You are on page 1of 2

Divine Mercy Philippines

Nationwide Song Writing Contest


Habag ang nais ko at hindi handog. Mt. 9:13(a)
A. Tema ng pagdiriwang: Himig ng PUSO, Awa at Habag ng Diyos
B. Alituntunin sa Paglikha ng Awit (Song Writing Contest Rules)
1. Ang patimpalak na ito ay bukas sa lahat ng Katoliko sa buong bansa.
2. Kung ang kalahok ay isang menor de edad, kinakailangang magsumite ng Parental Consent.
3. May dalawang kategorya ang patimpalak. Una, ang Divine Mercy Hymn (tagalog) na magiging
official hymn ng Divine Mercy Philippines. Ikalawa, ang WACOM 2017 Hymn (english) na gagamitin
sa WACOM 2017 dito sa Pilipinas.Nakabatay dapat ito sa tema ng pagdiriwang.
4. Ang melodiya ng awit ay dapat malikhain, umaayon sa pandamdam ng kasalukuyang kapaligiran
at may angking katangiang makaagabay sa mga pagbabagong dulot ng makabagong panahon.
5. Ang awit ay dapat may easy recall, madaling matutuhan at matandaan.
6. Ang awit ay dapat may tagal na 3 hanggang 5 minuto lamang sa kabuuan.
7. Maaaring gawing interpreter ng nilahok na awit ang isang soloist, duet o koro.
8. Ang awit ay dapat isang orihinal na komposisyon at hindi pa napalilimbag, nagamit na sa ibang
okasyon o pagdiriwang, o naisali o nanalo na sa ibang paligsahan. Ang bawat kalahok ay dapat
lagdaan at ipa-notarized ang isang Authorization/Waiver Form na ibibigay ng organizer o maaaring
madownload sa NSDM website na magpapatunay na ang entry na isasali ng contestant ay kanyang
sariling likha, ang concept at idea ay kanyang karapatang ari. Kung sakaling ito ay adaptation ng
isang awit naisulat na ng isang lyricist, kinakailangan din magpasa ang contestant ng isang written
consent na nagsasaad na binibigyang-karapatan siya na i-adapt ang nasabing gawa. Malinaw din na
nakasaad sa consent na ang Organizer ay walang anuman pananagutan sa anumang kasunduang
naganap sa pagitan ng contestant at ng orihinal na lyricist(s).
9. Ang lahat ng mananalong entry ay awtomatikong magiging pagmamay-ari na ng Divine Mercy
Philippines Songwriting Contest Organizer. Nangangahulugan lamang na ang nanalong kalahok ay
sumasang-ayon na ipagkaloob sa Organizer ang karapatan sa publication, republication,
reproduction, recording o exhibition ng mga entry ng walang hinihinging pahintulot mula sa nanalong
contestant at wala ng inaasahang kabayaran bukod sa natamong gantimpala sa nasabing
patimpalak. Ngunit patuloy na kikilalanin ang mga lumikha ng awit.
10. Isumite ang application form, kalakip ang titulo ng sinali na awit na nakapaloob sa isang
selyadong envelop (Envelop 1). Ang mga iba pang dapat na nilalaman ng Envelop 1 ay:
- Duly accomplished Entry Form with 2x2 picture of the lyricist and composer
- Endorsement letter from your Parish Priest
- Five (5) copies of the Music Notation (The name of the lyricist/composer should not be included)
- Lyrics with guitar chords
- Purely lyrics without guitar chords
- Authorization (duly notarized)
- Demo Song on CD
11. Isumite ang sipi ng saling-awit (music sheets) na nasa Finale, Encore o Sibelius format na hindi

nakalagay ang pangalan ng kompositor, at isang demo recording sa compact disc o removable
storage (USB), at ipaloob ang mga ito sa isang selyadong brown envelop (Envelop 2).
12. Maaari ninyong dalhin o ipadala ang inyong saling-awit sa National Shrine of the Divine Mercy,
Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan sa may opisina ng parokya. Sa anumang katanungan, maaaring
tumawag sa (044) 893-0616 o mag e-mail sa dmp.songwriting@yahoo.com . Para sa karagdagang
impormasyon dumalaw sa aming Facebook page Divine Mercy Philippines Song Writing Contest.
C. Iba pang kaalaman
1. Criteria for Judging
a. Originality40%
b. Creativity30%
c. Adherence15%
d. Easy Recall15%
2. Ang Mga Gatimpala ay ang sumusunod:
Divine Mercy Hymn:
Unang GantimpalaP 50,000 plus certificate
Ikalawang GantimpalaP 30,000 plus certificate
Ikatlong GantimpalaP 20,000 plus certificate
Ikaapat na GantimpalaP 10,000 plus certificate
Ikalimang GantimpalaP 10,000 plus certificate
WACOM IV Hymn:
Unang GantimpalaP 50,000 plus certificate
Ikalawang GantimpalaP 30,000 plus certificate
Ikatlong GantimpalaP 20,000 plus certificate
Ikaapat na GantimpalaP 10,000 plus certificate
Ikalimang Gantimpala P 10,000 plus certificate
3. Huling araw ng pagsumite ng saling-awit ay March 15, 2015 sa National Shrine of the Divine
Mercy, Marilao, Bulacan till 4pm.
4. Paghahayag ng mga pangalan ng sampung (10) Finalists ay sa April 11, 2015.
5. April 19, 2015 pagpupulong sa sampung finalists.
6. Gabi ng Paligsahan ay sa May 23, 2015.
7. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.

You might also like