You are on page 1of 11

SURING BASA

NG NOBELANG:

PUSONG WALANG
PAG-IBIG
NI ROMAN G. REYES

I. May Akda
Si Roman G. Reyes ay ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero, 1858 sa Bigaa, Bulacan.
Nang makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynila upang mag-aral sa Colegio de
San Jose at nagtapos noong 1874 bilang maestro superior. Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacan
na kilalang bayan ng makata at manunulat. Dito niya nakilala at pinakasalan noong 1883 si
Sebastiana Ramos, 16 anyos lamang samantalang si G. Reyes ay 25 anyos. Ayon kay Dr. Mona
Highley, si G. Reyes ay isang mahigpit na magulang. Labintatlo ang mga anak ng mag-asawa.
Kabilang sa mga ito si Gng. Trinidad Reyes-Cruz na kaibigan ni Dr. Highley. Isa naman sa mga
anak na lalaki ni G. Reyes si Ildefonso na nakapangasawa ng Amerikanang si Grace Hackman sa

Brooklyn, New York. Noon ay nagbalik si G. Reyes sa Bigaa noong 1886 kung saan siya ay
nagtayo ng paaralan sa mga silid ng bukana ng kaniyang bahay. Nagtrabaho siya bilang
bahagiang eskribiyente sa tribunal ng kanilang bayan na may sahod na walong piso kada buwan.
Ganito ang kaniyang pamunuhay sa Bigaa hanggang sa sumiklab ng Rebolusyon noong ika-5 ng
Nobyembre 1896. Ang kanyang pamilya ay lumipat sa Maynila noong 1899 sa bahaging
Kapawiran ng daang Requesens. Nang umsenso ay lumipat sa bahaging Kabatuhan. Nang mga
panahong iyon ay kakatapos lamang ng Rebolusyon at nagkaroon ng bagong sistema ng
sanitasyon na sumugpo sa kolera at bulutong kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga nobela
na siya namang itinuturing ng mga kritiko bilang isa sa mga importanteng koleksyon ng mga
isinulat na obra.
Ang Pusong Walang Pag-ibig ay nasundan pa ng tatlong nobela: Bulaklak ng Kalumpang
(1907), Hinagpis at Ligaya (1908) at Wakas ng Pagtitiis (1908).

II. Buod
Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang
siyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay
lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni
Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namang
magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagamat napupusuan niya si
Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng
at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang
pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may

mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga
binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang
manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si
Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na wala
siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay
Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang
anak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay
nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong
sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulan
ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo ay
naisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang magamang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing
iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagamat dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy
ang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging
maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na naman
si Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique
ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na
ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang
naging anak nila at pinangalanang Elisa, at Nene ang naging palayaw. Unti-unting naubos
ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay
hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging
kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa
pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang

himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon
kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang
kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawat anak. Natapos ang himagsikan at tinalo
ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na
mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang
mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kayat siyay muntikan nang mabaliw sa kakahanap
samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at
itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene sa
Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang
abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka
sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila
maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos.
Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng
na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng.
Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling
Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag
pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng
bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa
barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isat isa. Nalaman ni
Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na
makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni
Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang
humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng

ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang


niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siyay tuluyan nang namatay. Dito
nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang pusong walang pag-ibig.
III. Pagsusuri
A. Pamagat
Naging iresponsableng asawa at ama si Enrique kaya naman marami siyang pagkukulang.
Wala siyang inisip kundi sariling kapakanan at kung ano ang gusto niyang gawin. Siya ay isang
taong may Pusong Walang Pag-ibig.
B. Tagpuan
Umikot ang istorya sa panahon na magtatapos na ang ng ika-19 na siglo. Mahihinhin
pang manamit ang mga tao noon mahigpit ang mga magulang sa anak. Naipakita rin ang mga
makalumang panunuyo ng mga binata sa mga dalaga at ang kanilang mga palusot para lihim na
mag-usap o makipagtanan. Ibinase si Roman G. Reyes ang ilang parte ng nobela sa mga
historikal na pangyayari tulad ng malawakang Rebolusyon sa Pilipinas at ang pagdating ng
Amerikano na pinalitan ang mga Espanyol sa pamumuno sa kolonya. Nagdagdag ng historikal na
mga lugar at pangyayari tulad ng Maynila na pinagdausan noon ng giyera ng mga Pilipino,
Kastila at Amerikano.
C. Tauhan
1.) Enrique Ikeng Pag-Ilagan 19 anyos na binata, kulot ang buhok at mapang-akit ang mga
mata. Maraming nililigawan ngunit hindi handang magpakasal. Sa huli ay si Loleng rin pala ang
papakasalan na dating tinalikuran ng pangako. Hindi nagtagal ay naging iresponsableng asawa at
ama ngunit nagsisi kung kailang huli na ang lahat.

