You are on page 1of 12

Canal De La Reina (buod)

Kabanata 1 : Panimula
Mula ng pagkabata ni Caridad, ngayon na lang niya ulit binalikan ang lugar na kanyang
sinilangan at kinalakihan. Malayong-malayo na ang dati nitong malinis at maayos na istura sa
maputik at madaming basura na makikita mo ngayon. Ang sariwang hangin ay napalitan na ng
mabahong amoy ng kapaligiran. Kasama ni Caridad ang kanyang pamilya upang puntahan ang
lote nila. Ngunit si Junior, ang bunsong anak ni Caridad at Salvador, na lamang ang sumama sa
kanyang ina sa pagtawid sa maduming ilog. Habang papunta sa kanilang lote, ikinwento ni
Caridad kay Junior na nasunugan sila ng bahay kaya sila nagpasya lumipat ng Lolo Gorio niya.
Nang makarating sila sa kanilang lote na kinatitirikan na ng bahay at tindahan, hinanap ni
Caridad si Tisya sa babaeng nagbabantay ng tindahan. Si Tisya ay ang asawa ni Osyong na
enkargado ng lupa nila. Ngunit sinabi ng babae na wala na si Tisya dito. Ipinaalam ni Caridad na
siya ang may-ari ng lupang tinatayuan ng kanilang tindahan. Nagulat ang bantay sa tindahan at
tinawag ang kanyang amo, Nyora Tentay ang pangalan.
Kabanata 2: Alaala
Nakasagutan ni Caridad si Nyora Tentay. Pakilala ni Caridad na siya ang may-ari ng loteng
kinatitirikan ng bahay at tindahan niya. Sagot naman ng matanda ay may papel siyang hawak
para patunayan na sa kanya ang lupang iyon. Tinanong ni Caridad kung kilala niya si Precioso
Santos o Osyong na asawa ni Tisya. Sabi ni Nyora Tentay na kay Osyong niya binili ang lupa.
Idinagdag pa niya, na walang nabanggit si Osyong na mayroong ibang nagmamayari ng loteng
kinatatayuan ng kanilang bahay. Lumapit sa kanya si Junior at hinawakan ang bisig nito. Nag-init
ang ulo ni Caridad ngunit, namulatan siya at sinabing babalikan na lamang ulit siya. Pagkaalis ni
Caridad, umapoy din sa galit si Nyora Tentay at nagbantang magkakahalo ang balat sa tinalupan.
Nagbalik muli sa alaala ni Caridad ang kanilang nasunog na bahay. Ang bahay nilang pawid at
kawayan na barnisado sa tabi ng isang malaking punong kamatsile, sa gilid ng makitid at malinis
na Canal de la Reina. Hindi rin niya makakalimutan ang paggawa niya ng bangkang papel
kasama ang kanyang Ate Anita, ang Tiya Aning nila Leni at Junior at tinitingnan kung kaninong
bangka ang unang makakatawid sa kabilang ibayo. Naalala din niya ang lorong nagsasalita ng
kanyang pangalan noong bata pa siya. Iyon ay loro nila Aling Andang, ang anak ni Mang Sintong
Kawayan. Nang makarating sina Caridad at Junior sa kanilang kotse, sinalubong sila ni Salvador.
Kinamusta ni Salvador ang pagpunta nila sa minanang lote ni Caridad at isinalaysay ni Caridad
ang nangyari at muntik na silang mapasubo sa away. Pinagkatiwalaan ni Caridad si Osyong pero
niloko lamang sila nito. Sinabi ni Salvador na kukuha nalang sila ng abogado para maayos ang
problemang ito. Pagdating nila sa bahay, inilibas ni Caridad ang titulo ng lupa, pati na ang mga
resibo. Hindi niya matanggap na maaaring mawala ang kaisa-isang alalalang napakahalaga sa
kanya. Naalala ni Caridad ang kanyang ina. Naalala niya ang pagkamuhi nito sa bahay nila sa
Canal de la Reina dahil nawala ng parang abo ang ipinundar ng tatay ni Caridad para sa kanilang
pamilya.
Kabanata 3: Linta
Isang dyip ang tumigil sa harap ng tindahan ni Nyora Tentay. Kinabahan siya dahil simula
ng makita niya si Cardidad ay hindi na nawala ang nerbyos sa kanya. Sa kanilang pook, siya ang
may pinakamalaking bahay. Siya din ang takbuhan at utangan ng kanyang mga kapitbahay kahit
na ang maging tubo ay biente porsyento. Nang bumaba na sa dyip ang isang lalaking mataas
ngunit kita ang malaking tiyan ay nawala na ang kanyang bahala. Ito pala ay si Doro. Daladala ni
Doro ang kwaderno na nagkakalaman ng listahan ng may mga utang kay Nyora Tentay.
Natanong ni Nyora Tentay si Doro kung may malalapitan sila sa husgado kung saka-sakali at
naikwento ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles. Kilala pala ni Doro si Caridad, at
sinabing siya nga ang anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay na iyon. Muling
nanumbalik ang nerbyos ng matanda at sinabing may hawak siyang papel, titulo ng kanilang
lupa. Mayroong kilala si Doro sa registry of deeds kaya madali na yon. At sinabing pagbumalik
dito ang Reynanteng iyon, pakibanggit na lang ang pangalan ni Doro, anak ng Tonyang Bulutong.
Siguradong maaalala ni Caridad si Doro dahil dati lamang silang magkapitbahay. At pagkaalis ni
1

