You are on page 1of 3

ANG ALAMAT NG BUNDOK MAKILING

Sa isang mataas na bundok ay may mag-asawang Bathalang


naninirahan. Sila ay may isang anak, si Maria. Si Maria ay kaisa-isang anak ng
mga bathalang sina Dayang Makiling at Gat Panahon. Ang kagandahan ni
Maria ay sadyang kahali-halina, lalo na sa paningin ng kanyang mga
magulang. Siya ang tanging ligayat kayamanan nina Dayang makiliing at Gat
Panahon.
Kahit na isang diyos, malayang nakakahalubilo ni Maria ang mga
ordinaryong tao. Noong panahong iyon, ang mga bathalat diyosa ay
malayang nakikipagkuwentuhan at nakikisama sa mga taong mortal. Ang
mga tao ay nakakahingi ng tulong sa mga bathala. Sila ay tinutulungan
naman ng mga bathala.
Nakaugalian na ni Maria na mamili sa Talipapa. Ang kanyang kasuotan
ay naaayon sa moda nang mga panahong iyon. Ang kanyang mahabang
buhok ay napapalamutian ng bulaklak. Bawat makasalubong niya ay
bumabati sa kanya dahil sa mapang-akit niyang mga mata. Ang mga
kalalakihan ay yumuyuko sa harap niya tanda ng paggalang.
Kasama ng dalawang alalay, ipinagpapalit ni Maria ang mga dala-dalang
luya tulad ng mga tela at iba pang gamit sa bahay. Hindi pa kilala noon ang
pera. Sa araw ng palengke, hindi lamang mamimili ang nasa Talipapa. Naroon
din ang mga mangangalakal na taga-ibang lugar. Dumarayo din sila sa
Talipapa uang makipagpalitan ng mga kalakal.
Isang araw ay napasyal sa Talipapa ang mga pinuno ng kahariang Bay.
Si Gat Dula. Isa siyang maharlikang tao. Hindi siya namimili sa Talipapa. Siya
ay si Gat Dula at ay nagpapalipas lamang ng oras. Nagkataon naman na si
Maria ay namimili din ng araw na iyon. Nagkabanggaan ang kani-kanilang
balikat nang kapwa nila kikilatisin ang isang pirasong mabalahibong balat ng
hayop.Nagkatinginan silang dalawa. Yumuko si Gat Dula bilang tanda ng
paggalang at paghingi ng paumanhin kay Maria. Waring nahihiyang ngiti
lamang ang itinugon ni Maria.
Simula ng araw na iyon ay hindi na mapakali si Gat Dula. Nabighani siya
sa kagandahan ni Maria. Bumabalik-balik siya sa Talipapa sa
pagbabakasakaling magkita pa sila ni Maria. Maraming araw din ang lumipas
pero siya ay nabigong makita ang magandang dyosa. Hanggang isang araw,
ang kanyang pananabik ay napawing lahat nang masilayan niyang muli ang
kagandahan ni Maria. Wala siyang inaksayang sandali. Dahan-dahan siyang
lumapit kay Maria at binati ito. Tinugon naman siya ni Maria ng isang

napakatamis na ngiti.
Magmula noon ay naging magkaibigan na ang dalawa hanggang sa
maramdaman nilang sila ay umiibig sa isat-isa. Nakalimutan ni Maria na isa
siyang diyosa na hindi nararapat na umibig sa tao.
Nagpatuloy ang matamis na pag-iibigan nina Maria at Gat Dula
hanggang sa ito ay makarating sa kaalaman ni Gat Panahon, ang ama ni
Maria. At siyempre pa, nagalit si Gat Panahon gayundin si Dayang Makiling.
Labis na nalungkot ang ina ni Maria sa pakikipag-ibigan ng anak sa isang tao
at hindi sa kapwa nila bathala.
Magmula noon ay pinagbawalan na si Maria na bumaba sa daigdig ng
tao. Inalisan din siya ng kapangyarihang mag-anyong tao. Sabihin pa, labis
itong ikinalulungkot ni Maria sapagkat iisa lang ang kanyang puso at ito ay
walang iba kundi si Gat Dula.Sa daigdig namay gayundin ang nangyayari kay
Gat Dula. Tapat at busilak ang pag-ibig niya Maria. Madalas ay nakikita niya si
Maria sa kanyang mga pangitain ngunit itoy biglang naglalahong parang
bula.
Biglaang nagkaroon ng digmaan sa kaharian ni Gat Dula. Nilusob sila ng
mga kalapit na kaharian sa pamumuno ni Lakan Bunto. Buong giting na
pinamunuan ni Gat Dula ang kanyang mga tauhan sa pakikipaglaban. Nagapi
nila ang mga kalaban at ni hindi lamang nagalusan si Gat Dula. Ang dahilan
nito marahil ay sa kanyang inspirasyon, ang kanyang marubdob na pag-ibig
kay Maria. Marami pang digmaan ang nakasagupa ni Gat Dula at lahat ng
iyon ay kanyang pinagwagihan. Nagtatagumpay siya sa mga kalaban maliban
sa kanyang pag-ibig kay Maria.
Sa labis na kalungkutan, si Gat Dula ay nagkasakit na naging sanhi ng
kanyang kamatayan. Lahat ng ito ay nasaksihan ni Maria ngunit wala siyang
magawa. Hiningi nya sa mga bathala na ibigay sa kanya ang kaluluwa ni Gat
Dula at siya namay pinagbigyan din ng mga bathala.
Nang mamatay sina Gat Panahon at Dayang Makiling, minana nina
Maria at Gat Dula ang lahat ng kayaman at kapangyarihan ng kanayang mga
magulang. Bilang pinuno, ipinagpatuloy ni Maria ang pagbibigay ng tulong sa
kanyang nasasakupan. Tulad ng Gawain ng ina, ikinakalat ni Maria ang mga
luya sa bakuran ng bawat bahay ng kanyang kaharian. Ang lahat ng ikinasal
ay kanyang binibiyayaan ng mga kagamitan.
Ngunit dumating ang panahon na ang kaharian ni Maria ay inabuso ng
kanyang mamamayan. Ang iba sa kanila ay hindi na marunong tumanaw ng

utang na-loob. Ang mga gamit na kanilang hiniram ay hindi na naibabalik kay
Maria. Dahil dito, nagalit si Maria. Nagpasiya siyang baguhin ang
lahat.Nagbigay siya ng ng mga bagong kautusan at batas. Ipinagbawal niya
ang pamimitas ng prutas sa gubat. Dahil sa kalupitan sa hayop, ipinagbawal
din niya ang pagpatay at pagbihag ng mga hayop. Ang sinumang sumuway
sa kanyang batas ay kanyang parurusahan. At bawat pagsuway sa kanyang
mg autos. Pinaiitim niya ang kalangitan at ibinubuhos ang malakas na ulan.
Pagkatapos ay hahagupitin niya ng malakas ang kalabaw upang kumidlat.

You might also like