You are on page 1of 4

Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni

Rizal, ang baying may budhi at di natatakot sa


dayuhan
Ibig kong Makita ang isang lalaki sa
panunungkulan na nagkakasya na sa sweldong sa
kanya'y kalood ng bayan
Ibig kong Makita ang isang pinunong maalam
dumamay , katoto ng lahat at walang higanti sa
kaaway
Ibig kong Makita ang isang lalaki kung pulitiko man
ay matuto sanang tumupad sa kanyang pangako't
parangal
Ibig kong makita ang isang pangkating hindi
manlilinlang at di uunahin ang sariling buti kahit
magbulaan
Ibig kong makita ang pamahalaang hindi
nagbibigay ng puesto kung hindi sa matatanda na
at may kasanayan
Ibig kong makitang mawala na rito ang Pulitikahan
at nang hindi tayo laging nababagabag hanggang
magpatayan
Ibig kong makita ang unibersidad na tinuturuan
ang magugulang na at di mga batang halos walang
malay
Ibig kong makita ang isang medikong kung

nakararaan ng isang maysakit, kahit di tawagin, ay


kusang aalay
Ibig kong makita'y isang abogadong magiging
tanggulan at di babaluktot dahil sa salapi at
santong katwiran
Ibig kong makita'y isang botikaryong hindi
magpapalabnaw ng timpla ng gamut at di
magdaraya sa hangad na yumaman
Ibig kong makita ang kadalagahang mahinhin,
marangal, mapuri, marunong at sa wika natin ay
sanay na sanay
Ibig kong makita ang kabinataang malakas,
matapang, malaya, bihasa, at sasama agad kung
maghimagsikan
Ibig kong makita ang isang simbahang di
mangangalakal sa ngalan ng Diyos at di sumisingil
sa gawaing banal
Ibig kong makita ang pagkakaroon ng gawaan ng
awto at damit, baso at bubog, ng papel at pinggan
Ibig kong makitang tayo ay marunong gumawa ng
tanang kailangan natin at di tulad ngayong tagabili
lamang
Ibig kong makita'y mga Obreristang hindi
salanggapang na kunwa ay lider ng mga Obrero
bago'y taga sakal

Ibig kong makita ang mga Obero ay matututo


lamang kilanlin ang tigre at saka ang tupa sa mga
balangay
Ibig kong makitang bawat mahirap ay may
pahayagan at nang hind bawat mandaraya'y
pinaniniwalaan
Ibig kong ating eskwela publika ay maging aralan
ng pagkamagiting at huwag lagi nang sayaw nang
sayaw
Ibig kong an gating nayo't bukid ay may paaralan
na wala nang bayad at wala pang gugol sa mga
ambagan
Ibig kong an gating matatanda'y matutong
magdasal sa sariling wika at nang matatalos ang
ibig isaysay
Ibig kong ang isang makata ay siyang maunang
maunang gumalang ng kanyang salita at mga
bisyo sana ay ilagan
Ibig kong ang isang dalagang maganda'y ingatang
nagpasyal sa awto ng isang lalaki at baka sa dulo
ay kulungan
Ibig kong ang isang tao ay umibig ng di lalakipan
ng masamang hangad na masamantala ang
kasuyong hirang
Ibig kong makita ang mga binatang hindi

nanliligaw dahil lang sa pilak ng isang babae na


tinatapatan
Ibig kong makita ang isang puis na hindi si BataySalakay at ang mga titik na hindi pasusuhol at di
magnanakaw
Ibig kong makita ang pamahayagang hindi
nasisilaw sa mga anuns'yo at sa mga Apong
makapangyarihan
Ibig kong makita ang hukom na walang tanging
kinikilingan kundi ang matuwid at lahat lahat sa
kanya ay pantay
Ibig kong makita, sa isang salita, ang
Pangasiwaang hindi pan-kumpare, hindi
pampartido't di pangkaibigan
Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni
Rizal, ang baying may budhi at di natatakot sa
dayuhan

You might also like