas,
tumulong hindi lamang sa paghakot ng bigas kundi pati sa pagtanggol sa mga
palayan at bodega laban sa mga Huk at mga guerrilla na tumatangay sa bigas o
sumisira sa mga bukirin na pinagkukunan ng mga Hapon. Bagabag si Manuel
Quezon, pangulo ng Commonwealth at ng pansamantalang pamahalaan ng
Pilipinas sa America. Ilang ulit siyang nakiusap sa mga Amerkano na sagipin si
Roxas mula sa Pilipinas kung maaari ngunit walang nagawa, namatay sa tubercolosis
si Quezon nuong Enero 1944 at pinalitan ng kanyang Pangalawa (vice president), si
Sergio Osmena, at patuloy na naglingkod si Roxas sa mga Hapon hanggang
pagbalik ng mga Amerkano at pagpalaya muli sa Pilipinas nuong Octobre 1944
hanggang Marso 1945.
Agad ipinabilanggo ni General Douglas MacArthur sina Laurel, Claro Recto at iba
pang mga collaborator subalit pinalaya niya si Roxas at hinayag na nag-espiya ito
para sa mga Amerkano nuong panahon ng Hapon. Ipinagpilitan niya, sa angal ng
mga guerrilla at mga lumaban sa Hapon, na sa pagligid-ligid ni Roxas sa buong
Pilipinas, nakaniig niya ang iba't ibang pangkat ng mga guerrilla at nakapagpahatid
ng mga palatas sa hukbong Amerkano sa Australia. Pinakawalan din ni MacArthur at
ibinalik sa kanilang tungkulin ang mga dating pinuno ng mga lalawigan at
pamahalaan nuong bago magpanahon ng Hapon. Sa lawak ng paghihirap ng mga tao
at pagkawalang makakain, naging maalab ang salungat ng mga Huk, guerrilla at iba
pang lumaban sa mga Hapon, sa pagbalik ng mga dating pinuno, marami ay
naglingkod at nagpayaman sa ilalim ng mga Hapon. Bagaman at binantayan at
ipinagtanggol ng mga Amerkano ang mga mayaman at 'matataas,' maraming
Makapili at iba pang 'maliliit' na collaborator ang pinarusahan at pinatay sa mga
lalawigan. Lumawak din ang paghihiganti at pagnanakaw sa mga yumaman nuong
digmaan.
Sa hirap at gulo ng panahong tinawag na Liberation, hindi nakatulong ang pagkulo
ng politica nang kumalas ang isang pangkat mula sa Partido Nacionalista
[Nacionalista Party] at hinamon si Osmena sa ngalan ng kanilang bagong Partido
Liberal [Liberal Party]. Nuong Enero 1946, hinirang ng bagong pangkat na
tumakbong pagka-pangulo si Roxas.
Hindi kumampanya si Osmena sa halalan nuong 1946 sa paniwalang alam na ng
lahat kung anu-ano ang nailingkod niya sa bayan. Matanda at mahina na ang
katawan ng 68-anyos na Osmena nuon. Malamang din na maraming nagdamdam
nang lumisan sila ni Quezon at iniwan ang mga tao na walang muwang sa lupit ng
mga Hapon. Kahit ano pa man, natalo si Osmena sa halalan nuong Abril 1946 at si
Roxas ang naging unang pangulo ng Republica nang matuloy ang Pagkapagsasarili ng Pilipinas [Philippine Independence] nuong Julio 4, 1946.
Tumanggi si Roxas na humingi ng tawad, ipagpaumanhin ang kanyang pagiging
collaborator, at lubusang kabaligtaran, tinangkilik niya ang mga kapwang kumampi

[at ang karamihan ng mga yumaman] sa mga Hapon, ginawa niyang tagapamahala
ng mga tulong mula sa America [US foreign aid] at ng bayad-pinsala [war
reparations] mula sa Japan. Ang mga dating collaborator ay nagkamkam at
nagpatuloy ng pagpayaman sa mga sarili. Ginamit din ni Roxas ang kanyang
tungkulin upang salangin ang tangka ng America, sa sulsol ni Harold Ickes, kalihim
panloob [secretary of the interior] ng America, na parusahan ang mga collaborators.
Binawasan ni Roxas at ng kanyang mga kakampi sa pinulong muling Batasan
[Commonwealth Legislature] nuong Agosto 1945 ang mungkahi ni Osmena na
bumuo ng tanging hukuman upang usigin ang mga collaborator. Dahil naging maliit
at dukha ang hukuman, tumagal ang paglitis ng mga nasakdal hanggang, nuong
Enero 1948, pinatawad at pinakawalan silang lahat ni Roxas bilang pangulo sa isang
general amnesty.
Nasupil ni Roxas si Osmena at ang mga Nacionalista at napipilan niya ang mga
mapaghiganting Amerkano ngunit hindi niya napatahimik ang mga hampas-lupa sa
Gitnaang Luzon sa kanilang kalampag laban sa mga collaborator. Nagwagi sa
halalan nuong Abril 1946 si Luis Taruc at 5 pang kasapi sa DA-PKM [Democratic
Alliance-Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid] ngunit, sa utos ni Roxas, ang
bagong halal na pangulo, hindi sila pinapasok sa Batasan nang hirangin ang
Republica nuong Julio 4, 1946. Sa labu-labong sumunod, mahigit 2,000 kasapi ng
DA-PKM ang napatay o 'naglaho' sa Gitnaang Luzon. Hinukay na muli ng mga
hampas-lupa ang mga itinagong sandata sa mga bara-baranggay, ngunit naantal ang
aklasan habang nag-uusap pa ang mga pinuno ng DA-PKM at ang mga sugo ni
Roxas.
Kulang-kulang sa 2 buwan, nuong Agosto 24, 1946,
sumabog ang labanan.
Paluwas sa Manila si Juan Feleo, bayani ng digmaan at
pinuno ng PKM, nuong araw na iyon upang makipagusap sa mga pinuno ng pamahalaan. Kasama niya ang
asawa at 5 kapanalig sa PKM, at hatid-hatid sila [under
escort] ng military police ng hukbong sandatahan
[Philippine Army] nang 'naglaho' sila. Ihinayag ng
naghatid na military police na na-kidnap sila Feleo.
Natagpuan ang kanilang mga bangkay sa ilog ng
Pampanga pagkaraan ng 2 linggo. Pugot ang ulo ni Feleo.
Kalat-kalat ang labanan sa paligid ng bundok ng Arayat at sa malawak na putikan
ng Candaba. Inabot ng isang taon bago napagbuo muli nina Taruc ang mga
sandatahan duon nuong Junio 1847 sa panibagong bansag na HMB o Hukbong
Mapagpalaya ng Bayan [Peoples Liberation Army]. Sampal sa kanyang
pamahalaan bago pa man siya nagsimula, palit-palitang pagkausap at pagsupil ang
tinunton ni Roxas sa pagturing sa mga Huk. Nagtatag siya ng Kinatawan Ng
Pagsasaka [Agrarian Commission] na nagbatas na 7 bahagi ng ani ang laan sa mga
magsasaka at 3 lamang sa may lupa, tulad ng matunog ngunit hindi natupad na

palabas ni Manuel Quezon, pangulo ng Commonwealth nuong bago nagpanahon ng


Hapon. Kontra-mando, hiningi ng mga Huk na ibalik sa Batasan ang mga nanalong
kinatawan ng DA-KPM, at lansagin ang military police at kapatawaran [amnesty] sa
lahat ng Huk. Ayaw din ng mga Huk isuko ang kanilang mga sandata.
Mando, ipinagbawal ni Roxas ang mga Huk bilang mga subersibo at inutos sa
sandatahang bayan [Philippine armed forces] na sugpuin nang puspusan ang mga ito.
Kasalukuyang pumupuksa si Roxas nang atakihin siya sa puso at namatay nuong
Abril 1948.

Si Quirino At Ang Minimum Wage


Sa maraming paratang ng katiwalian ng mga nasa pamahalaan, wala ni isang
nagbahid sa
karangalan o bait ni Quirino. Inamin ng lahat na siya ay mabuting tao, kabutihang
sinamantala ng mga pusakal na nakapaligid sa kanya. Ang gapang ng corruption ay
nagsimula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas,
maliban na lamang kay Quirino.
- Robert Aura Smith, Philippine Freedom 1946-1958,
Columbia University Press, New York, 1958
NAGING Pangulo ng Pilipinas ang kanyang Pangalawa
(vice president), si Elpidio Quirino ng Vigan, Ilocos Sur,
nang mamatay si Manuel Roxas nuong 1948. Tanyag at
iginagalang si Quirino nuon, batikang politico kahit
masasabing may pagka-makaluma (conservative). Kaiba kay Roxas na laging nasa
harapan, nagsisigasig si Quirino sa loob, at kasama, ng kanyang pangkat at mga
kabig. Nakalaban niya si Jose Laurel, ang nagsilbing Pangulo nuong panahon ng
Hapon, sa magulo at madugong halalan nuong Noviembre 1949. Nagwagi si
Quirino, at nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang
tinangkang pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong
kapuluan. Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung
siya ay ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si
Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.
Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y untiunting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang
Mindanao. Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal
niya upang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan. Siya
ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa mga
manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan. Umutang siya ng 200 milyon dolyar

mula sa America upang pundaran ang ACCFA, pautangan ng mga magsasaka,


sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga
tagaroon. Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang
makipagkasundo kay Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran
[amnesty] ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata.
Nagpatuloy ang sagupaan sa Gitnaang Luzon.
Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka ni Quirino,
nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walang
pitagang nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan ni
Roxas. Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas ang bawat pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling
nahahalal dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica. Sa
English, graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan hanggang
ngayon.
Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang pagbigyan
ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga tagabukid
nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas. Ang patayan, mga karahasan
at pandarayang naganap nuong 1949 nang mahalal muling pangulo si Quirino ang
nag-udyok sa maraming magsasaka na tumulong o sumanib sa mga Huk. Biglang
nadagdagan ang 10,000 Huk na nakikipagbaka sa Gitnaang Luzon, kumalat pa sa
hilaga at timog Luzon, maniwaring sa Visayas din - nagkaroon duon ng mga
"komite" upang maghikayat at magturo sa mga nais mag-Huk.
Nang nagpahinga na mula sa politica si Quirino, kinalimutan ang ginawa niyang
pagpaunlad ng buhay ng mga tao; inalaala lamang ang paglaganap ng graft and
corruption sa kanyang pamahalaan. Ang mapagpayapa, kinalimutan ang kanyang
pagbuklod ng mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan; inalaala
lamang ang pag-alsa ng mga Huk sa Luzon. Sa maraming kabutihang ipinamana ni
Quirino sa bayan, isa lamang ang tanging inamin at inaalaala pa hanggang ngayon,
ang paghirang at matapat na pagtangkilik niya, hanggang sa kahuli-hulihan, sa
naging pambato laban sa mga Huk, si Ramon Magsaysay, ang tumalo sa kanya sa
halalan nuong 1953.
Huks: Kangino Ang Lupa?
Tumuhutuhud makaysed a tachi
Malaking ginhawa kapag nakatapos ng dapat gawin
- Sawikaing Ivatan, sa Batanes
Para ano ang kalayaan kung ang mga alipin ngayon ay magiging diktador at
mapag-api bukas?
- Jose Rizal, sa El Filibusterismo

NAMUTLA ang mga taga-Manila, nalimot ang


paratang sa mga collaborator, ang dugo at dahas ng
kararaang halalan, pati ang pagnanakaw ng mga
sugapa sa pamahalaan ay bahagya lamang napansin,
natakpan nang yumanig ang lupa sa yabag ng palapit
nang mga sandatahang sasakop sa Manila.
Sindak: Sumusugod ang mga Huk.
Ang ipinagbawal na PKP o Partido Komunista ng
Pilipinas ay muling lumitaw at naghayag ng,
Himagsikan! Sumumpa silang tutulungan ang mga Huk, ang bubuwag sa
pamahalaan at sasakop sa Pilipinas. Nuong Agosto 26, 1950, magkasabay nilusob ng
daan-daang Huk ang 2 panig ng Luzon. Winasak ng 500 Huk ang Camp
Makabulos sa Tarlac, pinatay ang 23 sundalo, pati ang mga pinuno, pinawalan
ang 17 Huk na nakakulong duon, at sinunog ang buong campo. Nuong araw
ding iyon, 300 Huk naman ang sumakop sa kabayanan ng Santa Cruz, sa
Laguna, pinatay ang 3 pulis, dinambong ang lahat ng nakita bago tumakas sa
mga nakaw na sasakyan ng pamahalaan. Sa Tayabas, tinambangan ni Alexander
Viernes alias Kumander Stalin at 200 Huk ang motorcade ni Aurora Aragon,
biyuda ni Pangulo Manuel Quezon, nuong Abril 1949. Pinatay ang biyuda at
anak na babae. Gimbal ang buong Pilipinas.
Kalakasan ng Huk nuon at walang sundalong nakatalo sa mahigit 15,000
sandatahan at 100,000 kakamping naglipana hindi lamang sa Gitnaang Luzon kundi
pati timog Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Nang nakipag-usap si
Pangulo Elpidio Quirino at nag-alok ng payapa at kapatawaran sa lahat ng Huk,
nagpahele-hele si Luis Taruc, supremo ng Huk, humiling ng mga alam niyang hindi
kayang ibigay ni Quirino, at ginamit ang panahon upang magpalakas at mag-imbak
ng mga gagamitin sa pagsakop sa Manila. Pati sa halalan nuong 1949, kinampihan
ng Huk si Quirino at hinikayat ang mga tao sa Luzon na huwag irapan ang halalan
at ihalal si Quirino. Nanaig sila laban sa mga sangganong nagtangkang pumilit sa
mga taong ihalal si Jose Laurel bilang pangulo. Maliit lamang ang panalo ni
Quirino kaya maaaring sabihin na kung hindi
sa Huk, malamang si Laurel ang naging
pangulo nuong 1950. Ang lakas at dahas na
ipinakita ng mga Huk ang nagdagdag amuki
sa marami na kumampi na sa kanila, bilang
pinakamakapangyarihan pangkat sa bayan.
Tiyak na tiyak na sa tagumpay si Jesus Lava,
punong pampolitica [political commissar] ng
CPP o Communist Party of the Philippines,
itinakda niya ang pagsakop sa Manila sa 1951,
taon maaga kaysa dating balak. Hinikayat niya
si Taruc na papasukin nang unti-unti ang mga

sandatahan sa Manila upang simulan ang paggulo sa pamahalaan at pag-adhika sa


mga taga-Manila, patakarang ayon sa turo ng mga komunista sa Russia. Tumanggi si
Taruc, pinahirati ang mga Huk sa mga lalawigan sa paligid ng lungsod, gaya ng
taktika naman ng mga komunistang Intsik na nanalo sa China nuong 1949. Nuong
Enero 1950, naghiwalay ang CPP at Huk. Mula nuon, sa pinakamatayog na tindig
ng mga Huk, tuluy-tuloy silang bumagsak hanggang nuong Mayo 1954, sumuko na
si Taruc at ikinulong. Bagaman at nalupig ang sandatahan ng Huk, nanatili ang mga
lapastangang cacique at haciendero at muling bubulwak ang ligalig sa Gitnaang
Luzon sa mga darating na taon.
Hintay muna: Bakit biglang-biglang natalo ang mga Huk?
Marami at patung-patong na dahilan, dala ng sunud-sunod at sabay-sabay na mga
pangyayari:

