You are on page 1of 39

PANITIKAN SA PANAHON

NG HIMAGSIKAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong
pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin ng mga
Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong
paring sina Gomez, Burgos at Zamora at patayin sa
pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan
ng pagkakasala. Itoy naganap noong ika-17 ng Pebrero,
1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang
liberalismo sa pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas
sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa
kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria
dela Torre.

PAKSA NG PANITIKAN:
1. Humihingi ng pagbabago o reporma sa
pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
2. Diwang makabayan.
3. Pag-asam o pagnanais ng kalayaan

ANG KILUSANG
PROPAGANDA
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga
intelektwal sa gitnang uri na tulad
nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,
Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban,
Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng
reporma o pagbabago gaya ng mga
sumusunod ang layunin ng kilusang
ito

LAYUNIN NG KILUSANG
PROPAGANDA
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga
Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang
Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4. Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
5. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa
pamamahayag, pananalita, pagtitipon o
pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga
karaingan.

ANG MGA
PROPAGANDISTA
A. JOSE RIZAL gumamit ng dalawang sagisagpanulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang
( Masonry), itinatag-LA LIGA FILIPINA
= ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861,
bayan ng Kalamba
= namatay noong ika-30 ng Disyembre 1896
= ang kanyang mga AKDA :
**NOLI ME TANGERE akdang nagbigay daan sa
himagsikan laban sa Espanya; inilantad ang
kasamaang naghahari sa pamamahala ng mga
Kastila sa Pilipinas.

** EL FILIBUSTERISMO akdang nagsisiwalat ng mga


kabulukan ng pamahalaang umiiral
** MI ULTIMO ADIOS (Ang Huli Kong Paalam); ito ay
kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort
Santiago. Ipinalalagay ng marami na ang tulang ito ay
maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.
** SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINAS- (Hinggil sa
Katamaran ng mga Pilipino ). Itoy isang sanaysay na
tumatalakay at sumusuri ng mga palasak na sabing ang
mga Pilipino ay tamad
** FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS-(ANG Pilipinas sa
Loob ng Sandaang Taon ). Ito ay isang sanaysay na
nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes
ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang
impluwensya ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hula
ni Rizal; kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba
kundi ang Estados Unidos.

** A LA JUVENTUD FILIPINO- ( Sa Kabataang


Pilipino ). Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga
kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng
Sto. Tomas.
** EL CONSEJO DE LOS DIOSES- ( Ang Kapulungan
ng mga Bathala). Ito ay isang dulang
patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay
Cervantes.
** JUNTO PASIG ( Sa Tabi ng Pasig ). Isinulat niya
ito nang siya ay 14 na taong gulang pa lamang.
** ME PIDEN VERSOS- ( Hinilingan Nila Ako ng mga
Tula ).-1882 at A LAS FLORES DE HEIDELBERG
( Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882 ). Ang
dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga dipangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

B. MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng


ibat ibang sagisag-panulat tulad ng
PLARIDEL; PUPDOH;PIPING DILAT; at
DOLORES MANAPAT
= isinilang sa Cupang,San Nicolas Bulakan
noong ika-30 ng Agosto,1850
=itinatag ang DIARIONG TAGALOG noong
1882
=hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena
bilang patnugot ng pahayagang LA
SOLIDARIDAD

MGA AKDA NI MARCELO H.


DEL PILAR
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA- salin sa tulang
Kastilang Amor Patrio ni Rizal na napalathala
noong Agosto 20, 1882 sa Diariong Tagalog.
CAIIGAT KAYO itoy isang pabiro at patuyang
tuligsa at tugon sa tuligsa ni Padre Jose Rodriguez
sa Noli ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888.
Gumamit siya ng sagisag na Dolores Manapat sa
akda niyang ito.
DASALAN AT TOCSOHAN- akdang hawig sa
katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilantad sa Barcelona noong 1888.

ANG CADAQUILAAN NG DIOS itoy isang hawig sa


katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilahathala sa Barcelona. Isang sanaysay ng
pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit nagtataglay ng
pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng
Poong Lumikha, pagpapahalaga at pag-ibig sa
kalikasan.
SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS- isang
tulang nagsasaad ng pagbabago ngunit ang Espanya ay
napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng
anumang tulong sa Pilipinas.
DUPLUHAN..DALIT..MGA BUGTONG- itoy katipunan ng
maiigsing tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.
LA SOBERANA EN FILIPINAS- sanaysay na tungkol sa
mga katiwalian at di-makatarungang ginawa ng mga
prayle sa mga Pilipino

GRACIANO LOPEZ-JAENA
= isinilang noong Disyembre 18, 1856
= kinilalang manunulat at mananalumpati sa
Gintong Panahon ng Panitikan at
Pananalumpati
= itinatag niya ang kauna-unahang magasin,
ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal na
bibig ng Asociation Hispano Filipina
= nagkasakit ng tuberkolosis at namatay sa
ospital ng Barcelona noong ika-20 ng Enero
1896

MGA AKDA NI G.LOPEZJAENA


FRAY BOTOD (1876)- tinutuligsa ang mga prayle na
masisiba, ambisyoso at imoral ang pagkatao
LA HIJA DEL PRAILE- ipinaliliwanag ang mga
kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang
Kastila.
SA MGA PILIPINO (1891)- isang talumpati na ang
layunin ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
Malaya, maunlad, at may karapatan
MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS- tinutukoy rito ni
Lopez Jaena ang maling pamamalakad at edukasyon
sa Pilipinas-1887

IBA PANG MGA


PROPAGANDISTA
1.
2.
3.
4.
5.

