You are on page 1of 2

Alden Richards Poem For Maine Mendoza

Totoo pala ang sinasabi nila


Na ang mga magagandang bagay
Ay darating sa tamang tao, sa tamang pagkakataon
Walang labis, walang kulang
At makakamtan sa tamang panahon

Tama sila, tinamaan na yata ako


Di ko akalain na sa unang pagpansin
Na sa una mong pagtingin
Ako'y mahuhumaling
Kilig, Kilig nga lang ba?
Pero bakit iba ang nadarama
ng dibdib kong may pagtataka?

Naiiba ka
At maaaring hindi lahat ay nasa iyo
Pero sinisiguro ko na sa iyo lang ang pusong ito

Paulit-ulit nila akong tinatanong,


"Siya ba talaga? Totohanan na ba?"
At sa mga di ko pagsagot
marami silang paghihinala at panghuhusga
Pero balewala lamang sa akin ang mga yon
Pagkat sa akin ay ikaw lang ang mahalaga

Noon takot ako


Takot ako sa maraming bagay
Sa mga inaakala kong limitasyon ng aking buhay
Pero ng ika'y nakilala nawala ang aking pangamba
Bagkus napalitan ng ligaya

Saksi ang Diyos sa marami kong pagsubok


Saksi Siya sa marami kong pinagdaanan
Pero marunong Siyang magbigay ng palatandaan
Na malapit ako sa dapat kong paroonan
Pinasamahan Niya ako ng isang angel
Isang angel na hahawak sa aking mga kamay
At mananatili panghabang buhay

Kaya salamat sa lahat


Hindi na kailangan isa-isahin pa
Tutal nag-iisa ka lang sa buhay ko
Sana pangmatagalan na ang ligaya nating ito
At sagutin mo na ako ng matamis mong Oo

You might also like