Doro, may naghihintay na babae sa labas kasama ni Asyang. Napansin ni Nyora Tentay na
mukhang malaki ang pangangailangan nito. Tinanong kung kukuha ba ang babaeng tinawag ni
Asyang na Nenita. May dala ang babae na telebisyon at sinabing may mahigpit siyang
kompromiso at iniabot na ang pera sa babae pagkatapos ay umalis. Nang mga sandaling iyon ay
hindi na naiisip ni Nyora Tentay si Caridad Reynante de los Angeles.
Kabanata 4: Salu Salo
Kaarawan ni Leni at pawing nababakas sa kanyang mukha na ayaw nitong magdiwang ng
kanyang kaarawan ngunit pinilit siya ni Caridad na magkaroon ng munting salu-salo. Sa araw
ding iyon ay kasama na ni Salvador ang abogadong hahawak ng kaso sa lupa ni Caridad. Sinabi
ni Caridad na kung matatayuan sana iyong lupa na iyon ng apartment, siguradong kikita sila
roon. Binigyang-diin din ni Caridad na ang tao ngayon ay mapagsamantala na, mahirap na
pagkatiwalaan. Tinanong tuloy ni Leni kung ang abogadong nakuha ng kanang ama ay
mapagkakatiwalaan. Sinabi naman ni Caridad na abogado iyon ng kompanya ni Salvador kaya
may tiwala sila doon. Si Attorney Agulto ang kanilang abogado. Dumarating na din ang mga
kasamahang interno at interna ni Lenis sa ospital. Kasama na rito ang masugid na manliligaw
nito na si Vic. Positibo namang sinabe ni Salvador na malakas ang laban nila sa kaso. Maaari na
daw silang magharap ng petisyon sa korte at sinabi ng abogadong palsipikado ang titulong
hawak ni Nyora Tentay. Ipinaalam din ni Atty. Agulto na may pinapunta na siyang tao doon para
magtanung-tanong at makasagap ng unting balita tungkol sa lupa na pag-aari ni Caridad.
Dumating na din si Junior kasama ang kanyang mga kabarkada. Kasama niya sina Ben, Doddy,
Dante at ang kaisa-isang babae na si Betty. Inalok ni Caridad na kumain muna sila ngunit
tumanggi sila Junior. Napaisip si Caridad sa kasamang babae ni Junior at pumasok pa sila sa
kwarto. Nabahala si Caridad at ayaw niyang makasama ni Junior ang pangkat na nasa silid ng
kanyang anak, pati na rin ang babae. Sinabi na lang ni Junior na mananaog sila kapag gutom na
sila.
Kabanata 5: Makabago
Tila hindi mawari ni Caridad kung ganoon na nga ba ang henerasyon ngayon at kung
ganoon na rin ba ang mga babae ngayon. Hindi siya mapakali hanggang sa nanaog na sila
ngunit patuloy pa rin ang pagusisa niya sa babaeng kasama ng barkada ni Junior. Nang makaalis
na ang mga bisita ni Junior ay hindi na nakatiis ang kanyang ina at Ate Leni sa pagtatanong
tungkol sa babaeng iyon. Naisip din kasi ni Caridad na baka mabuntis ni Junior ang kasama
nilang babae. Nagalit din si Caridad dahil hindi man lang marunong gumalang ang kanyang mga
kaibigan. Paliwanag naman ni Junior na ang babaeng kanilang tinutukoy ay ang girlfriend ng
kanyang kabarkada at hindi din niya type ang ganung klaseng babae. Patuloy pa nito na kanyang
pinagmamalaki sa kanyang mga kabarkada na wala silang communication gap pati na
ang generation gap. Hinayaan na lamang siya ni Caridad dahil baka maisipan pa nitong gumawa
ng di kanaisnais.
Si Nyora Tentay ay galit na galit kay Maring na namomroblema dahil iniwan siya ni Duardo.
Nalaman kasi nito na ginagamit lamang siya ni Maring upang makakuha ng pera para sa
pagsusugal. Ang natira lamang kay Maring ang relos niyang brelyante na binigay ni Duardo sa
kanya. Nasabi na rin niya na hindi na siya mangungupahan dahil gusto niyang ilayo sa lugar na
iyon ang kanyang anak. Isinanla niya na ang kanyang relos upang pang bayad sa kanyang utang
na upa ng bahay. Habang nag-uusap si Maring at Nyora Tentay, mayroong kotse na pumarada sa
harapan ng tindahan ni Nyora Tentay. Lumabas siya ng tindahan dahil siyay hinahanap ng
agrimensor na nagtatrabaho para sa gobyerno. Naparoon sila upang magsukat ng lupa at
naghahanap ng mga muhon dahil sa kakulangan ng estero sa kanilang lugar at kinabahan si
Nyora Tentay at naalala niya si Caridad Reynante Delos Angeles nang maitanong sa kanya kung
ilan tao na siyang nangungupahan sa lupang iyon.
Kabanata 6: Pakikipagtunggali
Naglabas si Nyora Tenta ng isang malaking bote ng wiski, isang malaking boteng panghalo
ng inumin, isang malaking sisidlan ng yealo na hugis-bariles at sinamahan pa ng isang malaking
2

lata ng sitsarong baboy laman ngunit hindi agad nahimok ni Nyora Tentay ang mga ito at
binalutan pa niya ito ng tig-isang sigarilyongblue seal. Tinanong ni Nyora Tentay kung bakit
kinakailangang ngayon sukatin ang lupa at ang sagot ng mga ito ay dahil masyadong malalaki
ang lupain na nasasakop ng Canal De La Reina na dahilan ng pagkawala ng tubig roon at ang
pagtakip sa mga lagusan ng tubig. At tumuloy na ang kanyang mga bisita na pinabitbitan pa ng
pagkain kang Ingga. Lumabas si Nyora Tentay sa tindahan at natanaw si Lucing at nagalit ditto
dahil hindi na binayaran ni Lucing ang hiniram niya kay Nyora Tetay na sa akala ni Lucing ay
isang tulong para sa pagpapagamot ng kanyang anak. Ang inaakalang mabuting kalooban sa
pagtulong sa kaniyang anak ay isa palang utang na napatungan na ng mataas na tubo.
Nagulat si Leni sa kanyang nakita na halos naghihingalo na ang pasyente ng ipatawag siya
sa Emergency Room ng charity ward. Isang babaeng wala ng kulay ang mga labi, malalim na ang
nakalapat na mga mata at namamarak ang namumutlang mga pinsgi. Pilit niyang isinasalba ang
babae ngunit hindi na matanggap ng katawan nito ang iniksyon at hindi na rin masalinan pa ng
dugo. Kanyang pinirmahan ang papeles at nagulat siyang makitang nakatira ito sa Canal de la
Reina.
Kabanata 7: Daigdig ng Pagdarahop
Si Leni ay baguhan pa lamang sa larangang iyon kung kayat hindi pa siya sanay makakita
ng mga taong nababawian ng buhay. Kanyang nagunita nang nabanggit ng kanyang ina na siyay
maging isang General Practitioner noong hindi pa siya nagdodoktor ngunit nirespeto pa rin ni
Caridad ang kagustuhan ni Leni. Sa kalagayan ni Paz Cruz nakita niya kung gaano kahirap ang
buhay dahil may mga taong hindi makapagpagamot dahil sa kawalan ng pera.
Nabalitaan na nga ni Nyora Tentay na namatay na si Paz na ang tawag ng mga taga roon
ay Pacing. Kanyang naisip na kikita nanaman siya dahil doon. Maraming makikiramay sa pamilya
nito kahit na wala ang katawan roon ni Pacing ngunit mapapansing hindi sila naparoon upang
dalawin ang bangkay nito at paniguradong sa kanya sila bibili ng mga maiialok sa mga
nakikiramay. Pinuntahan ni Nyora Tentay si Dado na asawa ni Pacing at nakiramay sa kanya
ngunit hindi pa rin nakalimitan ni Nyora Tentay ang mga utang ni Dado sa kanya.
Kabanata 8: Pagkapit sa Patalim
Patuloy pa rin ang pagiyak ni Dado dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang asawa at sa
bagong silang nitong anak. Pumayag si Dado sa nais ni Nyora Tentay sa dagdag nitong interes sa
ibabayad niya. Sinisisi ni Dado ang kanyang sarili sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil
napabayaan niya ito at hindi naitakbo agad sa ospital nang may tumawag sa kanya. Ito pala ay si
Gracia na asawa dati ni Victor na anak naman ni Nyora Tentay. Kanyang nabalitaan na pumanaw
na nga ang asawa ni Dado kung kayat itoy nakiramay sa kanya. Naalala pa ni Dado na ang
damit na pinausot niya kay Pacing ay ang damit na matagal nang nabigay ni Gracia sa kanya.
Sinabi naman ni Atty. Agulto na hindi basta-bastang kalaban si Nyora Tentay. Pinalabas na
binenta ito ni Caridad kay Osyong at pumirma gamit ang tatak ng kanyang kanang hinlalaki at
sinabing may malubha siya karamdaman kaya hindi ito nakapirma. Habang silay naguusap ay
tumunog ang telepono na kanya namang agad na nasagot. Siyay nagulat sa kanyang narinig na
ang tumawag sa kanya ay si Ingga na katulong ni Nyora Tentay.
Kabanata 9: INISASYON 1
Humihingi si Ingga ng tulong kay Caridad dahil gusto na nitong tumakas sa kalupitan ni
Nyora Tentay. Ngunit, sa kasamaang palad ay naabutan ni Nyora Tentay itong gumagamit ng
telepono at pinagbantaang baon ito sa utang at hindi makakaalis sa kanyang bahay.
Dumalaw si Junior sa Canal dela Reina at hindi siya nagpaalam sa kaniyang mga magulang
na gagabihin siya sa araw na iyon. May isang bata ang lumapit sa kaniya, si Bindoy dahil
napansin nito na sinusundan siya ni Junior. Kinakabahan naman si Junior dahil hindi niya alam
kung saan sila pupunta. Akala ni Bindoy ay naghahanap ng yosi si Junior ngunit ang laman nito
ay droga. Siyay dinala ni bindoy sa isang lugar kung saan ay maraming taong mga nakatayo at
inabutan siya ng isang serbesa at sinubo sa kanya ang isang kapsula at biglang nag-iba ang
3