Hindik ang mga tao sa pagpaslang kay Aurora


Quezon nuong Abril 1949. Hindi masukat ang
pinsalang nagawa ng kalapastanganan. Madadahilanan
ang pagpatay sa pulis, PC at mga civilian guard na
nang-api, ngunit walang katwirang patayin ang
magiting at makataong biyuda. Si Taruc mismo ay
napilitang ipagkanulo ang pagtambang, hindi raw niya
alam. Huli na, nawala na ang pagkakataong
makahikayat ng mga kakampi na hindi magsasaka.
Marami ring magsasaka ang nagdalawang loob na, at unti-unting naglaho
ang mga balita at babala ng mga tao na ginagamit ng mga Huk upang
maiwasan ang mga sundalo.
Nadakip si Jesus Lava at mga pinuno ng komunista nuong Oktobre 1950.
Kahit na hiwalay na sa Huk, malaking tulong ang pag-abala at pagsalakay
ng mga komunista sa pamahalaan at mga sundalo. Kahit marami pa sila
nuon, naiwan nang nag-iisa ang mga Huk sa labanan.
Sumabog ang digmaan sa Korea nuong Hunyo 1950, at napaurong ng mga
komunista ang hukbong Amerkano duon sa isang maliit na pirasong lupa.
Sa pagsigasig na huwag masalanta ang hukbo sa Korea, binuhos ng
America ang gamit, sandata at salapi sa pag-usig sa mga komunista sa
Korea at iba pang bayan, pati Pilipinas. Milyon-milyon ang nakamit ng
hukbong Pilipino upang sugpuin ang mga Huk.
Hindi maiging naturuan ng Huk ang mga sandatahan. Marami ang
nagsamantala at nagpahirap sa mga tao. Marami pang nagmistulang
magnanakaw, tulisan at mandarambong. Nuong bandang huli, naging
pangkaraniwang mamamatay tao, magnanakaw at manggagahasa na lamang
ang mga Huk. Nawalan ng saysay, sa tingin ng mga tao, ang pakikibaka
dahil sa kanilang kalabisan. Maraming tao ang bumaligtad nang lubusan at
kumalaban na sa kanila.

Isa sa mga kumalaban ang mga Negrito sa mga gubat ng Zambales at


bundukin ng Sierra Madre, 2 mainam pagtaguan at pagtanggulan, dahil sa
paglibak at pagligalig sa kanila ng mga Huk. Kaya walang natakbuhan
kundi ang bundok ng Arayat at ang putikan ng Candaba nang nagsimulang
mapipilan ang mga Huk ng mga napagbuti at naging bihasang mga sundalo.
Hindi nagtagal, naging mistulang kulungan ang Arayat at Candaba nang
napaligiran ito ng hukbong bayan. At sa loob ng mga kulungan, walang
pahinga ang sapilitang tago at takbo ng mga Huk dahil sa walang tigil na
paglusob ng mga sundalo, hanggang natalo na sila sa pagod at gutom.
Ang dalisay at makataong pakitungo ng pamahalaan ni Quirino. Gayong
hindi nalunasan ang mahapding kasakmalan ng mga may-lupa at mga
mayaman, hindi naman nangimi si Quirino na ibigay ang kaya sa ikabubuti
ng mga hampa-lupa. Isa na rito ang pagtangkilik, sa harap ng ngawa at
balakid ng mga haciendero sa pamahalaan, sa mga makapagbagong
mungkahi ng pambato laban sa Huk.
Ang pambato at daig pinakamabisang pangsupil ng Huk, si Ramon
Magsaysay.

'Magsaysay Is My Guy!'
He who has less in life should have more in law
[Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas ]
- Ramon Magsaysay
Nagpunta ako rito upang patayin ka.
Ngayon, payagan mo sana akong magtrabaho para sa 'yo
- 'Manila Boy' Tomas Santiago, bodyguard ni Luis Taruc,
sumuko matapos ng 1 oras na pagkausap kay Magsaysay
Sa kasaysayan ng Pilipinas, 3 lamang ang dukha na namuno sa bayan. Halos
magkasabay ang 2 nauna: Si Andres Bonifacio, ang
kinitil ng mga taksil, at si Apolinario Mabini, ang
dakilang dininig lamang pagkamatay. Sa sumunod na
labu-labong agawan ng mga Pilipino sa kapangyarihan at
katungkulan sa pamahalaan, may 50 taon ang lumipas
bago nagkaroon muli ng isang pinunong dukha, si Ramon
Magsaysay, ang sumagip sa bayan mula sa digmaan ng
mga magkabayan [civil war], ang 'tao' ng mga tao [man
of the people].
Ipinanganak nuong 1907 kina Exequiel Magsaysay at
Perfecta del Fiero sa Iba, Zambales, sa gilid ng Luzon,
natutunan niya sa ama kung ano ang tunay na matuwid at kung paano maging

marangal. Natanggal ang ama bilang guro sa paaralan nang tumanggi siyang
"ipasang awa" ang anak ng school superintendent. Napilitang lumipat sa kabayanan
ng Castillejas, nagkarpintero at nagpanday na lamang ang ama. Lumaking kasamasama ng mga pawisan, matigas ang panindigan sa isip ni Magsaysay, at ang pagunawa sa mga dukha. Sa paaralan ng mga manggagawa [trade school], Zambales
Academy, nagtapos ng high school, naputol ang pag-aaral niya nuong 1927 sa
University of the Philippines dahil mahina ang katawan, karaniwan sa mga
lumaking mahirap at salat sa pagkain, at 1932 na nang nakapagtapos sa Jose Rizal
College ng pagkakalakal [commerce]. Dahil mahina ang natapos, ang tanging hanapbuhay na nakita niya ay mekaniko sa Try Transportation Bus Company sa Manila,
ngunit ilang taon lamang, siya na ang tagapangasiwa [general manager] duon.
Hanggang lumusob ang mga Hapon.
Nagbitiw siya ng tungkulin at kasama ng Philippine 31st Infantry Division
nakipagbaka sa Bataan at, nang matalo, namundok at sumama sa mga guerrilla ng
USAFFE. Matapang at magiting, nataas siyang capitan, major at pinuno ng 10,000
guerrilla sa buong Zambales - naghayag pa ang mga Hapon ng 100,000 pisong
gantimpala sa sinumang pumatay sa kanya. Sa pagbalik ng mga Amerkano,
itinanghal si Magsaysay na governador ng Zambales ni General Douglas
MacArthur nuong Pebrero 1945.
Ayaw ko, mga mayaman lamang ang tinatangkilik ninyo, ang tanggi ni Magsaysay
sa gulat na Manuel Roxas nang alukin siyang sumapi sa Liberal Party upang
kumandidato bilang kinatawan ng Zambales sa halalan ng Batasang Bayan
[Philippine Congress] ng unang Republika ng Pilipinas nuong 1946. Nahikayat rin
siya nang iharap sa kanya ang amuki, nilagdaan ng 11,000 taga-Zambales, na sa
pamahalaan niya ipaglaban ang kapakanan ng mga hampas-lupa [tillers of the earth].
Nahalal na kinatawan ng Zambales nuong 1946 at 1949, nahirang siya sa Batasan
bilang pinuno ng pulong sa tanggulang bayan [chairman, committee on national
defense] dahil sa karanasan niya nuong digmaan. Nuon niya naipalipat ang PC
[Philippine Constabulary] sa ilalim ng hukbong bayan [Philippine army] upang
maturuan at pamunuan ng mga tunay na sundalo. Nuon din, Abril 1950, nagtungo
siya sa Washington DC, sa America, at matapos kausapin sina General George
Marshall, ang kalihim ng tanggulan [secretary of defense] at Harry Truman,
pangulo ng America, nakautang siya ng 10 milyon dolyar pambayad sa Pilipinas ng
suweldo ng mga sundalo at gantimpala ng mga nagsuplong laban sa Huk.
Ako ang magpapatakbo, walang makikialam! hamon ni Magsaysay kay Pangulo
Elpidio Quirino, na gipit na gipit na sa pagsulong ng mga Huk, at humirang sa
kaniyang kalihim ng tanggulang bayan [secretary of national defense] nuong
Septiyembre 1950. Pagkaraan ng ilang araw lamang, tinanong nang lihim si
Magsaysay ng ilang mataas na pinuno ng hukbo kung kampi siyang itiwalag si
Quirino sa isang kudeyta [coup d'etat]. Bigyan n'yo ko ng 3 buwan, kung wala pa
akong nagawa, bahala na kayo, ang sagot ni Magsaysay, pahiwatig na alam na niya
ang gagawin laban sa mga Huk.

At pahiwatig na may taning siya sa sarili, 3 buwan, upang puksain ang mga Huk.
Puspusan niyang nilinis ang sandatahang bayan [Philippine armed forces]. Unang
araw bilang kalihim ng tanggulan, sinisante niya ang mga pinunong pusakal, ang
mga walang muwang at ang mga bayaran ng mga mayaman, pati ang pinakapuno ng
hukbo [armed forces chief of staff] at ang pinuno ng PC. Pinalayas din ang mga
sundalo at pinunong 'malapit' sa mga Huk, at ang mga alinlangang lumaban. Itinaas
niya bilang pinuno ng hukbo ang mga marunong, ang mga handang kumilos at
lumaban. Ginamit niya ang nautang sa America nuong 1950, umutang uli ng 10
milyon dolyar pa nuong 1951, upang itaas ang sahod ng lahat sa hukbo. Ginawang
piso ang 30 sentimos na arawang suweldo ng karaniwang sundalo, nang matigil ang
gawi ng mga itong magnakaw mula sa mga mamamayan ng pagkain at gamit para sa
mga pamilya.
Sumasabog ang digmaan sa Korea nuong 1950 laban sa mga komunista ni Kim Il
Sung; katatapos lamang magwagi ang mga komunista ni Mao Tse Tung sa China.
Sinamantala ni Magsaysay ang tuntunin ng America na supilin ang mga komunista
sa Asia. Mahigit 240 pinuno ng hukbo ang ipinadala niya sa America upang mag-aral
ng mga makabagong taktika sa pagsusundalo. Kulang-kulang 50 milyon dolyar ang
ibinigay ng America upang makapagbuo 16 bagong batalyon ng mga sundalo, at
nagkaroon si Magsaysay ng sapat na lakas, 26 batalyon, mahigit 8,000 sundalo,
upang makipagpukpukan sa mga Huk. Mahigit 30 eroplano, dose-dosenang tangke at
maraming kanyon, daan-daang sasakyan, libu-libong baril at machine gun at 15
milyong bala ang ipinadala ng America kay Magsaysay simula nuong 1951.
Pagsilbihan n'yo, ipagtanggol n'yo ang mga tao! Pinalikas ni Magsaysay ang mga
sundalo, nagkukubli nuong una sa mga garrison at kampo habang gumagala ang
mga Huk sa buong kapatagan, at pinahalubilo sa mga tao sa mga baranggay at
kabayanan. Hindi lamang laban sa mga Huk, kundi laban din sa mga sangganong at
mga civilian guard na nagmamalupit sa mga tao! ang utos ni Magsaysay sa mga
sundalo. Pinarusahan niya ang mga sundalong palalo sa mga tagabukid. Inutos niya
sa mga abogado ng hukbo na tulungan nang walang bayad ang mga magsasaka sa
hablahan laban sa mga may lupa.
Ginamit ni Magsaysay ang karanasan niya sa 3 taong pagiging guerrilla nuong
panahon ng Hapon, alam niya na ang lakas ng sandatahan ay nasa tulong at
pagtangkilik ng mga tao. Sabihin n'yo sa 'kin kung may magpangahas sa inyo, kung
ayaw kayong tulungan laban sa Huk, tumelagrama kayo, walang bayad, ako na ang
bahala! ang pangako ni Magsaysay sa mga taong nakausap sa araw-araw na
pagtahak at pag-usisa sa mga lalawigan. Sa maraming baranggay, siya ang kaunaunahang pinuno ng pamahalaan na nakarating at kumausap sa mga tao. Marami ang
nagpasalamat sa pagtigil niya ng mga sapilitang evacuation at marahas na
pagkulong ng mga tagabukid sa mga pacification village, sa tangkang ihiwalay at
putulin ang pagtulong ng mga tao sa mga Huk. Mas malupit pa kaysa sa mga
Hapon, ang sumbong kay Magsaysay ng mga tao.

