You are on page 1of 1

Lyrics:

1. Sa mahabang panahon ng ating paglalakbay


D'yos ay kapiling natin sa bawa't araw
Hanggang sa araw na ito ng ating pagdiriwang
Ng Dakilang Jubileo ng Sambayanan.
Koro: Bumuo tayo ngayon ng isang bayang buhay,
Bayang masigla, bayang mapagmahal,
Bayang nagtitiwala sa Poong Maykapal
Napapanahong Diyosesis ng Malolos.
2. Tayo ay lumapit sa Ama nating Lumikha,
Kay Jesus na Salita ng D'yos ating Manunubos,
At sa 'Spiritu Santo na gumagabay
Sa ating lahat na maging bayang ganap. (Koro)
3. Sa Mahal na Birheng Maria na ating Ina,
Huwaran ng bawa't tao na tularan si Kristo
Upang bilang Simbahan na humahayo
Maihatid sa lahat ang Ebanghelyo. (Koro)
Koda: Isang bayang ganap ang ating ihanda
Bayang maka-D'yos at maka-tao! (Koro)
Ang Dakilang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos!

You might also like