kaniyang pakiramdam. Patuloy ang paghingi ng tulong ni Junior sa Panginoon dahil hindi niya na
makayanan ang kaniyang nararamdaman. Ang gusto lamang niya ay ang makalayo.
Kabanata 10: INISASYON 2
Namamanhid na halos ng buong katawan ni Junior ngunit pinipilit pa rin niyang
makapaglakad palayo sa lugar na iyon.
Sobrang nag-aalala na sina Caridad at Salvador dahil hindi pa nakakauwi si Junior at dis
oras na ng gabi. Alam nilang tumatawag naman ito kung siya ay gagabihin. Nakausap ni Caridad
si Dodi at sinabing ligtas siya at nasa bahay nila si Junior ngunit inakala nila Caridad at Salvador
na lasing ito. Patuloy ang paghingi ng patawad ni Junior sa kaniyang nagawa. Nasabi ng ama ni
Dodi na siya ay nakainom ng isang droga at ang nagpasama pa rito ay sinamahan pa ito ng
serbesa. Kaagad silang bumili ng gamot para bumuti ang pakiramdam ni Junior. Sinabi ni
Caridad na ang lupa ang susi ng lahat. Dahil konektado ang nangyari kay Junior sa lupa o kayay
kapakanan ito ni Nyora Tentay at pag nabawi nila ang lupa, lahat ay mapasasaayos.
Kabanata 11: Pagkamulat
Masakit pa rin ang ulo ni junior ngunit pakiramdam niya ay nakabawi na siya sa tulog.
Sinabi ng kanyang Ate Leni na uminom siya ng maraming tubig upang mahimasmasan siya.
Pinilit niyang binubuhay sa kanyang isip ang mga naganap bago siya tuluyang manghina at
tinananong niya ang kanyang ina kung may napansin siyang aso sa bahay nila Nyora Tentay.
Sinabi ni Bidoy na sadyang napakalaki ng asong iyon. Itim ang kulay at parang lenteng malalaki
ang mga mata. Si Nyora Tentay daw mismo ang nagpapaligo at nagpapakain dahil walang
makalapit sa aso at baka din daw lasunin ng mga taong may galit sa kanya. Naging malinaw sa
isipan ni Junior ang katauhan ni Nyora Tentay. Isang lalaki ang umalalay sa kanya patungo sa taxi
na naghatid sa kanya sa tahanan nila. Sinabihan siya ng tsuper na wag nang babalik doon. Sinabi
rin ng tsuper na isang pulis ang naghatid sa kanya. Masasabing guwardiyado ang lugar na iyon.
Simula elementarya ay nag-aaral na siya sa isang ekslusibong kolehiyong panlalaki na
pinamamahalaan ng mga pari. Marami siyang naging kamag-aral na mayaman at mayroon ding
nasa panggitnang antas ng kabuhayan. Sumali sila Junior at Elmo nang magkaroon ng
demostrasyon ang mga kabataan at estudyante sa harap ng kongreso upang ipakita sa pangulo
ang damdamin ng bayan. Tumulong sila sa paghahanda ng itim na kabaong na inihagis sa
sasakyan ng pangulo at gumawa rin sila ng isang malaking paper-mache na buwaya na kinabitan
ng pangalang Marcos. Maraming nasaktan. Walang patawad ang mga pulis. Binawian ng buhay
si Elmo dahil inabutan siya ng mga pulis. Inilipat si Junior nang eskwelahan. Marami ang nag-iba
sa kanyang buhay. Napalitan ng arkitektura ang kanyang hangarin mag-aral ng batas at nagbago
rin ang kanyang mga kasama.
Dumating si Leni at si Vic sa bahay nila Caridad. Nag-usap sila sa teresa. Hindi natapos ni
Vic ang kanyang kinakain dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan kaya umalis na ang
binata.
Kabanata 12: Banta ng Sigwa
Tumawag ni Nyora Tentay kila Caridad at si Inyang ang nakasagot. Gusto nito makausap si
Caridad ngunit hindi siya kinausap nito at nagbilin na tatawag ulit tungkol sa usaping
lupa. Nagbigay ng lagay si Salvador sa sheriff dahil parang naging routine na iyon. Nagulat si
Caridad noong sinabi ni Salvador iyon dahil ngayon lamang ginawa ni Salvador ang magbigay ng
lagay. Kaya nga hindi nagtagal si Salvador sa trabaho niya sa gobyerno dahil ayaw na ayaw niya
sa mga suhulan.
Tinanong ni Caridad kung magkano at bakit kailangang magpalagay at sinabi naman ni
Salvador na maliit lang ang binigay niya at bahala na raw si Attorney. Mabuti nga raw na nauna
sila kay Nyora Tentay na maglagay dahil baka lalong maapektuhan ang kanilang apila tungkol sa
lupa. Galit na galit si Nyora Tentay dahil nagpapasok ng taong hindi nila kilala si Ingga. Nabalisa
si Nyora Tentay sa sinabi ng kanyang anak na kailangana niyang humarap sa piskalya.
Naghahanap si Nyora Tentay ng isang magaling na abogado at naisip ni Victor ang
kanyang biyenan ngunit umayaw si Nyora Tentay at pinagpipilitan ang kongressman niyang
4

