You are on page 1of 31

1

KASAYSAYAN NG PILIPINAS (KASAPIL)


Mr. Renato G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

Ang Konteksto ng Kasaysayan


Masaklaw ang tinatalakay sa kasaysayan sapagkat samutsaring aspekto ang karanasan ng sangkatauhan.
Kasama sa prosesong historiko ang paglitaw, pag-unlad, at pagbabago ng mga institusyong panlipunan, pag-usbong
at pagyabong ng tradisyong pangkultura, pagpapalit ng panahon at mga katangian nito. Subalit naganap ang lahat
ng mga pangyayaring ito sa mga tiyak na panahon at pook, at sa mga partikular na lipunan. Kung gayon, dapat
tandaan na maging ang pamamaraan ng isang historyador ay nakapaloob lamang sa isang tiyak na konteksto ng
panahon, pook at tradisyong pangkultura.
Tatlong batayang salik ng kontekstong pangkasaysayan (historical context) o kontekstuwalisasyon
(contextualization) ng historyador: (1) ang pook o kaligirang pisikal, (2) ang period o panahon, at (3) ang tradisyong
pangkultura ng lipunan.
Ang Pook o Kaligirang Pisikal
Ang pagbabagong pisikal sa pook o kaligiran ay may kinalaman rin sa historikong proseso sapagkat siya
ang kaligiran ng mga pangyayari.
Ang Period o Panahon
Ang panahon o period ay nababatay sa mga panahong itinakda ng mga disiplinang heolohiya (geology) at
arkeleohiya (archeology). Para sa historyador, makabuluhan ang mga pangyayari sa isang partikular na panahon
kaya niya pinipili ang panahon na iyon upang pag-aralan. Karaniwan ding ang mga pangyayaring naganap sa loob
ng isang panahon ang nagbibigay karakter o kakaniyahan sa panahong iyon kayat itinuturing na interesanteng pagaralan.
Tradisyon o Sistemang Pangkultura
Kinakailangan sa pag-aaral ng kasaysayan kung anong mahalagang pangyayari ang nagaganap, at kung
sino ang nagbibigay dito ng halaga. Bilang tagalikha ng kasaysayan, lumilikha at nagpapayabong ng tradisyong
pangkultura ang mga tao sa lipunan sa isang tiyak na panahon at lokasyon. Tinutukoy natin ang kultura sa pananaw
na komprehensibo, kung papaano itong binibigyang kahulugan sa antropolohiya: malawak ang sinasaklaw,
pangkalahatan at ispesipiko, napag-aaralan, simboloko, kolektibong katangian kaya naipapasa sa salinlahi, dinamiko
at mapang-angkop. Mapag-pasiya ang papel na ginagampanan ng tao bilang tagapagdala ng mga katangiang
pangkultura sa pag-usad ng panahon at paghubog sa kaligiran. Naiimpluwensiyahan ng tao ang kalagayang pisikal,
binabago pa niya ang katangian nito kung paaano siya rin ay naiimpluwensiyahan nito, subalit nangyayari lamang ito
ayon sa mga tunguhing pangkultura sa tiyak na panahon.

Katangian ng Kalagayang Pisikal ng Pilipinas


Lokasyong Heograpiko, Klima at Ulan

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

2
Arkipelago ang Pilipinas na binubuo ng maraming hiwahiwalay na pulo, mula sa grupo ng mga pulong
tinatawag na Kalayaan o Spratley sa silangan, hanggang sa mga pulo ng Batanes sa hilaga, at ng Sulu naman sa
timog. Umaabot nang humigit-kumulang na 7,100 ang mga isla, na may sukat na 1,854 kilometro ang haba at 1,107
naman ang lawak. Sa kabuuan, may 1,294,450 km ang saklaw ng kalupaan at dagat na sakop ng Pilipinas
samantalang 299, 277 km naman ang kabuuang kalupaan.
Nakalugar ang Pilipinas sa bahaging timog ng kontinenteng Asya o Timog Silangang Asya. Matatagpuan ito
sa 4 30 hanggang 21 25 sa hilaga at 116 hanggang 127 sa silangan. Ang Dagat Timog Tsina ang hangganan ng
Pilipinas sa hilaga at kanluran, ang Karagatang Pasipiko naman sa silangan, at ang Dagat Celebes at Dagat Sulu sa
timog. Nahihiwalay sa kontinenteng Asya ang Pilipinas sa pamamagitan ng Bessi Channel mula sa Taiwan. Dahil sa
lokasyong nito sa kontinenteng Asya na nasa hilagang ng equator, pangkalahatang katangian ng klima ng Pilipinas
ang palitan ng halos magkapantay na haba ng tag-init at tag-ulan at ang pagkakaroon ng malalakas na pag-ulan
dahil sa galaw ng hanging amihan at habagat.
Sa pagitan ng Hunyo at Oktubre, ang habagat o southwest monsoon mula sa Karagatang India ang
pinakamalaking impluwensiya, na pinapalitan naman ng amihan o northeast monsoon mula Disyembre hanggang
Marso na tinatawag ding winter monsoon kung kayat nakakaranas ng malamig na hangin mula sa Siberia. Umaabot
nang 2,269 millimeter ang taunang bagsak ng ulan. Liban sa amihan at habagat, nararanasan din ang pagtatagpo ng
hanging nagmumula sa hilaga at timog na bahagi ng mundo ang tinatawag na Intertropical Convergence Zone (ICZ)
na pinagmumulan ng ating mga bagyo mula Hunyo hanggang Disyembre.
Yamang Likas ng Kalupaan
Biniyayaan ang arkipelago ng yamang likas tulad ng maraming ilog, malawak na karagatan, mayayamang
kabundukan at malawak na lupang sakahan. Nagmumula sa mga ilog, look, at dagat hindi lamang ang tubig na
mahalaga sa halaman, hayop at tao, kungdi pagkain, bukod sa nagiging daluyan ng transportasyon at kalakal.
May 421 na ilog sa Pilipinas, 58 look, mga 130,000 ektarya ng artipisyal na reservoir, at 100,000 ektarya
naman ng mga fresh water swamp. Sa kabuuan, may 2,400 na uri ng mga isda na makikita sa karagatan at ilog ng
arkipelago at halos 500 uri naman ng corals na pinagbabahayan ng ibat ibang uri ng mga yamang pandagat.
Sa ngayon, mga 20% ng kalupaan ang binubuo ng mga gubat na umaabot ng mga 6,015,000 na ektarya.
Mga 80,000 na ektarya nito ang itinuturing na virgin forest noong 1993. Tinatayang umaabot ng 3,800 ang mga uri ng
halamang tukoy at naitala lamang sa Pilipinas. Mahigit sa 600 uri ng ibon ang namamahay sa mga kabundukan ng
Pilipinas, kabilang na ang tinatayang 150 uri ng mga ibong palipat-lipat ng tahanan (migratory birds). Ilan sa
mayayamang gubat na pinagmumulan ng mahahalagang uri ng halaman at hayop ang Sierra Madre, Cordillera,
Mindoro at Palawan.
Mahigit 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati ay ni walang pangalan, marami ang
lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat, 46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro kuadrado. Sa dadalawa,
Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay kinakailangang magsimula sa
umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan
ng bayan.
Mga Bakas Ng Lumipas

26,000 - 24,000 SN, may tao na sa Pilipinas.


9,000 - 8,000 SN, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [Austronesians].
3,300 SN, nagsimulang humiwalay ang ibat ibang wikang katutubo mula sa isang ninunong wika.
2,100 SN, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobo mula sa humiwalay na mga wika.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

600, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon pa bago nagkalakal ng tunay
na porselana.
1001, dumating sa China ang mga sugo [ambassadors] mula Butuan.
1200, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikang Butuan.
1380, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol] upang magturo ng Islam sa
Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sa kanluran ng Mindanao.
1450, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [sultanate] ng Muslim.

Saan Mula Ang Lupa?


ANG alikabok na tinatapakan, nasisinghot at nagpapadumi ng damit ay galing sa sahig ng dagat, nalukot paitaas
nang mabundol ng sahig ng Pacific Ocean. Mula naman ang malalaking bahagi ng mga pulo sa bulwak ng mga
bulkan sa mga butas at siwang ng tipak na lupa na lumulutang sa kumukulong bato. Dating akala, kasama ng
Pilipinas ang Malaysia at Indonesia sa munting tipak na lupa na iniipit ng 3 naglalakihang tipak:
1. Sahig ng dagat Pacific, sa silangan;
2. Tipak ng Australia at India, sa timog at kanluran; at
3. Lupa ng China at Japan, sa hilaga.
Ngunit napagtanto nitong 1983 lamang na ang Pilipinas mismo ay 3 o higit pang magkakadikit na tipak na
nagkikiskisan at umuusad sa 3 o higit pang makakasalungat na tungo.
Bakit umuusad?
Ang sapantaha ng mga sayentipiko, batay sa mga katibayang nausisa mula nuong 1950s, ang kumukulong bato ang
siyang nagpapalutang at nagpapagalaw sa iba't ibang lupain ng daigdig - animo'y takip ng palayok o caserola na
itinutulak at pinaiiktad ng sumusubong sinaing. Ang nasukat na pinakamabilis na usad, hindi sa Pilipinas, ay 15
sentimetro o 6 pulgada sa santaon, ang pinakamabagal ay 2 sentimetro o kulang-kulang isang pulgada, santaon;
karaniwang usad ay kasing bilis ng tubo ng kuko sa daliri.
Patuloy ang gitgitan ng mahigit 12 piraso na natuklasang bumubuo sa balat ng daigdig, pati na sahig ng mga dagat.
Maraming lamat at butas dahil sa salyahan, at duon bumubulwak ang kumukulong bato na nakabalot sa buong
daigdig sa ilalim ng mga tipak. Ang tipak ng Pacific Ocean ang kinikilalang pinakamapanganib sa kasalukuyan;
tinawag na sinsing na apoy [ring of fire] dahil sa dami ng bulkan at lindol sa paligid nito. Kasama ang Pilipinas sa
sinsing, kasama sa pagsabog ng bulkan, kasama sa lindol.
Maikling Deskpripsyon ng Pilipinas
Sukat: 300,400
Bilang ng Pulo: 7,107 islands
Populasyon : Humigit kumulang sa 87 Milyon (estimate: 2005)
Kapal ng Tao : 295 katao gada 1 sq. km.
Nakatira sa Kabayanan : 61% (2003)
Nakatira sa Kabukiran : 39% (2003)
Inaasahang mabubuhay ng : 69.9 taon (2005)
Bilang ng sanggol na namamatay pagkasilang : 24 sa 1,000 pagsilang
Pursyento ng maypinagaralan : 96% (2005)
Lahing Pinagmulan : Malay race
Uri ng Gobyerno: 6 na taong pamamahala sa ilalim ng isang Presidente

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

4
Pambansang Salita: Filipino, Sinasalita ng karamihan - English
Relihiyon : Katoliko (83%), Protestante (9%), Islam (5%), Iba pa (3%)
Pangunahing Syudad : Manila, Baguio, Cebu, Davao
Sistemang pang Edukasyon: 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa high school, 4 na taon sa kolehiyo
Ang Mga Naging Pangalan ng Arkipelago:
- Nuong panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga dayuhang Chino ay nakikipagkalakalan na sa
Pilipinas. Nuong panahon ng pamumuno sa China ng pamilya Sung at Ming, taong 900 1300 AD,
tinawag na Mait (pulo ng ginto) ang ilang pulo ng Pilipinas, partikular na ang Mindoro.
- Nuong 1521, panahon ng pagdating ni Fernando Magallanes, pinangalanan niya ang mga kapuluan bilang
Islas de San Lazaro (Mga Kapuluan ni San Lazaro)
- Ang pangalang Pilipinas ay nanggaling sa salitang Kastila na Filipinas, na ibinigay ng isang Kastilang
manlalayag na si Ruy Lopez de Villalobos nuong 1543 AD sa pagpaparangal sa nuon ay batang prinsipe ng
Espana na si Prinsipe Felipe II.
- Nuong taong 1751, si Padre Juan J. Delgado, isang Hesuitang manunulat ng kasaysayan, ay tinawag ang
Maynila na Perlas ng Silangan dahil sa ito ay naging isa sa mga sentro ng kalakalan sa Asya kahit nuong
bago pa man dumating sa bansa ang mga kastila.
Sa kanyang huling liham, nuong 1896, araw bago maisagawa ang hatol na kamatayan, tinawag ni Dr. Jose
Rizal ang kanyang inang bayan bilang Perla del Mar de Oriente (Mutyang Mahalaga sa Dagat Silangan).
- Ang pangalang Filipinas ay unang lumitaw sa isang mapa na nalimbag sa Venice nuong 1554 sa
pangunguna ni Battista Ramusio, isang Italyanong heograpiko. Ang Kastilang salita na Filipinas ay nuong
lumaon ay napalitan ng pangalang Philippine Islands sa panahon ng pamamalakad ng Kolonyang
Amerika noong 1898.
- Napalitan ito ng pangalang Republika ng Pilipinas nuong kinilala ang kanyang kalayaan nuong 1946.

Isang pangarap na palitan ang pangalan ng Pilipinas:


Si Artemio Ricarte, isang Katipunang heneral, ay ninais palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Rizaline
Republic.
Si Ferdinand Marcos ay nagmungkahi na gawing Maharlika (pangalan ng kanyang grupo na kumalaban
sa mga hapon nuong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig) ang pangalan ng Pilipinas.

Lenguahe at Dialekto sa Pilipinas:


Ayon sa pagsasaliksik ng isang Americanong linguistiko na si Richard Pitman, tinatayang nasa 55 uri ng katutubong
lenguahe at 142 dialekto ang matatagpuan sa Pilipinas. Lahat ng katutubong salita ay base sa Malay at Polinisyang
salita. Ang pursyento ng mga pangunahing lenguahe sa Pilipinas ay:
1. Cebuanos Cebu, Western Leyte, Bohol, at Eastern Negros, Zamboanga at iba pa. (24.39%) region 7, 9,
10 at ilan sa 11
2. Tagalog Central at Southern Tagalog Region (23.82%)
3. Ilocanos Ilocos at La Union (11.14%) karamihan ay sa region 1
4. Ilonggos or Hiligaynon Western Negros, Southern Mindoro, at Panay Island (9.99%) region 6 at ilan sa
11
5. Bicolanos Bicol Region <Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon>
(6.96%) region 5
6. Waray-waray Samar and Eastern Leyte (4.62%) region 8
7. Ibanags (Cagayanos) Cagayan (3.80%)
8. Pampanguenos (Kapampangans) Pampanga (3.43%)
9. Zambals Zambales (2.70%)
10. Pangasinenses Panggasinan (2.26%)
11. Iba pa (6.89%)

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

5
Ang English ang isa sa pinaka gamit na salita sa Pilipinas lalo na sa larangan ng politika, edukasyon at komersyo.
Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang hindi English ang pananalita subalit isa sa pinaka gumagamit
ng English bilang salita.

Sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas


Panahong Prehistoriko Hangang Protohistoriko
Periodization
Hiniram mula sa heograpiya at heolohiya ang mga terminong may kaugnayan sa pagbubuo ng arkipelago
bilang prosesong pisikal sa Pleistocene period. Samantala, mula sa historical archeology at comparative archeology
naman kinuha ang batayang pagkakahati ng sinaunang panahon sa Prehistory hanggang Protohistory. (Tingnan ang
Table 1)

Table 1. Buod ng Kasaysayang Heolohiko at Ebolusyonaryo


ERA

PERIOD

EPOCH

HANGGAHAN

ANYO NG BUHAY

Recent
Pleistocene

10,000
2,500,000

Homo

QUATERNARY

Pliocene
Miocene
Oligocene
Eocene
Paleocene

12,000,000
26,000,000
38,000,000
54,000,000
65,000,000

Grazing and
carnivorous
mammals

Cretaceous
Jurassic
Triassic

136,000,000
195,000,000
225,000,000

Primates, flowering plants


Birds
Mammals, dinosaurs

Permian
Devonian
Silurian
Ordovician
Cambrian

280,000,000
395,000,000
430,000,000
500,000,000
570,000,000

Reptiles, fern forests


Amphibians, insects
Vascular land plants
Fish
Shellfish

700,000,000
1,500,000,000
3,500,000,000
4,650,000,000

Algae
Eucaryoctic cells
Procaryotic cells
Formation of the Earth

GENOZOIC
TERTIARY

MESOZOIC

CARBONIFEROUS
PALEOZOIC

PRECAMBRIAN

Prehistory
Itinuturing ang panahong prehistoriko ng Pilipinas bilang pinakasinaunang panahon ng pagbubuo ng
arkipelego at tradisyong pangkultura batay sa mga nakalap na ebidensiya. Ayon sa mga datos na heolohiyo,
R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

6
itinatakda ang may katiyakang pagsisimula ng mga ebidensiya sa panahon ng Pleistocene, may 2 milyong taon (mt.)
na ang nakalipas. Itinatakda naman ang pinakamalapit na hanggahan sa 10 libong taon (lt.) bago ang kasalukuyan.
Tinatayang sa loob ng mahabang panahon ito, nabuo ang kasalukuyang anyo ng arkipelago at lumitaw ang mga
likas na yamang pisikal at biyolohiko na nagbibigay ng kakaniyahan sa grupo ng mga pulo.
May dalawang paghahati ang prehistory kung ibabatay sa teknolohiya o tradisyong pangkulturang lumitaw
ang Panahon ng Lumang Bato (Paleolithic) at ang Panahon ng Bagong Bato (Neolithic). Nakapaloob sa mga
panahong ito ang dalawang pangunahing ebolusyonaryo ng pag-unlad ng tao, ang proseso ng homonisasyon
(homonization) at sapientisasyon (sapientization).
Protohistory
Protohistory ang panahong pinakamalapit sa kasalukuyang anyo ng Pilipinas at sistemang pangkalinangan
nito, kayat tinatawag rin itong Proto-Philippine. Bagamat may pagtalo-talo sa petsa ng hangganan minabuting ilagay
ang pagsisimula nito sa panahon ng paggamit ng metal (tanso, bakal at bronse) at pagpapalaganap ng kalakalan sa
karagatan. Ito rin ang panahon ng pagkakabuo ng pangrehiyong karakter ng Timog Silangang Asya at, para sa
arkipelago, ang paglitaw ng mga kalipunang etniko, kasama na ang paglaganap ng tradisyong Islamiko na naging
elementong pangkultura din sa arkipelago. Kaya matatayang nagsimula ito sa 10 lt. bago ang kasalukuyan hanggang
ika 16 dantaon nang narating ang integrasyong pangkultura ng may anyong Filipino bago naimpluwensiyahan ng
Kanluraning kultura (Western culture).
Paghubog sa Arkipelago
Hinubog sa mahabang panahon noong sinaunang kasaysayan ng Pilipinas ang kalagayang pisikal ng
buong arkipelago. Isang proseso ng partikularisasyon ang naganap sa mahabang panahon mula sa tinaguriang PreCambrian (kung saan lumitaw ang mga unang organismo), na humantong sa paglitaw ng mga katangian ng strata ng
kalupaan at unang ebidensiya ng likas na yamang biyolohiko sa panahon ng Paleozoic. Sa period na ito lumitaw ang
mga unang vertebrate at puno.
Sa epoch na Pleistocene ang pinakamasasandigang pagsisimula ng kasaysayan ng pagkakabuo ng
arkipelago may halos 200 mt. na rin ang nakalilipas. Matatantiyang tumagal nang 135 mt. ang pinakasinaunang
yugto na ito, at sinundan pagkatapos ng may 25 mt. na proseso ng pagkakahubog ng kapuluan, batay sa mga
pinakaunang fossil at bato na nahukay. Period ito ng pabago bagong sea level dahil sa galaw ng mga glacier na
natutunaw, kayat sa pana-panahon ay nakalantad ang mga ridge na nag-uugnay ng Pilipinas sa mga karatig na
lupain. Bunga ng mga pagkilos na ito, nagkaroon ng paglaganap at palitan ng mga uri ng halaman at hayop sa
magkakalapit ng mga pulo. Ang paglaganap na ito ng mga yamang biyolohiko ang isa sa pinagbabatayan ng
pagkatulad ng mga halaman at hayop sa mga pulo saTimog Silangang Asya.
Proseso ng Homonisasyon at Sapientisasyon
Ang proseso ng paggawa sa sarili, kasama na ang pagiging marunong o sapiens ang kahulugan ng
homonisasyon. Sa teorya ng ebolusyon, mararating ang yugtong ito ng pagiging tao ng tao, mga 4 mt bago ngayon.
Sa prosesong naganap bago ang panahong ito, nilikha ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpapalitaw
ng kulturang naging batayan ng paghihiwalay niya sa ibang hayop. Ang malikhaing kakayahan ang namumukod na
katangiang ginamit ng tao upang harapin at pangibabawan ang mga hamon ng kalikasan upang mabuhay sa tulong
ng mga instrumentong kaniyang pinanday.
Mula Ramapithecus at Australopithecus ang pinalalagay na pinagmula ng tao hanggang sa ito ay maging
Homo sapiens. ( tingnan sa table ng fossil hominid).

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

7
Ang sapientisasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagiging nakakaalam ng kasalukuyang panahon at
pagkakaroon ng kapasidad sa produksiyon, ibig sabihin, may kakayahang gumamit ng mga instrumento upang
aktibong harapin ang hamon ng kalikasan sa pagpapalitaw ng mga pangangailangan sa buhay.
Sa pangingibang-lupain ng mga Austronesian, naikalat din nila ang pagtatanim sa panahong neolitiko.
Nakabatay sa halamang ugat ang Neolitikong katangian ng mga hortikulturista. Kanlurang Asya at Timog Silangang
Asya ang dalawang pinaglitawan ng Neolitiko sa Asya dahil sa paglaganap ng mga Austronesian. May dalawang
teorya na naging ruta ang mga proto-Austronesian. Sinasabi ng una na nagmula sila sa Peninsula patungong
Indonesia muna, pagkatapos ay Pilipinas, Pasipiko, at Madagascar (ayon kay H. Kern). Sinasabi naman ng isa pang
teorya na sa Formosa o Taiwan ang pinagdaanan nila. Ito ang teorya nila Shutler, Jr. at Marck.
Mahalaga ang papel ng mga Austronesian sa paglalatag ng tradisyong pangkalinangan ng arkipelago. Hindi
wasto ang naging palasak na pananaw na dala ng Waves of Migration Theory hinggil sa unang tao sa Pilipinas. Sa
halip, ang paglaganap ng mga Austronesian ang wastong pananaw.
Lumaganap ang hortikultura at teknolohiyang bakal kasabay sa paglaganap ng mga Austronesian. Ang
paglilibing sa tapayan, paghahabi, at paggawa ng glass beads ang iba pang katangian ng kanilang materyal na
kultura. Nagpatuloy ang migration mula Pilipinas hanggang 100 BK, umunlad ang rice culture sa kontinente at
kumalat sa ibat ibang dako. Partikularisasyon sa Timog Silangang Asya ang naging tunguhing historikal pagdating
ng 200 MK. Dahil din dito, nagkaroon ng hiwalay na tunguhin historiko ang arkipelago upang malikha ang katangian
proto-Philippine may batayang Austronesiko at panghihiram din sa Sanskrit at Tsino ng mga wika sa Pilipinas.
Katangian rin ng mga lipunang proto-Philippine ang pagkakaroon ng natatanging tradisyong pampalayukan,
paglilibing, at mga minahan ng ginto, bakal, tanso at bronse; higit na produktibong agrikultura at pakikipagkalakalan
at naging sentro pa nga ng populasyong at komersiyo, tulad ng baybaying ng Rio Grande sa Cagayan, Lingayen sa
Pangasinan, Maynila-Mindoro-Pampanga, ang Leyte-Cebu-Samar, at ang Butuan at Sulu. Higit na naging mabilis
ang tunguhin sa integrasyons pampolitika ng mga estadong etniko dahil sa paglaganap ng Islam na dala ng
kalakalan mula noong ika -14 na siglo.

TALAHANAYAN NG EBOLUSYON NG HOMINID SA MUNDO


FOSSIL HOMINID

HANGAHAN

Ardipitecus ramidus

4.4 mya

Australopithecus
anamensis
Australopithecus
afarensis

4.2 mya

Australopithecus
Africanus

3-2.4 mya

Australopithecus
robustus (South African
variety)

4-2.9 mya

1.8 1.6 mya

SELECTED SITES

MGA KATANGIAN

Aramis, Ethiopia
(East Africa)
Allia Bay
Kanapoi (North Kenya)
Hadar, Ethiopia
Laetoli (East Africa)

- bipedal
- bipedal
-

Bipedal
lived in a woodland

Taung
Makapangsgat
Sterkfontein
(Southwest Africa)

bipedal
cranial capacity: 450
c.c.
diet of seeds & nuts

Kromdraii
Swartkrans
(South Africa)

Australopithecus
Bosei (East African
variety)

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

bipedal
cranial capacity: 504
c.c.
diet of leaves &
fruits
presence of cranial
crest

8
Homo habilis

2.0 1.8 mya

Lake Turkana, Kenya


Omo River
Valley, Ethiopia
Olduvai Gorge, Tanzania
(East Africa)

Homo erectus

1.8 mya 150 kya

Homo neandertalensis

75 kya 35 kya

Africa
Algeria
Morocco
China
Indonesia
Europe
Middle East

Homo sapiens

125 kya Africa


92 kya Levant
35- 40 kya - elsewhere

Worldwide

bipedal
cranial capacity: 800
c.c.
associated with the
Oldowan tool
tradition
moved in small
bands
bipedal
cranial capacity:
750- 1,250 c.c.
flattened vault
prognathic
sagittal ridge
bipedal
cranial capacity:
1,524 1,640 c.c.
for males; 1,270
1,425 c.c. for
females
occipital bunning
associated with the
Mousterian tool
tradition
wore clothing
buried their dead
bipedal
cranial capacity:
1,000 2,000 c.c.
art boom

Ang Unang Tao sa Pilipinas


Alamat
Ang lawin, matapos awayin ang panginoon ng dagat, ay lumapag sa isang pulo upang magpahinga. Namataan niya
ang isang malaki at matayog na punong kawayan. Pinagtutuka, at nabiyak ang kawayan. Lumabas mula sa biyas si
Maganda at si Malakas, ang unang tao sa Pilipinas.
Ayon sa Agham
Ang mga tao na unang nagka-katawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon, araw-araw at habang-buhay, ay
tinawag na mga unang taong nakatindig [homo erectus], natuklasan sa 2 bahagi ng Asia at tinawag na taong Java
[Java Man] at taong Peking [Peking Man].
Unang natuklasan ang bungo ng taong Java nuong 1861 malapit sa Trinil, sa Java, Indonesia, ni Eugene Dubois at
inakalang 700,000 taon ang tanda. Pagkaraan ng 100 taon, nuong 1969, natuklasan ang isa pang bungo ng taong
Java sa Sangiran naman, sa Java rin, at natantong 1.7 milyon taon ang tanda. Ang taong Peking ay inakalang
kulang-kulang kalahating milyong taon ang tanda matapos natuklasan ang bungo sa China, malapit sa Beijing, ngunit
hindi matiyak sapagkat nadurog ang bungo sa bombahan nuong nakaraang digmaan.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

9
May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa Tabon [Tabon cave], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN.
Sabi ng mga anthropologists na sila ay taong kasalukuyan [homo sapiens] at hindi mga unang tao. Maaari daw na
kauri sila ng mga unang katutubo o aborigines ng Australia, ang Koori na dumayo mula Asia 60,000 taon nakaraan,
at ng Japan, ang Ainu na dumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing 10,000 taon] SN. Ang katunayan ay
may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kung hindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam
kung ano sila, maliban sa hindi sila Negrito.
Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas?
Malamang. Baka naman hindi, maaaring may ibang nauna. Ang pinakamatandang katibayan ay ang tao sa Tabon,
kaya masasabing 'katunayan' na hindi Negrito ang unang tao sa Pilipinas. Ngunit hindi pa matiyak kung kailan
dumating ang mga Negrito, kaya hindi pa masasabing 'katotohanan' ito. Ang mga gamit na bato na natuklasan sa
Cagayan Valley ay maaaring ilang daan libong taon ang tanda. Negrito ba o hindi ang may gawa?
Ang dating sapantaha ay nakarating sa Pilipinas ang Negrito nuong huling Ice Age 30,000 taon hanggang 18,000
taon SN, nang bumabaw ang dagat at nakalakad ang tao sa lupang lumitaw mula Vietnam, Indonesia at Malaysia.
Iyon ang sapantaha dahil akala walang alam ang Negritong magbangka o maglakbay sa dagat. Maaaring totoo ang
sapantaha, maaaring mali ang akala. Marunong gumawa ng bangka at sagwan ang mga aborigine sa New Guinea
at Melanesia, gamit ay palakol at askarol na batong pinatulis, at marunong mamangka nang maghapon. Marunong
`din kaya ang mga Negrito na gamit din ay bato, at kailan natuto?
Ang katotohanan ay walang may alam kung kailan o kung saan nanggaling ang Negrito. Kung tutuusin, walang
patunay na may Negrito o nagkaroon kailan man ng Negrito sa Pilipinas, maliban sa nasa Pilipinas sila. Ngayon at
noong matagal na. Walang patunay sapagkat mahirap matunton sa sukal ng gubat ang mga gamit nila, ang
pamumuhay nilang palaboy-laboy, walang bahay o pirmihang tirahan, o libingan ng patay.
Sila ang pinaka-hindi-pinansin sa lahat ng tao sa daigdig; sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang pangkatpangkat [walang tribo ang mga Negrito; angkan-angkan lamang ang pagsasama-sama nila]. Ang Aeta ng Zambales,
Cagayan at Isabela, ang Agta, Arya, Ata at Ati ng Panay at Negros, ang Baluga, ang Batak ng Palawan at ang
Mamanuwa ng Mindanao. Ngunit hindi pa nagtagal, sila ang pinakamadanak sa maraming pulo, gaya ng Panay
[pinangalanan mula sa tawag nila sa isang halaman, ang aninipay] at ng Negros, pinangalan ng ganuon ng mga
Espanyol dahil sa dami nila duon nuon.
Magkakaiba ang kanilang gawi; ang mga Aeta ng Cagayan at Isabela ay mapusok, ang mga Batak ng Palawan ay
kimi, maraming bulaklak sa kawatan at patagu-tago sa gubat. Malamang magkakahiwalay at magkakaibang
panahon, daan-daan o libu-libong taon ang pagitan, ang pagdating nila sa Pilipinas.
Sinasabing dinatnan ng mga Mangyan ang mga Negrito sa Mindoro 600 - 700 taon SN at, naitaboy man nila mula sa
mga dalampasigan, hindi naman nila inapi at kuway nakipagkalakal pa, lalo na ang mga gintong iniluluwas ng mga
Negrito mula sa bundok. Ang ginto ang naging batayan ng kalakal ng mga Mangyan sa mga nagpapabalik-balik na
Intsik nuong kaharian ng Sung at ng Ming nuon ika-13 sandaang taon [13th century]. Hinayag ng mga Intsik ang
kalakal sa pulo na tinawag nilang Mait, ang pulo ng ginto o Min-o-Lo. Ang kalakal naman ng Intsik, lalo na ang
kanilang mga banga at mangkok, ang umakit sa mga taga-ibang pulo na magkalakal sa Mindoro, pati na marahil
ang mga Hanuno, kaya masagana ang mga Mangyan hanggang dumating ang mga dayong Muslim na nagtaboy sa
kanila sa bundok, gaya ng nangyari sa mga Negrito dati sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
Walang sukat ang poot ng mga Espanyol nang matuklasan nilang mga Muslim ang ilang Hanuno nuong ika-16
sandaan taon [16th century] at pinuksa nila hanggang sa looban at bundukin ng Mindoro. Napasamang naapi at
nalipol ang lahat ng mga Mangyan at Negrito sa matagal na digmaan. Ngayon, patuloy pa rin ang pagkaapi at