Lumipas ang taning ni Magsaysay. Dati-rati, takbong patakas sa gubat ang mga tao
pagdating ng mga sundalo o PC. Pagkaraan ng 3 buwan, sinasalubong ng mga tao,
pati ng mga bata, at binabati ang mga sundalong dumating. Hindi naganap ang balak
na kudeyta ng mga pinuno ng hukbo.
Sa larangan, binigyan niya ng mga camera ang bawat pangkat ng hukbong
tumutugis sa mga Huk. Lahat ng napuksang Huk ay kinunan ng larawan, natunton
ang wastong bilang ng mga sandatahang Huk. Sa halip ng malalaking batalyon, mga
maliliit na pangkat ng mga sundalo ang pinaligid at pinapasok sa putikan ng
Candaba at bundok ng Arayat, nang walang tigil upang hindi makapagpahinga at
makapag-isip ang mga Huk. Nuong Disyembre 23, 1950, ginawa niyang pinuno ng
PC ang mga pinunong sundalo ng hukbo. Tinuruan ang mga PC at tinuring na mga
sundalo na rin. Ginamit ni Magsaysay ang hukbo upang magtayo ng mga paaralan at
mga health center sa mga baranggay, naglatag ng mga lansangan, naghukay at
nagtayo ng libu-libong poso, tinawag na liberty wells, upang magkaroon ng malinis
na tubig ang mga tagabukid, sa maraming baranggay, sa kauna-unahang panahon.
Binigyan niya ng lupa ang mga sumukong Huk.
Itinatag ni Magsaysay nuong Disyembre 1950 ang EDCOR [Economic
Development Corps] sa ilalim ng hukbo upang ibahay ang mga dating Huk sa mga
bukirin, 6 - 9 hektarya bawat pamilya, malayo sa Gitnaang Luzon. Sinimulan ang
unang baranggay ng EDCOR sa Kapatagan, Mindanao, nuong Pebrero 1951 at,
pagkaraan ng 3 buwan, hinatid ni Magsaysay ang unang pangkat ng mga sumukong
Huk sa kanilang bagong tahanan, may mga paaralan, health centers, mga lansangan,
mga poso ng tubig, may koryente pa - nagka-ilaw ang maraming tagabukid sa kaunaunahang panahon. Pinautang ang mga sumuko upang mabili nila ang lupang
sinasaka, at binayaran ang utang mula sa ani sa bukid. Mabilis na nagtagumpay ang
tuntunin, kaya isa pang baranggay ang itinayo sa Mindanao, pagkatapos, 2 pa sa
Luzon, malayo sa Pampanga, upang bahayan ng libu-libong mga Huk sa sumuko
upang makasama sa EDCOR. Libu-libo pang mga taga-Gitnaang Luzon na hindi
Huk ang lumikas, namasahe ng mga sarili, upang sumali sa tuntunin at magkalupa sa
tabi ng mga baranggay ng EDCOR. Nuong 1955, nang matapos ang pagtatayo ng
EDCOR, mahigit 5,000 magbubukid o 1,200 pamilya mula sa Gitnaang Luzon ang
nakalipat sa sarili nilang bukid. Nakuba ang himagsikan ng Huk.
Sa kanyang tagumpay, maraming naging kaaway si Magsaysay, lalo na sa Batasan
[Congress] na pinagharian ng mga mayaman. Pati na si Quirino, ang humirang at
matapat na tumangkilik sa kanyang mga tuntunin, ay naging karibal na niya, kaya
nuong Pebrero 1953, napilitan siyang magbitiw sa tungkulin at tumiwalag mula sa
Liberal Party. Katuwang ang bihasang politico, si Carlos Garcia ng Bohol, nanalo
si Magsaysay sa halalan nuong 1953 at naging pangulo ng Pilipinas nuong 1954,
ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw, Monching.

Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang


Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at
kausapin ang kanilang pangulo. Itinatag niya ang NARIC [National Rice
Corporation] upang pamahalaan ang pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang
makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino. Itinatag din niya ang Namarco
[National Marketing Corporation] upang makabili ang mga tao ng murang delata,
gaya ng gatas, karne-norte, atbp. Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social
Welfare Administration] upang tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga
squatters area sa Manila nuon.
Nagpatuloy ang pagkabantog ni Magsaysay sa madla at malamang nahalal siya
muling pangulo nuong 1958 kung hindi siya namatay sa pagbagsak ng eroplano niya,
ang Mount Pinatubo, sa bundok ng Manunggal, sa Cebu, nuong madaling-araw ng
Marso 17, 1957.
Garcia: Austerity At Pilipino Muna
NARARAPAT lamang, lamang, maaaring kapalaran, o marahil dahil sa isunusukat
ng mga magiting ang sarili sa mga dapat tupdin. Kahit
ano pa man, nakabuti na ang 2 sumunod na pangulo kay
Ramon Magsaysay ay kapwa masinop at maalam
tungkol sa paghanapang-buhay [economy] ng bayan.
Sunud-sunod ang mapait na kapalaran ng kapuluan maraming napatay at nadurog ang Manila sa digmaan
laban sa Japan, nagkagulo-gulo sa paghimagsik ng mga
Huk, sinundan pa ng paglustay ng salaping bayan at
pagkaligmok sa utang sa America na ginawa ni
Magsaysay upang mahimok ang mga taong kampihan
ang pamahalaan laban sa Huk. Nang matapos
manungkulan sina Carlos Garcia at Diosdado
Macapagal, hindi man mayaman, malakas naman ang
hanapang-buhay [economy] ng Pilipinas, at maliban sa Japan, panguna sa buong Asia
sa pagkain at kaunlaran.
Tahimik at mahinahon si Carlos Garcia, ipinanganak sa Talibon, Bohol, nuong
Noviembre 4, 1896, nang kasalukuyang kumakalat parang apoy sa buong pulo ang
balita ng kasasabog na himagsikan ng Katipunan sa Manila. Kapwa Boholano ang
mga magulang, sina Policronio Garcia at Ambrosia Polestico, at gaya ng
karamihan sa Bohol, ay hindi nasindak o nabalisa sa bali-balita ng labanan na
malaganap na gumugulo sa katabing pulo ng Cebu nuon.
Lumaking politico si Garcia. Nuong panahon ng Amerkano, 2 ulit siyang naging
governador ng Bohol bago nahalal na kinatawan ng Batasan Bayan [congressman]
sa unang Republika ng Pilipinas nuong 1946, katulad at kasabay ni Magsaysay.
Nahalal siyang senador nuong 1950, at nagbuo ng sariling sapian [political party]

kahiwalay sa Nacionalista Party at Liberal Party na bantog nuon, ngunit nayaya


siyang sumapi sa Nacionalista at naging katuwang ni Magsaysay sa halalan nuong
1953. Bilang Pangalawa [vice president] ni Magsaysay, namasdan ni Garcia ang
paglustay ng milyon-milyong salapi, tulong [aid] galing sa America at bayad-pinsala
[war reparations] mula Japan, sa pagbili ng bigas at pagkain mula sa ibang bansa, na
dapat sana ay ginamit sa pagpundar ng mga industria. Ngunit bantog at makatao ang
ginawa ni Magsaysay at hindi sumalungat si Garcia.
Nang pumanaw si Magsaysay nuong Marso 1957, nahirang na pangulo si Garcia, at
sa halalan nuong sumunod na Noviembre, nahalal siyang pangulo ng Pilipinas.
Sinimulan niyang lunasan ang mga kalabisan at pagkukulang na laganap nuon.
Inadhika niya ang alituntunin ng Pilipino Muna [Filipino First] sa pamahalaan
upang mabawasan ang pamamayani ng mga Amerkano sa Pilipinas dala ng malapit
na kampihan ni Magsaysay at ng America nuong himagsikan ng mga Huk, at upang
mabuhay ang paggalang ng mga Pilipino sa sarili. Dala rin nito, sinulsulan niya ang
paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw Pilipino sa
America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang
ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.
Nanawagan pa si Garcia sa bayan na magtipid at maging masinop, sundin ang
austerity program niya nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at
makapag-imbak para sa kinabukasan.
Hindi sumunod ang bayan. Naging giliw ang
Bayanihan Dance Troupe ngunit hindi pinansin ng
mga tao ang Filipino First sa malaganap na
pagtangkilik ng mga imported at ng mga made in
USA na naging pahiwatig ng kataasan sa lipunan
[status symbol] sa Pilipinas. Dahil naman sa maliit
lamang ang panalo niya sa halalan, natanto siyang
mahina sa politica at inirapan ang mga mungkahi ni
Garcia sa Batasan [congress] ng mga kinatawan na mayaman at walang nakitang
dahilang magtipid sa patuloy nilang pagkurakot sa salapi ng bayan. Ang mga
karaniwang mamamayan naman ay walang sapat na kinita upang magtipid nang
kasing laki ng inadhika ni Garcia.
Gayung kasing linis ni Magsaysay, kapwa ayaw gumamit ng salapi ng bayan sa
halalan o sa sarili, namayani pa mandin sa pamahalaan ni Garcia ang kabulukan
[graft and corruption] na nagsimula pa nuong panahon ni Magsaysay sa ilalim ng
NARIC, NaMarCo, SWA at iba pang naglakihang pundar ng pamahalaan. Naging
eskandalo ang walang puknat at malawak na pagnanakaw ng hindi masupil na mga
kawani at pinuno ng pamahalaan. Natalo si Garcia sa halalan nuong Noviembre 14,
1961, nang tumanggi siyang gamitin ang kapangyarihan at salapi ng pamahalaan
upang mahalal muli, at sa paratang ng graft and corruption na dumanak sa kanyang
pamamahala.

Saglit siyang nabalik sa politica bilang pangulo ng constitutional convention nuong


1971 ngunit inatake siya sa puso at namatay nuong Junio 14, 1971.

Ang Kahuli-hulihang Maginoo


Bakit napakalawak ng pagitan ng mga mayaman sa mga mahirap? Kung ang buod
ng buhay ay katarungan, bakit nag-iiwan ng maraming pagkain sa pinggan sa mga
handaan
samantalang may mga taong nagbubungkal sa basurahan upang makapulot ng
kapirasong makakain?
... Ang lakas ng bansa ay nakasalalay sa mabuting kalagayan ng 'common tao'
- Diosdado Macapagal, Pangulo 1962-1965
MARANGAL kahit dukha, ipinanganak si Diosdado Macapagal sa baranggay ng
San Nicolas, sa Lubao, Pampanga, sa mga matimtimang magulang, sina Urbano
Macapagal at Romana Pangan, nuong Septiembre 28, 1910. Naging balakid ang
pagka-pobre sa kanyang pagiging valedictorian bagaman at siya ang pangunahin sa
mataas na paaralan (high school). Tinantiya ng mga guro na wala siyang magiging
kinabukasan dahil walang yaman, at ibinaba ng isang guro ang kanyang grado upang
iba ang maging valedictorian.
Hindi makatarungan ang ginawa mo sa akin!
Nagsiklab si Macapagal at hinarap ang guro.
Ngunit may katarungang nangingibabaw at
naghahatol sa ating lahat, pati na sa iyo!
Ginamit na dahilan ni Macapagal ang pagiging
dukha upang mag-aral nang maigi, at nagtapos ng
pagka-doctor ng batas (civil law) at ng
paghanapang-buhay (economics). Nahalal siyang
kinatawan (congressman) ng Pampanga sa Batasang Bayan nuong 1950 hanggang
1957. Sa isa niyang saysay, nuong kinatawan na siya, may isang Kapampangan na
humarap sa kanya at humingi ng tawad, at ng trabaho. Walang iba kundi ang guro na
nagbaba ng grado niya sa high school.
Nahalal si Macapagal bilang Pangalawa (vice president) ni Carlos Garcia nuong
1958-1961, at nuong Noviembre 1961, bilang Pangulo ng Pilipinas. Ikinarangal ni
Macapagal ang kanyang pagiging dukha, 'poor boy from Lubao' ang palatak niya
sa sarili, at iminungkahi sa bayan ang simple living o pamumuhay ng walang rangya
bilang lunas sa bulok ng graft and corruption na laganap sa Pilipinas nuong una

siyang nanungkulan. Nanawagan siya sa mga pinuno ng pamahalaan na huwag


magpayaman sa pagnanakaw sa bayan.
Upang makatulong sa mga mahirap, itinatag niya ang EEA o Emergency
Employment Agency na nagbigay sa libu-libong tagalungsod ng arawang hanapbuhay sa paglinis ng mga lansangan at iba pang gawaing pambayan. Upang lunasan
ang mga lumalaking suliranin sa paghanapang-buhay ng bayan (national economy),
ipinatigil niya ang paghigpit sa palitan ng salapi ( foreign exchange controls ) nang
maging malaya ang halaga ng piso tumbas sa dolyar. Naging doble ang palitan, 4
piso sa bawat dolyar, maigi sa mga kalakal palabas (exports), kumita ng higit na
maraming piso, at naka-antal sa kalakal papasok (imports) dahil nagmahal bigla ang
halaga ng mga imported at mga made in USA na bilihin.
Kahit ayaw magpayaman sa sarili, hindi naman napipilan ni Macapagal ang mga
kakampi sa politica at mga alalay niya sa pamahalaan sa pagkurakot sa salapi ng
bayan, at mayabong pa rin ang graft and corruption nang matalo siya sa pagiging
pangulo muli nuong halalan ng Noviembre 1965.
Siya ang nahirang na pangulo ng constitutional convention nang namatay si Carlos
Garcia nuong 1971. Sa kanyang paglisan sa Malacanan matapos ng halalan nuong
1965, itinanghal na siya ang huling maginoong pangulo (the last of the gentlemen
Presidents).