2.) Loleng anak ni Matandang Tikong at pinagkasundaang pakakasal kay Ikeng. Isang mabuti
at ulitang ina kay Nene. Masyadong mapagbigay kaya napabayaan ang minana sa kaniyang ama
kaya unti-unting naubos dahil sa pagsusugal ni Ikeng.
3.) Nene Elisa sa tunay na pangalan. Anak si Ikeng at Loleng. Siya ay inosente, magalang at
mapagkumbaba ngunit matalino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas.
4.) Matandang Tikong maalalahaning ama ni Loleng na sa katandaan ay nag-aalinlangan kung
kanino niyang lalaki ipagkakatiwala ang anak niya. Pinili si Ikeng para mapangasawa ni Loleng
na tila mabigat ang loob dahil walang magagawa kundi sumunod sa desisyon ng ama. Nagsisi
nang sumapit ang kamatayan dahil nagkamali pala sa pagkakakilala kay Ikeng.
6.) Mag-asawang G. Ricardo at Aling Nitang mag-asawa na nakatagpo kay Nene at nagsilbing
instrumento upang magkitang muli ang mag-ina. Mabait at mapagbigay ang mag-asawa dahil
tinulungan si Loleng at Nene para makaahon sa hirap.
5.) Isiang dalagang taga-Tabing-bakod at anak ni Aling Juana at Mang Tiago. Minahal si Ikeng
kahit hindi ito seryoso sa kanya. Labag sa mga magulang niya ang panunuyo ni Ikeng ngunit
nagpumilit na siya ay itanan, na siya namang pumalpak sa bandang huli.
6.) Aling Buro kahit hindi tunay na anak si Loleng ay kaniyang sinuportahan sa mga bagaybagay tulad noong ipinanganak si Nene, pagbibigay ng payo para matigil ang pagwawaldas ni
Ikeng ng pera at pagpapabaon kay Loleng ng pera noong lumuwas sa Maynila.
7.) Tomas matalik na kaibigan ni Ikeng na kasama niya sa lahat ng bagay. Makalipas ng ilang
taon ay nagkita silang muli ni Ikeng sa barberya at nagsilbing instrumento upang makita muli si
Loleng at Nene.
8.) Beheng dalagang taga-San Josep na anak ni Kabesang Bino. Inagaw ni Ikeng mula sa ama
at itinanang patago sa Tarlac sa halip na ang pagtulong sa Rebolusyon ang inatupag. Labis na

natakot dahil baka mahanap sila ng kanyang ama at sinabi ni Ikeng na huwag matakot dahil
magkasama silang parehong nag-iibigan.
9.) Mang Tiago nagbanta na gagawa ng paraan para makulong si Ikeng dahil sa pagtatangkang
maitanan si Isiang. Dahil dito, walang nagawa si Ikeng kundi umiwas sa gulo sa paraan na ituloy
ang pagpapakasal kay Loleng.
10.) Kabesang Bino ama ni Beheng na nagdemanda kay Ikeng dahil sa pang-aagaw sa
kaniyang anak. Nakulong si Ikeng sa loob ng apat na taon dahil sa kaniya.
D. Balangkas ng Pangyayari
Gumamit ang may-akda ng Daloy ng Kamalayan o stream-ofconsciousness sa wikang
Ingles. Diretso ang lahat ng patutunguhan ng istorya kaya mas naiintindahan ang pagkakasunodsunod ng mga pangyayari. Nag-umpisa ang lahat sa pakikipagkasundo ni Ikeng kay Matandang
Tikong hanggang sa kanyang kamatayan ng magkita sila muli nina Loleng at Nene sa Maynila.
Maikli lang ang nobela dahil ito ay may dalawamput pitong mga kabanata na umiikot sa kwento
nina Ikeng, Loleng at Nene ngunit may mga kabanata na may historikal na pagsasalaysay tulad
ng Rebolusyon sa Bulacan at ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas.
IV. Epekto sa Mambabasa
Sa pagbabasa ng nobelang Ang Pusong Walang Pag-ibig ni Roman G. Reyes, maraming
matatagpuan na ibat ibang damdamin at saloobin sa bawat kabanata na minsan ay nakakatawa,
nakalungkot, nakakaawa, nakakagalit, nakakainip at marami pang iba. Ngunit halos lahat ng mga
pangyayari ay nakakalungkot at makabagbag-damdamin. Nakakagalit naman ang pagiging
iresponsable ng mga tauhan katulad ng ginawa ni Ikeng na panliligaw sa maraming dalaga at
nang makasal ay nagsugal ng walang kapararakan at nambabae pa. Pero sa kabila ng lahat,
nakakalungkot dahil nagkahiwalay si Loleng at Nene. Makikita sa nobela kung gaano kamahal