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

10
pagtataboy sa mga Mangyan ng mga dayo mula sa Luzon at Visayas, at ang pagsira ng mga loggers sa kanilang
mga kaingin at pananim sa bundok.
Ilan sa mga Katutubong Grupo (Indigenous Groups) na matatagpuan sa Pilipinas
Sa Apayao
1. Apayao o Isneg
Sa Kalinga
2. Kalinga
Sa Benquet at Mountain
Province
3. Ifugao
4. Igorot
5. Ibaloy
6. Kankanay
7. Bontok
8. Benguet
Sa Isabela
9. Gadang
Sa Zambales
10. Negrito o Aeta
Sa Quezon
11. Ken-uy
Sa Mindoro
12. Mangyan
a. Alangan
b. Bangon
c. Batangan
d. Buhid
e. Iraya
f. Nauhan
g. Ratagnon
h. Tagaydan
i. Hanuno

Sa Palawan
13. Tagbanuwa
14. Batak
15. Tagabato
16. Taut-bato
17. Molbog
18. Jama-Mapun
Sa Surigao del Norte
19. Mamanuwa
20. Kalibugan
21. Subanun
Sa Zamboanga del Sur
22. Samal
Sa Maguindanao, Cotabato at
Sultan Kudarat
23. Manobo
24. Tiruray
25. Iranun
26. Tboli
Sa Davao Oriental
27. Mandaya
Sa Davao del Sur
28. Bagobo
29. Blaan
Sa Basilan
30. Yakan
Sa mga pulo ng Sulu
31. Tausug
32. Buranun
Sa Karagatan ng Sulu
33. Badjao

Ang Ugnayan ng Arkipelago ng Pilipinas sa Ibat Ibang Kabihasnan sa Asya


Ang historikong panahon ng Pilipinas ay kalimitan binabatay na nagsimula noong 1521, ang taon ng
pagdating ni Magallanes sa Pilipinas dahil sa mga tala ni Antonio Pigafetta ang kasamang chronicler ni Magallanes.
Ngunit may ilang mga tala na patungkol sa Pilipinas bago pa ang siglo 16, ito ay ang mga tala mula sa dalawang
sibilisasyon na may kaugnayan sa pagbuo ng kabihasnan sa Pilipinas, ito ay ang impluwensiyang Hindu ng India at
impluwensiyang Tsina.
Ang impluwensiyang Hindu ay hindi direktang dinala sa arkipelago ng Pilipinas kundi sa pamamagitan ng
mga naimpluwensiyahang Malayo na namalagi sa arkipelago. Dahil sa mga proseso ng pagpapalit ng mga kultura
dala ng pangangalakal at pagtawid dagat nagkaroon ng mga ganitong pagsasalin ng kultura mula India hanggang
Timog Silangang Asya. Samantalang ang impulwensiya ng kulturang Arabo ay nagsimula noong kalagitnaan ng siglo
14 kung saan dala-dala ng mga Arabong mangangalakal ang relihiyong Islam sa Timog Silangang Asya.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

11
Noong siglo 13 nagsimulang mgangalakal ang mga Tsino sa Timog Silangang Asya. Samantalang ang
unang tala tungkol sa ugnayan ng Tsina at Pilipinas ay matatagpuan sa Chu Fan Chih o mga Tala ng mga Barbarong
Bansa na sinulat ni Chau-ju-Kua noong 1225 MK (siglo 13) ayon sa pag-aaral ni Wu Ching-hong. Dalawang
mahabang taludtod ang naglalarawan tungkol sa pangangalakal ng Tsino sa arkipelago na kung tawagin ay Ma-yi at
San-su (Tatlong Isla). Ito ay tinutukoy bilang Pilipinas ngunit walang ispesipikong lugar kung saan ito matatagpuan.
Sinasabi ng ibang historyador na ang Ma-yi ay ang Mindoro ang iba, ito raw ay ang Luzon.
Ayon sa mga tala, ang mga mangangalakal na Tsino ay dumadaong sa mga pampang ng ilog na panirahan
ng mga katubong Filipino. Nagbibigay ng handog ang mga mangangalakal na Tsino sa katutubong pinuno ng mga
payong. Ang palitan ng mga kalakal ay binabayaran ng mga katutubo matapos ang ilan buwan sa pagbabalik ng mga
Tsino. Kalimitan ang mga produkto ng mga katutubong ipinapalit sa mga Tsino ay dilaw na wax, bulak, perlas, balat
ng pawikan, betel nuts o nganga, banig at telang uta. Samantalang ang mga Tsino ay nagdadala ng mga produktong
porselana, mga gamit na metal, black lead, glass beads, karayom, itim na satin, at makukulay na sutla (silk). Ang
tinutukoy na mga talong isla ay ang Kia-ma-yen (Calamian), Pa-lao-yu (Palawan) at Pa-ki-nung (Busuanga).
Nagpatuloy ang kalakalan hanggang dinastiyang Yuan (1277-1368) at may mga lumabas na mga panglan
ng lugar gaya Min-to-lang ( Mindanao), Su-lu (Sulu), Ma-li-lu (Maynila) at Pi-sho-ye (Visayas).
Napag-aralan din ni Wu Ching- hong ang ugnayan noong dinastiyang Ming (1368-1644) na kung saan
binanggit ang Lu-sung (Luzon) kung sang nagpapadala ng mga tributary missions sa Tsina. Di lang ang Lu-sung pati
na ang pinuno ng Fang-chia-shi-lan (Pangasinan).
Ang Barangay, Datu, Gat at Rajah
Balangay ang tawag sa pinakabatayang yunit ng lipunan sa pangkalahatan, bunga ng tradisyong
Austronesiko na dumating sa arkipelago. Ang barangay bilang pinakamaliit na organisasyong panlipunan ay
nagpapahiwatig ng kapangyarihang nasa loob ng kamag-anakan. Sa mga pangkat na nabubuhay sa karagatan tulad
ng mga Samal, ang bawat pamilya ay nakatira sa kani-kanilang mga bangka o lepa. Binabanghay din itong
barangay o balanghai. Termino itong kapuwa ginagamit para sa pamayanan at sa sasakyang dagat na kanilang
ginagamit sa paglalayag sa karagatan.
Umaabot nang mula 30 hanggang 100 ang bilang ng pamilya sa bumubuo ng barangay. Karaniwang
magkakamag-anak ang mga pamilyang ito, maaaring ayon sa linya ng lalaki o babae. Dito nabuo ang mga bayan o
tinatawag ding ili.
Ang mga pinunong may titilulong Gat, Datu at Rajah ay pawang mga katawagan sa ibat ibang panig ng
arkipelago. Sa gitnang Luzon , may gat (ginoo) na kahawig din sa pangat ng Cordillera. Sa bandang Kabisayaan at
Mindanao, may dato at tuan, na maiuugnay sa iginagalang na matanda sa komunidad. Sa mga Sama, ang dato ay
kasingkahulugan ng anito. Samantalang ang titulong rajah ay galing sa salitang Sanskrit at pumasok marahil
kasabay ng impluwensiyang Hindu noong 400 MK.
Ang Rajahanato ng Cebu at Maynila at Ang Sultanato ng Sulu at Maguindanao
Ang paglago ng mataas na komunidad maliban sa barangay ay matutukoy bilang mga komunidad na may
pinunong may titulong Rajah kagaya ni Rajah Humabon ng Cebu at Rajah Sulayman ng Maynila. Ang mga
nasabing rajah ay may kapangyarihang pasunurin ang iba pang mga datu o pinuno ng ibang barangay na kanilang
nasasakupan.
Samantalang ang itinuturing na supra-barangay ay ang mga sultanato na nakapagtala ng politikal na
kapangyarihan at impluwensiya sa pakikipagpalagayan sa mga magigiting na sibilisasyon sa rehiyon. Ang mga
sultanatong ito ay ang Sulu at ang Maguindanao.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

12

Sa Jolo itinatag ang unang sultanato ng Sulu noong 1450 MK, dahil sa pakikipalagayan nito sa mga
katabing teritoryo, lalo na ang iba pang mga Islam na bahagi ng Malaysia, ang Sulu ay naging bahagi ng lumalawak
na dar ul-Islam sa Timog Silangang Asya. Bilang supra-barangay, ito ay may kakakayahang magbigay ng kautusan
sa mga nasasakupan nitong barangay. Ang sultan ay may kapangyarihang mas mataas pa sa datu. Dahil sa
pagkalapit ng Sulu at Borneo, maaaring ang politikal na istraktura nito ay hango sa sultanato ng Borneo.
Samantalang ang pangalawang Sultanato ay itinatag sa Maguindanao ang kasalukuyang pook ng Lungsod
ng Cotobato. Ayon sa tradisyong Maguindanao, isang Sharif Muhammad Kabungsuwan ang nagtatag nito noong
1515 matapos ang pagbagsak ng Malacca noong 1511.
Ang Pagdating ng Islam sa Hilagang Pilipinas
Ayon sa tarsila ng Sulu, isang Sayyid Abu Bakr ang dumating sa Buansa at doon ay naging pinuno na may
titulong Sultan Sharif. Si Abu Bakr ay napangasawa ni anak ni Rajah Baguinda ng Sulu kung kayat unang naitayo ni
Abu Bakr ang unang sultanato sa Sulu. Sa panahon ni Abu Bakr, ang Islam ay lumaganap mula sa baybaying dagat
hanggang sa mga bulubunduking pook sa interior ng Sulu. Pinaninirahan ito ng mga Buruanun na sa bandang huli ay
yumakap din sa Islam. Bihasa sa gawaing pangmisyonero, pinasimulan ni Abu Bakr ang maayos na pagtuturo ng
Quran laluna matapos niyang maitatag ang isang madrasah o paaralang Islamiko. Tinuruan din niya ang iba kung
paano magturo para mas maging maaayos at mabisa ang pagpapalaganap ng kaalamang teolohikal. Sa
pamamagitan ng sultanato, ang Islam ay umunlad bilang relihiyon ng estado. Ang kapangyarihan, politikal man o
pang-eknomiko, ay parating palatandaan ng lakas ng Islam.
Sentralisasyon ng kapangyarihang politikal sa katauhan ng sultan ang estadong Islamiko. Lima ang
pamantayan sa pagpili ng sultan:
1. bangsawan (dugong-bughaw) - maaari lamang na maging sultan ang isang datu kung ang kanyang mga
magulang ay nabibilang sa maharlikang lipi ng kadatuhan at kasaripan.
2. kamagulangan o nasa wastong gulang na ang magiging sultan ay pinakamatandang datu sa sultanato.
3. ilmawan o pagkakaroon ng lubos na kaalaman hinggil sa shariah (batas Islamiko) at adat (mga wikang
banyagang Arabe at Melayu).
4. altawan o kayamanan na makikita sa kanyang mga pagmamay-ari, sakop at astana o palasyo.
5. rupawan o malakas ang pagkatao/ personalidad at matibay na moralidad o kagandahang asal.
Panahon ng Pakikipagugnayan: (900 AD-1300AD) ito ay panahon ng pakikipagkalakalan ng mga tao sa Pilipinas
sa mga karatig bansa
Nuong panahon ng Pakikipagugnayan, ang pangunahing salita na ginagamit ay ang Malay. Kaya naman hindi
katakatakang ang ilang salita sa Filipino ay may pagkakahawig sa salitang Malay lalot higit sa salitang tumutukoy sa
Komersyo. Ang mga halimbawa nito ay:
upa (payment), lako (peddle), gusali (hall), tunay (real), biyaya (grace), aral (learning), atsara (pickles), patis
(brine-salty water), puto (native cake), kalan (stove), pinggan (plate), pagsamba (adoration)
Ang mga kaugalian, produkto at ilang tradisyon ng mga Pilipino ay naimpluwensyahan din ng kulturang Hindu, tulad
ng:
1. pagbibigay ng dowry
2. mga pamahiin tulad ng pagkain ng kambal na saging na maaaring magresulta sa kambal na anak, at ang
paglilinis ng mukha ng pusa na nagpapahiwatig na may bisitang darating.
3. ang uri ng pananamit tulad ng putong at sarong na nahahalintulad sa puttee at sari ng mga Indian.
4. mga uri ng bulaklak tulad ng sampaguita at champaka

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

13
5. prutas tulad ng Indian mango at nangka
6. mga gulay tulad ng ampalaya, patola, at malunggay
7. Mga salitang Hindu tulad ng:
Ama (father), nanay (mother), asawa (wife or husband), halaga (price), kalapati (dove), kuta (fort), sutla
(silk), saksi (witness), tala (star), raha (king), sandata (weapon), maharlika (noble)
Ang mga minanang salita naman sa mga Intsik ay may kinalaman sa pamilya tulad ng:
- ate (big sister), kuya (big brother), suki (friend), gunting (scissors), hiya (shy)

Mga Tradisyonal na Pampamayanang Pilipino


1.
2.
3.
4.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

sa Islam nanggaling ang sultanatong uri ng gobyerno, kasama sa mga titulong pangpulitika at maharlika ay
ang:
sultan (pinakamataas na pinuno)
raja muda (tagapagmana)
dayang (prinsesa)
kali (hukom)
ang sunod sa hanay ng mga pinuno at mamayan base sa kayamanan, impluwensya at pribilehiyo ay ang:
datu o namumuno
maharlika o pamilya ng namumuno
timawa o pangkaraniwang mamamayan
alipin o ang tagapaglingkod
iba pang hanay sa lipunan ay binubuo ng:
umalahokan isang tagapagbalita
anito ninuno
babaylan pari na may mataas na antas
mangkukulam pari na may mababang antas

Ang Islam ay dinala sa kapuluan ng mga mangangalakal na Indones. Ilang taon bago dumating ang mga kastila,
ang Islam ay naitaguyod na sa kapuluan ng Sulu, at lumaganap sa Mindanao na umabot sa Maynila nuong 1565.
Subalit kahit na ang Islam ay nakarating sa Luzon, ang pagsamba sa Anito ang sya paring ginagawa ng karamihang
katutubo sa kapuluan. Ang mga migranteng Muslim na dumating sa Pilipinas ang syang nagpakilala ng
pampulitikang konsepto ng mga teritoryong pinamumunuan ng isang raja o sultan na kung saan ay may
kapangyarihan syang higit kaysa sa datu. Tinatayang nasa 500,000 ang mga taong naninirahan sa mga barangay sa
buong kapuluan ng Pilipinas nuong panahon ng pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas.

Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pananakop ng mga Dayuhan


Lubhang malayo ang Pilipinas sa Espanya (Spain), hindi lamang libong kundi hindi daang libong kilometro
ang layo nila sa isat isa. Ang Pilipinas ay nasa Timog Silangang Asya samantalang ang Espanya ay nasa Hilagang
bahagi ng Europa. Kung paaanong nagtagpo ang landas ng dalawang bansang ito ay isang pangyayaring maraming
kadahilanan at sanhi;
1. ang pangangailangan ng Espanya sa mga lupain sa Silangan o Asya;
2. ang pangangailangan na makatuklas ng bagong ruta patungong Silangan at
3. ang pagkatuklas ng mga teritoryo sa ibat ibang panig ng mundo noong ika-15 at ika-16 siglo.
Kung paanong umusbong ang mga pangangailangang ito ay dapat balikan ang kalagayan ng Europa noong
ika 15 at ika 16 na siglo.
Ang Kalagayan Sa Europa noong ika-15 at ika-16 na Siglo

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

14
Noong mga ika-14 na siglo, wala pang gaanong kamalayan ang alinmang bansa o kaharian sa Europa
tungkol sa Silangan o Asya na nooy may napakagandang sibilisasyon. Tanging ilang mangangalakal na taga
Venezia, Italya (Venice, Italy) lamang ang may pakikipag-ugnayan sa Silangan, partikular sa Tsina, dahil sa
pakikipagkalalakan.
Sa panahon ng Renaissance, lumawak ang pakikipagkalakalan ng mga bansa sa Europa sa Asya. Kapag
sila ay bumabalik sa Europa, marami silang mga magagandang bagay na sinasabi tungkol sa sibilisasyon sa Asya.
Ang mga ito ay higit pang pinatunayan ng mga kasapi at kasama sa Banal na Krusada (The Crusaders) at pinagtibay
ng Italyanong manlalakbay na si Marco Polo, na sumulat ng aklat na naglalarawan ng kariktan ng Silangan o Asya.
Dahil sa mga balitang ito, nag-ugnayan ang mga bansang Europeo na maglayag at marating nila ang
Silangang bahagi ng mundo na sa gayon ay makinabang sila sa yaman at ganda nito. Ang pangangalakal sa
Silangan o Asya ay biglang lumago at ang mga bansang Portugal, Espanya, Inglatera (England ngayon ay U.K.),
Olandiya (Holland dati ngayon ay The Netherlands) at Pransya (France) ay nakihati na rin sa pangangalakal na datiy
ang Italya lamang ang nagsasagawa.
Sa panahon ng kalakalang ito, tatlong ruta ang ginagamit ng mga mangangalakal sa Europeo patungo sa
Silangan o Asya at ang mga ito ay:
1. Malacca (Malaysia) Indian Ocean Red Sea Cairo, Egypt
2. Malacca Indian Ocean Persian Gulf Baghdad - Constantinople (Turkey - Istanbul)
3. Bokhara at Samarkha - Caspian Sea Black Sea Constantinople
Maayos na sana ang kalakalan kung hindi nasakop ng mga Turko (Muslim Turk) ang Constantinople at
ipinagbawal ang paggamit ng mga rutang sakop nito. Makakadaan lamang ang isang barkong pangangalakal kung
magbabayad ito ng buwis na lubhang mataas naman ang halaga. Tanging ang mga taga Venezia lamang ang
pumayag sa pagbabayad ng buwis kung kayat nasolo nila ang pangangalakal sa Silangan. Isang ruta lamang ang
pwedeng maggamit ng ibang pangangalakal na lubhang napakabagal sa dahil malayo ang Daungan ng Ehipto
(Egypt) sa Tsina (China). Bukod pa rito ay nagkaroon ng pamimirata at nakawan ng mga kalakal sa rutang
nabanggit.
Dahil sa pangyayaring ito, napilitan ang mga mangangalakal na humanap ng mga bagong ruta patungong
Silangan. Kailangang makipagpatuloy nila ang pangangalakal sa Silangan dahil umuunlad nilang pamumuhay at
dahil na rin sa mga bagay o produktong di matatagpuan sa Europa, lalo na ang mga rekadong pampapalasa o
spices. Sa paghahanap nila ng bagong ruta, nanguna ang Portugal sa pagapapadala ng mga ekspedisyon
patungong Silangan.
Ang paghahanap ng bagong ruta patungong Silangan ang siyang nagging dahilan naman upang
matuklasan pa ang ilang bahagi ng mundo, lalo na ang mga pulo at karagatan, na nagpasimula sa pangongolonya
ng mga bansa sa Europa. Itinuring nila na kanila ang kanilang mga natukalasan kung kayat lumawak ang mga
teritoryo nilang nasasakupan. Ang Portugal ang nagging makapangyarihan sapagkat nagkaroon siya ng maraming
bagong pulo dahil sa pagapadala niya ng maraming nabigasyon patungong Silangan. Hindi ito minabuti ng Espanya
na nooy naghahangad din na makatagpo ng rutang pasilangan. Nagpadala rin ang Espanya ng mga ekspedisyon
upang makatuklas ng mga bagong lupain. Ang mga kinilalang mga paglalakbay o ekspedisyon mula sa dalawang
kaharian ay ang mga sumusunod:
1.
2.
3.
4.

Prinsipe Enrique (Portugal) Madeira at Azores, Cape Verde Islands at Sierra Leone
Bartolomeo Diaz (Portugal) Cape of Good Hope
Vasco de Gama (Portugal) Timog Africa, Cape of Good Hope at Calicut, India
Cristobal Colon o Christopher Columbus (Espanya) Bagong Daigdig ( Amerika)

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

15
5. Amerigo Vespucci (Espanya) umikot sa Bagong Daigdig o Amerika kung saan pangalan nito ay hango sa
kanya
6. Vicente Pinzon (Espanya) Brazil
7. Vasco Nuez de Balboa (Espanya) Dagat Pasipiko
Sa mga pagkatuklas na mga ito, mapapansing ang Espanya ay napagawi sa mga Kanlurang bahagi
samantalang ang Portugal naman ay napunta sa Silangan. Ang Portugal ang nakatuklas ng bagong daan patungong
Silangan sa pamamagitan ng rutang daraan sa Africa, kung kayat ipinahayag nito na walang sinuman ang
makakagamit ng rutang ito maliban sa kanya. Dahil dito ay higit na kinailangan ng Espanya na humanap ng bagong
ruta patungong Silangan.
Kasunduan Upang Wakasan ang Alitan sa Pagitan ng Portugal at Espanya
Naging matindi ang alitan sa pagitan ng Portugal at Espanya dahil sa pagtatag ng mga imperyo sa ibat
ibang panig ng mundo kung kayat namagitan ang Simbahang Kotoliko sa dalwang Katolikong bansa sa
pamamagitan ni Papa Alejandro VI (Pope Alexander VI) na nagpalabas ng isang papal bull noong May 3, 1493 na
naghahati sa mundo sa dalawang bahagi kung saan ang Portugal ang siyang magmamayari ng Silangang bahagi
samantalang ang Kanlurang bahagi ay sa Espanya. Subalit noong Setyembre 25, 1493, pinahintulutan ng Papa ang
Espanya na sumakop sa mga pulong natutuklasan sa Silangan. Hindi ito naibigan ng Portugal kung kayat nagkaroon
ng panibagong kasunduan noong Hunyo 7, 1494 na nilagdaan nila na tinawag na Kasunduan ng Tordecillas.
Nilalaman nito ang mga sumusunod:
1. ang paghahati ng mundo ay 370 legwa (leagues) buhat silangan ng Cape Verde Islands. Ang silangan ay sa
Portugal at ang kanluran ay sa Espanya;
2. ang sinuman sa dalawang bansa ang makatuklas ng lupain sa bahaging hindi kanila ay ipagkakaloob sa
sadyang nagmamay-ari nito at;
3. ang pakikipagkalakalan sa alin mang bahaging hindi nauukol sa kanila ay mahigpit na ipagbabawal.
Ang kasunduang ito ang panandaliang lumutas sa alitan ng dalawang nagbabanggaang kaharian.
MAHIGIT 400 taon SN, nilusob ng mga Espanyol ang Pilipinas. Bakit?!
Hindi sinasadya, naligaw lang, naghahanap lang ng panghalo sa ulam, - ni hindi alam na mayroon palang Pilipinas!
Ang sadyang hinahanap nila nuon una ay ang mga pulu-pulo sa Indonesia, ang Maluku [Moluccas, the Spice
Islands], na naging bantog bilang kaisa-isang tinubuan ng spices, mga panghalo at pampalasa sa pagkain na
inasam nuon, at inaasam hanggang ngayon sa Europa, lalo na ang nutmeg, cloves [clavos sa Espanyol] at ang
tinawag nilang cinnamon [kayu manis o matamis (manis) na kahoy (kayu)]. Nagpapabango at nagpapasarap ng
pagkain.
Ang mga descendants kasi ng mga magdaragat na lumikas sa Maluku nuong araw ay naglayag pabalik-balik sa
India at sa pulo ng Madagascar, sa tabi ng Africa. Nagkalakal ang mga taga-Maluku ng spices kapalit sa mga
salamin, tanso, mga sinsing, kuwintas, damit at iba pa. Isang balikan at mayaman habang buhay ang lahat ng
naglayag, kaya lakas loob nilang tinawid ang lawak at panganib ng dagat ng India [Indian Ocean], kahit na 5 taon
bago nakakabalik sa Maluku. Karamihan ng mga spices na dala sa India ay nauubos duon; ang mga dala sa
Madagascar ang natikman ng mga taga-Europa. Mula duon, dala-dala ng mga Arabe at Afrikano ang mga spices
papunta sa Rhapta, sa Somalia, tapos tuloy sa Muza, Yemen, bago dinadala sa baybayin ng Red Sea sa Arabia
papunta sa Mediterranean Sea at sa mga bayan ng Europa.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

16
Hayag ni Pliny the Elder, isang historian ng ancient Rome nuong bandang 2040 taon SN, na ang cinnamon na
nilalako ng mga taga-Ethiopia ay binibili lamang nila sa mga kalapit, na bumibili naman sa mga magdaragat na
palaging tumatawid sa Indian Ocean.
Tinatawid ang mga malalawak na dagat sakay sa mga balsang walang gabay o sagwan, o anumang tulong sa
paglalakbay maliban sa kanilang tapang at buong kalooban. Naglalayag sila kapag tag-ginaw, nang humaharabas
ang hangin mula silangan at tuloy-tuloy silang nakakarating. Halos 5 taon bago sila nakakabalik sa pinanggalingan,
at marami sa kanila ang namamatay sa paglalakbay. At ano ba't para lamang sa hilig ng mga babae nila sa alahas at
moda.
Ngunit bago pa sumikat ang ancient Rome, nagkalakal na ang mga magdaragat sa iba't ibang lugar sa kanluran.
May natagpuang cloves sa Terga, Syria, na bandang 3,700 taon na ang tanda. Sa ancient Egypt din nuong bandang
3,500 taon SN, nabanggit ang cinnamon nuong reyna pa duon si Hatshepsut, ang tanging babaing naging Paraoh.
Pati sa mga lumang kasulatan ng mga Hudyo, nuong 2,700 taon SN, nang nakatayo pa ang Templo sa Jerusalem,
kahalo ang cinnamon, at baka na rin ang tanglad [lemon grass] sa mahal na langis na ginagamit sa Templo. Ang
mga Hudyo ang nagpangalan ng quinamon na nahiram naman sa English na cinnamon.
Kung ilang daang taon nahirati ang mga taga-Europa sa lasa at bango ng mga spices, kaya lubha silang naunsiyami
nang sakupin ng mga Muslim ang Middle East at hilagang Africa nuong bandang 700, at naipit ang daloy ng spices
mula Maluku. Lalo nang naputol ang daloy nang sakupin ng mga Muslim sa Turkey ang Constantinople [Istanbul ang
tawag ngayon] nuong 1453. Ang 2 mayaman at magkaribal na lungsod sa Italia lamang, ang Genoa at Venice, ang
pinayagan ng mga Muslim na bumili ng mga spices at iba pang bilihin sa Arabia at sa Middle East. Sinarili ng 2 ang
napakaunting kalakal sa Mediterranean Sea at nagmahalan ang seda [silk] at lahat ng mga bagay mula sa Asia.
Lumagpas ng 30 patong ang halaga ng spices sa Europa, pang-mayaman na lamang ang pampalasa ng pagkain
duon.
Samantala, sa dulong kanluran ng Europa, ang magkatabing kaharian ng Portugal at Espanya ay kapwa naghirap sa
gilid ng Atlantic Ocean. Barado mula sa ugnayan sa buong Europa dahil sa mapagkamkam na mga taga-France at
mga taga-Italia, at dahil sa matagal na pagsakop sa kanila ng mga Muslim, hindi sila nakapagkalakal at kumita nang
mainam. Naisipan ng mga Portuges, sa pamumuno ni Principe Enrique [Prince Henry, the navigator], na mag-aral
ng paglalayag upang makapagkalakal sila sa iba't ibang bayang nararating sa Atlantic Ocean. Yumaman ang
Portugal, nasarili ang ginto at iba pang kalakal sa kanlurang Africa, at palayo nang palayo ang naabot ng kanilang
mga barko hanggang nuong 1488, nabagtas ni Bartolome Diaz ang buong pampangin ng Africa hanggang dulong
timog. Duon, nuong Pasko ng 1500, naikot ni Vasco De Gama ang lusutang tinawag niyang Cabo da Boa
Esperanza [Cape of Good Hope] papuntang Asia. Lalong yumaman ang mga Portuges nang marating at magkalakal
sa India. Nagtayo sila ng mga kuta sa Africa at India upang hadlangan ang ibang mga taga-Europa na nais ding
humakot ng spices at iba pang kalakal mula Asia.
Hangal ang mga Espanyol, nais magpayaman din kahit na upahan nila ang sinumang payag maglayag para sa
Espanya. Una nilang pinundaran si Cristobal Colon [Christopher Columbus], taga-Italya na balak, upang makaiwas
sa mga sandatahang Portuges sa Africa at dahil paniwala niyang bilog ang daigdig, maglayag pakanluran at bagtasin
ang Atlantic Ocean at datnan ang Asia at India mula sa kabilang panig. Wala nuong nakaaalam na may America
palang nakaharang duon. Akala ni Columbus, India ang tinumbok niya nuong 1492, tinawag niyang indio ang mga
taong natagpuan niya. Hanggang ngayon tuloy, indian pa rin ang tawag sa mga katutubong Amerikano [native
Americans], kahit na wala silang anumang kaugnayan sa India.
Sumugod din ang mga Portuges sa America, sinakop ang Brazil. Nagsasalpukan na ang 2 magkapit-kaharian nang
umawat si Papa Julio Dos [Pope Julius II] at pinagkasundo sa Tordesillas [Treaty of Tordesillas] nuong 1494 na
hatiin ang daigdig. Ang lahat ng lupaing "natuklasan" sa bandang silangan ay angkin ng Portugal, at sa bandang

