You are on page 1of 36

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng
MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang
sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng
tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya
lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na
si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao.
"Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya.
'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga
bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa
pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At
biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit
sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
"Ang sakit sakit... Sana pinatay na lang niya ako... Bakit ba? Mahal na mahal ko siya... Panget ba ako?"

Paulit-ulit niya yang sinasabi. Umiiyak. Hindi naman siya panget, actually maganda siya. Maputi. Sexy.
Bagsak na at mahabang buhok. Dyosa.

'DYOSANG MAY AMATS,' bulong ko sa sarili.

Nilapitan na kami ng guard, "boy, last train na yang parating... Sa bahay na kayo mag-usap," sabay tapik
sa balikat ko at umalis.

Last train? Anong oras na ba?

10:27pm.

Ha??! Ganon na siya katagal emote? Tumayo na ako.

"Tara! Sasakay na tayo! Last train na daw," yaya ko sa kanya.


Hindi siya tumayo, humiga pa sa siya.

Dumating na ang tren at nagbukas na ng pinto.

Hinatak ko na siya, "halika na!"

"Ayoko!!!" sigaw niya.

'Siraulo ka!' bulong ko, binuhat ko na siya at pumasok sa tren. Sakto, sumara na ang pinto. Dahan-dahan
ko siyang inupo sa upuan, nang biglang umandar na ang tren.

Siya, napahiga sa upuan. Ako? Gumulong. Hindi pa ba sapat ang kahihiyang inabot ko kanina? Matatapos
na lang ang araw, pinaliguan pa ako ng kamalasan...

"Shit!!!" sigaw ko, pag-angat ko ng ulo ko, nasa tapat ko ang dalawang matandang Madre, sabay pa silang
napa-krus habang nakatitig sa akin.

Napatungo na lang ako, "pasensya po..." at bumalik sa babaeng lasinggerang pahamak sa buhay ko.

Nung iuupo ko siya, gustong-gusto kong sa buhok siya hatakin, pasalamat siya't nakatingin pa sa akin
yung mga Madre.

Maya-maya pa... Quezon Avenue Station na. Nakalimutan ko siyang tanungin kung saan ba siya baba.
Ginising ko siya. "Saan ka bababa?" tanong ko sa kanya.

Nag-isip siya saglit, dinilaan ang labi, tumitig sa akin at sumagot, "Pasay," sumara na ulit ang pinto.

"PASAY??!" sigaw ko, "P****g-i*ang yan! Anong ginagawa mo sa North Bound!!?"

Sumama na ang tingin sa akin nung dalawang Madre. Napapikit na lang ako.

Chapter 3 - For You


"North Avenue Station, last station, kindly check your..."

Tinapik ko siya, pero ayaw pa ring gumising. Bumaba na ang mga Madre, pero nililingon pa rin nila kami.
Pinasan ko siya, pasakit ba ito sa akin? Ni hindi ko nga kilala 'tong babaeng 'to.

May isa pa akong problema... Sa Pasay pa siya uuwi. "Shit ka!" sigaw ko sa kanya.

Inuntog niya ang ulo niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng ulo niya, para akong hinampas ng
paddle sa ulo. 'Siraulo ka,' bulong niya.

Palabas na kami, "asan ang ticket mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa Araneta..."

"Araneta?"

"Araneta Coliseum! Tanga ka?!"

"Bakit nasa Araneta?"

"Pinambalot ko ng bubble gum... Binato ko sa RING... SHOOT!"

"Ha?!!"

Inuntog niya uli ang ulo niya... Mas malakas. "Paulit-ulit?!!"

Kahit alam kong bawal, sinubukan ko pa rin, lumabas ako na karga siya. Isang Ticket. SUCCESSFUL.

Pababa na kami ng tinawag kami ng Guard, "ticket niya?" sabay turo sa karga ko.

"Ah... Eh..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"HI KUYA!!! APIR!!!" sigaw ng babaeng karga ko.


"Ikaw na naman?" tanong ng Guard.