(Ikalabinlimang Linggo)
Patayan Sa New Society
Hindi ito government by law, ito'y government by outlaw!
- Tsuper ng jeepney, matapos kikilan ng pulis
SA HALALAN nuong 1935, nang mahalal sina Manuel Quezon at Sergio Osmena
bilang pinuno ng Commonwealth, nahalal din si Julio
Nalundasan bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Philippine
Assembly; tinalo niya ang ama ni Ferdinand Marcos, si
Mariano, na dati ring kinatawan ng Assembly. Panganay na
anak, si Ferdinand ay asintado at kapitan ng rifle and pistol
team sa University of the Philippines nuon. Binaril at napatay
si Nalundasan habang nagsisipilyo ng ngipin isang gabi sa
harap ng bintana ng kanyang bahay. Dinakip at nilitis ang
mag-amang Marcos, pati na ang 2 kapatid ng matandang
Marcos. Hinatulan si Ferdinand Marcos ni Judge Roman
Cruz, ng Laoag provincial court nuong 1939 na makulong
dahil sa pagpatay kay Nalundasan. Nasa piitan si Ferdinand
nang makapasa sa bar examinations at naging abogado at, sa harap ng Philippine
Supreme Court na pinamunuan ni Jose Laurel, matagumpay siyang nangatwiran at
pinalaya nuong 1940.
Tatlong halalan ang pinagtagumpayan ni Ferdinand upang
maging congressman at senador. Ang ika-4 na tagumpay
nuong 1965 ang pinakamarumi at pinakamagastos - mahigit
15 milyon piso ang nilustay, pati ang mga alahas at sinsing
pangkasal ng asawa, si Imelda Romualdez, ay isinanla upang
maitustos sa kampanya upang maging pangulo ng Pilipinas si
Ferdinand. Marahas, higit na marumi at higit na magastos
ang halalan nuong 1969 nang naging pangulo muli si
Ferdinand. Nuong Septiembre1972, pinigil niya ang paghalal
sa 1973 ng kapalit bilang pangulo; naghayag siya ng martial
law. Dictador na ng Pilipinas si Ferdinand.

Isa sa mahigit 30,000 dinakip at ipinakulong


ni Ferdinand ay ang kahawig niya sa
pagkawalang hunos dili, si Benigno Aquino,
sumisikat na senador at malamang pumalit sa
kanya sa naantal na halalan ng 1973.
Hinatulang mabitay si Benigno ng mga
sundalo ni Ferdinand, ngunit mangingibabaw
ang alingasngas kaya ipiniit na lamang siya
nang 7 taon hanggang nagkasakit sa puso at,
sa hikayat ni Jimmy Carter, pangulo ng
America, ipinadala siya sa Texas, sa America, upang ma-operahan nuong Mayo
1980. Dinalaw siya ni Imelda, asawa ni Ferdinand, upang pagbawalang huwag nang
bumalik sa Pilipinas at papatayin siya ng mga "comunista" o ng iba pang mga
pangkat. Pinag-usapan din nila kung ano ang magiging kinabukasan ng pamahalaan
sa Pilipinas kapag wala na si Ferdinand. Nanahimik sa America si Benigno nang 3
taon habang nakikinig sa mga ulat ng unti-unti at lumalaganap na galit ng mga tao sa
Pilipinas, at ng paghina ng katawan at pagkakasakit ni Ferdinand - palagian na sa
Malacanan ang mga doctor at mga nurse upang gamutin si Ferdinand araw at gabi hanggang nuong Hulyo 1983, kumalat na agaw-buhay na, hindi tinanggap ng
katawan ang kapalit na bato [kidney transplant rejection]. Labag sa payo ng asawa,
si Corazon Cojuangco, nagpakana si Benigno na pumuslit sa Manila at angkinin
ang pagka-pangulo ng Pilipinas.
Mahigit isang libong kakampi ni Benigno ang nagkumpol sa
Manila International Airport nuong Agosto 21, 1983, upang
sumalubong kay Benigno na balak, matapos mapaligiran ng mga
alalay, ay sumugod patungong Mendiola at matapos salihan ng
inaasahang 5 o 6 libong mga taga-Manila, sakupin ang
Malacanan at ang pamahalaan. Walang malay-tao si Ferdinand
sa Malacanan dahil sa sakit, kaya si Imelda lamang at ang dating
tsuper ni Ferdinand, si Fabian Ver, na nuon ay pinuno na ng
buong sandatahang bayan [Philippine armed forces], ang
sumansala sa balak ni Benigno. Malayo sa mga sumalubong, sa tagong bahagi ng
airport pinalapag ang eroplanong sinakyan ni Benigno galing sa Taiwan at, matapos
siyang dakpin at ibaba ng mga sundalo, binaril sa ulo at napatay si Benigno.
Bangkay ng isang "comunista" daw, si Rolando Galman, nakahandusay sa tabi ni
Benigno, ang pinaratangan ng mga sundalo ngunit hinayag nuong Octobre 1984 ni
Corazon Agrava, kaibigan ni Ferdinand at hukom [judge] na nag-usisa sa
pagpaslang, na pakana ng mga sundalo ang pagbaril at, nuong Septiembre 28, 1990,
nilitis at hinatulan si General Luther Custodio at 15 pang sundalo ng airport
security sa pagpatay kay Benigno. Pinawalang sala si Fabian Ver at 25 pang
kasapakat sa pakitang-taong paglilitis nuong Deciembre 2, 1985 ng Sandigang
Bayan [National Bulwark, a special court], gawa-gawang tagapaghatol ni
Ferdinand, ngunit taimtim ang paniwala ng madla, at napahayag sa Congress ng
America, na si Imelda at si Ver ang nagnasa na mapatay si Benigno.

Masuwerte o sakdal tigas ng loob, maaaring sa bisa ng walang tigil na dalubhasang


paggamot, natauhan at nabuhayan si Ferdinand pagkatapos mapatay si Benigno
ngunit sukdulan na ang pagkawala ng tiwala ng karamihan sa kanyang pamahalaan;
kahit ang mga kaibigan niya sa pamahalaan ni Ronald Reagan, pangulo ng America,
ay gimbal sa pagkitil kay Benigno na paniwala nilang nagiging sanhi ng pagdami ng
mga comunista at iba pang kilusang nais bumuwag kay Ferdinand.

Hintay muna: Ano 'yong New Society?


Ang Bagong Lipunan [New Society] ang itinatag na pangkat pampolitica [political
party] ni Ferdinand upang panalunin ang mga kakampi sa pakutsi-kutsing halalan sa
Pilipinas nuong mahigit 20 taong dictador siya. Inakala ng marami pagkaraan ng
ilang buwan lamang nuong 1973 na ang New Society ay binubuo ng mga blue ladies
ni Imelda na laging nasa society pages ng mga pahayagan [kaya raw new society
pages ang tawag]. Ngunit bago pa nag-martial law, panay nang sinabi ni Ferdinand
na kailangang pairalin ang 'bagong lipunan' na walang colonial mentality o
pagsipsip sa mga Amerkano at mababaw-isip na paggaya sa anumang gawi na
sumikat o nauso sa America. Bagong lipunan daw na babawas din sa utang na loob
na sanhi ng pangkat-pangkatan at "kaniya-kaniya" sa politica at balakid sa pag-iisa
ng mga tao. Kailangan ding samahan ng pagpapakasakit ng bawat isa, para sa ikabuti
ng nakararami, upang umunlad gaya ng Taiwan at South Korea. Daw.
Hintay muna: Wala bang kabutihang nagawa si Marcos?
Nuong unang naging Pangulo, nagpagawa ng maraming kalsada, tulay at paaralan si
Ferdinand. Sa kanyang politikang palay [politics of rice] din, naalis ang pagtatago
ng bigas ng mga may bodega upang pataasin ang presyo. Sa pagtangkilik niya sa
IRRI [International Rice Research Institute] ng Los Banyos, Laguna, napalawak ang
paggamit ng miracle rice at naparami ang aning bigas. Ang mga ito ay nakabawas sa
taunang pagbili ng bigas mula sa ibang bayan at nakapagbaba ng halaga ng bigas.
Pinalaki niya ang hukbong sandatahan at itinaas ang katayuan at sahod ng mga
sundalo. Lahat-lahat ay nakatulong sa pagkahalal niya bilang pangulo muli nuong
1969.
Nuong bagong iral ng martial law, karamihan ng mga tao ay sang-ayon sa pagsupil
ni Ferdinand sa pagpuslit ng mga droga, heroine at opium, at sa nakatureteng
kalampag ng mga demo at mga riot sa Manila. Umunti din ang nakawan dahil
natakot ang mga pusakal na barilin na lamang sila ng mga sundalo sa halip na dakpin
ng mga pulis.
Bago pa rin ang martial law nuong Septiembre at Octobre, 1972, nang iutos ni
Ferdinand ang munti ngunit pinakamabisang land reform na ginanap sa Pilipinas

simula nuong unang dating pa ng mga Espanyol. Binili ang mga hacienda at
malalaking palayan sa Gitnaang Luzon, pinaghati-hati sa 3 or 5 hektarya at ipinagbili
sa mga magsasaka at mga kasama nang hornalan [payment in installments], patakpatak ang bayad sa loob ng 15 taon. Ang mga magbubukid sa maliliit na palayan,
kulang sa 7 hektarya ang sukat, ay ginawang taga-upa, pirmis ang bayad na upa,
hindi bahagi ng ani, kaya may pagkakataong kumita ng malaki ang mga ito kapag
malaki ang naging ani. Mabisang land reform sapagkat nawatak ang malalaking
lupaing sanhi ng pagkakabaon sa utang at paghihimagsik ng mga tao. Munting land
reform sapagkat sa Gitnaang Luzon lamang ginawa, at mga palayan at maisan
lamang ang mga lupaing isinaayos, hindi kasali ang mga hacienda ng tubo [asukal],
saging, pinya at ibang pananim. Munti, sapagkat ang pagpapairal ng land reform ay
mabagal, nahaluan ng pagkurakot [graft and corruption] at piling-pili, ang mga
kalaban niyang maylupa lamang ang inalisan ng lupa. Munti, sapagkat 6 lamang sa
bawat 100 magsasaka ang nagtamasa ng biyaya at naging may-ari ng kanilang
sinasaka.
Maliban sa munting land reform nuong 1972, hindi nagtagal at maliit ang mga
kabutihang nagawa ni Ferdinand kung iwawangis sa kurakot, - may ulat na abot sa
10 bilyon dolyar, - at karahasang umiral nuong pangulo, at nuong dictador siya.
Kailangang ibalik ang democracia o magtatagumpay ang mga comunista sa
Pilipinas! ang sabi ng mga pinuno ng America sa Washington DC, kasaliw ng
kalampag ng mga pinuno ng Batasan [Congress] ng America, at tunay at malawak
na democracia, hindi ang pakutsi-kutsing halalan ng mga kinatawan ng tutang
congreso ni Marcos!
Napilitan ngunit tuso pa rin, kahit mahina na ang katawan. Habang
nakikipagpanayam nuong Noviembre 3, 1985 kay David Brinkley sa harap ng
television sa America, hinayag ni Ferdinand ang biglaang halalan [snap election] sa
loob ng 75 araw, sa Enero 17, 1986 sana, tapos napaliban sa Febrero 7, 1986. Sa
ganitong paraan, napatila ni Marcos ang kalampag ng mga
Amerkano. Paniwala din niya na walang sapat na panahon
ang mga magiging kalaban upang magkampanya at magipon ng mga boto sa loob ng 3 buwan. Malaki rin ang
tiwala niyang manalo sa tulong ng mga galamay sa
pamahalaan at mga pahayagan. Ngunit tuso man daw at
may sakit, hindi natantiya ni Ferdinand ang sidhi ng
paniwala ng mga Amerkano sa democracy - nagpadala ng
maraming tagapagmasid at mga kinatawan ng US
Congress upang manmanan ang anumang alingasnas sa
kampanya, halalan at bilangan ng boto. Hindi rin natantiya ni Ferdinand ang unos ng
kinatakutan niyang alingawngaw na pinawalan ng kanyang mga kakampi nang
paslangin si Benigno; hindi niya natantiya ang tibay at dami ng kanyang mga
kalaban, hindi niya natantiya ang kawalang-tiwala sa kanya ng mga karaniwang
mamamayan ng Pilipinas, at ng America.

Higit sa lahat, hindi niya natantiya si Cory.


PANGKARANIWANG maybahay ang turing sa sarili, walang nag-akala na
magiging pinakakilala si 'Cory' Corazon Cojuangco sa mayamang angkan ng mga
Ko Hwan-ko ng Tarlac. Ipinanganak nuong 1933 at lumaki sa layaw, tahimik,
relihiyosa at mataas ang pinag-aralan sa mga convento sa America, tiyak ng lahat,
pati na ng sarili, na hindi siya kailan man magiging pinuno, kahit na nuong
mapangasawa si Benigno, na simula't simula pa ay nagnasa nang maging pangulo ng
Pilipinas. Ngunit nagbago ang pag-iisip ng lahat mula nang paslangin si Benigno.
Ang paghimagsik ng bayan sa kapaslangan, ano pa't hindi dinakip o pinarusahan ang
mga pumaslang, ay nasalamin sa damdamin at pasiya ni Cory na labanan si
Ferdinand sa snap election.
Lahat ng laban kay Ferdinand ay dumayo sa bantayog ng tahimik at magiting na
viuda. Pati si 'Doy' Salvador Laurel, senador na nais maging pangulo rin, ay
pumayag na kumandidato bilang Pangalawa [vice president] ni Cory, sa amuki ni
Cardinal Jaime Sin, arsobispo ng Manila, upang mapalakas ang presidential ticket giliw ng mga mamamayan si Cory ngunit wala siyang kaalaman sa politica,
samantalang matipuno ang pangkat pampolitica ni Laurel, ang UNIDO, ngunit payat
ang pagtangkilik sa kanya ng mga mamamayan. Ang hindi kapani-paniwalang
pagtuwang nina Aquino-Laurel ang nagkamit nuong Febrero 7, 1986, ng kaunaunahang pagkatalo ni Ferdinand sa ika-6 at kahuli-hulihan niyang halalan. [Hindi
itunuturing na halalan ang mga ipinaganap niya nuong dictador siya.]
Ngunit tuso at matibay ang kalooban, ninakaw ni Ferdinand ang tagumpay sa
bilangan ng boto sa COMELEC [Commission on Elections] sa pamamagitan ng
halu-halong pananakot, pananakit, suhulan at dayaan ng kanyang mga kampon at
siya ang hinirang na pangulo muli ng tinawag na National Assembly nuong Febrero
15, 1986. Sakdal ang angal ng mga mamamayan, ni Cardinal Sin at ng mga
kinatawan ng US Congress, ngunit hawak pa rin ni Ferdinand ang hukbo at
pamahalaan, at maaaring nabinbin ang pagsupil sa kanyang pagka-dictador kung
hindi sa pagbubuklod ng mga pangyayari sa lumang lansangang hindi man lamang
binigyan ng maayos na pangalan nang ilatag ng mga Amerikano ilanpung taon sa
nakaraan upang pag-ugnayin ang mga kabayanan sa paligid ng Manila at ginawang
shortcut mula sa airport hanggang Camp Crame at sa katapat na Camp Aguinaldo
na kapwa naging sangkalan ng pagwatak sa kaharian ni Ferdinand nuong
mahalagang mga araw ng Febrero 1986.
EDSA: Lakas Ng Bayan
Arava u mayet an namaes u ryes
Walang malakas na tao sa harap ng delubyo
- Sawikain ng Ivatan sa Batanes