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

17
kanluran ay sakop naman ng Espanya. Lintik ang galit ng ibang mga taga-Europa - France, England, [Dutch]
Netherlands at Italya - na nais ding magkalakal sa Asia at India.
Mula sa Goa, ang kanilang himpilan sa India, narating ng mga Portuges ang kaharian ng Malacca, sa Malaysia
[malapit sa Singapore] nuong 1510 at nalaman kung saan ang Maluku [Moluccas, Spice Islands] na tanging
pinanggagalingan ng mga spices. Hindi nag-isang taon, nuong 1511, sinakop ni Alfonso de Albuquerque ang
Malacca, na ginawa nilang malaking kuta, Porta de Santiago [Port of St. James]. Sa sumunod na taon, 1512,
natagpuan at sinakop ng mga Portuges ang Maluku. Ang laking ligaya nila nang makitang tumutubo nang ligaw ang
cinnamon, cloves at iba pang spices sa mga pulu-pulo ng Maluku, hindi ginagamit, ni hindi pinapansin ng mga
tagaruon. [Gaya ng mga Pilipino], ang mga taga-Indonesia ay hindi mahilig kahit hanggang ngayon sa lasa ng
cinnamon at cloves. Nalalasap lamang ang mga ito sa mga lutong Amerikano at Espanyol; ang nutmeg ay
karaniwang gamit ng mga taga-India naman.
Ipinagbibili lamang ng mga taga-Indonesia ang cinnamon, hindi nila ginagamit. At ang cloves, ni wala silang
pangalan kundi kretek, ang tunog nito kapag nasusunog. Hinahalo kasi nila sa bantog na sigarilyo, rokok kretek
[clove cigarettes], at kapag sinindihan, ang tunog ng putok ng cloves ay tek-krek-tek!
Hindi na mamahalin ang spices ngayon dahil naitanim na sa India, Africa at mga pulo-pulo sa Caribbean at South
America. Ang pinakamahal na spice ngayon ay ang saffron, hibla ng bulaklak na hinihimay isa-isa at nagpapasarap
sa lahat ng lutuin, lalo na sa arroz valenciana at paella. Abot sa 25,000 piso ang isang kilo ng saffron. Saan
tumutubo ang saffron? Sa Espanya, at ilan pang pook lamang.
Panghuli: Isa sa mga sundalong Portuges na lumusob sa Malacca nuong 1511, at dumayo sa Maluku nuong 1512,
ay isang magiting na binata, nagngangalang Fernao de Magalhaes. Sa Espanya, nang lumikas siya duon, ang
pangalan niya ay Fernando Magallanes [sa English, Ferdinand Magellan].
Mga Barkong ginamit nina Magallanes:
1. San Antonio Juan de Cartagena ang Capitan
2. Trinidad Fernando Magallanes and Capitan
3. Conception Gaspar de Quesada and Capitan
4. Victoria Luiz de Mendoza ang Capitan
5. Santiago Juan Serrano and Capitan

Ang Ekspedisyon ni Fernando Magallanes


1. San Lucar de Barameda, Espanya
Nuong Setyembre 20, 1519, Si Magallanes, kasama ang may 250 tauhan lulan ng limang barko (ang Trinidad,
Conception, Santiago, San Antonio, at Victoria) ay umalis ng Espanya at nglayag papuntang kanluran. Kasama at
panauhin ang isang tagamasid [observer], si Antonio Pigafetta na nagtala araw-araw ng buong paglalakbay mula,
at pabalik sa Espanya.
2. Mga Isla ng Canary
Unang sinapit nina Magallanes ang Isla ng Canary nuong Setyembre 26, 1519.
3. Pernambuco, Brazil
Tinawid nila ang karagatan ng Atlantiko, at nuong Nobyembre 29,1519 narating nila ang Pernambuco, Brazil.
4. Rio de Janiero, Brazil
Nuong Disyembre 13, 1519, pinangalan ni Magallanes ang Rio de Janiero bilang Santa Lucia dahil lumapag sila rito
nuong kapiestahan ng santa. Duon, nakipagpalitan sila ng produkto sa mga katutubong Indian para sa pagkain.
5. Rio de la Plata
Narating nila ang lugar na ito nuong Pebrero 1520. Nagsisimula nang lumamig sa parting ito ng mundo.
6. Puerto San Julian

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

18
Sa lugar na ito nagtago sina Magallanes sa bagyo nuong Marso 1520. Sa panahong ito rin nagsimulang magplano
ang ibang Kapitan na huwag nang magpatuloy at bumalik na lamang sa Espanya.
7. Rio Santa Cruz
Agosto ng 1520, nagdagdag sila ng pagkain sa lugar na ito.
8. Ilang mga insidente
Nawasak ng malakas na bagyo ang barkong Santiago.
Ang San Antonio, sa pangunguna ni Esteban Gomez ay lumikas nuong gabi ng Nobyembre 20, 1520 at nagbalik sa
Espanya.
9. Kipot ni Magallanes
Pinangalanan ni Magallanes bilang Kipot ng mga Santo, lumusot sila rito at narating ang karagatan ng Pacifico
nuong Nobyembre 28, 1520.
10. Guam
Pagkatapos ng 98 araw sa Pacifico, narating nila ang mga Isla ng Guam na tinwag ni Magallanes bilang Islas
Ladrones (Isla ng mga Magnanakaw) nuong Marso 6, 1521.
11. Isla ng Suluan sa Samar
Nuong Marso 16 o 17, 1521, narating nila ang Samar at pinangalanan itong "Islas de San Lazaro," sa karangalan
ng kapiestahan ni San Lazaro.
12. Maliit na Isla ng Homonhon
Matatagpuan sa may Golpo ng Leyte, dito sila bumaba at ginamot ang mga may sakit.
13. Masao,Butuan, Agusan del Norte
Lumapag nuong Huwebes Santo, Marso 18, nakaniig ni Magallanes si Raja Kolambu, nagkasundo silang
magsandugo (kasi kasi or blood compact ceremony) nuong Marso 29, 1521.
14. Ang Unang MIsa
Nuong Linggo ng Pagkabuhay Marso 31 1521, isang misa ang tinanghal sa Masao sa panguguna ni Padre Pedro
de Valderrama.
Isang malaking krus na yari sa kahoy ang itinayo sa may burol, at sa pagkakataong ito, pinangalan ni Magallanes
ang buong kapuluan bilang "Islas de San Lazaro."
15. Cebu
Si Magellanes at Raha Kolambu, kasama ang kanilang mga tauhan ay pumunta at nakalapag sa Cebu nuong Abril 7,
1521. Tinanggap ang kanilang pagdating nina Raha Homabon at ng kanyang asawa na si Lisabeta. Ang dalawa ay
bininyagan sa pagkakatoliko, Carlos at Juana bilang mga bagong pangalan, at binigyan ng imahen ng batang Jesus
(Sto. Nino) bilang regalo.
16. Mactan
Dalawa ang Datu sa Mactan, si Zula na tumangkilik kay Magallanes, at si Lapu-lapu na hindi tumangkilik. Para
ipakita ang kanyang bangis, sinugod ni Magallanes ang Mactan nuong Abril 27, 1521, subalit napipilan siya, sampu
ng kanyang tauhan ng pangkat ni Lapu-lapu at napatay pa sa enkwentro.
17. Ang Pagpatay sa natitira pang mga Espanyol
Nuong Mayo 1, 1521, ang nalalabing tauhan ni Magallanes ay tinangkang pagpapatayin ng mga Cebuano habang
nakikipag-piging kay Raha Humabon. Napilitan silang tumakas sakay ng barkong Trinidad at Victoria. Hindi na nila
nadala pa ang barkong Conception dahil kulang na sila sa tauhan para patakbuhin pa ito, kaya sinunog na lamang
nila ito.
18. Tidore Moluccas
Nuong Nobyembre 8, 1521, narating nila ang Tidore kung saan nakabili sila ng mga sangkap para sa pagluluto
(spices). Sakay ng Victoria, sa pangunguna ni Juan Sebastian del Cano, nagtuloy sila ng paglalakbay hanggang sa
makabalik sa Espanya.
19. Pagbabalik sa Espanya
Ang Victoria, sa panguguna ni Juan Sebastian del Cano nuong Setyembre 6, 1522, kasama ang 18 tauhan ay
naikot ang mundo sa tagal na 2 taon, 11 buwan, at 16 na araw.
Mga Espedisyon Pagkatapos ni Magallanes:

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

19

Mga espedisyon sa Pilipinas na hindi naging matagumpay:


1st: Pinamunuan ni Kapitan Garcia de Loaysa nuong 1525 kasama ang 450 katao lulan ng 7 barko (hindi
nakarating sa Pilipinas)
2nd: Pinamunuan ni Sebastian Cabot nuong 1526 kasama ang 250 katao lulan ng 4 na barko (hindi nakarating sa
Pilipinas)
3rd: Pinamunuan ni Alvero Saavedra Ceron nuong 1527 kasama ang 110 katao lulan ng 3 barko. Ang barkong
Florida lamang ang nakarating sa Pilipinas sa may Surigao.
4th: Pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos nuong 1542 kasama ang 400 katao lulan ng 6 na barko. Narating nila
ang baybayin ng Banganga sa may Silangang bahagi ng Mindanao nuong Pebrero 2, 1543. Narating din ng ilan sa
kanila ang isla ng Leyte. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Filipinas bilang pag pupugay sa kanilang susunod na
hari sa Espanya na si Prinsipe Filipe II.
Ang Ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi
Pagkatapos ng sunod-sunod na kabiguan ng mga Espanyol, natigil ang pagpapadala ng mga ekspedisyon
sa loob ng dalawampung taon. Muling nabuhay ang pagnanais ng Espanya na magtungo sa Pilipinas at sa
pagkakataong itoy si Miguel Lopez de Legaspi naman ang napiling mamumuno. Si Padre Andres de Urdaneta
naman ang nagging piloto ng ekspedisyon. May mga layunin ang ekspedisyong ito:
1. mag-ulat tungkol sa mga ruta ng kalakalan sa rekadong pampapalasa o spices;
2. tumuklas ng mga rutang pabalik ng Mexico;
3. magtatag ng permanenteng pamayanan sa Silangan o Asya.
Nang sina Legaspi ay makarating Leyte agad silang tumulak ng Samar hanggang sa marating nila ang
Cebu. Mula Cebu ay narating nila ang Panay hanggang sa makarating ng Luzon at iyun ay sa Maynila. Mayroong
mga pulo na hindi maganda ang pagtanggap ng mga mamamayan tulad ng Cebu sa ilalim ni Raha Tupaz, sa
Maynila sa pamumuno naman nina Raha Sulayman at Lakandula. Subalit ang mga Espanyol ay naging matatag sa
pakikipagkaibigan. Nakipagsanduguan si Legaspi sa mga katutubo at ginamit ang sandata upang makuha ang
kanilang minimithi.
Ipinasya ni Legaspi na magtatag ng pamayanan upang maisakatuparan ang isa sa mga layunin ng
ekspedisyon. Ang pamayanan sa Cebu ang una niyang itinatag at tinawag itong Lungsod ng Kabanal-banalang
Ngalan ni Jesus. Ang ikalawang pamayanan ay itinatag naman sa Panay at ang ikatlo ay sa Maynila na tinawag
namang Karapat-dapat at Matapat na Lungsod.
Bagaman at naitatag na ang mga pamayang Espanyol sa Pilipinas, maraming naging suliraning kinaharap
sina Legaspi at ang ilan ay ang mga sumusunod:
1. kakulangang ng pagkukunan ng pagkain
2. ang pamayanan ay nasunog sa Cebu at hindi matukoy ang dahilan
3. hindi pagkakaunawaan nina Legaspi at ilang mga tauhan dahil sa pagbabawal ni Legaspi ang
pananamantala sa mga katutubo
4. mga sulurinanin nila sa pagsalakay ng mga Portuges sa Pilipinas

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

20
Upang maibalita sa Espanya ang tagumpay ng ekspedisyon, inutusan ni Legaspi si Padre Andres de
Urdaneta, Padre Andres de Aguirre at apong si Felipe de Salcedo upang maglayag pabalik ng Mexico.
Maluwalhating nakabalik ang mga ito hanggang makabalik hanggang Espanya na ipinagbunyi ng buong imperyong
Espanya. Dahil dito, pinili si Legaspi bilang unang gobernador-heneral sa Pilipinas noong taong 1565 at itinuring na
kolonya ng ng Espanya ang Pilipinas. Binawian ng buhay si Legaspi noong Agosto 20, 1572 kayat humalili sa kanya
ang kanyang apong si Felipe de Salcedo bilang gobernador-heneral. Ito ang naging simula ng pananakop ng
Espanyol sa Pilipinas.

