You are on page 1of 1

Ang isang tao ay nasa kalagayan ng alimpungat kapag siya ay kalahating tulog at

kalahating gising sa pagkaraan ng panahon. Sa wikang ingles, ito ay maibabatay sa rude

awakening na nagpapahiwatig: isang hindi mabuting paggising. Ang alimpungat ay maaaring

Masaya at malungkot dahil ito ay may kaugnayan sa panaginip na maaaring maging Masaya,

malungkot, o pareho.

“Alaala”, isinasalaysay nito na ang isang tao ay maaaring malunod sa sarili niyang

mga alaala. Marami tayong alaala, Masaya man o malungkot, nananaig parin ito sa atin. At

tulad ng dulang “Alimpungat” ang alaala ay nagiging bahagi ng ating mga panaginip. Ang

isang panaginip ay maaaring magkaroon ng marami kahulugan at maraming interpretasyon,

ngunit minsan, ang panaginip ay maaaring maimpluensiya ng alaala. Ang ating alaala, lalo na

kapag mabigat sa kalooban, ay nagiging sanhi ng panaginip. At kapag ito nga ang sanhi, ang

panaginip ay nagiging Masaya o malungkot base sa alaalang ating itinanim sa ating

kamalayan bago matulog o bago maalimpungatan. Ang panaginip ay kadalasan nangyayari

lamang kapag tulog ang tao. Ngunit possible din managinip sa kalagayan ng alimpungat.

Madalas itong mangyari sa maraming tao, karagdagan pa dito ay ang panaginip na

nararanasan sa kalagayan ng alimpungat ay mas makatotohanan (mas lalo pa kapag ang

pinanggalingan nito ay isang alaala).

Ang kabuuhan dulang “Alimpungat” ay tungkol sa mga panaginip. Mga

panaginip na may simbolismo, may katuturan, may kahulugan, at may kagandahan. Ngunit

minsan, ang panaginip ay naiimpluensiya ng alaala, alaalang hindi natin mabitawan. Dahil sa

pananaig ng ating mga alaala sa ating mga panaginip, hindi natin maiwasan paminsan –

minsan na malunod dito at magising at sabihin, naalimpungatan ata ako.

You might also like