Ang pagkamatay ni Ninoy ay pagkabuhay muli ng ating bayan


- 'Cory' Corazon Aquino
KABABATA ni Emilio Jacinto si
Epifanio de los Santos y Cristobal,
ipinanganak nuong Abril 7, 1871, at
lumaking ilustrado gaya ni Apolinario
Mabini ngunit naglakbay siya sa iba't
ibang bayan at nagpatuloy ng
pagdalubhasa sa halip na sumali sa
Himagsikan o sa digmaan laban sa
America kaya 2 ulit man siyang naging governador ng Nueva Ecija at nakilalang
manalaysay [historian] at tagakatha ng himig [musician composer], wala siyang
kapansin-pansing naidulot sa magulo at madugong kabanata ng kasaysayan ng
Pilipinas nuong kapanahunan niya bago siya pumanaw nuong Abril
18, 1928.
Wala ring pumansin o nagpangalan man lamang sa maalikabok at
ilang na service road sa hilaga ng Manila na bumagtas mula
Caloocan hanggang Paranaque, 54 kilometro ang haba kaya
Highway 54 ang palayaw ng mga Amerkanong naglatag ng
lansangan. Nuon lamang paunlarin ng angkan ng mga Araneta ang
Cubao binigyan ng Batasan [congress] ng Pilipinas ang mahabang
lansangan ng mahabang pangalan ng hindi kilalang dating
governador ng Nueva Ecija. Kaya mula 1959, ang bihirang gamiting
lansangan ay nagkaroon ng mahirap bigkasing pangalan ng Epifanio delos Santos
Avenue.
Sa madaling sabi, EDSA.
Duon tumakas ang 2 ministro ni Ferdinand Marcos, kasama ng 300 sundalo, Sabado
ng hapon nuong Febrero 22, 1986 upang magbitiw ng tungkulin, magkubli mula sa
parusa ni Fabian Ver, kanang-kamay ni Ferdinand, at manawagan sa hukbo ng
Pilipinas na kumampi sa kanilang pagtiwalag sa pagdidictador sa Malacanan.
Matimtiman na nagsilbi kay Ferdinand si Juan Ponce Enrile, kalihim ng tanggulan
[minister of defense] na nakahimpil sa Camp Aguinaldo, at si General Fidel Ramos,
pinuno ng PC [Philippine Constabulary] na himpil naman sa katapat na Camp
Crame, hanggang mausog sila ni Ver at ng mga alalay nito at natanaw nilang wala
silang kinabukasan sa pagpapatuloy ng kaharian ni Ferdinand at, sa tingin ni Enrile,
hindi siya iiwanang buhay ni Ver.
Matapos manawagan sa mga sundalo na kampihan sila, hiniling nila kay Ferdinand
na magbitiw na bilang pangulo ng Pilipinas. Madaling nakita ng mga kakampi ni
'Cory' Corazon Quino' at 'Doy' Salvador Laurel, ang mga tumalo kay Ferdinand
sa kararaang halalan, na ito ang pinakamabisang panlaban sa dahas at pusok na

ginagamit ni Ferdinand upang manatili sa Malacanan. Sumugod nuong hatinggabing


iyon si Agapito Aquino, kapatid ni Benigno, sa Radio Veritas ng simbahang
katoliko at nanawagan sa mga tao na kumampi at ipagtanggol sina Enrile at Ramos
sa inaasahang paglusob ng mga sandatahan ni Ver. Pagkaraan ng ilang oras, si
Cardinal Jaime Sin man ay nanawagan na rin sa lahat na sumugod sa EDSA, ang
mga pari, madre at mga relihiyoso sa Metro Manila, paligiran ang 2 campo at
harangin ang mga lulusob. Inutusan niya ang mga mongha sa mga kumbento na
manalangin nang walang tigil, huwag kumain bilang panata, hanggang magtagumpay
sina Cory at Doy.
Hintay muna pa: Bakit natakot si Enrile na patayin siya ni Ver? Bakit sumama
sa kanyang mag-aklas si General Ramos?
Nuong 1981, hinirang ni Ferdinand si Ver na
pinuno ng sandatahang bayan [AFP or
Armed Forces of the Philippines],
nilaktawan si General Ramos. Pagkaraan ng
isang taon, nuong Hulyo, 1982, nadinig ni
Enrile na balak ni Ver na alisin siya sa
katungkulan. Kasapakat ni Coronel
Gregorio Honasan at ilan pang batang
pinuno ng sandatahan, itinatag ni Enrile ang
RAM [Reform AFP Movement] at
nagsimulang mag-imbak ng mga sandata at
maghikayat ng mga kakamping sundalo
upang labanan si Ver. Natunugan ito
ni Ver at naging mainit ang ugnayan
nila at si Ferdinand lamang ang
pumigil ng sugapaan nila.
Pagkaraan ng isa pang taon, nuong
Hulyo 1983, nagbitiw sa
katungkulan si Ramos at si Enrile
ngunit tinanggihan ni Ferdinand.
Nagbuo na rin ng pangkat si
Ramos, ang Special Action Force,
at sumapi sa RAM, ang pangkat ni
Enrile, upang magsanay sa labanan. Nang nag-agaw buhay si Ferdinand pagkatapos
ng pang-2 operasyon [renal transplant surgery], nagsimulang umamin si Enrile na
nais niyang maging pangulo ng Pilipinas kapag hindi na interesado si Ferdinand.
Nuong Febrero 1985, nagsimulang sumanib sa RAM ang mga matataas na pinuno ng
hukbong Pilipino. Pagkaraan ng 6 buwan, nabunyag ang balak ni Ver na dakpin ang
mga pinuno ng pangkat. Nagsimulang magbalak ang RAM ng kudeyta [coup d'etat]
upang alisin si Ferdinand sa Malacanan, gaganapin sa Febrero 23, 1986 pagkatapos
manalo si Ferdinand sa snap election.. Natunugan ito ni Ver at nuong Febrero 14,
pinulong ni Ferdinand ang mga pinuno ng sandatahan upang pag-usapan ang
pagdakip sa mga pinuno ng RAM at ang pag-alis kay Enrile. Nuong Febrero 18,

1986, nadinig ni Enrile na pinakakalat na ni Ver ang mga sundalo niya paligid sa
Manila. Nagtago na si Enrile at si Ramos.
Gaya ng inasahan ng libu-libong nagbabantay sa EDSA, pinalusob ni Ver ang mga
tangke nuong Febrero 23, 1986 upang lipulin ang mga tiwalag sa Camp Crame at
Camp Aguinaldo. Pinaligiran ng malalaking kanyon at pinalusob din ang mga
helicopter gunships upang masingganin [machine-gun] ang 2 campo. Pinasabog ang
transmitter ng Radio Veritas upang matigil ang patuloy at kaisa-isang
nagsasahimpapawid ng harapan sa EDSA, ngunit napalitan agad ng hindi natuntong
Radio Bandido, at nagpatuloy ang pagdagsa ng mga tao sa EDSA. Ang libu-libo ay
naging ilanpong libo, at naging daan-daang libo, matanda, bata, mayaman, mahirap,
babae, lalaki, relihiyoso, walang-Diyos, sikat, dukha, humarap, lumuhod, humarang
sa mga tangke, sa mga truck, nanawagan sa mga sundalo, nanawagan sa radyo,
nanawagan sa diyos, nanawagan ng pagkain, ng panalangin, ng awit at himala.
At tumirik ang mga tangke.
Ayaw magpaputok ng mga kanyon. Lumapag ang mga helicopter gunship sa Camp
Crame at tahimik na sumuko kina Enrile at Ramos. Tumanggi ang Philippine air
force sa utos ni Ver na bombahin at masingganin ang Camp Crame. Dumaong sa
bunganga ng ilog Pasig ang mga barkong pandigma ng Philippine navy at tumawag
kina Ramos at Enrile, handa na silang kanyunin ang Malacanan anumang oras nila
iutos. Handang makipagdigmaan laban sa mga tiwalag, tumanggi ang mga sundalo,
piloto at marinero na lipulin ang mga mamamayang dumanak sa EDSA. Sagot sa
mga panalangin, dumating ang himala. At naglaho ang kapangyarihan ni Ferdinand.
Lunes, Febrero 25, 1986, ipinatawag ni George Schultz, kalihim panlabas ng
America [US secretary of state], ang ambassador ng Pilipinas sa Washington DC
upang ipasabing magkakaroon ng digmaan ng mga magkabayan [civil war] sa
Pilipinas kung hindi magbitiw si Ferdinand. Ito rin ang hinayag ng US ambassador
sa Manila kay Ferdinand mismo kasabay ng pasabi sa Washington DC. Pinayuhan
din si Ferdinand ng ilang makapangyarihang senador sa US Congress na oras na
upang bumitaw, at bumitaw nang malinis. Nagpasabi rin si Ronald Reagan, pangulo
ng America, na tutulungan si Ferdinand, ang kanyang pamilya at mga alalay na
lumisan nang mapayapa sa Pilipinas at manirahan sa America.
Martes ng umaga, Febrero 25, 1986, halos buong hukbo ng Pilipinas ay tumiwalag
na, at nagpasimulang panata ng tungkulin [inaugural oath of office] si Cory at
Doy sa harap ng mga pinuno ng pamahalaang bansa [national government] bilang
pangulo at pangalawang-pangulo ng Pilipinas. Sa Malacanan naman, hinirang na
pangulo muli si Ferdinand ng mga kakampi nuong umaga rin iyon. Ngunit
kinahapunan, nagsimulang kumapal ang mga galit na tao sa labas ng Malacanan,
napigilan lamang ng mga sandatahang presidential guard ni Ver. Naging kulungan
na ang palasyo ni Ferdinand.

Tuso man at matibay ang kalooban, hindi na masulsihan ang kanyang pamahalaan
na, animo'y basahang basa, pinagwatak-watak ng mga taong pinagharian niya nang
mahigit 20 taon. Nuong gabing iyon, tinawagan ni Ferdinand si Enrile, na nangakong
mapayapa silang makakaalis, at sinundo ng mga helicopter mula sa US embassy si
Ferdinand at mahigit 100 niyang pamilya at mga alalay, dinala sa Clark airbase sa
Pampanga. Nais ni Ferdinand na tumigil nang ilang araw sa bayan niya sa Laoag,
Ilocos Sur, ngunit tumanggi si Cory at baka bumuo duon ng sariling niyang hukbo si
Ferdinand, kaya kinabukasan ng madaling-araw, inilipad si Ferdinand at pangkat sa
Hawaii kung saan siya namatay pagkaraan ng 3 taon, nuong Septiembre 28, 1989.
(Ikalabinganim na Linggo)
Ang Mga Sawi Kay Cory
Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi
democracia, - ang karapatan ng bawat Pilipino at sinilangan ng ating lahi
- 'Cory' Corazon Aquino, nuong Noviembre 1988
Ang paggalang sa mga karapatan ng tao ang puso ng ating himagsikan,
ang tanging dahilang matayog pa ang itinatag nating democracia...Ang
pagkahalimaw ng mga said sa kapangyarihan at ng mga baliw sa mapagsakop na
paniniwala ay nananatili pa, balot sa uniforme ng sundalo o sa camiseta ng
comunista
- 'Cory' Corazon Aquino, nuong Deciembre 1988
BUNYI ang lahat nang pumasok si Cory Aquino sa Malacanan, matapos itong
laspagin ng mga usyoso at mga kawatan - hinakot pati ang mga halaman! - at
nagsimulang nakipagpatintero sa kanyang mga alalay at mga kakampi. Panguna sina
Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos, kapwa nagtaya ng buhay, at si Doy Laurel din,
na nagkimkim ng ambisyon. Patintero rin sa sanbayanan, pinangunahan ng laksang
nagbantay at humarap sa panganib sa EDSA, sinundan ng
milyon-milyong taong bumoto sa kanya na umaasa ng luwalhati
at ginhawa at, sa likuran, ang mga sundalo ng hukbong
sandatahan na, hindi man unang kampi sa kanya, ang
nagpapatotoo ng kanyang tagumpay nang tumiwalag mula kay
Ferdinand. And of course, ang mga Amerkano. Lahat ay
tumulong, lahat ay umaasa, lahat ay naghihintay.
Salu-salungat ang kanilang mga hangarin at labis ang dami ng
kanilang mga pangangailangan kaya - dapat asahan at alituntunin
sa politica: Lahat ay laging sawi - madaling kumupas ang papel
ng karaniwang maybahay na walang karanasan sa politica o
pamamahala. Unang nasawi sina Enrile, nanatiling pinuno ng tanggulan bayan
[secretary of national defense], at Laurel, naging kalihim panglabas [secretary of
foreign affairs], kapwa tangkang madaliang iluklok si Cory sa trono ng superstar ng