Pinaalis din kami ng Guard, hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko, nasanay na siguro siya sa babaeng
'to, ibigsabihin, PAULIT-ULIT NA NIYA NG GINAGAWA ITO!

"Kilala ka nung Guard?" tanong ko sa kanya.

"Crush ako nun..."

Hindi ko na pinatulan... Lasing eh... "Paano ka uuwi?"

"Hindi ako uuwi!"

"Saan ka uuwi?"

"SA PILING MO!"

"Gago ka?! Gusto mong pag-fiesta-han ng mga tambay sa amin?"

Kung sabagay, alangan namang pabayaan ko itong mag-bus mag-isa, mamaya... Dun pa 'to SUMUKA.

Sumakay kami ng jeep, natulog siya ulit, maganda talaga siya, sa suot niyang damit, kitang-kita mo ang
hubog ng katawan niya, at, ang malulusog niyang...

"MALIGAYA na," sigaw ng tsuper.

Maligaya talaga ako.

Chapter 4 - Going Strong

"Apeng!" tawag sa akin ng mga kapitbahay kong kasalukuyang tumutoma, "tagay ka muna..."

"Pass muna ako..."

"Hoy! Sino yang karga mo? Babae yan ha!"

Hindi ko alam kung bakit, pero bumaba siya sa pagkaka-pasan ko sa kanya. Naamoy siguro niya ang
bestfriend niyang alak.

"Oy, maganda 'to ha... Syota mo 'to Japhet?"

Tumabi siya sa mga lasenggo kong kapitbahay, "shot!"

"Oh, shot daw, Toto, shot daw!" pinainom naman nila ng Gin si, sino nga ba 'tong babaeng 'to?

"Neng, syota ka nito?" tanong nila sa lasengga kong kasama sabay turo sa akin.

"Hindi ako Neneng!" sigaw niya.

"Lasing na 'to eh, iuuwi ko muna 'to," inawat ko siya sa isa pang tagay nang ice cold gin, at mabuti naman,
hindi na siya pumalag, humabol muna siya ng isang stick ng dugo, kinain, at pagkaliko pa lang namin,
walang habas na siyang nagtatawag ng uwak.

Namumutla na siya pagdating namin sa inuupahan kong bahay, na mukhang kwarto lang.

"Oh, ano? Ok ka pa?" tanong ko sa kanya.

Humiga lang siya sa kama.

"Wag kang humiga! Kakasuka mo pa lang, may after shock pa yun!"

Inupo ko siya sa kusina at pinagtimpla ng kape.

"Hindi ako nagka-kape!" reklamo niya.

"Mainit na tubig, gusto mo?"


"CR?"

Hindi ko narinig yan nung tinanong niya.

"CR?" tanong niya ulit.

"Ha?!" kitang-kita ko na sa reaksyon niyang may iluluwal na naman siya.

Hindi pa kami umaabot sa CR, lumabas na ang hindi inaasahan, napigilan ko naman, nang takpan ko ang
bibig niya.

"Kadiri ka!" ramdam na ramdam ko ang init ng niluluwal niya, malagkit, nakakadiri.

Matapos ang session niya with the toilet bowl, inabutan ko siya ng damit ko, tuwalya at bagong
toothbrush. "Yung toothpaste andyan na sa loob, pati sabon at shampoo."

Makaraan ang isang oras at kalahati, nakalabas na rin siya ng CR, dumiretso sa kama, at natulog.

Ako? Naglalaba ng amoy suka niyang damit.

Chapter 5 - The Things

Hindi naman sa pakialamero ako, pero syempre, karapatan ko pa rin namang malaman kung sino itong
babaeng nakikitulog sa kama ko. Tinignan ko ang wallet niya, at ang una kong nakita, picture nila ni
Andrew. Hindi ako nanghuhula, nakasulat sa mismong picture ang "Drew ♥ Marj"

Masaya silang pareho sa litrato, kitang-kita mo kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Pero may isa pa
akong napansin sa picture, at agad akong napatingin sa salamin. May hawig kami nung lalaking bumuntis
sa kanya. Mas maputi lang siya, mas mapula ang labi niya, mas makinis lang ang mukha niya, pero lahat-
lahat, mas gwapo pa rin ako, mas mukha nga lang siyang mayaman.