kaibigan na abogado rin. Ngunit ayaw iyon ni Victor dahil maaari silang matalo sa kaso dahil iyon
ay kabilang sa gobyerno at maaring mabahiran ng politika.
Kabanata 13: Unang Senyal
Si Attorney Pea ang kinasundo ni Nyora Tentay na humawak ng kanyang kaso na noong
una ay bantulot ito sa pagtanggap sa kaso pero noong binigyan na siya ng sobre agad-agad
siyang nagbago ng isip at tinanggap ito. Pinag-usapan nila ang mangyayari sa unang hearing.
Agad nadama ni Nyora Tentay na siya ay hindi maipagtatanggol ni Attorney Pea kaya
nanghinayang siya sa pera na ibinigay dito
.Noong araw ng unang hearing. Buo ang mag-anak ni Caridad na nagtungo sa piskalya.
Unang isinalang si Caridad at sinimulan siyang tanungin ng abogado ni Nyora Tentay ukol sa
lupa. Sinabi ni Caridad na galing pa sa kanyang ninuno ang lupang iyon. Nagkasagutan ang
dalawang kampo at ipinapatawag ulit sila para sa pangalawang hearing dahil sa pagwawala ni
Nyora Tentay.
Tinawag ni Leni ang kanyang ina at sinabi na may naghahanap sa kanya na ang pangalan
ay Gracia Montes.
Kabanata14: Ikalawang Senyal
Lumabas sina Caridad at Leni sa bulwagan upang kausapin si Gracia Montes. Pinabayaan
na nila si Atty. Agulto na makipagtalo dahil alam na nito ang pasya ni Caridad na hindi sila
tatanggap ng anumang uri ng pakikipag-ayos maliban kung ibabalik sa kanila ang lupa. Nang
makita na nila si Gracia sa kanyang Volkswagen, linapitan nila ito at sinabi sa kanila na sa
telepono na lamang sila mag-usap. Iniabot ni Gracia ang isang tarhetang may nakalagay na
numero ng kanyang telepono, at sa ilalim ng kanyang pangalan ay ang maliliit na titik na Piano
teacher at Plaridel Village. Ibinigay naman ni Caridad ang numero ng kanyang telepono kay
Gracia. Tatawagan daw ni Gracia si Caridad pag dating nito sa kanyang bahay. Pagbalik nila sa
piskalya ay tapos na ang hearing. Binalitaan na lamang sila na pinapaghaharap ang panig nila
Nyora Tentay ng sagot sa loob ng 10 araw. Ayon kay Atty. Agulto, maganda ang tinatakbo ng
kanilang kaso, at nahanap na rin niya kung saan naroroon si Tisya. Inihatid na nilang mag-anak si
Leni sa pagamutan dahil 2 araw nalang ay magsisimula na ang pag-kuha ni Leni ng board exams,
ang una sa isang buwang pagsusulit, tuwing araw ng Linggo.
Sa bahay ni Geronimo M. Marcial nakatira si Gracia. Si Geronimo ay ang anak ni Gracia at
Victor. Siya ay isang practitioner na doktor ng pediatrics. Sa sandaling iyon ay nasa kanyang
sariling silid si Gracia, nasa harapan niya ang telepono at kinakabahan na tinawagan si Caridad.
Kinuwento niya kay Caridad ang kanyang buhay nang nakalipas na dalawamput pitong taon.
Dati siyang manugang ni Nyora Tentay at asawa ni Victor. Alam niyang pinagtatawanan ni Nyora
Tentay ang kanyang propesyon, kung kayat noon pa man ay naramdaman niyang hindi sila
maaaring magkasundo, maliban na lamang kung magsasarili sila ni Victor na ayaw naman nito.
Inamin niyang minahal niya dati si Victor, ngunit ngayoy wala na siyang paggalang sa kanya at
hindi na niya ito mahal. Dati ay umasa daw si Victor na babalik siya sa kanya dahil sa kanilang
anak, ngunit hindi alam ni Victor na ayaw niyang mamulatan ang kanyang anak sa ugali nila
Victor at Nyora Tentay kaya tuluyan niyang hiniwalayan si Victor.Ikinwento rin niya na naroon pa
siya nang bilhin nila Nyora Tentay ang lupa sa Canal dela Reina. Marami raw milagro sa bilihang
iyon, kaya handa raw siyang tumestigo kung kailangan nila ang tulong niya. Pagkatapos ng
kanilang paguusap, dumating ang anak ni Gracia sa kanilang tahanan.
Kabanata 15: Unos
Ikinwento ni Gracia kay Geronimo na iniimbitahan sila ni Caridad sa kanilang bahay sa
Makati, at binanggit rin niya ang anak na babae ni Caridad. Parang ipinapares niya ito kay
Geronimo, ngunit hindi alam ng kanyang ina na ayaw niyang maranasang umibig. Ayaw niyang
masaktan dahil alam niyang magkakahiwalay lamang sila ng magiging kahati niya sa buhay
pagkalipas ng panahon, katulad ng nangyari sa kanyang mga magulang. Binanggit rin ni Gracia
sa kanyang anak ang tungkol sa lupain nila Caridad, at kung paano siya handang tumestigo kung
kinakailangan, ngunit sinabi ni Geronimo na ayaw niyang mapasama pa si Gracia roon kahit sa
anong paraan. Ang totooy ayaw na niyang maugnay sa kahit na anong paraan ang kanyang ina
kay Victor. Ayaw na nga niya itong makita. Noon ngay nung kasusulit ni Geronimo sa pagkamanggagamot, nakasama siya sa unang sampung nanguna. Nailathala sa pahayagan ang
5