Ang Pilipinas Bilang Kolonya ng Espanya


Ang Istruktura ng Pamahalaang Espanyol
Ang Pilipinas bilang isang kolonya o lupang-sakop ay pinamahalaan ng Mexico mula noong 1565 hanggang
1821. Ang pamamahala ay ginawa sa pamamagitan ng Consejo de las Indias ng Espanya at napilitan ng Ministro de
Ultramar noong ika 19 na siglo. Ang pamahalaang itinatag ng Espanya ay maaaring ilarawan sa pagkasentralismo,
paternalismo at byurokratiko anyo nito.
Ang sistema ng pamahalaan ay monarkiya na pinamumunuan ng Hari ng Espanya na kinakatawan naman
ng Gobernador Heneral. Ang mga batas ay nagmumula sa Espanya at Mexico sa pamamagitan ng Viceroy ng
Mexico na siyang may direktang kautusan sa Pilipinas. Ang mga ito ay ipinapatupad naman sa Pilipinas ng
gobernador-heneral at kung may paglilitis ay sa pamamagitan ng Real Audiencia (royal court).
Bagaman ang gobernador-heneral ang nagpapatupad ng mga batas sa Pilipinas, mayroon siyang mga
pribelihiyong ibinbin o ipagpaliban ang mga ito na tinatawag na cumplase. Mayroon din siyang karapatang gumawa
ng mga patakaran o kautusan para sa kanyang nasasakupan na tinatawag naming decreto superior.
Dahil malawak ang kapangyarihan ng gobernador-heneral, nagsimula ang kanilang pag-abuso sa kanilang
nasasakupan. Nagsimulang maningil ng buwis na higit na mataas sa dapat bayaran at natuto rin silang manamkam
ng lupa at ariarian. Ang mga ganitong gawain ay nakakarating sa Hari ng Espanya kung kayat nagpatupad ito ng
mga paraan upang maiwasan ang katiwalian na tinatawag na residencia at visita.
Samantalang ang mga nasakop na lalawigan ay pinamumunuan ng isang alcade mayor, habang ang mga
naitatag na lungsod ay alcade na may konsehong kung tawagin ay Ayuntamiento. Ang bawat lalawigan ay binubuo
ng bayan o pueblo na pinamumunuan ng mga gobernadorcillo. Ang bawat pueblo ay nahahati naman sa tinatawag
na mga baryo na siyang pinamumunuan ng isang cabeza de barangay.
Ang Reduccion o Plaza Complex
Naging tungkulin ng mga misyonerong Espanyol na tipunin ang mga katutubong Filipino na kalat-kalat na
ninirihan sa ibat ibang mga lugar. Upang matipon ang mga ito isang pamamaraan ay ang reduccion na ibig sabihin
ay nasasakop sa pamamagitan ng tunog ng kampana. Mula sa sa salitang Espanyol na reducir na
nangangahulugang pagsupil o paglupig. Tinangka ng mga Espanyol na paamuhin ang mga nag-aatubiling mga
Filipino. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kumbento, casa real o munisipyo at plasa bilang
sentro ng mga gawain at pagtitipon-tipon.
Para sa mga Espanyol, ang reduccion ang walang dudang nakatulong nang malaki sa kanilang pagsakop
sa mga Filipino. Dahil sa reduccion, nagkaroon ng tinatawag na plaza complex na kinalalagyan ng simbahan at
munisipyo na pinaliligiran ng mga bahay ng mga indio. Ang simbahan ang naging sentro ng buhay ng mga tao mula
kapanganakan hanggang kamatayan.
Ang Sistemang Encomienda

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

21
Ang sistemang ito ay may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupain. Sa pagdating ni Legaspi sa Pilipinas, ang
mga lupain ay kanyang ipinamahagi sa kanyang mga tauhan. Dahil dito, nagkaroon ng tatlong uri ng encomienda; 1)
laan sa para sa hari o encomienda real, 2) laan para sa simbahan at 3) laan para sa mga pribadong indibidwal. Ang
bawat encomienda ay pinapangasiwaan ng mga encomiendero at ipinapatrabaho sa mga indio (tawag sa katutubong
Filipino ng mga Espanyol) at mga dayuhang Tsino o sangleyes. Ang kita ng encomienda ay pinaghahatihatian ng
mga may-ari at ng mangagawa.
Ang nasabing sistema ay hindi nakabuti dahil sa pang-aabuso ng mga encomiendero na may malaking
bahagi sa hatian sa kita. Bukod dito ay naniningil ang mga ito ng mas mataas na buwis sa mga mangagawa sa
encomienda at mataas na interes sa mga pautang sa mga mangagawa na nagpahirap sa mga ito.
Sistema ng Pagbubuwis
Ang encomienda ang unang ginamit na instrumento ng pangongolekta ng buwis sa mga indio. Tatlong uri
ang mga buwis ang kinokolekta sa mga katutubo: 1) direktang tributo at buwis mula sa kita 2) di-direktang buwis
kasama ang bandala at buwis sa adwana at 3) ang mga monopolyo ng di-karaniwang produkto at mga bagay gaya
ng alak, tabako, bunga at ikmo, paputok at apuyan.
Mababayaran ang buwis sa pamamagitan ng pera o produkto. Simula noong 1570, itinakda ang buwis sa 8
reales o maaari rin ang ginto, kumot, tela, palay at iba pa. Itinaas ito sa 15 reales na siyang ibinabayad ng mga
Filipino hanggang siglo 19.
Maliban sa tributo, isang espesyal na buwis na real o bigas na tinatawag na samboangan o donativo de
Zamboanga ang kinokolekta upang sugpuin ang pananalakay ng mga Moros o Muslim. Ginawa ito ng mga Espanyol
simula noong 1635 hanggang kalagitnaan ng siglo 19. Dagdag rito ang vinta na kinokolekta mula 1781 hanggang
1851 upang ihanda ng mabuti ang mga sasakyang vinta sa pagtatangol laban sa mga pirata ng mga pook sa
Pampanga at Bulacan na malapit sa dagat.
Ang Bandala
Isa pang instrumento ng panlulupig at paniniil ang bandala o compras reales. Galing ito sa salitang Tagalog
na mandala na ibig sabihin ay isang bunton ng palay na giikin. Sa ilalim ng mga Espanyol, naging bagong
kahulugan nito ang taunang sapilitang pagbenta o rekisisyon (requisition) ng mga produkto, lalo na ang palay,
tabako, at langis ng niyog, na siya namang ibebenta ng pamahalaaan pagkaraan. Nagdulot ito ng paghihirap sa mga
tao dahil madalas na wala silang natatanggap na pera kundi isang kapirasong papel lamang na nagsasaad ng
panahon ng pagbabayad ng pamahalaan.
Polo y Servicio o Sapilitang Paggawa
Ang sistemang ito ay nangangahulugan ng pagtratrabaho ng mga kalalakihang naninirahan sa Pilipinas
mula edad 16 hanggang 60. Ito ay ipinapatupad sa panahon ng anihan at pagtatanim at sa lugar na malapit ang mga
panirahan. Subalit, hindi ito nasunod dahil may mga hindi nakakasama sa paggawang ito lalo na ang mga Espanyol
na may prebilehiyong magbayad ng falla. Ang mga katutubo ang lubusang naghirap dahil sa sistemang ito dahil hindi
lamang sa panahon ng pagtatanim at anihan ginagawa ang sistemang ito kung hindi pati sa panahong kung kailan
maibigan ng nagpapatupad nito. Bukod pa sa marami sa mga polista ay ipinapatapon sa malalayong lugar.
Monopolyo sa Tabako
Ang patakaran ito ay ipinatupad ni Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas. Sa monopolyong ito, ang
mga magsasaka ay pinapagtanim ng tabako sa mga sakahan at ang ani ay ipinagbibili sa pamahalaan. Mabilis na

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

22
lumago ang kabuhayan at malaki ang naging kita dito sa monopolyo sa unang yugto subalit habang tumatagal ay
nagkaroon ng pagmamalabis ang mga nangangasiwa nito. Dahil dito, maraming mga magsasaka ang nag-alsa
kayat nabuwag ang monopolyong ito.
Kalakalang Galyon
Isa pang monopolyo ang ipinatupad ng mga Espanyol ang Kalakalang Manila - Acapulco, Mexico o tinawag
na Kalakalang Galyon. Ang mga kalakal mula Asya ay ibinabyahe sa Mexico sa pamamagitan ng mga galyon. Ito
ang itinuring na kabang yaman ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas dahil sa malaki ang kita nila dito.
Sa kalakalang ito ang mga matataas na pinuno at mga iba pang Espanyol at mestizo ay nagkaroon ng
prebilehiyong magkaroon ng sapi sa pangangalakal o boleta na may katumbas na halagang pilak. Dahil dito
napabayaan na ng mga Espanyol ang pamamahala sa mga lalawigan kayat naging makapangyarihan ang mga
prayleng Espanyol sa lalawigan.
Mga Samahang Pangkabuhayan
Upang mapabilis ang kabuhayan sa Pilipinas, itinatag ni Jose Basco y Vargas ang ibat ibang samahang
pangkabuhayan tulad ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais at Real Compania de Felipinas. Layunin ng
dalawang samahang ito na makatulong sa mga magsasaka at mangangalakal na Filipino. Ipinakilalala sa mga
magsasaka ang ibat ibang uri ng mga pananim upang magkaroon ng maraming produksyon. Tinanggap rin ang ibat
ibang mga kalakal mula sa Europa. Ngunit hindi naging matagumpay ang mga samahan ito sapagkat hindi naging
maganda ang kalagayan ng kalakalan sa Europa at kawalan ng pagkakaisa ng mga mangangalakal.

Buod ng Idinulot ng Kolonisasyong Espanyol sa Pilipinas


Magkatuwang ang pamahalaang sibil at simbahan sa pagpapatupad ng kaayusang kolonyal sa Pilipinas.
Gayunpaman, malalim at higit na masaklaw ang naging impluwensiya ng mga fraile sa lahat ng aspekto ng lipunang
kolonyal. Pinakapangunahing transpormasyong nailatag sa panahon ang naganap sa pagmamay-ari at paggamit ng
lupa bunga ng Doktrinang Regalian na giniit sa katutubong sistema ng pagmamay-ari ng lupa. Nakapagpabilis sa
pagbabago ng konsepto ng pagmamay-ari ng lupa ang reduccion at pagtatayo ng mga pueblo na naglimita sa
paggamit ng lupa sa hanay ng mga katutubo.
Sa kabila ng mga instrumento ng pagsasamantalang kolonyal at feudal, nagkaroon ng magkakaibang
pagtanggap sa kolonyalismo ang mga pamayanang katutubo. Bagamat napailalim sa kolonyalista ang mga
pamayanang naging Kristiyano lalo na sa kapatagan at baybaying dagat, di-laging pagtanggap at pagpapailalim ang
kanilang tugon. Pinatunayan ng mga pag-aalsa ang paglaban sa mga partikular na patakarang nagpapahirap sa
mamamayan. Samantala, matagumpay na naiwaksi ng mga Muslim at malayang pamayanang katutubo ang espada
at krus sa unang dalawang taon ng Espanya sa Pilipinas. Ang determinadong oposisyon ng mga Muslim sa
kolonisasyon ay nauugat sa katatagan ng sultanato ayon sa aral ng Islam na nagbabawal sa mga Muslim sa
pagsuko sa hindi sumasamba kay Allah, lalo na sa mga pook na nasakop na rin nila. Pagtatanggol naman sa
kalayaan ng mga pamayanan upang mamuhay sa kanilang kalupaan at yamang likas ang pangunahing motibasyon
ng mga taga Cordillera sa Luzon at ng mga Lumad sa bulubundukin at interyor ng mga lugar sa Kabisayaan at
Mindanao.

Pagbuo ng Pambansang Lipunang Filipino

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

23
Ang pagpapatupad ng mga Espanyol sa makabagong patakaran ng ekonomiya at pagbukas nito sa
pandaigdigang kalakalan ang naging dahilan upang magkaroon ng pagbabago sa kabuhayan ng mga Filipino.
Ang dating ekonomiya na nakabatay sa pangangailangan ng pamayanang Filipino ay pinalitan ng isang uri
na higit na tumutugon sa pambansa at pandaigdigang pangangailangan. Katangian na bagong tunguhing
pangekonomiya ang komersiyalisasyon ng agrikultura, monocropping, rehiyonal na saklaw ng produksiyon ng ilang
piling tanim lamang, at pagkakaugnay ng mga probinsiya sa kalakalang pambansa at pandagidigan.
Naging epekto ng pagbabago sa ekonomiya ang pagbabago ng lahat ng aspeko ng buhay ng pamayanan.
Lumitaw ang ibat ibang uri at saray sa lipunang kolonyal tulad ng principalia at ilustrado na nagsulong ng
pagbabago.
Mahalaga ang naging papel ng mga Tsino sa kasaysayan ng kalakalan, pati na rin sa pamamahala sa mga
lupang sakahan para sa mga panginoong may-lupa.
Samantala, lalong nasira ang lokal na ekonomiyang datiy nakasasapat sa sarili, subalit ngayoy lubha nang
nakadikit sa lunduyan ng pandagidigang kalakalan.
Isang panibagong antas ng pakikibaka ng mamamayan sa kanayunan ang naganap mula 1745 hanggang
1892. Hindi tulad ng mga naunang paghihimagsik na panrelihiyon ang motibo, ang mga paghihimagsik sa panahong
ito ay unti-unting humubog sa kamalayan mula sa pagiging kontra-fraile at kontra-opisyal na koloyal ay naging
kontra-kolonyal at kontra-feudal. (May talahanayan ng pag-aalsa at paghihimagsik ang nakapaloob sa paksang ito)
Ang mga sumusunod ang ilang dahilan kung bakit sumibol ang kaisipang makabayan sa mga lungsod at
sentrong bayan:
1. pananatili ng panloob na esensiya ng katutubong kultura
2. pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan at ilang makabagong patakarang pangekonomiya
3. pagsulong ng edukasyon noong 1860s
4. sekularisasyon at ang pagbitay sa Gomburza
Nabuo ang kilusang reporma noong 1880s kung saan ang mga progresibong mag-aaral ay humiling ng
pagbabago sa pamahalaang Espanyol. Sa panahong ito, nagkaroon ng malaking papel ang mga dakilang
propagandista sa pagsulong ng reporma at pagbuo ng isang bansa.