Pilipinas, pagkatapos si Enrile [sa isip ni Enrile] o si Laurel [sa isip ni Laurel] ang
magpapalakad sa pamahalaan. Tumanggi si Cory na tumawag ng
halalan uli sa loob ng ilang buwan at inihayag na magpa-pangulo
siya sa takdang 6 taon. Nagmaktol ang 2, kapwa lumayo sa
Malacanan at kapwa tumigil sa pagpanggap ng mga tungkulin,
kapwa sinisante at kapwa pinalitan ni Cory. Kapwa
nakipagsapakat sa kung sinu-sinong mga sundalo upang maghari
sa pamamagitan ng kudeyta sapagkat kapwa alam na tatalunin sila ni Cory,
magkasapi o magkahiwalay, kahit gaanong naging katamlay ang mga tao kay Cory,
sa anuman at kailan mang halalan. Maliban sa sunud-sunod na kudeyta, kapwa tapos
na.
Sumunod nasawi si Ramos, na gaya ng karamihan sa mga sundalong
nakipagdigmaan ng mahigit 15 taon sa mga Muslim sa Mindanao at sa mga
komunista sa Luzon at Visayas, ay labag sa tangka ni Cory na makipagpayapa sa
naghihimagsik laban sa pamahalaan. Ngunit tapat at maginoong sundalo, hindi
tumiwalag si Ramos at nanatiling kampi kay Cory - mabuti na lamang at kung hindi,
tumaob si Cory sa walang sawang pagku-kudeyta nuong mga sumunod na araw.
Hindi gaanong nasawi ang mga Amerkano, paniwala na wala namang alam at
walang magagawa si Cory. Ngayon, marami, Amerkano at Pilipino, ang lingon sa
paghanga kay Cory, ngunit nuong unang 2 - 3 taon, ang tingin ng mga Amerkano sa
biyuda ay pasensiya na lang at wala nang iba. Baon sa utang
ang Pilipinas nuong 1986, umabot ng 28 bilyong dolyar, at
minungkahi ng cabinete at mga pinuno ng paghanapangbuhay [economy] na gamitin ang salapi upang paunlarin ang
kalakal, mga pagawaan [manufacturing] at iba pang
pagkakakitaan sa bayan. Kalimutan na muna nang mga 2 taon
ang pagbayad ng utang, sabi nila, tutal alam naman ng mga
nagpautang na nanakawin lamang ni Ferdinand at ng mga
kasama niya. Tumanggi si Cory at ipinagpatuloy ang
nakalulumpong pagbayad ng utang - kalakihan ay sa mga
Amerkano.
Ang kasawian ng mga sundalo ng hukbo ay huwad, walang nawala sa kanila kung
hindi ang kapangyarihang maghari sa Pilipinas, kapangyarihan na ayaw ng mga tao
at labag sa atas ng Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [constitution] ngunit
kapangyarihan na, sa 20 taon ng martial law, ay naging ugali na hindi nila mabali.
Sunod sila sa sinumang nagmungkahi na sakupin nila ang pamahalaan at nauso ang
kudeyta sa Manila. God Save The Queen ang una, tinangka ng mga sundalo nuong
Nobyembre 1986 dahil nakipagpayapa si Cory sa mga kasapi ng New Peoples Army
o sandatahan ng mga komunista sa Gitnaang Luzon. Naunsiyami ang kudeyta ngunit
napilitan si Cory na alisin sa kanyang Cabinet ang mga leftist at maka-komunista na
kinaasaran ng mga sundalo, kasama sina Joker Arroyo, matagal na niyang kakampi,
si Teodoro Locsin, kilalang mahilig sa socialist politics, at Jaime Ongpin, ang
kanyang kalihim ng pagpundar [secretary of finance]. Nagkudeyta muli nuong Enero

1987 nang nakipagpayapa si Cory sa mga Muslim ng Mindanao, at lagdaan ang


kasunduan ng Moro National Liberation Front. Unti-unti, sa bawat kudeyta,
nausog si Cory palayo sa tangkang isapi o ibalik sa kabuoan ng bayan ang mga
nakalas o napag-iwanan dahil sa pagkadukha o kaibahan ng adhikain sa buhay.
Hanggang umabot sa kudeyta nuong Disyembre 1, 1989 ng bandang 3,000
sundalong pinamunuan ni Gregorio Honasan ang lumusob sa Camp Crame, Camp
Aguinaldo, Fort Bonifacio sa Nueva Ecija at sa himpilan ng sandatahang dagat sa
Cavite. Pati Malacanan binomba ng eroplano, at napilitan si Cory na humingi ng
tulong sa US air force. Mabilis at madiin na inihayag ng pamahalaan ng America
ang pagpanig nila kay Cory, sa pulong ng mga pinuno ng hukbong Pilipinas na
tinawag sa US embassy sa Manila. Pati ang mga umutak sa mga kudeyta ay
binalaan, sinimulang usisain ang mga ari-arian sa America at iba pang bayan kung
nanggaling sa pagkurakot sa mga tulong [US aid] na inalay ng America sa Pilipinas,
ginawang panakot ang paglitis at pagpiit sa America. Kaginsa-ginsa, biglang nalaos
ang kudeyta-kudeyta sa Manila.

lalawigan. Nuong 1987, pinagpapatay ng mga sundalo ang 17 taga-nayon, pati 6 na


musmos at 2 hukluban, sa Lupao, Nueva Ecija. Walang inusig sa mga pumatay.
Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng langit sa
paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walang nangyari paris
din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali at pagkukulang ang
maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pa bago kilalanin ng
mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang pagkabayaning ginampanan
niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya sa sumunod na 6 taon. Sa
araw-araw na gulo at taon-taong kabalisaan, madaling nalimutan ng madlang
kahalubilo sa mga pangyayari na, sa harap ng panganib at magkakasalungat na
hiyaw-hiyawan, napaganap ni Cory ang 2 dahilan hinahangaan siya ngayon sa
America at sa damdamin ng mga Pilipinong nakakaunawa. Napagtayog ni Cory ang
democracy, at pinamunuan niya ang pagtagumpay ng nasa ng mga tao na maging
malaya: Wala nang hari sa Pilipinas.

Walang lumabas ng bahay upang ipagtanggol si Cory.


Pagbabalik Ng Magiting
Ang daan-daan libong tao na nagtaya ng buhay upang ipaglaban siya sa EDSA ay
maniwaring naglaho nang lubusan. Ang sagad na nasawi kay Cory ay ang mga
sawing-palad. May ilang libong mga magsasaka at mangingisdang nanaghoy
papunta sa Macalanang nuong Enero 22, 1987, pinamunuan ng KMP o Kilusang
Magbubukid ng Pilipinas, ang mabilis na pinagbabaril ng mga sundalong bantay sa
paanan ng tulay sa Mendiola. Mahigit 90 ang tinamaan ng bala, 19 ang napatay.
Nagtampo ang karamihan at umingos, kahit na nang nakisaliw si Cory sa mga
magsasakang nanaghoy kinabukasan sa Malacanan.
Hintay muna: Bakit nagtampo ang mga tao? Bakit walang nagtanggol kay
Cory?
Paniwala nilang tinalikuran ni Cory ang mga pangako nang unang maging Pangulo
na susugpuin ang pagkurakot sa pamahalaan, palalawakin ang kalayaan ng mga tao,
at higit sa lahat, lulunasan ang paghihirap ng mga dukha. May paratang pa na
ibinalik ni Cory, anak ng haciendero, ang mga mayaman at may lupa sa
kapangyarihan at sila ay naghahari na naman sa pamahalaan. Sa amuki ng kapatid, si
Jose Cojuangco, pinagbutas-butas ng Batasang Bayan ang batas ng
Pangkalahatang Pagsasaayos ng mga Sakahan [Comprehensive Agrarian Reform
Law o sa madaling sabi, CARP] kaya naging goyo-goyo lamang ang batas na
nilagdaan ni Cory nuong Hunyo 10, 1988, 6 buwan matapos patayin ang 13
magsasaka sa Mendiola sa harap ng Malacanan.
Pati na ang kalayaan ng mga hampas-lupa [tillers of the earth] ay makitid pa rin,
kung mayroon mang mga karapatan ang mga walang kapangyarihan sa mga

Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan,


magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan.
- Fidel Ramos, Pangulo ng Pilipinas, 1992-1998
IPINANGANAK nuong Marso 18, 1928, sa Lingayen, Pangasinan. Ama si
Narciso Ramos, abogado, 5 ulit kinatawan sa Batasang Bayan [Philippin Congress]
at dating kalihim panlabas [secretary of foreign affairs]
ng Pilipinas. Ina si Angela Valdez, guro, taga-Batac,
Ilocos Norte.
Nag-aral sa America, sa West Point Military Academy
sa New York nuong 1950, nagtapos ng civil engineering
sa University of Illinois nuong 1951. Lumaban bilang
tenyente ng hukbo sa digmaan sa Korea nuong 1952.
Namuno sa mga sundalong Pilipino ng Civic Action
Group sa digmaan sa Vietnam nuong 1966 hanggang
1968. Pinuno ng PC [Philippine Constabulary] hanggang
Pebrero 1986. Ministro ng Tanggulang Bayan hanggang
1992. Pangulo ng Pilipinas, 1992 hanggang 1998.
Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang
pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling
malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong
panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan. Sa
kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi ang

paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang


pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang
digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais maging
diktador gaya ni Ferdinand.
Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos bilang
pangulo ay dagdag na lamang.
Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng Pagsasaka
[secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulang-kulang 2 milyon
hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagama't hindi ganap, napakalaki naman ang
natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518 hektaryang ipinamahagi sa
pamumuno ni Cory Aquino, na hinaluan pa ng pandaraya ng kapatid, si Jose
Cojuangco. Si Garilao din ang nagsulsol sa mga samahan ng mga magsasaka na
makisali sa pangangasiwa ng bahagian ng lupa hindi lamang upang mapadali ang
pagbabahagi, kundi upang maganap ang pagmumudmod. Hindi masabi nang tuluyan
ni Garilao, ngunit sa dami, yaman at kapangyarihan ng mga kalaban ng land reform
sa Pilipinas, ang mga nangangasiwa ng pagsasaayos ng sakahan ay nangangailangan
ng tulong, hindi ng sumbat.
Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos ng
24 taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagama't nagpatuloy ng paglaban ang
katuwang na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu.
Inis din ang ibang pinuno sa pamahalaan dahil sa unti-unting pagbigay ng sarilinang
pamamahala [autonomy] sa mga lalawigan ng mga Muslim. Ang pag-unlad ng
paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam nuon pang namumuno si
Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995, sa pagharap ni Ramos
sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa pagkurakot sa pamahalaan at
pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan [foreign investments]. Ngunit gaya ng
kasunduan sa Mindanao, hindi ganap ang bisa, at nadamay ang Pilipinas sa
pagbagsak ng paghanapang-buhay sa buong Asia nuong 1997 bagaman at hindi
kasing sidhi ng dinanas ng mga katabing bayan.
Erap Para Sa Mahirap
Tawagin n'yo akong bobo, ngunit huwag n'yo akong
tawaging 'corrupt'!
- Joseph Ejercito Estrada, Pangulo ng
Pilipinas nuong 2001
LAKI sa Tondo kung saan siya ipinanganak nuong
Abril 18, 1937, natagpuan ni 'Erap' Joseph Ejercito
Estrada ang papel niya sa buhay sa pelikula, bilang
isang matipunong hampas-lupa, nakikipagbakbakan
hanggang makatagpo ng marangal na pamumuhay sa

gitna ng marahas at walang-awang lipunan. Mahusay na artista, naging bantog at


mayaman si Estrada kahit na tutol ang mga magulang sa kakulangan ng dangal ng
kanyang hanap-buhay. Nuong lamang 1969, nang mahalal si Estrada na alkalde ng
San Juan, Rizal, nabawi ang kalooban ng mga magulang. Sa gulat ng marami,
mahusay at bantog na alkalde si Estrada, at sa 16 taong panunungkulan, napahanga
niya ang lahat sa dami at galing ng kanyang mga nagawa sa San Juan.
Naputol lamang ang kanyang pamumuno duon nuong Pebrero 1986 nang
naghimagsik ang mga taga-Manila sa EDSA laban kay Ferdinand Marcos, na
kakampi ni Estrada. Napasama siya sa mga itiniwalag ng bagong pamahalaan ni
Pangulo Cory Aquino, ngunit nabalik siya sa politica nang nahalal siya sa sumunod
na taon bilang senador ng Batasang Bayan [Philippine Congress]. Nagpatuloy ang
bagong buhay niya sa politica nang manalo siya bilang Pangalawa [vice president]
nuong 1992 nang naging Pangulo si Fidel Ramos.
Kinalaban siya ng pambato ni Ramos, si Jose de Venecia, sa sumunod na halalan
ngunit sa kanyang palatok sa madla ng 'Erap Para Sa Mahirap', at sa tulong ng
mga dating kakampi niya sa pamahalaan ni Ferdinand, nanalo si Estrada. Nuong
1998, hinirang siyang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari
niyang gampanan sa buhay. Ang hirap
lang, hindi nagampanan. Sa kanyang
pagkahirang nagsimula, mula sa
pinakamatayog na tagumpay niya,
natupad ang pinakamasakit na bagsak ni
Estrada. Marahil, dahil napahaba nang
husto ang paggantimpala sa sarili, o
maaaring nawaglit sa isip ang mga
alituntunin na naghatid sa kanya sa
Malacanang. Nakalimutan niya ang
maraming pelikula niyang nilabasan,
nalimot niya ang daan-daang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang
pamumuhay nang marangal.
Nalimot niya na marahas at walang-awa ang lipunan.
Agad kumalat ang balita ng midnight cabinet, lasingan sa hatinggabi sa Malacanang
kasama ang mga kaibigan, inuman ng imported na alak, 1,000 piso ang halaga ng
bawat bote. Kumalat ang bulungan ng suhulan at walang tigil na pagkurakot sa
pamahalaan. Sitsit-sitsit din ang bahay para sa isa sa mga querida , mahigit 1 milyon
piso ang halaga. Pinabayaan, hindi pinansin, walang tiyaga sa panunungkulan, hindi
kaya o ayaw magtrabaho, nawalan ng tuntunin ang pamahalaan ni Estrada.
Sinabayan pa naman ng pagbagal ng kalakal at paghanapang-buhay [economy] sa
Pilipinas at buong Asia kaya nainis at nabalisa ang mga nagkakalakal at mga
nagpupundar [financiers], ang mga bangko at kawanihan ng pananalapi [financial
institutions] sa patuloy na pagkalugi sa Pilipinas, lalo na sa Makati.

