You are on page 1of 2

Poem for Lea and Clark

Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang


Ang mga parke, pasyalan
Ang mga kalsada para sa mga sasakyan
Ang mga puno para sa lilim
Ang mga poste ng ilaw ay para sa dilim
Sabihin mo ito sa sarili mo
Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang

Huwag na huwag kang magkamali na hanapin maskin na anino niya sa tabi mo


O mga hakbang ng paa nya na datiy sumasabay sa yo
Walang kinalaman ang paglubog ng araw sa init ng kanyang kamay
O ang simoy ng hangin sa ginhawa ng kanyang akbay
Ang huni ng mga ibon sa inyong tawa, wala na siya, wala na siya.

Ito ang napatunayan ko


Kaya mong kabisahin ang bawat liko ng isang syudad na hindi mo ito tinuturing na
tahanan
Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang
Hanggang sa magkasama ninyo ng minasdan ng mga ito
Ang mga sementong sahig ay mananatiling tahimik
Kung hindi ninyo dito isinulat ang inyong mga kwento ang inyong mga pangako
Ang mga problemang binuno paulit ulit, paulit ulit, paulit ulit kung ipapaalala sa
sarili ko
Ang bawat kanto na pinalampas
Ang bawat sulok, na wala pa kahit isa mong bakas

Ang iyong ngiti, ang iyong mukha, ang iyong ulo sa aking dibdib,
Maglalaboy ako hanggang sa maligaw ako sa siyudad
Itong nakasanayan kung pag-ibig
Maglalaboy ako, hanggang sa maligaw ako
Itong nakasanayan kung pag ibig
Maglalaboy ako hanggang sa matanggap ko
Itong mga lugar na pawang mga lugar lamang at hindi tahanan ng mga alaala mo.

You might also like