Binulatlat ko pa ang wallet niya, at sa wakas, nakita ko na ang hinahanap ko, bukod syempre kung may
perang laman ang wallet niya, at hindi naman ako bigo dahil LIBO ang pera niya, este, nakita ko na ang ID
niya.

'Marjorie Pineda'

Marjorie...

Nagising akong nakahiga sa kama, at wala na siya. "Daig pa ang Border ha..." sabi ko.

Pababa na ako nang biglang may sumigaw.

"Mukha ko!!!"

Naapakan ko ang mukha niya, nakahiga siya sa sahig.

"T**g-i*a ka!" mura niya.

"Sorry..."

Bumangon siya, "bakit ako nasa sahig?!"

"Ah..."

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kwarto?!"

"Bahay ko 'to!" umangal na ako.

"Bahay na 'to? Bahay na 'to sayo?"

'Gago 'tong babaeng 'to ha,' bulong ko.

Tumingin siya sa sarili niya, "Hinubaran mo ko?!"

"Naligo kang mag-isa mo!!!"


"Sinisigawan mo ako?"

"Oo! Kasi antipatika ka! Ni hindi mo man lang makuhang magpasalamat at hindi kita iniwan sa MRT! Na
pinabayaan kitang ipahiya ang sarili ko sa lahat nang tao don! Na pinatulog kita dito sa bahay ko dahil sa
sobrang kalasingan mo!" napuno na ako kaya nasigawan ko na siya, "kung hindi ka lang buntis e di
sana..."

"Buntis?! Ako!?"

"Sinigawan mo ako kagabi na 'panagutan kita'!"

"Talaga?" pabulong niyang sabi.

"Oo! At sinampal mo pa ako!"

"Wala akong maalala..."

"Yan lang naman ang BEST ALIBI ng mga LASING!!!"

Tumahimik sandali.

"Nagugutom na ako..." sabi niya.

Chapter 6 - We Used To Do

"Lugaw?" alok ko sa kanya, "may itlog na yan," dinala ko siya sa lugawan sa tapat ng bahay ko, na
mukhang kwarto.

Tinignan niya ang lugaw, hinalo, hinati ang nilagang itlog, tinitigan ako, "wala nang ibang pagkain?"

"Hindi ka ba kumakain ng lugaw?"

Natahimik lang siya.

"Mayaman ka 'no?"

Hindi pa rin siya nagsasalita.


................................

Kumakain na kami ngayon sa SM North EDSA.

"Lugaw din naman pala ang kakainin mo dito..." angal ko sa kanya.

"Porridge yan."

"Ok..."

"Hindi ako buntis."

"Ano yung sinabi mo kagabi?"

"MA! Lasing ako."

"Pasay ka pa nakatira?"

"Bakit?"

'Sungit nito...' bulong ko, "aalis na ako, may klase pa ako."

"Then go."

"Salamat ha," sarcastic kong sabi.

"Your welcome," sagot naman niya, parang wala lang. "Number mo?"

"Ko?"
"Hindi... Yung waiter. Ikaw ang kausap ko di ba?"

Binigay ko naman ang number ko sa kanya. Paakyat na ako ng MRT para mag-store-visit ng may magtext.

"Thnx.. By d way im Marj. Slmat. I save mu n0. Ko."

Napangiti ako, hirap lang pala siya magsalita. May nagtext ulit.

"Kita tau s arnta stax0n m2ya."

Nag-reply ako, "D2 aq s trin0ma 2day."

"M2yang 4pm pik-up kta sa parking."

"My klase aq ng 1pm to 4.30pm."

"E d umbsent k!"

Hindi ko alam kung nagayuma niya ako, pero nag-cut ako ng klase.

4pm, sa Parking ng Trinoma, "Hoy!" sigaw niya sa likod ko, "Hindi ko dala yung kotse, tumakas lang ako sa
bahay!"

"Tapos?!"

