You are on page 1of 1

ANG REYNA NG MGA TUMBONG

by: Maria Clarissa N. EstuarANG REYNANG MGATUMBONG


Awtograpiya ng Isang Nagpapanggap na Peminista
Nuong bata pa ako, isa sa mga paboritong palabas ng aking mga magulang ang Piling
PilingPelikula sa Channel 13. Madalas kasi, pelikula ni Ramon Revilla ang kanilang sinasalang
dito.Kabitenyo ito tulad ng aking mama at papa kaya wiling-wili silang panoorin ito.Madali kong
pinagsawaan ang mga pelikulang iyon dahil halos pare-pareho lang naman angtakbo ng kuwento
ng mga ito. Una, aapihin at madedehado ang bida; pagkatapos, maymisteryosong lalaking maguudyok sa kanyang hanapin ang isang anting-anting. Kapag nakitaniya ito, doon lang siya
maaaring makipaglaban. Sa totoo lang, natuwa lang ako sa mga pelikulang iyon dahil sa mga
gabi kung kailan si Ramon Revilla ang palabas, hindi napapansinng mga magulang namin na
hindi pa rin kami natutulog ng aking kapatid kahit lumalalim na anggabi. Libre tuloy kaming
mag-ensayo ng
exhibition
sa
jackstones
hanggang gusto namin.Isang gabi sa gitna ng tag-ulan, napatigil ako sa paglalaro nang narinig
kong sabihin ng bidana kailangan niyang kumain ng tumbong para panatiliin ang pambihira
niyang lakas."mama, ano ba yung tumbong?" tanong ko. Sagot niya sa akin, puwet iyon ng
manok."Talaga bang kinakain yun?" patuloy ko. Oo, sabi niya, pero lalaki lang ang pwedeng
kumainnoon. "Bakit po?" Basta, sagot niya.Nangulit pa ako hanggang pinaliwanag niyang pangit
kasingtingnan kung babae ang kumain noon.Minsa'y nag-uwi ang ama ko ng lechon manok mula
sa isang tindahan sa Coastal Road. Napansin ko ang hugis-trayangulong tumbok ng laman na
nasa dulo nito. Tinanong ko si Papakung iyon ang tumbong at kung pwedeng akin na lang yun.
Tiningnan niya ako na tila nagtatakakung bakit himingi pa ako ng permiso. Nang nakita kong
wala siyang balak na pigilan ako, agad-agad kong kinuha ang tumbong at isinubo ito. Nagulat
ako nang nadiskubre kong mas malasa ang tumbong kung ikukumpara sa ibang bahagi ng
manok, palibhasa halos purong taba ito. Ginawa kong mabagal ang pagnguya ko paramalasap
kong ito nang tuluyan. Tamang-tamang dumating ang aking mama. Hindi ako nagsalitaat baka
makahalata pa siya.Pagkatapos nito, pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong
napansing pagbabago.Hindi lumalim ang boses ko. Hindi ko rin naramdamang mas gusto ko
nang maglaro ng mga

You might also like