kanyang larawan, kayat malamang ay nakita ito ni Victor at pumunta sa kanyang


pagamutan. Nagpakilala siya, ngunit malamig ang pagtanggap ni Geronimo sa kanya. Sa dami
ng mga narinig niya sa kanyang ina kung bakit sila nakahiwalay sa kanyang ama, hindi siya
nakadama ng pananabik sa kanilang pagkikita. May tinangkang iabot si Victor sa kanya galing sa
bulsa nito, ngunit itinigas ni Geronimo ang kanyang palad kaya nalaglag ang ibinigay sa
kanya. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang mahinang tinig ni Victor. Ito ang gunitang
naalala niya sa kanyang diwa nang mabanggit ni Gracia ang usapin sa lupa.
Sinundo na nila Caridad si Leni, at ikinuwento sa kaniya ang nangyari sa husgado.
Nagmura si Nyora Tentay nang masukol sa pagtatanong ni Atty. Agulto. Dahil ditoy nacontempt siya. Kaya daw galit na gait si Nyora Tentay dahil dumating si Gracia, ngunit hindi niya
kasama si Geronimo. Nang marinig ni Leni ang pangalan ni Geronimo, naalala niya ang mga
naging pagkikita nila. Una ay nang anyayahan ni Caridad ang mag-ina sa isang hapunan sa
kanilang bahay. Nahuli sila sa pagdating dahil may biglang dumating na pasyente si Gerry. Nang
pagkakataong iyon, nagunita rin niya si Vic, hindi dahil magkapangalan sila ng ama ni Vic, kundi
malimit na kinukwento nito ang nasisirang oras ng usapan bunga ng mga kaabalahan sa
pagamutan. Hindi mauunawaan iyon ng isang hindi katulad ang propesyon. Pangalawa,
nagtungo si Geronimo sa pinaglilingkuran niyang pagamutan dahil may sinamahan siyang
batang pasyente na ipinasok sa Pediatrics, kaya naisip niyang hanapin si Leni. Pangatlo, dinalaw
ni Geronimo ang pasyente niyon at pinuntahan siya sa kanyang department.Pang-apat, kasama
si Geronimo nang ilabas ang bata. Dumaan uli sa kanyang kinaroroonan. Sa mga pagkakataong
iyon, nagugunita niya si Vic. Isa sa malimit na masabi niya kay Vic ay ang ukol kay Geronimo,
ngunit ayaw ni Vic na pagusapan siya at sinabi pa nga niya na hindi niya gusto ang doktor na
iyon.
Noong panahon na iyon ay napakalakas ng ulan at signal number two na ang bagyo,
ngunit babalik pa rin si Leni sa ospital. Napagusapan nila ang Canal dela Reina dahil lulubog
nanaman daw ang lugar na iyon. Kalahati na ng ilog ang nawawala at tuwing uulan nang
malakas ay bumabaha roon. Napagusapan rin nila ang tungkol sa kaso. Lamang daw sila at
nailabas na rin daw si Tisya.
Kabanata 16: Baha
Napakalakas na nang ulan. Lubog na sa Maynila, kaya nag-alala ng husto si Caridad para
kay Leni dahil madaling lumubog sa pook ng pagamutan. Nagbukas sila ng radyo at narinig nila
sa balita na ang pagamutan ng lungsod ay binaha na ng husto. Sinimulan nang ilikas ang mga
pasyenteng nasa unang palapag ng gusali dahil naabot na ito ng tubig. Hindi na makapasok ang
ambulansya sa loob ng pagamutan. Nag-alala pa lalo si Caridada para kay Leni. Ayon rin sa
balita, nagsisimulang magpakita ng palatandaan na maaaring sumabog ang isang malaking dike
sa Pampanga. Dahil dito, maaaring lumubog ang buong lalawigan, at madamay pati ang mga
karatig na lalawigan ng Bulacan, Bataan, Tarlac, at maaaring ang buong Gitnang Luzon. Naisip ni
Caridad ang kanilang palayan sa Bulacan, at lalo na kung ano na ang nangyayari sa kanyang Ate
Anita. Bigla na lamang nawalan ng kuryente.
Samantala, pumasok na ang tubig sa bahay ni Nyora Tentay. Sila lamang ni Ingga ang
nasa bahay dahil bihira nang umuwi si Victor mula nang kumalat sa kanilang pook ang balita ng
usapin niya na iniharap ni Caridad. Lumapit noon si Victor kay Gracia, ngunit hindi man lamang
siya hinarap nito. Dahil ditoy pinagalitan siya ni Nyora Tentay dahil ayaw niyang lumalapit ito
kay Gracia. Mula noon ay hindi na ito nag-uuwi, at natuklasan ni Nyora Tentay na may
inuupahang apartment si Victor. Ibang-iba na si Victor. Hindi na ito ang dating palasang-ayon sa
lahat ng sinasabi ni Nyora Tentay. Natuto na itong sumagot sa kanya. Ngayon ay kailangan niya
si Victor dahil bumabaha na sa kanilang bahay. Bigla na lamang may mga taong kumatok sa
kanyang pinto at nagsisigaw, nagmamakaawang patuluyin sila dahil baha na sa kanilang bahay,
at siya lamang ang may mataas na bahay sa Canal dela Reina. Pinagkaitan niya sila. Hinawakan
niya ng mahigpit ang kanyang bayong na naglalaman ng mga alahas, pera, pilak at
mahahalagang papeles kasama na ang titulo ng kanyang lupa. Tinawag niya ang pangalan ng
panginoon upang humingi ng tulong dahil natatakot siya sa mga taong kumakatok sa kanyang
pinto. Matagal na rin niyang hindi natatawag ang pangalan ng panginoon. Winasak na ng mga
tao ang pintuan ng kanyang bahay upang makapasok sila, kaya wala na siyang nagawa.
6

Naramdaman niyang nawalan na lamang siya bigla ng lakas at siyay tuluyan ng natangay ng
rumaragasang tubig.
Kabanata 17: Ama at Anak
Nang siya ay magkamalay hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang paligid. Tila hindi
niya mamukhaan kung nasaan siya. Bigla niyang nagunita ang kanyang mga suot na brilyantes
pati ang mga papel na pera sa kanyang bulsa ay wala na rin. Siyay tumili ng maramdaman
niyang may sumakit sa kanyang ulo at nasalat niyang mayroon siyang sugat na nakuha niya sa
pagkakatangay ng malakas na agos ng tubig. Hinahanap niya ang utusan niyan na si Ingga
ngunit wala. May lumapit sa kanya na dalaga na gustong tumulong sa kanya ngunit tumatangi
siya at patuloy na hinanap si Ingga. Tinanong si Nyora Tentay kung mayroon man lamang siyang
kamaganak at sinabi niya na may anak siya na ang pangalan ay Victor.
Sa tahanan ng mga Caridad ay nawalan na ng tuluyan ang kuryente ngunit hindi naman
naputol ang linya nang kanilang telepono. Hindi pa umuuwi si Leni dahil sa trabaho niya,marami
ang nangailangan ng tulong dahil sa bagyo. Nagkaroon pa ng pagtatalo si Junior at ang kanyang
magulang. Una dahil gusto tumulong ni Junior sa mga "rescue operations" at ayaw pumayag ng
kanyang magulang dahil alam nilang delikado. Pangalawa pinagaway nila ang gobyerno, sabi ni
junior na wala naman daw natutulong ang gobyerno kapag walang pera na kasama. Ang
henerasyon daw ng kanyang magulang ay walang ginagawa masyado sila mahinhin na hindi sila
nagrerebelde. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.
Kabanata 18: Pagkikilala
Pagkatapos ng matinding pagsasagutan ng mag-ama ay napag-isipan ni Salvador na may
punto din naman ang kanyang anak si Junior kaya pinagbigyan niya si Junior na pumunta
sa rescue operation basta lamang ay mahanap niya ang utusan ni Nyora Tentay. Mabilis siyang
umalis ng bahay kasama si Dodi, ang kanyang kaibigan. Bago sila nakarating sa
mismong rescue operation napadaan sila sa ospital na pinapasukan ni Leni at kinamusta siya ni
Junior. Pagkatapos ay napunta na siya sa rescue center na Sampaguita Health Center. Sa awa ng
Diyos ay nakita niya agad ang katulong ni Nyora Tentay na si Ingga. Siya ay tuwang tuwa dahil
may pag-asa na dumating sa kaniya. Itinanong niya kung siya ba ang anak ni Caridad at bakas
sa kanyang mukha ang kasiyahan. Tinanong niya kay Junior kung maari ba siyang sumama rito
at sinabi naman ni Junior na magintay lamang ito ng kaunting oras dahil silay tutulong sa mga
nasugatan sa center.
Kabanata 19: Langit at Lupa
Halu-halong emosyon ang naramdaman ni Caridad nang makita niya si Ingga na kasama ni
Junior. Tuwang-tuwa naman si Ingga nang makarating siya sa bahay ni Caridad. Para siyang
nakawala sa isang napakasikip at madilim na lugar. Ipinakita naman ni Ingga ang isang bayong
na puno ng mga brilyantes na mga alahas, mga salaping papel at ang titulo ng lupa sa Canal de
la Reina. Nagulat sila Caridad sa nakita nila. Umamin si Ingga na hindi niya iyon napulot kung
hindi ay inagaw niya it okay Nyora Tentay upang maging kabayaran sa mga ginawa nito sa
kanya. Nagaalala sila Caridad at hindi nila alam kung ano ang dapat gawin dahil hindi pa sila
nakakasigurado kung buhay pa o patay na si Nyora Tentay.
Kabanata 20: Sagandaan
Dumating na si Salvador sa kanilang bahay na putikan at halatang pagod na
pagod. Masaya siya dahil walang nasaktan sa kanilang opisina. Si Junior naman ay bumisita sa
Ate Leni niya na tumulong din sa mga naging biktima ng baha. Ipinakita ni Caridad kay Salvador
ang laman ng bayong at nagulat rin ito sa kanyang mga nakita. Ayaw nang ibalik ni Ingga ang
bayong dahil gusto niya maghinganti kay Nyora Tentay. Kinumbinse naman ni Salvador at
Caridad na ibalik ang bayong dahil masamang maghiganti lalo na kung walang katiyakan kung
nasaan na si Nyora Tentay.
7

