You are on page 1of 4

Yunit IV

Aralin 16: Dynamics

I. Layunin: Napahahalagahan ang Dynamics sa madamdaming pagpapahayag


ng musika.
II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Dynamics sa madamdaming pagpapahayag ng musika


B. Lunsarang Awit: Ako ay Pilipino
C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, Umawit at Gumuhit 5
D. Kagamitan: tsart ng mga awit, mga larawan, CD/CD player
E. Pagpapahalaga: Pag-awit nang may damdamin, Ikinararangal ang pagka
Pilipino
F. Konsepto: Ang Dynamics ay pag-awit ng may kaukulang lakas o hina.
Higit na kaakit-akit ang pagkanta o pagtugtog ng may damdamin na
naipapakita sa paggamit ng dynamics. Ito ay agad naipadarama sa
pagbabago ng boses.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
i. Clapping/Paagpalakpak

B. Panglinang na Gawain
1. Pagganyak
Panoorin ang video ng awit Ako ay Pilipino/ Pakinggan ang
pyesa ng awit Ako ay Pilipino.

2. Paglalahad

Higit na gumaganda ang isang awit o tugtugin kapag


naipahayag ng maayos ang isinasaad sa pamamagitan ng wastong
paglakas at paghina nito sa mga bahagi ng komposisyon na
kakikitaan ng antas. Ang pagsunod sa mga sagisag ng dynamics ay
nagbibigay ng kakaibang sigla at kahulugan nito.

3. Pagtalakay
Pakinggang muli ang awit ng Ako ay Pilipino habang
sumusunod sa Iskor ng awit na nakasulat sa Manila Paper.

A. Sagutin ang mga tanong


a. Saang parte ng awit ginamit ang paghina ng boses?
b. Saang parte ng awit naramdaman ang paglakas ng awit?
4. Paglalahat

Kung ang Dynamics ay tumutukoy sa paglakas at paghina


ng pag-awit at pagtugtog.

Anu-ano naman ang tatlong antas ng Dynamics?

(p) – Mahinang pag-awit

(mf) –Katamtamang lakas ng pag-awit

(f) –Malakas na pag-awit

5. Paglalapat

Gawin ang Pangkatang Gawain

Hatiin sa dalawang pangkat ang klase

a. Pangkat 1- Pakinggan ang awit NA “Ako ay Pilipino” at awitin ito ng


may wastong paghina at paglakas.
b. Pangkat 2- Pakinggan ang “Ako ay Pilipino”. Awitin ito nang may
wastong damdamin gamit ang antas at simbolo ng dynamiks na
nakasulat sa Iskor ng awit.

6. Repleksiyon
Ano ang naramdaman mo habang umaawit gamit ang
wastong paghina at paglakas ng awit?

C. Pangwakas na Gawain

Iguhit ang puso kung tama ang sinasabi ng pangungusap.


1. Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pag-
awit ng may wastong lakas at wastong hina.
2. Ang dynamics ay pinagsama-samang tunog ng
musika
3. Kung susundin ang antas ng dynamics sa pag-awit
o pagtugtog mapapaganda nito ang timbre ng boses.
4. Ang antas o simbolo ng dynamics ay ginagamit sa
paglakas at paghina ng awit.
5. Ang dynamics ay ang pag-awit na may kaukulang
lakas o hina sa pag-awit o pagtugtog.

IV. Pagtataya
Isulat sa 5 pangungusap ang kahalagahan ng pag-awit ng may wastong
lakas at wastong hina gamit ang antas ng dynamics

V. Takdang-aralin
Sumipi ng awit at isulat sa papel Ang Bayan ko.

You might also like