ANTONIO LUNA
MARIANO PONCE
PEDRO PATERNO
JOSE MA. PANGANIBAN
PASCUAL POBLETE

ANTONIO LUNA
= isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon
ng mga Kastila sa Espanya.
= sumanib sa kilusang PROPAGANDA
= ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay
nauukol sa mga kaugaliang Pilipino, at ang
ibay tumutuligsa sa pamamalakad ng mga
Kastila
= ginamit niyang sagisag-panulat TAGA-ILOG
= namatay sa gulang na 33 noong ika-7 ng
Hunyo, 1899

MGA AKDA NI A. LUNA


NOCHE BUENA naglalarawan ng tunay na buhay
Filipino
SE DIVIERTEN (Naglilibang Sila)- isang pagpuna
sa sayaw ng mga Kastila na halos di-maraanang
sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw
LA TERTULIA FILIPINA- (Sa Piging ng mga
Pilipino)-naglalahad ng isang kaugaliang Filipino
na ipinalalagay niyang lalong mabuti kaysa
kaugaliang Kastila
POR MADRID tumutuligsa sa mga Kastilang
nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya
ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan
ng selyo

LA CASA DE HUESPEDES (Ang


Pangaserahan)- naglalarawan ng isang
pangaserahan na ang kaseray
naghahanap ng mangangasera hindi
upang kumita kundi upang maihanap
ng mapapangasawa ang kanyang anak

IMPRESIONES- itoy isang


paglalarawan sa ibayong kahirapang
dinaranas ng isang mag-aaral na naulila
sa amang kawal

MARIANO PONCE
= naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay
at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.
= mga sagisag-panulat na ginamit- TIKBALANG;
KALIPULAKO at NANING
= tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang
karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay
= inilahad din niya ang pang-aapi ng mga banyaga at
ang karaingan ng bayan

MGA AKDA NI M.PONCE


MGA ALAMAT NG BULAKAN naglalaman ng
mga alamat at kwentong-bayan ng kanyang
bayang sinilangan
PAGPUGOT KAY LONGINO isang dulang
Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos,
Bulakan
SOBRE FILIPINA
ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA

PEDRO PATERNO
= isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at

nobelista sa Kilusang Propaganda

= sumapi sa Kapatiran ng mga Mason at sa


Asociation Hispano-Filipino
= unang manunulat na nakalaya sa sensura
sa panitikan sa mga huling araw ng
pananakop ng Kastila

MGA AKDA NI PEDRO


PATERNO
NINAY kauna-unahang nobelang

panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng


isang Pilipino
A MI MADRE (Sa Aking Ina)- nagsasaad ng
kahalagahan ng isang ina, na nagiging
malungkot ang isang tahanan kung wala ito
SAMPAGUITAS Y POESIAS VARIAS
katipunan ng kanyang mga tula

JOSE MA. PANGANIBAN


itinago ang tunay na pangalan sa
ilalim ng sagisag na JOMAPA
=

= kilala sa pagkakaroon ng MEMORIA


FOTOGRAFICA
=kabilang sa mga kilusang makabayan

MGA AKDA NI JOMAPA

ANG LUPANG TINUBUAN

SA AKING BUHAY
SU PLAN DE ESTUDIO
EL PENSAMIENTO

PASCUAL POBLETE
= isinilang sa Naic Kabite noong Mayo 17, 1858
= kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang
Pilipino:Kastila at Amerikano
= mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at
mananalaysay
= itinatag niya at pinamatnugutan ang pahayagang EL
RESUMEN
= sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang
EL GRITO DEL PUEBLO at ANG TINIG NG BAYAN
= kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli Me
Tangere ni Jose Rizal
= kinilalang Ama ng Pahayagang Tagalog

ANG PANAHON NG
TAHASANG
PAGHIHIMAGSIK

KALIGIRANG
KASAYSAYAN
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga
hinihinging pagbabago ng mga Propagandista.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang
pang-aapi at pagsasamantala, at naging
mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at
simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng
Inang Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa
rin ng mga prayleng nangaghari rito.

