You are on page 1of 2

Pauline Ann B.

Prudencio JJJ Ika-15 ng Agosto, 2010

Bonus Paper #1: Litel Mis Pilipings

Ayon sa kilalang Maxista na si Frederic Jameson, isang mariing na realidad na bunga ng

postmodernismo ang pagsuko ng mga tao sa paggamit ng kapitalismo bilang batayan ng

kapangyarihan (qtd. in Panganiban et al. 248). Ito ay makikita sa tulang “Litel Mis Pilipings” ni

Jim Pascual Agustin na patungkol sa mga kaganapan sa isang tipikal na beauty pageant ng mga

bata sa telebisyon. Ang beauty pageant na ito ay naglalarawan ng komodipikasyon ng mga

kababaihan o ang pagturing sa kanila bilang kasangkapan (commodity) ng iba para sa isang

layunin o pagnanasa.

Kung susuriin ang akda, mapapansin na hindi ito sumusunod sa kumbensiyunal na paraan

ng pagsulat ng tula. Makabago at hindi pormal ang wikang ginamit kung saan sadyang maraming

mali sa pagbaybay ng mga salita. Ang ganitong wika ay nakapupukaw sa interes ng mga

mambabasa at nakadaragdag sa pagiging makatotohanann ng kabuuang tula. Maaring ang

persona ay isang taong nanonood sa telebisyon na nakapupuna sa mga batang babaeng kalahok

na itinuturing bilang mga “manikang walang susi o baterya” (metaphor) na pilit na pilit ang

pagngiti, pagkilos at pagsasalita ng Ingles. Tulad ng isang manika, ang mga kalahok ay

pinaglalaruan, pinapagalaw o kinokontrol ng mga nagmamay-ari sa kanila – maaring ang studio

audience, host, advertiser, direktor o mismo ang kanilang mga magulang. Ang mga may-ari ang

mga kapitalista na kumakasangkapan lamang sa mga kalahok para sa kanilang pansariling interes

o pagkakakitaan. Ito ang dahilan kung bakit may mga patalsatas ng produkto na ipinapalabas sa

telebisyon kada matapos ang isang bahagi ng naturang pageant. Gayunpaman,

Gayunpaman,
Pauline Ann B. Prudencio JJJ Ika-15 ng Agosto, 2010

Sanggunian: Panganiban, Jing Castro, et al. eds. Hulagpos. Experimental ed. Ateneo De Manila

University: Office of Research and Publications, 2003.

Mga Sanggunian:

You might also like