Panimula ng Pagbagsak ng Pamahalaang Espanyol at Pagsibol ng Kamalayang Filipino


Sa kabila ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol at pamamahala, hindi lubusang nasakop ang mga
Filipino. Sa buong kalupaan, maraming mga Filipino ay sumalungat sa pamamahala ng mga Espanyol na kung saan
ipinahayag sa marahas na pamamaraan. Kalimitang dahilan ng mga pag-aalsa ay ang mga malupit na sinapit ng
mga Filipino sa kamay ng mga Espanyol. Isa rin sa mga dahilan ay kagustuhan ng mga Filipinong maging malaya na
nagbugso ng mga pailan-ilang mga pag-aalsa.
Ang mga pag-aalsang ito ay simula ng pagkamulat ng mga Filipino laban sa kaapihang dinanas sa kamay
ng mga Espanyol. Ito rin ang naging simula upang mapukaw ang damdaming makabayan sa bawat lalawigang
lumalaban sa mga Espanyol. Sa kabila ng mga pagsusumikap ng mga pag-aalasang ito, bigo pa ring mabuo ang
pambansang kamalayan dala ng pagkakahati-hati sa heograpiya at patakarang sadyang dinisenyo ng mga Espanyol
upang sa gayon ay hindi magkasundo ang bawat Filipino.
Mga Pag-aalsa/
R.G. Maligaya

Lugar at Panahon

De La Salle Lipa

June 2012

Mga Sanhi ng

Dahilan ng pagkabigo

24
Paghihimagsik
(Pinuno)
Lakandula

Magat Salamat at
Agustin de Legaspi
Mga Gaddang

Paghihimasik
Maynila/ 1574

Tondo, Maynila;
Kapatagang Luzon at
Borneo /1587
Lambak ng Cagayan
(Cagayan Valley) /1621

Bangkaw

Carigara, Leyte /1622

Tamblot

Bohol /1622

Pedro Ladia

Malolos, Bulacan /1643

Juan Sumuroy

Samar /1649-1650

Francisco Maniago

Pampanga /1660-1661

Andres Malong

Lingayen, Pangasinan /
1661
Bohol 1744-1828

Francisco Dagohoy

Mga Usapin sa Lupaing


Pansakahan

Batangas, Cavite,
Laguna, Rizal at
Bulacan /1745-1746

Diego Silang

Vigan, Ilocos Sur /17621763

Maria Josefa Gabriela


Silang

Vigan, Ilocos Sur /1763

Juan de la Cruz Palaris

Pangasinan /1762-1764

Hermano Pule

Tayabas /1840-1841

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

Hindi tinupad ng mga


Espanyol ang
pangakong di
pagbabayarin ng buwis
ang mga katutubo
Pagnanais na mapanatili
ang kalayaan at
pagsasarili ng Pilipinas
Pagmamalabis ng mga
pinunong Espanyol sa
mga Gaddang
Pagnanais na makabalik
sa katutubong relihiyon
Pagnanais na makabalik
sa dating relihiyon
Nais paalisin ang mga
Espanyol at palayain
ang mga Filipino
Pagtutol sa pagpapadala
sa mga taga Samar sa
Cavite para sa polo y
servicio
Sapilitang pagpapaputol
ng mga puno ng mga
mangagawa at di
pagbabayad sa mga ito
Pagtugon sa panawagan
ni Maniago
Hindi pumayag ang kura
na ilibing sa Katolikong
pamamaraan ang
kapatid
Pagkamkam ng mga
prayleng Espanyol sa
mga lupain at pagpataw
ng malaking buwis
Pagnanais na maalis
ang mga mataas na
buwis at magkaroon ng
independenteng
pamahalaan
Pagpapatuloy sa
sinimulan ni Diego
Silang
Pagtutol sa
pagmamalabis na buwis
Pagbabawal sa itinatag

Namagitan si Juan
Salcedo

Ipinagkanulo ng ilang
mga kapanalig
Pinakiusapan ni Padre
de Santo Tomas
Nasupil ng hukbong
Espanyol mula sa Cebu
Nasupil at napatay si
Tamblot
Nahuli si Ladia at
ipinapatay
Nahuli si Sumuroy at
ipinapatay
Pinayapa si Maniago
matapos pakiusapan ni
Juan Macapagal
Nahuli si Malong at
ipinapatay
Natalo ang kanyang
hukbo at pinatawad ng
gobernador-heneral ang
kanyang mga kapanalig
Sinupil ng mga
puwersang Espanyol
ang mga nag-alsa
bagamat nagpatuloy ang
suliranin
Si Silang ay pataksil na
pinatay ni Miguel Vicos

Natalo si Gabriela sa
labanan at ipinapatay
Natalo at ipinapatay si
Palaris
Nahuli si Pule at

25
(Apolinario dela Cruz)

na Cofradia de San Jose

ipinapatay

Ang pagsilang ng nasyonalismo at kamalayang Filipino sa bansa ay sanhi ng mga pagbabago sa lipunang
Filipino dala ng pagbabago sa ibang bansa partikular sa Europa na dinala sa Pilipinas sa pamamagitan ng kalakalan
noong siglo 19. Ang mga liberal na kaisipan mula sa Europa ay kumalat sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga aklat,
pahayagan at mga Filipinong kabataang mag-aaral sa Europa na siyang mga naging ilustrado na siyang nagsimula
ng Kilusang Propaganda.
Ang Kilusang Reporma at Propaganda
Dahil sa mga pang-aabuso at walang kalayaan ng pagpapahayag sa Pilipinas, humiling ng pagbabago ang
mga ilustrado. Minimithi ng mga ilustrado na gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas upang makamit nito ang
mga karapatan at kasaganaan na tinamasa ng mamamayang Espanyol. Itinatag ang samahang La Liga Filipina
bilang daluyan ng buhay ng tumintinding makabayang kamalayan sa kalunsuran. Hindi naglaon, inlunsad ng
samahang ito ang higit na sitematikong gawaing pampropaganda mula 1882.
Tinukoy din na Kilusang Propaganda ang panahon ng makabayang kaisipan batay sa pagbabalangkas ng
mga ilustrado. Tinawag na propagandista ang mga protagonista ng kilusang ito.
Pormal na nabuo ang Kilusang Propaganda sa pagkakatatag ng Comite de Propaganda noong 1888 sa
Maynila na naging dahilan sa paglakbay ni Marcelo H. del Pilar sa Europa bilang kinatawan ng grupo. Ngunit dahil
lubhang mahalaga sa kabuuan ng simulaing nasyonalismo ang pagkilos ng mga kabataang Filipino sa Europa noong
1880, ang taon na nabanggit ang siyang ginamit ng mga pantas sa kasaysayan bilang simula ng kilusan.
Reporma ang pangunahing layunin ng mga propagandista. Batay ito sa mga hangaring asimilasyon at hindi
pagsasarili. Nagpahayag sila ng mga layuin at hiling sa pamamagitan ng magasin, polyeto, aklat at pagla-lobby.
Bukod dito, lumahok rin ang mga propagandista sa masoneriya at ibat ibang samahan tulad ng Circulo-HispanoFilipino, Cavite de Propaganda, Asosacion Hispano-Filipino, La Solidaridad at La Liga Filipina. Malaki ang naging
papel ng mga ito sa pagsulong ng kilusan.
Mahahati sa aspektong pampolitika at pang-ekonomiya ang kahilingan ng mga propagandista gaya ng mga
sumusunod:
Kahilingang Pampolitika
1.
2.
3.
4.

pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya


pagkapantay-pantay ng mga Filipino at Espanyol sa harap ng batas
pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes
paghirang ng mga Filipinong paring secular sa mga parokya at pag-alis ng mga fraile

Kahilingang Pang-ekonomiya
5. pagpapatibay ng patakaran ng malayang kalakalan sa Pilipinas at pag-aalis ng kahigpitan sa negosyo
6. paghahanap ng paraan na mabigyan ng matatag na pamilihan ang mga produkto ng Pilipinas
7. Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa
Sa Espanya inilunsad ang kilusan dahil sa kawalan ng kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas. Subalit
mayroon ng mga pagpapahayag ng pangangailangan ng reporma sa Pilipinas gaya ng Diariong Tagalog na
pinamatnugutan ni Del Pilar.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

26

May mga samahang natatag rin sa Espanya may malaking kontribusyon sa pagsulong ng kilusan ito ay ang
Asosacion Hispano-Filipino at Samahang Masoneriya. Ang Asosacion ay itinatag ng mga propagandistang
Filipino at kaibigang Espanyol noong Hulyo 1888 sa Madrid sa pangunguna ni Miguel Morayta. Layunin nitong
isulong ang reporma para sa Pilipinas.
Samantalang ang Masoneriya ay nagsusulong ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran. Naniniwala
ang mga kasapi nito sa marangal at malayang pamumuhay.
Ang mga pangunahing propagandista sa Espanya ay ang mga mag-aaral na Filipino na siyang nagsulong
ng kilusan. Ilan sa mga ito ay sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal. Malaking ambag sa
pagsulong ng reporma ang kanilang mga ipinahayag, isinulat at kahanga-hangang gawaing pampollitika.
La Liga Filipina
Nang umuwi si Rizal sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kilusan sa reporma, itinatag niya ang La Liga
noong Hulyo 3, 1892. Sa pamamagitan nito, pinangarap ni Rizal na makamtan ang pambansang komunidad na
siyang pangunahing pangangailangan para sa mimimithing kasarinlan. Dinakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892,
kung kayat biglang natigil ang pagsisimula nito.
Resulta ng Kilusang Propaganda
May naniniwala na bigo ang Kilusang Propaganda kung pagbabatayan ang pagsasakatuparan ng mga
layunin nito. Walang asimilasyong naganap. Higit pa rito, hindi nagkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag at ng
kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes. Ang ilang pagbabago tulad ng pagtigil ng monopolyo ng tabako at ang
pagbabayad ng buwis batay sa kakayahan ng mamamayan ay hindi sapat na tugon sa mga kahilingan ng mga
propagandista.
Subalit matagumpay ito, kung bibigyang halaga ang ginawang pinsala nito sa kapangyarihan at
impluwensiya ng mga fraile na patuloy na binatikos ng mga propagandista dahil sa paniniil sa mga mamamayan.
Dahil sa mga nobela, magasin at aklat na kanilang isinulat, nagkaroon ng kamulatan at pagkaisa ang mga
edukadong Filipino. Dahil sa impormasyon mula sa kilusan, nagsimulang kumilala sa sarili bilang Filipino ang
mga katutubo. Marami ang nagsasabi na ang pagpapalaganap sa makabayang kaisipan ay ang malaking
ambag ng kilusang Propaganda sa mga mamamayan.
Ang Samahang Rebolusyonaryo o ang Katipunan
Matapos hindi naisakatuparan ang asimilasyong hinihingi ng mga propagandista at nabigo ang layunin ng
La Liga ni Rizal, nahati ang mga kasapi nito sa pagtatag ng Cuerpo de Compromisario at Katipunan.
Nagtangkang ituloy ng Cuerpo ang pamamaraan ni Rizal, ngunit nawala itong parang bula nang sumunod na
araw. Ang Katipunan naman ay naniniwalang napapanahon na ang paggamit ng dahas ang siyang lumago at
naglunsad ng Himagsikan 1896. Pinangunahan ito ni Andres Bonifacio bilang Supremo.
Noong Hulyo 7, 1892 itinatag ni Andres Bonifacio, Ladislao Diwa at Teodoro Plata ang Kataastaasan
Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak ng Bayan o Katipunan sa maikling tawag. Pangunahing
layunin nito na: 1)magpunyagi sa ikatutubos ng Pilipinas upang maging bayang nagsasarili; 2) magturo at magaral ng kagandahang asal, kalinisan at mabuting pakikipagkapwa; 3) magpatalsik sa mga fraile at pagbaka sa
panatisismo at sa mga aral ng mga fraile na nakadidilim, sa halip na makaliwanag, sa isipan ng mga Filipino; at
4) magtaguyod ng pagtutulungan at pagtatanggol sa mga naaapi at lalo na sa mahihirap.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

27
Nahahati sa tatlo ang balangkas ng Katipunan: Ang Kataastaasang Sanggunian (Supreme Council), ang
Sangguniang Bayan (Provincial Council) at ang Sangguniang Balangay (Municipal Council). Nakalagak sa
kamay ng Sangguniang Hukuman ang mga usaping may kinalman sa hustisya. Ang mga ito ang magsisilbing
balangkas ng pamahalaang Filipino sa sandaling mapatalsik ang mga Espanyol sa pook na kanilang
pinamumunuan.
Ginawa ang pangangalap ng kasapi sa pamamagitan ng pamamaraang trianggulo kung saan ang bawat isa
sa tatlong kasapi ay mag-aanyaya ng iba pang dalawang kasapi. Subalit mabagal ang ganitong sistema sa
pagkalap ng mga kasapi, kung kaya pinalitan ito noong Oktubre 1892 ng pamamaraang inisasyon na hango sa
isa sa mga ritwal ng samahang mason sa bansa. Maaari nang mangalap ang bawat kasapi ng maraming iba
pang magiging kasapi.
Inilalagay sa tatlong grado ang mga kasapi. Una dito ang gradong Katipon na may kontrasenyas na Anak
ng Bayan. Maaaring sumulong ang katipon tungo sa pagiging Kawal na gumagamit na kontrasenyas na
Gomburza. At sa sandaling naging kagawad siya ng lupong pamunuan, maaari na siyang sumulong sa
pinakamataas na grado, ang Bayani, na Rizal ang kontrasenyas.
Unti-unting lumago ang kaisipan ng Katipunan sa ilalim ng bagong pamamaraan ng pangangalap. Lalong
naikalat ang simulain at layon ng Katipunan sa pamamagitan ng mga kopya ng unat tanging bilang ng Kalayaan
na naglalaman ng mga akda nina Bonifacio, Jacinto, Valenzuela at iba pa. Bagaman minsan lamang lumabas
ang pahayagang Kalayaan, nagkaroon ng malaking epekto sa masa ang mga kopyang ipinamudmod sa mga
lalawigan. Simula sa mga 300 kasapi noong bago lumabas ang unat huling bilang nito noong Marso halos
umabot ang bilang ng kasapi sa mga 30,000 nang kumalat na ang sipi ng pahayagan sa Kamaynilaan at mga
lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga. Maliwanag na handa nang
ipaglaban ng bayang maralita ang kanilang karapatan makamtan ang kasarinlang ipinagkait ng mananakop.
Hindi nalingid sa kaalaman ng mga Espanyol ang paglaganap ng layunin at mithiin ng Katipunan. Napansin
nila ang ikinikilos ng mga mamamayan sa paligid ng Maynila. Nagbigay ito ng hinala sa mga Espanyol na may
napipintong di-kagandahang pangyayari. Nagkaroon ng katiyakan ang hinala nang magtapat tungkol sa mga
lihim ng Katipunan ang kapatid ng isang katipunero kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ng kumpisal. Hindi
nag-aksaya ng panahon si Padre Gil, agad nitong isiniwalat sa pamahalaan ang kaniyang napag-alaman tungkol
sa Katipunan. Kumilos ang mga alagad ng batas at hinuli ang mga pinaghihinalaan sa Fort Santiago. Dito
marami ang pinahirapan ng labis at ito ang nagtulak kay Bonifacio na simulan ang lantarang paghimagsik laban
sa mga Espanyol. Sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896 unang narinig ang malakas na paghamon ng mga
Katipunero sa naghaharing Espanyol.
Ang Himagsikang Filipino o Rebolusyong 1896
Matapos ang Sigaw sa Pugadlawin, ay nagkaroon ng unang pagtatagpo ang mga Katipunero sa kawal
Espanyol sa San Juan del Monte noong Agosto 30, 1896. Sinalakay ng mga Katipunero ang arsenal ng mga
Espanyol upang makakuha ng mga armas. Subalit nabigo ang mga ito dahil sa pagdating mga karagdagang
puwersa ng mga Espanyol. Matapos ang engkwentro sa San Juan, nagpatuloy ang mga Katipunero sa
pakikipaglaban sa Marikina, San Mateo at Montalban.
Samantalang sa Cavite, namayagpag ang mga kawal Filipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo, Artemio
Ricarte at Tomas Mascardo. Si Aguinaldo ang siyang pinuno ng mga labanan sa Imus, Noveleta at Binakayan.
Samantalang si Mariano Llanera naman ay siyang namuno sa pag-atake sa garison sa Cabiao, Nueva Ecija.
Sinundan ito ng paglaganap ng rebolusyon sa Cavite, Bulacan, Batangas at Nueva Ecija. Sumunod dito ang
marami pang mga lalawigan sa buong kapuluan.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