Si Nyora Tentay naman ay walang bukang bibig kung hindi ang bayong na nawalay sa
kanya. Dumating si Victor upang hanapin ang kanyang ina. Natagpuan niya iyon sa
Lakandula rescue center. Nanibago siya sa itsura nito at ng nilapitan niya ay hindi siya pinansin
nito dahil sa pagiging abala mahanap ang kanyang bayong. Ang tanging sinasabi nito ay ang
pagkawala ng kanyang bayong. Dumating ang mga manggagamot at sinabi na kailangan siya
dalhin sa mas pribadong ospital upang matutukan ang kanyang kundisyon ngunit wala silang
mahanap kung hindi ang Mental Hospital. Dumating na ang mga taga-medical team at mga relief
workers at sinamahan sila papuntang Mental Hospital. Doon niya nakita ang kanyang anak na si
Geronimo papunta sa isang emergency room kasama ang mga medical team dahil may babaeng
manganganak. Nang dumaan sila sa harap nito ay hindi pinansin ni Geronimo ang kanyang ama.
Kabanata 21: Maliit ang Daigdig
Nakapagpanganak ng maayos ang nasabing babae. Magkahalong tuwat saya ang
nararamdaman ng babae dahil hindi man lamang naabutan ng kanyang asawa ang kanilang
anak dahil ito ay namatay dahil sa mabilis na ragasa ng baha. Inaasahan na ni Gerry na kasama
sa mga nasalanta ang kanyang lola na si Nyora Tentay. Nagtama ang kanilang mata kung kayat
wala na siyang nagawa kung hindi lapitan ito. Ayon sa kanya ay mukhang nagkaroon lamang ito
ng nervous breakdown. Nang may biglang lumapit kay Gerry na humihingi ng tulong dahil
malubha na ang lagay ng kanyang anak. Agad na tinawag ni Gerry si Leni upang tumulong sa
pagsalba ng bata at kinailangan na itong itakbo sa ospital upang malaatan ng lunas. Habang
nasa biyahe sila papunta sa ospital ay naikwento ni Gerry na nakita niya doon ang kanyang ama
at ang kanyang lola na talagang ikinakahiya niya. Ipinakita naman ni Leni na wala iyon sa kanya
dahil andun sila upang tumulong ng mga taong may karamdaman. Umiyak ng malakas ang
kargang bata ng inang humihingi ng tulong sa kanila kung kayat naputol ang kanilang usapan at
nagmamadali ng malapatan ng lunas ang bata.
Kabanata 22: Pasiya
Umuwi muna si Gerry mula sa ospital para tignan ang mga pasyente sa kanyang klinika.
Napagusapan nila ni Leni ang kahalagahan ng kanilang trabaho lalung-lalo na dahil hindi sila
binayaran sa kanilang serbisyo. Naisip tuloy ni Leni na maging General Practitioner kesa sa
magespesyalista sa larangan ng Pediatrics. Simula ng dumating sa buhay ni Gerry si Leni ay
gumaan ang loob nito at nabubuo ang espesyal na pagtingin kay Leni. Sinabi ni Geronimo ang
nangyari kay Nyora Tentay at sinabi ni Gracia na isa iyong aral kay Nyora Tentay upang malaman
niya na hindi kanya ang mundo.Patuloy pa rin ang pagkumbinse ni Caridad at Salvador kay Ingga
na isauli ang bayong. Sabi ni Ingga na ayaw niyang isauli ang bayong dahil ayaw na niyang
Makita pa ulit si Nyora Tentay dahil araw na niya bumalik doon. Nagboluntaryo naman si Junior
na siya na lamang ang magaabot ng bayong sa pamilya ni Nyora Tentay dahil siguradong hindi
siya pagiisipan ng masama nito dahil isa siya sa mga volunteers. Kanya na lamang daw
papalabasin na napulot niya ito kung saan man.
Kabanta 23: Nilikha Ukol sa Iba
Si Junior ang nakapilit kay Ingga upang maibalik kay Nyora Tentay ang bayong nito. Ngunit
mas gusto parin ni Ingga na huwag na itong isauli pa kay Nyora Tentay dahil gusto niya talagang
makaganti rito ngunit sinabi sa kanya ni Caridad na para na rin siyang nakaganti kay Nyora
Tentay sa kung ano mang nangyari sa matanda. Iniayos na ni Caridad ang mga gamit na nasa
loob ng bayong. Kanilang pinatuyo ang mga basing perang papel pati na rin ang mga
mahahalagang papeles na laman nito. Nilagay nila sa supot bago ilagay sa paper bag.Nang
paalis na si Junior at si Salvador nasabi bigla ni Junior na siya ay natatakot at sinabi naman ni
Salvador na normal lamang iyon dahil alam niya kung ano talaga ang laman ng bayong.
Nang makaalis sila Salvador at Junior ay may taong dumating at nagpakilalang siya ay si
Tisya. Inilahad ni Tisya ang totoong nangyari sa pagbili ni Nyora Tentay nang kanilang lupa sa
Canal de la Reina. Kanyang sinabi na pinilit lamang ni Nyora Tentay si Osyong na ibenta ang lupa
para mawala na ang utang nito kay Nyora Tentay. Hindi napigilan ni Ingga na hindi sumabat sa
8