Nakasama ng mga inis at ng mga balisa ang 3 pang pangkat na galit sa pagiging
pangulo ni Estrada, at sa loob ng 2 taon lamang, naglinaw ang opposition:
1.
2.

3.

4.

Mga inis at balisang nagkakalakal at nagsasalapi [financiers] na nalulugi sa


Makati , hindi nakasali o nausog ng mga alalay ni Estrada.
Simbahang katoliko. Nuong kampanya pa lamang, ipinagmalaki na ni
Estrada ang dami ng kanyang mga querida, ang kanyang mga anak sa
labas, mga eskandalong tangi at hinangaan, pahiwatig ng pagkalalaki,
ngunit itinuring ng simbahan na sampal sa mga utos ng simbahan at
pagyurak sa pag-aamuki ng mga pari sa mga sumasamba.
Mga old guard politico, lalo na ang mga pinuno ng unang EDSA na
nagpabagsak kay Marcos. Tinalo na nga ang isa sa kanila, si Jose de
Venecia, sa halalan nuong 1998, may insulto pa si Estrada tuwing tututol
sila sa mga balak, Ako ang nahalal na pangulo, hindi kayo!.
Ang mga pahayagan at media, maiglap na ikinakalat sa buong kapuluan
ang anumang bulong at sumbong laban kay Estrada o sa kanyang mga
kaibigan at tauhan. Ilang ulit, naghiganti si Estrada sa ilang pahayagan,
nilibak niya ang sinuman sa media na pumintas sa kanyang pamamahala.

Sinuman ang nais maging pinuno ng bayan ay laging luhod sa mga pangkat na ito,
kahit na si Ferdinand nuong una, ngunit hindi lamang sila inirapan, hinamon pa at
ginapi ni Estrada.
Sumubo ang baho nuong Oktobre 9, 2000, nang naghayag si 'Chavit' Luis Singson,
governador ng Ilocos Sur at kainuman ni Estrada, na "nilagyan" niya si
Estrada ng 8 milyon dolyar na suhol mula sa mga nagpapasugal ng
jueteng, at mahigit 2 milyong dolyar na kurakot mula sa buwis sa tabako.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Pagkaraan ng 5 araw, nagbitiw
ang Pangalawa [vice president] ni Estrada, si Gloria Macapagal Arroyo,
sa tungkulin bilang kalihim ng Social Welfare and Development at
sumama sa opposition. Wala pang 10 araw pagkahayag ni Governador
Singson, nuong Oktobre 18, 2000, sinimulang usisain ng house of
representatives ng Batasang Bayan [Philippine Congress] ang mga ulat
ng suhol at pagkaltas sa buwis. Sa kalagitnaan ng pag-uusisa, nuong
Nobyembre 2, 2000, tumiwalag ang maraming kinatawan [congressmen]
at mga pinuno ng Batasan mula sa pangkat pampolitica ni Estrada, ang PMP o
Pwersa ng Masang Pilipino [Power of the Filipino Masses] at nagbitiw sa
tungkulin ang 6 kasapi sa kanyang cabinete. Isang buwan lamang mula nang
magsuplong si Singson, nuong Nobyembre 13, 2000, naglabas ang mga kinatawan
ng Batasan ng impeachment o paratang kay Estrada upang alisin siya mula sa
pagka-pangulo.
Nagsimula nuong Disyembre 7, 2000, ang paglitis kay Estrada ng mga senador sa
Batasang Bayan, sa pamumuno ni Hilario Davide Jr., punong hukom ng Philippine
Supreme Court sa mga paratang na:

1.
2.
3.
4.

Tumanggap daw si Estrada ng 8.5 milyon suhol mula sa mga nagpapasugal


Kumarakot daw si Estrada ng 2.7 milyon mula sa buwis sa tabako.
Hinuwad pa raw ang pahayag niya ng kita, upang makadaya sa pagbayad
ng pansariling buwis
Hinadlangan daw ni Estrada ang pag-usig sa kaibigan niya ng Securities
and Exchange Commission sa salang pandaraya sa stock market
Bawal sa Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [constitution] ang
magpayaman habang nanunungkulan, ngunit nagpayaman daw si Estrada
habang pangulo ng Pilipinas nang sumali siya sa pagkakalakal ng lupa ng
pamilya niya

Tahimik ang pagdinig ng mga tao sa mga hayag ni Singson, ngunit


nagimbal ang buong kapuluan sa testigo ni Edgardo Espiritu,
dating kalihim ng pananalapi [secretary of finance] at tauhan ni
Estrada sa Malacanang, na katuwang [partner] si Estrada ni Dante
Tan sa BW Resources Company, na inuusig ng Securities and
Exchange Commission dahil sa pandaraya sa stock market . Sabi
daw ni Estrada kay Espiritu na malaki ang kinikita niya sa BW
Resources. Kaya ayaw daw ituloy ang pag-usig sa compania.
Lalong naniwala ang maraming tao na may mga kasalanan si Estrada nang tumestigo
si Clarissa Ocampo, vice
president ng Equitable-PCI Bank
na lumagda si Estrada sa pangalang
Jose Velarde sa mga dokumento
ng 10 milyon pisong pautang.
Nuong Disyembre 20, 2000,
nagbitiw ng tungkulin si George
Go bilang pangulo ng PCI Bank.
Kasama sa mga dokumento mula sa
PCI ay isang sobre [envelop] na
nais buksan ng 10 kinatawan ng
Batasan [House representatives] na
tagapag-usig [prosecutor] sa impeachment. Magpapatunay daw na mahigit 63
milyon dolyar ang naipon ni Jose Velarde sa iba't ibang deposito sa PCI.
Hindi tinukoy sa mga paratang! ang tutol ng mga senador na nagtatanggol kay
Estrada sa impeachment. Sa botohan kung bubuksan ang sobre,
11 senador ang kumampi kay Estrada na walang kinalaman sa
impeachment ang mga dokumento, samantalang 10 senador
lamang ang bumoto na isali ang mga dokumento sa paglitis kay
Estrada. Nanatiling nakasara ang sobre at, nuong Enero 16,
2001, nilisan ni Senador 'Nene' Aquilino Pimentel, pinuno ng
Senado, ang paglilitis sapagkat maliwanag na hindi makakamit
ang boto ng 15 senador na kailangan upang maalis sa pagkaPangulo si Estrada. Sumunod na araw, lumisan na rin ang 10

kinatawan ng Batasan na umuusig, pinamunuan ni Joker Arroyo. Sumama sila sa


libu-libong tao na nagsimulang magkumpulan sa dambana [shrine] ng EDSA upang
manawagan kay Estrada na umalis na sa Malacanang.

Kasama ang pamilya, alsa balutan si Estrada kinabukasan, Enero 20, 2001, matapos
niyang lagdaan ang pagbibitiw na isinulat ng opposition para sa kanya.
Pagkapananghali nuong araw na iyon, nagpanata ng tungkulin [oath of office] sa
harap ni Hilario Davide Jr., punong hukom ng Philippine Supreme Court, si Gloria
Macapagal Arroyo bilang kapalit na pangulo ng Pilipinas.
Nanaig muli ang lakas ng bayan [people's power].

EDSA Na Naman!
Erap's ouster is the people's will
but Gloria is not the people's choice
[Pasiya ng tao na alisin si Estrada
ngunit hindi si Gloria ang kanilang nasa]
- Karatula ng Sanlakas sa EDSA 2
Sana naman, wala nang EDSA Tres
- Pangulo Cory Aquino, bulong kay Cardinal Jaime Sin
nuong EDSA 2, Enero 20, 2001
NAPAG-ALAMAN nuong paglilitis sa Senado [impeachment] na kalahati lamang
ng mga mamamayan ang sang-ayon na alisin si Joseph Ejercito Estrada mula sa
pagka-pangulo ng Pilipinas kaya sinimulan ng opposition nuong Enero 17, 2001,
ang araw-araw at gabi-gabing panawagan ng libu-libong mga taga-Metro Manila sa
dambana ng EDSA, pinamunuan ng 2 dating pangulo, sina Cory Aquino at Fidel
Ramos, ni Gloria Macapagal Arroyo, pang-2 pangulo [vice president], at ni
Cardinal Jaime Sin, na nagsulsol sa mga tao,
"Keep up the good work!"
Nagwagi si Estrada sa Senado, barado na ang
impeachment nuong Enero 16, 2001, ngunit,
gaya ng nangyari kay Ferdinand Marcos, ang
dati niyang kakampi, naging madulas ang
lubusang tagumpay. Sa sumunod na 4 araw,
maghapon at magdamag naglamay sa
Malacanang si Estrada at mga kakampi kung
ano ang dapat gawin upang masaway ang EDSA
2, ngunit gaya ng kanyang pamumuno sa
pamahalaan, walang nagawa kundi napuyat. Samantala, panay ang sali sa kumpulan
sa EDSA 2 ng mga pinuno ng pamahalaan na sunud-sunod nagbitiw ng tungkulin at
nanawagang magbitiw na rin si Estrada. Umiral ang damdamin na walang tigil nang
nawawarak ang pamahalaan ni Estrada, hanggang nuong Enero 19, 2001, ipinaalam
ni General Angel Reyes, pinuno ng sandatahang bayan [chief of staff, Philippine
armed forces], kay Estrada na kampi na ang hukbo sa opposition. Kailangan nang
umalis si Estrada mula sa Malacanang.

Subalit bayani pa rin ng mga mahirap si Estrada at, napatunayan man o hindi ang
mga paratang sa kanya, marami ang naniwala na inalis lamang siya sa Malacanang
dahil hindi niya sinunod ang mga kagustuhan ng mga mayaman, dahil patuloy
niyang tinangkilik ang mga dukha. Bilang ganti, hindi nagtagal, ipinakita sa buong
kapuluan na, may sala o wala, tinatangkilik pa rin ng madla si Estrada.
Gloria Macapagal Arroyo: EDSA 2, EDSA 3...
Ngunit ako ang Pangulo ng EDSA dos at EDSA tres...
kaya ako narito, unang-unang humihingi ng tulong n'yo
- Gloria Macapagal Arroyo, sa harap ng Kabataang Makabayan
PINAKABANTOG na Pangalawa [vice president], 13 milyong boto ang tinanggap
ni Gloria Macapagal Arroyo nuong halalan
ng 1998, nang nahalal na pangulo si Joseph
Estrada. Ipinanganak kina dating Pangulo
Diosdado Macapagal ng Lubao, Pampanga,
at Dr. Evangelina Macaraeg ng Binalonan,
Pangasinan, nuong Abril 5, 1947, lumaking
sanay sa politica si Gloria. Nanalo siyang
senador sa kanyang unang pagkandidato
nuong 1992 at tumanggap ng 16 milyong boto
nang nahalal muling senador nuong 1995.
Nuong pang-2 pagsi-senador unang naungkat ang pagkandidato niya sa pagkapangulo ng Pilipinas. Sa pag-usisa ng Asia Research Organization [Gallup] nuong
Mayo, 1996, natantiya na tatalunin siya ni Estrada, Pangalawa nuon ni Pangulo Fidel
Ramos, sa napipintong halalan ng 1998 kung tatakbo rin sina Senador Miriam
Defensor Santiago at Senador Edgardo Angara. Sa usisa ring iyon, lumitaw na
tatalunin ni Gloria si Estrada, kung hindi tatakbo sina Defensor at Angara.
Nakatutukso, at maaaring nasa isip ni Gloria sa tanang pagkandidato at pagkahalal
niya bilang Pangalawa nuong 1998 nang naging pangulo si Estrada, sa tanang
panunungkulan niya bilang kalihim ng Social Welfare and Development sa
pamahalaan ni Estrada, sa tanang pagbitiw niya ng tungkulin nuong Oktobre 12,
2000 at pagsama sa opposition sa kalampagan ng EDSA 2 nuong Enero 2001.

Mano-mano, kaya niyang talunin si Estrada.


May mga ulat na nagsamantala lamang si Gloria at sumabit-sabit lamang kina Cory
Aquino, Fidel Ramos at Cardinal Jaime Sin upang mapansin bilang pampalit kay
Estrada. Totoong hindi lubhang sumikat si Gloria nuong mga unang araw ng
kalampagan muli sa dambana ng EDSA 2. Ang mga bantog nuon, maliban kina
Aquino, Ramos at Sin, ay sina Hilario Davilde, punong hukom ng Philippine
Supreme Court, si Joker Arroyo , kinatawan ng Batasang Bayan, at si Senador
'Nene' Aquilino Pimentel Jr., ang mga umusig kay Estrada sa paglilitis sa Senado
[impeachment]. Ngunit maaaring nagkubli lamang si Gloria nuong mga unang araw,
kaunting delicadeza, sapagkat may mga ibang ulat na si Gloria ang nagbuo ng
pangkat-pangkat na lumaban kay Estrada sa EDSA 2. Mga ulat na higit kapanipaniwala, batay sa mga pangyayari nuong mga huling araw nito, nang si Gloria na
ang nagmando sa mga parit-paritong pinuno ng mga nananawagan, sa mga tagamedia na naghayag ng mga nangyayari, sa mga sugong nakipagtawaran kina Estrada
sa Malacanang. Siya ang nakipagkasunduan sa mga pinuno ng hukbong sandatahan
[Philippine armed forces], ang huling
tumiwalag na siyang nagpabagsak sa
pamahalaan ni Estrada. Siya ang
nagpasiya kung kailan ihaharap kay
Estrada ang sulat ng pagbibitiw na
isinulat para sa kanya ng opposition.
Kung siya nga ang pinuno, o kahit isa
lamang sa mga utak ng EDSA 2,
dapat kilalanin na taginting siya sa
politica, dapat magpugay sa husay
niya sa pamamahala ng mga pangyayari. Dapat ding aminin, kung gayon nga, na
matagal pa bago nangyari ang EDSA 2, matagal pa bago unang nagsumbong si
Governador Luis Singson ng Ilocos Sur, marami nang kinausap si Gloria tungkol sa
pagtanggal kay Estrada. Suriin, sa pag-antal ng paglilitis sa Senado, nawalan ng
pagkakataon si Estrada na ipagtanggol ang sarili sa hukuman ng madla. At sa ingay
ng EDSA 2, hindi rin nagkaroon ng pagkakataon na sumalungat ang mga tao sa
kabilang panig, ang mga hampas-lupang tumangkilik kay Estrada sa kabila ng lahat
nang nasabi at paratang sa kanya. Napakalinis ang pagpapaalis, napakawalang pigil
ang sunud-sunod na tiwalag, napakaganap ang pagkatalo ni Estrada, napiit pa at
nililitis muli, upang mapaniwalaan na ang lahat ay basta nangyari lamang o
pinamahalaan ng marami.
Totoo o hindi, mano-mano, kaya niyang talunin si Estrada.
Nanaig man si Gloria, hindi rin naalis sa pagtatangi ng mga mahirap si Estrada, at
makapangyarihan pa ang mga kakampi ni Estrada sa politica. Samantala, ang mga
pangkat na nagkampihan sa EDSA 2 ay matamlay sa pagtangkilik kay Gloria,
marami pa ang nagtampo nang, sa halip na maglinis sa pamahalaan, ibinalik niya sa
kapangyarihan ang mga dating pinuno, waring bayad sa pagtulong sa pagtiwalag kay