ng isang ina ang anak at gagawin ang lahat para magkitang muli. Ngunit nakakapanabik noong
parte na malapit nang mahanap ni Loleng ang kanyang anak at labis na nakaliligaya nang
magkita silang muli. Napakaraming problema at paghihirap ang hinarap ni Loleng. Pumupukaw
sa damdamin ng mambabasa kung papaano ba ang hindi mawalan ng pag-asa at tibay ng loob
upang harapin ang mga mabibigat na problema kahit tila pasan na ang mundo sa hirap.
Matutunan dito sa nobela kung paano ang magtiis sa hirap dahil hindi magtatagal ay giginhawa
kung mananatili ang pagiging mabuti at kung may pagmamahal pa rin sa puso. Ang kawalan ni
Ikeng ng pagmamahal ay nagdulot sa kanya ng kasawian at maaring kasawian din ang maging
epekto nito sa iba na makasariling tulad niya. Nagising ang mambabasa pagkatapos malaman
kung gaano kaimportante ang pagiging responsable sa mga bagay-bagay. Si Ikeng ay pabiglabigla kung maisip kaya palagi niyang sambit na siyay napasubo na naman sa maling kilos.
Dapat ay iniisip muna ang mga posibilidad ng isang kilos bago ito gawin. Kung ito ba ay
makabubuti o makakasama? Isang nakakainis na makalumang pag-uugali sa nobela ay ang
pagdedesisyon ng magulang kung sino ang pakakasalan ng kanilang anak na babae tulad ng
nangyari kay Loleng. Kung ang mambabasa ay nasa lagay ni Loleng ay iuurong niya ang kasal
dahil walang saysay kung hindi naman mahal ang isat isa. Kailangan din ang pagiging matapat
lalo na sa pag-ibig para maging matatag ang relasyon ng magkasintahan o mag-asawa. Natutunan
rin nang mambabasa na dapat unahin ang mga importanteng bagay tulad ng pag-aaral. Inuna ni
Ikeng ang pagsusugal kaya nabaon sila ni Loleng sa utang at lalong naghirap. Dapat rin maging
matatag ang samahan ng isang pamilya para hindi magkahiwalay ng landas o magkawatakwatak. Karaniwan sa Pilipinas ang mga iresponsableng ama at asawa na kung hindi lasenggo ay
maaring sugarol. Nararapat itong basahin ng mga taong mahilig sa bisyo para sila ay
maliwanagan.

V. Konklusyon
Ayon sa pagsusuri, ang Pusong Walang Pag-Ibig ay isa sa mga maganda at kapakipakinabang na basahin dahil sa pagiging dramatiko nito at sa mga mapupulot na aral. Hindi
nakakatamad suriin ang nobela dahil sa magandang kuwentong taglay.
A. Aral
Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Naipakita ni Roman G. Reyes ang
katotohanan sa mga iresponsableng ama noon at maging sa ngayon. Ang pagpapakasal ay hindi
kaning isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may
basbas ng Diyos. Kailangang magsikap na isang magulang lalo na ng isang padre de pamilya ang
maitaguyod sa magandang kondisyon ang kanyang pamilya sa halip na magbisyo dahil masama
ang magiging epekto nito.
Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit.
Manalig lamang sa Kaniya at kumilos ng tama at Kanyang ibubuhos ang biyaya. Matatag si
Loleng dahil sa kalagitnaan ng alitan giyera ng mga Amerikano sa Pilipino ay kanyang buong
giting na hinanap sa mapanganib na lansangan ng Maynila ang kanyang anak na si Nene.
Isipin muna ng maraming beses ang isang bagay bago ito gawin. Maraming beses na
pumalpak si Enrique dahil napasubo lamang siya at hindi inisip kung ano ba ang tamang
gagawin. Mali ang pagiging pabigla-bigla sa pagdedesisyon dahil baka hindi magustuhan ang
magiging dulot nito. May mga taong nakakatanda at maraming karanasan.
Dapat pahalagahan ang edukasyon dahil itoy magbibigay sa tao ng magandang
kinabukasan. Sinikap ni Loleng na mapag-aral si Nene at masasabi ko na tama ang kanyang
desisyon. Samantalang nagsikap mag-aral ng mabuti si Nene dahil sa pagiging masunurin sa ina.