pinaguuapan nila dahil alam na alam ni Ingga ang ganung sistema na ginagawa ni Nyora Tentay
sa lahat ng tao na may utang sa kanya.
Mas lalong naging sakitin si Nyora Tentay dahil lalo siyang namumutla sa bawat araw na
lumilipas kakahanap niya sa kanyang nawawalang bayong. Walang magawa ang mga nurse sa
ospital kung hindi ay turukan nang pampatulog si Nyora Tentay dahil hindi nila ito mapakalma at
hindi rin ito makatulog. Dumating naman si Junior kung nasaan si Nyora Tentay at siya ay hinarap
ni Victor.
Kabanata 24: Sumbat
Ipinakita ni Junior ang laman ng paper bag na dala niya. Nakita ni Victor na ito ang bayong
na matagal ng hinahanap ni Nyora Tentay. Tuwang-tuwa si Victor na naibalik na ang bayong ng
kanyang ina na maaring makapagpagaling sa matanda. Inabutan ni Victor si Junior ng anim na
lilimampung salaping papel ngunit itoy tinanggihan ni Junior. Siyay paalis na at naalalang kunin
ni Victor ang pangalan ng taong nagbalik ng bayong at sinabi ni Junior na siya ay si Salvador de
los Angeles Jr. Dahil sa ginawa ni Junior ay napaisip si Victor na naturuan sila ng leksyon dahil
doon. Sa kabila ng pagkakagalit ng kanilang pamilya dahil sa lupa ay nagmagandang loob pa rin
ang mga De los Angeles sa kanila.
Pumunta si Junior sa ospital na pinapasukan ni Leni at ibinalita niyang hindi niya tinanggap
ang binibigay nitong salapi na katumbas sa kabutihang loob na ginawa niya. Kasama niya doon
si Leni at si Gerry na apo ni Nyora Tentay. At nakibalita si Leni kay Junior tungkol sa kanilang mga
magulang. Ayaw na ayaw ni Leni na nagtatanim ng galit si Gerry sa kanyang lola at ama. Silay
nagusap at mukhang nahimasmasan si Gerry na balak na niyang makipagusap sa kanyang ama
ngunit pinipigil siya ng kanyang loob na maaring hindi pa ito matanggap ng kanyang ina.
Kabanata 25: Saan sa Kahapon?
Iniabot ni Junior sa kanyang ina ang isang kapirasong papel na nilagdaan ni Victor bilang
patunay na atanggap na nila ang bayong. Ilang beses inuulit ni Caridad na mas gugustuhin
niyang gumaling si Nyora Tentay dahil mas magiging kaparusahan sa kanya kung kung titino ang
kanyang isip at malalaman nito ang mga nangyayari sa kanyang paligid lalo na ang pagbawi ng
mga De Los Angeles sa kanilang lupa. Sa kabilang banda naman ay ipinakita ni Victor sa doktor
ng kayang ina na nasakanila na uli ang bayong ngunit hindi na ito maalala pa ni Nyora Tentay.
May klinik noon si Gerry ng biglang bumisita ang kanyang ina upang ayain ito na kumain
sa labas. Hindi inaasahan ni Gerry na dadating ang kanyang ama upang humigi ng tulong.
Kabanata 26: Masikip sa Tatlo ang Mundo
Hindi malaman ni Gerry kung anong gagawin dahil nasa klinika rin niya ang kayang ina.
Humingi ng tulong si Victor kay Gerry kung mayroon ba ito mairerekomendang doktor para sa
kanyang lola dahil alam ni Victor na mas madaming kilalang eksperto si Gerry at maaari pa nila
itong bigyan ng presyong kaibigan. Nagrekomenda naman ng doktor si Gerry bilang tulong at
nabanggit ng kanyang ama na kung puwede ba niyo tiong maimbitahin kumain ng hapunan
kasama ang kanyang ina nang biglang lumabas si Gracia sa resting room ni Gerry sa klinika at
biglang nagkatitigan ang dalawa at hindi inaasahan ni Victor na makikita niya ulit si Gracia sa
unang pagkakataon mula ng sila ay maghiwalay at tumuloy na nga si Victor.
Naghapunan na sa labas ang mag-ina at napagusapan ni Gerry na mukhang humihingi na
ng tawad ang kanyang ama rito ngunit hinayaan lang ito ng kanyang ina. Napagusapan din ni
Gerry ang pagpapahiwatig niya sa kanyang ina na gusto nang pakasalan ni Gerry si Leni.
Kabanata 27: Sa Pintuan
Kumain sa labas ang mag-ina. Talagang tinanggal na ni Gracia sa buhay niya si Victor
dahil sa mga nagawa ni Nyora Tentay at Victor sa kaniya. Sinabi rin ni Geronimo na iniimbita sila
ni Victor mananghalian o maghapunan ngunit ang sagot ni Gracia ay hindi pa rin nagbabago si
Victor dahil hindi pa rin siya makatayo sa sarili niyang mga paa. Noong binanggit ni Gracia si Leni
sa kanilang pag-uuspan nakita ni Gracia ang kaligayahang nakaguhit sa mukha ng kanyang
anak.
9