NILALAMAN NG PANITIKAN
SA PANAHON NG TAHASANG
PAGHIHIMAGSIK:
== pawang pagtuligsa sa pamahalaan at
simbahan
== pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang
magkaisa at maghanda nang matamo ang
inaasam na kalayaan

ANDRES BONIFACIO
kilalang-kilala bilang AMA NG

DEMOKRASYANG PILIPINO at AMA NG


KATIPUNAN
hamak ang pinanggalingang kalagayan sa
buhay, kayat sinasabing ang kanyang mga
natutuhan ay pawang galing sa paaralan ng
karanasan
umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni
Jose Rizal-ang LA LIGA FILIPINA
lalong kilala sa pagiging dakilang
mandirigma kaysa manunulat

MGA AKDA NI A.
BONIFACIO
1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN
nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang
pagkakahanay ng kartilyang ito
2. HULING PAALAM salin sa Tagalog ng Mi Ultimo
Adios
3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA isang tulang naging
katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar
4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG
bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
kaunlarang tinatamasa ng bansa bago dumating ang
mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Kastila

KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS


tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa
bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang
pagpapatuloy sa tulang napasimulan
ni Herminigildo Flores na may
pamagat na Hibik ng Pilipinas sa
Inang Espanya. Ito ay tinugon naman
ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang
tulang SAGOT SA HIBIK NG PILIPINAS

EMILIO JACINTO
-isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Maynila
noong Disyembre 15,1875
-gumamit ng sagisag-panulat na DIMASILAW
-Kinikilala bilang UTAK NG KATIPUNAN
-Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres
Bonifacio
-Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatatag ng kilusang
KATIPUNAN
-Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang
KALAYAAN

MGA AKDA NI
E.JACINTO
= KARTILYA NG KATIPUNAN mga kautusan para sa
mga kasapi ng Katipunan
= LIWANAG AT DILIM katipunan ng mga sanaysay
na may ibat ibang paksa tulad ng pag-ibig sa
bayan, kahalagahan ng paggawa, pagkakapantaypantay, kalayaan at paniniwala
= A MI MADRE (Sa Aking Ina) isang tulang handog
sa kanyang ina
= A LA PATRIA (Sa Bayang Tinubuan)ang
ipinalalagay na kanyang obra-maestra

APOLINARIO MABINI
= nagmula sa maralitang angkan
= isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa Tanauan,
Batangas
= nagtapos ng pagka-manananggol
= tinaguriang UTAK NG HIMAGSIKAN
= ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat
ayaw niyang manumpa sa bandilang Amerikano
= namatay sa sariling bayan sa sakit na kolera

MGA AKDA NI A.
MABINI
= ANG HIMAGSIKANG PILIPINO isang sanaysay na
naglalarawan ng kabayanihan ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban

= SA BAYANG PILIPINO isang tulang handog sa bayan


= ANG PAHAYAG = hinango sa kanyang manipesto
= EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINAAng Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino
= PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG
PILIPINO
= EL VERDADERO DECALOGO- Ang Tunay na Sampung
Utos

JOSE PALMA
= isinilang noong ika-6 ng Hunyo1876 sa

Tondo

= nag-aral sa Ateneo de Manila


= lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon
sa isang aklat na pinamagatang
MELANCOLICAS ( Mga Panimdim)
= pinakadakilang ambag ay ang
pagkakalapat ng titik sa tugtuging
pambansa na pinamagatang FILIPINAS

JULIAN FELIPE
=

ang may-akda ng Pambansang Awit

= kinikilala bilang AMA NG MARCHA


NACIONAL
= isinilang noong Enero 28,1861,
Kabite

MGA PAHAYAGAN SA
PANAHON NG
HIMAGSIKAN

1. HERALDO DELA REVOLUCION naglalahathala


ng mga dekreto ng pamahalaang
mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa
Tagalog na pawang gumigising sa damdaming
makabayan
2. LA INDEPENDENCIA pinamatnugutan ni
Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng
Pilipinas
3. LA REPUBLICA FILIPINA itinatag ni Pedro
Paterno noong 1898
4. LA LIBERTAD pinamatnugutan ni Clemente
Zulueta
5. UNANG GASETILYA noong 1637, nilimbag ni
Tomas Pinpin ang SUCESOS FELICES bagamat
isang polyeto ay ipinalalagay na kauna-unahang
pahayagang nalimbag sa Pilipinas

6. DEL SUPERIOR GOBIERNO kauna-unahang


pahayagang regular na inilathala sa
Pilipinas.Ang naging unang editor ay si Manuel
Fernandez del Folgueras
7. LA ESPERANZA kinilalang unang pahayagang
pang-araw-araw. Pinamatnugutan nina Felipe
Lacorte at Evaristo Calderon
8. DIARIO DE MANILA unang lumabas noong
1848 sa pamamatnugot nina Felipe del Pan
9. EL RESUMEN magkatulong na inilathala nina
Isabelo delos Reyes at Baldomero Hazanas.
Kauna-unahang pahayagang lantad sa
pagtataguyod ng nasyonalismong Pilipino
10. ANG KALAYAAN ang opisyal na pahayagan
ng kilusang KATIPUNAN na pinamatnugutan ni
E. Jacinto

You might also like