Estrada. Sa magkatuwang na mga dahilang ito, ang dapat asahang mangyari ay


nangyari, nuong Abril 24, 2001, wala pang 100 araw pangulo si Gloria, nang dakpin
si Estrada sa paratang ng pagdambong sa yaman ng bayan.
Naghimagsik kinabukasan ang mga dukha ng Manila. Inaapi si Erap! Bagsak na,
sinisipa pa!
Hindi na matiyak ngayon kung nauna ang mga kusang lumusong sa dambana ng
EDSA upang umatungal o sumunod lamang sila sa mga inarkila ng mga alalay ni
Estrada upang maghiyawan duon. Kahit sino ang nauna, kumapal ang mga tao sa
EDSA at simbilis ng kidlat na sumali ang mga kalaban at mga napag-iwanan ng
bagong pamahalaan ni Gloria. Nang nagpatuloy sa mga sunod na araw ang paghakot
ng mga arkilado, ang paglusong nang kusa ng mga tao, ang pagsaliw ng mga
naunsiyaming politico, nabuo, habang tanaw ng media na naghayag ng mga
panawagan at atungal, ang kinatakutan ng dating Pangulo Cory Aquino, ang EDSA
3.
Binale wala nuong una ng simbahang katoliko at ng mga pinuno at madla ng EDSA
1 at EDSA 2 ang mga naganap nuong Abril 25 - Abril 30, 2001, sa akalang matitigil
kapag naubusan ang mga galamay ni Estrada ng salaping pang-arkila ng mga
hinahakot na tao, ngunit nuong Mayo 1, 2001, sa udyok ng 2 senador, si Juan Ponce
Enrile at si Miriam Defensor Santiago, lumusob ang ilang libong tao mula sa
EDSA papuntang Malacanang. Kalahating araw nagsira ng mga nadaanang ari-arian,
nanggulo sa mga lansangan, ginulpi ang mga taga-media na sumubaybay sa
kaguluhan. Nayanig ang Metro Manila, iba nang mukha ang namasdan. Hindi na
panggugulo na lamang ng mga arkilado, hindi na basta-basta agawan sa
kapangyarihan ni Gloria at ni Estrada.
Ito na ba ang aklasan ng mga mahirap, ang sukdulang haribas ng poot sa pagiging
aba sa lipunan, sa kawalang pag-asa sa kinabukasan.
Kalahating araw na lumaganap ang sindak sa mga nagkubli sa loob ng kanilang mga
bahay, baka masunog ang lungsod, ang kanilang mga tahanan, baka maglaho ang
kanilang trabaho, nang bigla at maganang sinagupa ng mga pulis at sundalo ang mga
nanggulo, sinupil at pinatigil, pinaurong mula Mendiola at pinakalat pauwi. Walang
napala ang mga dukha, nakapiit pa rin at inuusig si Estrada, ngunit nabalik ang
katahimikan sa Metro Manila at naghari muli ang kalagayang gaya-nang-datiwalang-nangyayari dahil maagap na sinapo ni Gloria ang kanyang pamahalaan.
Ipinadakip niya ang mga politico na matagal nang lumalabag sa batas. Inutos niya sa
Kagawaran ng Paggawa at Lingkuran [DOLE, Department of Labor ang
Employment] na ipagbawal na ang pag-arkila ng mga casual worker nang matigil
ang pagsasamantala sa mga maghahanap-buhay at mawasto na ang kanilang sahod.
Ipinangako rin ni Gloria na itutulak niya ang pag-sasaayos ng mga sakahan [land
reform] pati na ang mga hacienda ng pamilya niya. Sa sunud-sunod na sigasig,
maiglap na nakamit ni Gloria ang tiwala ng tao sa kanyang pamumuno sa

pamahalaan ng bayan. Marami ang nagulat, sapagkat ilan-ilan lamang ang


nakakaalam na dapat asahan ang mga nangyari, na likas ang kanyang kakayahan.
Siya man o hindi ang namahala sa pagpabagsak kay Estrada nuong EDSA 2, tiyak
naman na siya ang nagwagi sa EDSA 3.
Ngayon, sana naman wala nang EDSA 4...
Mga Pangulo ng Pilipinas
Ikalawang Presidente ng Pilipinas
Unang Republica (Pamahalaang Mapanghimagsik / Panahong ang Pilipinas ay
Sakop pa ng Espanya)
Emilio F. Aguinaldo

Taon ng Panunungkulan: Nobyembre 15, 1935 - Agusto 1, 1944 (Namatay sa U.S.)


Bise Presidente: Sergio Osmena Sr. (1936-1944)
Kapanganakan: Agusto 19, 1878
Lugar: Baler, Tayabas
Kamatayan: Agusto 1, 1944
Maikling Deskripsyon: Unang Presidente ng Pilipinas nuong panahon ng
Commonwealth. Isang magaling na politiko, binabansagan siya sa tawag na Ang
Kastila. Siya ang unang naging Presidente ng Senado.
Ikalawang Republica (Pamahalaan sa Ilam ng mga Hapon)
Jose P. Laurel

Unang Presidente ng Pilipinas


Taon ng Panunungkulan: Hunyo 12, 1898 - Abril 1, 1901
Bise Presidente: Mariano Trias (1899)
Kapanganakan: Marso 22, 1869
Lugar: Kawit, Cavite
Kamatayan: Pebrero 6, 1964
Maikling Deskripsyon: Presidente ng Unang Republika ng Pilipinas. Isang pinuno na
nakipaglaban sa mga Kastila at sa mga Americano para makamit natin ang ating
kalayaan
Panahon ng Commonwealth (Panahon ng Amerikano)
Manuel L. Quezon

Ikatlong Presidente ng Pilipinas


Taon ng Panunungkulan: Octubre 14, 1943 - Agusto 17, 1945
Bise Presidente: Wala
Kapanganakan: Marso 9, 1891
Lugar: Tanauan, Batangas
Kamatayan: Nobyembre 6, 1959
Maikling Deskripsyon: Siya ang Presidente nuong panahon na ang Pilipinas ay nasa
ilalim ng mga Hapon nuong ikalawang digmaang pandaigdig.
Sergio S. Osmena Sr.

Elpidio R. Quirino

Ikaapat na Presidente ng Pilipinas


Taon ng Panunungkulan: Agusto 1, 1944 - Mayo 28, 1946
Bise Presidente: Wala
Kapanganakan: Setyembre 9, 1878
Lugar: Cebu City, Cebu
Kamatayan: Oktubre 19, 1961
Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Pilipinas noong panahon ng
Commonwealth. Siya ang nagtatag ng Partido Nacionalista. Pinakamatanda sa mga
naging presidente ng Pilipinas, sa gulang na 67.

Ikaanim na Presidente ng Pilipinas

Ikatlong Republica (Kalayaan sa mga Amerikano)

Taon ng Panunungkulan: Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953


Bise Presidente: Fernando Lopez (1949-1953)
Kapanganakan: Nobyembre 16, 1890
Lugar: Vigan, Ilocos Sur
Kamatayan: Pebrero 29, 1956
Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Isang magaling na politiko at abogado, ang isa sa mga nagawa niya ay ang bigyan ng
amnistiya ang mga miyembro ng Hukbalahap.

Manuel A. Roxas

Ramon F. Magsaysay Jr.

Ikalimang Presidente ng Pilipinas

Ikapitong Presidente ng Pilipinas

Taon ng Panunungkulan: Mayo 28, 1946 - Abril 15, 1948


Bise Presidente: Elpidio Quirino (1946-1948)
Kapanganakan: Enero 1, 1892
Lugar: Roxas City, Capiz
Kamatayan: Abril 15, 1948
Maikling Deskripsyon: Ikatlo at huling Presidente ng Pilipinas sa panahon ng
Commonwealth (Mayo 28 - Hulyo 4 1946) at Unang Presidente ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas (Hulyo 4, 1946 Abril 15, 1948). Isang magaling na
abogado at politiko na nanungkulan lamang ng may dalawang taon dahil sa hindi
inaasahang pagkamatay dahil sa atake sa puso.

Taon ng Panunungkulan: December 30, 1953 - March 17, 1957 (Died in a airplane
crash)
Bise Presidente: Carlos Garcia (1953-1957)
Kapanganakan: August 31, 1907
Lugar: Iba, Zambales
Kamatayan: March 17, 1957
Maikling Deskripsyon: Ikatlong Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Kinilala dalhil sa matagumpay na pagpuksa sa Hukbalahap, isang kilusang
komunista. Idolo ng masa at tagapagtanggol ng kalayaan.

Carlos P. Garcia

Ferdinand E. Marcos

Ikawalong Presidente ng Pilipinas

Ikasampung Presidente ng Pilipinas

Taon ng Panunungkulan: March 23, 1957 - December 30, 1961(Assumed the


remaining term and re-elected)
Bise Presidente: Diosdado Macapagal (1957-1961)
Kapanganakan: November 4, 1896
Lugar: Talibon, Bohol
Kamatayan: June 14, 1971
Maikling Deskripsyon: Ikaapat na Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Kilala sa kanyang mga programang pangkabuhayan. Nakipagugnayan sya sa mga
kalapit bansa natin dito sa Asya para sa kalakalan.

Taon ng Panunungkulan: December 30, 1965 - February 25, 1986 (The first to win 2
presidential terms)
Bise Presidente: Fernando Lopez (1965-1972), Arturo Tolentino (1986)
Prime Minister: Prime Minister Cesar E. A. Virata (1981-1986)
Kapanganakan: September 11, 1917
Lugar: Sarrat, Ilocos Norte
Kamatayan: September 28, 1989
Maikling Deskripsyon: Ikaanim at huling Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
(Disyembre 30, 1965- Disyembre 30, 1973) at nagiisang Presidente ng Ikaapat na Republika
ng Pilipinas (Hunyo 30, 1981 - Pebrero 25,1986). Isang abogado at politiko na nanungkulan
ng mahabang panahon sa ilalim ng batas militar, at napababa lamang sa pwesto sa
pamamagitan ng mapayapang rebolusyon.

Diosdado P. Macapagal

Ikalimang Republica (Sa ilalim ng Bagong Constitusyon (Ang Peoples Power)


Corazon C. Aquino

Ikasiyam na Presidente ng Pilipinas


Taon ng Panunungkulan: December 30, 1961 - December 30, 1965
Bise Presidente: Emmanuel N. Pelaez (1961-1965)
Kapanganakan: September 28, 1910
Lugar: Lubao, Pampanga
Kamatayan: April 21, 1997
Maikling Deskripsyon: Ikalimang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Isang
magaling na abogado, politiko, at ekonomista, siya ay ipinanganak sa isang mahirap na
pamilya ngunit umangat sa lipunan dahil sa kanyang sipag, tiyaga, at katalinuhan.

Ikaapat na Republica (Batas Militar, Ang Bagong Republica at ang


Parliamentaryong Gobyerno)

Ikalabingisang Presidente ng Pilipinas


Taon ng Panunungkulan: February 25, 1986 - June 30, 1992
Bise Presidente: Salvador H. Laurel (1986-1992)
Kapanganakan: January 25, 1933
Lugar: Manila
Kamatayan: Still Living
Maikling Deskripsyon: Unang Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Siya
ang unang babaeng presidente ng Pilipinas. Minana niya sa kanyang asawa ang
pangunguna sa pagsalungat kay Ferdinand Marcos.

Fidel V. Ramos

Gloria Macapagal-Arroyo

Ikalabingdalawang Presidente ng Pilipinas

Ikalabingapat na Presidente ng Pilipinas

Taon ng Panunungkulan: June 30, 1992 - June 30, 1998


Bise Presidente: Joseph Estrada (1992-1998)
Kapanganakan: March 18, 1928
Lugar: Lingayen, Pangasinan
Kamatayan: Still Living
Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas.
Ang kanyang programa ay nakasentro sa tinatawag na Philippine 2000, na
naglalayong iangat ang Pilipinas sa pagiging industriyang bansa sa taong 2000.

Taon ng Panunungkulan: January 20, 2001 - Present


Bise Presidente: Teofisto Guingona (2001-2004), Noli de Castro (2004-Present)
Kapanganakan: April 5, 1947
Lugar: San Juan, Metro Manila
Kamatayan: Still Living
Maikling Deskripsyon: Ikaapat na Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas.
Siya ay anak ng dating presidente, Diosdado Macapagal, at pangalawang babae na
naging Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon.

Joseph E. Estrada

Ikalabingtatlong Presidente ng Pilipinas


Taon ng Panunungkulan: June 30, 1998 - January 20, 2001 (Deposed by "People Power")
Bise Presidente: Gloria Macapagal-Arroyo (1998-2001)
Kapanganakan: April 19, 1937
Lugar: Tondo, Manila
Kamatayan: Still Living
Maikling Deskripsyon: Ikatlong Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Isang aktor
at director sa pelikula na naging politico. Siya ay bumaba sa pwesto dahil sa nawalang tiwala
sa kanya ng publiko matapos na sya ay maparatangan sa salang korapsyon.

You might also like