Tintanong ni Doktor Jalandoni si Nyora Tentay na kung ang bayong daw ba ay sa kanya at
sinagot ng malakas ni Nyora Tentay sa kanya iyon ngunit hindi lang niya maalala kaya ang
ginawa ay pinatulog siya nito ng ilang sandali para maalala niya ang mga nakalimutan niya
noong nakaraan na bagyo. Pagising ni Nyora Tentay ay naalala nga niya na nagkaroon nga ng
bagyo ngunit yun lamang ang naalala niya at pumikit muli siya at hinayaan na ni Victor at ng
doktor. Inuwi ni Victor si Nyora Tentay sa bahay. May konting pagababago na sa kalagayan niya.
Nakakapag-salita na siya. Dahil bilin ni Doktor Jalandoni na palagi dapat siyang kakausapin ukol
sa bayong niya upang matulun9gan siyang makrecover. Pagkatapos ay nakipagkita na si Victor
sa kaniyang anak na si Gernomio, una sa Gernoimo ang ang gusto magbayad sa kahera pero
pumilit si Victor na siya na lamang ngunit hindi pa din pumayag si Geronimo kaya pinabayaan na
lamang ni Victor. Nasaktan si Victor. Pumunta si Victor sa tahanan ni Gracia ngunit hindi kaagd
siya pinatuloy doon.
Kabanata 28: Pagsuko
Inakala ni Gracia na ang kanyang ama ang kanyang bisita, ngunit si Victor pala ito. Noon
pa daw sana bibisita si Victor pagkatapos nilang magkita sa klinika ni Gerry. Pinatuloy ni Gracia si
Victor sa bahay dahil ibig niyang Makita nito ang layaw na tinatamasa ni Geronimo nang wala si
Victor at hindi tinutulungan nito. Hiniling ni Victor na makasama si Gracia sa kanila ni Gerry kung
kumakain sila sa labas. Ikinwento rin niya na malinaw na ang isip ni Nyora Tentay dahil sa doctor
na inirekomenda ni Gerry. Sinabi rin niya na hindi na nila ilalaban ang kaso. Bahala na daw ang
abogado at ang husgado. Sinabi na rin ni Victor ang tunay na pakay niya kay Gracia at ito ay ang
pag-usapan ang plano nila Leni at Geronimo, ngunit ang sinabi lamang ni Gracia ay magagawa
nila ang kanilang gusto nang hindi na kailangan ang permiso ng mga magulang. Ibig niyang
ipamukha kay Victor ang mga ginawa ni Nyora Tentay na pumagitan sa kanila hanggang
tuluyang mawasak ang kanilang pagsasama. Nang aalis na si Victor, nag kamay sila at nang mag
dikit ang kanilang mga palad ay gumapang sa kanyang kabuuan ang damdamin mula sa mga
daliri nito.
Hindi matanggap ni Victor na ibalik si Nyora tentay sa dati nilang tirahan sa Canal de la
Reina, kahit iyon ang payo ng doktor. Muli niyang dinalaw ang pook na sinalanta ng baha.
Habang naglalakad ay nakasalubong niya si Delang, ang asawa ni Doro. Ibinalita niya na
namatay na si Doro. Maraming kwentang hawak si Doro, at nang matapos ang baha, hindi niya
naisipang hanapin ang mga taong alam niyang may utang kay Nyora Tentay.
Ibinalita rin niya na bawal nang magpatayo ng bahay sa Canal de la Reina, kung hindiy
paaalisin ng gobyerno. Ibinalita rin niya na namatay na rin si Dado, ang asawa ni Pacing.
Nakasalubong rin niya si Justo, ang laging ipinatatawag ni Nyora Tentay tuwing may ipapaayos sa
bahay. Alam niyang lagi nitong tinutukso si Tisya. Tinanong nito kay Victor kung may balita na
kay Tisya na matagal nang nawawala. Maraming tao ang namatay dahil sa baha. Pati nga si King
Kong ay nawawala pa rin, ngunit sapat na kay Victor ang walang nag-uusisa tungkol kay Nyora
Tentay, gayong alam niyang pinaguusapan ng buong pook ang wariy pagkabaliw nito. Sa
sandaling iyon, natiyak ni Victor na iiwan na nila ang Canal de la Reina, sa gusto o ayaw ni Nyora
Tentay.
Kabanata 29: Papalapit na Wakas
Bumalik si Victor sa kanyang tirahan para makita ang ina. Ibinalita nito kay Nyora Tentay
na ang kanyang tirahan sa Canal Dela Reina ay tuluyan ng nasira ng nagdaang bagyo.
Nagising si Nyora Tentay at nagtanong tungkol kay Ingga. Sinisisi niya ito sa pagkawala
ng mga alahas nito. Ipinagtapat rin ni Victor na gusto na niyang magsarili at magkaroon ng
sariling bahay. Ngunit alam na nilang panalo na sila Caridad kaht na hindi pa nadedesisyunan ng
korte kung sino ang panalo o hindi. Binitiwan na ng abogado ni Nyora Tentay ang kaso ngunit
nagpumilit pa rin si Nyora Tentay hanggang malitis ang kaso. Ang hatol ay ang lupa sa Canal
Dela Reina ay orihinal na pagmamayari ni Caridad.
Marami ng tumatawag sa bahay ni Caridad upang batiin ang pagpasa ni Leni sa board
exam. Si Leni naman ay tuwang tuwa dahil mamanhikan si Gerry sa kanyang pamilya kasama
ang kanyang ama, si Vic.
10

Kabanata 30: Dito Babangon


Hindi inaasahan ni Vic na siya ay buong pusong paring tatanggapin sa tahanan nila
Caridad at Salvador. Binati naman agad ni Vic si Leni sa pagpasa ng board at sa pagiging opisyal
na doktora. Habang naguusap sila sa may sala at naanigan ni Vic si Ingga sa salamin at tinawag
niya ito na nagbigay takot naman kay Ingga. Inamin na ni Caridad kay Vic na si Ingga talaga ang
nakakuha sa bayong ni Nyora Tentay. Gustong bawiin ni Vic si Ingga upang ipaalam sa kanyang
ina na ang nakakuha ng bayong nito ay si Ingga ngunit ayaw na ni Ingga na bumalik pa ulit kila
Nyora Tentay at itoy luluwas na ng probinsya sa araw din na iyon.
Sinabi na ni Gerry na magpapakasala na sila ni Leni ngunit parang kinakabahan pa siya sa
mga mangyayari . Ipinaalam din ni Gerry ang mga plano nilang dalawa ni Leni lalo na ang
pagpapatayo ng ospital sa loob ng kanilang bakuran na malapit rin sa kanilang bahay. Ang
ospital na ito ay para lamang sa mga taong walang panggastos upang ipagamot ang kanilang
mga anak.
Araw na ng kasal ni Gerry at Leni ng lumambot na muli ang puso ni Gracia sa dati niyang
asawa na si Victor.
Naitanong ni Caridad kay Junior kung may naiisip na itong konsepto o plano sa balak na
ospital ng kanyang kapatid dahil alam ni Caridad na gusto talaga ni Junior
ang Architecture. Naisip ni Junior na ang magandang itayo roon ay ang isang simbolo ng
pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Itoy kanyang naisip dahil kinakailangan nila
ng pagbabago at kinakailangan rin magkaroon ng kahulugan ang lupang iyon hindi lamang
bilang isang lupang sinilangan ng kanilang ina kung hindi simbolo ng pagbabago.
Tagpuan:
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumugaran ng mga
iskuwater. Ipinapakita rin nito na hindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging
simbolo ng pagbabago. Nagkaroon din ng matinding relasyon ang mga tauhan sa tagpuang
Canal de la Reina dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nandirito. Maraming pangyayari
ang naganap sa lugar na ito at dito umikot ang kabuuan ng nobela
Bisang Pangkaisipan
Kapit sa patalim, mga katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa Canal De La Reina. Dahil
na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya naman marami ngayon ang handang gawin ang lahat
mabuhay lamang sa pangaraw-araw.
Ang akda ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan malayo sa inaakala nating
malafairytale na mundo. Natutunan ko dito na maraming tao ang mapagsamantala sa kalagayan
ng mga mahihirap.Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mahihirap ay
nanatiling mahirap.Kalagayang magpasahanggang ngayon ay namamayani sa ating lipunan.
Tunay ngang marami pang bagay na hindi natin alam sa mundong ito. Ngunit isa lamang ang di
nating matatanggi, na bulok ang sistema at maraming nagdudusa sa mga taong walang
malasakit sa kapwa.
Bisang Pandamdamin
Masakit mang aminin ngunit ang mundong ating ginagalawan ay kahindik-hindik ang sitwasyon.
Marami sa ngayon ang kalagayan sa buhay ay lubhang nakakaawa. Sa akdang ito pinukaw nito
ang aking awa gayun na rin ang galit sa mga mapangabuso at tusong tao. Isang makaantig
damdaming nobela na sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na namamayani sa mundo.
Bisang Pangkaasalan
Dahil sa akdang ito ay natutunan kung gaano kahalaga na igalang at irespeto ang pagkatao ng
bawat isa sa atin. Dito pinamulat niya sa akin na mas mahalaga ang maging mabait, matapat, at
matulungin na hindi mapapantayan ng anumang salapi.

11

Ang mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit dapat ay hindi tayo magpatangay at labanan ang
mapangaping sistema ng ating lipunan. Lagi nating isaisip at isapuso na maging pantay ang
pagtrato natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang kalagayan nila.

12

You might also like