Professional Documents
Culture Documents
MENSAHERO
Sa oras na iyon, kung kailan sinasaboy
Ng Araw ang kanyang liwanag sa lupa,
Kaaakyat pa lamang sa dalisdis ng bundok
Ang mga bakang aming pinapastol,
Nang biglang nakasipat ako ng isang katipunan
Ng mga babae, pawang nagsasayaw!
Pinamumunuan sila ng inyong inang si Agau,
Habang yaong sumunod na kumpol, pinaMunuan ni Autono, at ang ikatloy
Sa Ino ang nagkawan. Doon sila nagsipaghigaan,
Naantok sa sobrang pagod
May mga nahimlay sa lilim ng sanga ng pino,
May ibang nakatulog agad kung saanman sila napahiga,
Parot paritoy may mga nahimbing, sa gitna ng mga
Punong robles
Senyor, maniwala kayo: lahat silay mahinahon,
Di gaya ng inaakala niyong lango sa alak,
O kayay lagalag sa kahibangan at pahabul-habol
Sa pasikut-sikot na pagtakbo ni Aphrodit
Hinding-hindi po.
Ngunit, narinig ng inyong inang si Agau
Ang pag-ungol ng isa naming alagang baka
Bigla siyang tumindig, sumigaw nang napakalakas,
Kayat nagsigising ang mga kasama niya, nagpagpag
Ng muta at bulak ng antok mula sa kanilang mga mata
Ay! kahali-halinang pnorin sabay-sabay silang
Bumalikwas, matanda man o dalaga, kasal o birhen,
Lahat silay nagsibangon, nakalugay ang mga buhok
Na umabot hanggang balikat, samantalang yung iba, dahil
Kumalas ang tali ng bestidang yari sa balat ng usa,
Ginamit ang mga ahas na pahalik-halik sa kanlang pisngi
Bilang panghigpit sa nanluwag nilang damit.
May iba naman, halatang mga bagong ina,
Bumulwang sa gatas ang mga dibdib, at sa halip
Na taong sanggol ang pinasupsop, mga batang usa
At tutang lobo ang kinandili nang akap sa bisig.
Pinutungan nila ng koronang dahon ang kanlang ulo,
Baging at dahong-robles at namumukadkad na kroketas.
Yung isang babae, naghampas ng tungkod sa lupa,
At mula roy bumula ang sibol ng sariwang tubig;
Mayron ding nagtikin ng sangang-anito,
POZZO:
E si Lucky?
Ano?
VLADIMIR: Si Lucky?
POZZO:
'Di ko maintindihan.
Kahapon?
Aalis na 'ko.
VLADIMIR: Ano'ng gagawin ni'yo kung mahulog kayo tapos walang makakatulong
senyo?
POZZO:
Maghihintay kami hanggang sa makabangon kami uli. Tapos
magpapatuloy sa daan. Sulong!
VLADIMIR: Bago ka umalis, pakantahin mo muna siya.
POZZO:
Sino?
VLADIMIR: Si Lucky.
POZZO:
Pakantahin?
VLADIMIR: Pipi!
POZZO:
POZZO:
(biglang magngangalit). Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa 'kin sa
kaka-kelan mo! Kahindik-hindik! Kelan! Kelan! Isang araw, hindi pa ba sapat
'yan sa 'yo, isang araw napipi siya, isang araw nabulag ako, isang araw mabibingi
tayo, isang araw sinilang tayo, isang araw mamamatay tayo, sa parehong araw, sa
parehong sandali, hindi pa ba sapat 'yan sa 'yo? (Mas kalmado.) Nanganganak
silang nakabukaka sa ibabaw ng hukay, liliwanag nang isang saglit, saka biglang
babalot na muli ang dilim ng gabi. (Hahagipin ang tali.) Sulong!
Magsisilabasan sina Pozzo at Lucky. Susundan sila ni Vladimir hanggang sa dulo ng entablado,
nakamasid. Ingay ng pagbagsak, na pagayang mumuwestrahin ni Vladimir, upang ipaalam na
nahulog silang muli. Katahimikan. Lalapit si Vladimir kay Estragon, pagninilayan siya nang
ilang saglit, saka yuyugyugin siya upang gisingin.
ESTRAGON: (mababangis na pagkampay-kampay, mga salitang balbal, at sa wakas:)
Ba't ba hindi mo 'ko hayaang matulog?
VLADIMIR: Nalulungkot ako e.
ESTRAGON: Nanaginip kaya akong masaya ako.
VLADIMIR: Pampalipas-oras din.
ESTRAGON: Nanaginip akong
VLADIMIR: (marahas). 'Wag mong sabihin sa 'kin! (Katahimikan.) Totoo kayang bulag
siya?
ESTRAGON: Bulag? Sino?
VLADIMIR: Si Pozzo.
ESTRAGON: Bulag?
VLADIMIR: Sabi niya sa 'tin, bulag siya.
ESTRAGON: O e ano ngayon?
VLADIMIR: Para namang nakita niya tayo.
ESTRAGON: Napanaginipan mo lang 'yon. (Puwang.) Tara na. Hindi puwede. A!
(Puwang.) Sigurado ka hindi siya 'yon?
VLADIMIR: Sino?
ESTRAGON: Si Godo.
VLADIMIR: Sino?
ESTRAGON: Si Pozzo.
VLADIMIR: Hinding-hindi! (Hindi na ga'nong sigurado.) Hindi talaga! (Lalong hindi
sigurado.) Hindi nga.
ESTRAGON: Siguro, mas mabuti na ring tumayo ako. (Hirap na tatayo.) Aruy! Didi!
VLADIMIR: Hindi ko na alam kung ano'ng iisipin.
ESTRAGON: Ang mga paa ko! (Muling uupo saka susubuking hubarin ang botas.)
Tulong!
VLADIMIR: Natutulog ba 'ko nang magdusa ang iba? Natutulog ba 'ko ngayon? Bukas,
pagkagising ko, o sa akala ko'y gigising ako, ano kayang sasabihin ko tungkol
ngayon? Na kasama ang kaibigan kong si Estragon, sa lugar na ito, hanggang
sumapit ang gabi, ay hinintay ko si Godo? Na dumaan si Pozzo, kasama'ng
kargador niya, at kinausap niya kami? Marahil. Pero sa lahat ng 'yon, alin ang
totoo? (Si Estragon, makaraang maghirap nang walang kapararakan sa kanyang
botas, ay muli na namang matutulog. Titingnan siya ni Vladimir.) Wala siyang
malalaman. Ikukuwento niya sa 'kin ang mga ininda niyang gulpi at bibigyan ko
siya ng karot. (Puwang.) Nakabukaka sa hukay at hirap sa panganganak. Sa ibaba
ng butas, dahan-dahan, ipinansusungkit ng sepulturero ang sipit. May panahon pa
tayong tumanda. Napupuno ang hangin sa 'ting pagtangis. (Makikinig.) Pero
nakapangmamanhid din ang paulit-ulit. (Muling titingin kay Estragon.) Sa 'kin
din, may nakabantay, sa 'kin din, may nagsasabing, Natutulog siya, wala siyang
nalalaman, hayaan mo lang siyang humimbing. (Puwang.) 'Di ko na kayang
magpatuloy pa! (Puwang.) Ano'ng nasabi ko?