Maging masunurin sa magulang dahil ito ay isa sa mga utos ng Diyos na may pangakong
pagbibigay ng magandang kapalaran balang araw. Sumunod si Nene sa mga tagublin ng kanyang
ina at kahit kailan ay hindi siya naligaw ng landas.
Kapag may hirap, may ginhawa. Sa kabila ng hindi na nahanap muli ni Loleng si Ikeng
ay sinikap niyang muling bumangon sa tulong ni G. Ricardo at Aling Nitang. Sa simpleng
pagbebenta ng bibingka ay unti-unting nakaipon kaya silang mag-ina ni Nene ay namuhay rin ng
masagana.
Maging matulungin sa kapwa katulad ng pagtulong ni G. Ricardo at Aling Nitang kay na
Loleng at Nene. Hindi sila kailanman humingi ng kapalit bagkus lalo pa nilang sinuportahan ang
mag-ina para umasenso.
B. Puna
Makalumang Tagalog ang kadalasang ginamit ni Romang G. Reyes tulad ng salitang
napapanagimpan at humahaginggeng sa mga pagsasalaysay at pag-uusap ng kwento at
tauhan. Naging mahirap para sa manunuri ang pagkuha sa kahulugan ng ibang mga hindi
pamilyar na salita ngunit sulit naman dahil maganda ang kuwento. Naipakita ng may-akda kulay
ng mga makalumang kaugalian noong ika-19 na siglo tulad ng labis na kahigpitan at
pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang mga makalumang uri ng sugal,
pamamaraan ng panliligaw at mga salitang panuyo, mga taong walang ibang libangan kundi
makipagkuwentuhan sa kapananghalian at ang mga bagay na dapat inihahanda kapag
manganganak ang isang babae. Lahat ng mga makalumang ugali ay nagbigay diwa sa nobela.
Inilahad rin ni Roman G. Reyes ang kanyang historikal at awtobiograpikal na karanasan sa
Rebolusyon tulad ng mga pagkabalisa ng mga tao, pagiging abala ng mga kalalakihan dahil
mamumundukan at ang hindi pagiging kalmado ng mga dalaga dahil sa takot. Isiningit rin ng

may-akda ang kalagayan ng Maynila noong nagkakagulo dahil sa biglaang dominasyon ng


Amerikano sa Pilipinas na ang kinakatwiran ay tutulong daw para makapagsarili ngunit
sinalakay nila ang mga sundalong Pilipino. Maraming naganap na sunog. Naging mga sakim ang
tao sa Maynila at ang iba ay nagnakaw sa bahay ng may bahay samantalang itinaas ang renta ng
mga pinauupahang tulugan ng mga ganid na maybahay. Maganda ang pagbibigay papel ni Reyes
sa mga tauhan ng kanyang nobela. Naging ganap ang pagiging iresponsable at bisyoso ni
Enrique na siyang nagdulot ng paghihirap ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito, naging
ulirang ina si Loleng kay Nene dahil tiniis niya ang mga paghihirap at nagsikap para
makabangon at mapag-aral ang anak. Hindi nagustuhan ng mambabasa ang pagkamatay ni Ikeng
dahil hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na makabawi sa kanyang asawat anak na
matagal niyang hindi nakita sa loob ng mahabang panahon. Ngunit maaaring naging silbing
parusa iyon kay Ikeng dahil sa kanyang mga pagkukulang. Epektibo ang dramatiko at
makalumang estilo ni Roman G. Reyes upang maramdaman ng mambabasa ang mensahe ng
kwento at damdamin dahil ito ay puno ng mga aral na tiyak na tatatak sa isip ng sinumang
babasa.

You might also like