28
Dahil pagkalat ng himagsikan, noong Agosto 30, 1896, inilagay ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang mga
lalawigan ng Maynila, Cavite, Batangas, Laguna, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan at Pampanga sa batas-militar
upang masugpo ang paghihimagsik sa mga lalawigang ito. Ang mga naarestong mga bilanggo ay lilitisin ng
hukumang militar at ang mga susuko sa loob ng 48 oras ay maaaring mapawalang sala. Subalit hindi ito tinupad
ng mga Espanyol bagkus pinahirapan ng husto ang mga nagsisuko.
Naging mapang-api ang mga Espanyol sa mga bilango sa Fort Santiago, marami sa mga ito ang
nangamatay dahil sa gutom at hirap ang ilan ay ipinatapon sa Caroline Islands at sa Africa at ang ilan naman ay
binitay kabilang na si Jose Rizal na binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.
Dahil sa paglaganap ng Katipunan, hindi naiwasang magkaroon ito ng mga suliranin partikular sa
pamunuan. Nagkaroon ng sigalot ang Katipunan dahil sa ambisyon at personal na di pagkakaunawaan ng mga
pinuno nito na nagdulot ng pagkahati ng pakikitungo ng mga kaanib nito. Sa Cavite, ang Katipunan ay nahati sa
dalawang pangkat, ang Magdalo sa pamumuno ni Baldomero Aguinaldo na nasa Kawit, Cavite at ang
Magdiwang sa pamumuno ni Mariano Alvarez na nagkukuta sa Noveleta, Cavite. Ang Magdalo ay naniniwala sa
liderato ni Emilio Aguinaldo habang ang Magdiwang ay panig kay Andres Bonifacio. Upang malutas ang
suliraning ito inimbitahan nila si Bonifacio na magtungo sa Cavite upang maayos ang sigalot.
Sa Imus nagtipon ang mga Katipunero upang maresolba kung ano ang klase ng pamahalaan ang
kailangang itatag upang kumilos ng husto ang Katipunan. Subalit walang nangyari sa pagtitipon sa Imus noong
Disyembre 21, 1986 kung kaya nagpatawag ng panibagong pagpupulong sa Tejeros noong Marso 22, 1987 na
kung saan nagpapasyahang magtayo ng rebolusyonaryong pamahalaan. Nagkaroon ng halalan at ang naging
resulta ay ang sumusunod:
Emilio Aguinaldo
Mariano Trias
Artemio Ricarte
Emiliano Riego
Andres Bonifacio

Pangulo
Pangalawang Pangulo
Kapitan Heneral
Direktor ng Digmaan
Direktor ng Kaganapang Panloob o Interyor

Nalutas sana na kombensyon sa Tejeros ang sigalot kung hindi tumutol si Daniel Tirona na kinuwestiyon
ang pagkahalal kay Andres Bonifacio. Sinabi ni Tirona na ang posisyon na Direktor ng Interyor ay
nangangailangan ng nagkapagtapos ng abogasiya. Labis itong ikinagalit ni Bonifacio sa pag-insulto sa kanyang
pagkatao kung kayat ipinahayag niyang walang halalang naganap bilang Supremo ng Katipunan at walang
bagong pamahalaan ang natatag.
Matapos ang insidente sa Tejeros, nagtungo sina Bonifacio sa Naic, Cavite upang gumawa ng panibagong
hakbang sa pagtatayo ng bagong rebolusyonaryong pamahalaan. Ang dokumentong ginawa ay pagpapawalang
saysay sa kombensyong naganap sa Tejeros. Nagtayo rin ng bukod na hukbo sa pamumuno ni Heneral Pio del
Pilar. Ang mga lumagda sa bagong dokumento ay sina Andres Bonifacio, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at
Severino de las Alas. Nang malaman ni Aguinaldo ang pangyayari sa Naic, inutusan niya ang kanyang kawal na
dakpin si Bonifacio at kanyang mga tauhan. Sa Indang, Cavite nadakip sina Bonifacio at kapatid nito.
Nagkaroon ng palitan ng putok na siyang ikinamatay ng kapatid ni Bonifacio na si Crispulo at ikinasugat naman
ni Procopio.
Nang dahil sa pagkadakip kay Bonifacio, nagtatag ng Konsehong Pandigmaan upang litisin sina Bonifacio
na kinabibilangan nina Mariano Noriel, Tomas Mascardo, Esteban Infante, Crisostomo Riel, Sulficio Antonio,
Placido Martinez at Mariano Riego de Dios. Tumagal ng isang linggo ang paglilitis at nagpasyang hatulan ng
kamatayan ang magkapatid na Bonifacio. Ang pasyang ito ay binago ni Aguinaldo ngunit hindi ito nasunod.
Noong Mayo 10, 1897, si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio ay pinaslang sa Bundok Buntis sa
Maragondon, Cavite.

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

29

Ang Republika ng Biak-na-Bato


Matapos ang pagbitay kay Bonifacio, ang mga Katipunero ay nakaranas ng sunod-sunod na pagkatalo. Ang
buong lalawigan ng Cavite ay muling nasakop ng mga Espanyol kung kayat lumipat sina Aguinaldo ng kuta sa
Talisay, Batangas at sumapi sa puwersa ni Miguel Malvar. Mula rito sina Aguinaldo ay nagtungo sa Bulacan at
nagtatag ng kuta sa Biak-na-Bato, San Miguel de Payumo. At ng huli ay bagong republika. Noong Nobyembre 1,
1897, pinagtibay nila ang saligang batas o konstitusyon sinulat nina Felix Ferrer at Isabelo Artacho hango sa
saligang batas ng Cuba. Nagkaroon ng halalan noong Nobyembre 2 at ang naging resulta ng halalan ay ang
sumusunod:
Pangulo Emilio Aguinaldo
Pangalawang Pangulo Mariano Trias
Kalihim ng Ugnayang Panlabas Antonio Montenegro
Kalihim ng Interyor Isabelo Artacho
Kalihim na Pandigma Emiliano Riego de Dios
Kalihim ng Pananalapi Baldomero Aguinaldo
Dahil sa lakas ng pwersa ng mga rebeldeng Filipino inalok ni Gob. Hen. Primo de Rivera ang mga ito ng
kasunduan para matigil ang paghihimagsik. Ang kasunduan ay sa pamamagitan ni Pedro Paterno bilang
tagapamagitan. Nilagdaan ang napagkasunduan noong Disyembre 15, 1897. Ang Kasunduan ng Biak-na-Bato
ay nagtatapos sa himagsikan sa pamamagitan ng boluntaryong paglikas nina Aguinaldo sa ibang bansa at
pagsuko ng kanilang mga armas sa pamahalaang Espanyol. Kapalit nito ay magbabayad ang Espanya ng
kabuuang P900,000 para sa mga hindi nakidigma (mga sibilyang biktima ng digmaan) at P800,000 para sa mga
kawal Filipino na babayaran sa sumusunod na pamamaraan:
1. P400,000 babayaran matapos makaalis sina Aguinaldo sa bansa
2. P200,000 ibibigay matapos isuko ang lahat na armas
3. P200,000 ibibigay kung ang lahat ng paghihimagsik ay tuluyan ng matapos at makapagbigay ng
amnestiya ang pamahalaang Espanyol
Noong Disyembre 27, 1897, tumulak patungong Hong Kong sina Aguinaldo at kanyang mga tauhan dala
ang P400,000 na siyang sinasaad sa kasunduan.
Ang Pagsiklab ng Digmaang Espanya at Estados Unidos
Nagsimulang magkaroon ng iringan ang bansang Espanya at Estados Unidos dahil sa di nila
pagkakaunawaan sa teritoryo sa Cuba. Ito rin ang naging simula ng disenyong imperyalismo ng mga Amerikano.
Kagaya ng Pilipinas, ang Cuba ay sakop rin ng mga Espanyol. Noong 1985, sumiklab ang rebolusyon sa Cuba
laban sa mga Espanyol at pumanig ang Estados Unidos sa mga taga Cuba. Ito ang naging mitsa ng sigalutan sa
pagitan ng dalawang bansa. Kinailangan ng Amerika ng dahilan upang magkaroon sila ng digmaan ng Espanya
kayat ng misteryosong lumubog ang barkong Maine sa daungan ng Havana, Cuba noong Pebrero 15, 1898 ay
ginawa itong dahilan upang madeklera ng digmaan ang Estados Unidos sa Espanya noong Abril 25, 1989. Ito ang
simula ng pananakop ng mga Amerikano na may layuning sakupin ang Cuba, Puerto Rico, Hawaii, Guam at ang
Pilipinas.
Pagkatapos ang deklarasyon ng digmaan, nag-utos si Secretary John Long ng US Navy kay Commodore
George Dewey na nasa Hong Kong upang lumusob sa Pilipinas. Sa pagdating ng puwersa ni Dewey sa Pilipinas
noong Mayo 1, 1898, hindi ito napaghandaan ng mga Espanyol na labis nilang ikinabigla. Nagkaroon ng labanan sa
Look ng Maynila sa magkabilang puwersa, ang puwersa ni Dewey at ang puwersang Espanyol sa pamumuno ni
Admiral Patricio Montojo. Naging napakadali ng labanan dahil mahina ang puwersa ng Espanyol. Hindi naman agad

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

30
nasakop ng mga Amerikano ang Maynila dahil sa hinihintay na karagdagang puwersa ng mga Amerikano.
Samantalang nagkaroon ng sekretong negosasyon sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol para sa pagsuko ng
Maynila. Sa napagkasunduan ay hindi kailangang malaman ng mga Filipino ang kunwaring paglalaban ng mga ito na
siyang hudyat ng pag-alis ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sapgkat ayaw sumuko ng mga Espanyol sa mga Filipino sa
halip ay sa mga Amerikano sila susuko.
Habang nasa Hong Kong sina Aguinaldo, noong Disyembre 10, 1896 nagkaroon ng Tratado o Kasunduan
sa Paris sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya. Ang kasunduang ito ay nagtatapos sa digmaan ng dalawang
panig. Ayon sa kasunduan:
1.
2.
3.
4.

Ibibigay ng Espanya sa E.U. ang Pilipinas, Guam at Puerto Rico


Magbabayad ang E.U. ng halagang $20,000,000 sa Espanya kapalit ng mga ibibigay na kolonya
Pag-atras ng kapangyarihan ng Espanya sa Cuba
Pagbibigay ng kapangyarihan sa Kongreso ng E.U. na magpasya sa kahihinatnan ng mga taong dating
nasasakupan ng Espanya

Ang Pagbabalik ni Aguinaldo at ang Pagpapahayag ng Kasarinlan sa Kawit


Nabatid ni Aguinaldo kung ano ang nangyari sa Kasunduan sa Paris ngunit sa kabila ng kasunduan ay nais
pa rin nitong magtayo ng sariling pamahalaan ang mga Filipino. Kung kayat habang sila ay nasa Hong Kong ay
abala sila sa paghahanda upang ganap na maging malaya ang Pilipinas. Mula Hong Kong, bumalik ng Pilipinas sina
Aguinaldo upang hikayatin ang mga Amerikano na kilanlanin ang kasarinlan ng Pilipinas. Noong Hunyo 12, 1898,
idiniklera in Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas kanyang balkonahe sa Kawit, Cavite. Ang Deklerasyon ng
Kasarinlan ay binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista.
Matapos ang pagpapahayag ng kasarinlan sa Kawit, iminungkahi ni Apolinario Mabini kay Emilio Aguinaldo
ay pagpapalit ng uri ng pamahalaan mula sa diktatoryal at gawin itong rebolusyonaryo noong Hunyo 23, 1898. Agad
naman itong sinangayunan ni Aguinaldo sapagkat si Mabini ay kanyang pinunong tagapayo. Dahil sa kinakailangan
ng pagkilala sa bagong rebolusyonaryong pamahalaan agad nagpadala si Aguinaldo ng mga kinatawan patungong
Hong Kong upang doon ay magtayo ng isang Junta na siyang magsisimula ng mga gawain sa pagkilala sa Pilipinas.
Ang Juntang ito ay nagsumikap na kilanlanin ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas kabilang sa mga ito ay sina
Felipe Agoncillo, Mariano Ponce, Juan Luna, Faustino Lichauco, Antonio Regidor at Pedro Roxas.
Ang Kongreso ng Malolos at ang Unang Republika
Bilang pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo, batid ni Aguinaldo na kailangan niyang maghanda ng isang
pamahalaan demokratiko kung sakaling maibigay na ang kasarinlan ng Pilipinas. Kaya noong Setyembre 15, 1898,
itinatag sa Malolos, Bulacan ang isang Kongreso sa Simbahan ng Barasoain na binubuo ng may 50 delegado o
kinatawan. Ang mga kinatawan ay naragdagan pa hanggang 90 kinatawan mula sa ibat ibang panig ng Pilipinas.
Ang kanilang tungkulin ay bumalangkas ng isang saligang batas o konstitusyon. Ito pagbabalangkas na ito hindi
naman sinangayunan ni Mabini subalit natuloy pa rin ang pagbabalangkas nito. Ang saligang batas ay sinulat ni
Felipe Calderon. Nagkaroon ng halalan sa Kongreso at ang mgasumusunod ay siyang nahalal:
Pangulo
Pangalawang Pangulo
Kalihim

Pedro Paterno
Benito Legarda
Pablo Ocampo at Gregorio Araneta

Pinagtibay ng Kongreso noong Setyembre 29, 1898 ang pagpapahayag ng Kalayaan na ginawa sa Kawit,
Cavite. Nagsagawa rin ng mga hakbang ang Kongreso para sa pananalapi, edukasyon at ugnayang panlabas.
Pinagtibay nito ang Konstitusyon noong Nobyembre 29, 1898 at ito ay ipinatupad ni Aguinaldo noong Enero 21,
1899. Ang saligang batas na ito ay hango sa konstitusyon ng mga bansa sa Europa at Latin America. Ang saligang

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

31
batas na ito ay binubuo ng 14 titulo at 101 na artikulo. Ang Konstitusyon ay nagsasaad ng isang republikang
pamahalaan para sa Pilipinas at kumikilala sa hatiaan sa kapangyarihan ng tatlong sangay ng pamahalaan ang
ehekutibo, lehislatibo at hudisyal.
Ang sumunod na pangyayari pagkatapos maprubahan ang saligang batas ay pinagtibay na ang Unang
Republika sa Malolos ni Emilio Aguinaldo na siyang tinanghal bilang Pangulo ng Unang Republika noong Enero 23,
1899. Ito ang siyang kinikala sa kasalukuyan bilang unang republika sa Asya.

--- Katapusang Aralin para sa Midtem Exam ---

R.G. Maligaya

De La Salle Lipa

June 2012

You might also like