"Tara"

Pumasok ulit kami ng Trinoma.

Chapter 7 - Sunshine

'Magpapa-salon lang, isinama pa ako,' bulong ko habang nasa loob kami ni Marj ng isang salon.

"Andrew?!" tanong nang isang empleyado sa salon, tinitigan ako, kinilatis, "ay hindi, Marj, kapatid ni
Andrew?" sabay turo sa akin.

"Ah, Dianne, hindi, siya nga pala si..." sabay titig sa akin, hindi niya pa pala ako kilala.

"Japhet. Japhet Dela Cruz," salo ko kay Marj.

"Hmmmm... Akala ko kasi nagkabalik..."

"Pagugupitan ko siya," putol ni Marj.

"Ako?!" tanong ko, nabigla ako syempre.

"O sige..." sabay hatak sa akin nung Dianne.

"Ilabas mo lahat ng kaya mong gawin sa itsura niya," dugtong pa ni Marj.

Ginugupitan ako, at nakikita ko sa salamin si Marj, busy sa pagbabasa ng magazine. Napatingin siya sa
akin, pero inalis din niya ang tinging iyon. Umalis na si Dianne at shinampuhan na ako nang isang lalaki,
lumapit sa akin si Marj.

"Anong nickname mo? Panget yung pangalang Japhet," panlalait niya.

"Apeng..." sagot ko.

Napatingin lang siya, hindi mo maintidihan ang reaksyon niya sa mukha niya.

"Maganda naman yung Japhet ha," sagot nung lalaking naghuhugas ng buhok ko.

"Kausap ka?!" pambabara ni Marj, "Jaf, lalabas lang ako sandali, antayin mo na lang ako rito," paalam niya
sa akin sabay labas ng salon.

Tapos na ang lahat ng kalandiang ginawa sa buhok ko, pinagdeskitahan naman ni Dianne ang mukha ko.
Inilapit niya sa mukha ko ang isang maliit na gunting, at... Pinaggugupit ang kilay ko, ang bigote ko at ang
pilikmata ko.

Dumating na si Marj, wala naman siyang dala, hindi ko alam kung saan galing 'to pero baka nag-shot
muna.

Saktong lingon ko sa kanya, tapos na ang kalbaryo ko sa kamay ni Dianne.

Parang katulad sa mga pelikula, tinignan niya lang ako, pero may mas magandang term, Natulala siya.

Alam mo yung expression sa mukha ng sa mga bata, mahilig ako doon, ganoon ang expression ko ngayon.

Natigilan na lang siya nang tumunog ang cp niya.

Chapter 8 - I Try to Deny

"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Tara na!" sigaw niya pagkababa niya ng telepono. Paakyat na kami ng
second floor ng maisipan kong mag-usisa.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko.

"Naglalakad."

Impakatang pilosopo 'to ha... "ibig kong sabihin, ano 'tong ginagawa mo sa akin?"

Nagpatuloy lang siya sa paglakad. Pumasok kami sa isang coffee shop at doon may pinakilala siya sa akin,
"tara na..."

Ngayon tatlo na kaming naglalakad ng sama-sama, hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa ko,
sumusunod lang ako sa kanila na parang asong maamo.

Pumasok naman kami ngayon sa isang shop, nag-usap silang dalawa, habang ako'y abalang nagtitingin ng
magagandang pang-porma at napapamura sa mga presyo nila.

Halatang-halata, na ako ang pinag-uusapan nila kahit nag-iikot na sila sa buong boutique. Titingin sa
damit, titingin sa akin, paulit-ulit, para bang magsha-shoplift ako...

Ilang saglit lang, "Jaf! Halika dito!" sigaw ni Marj na parang nagtatawag lang ng aso na pakakainin.

Ipinasok ako nung lalaking babae na kasama namin ni Marj sa cubicle. *parang awa mo na... virgin pa
ako... i don't want you to be my first...*

"Hubarin mo na 'yang tops mo..." sabi niya.

Umiling ako.

"Sige let me do it for you..."

"SUBUKAN MONG LUMAPIT SASAPAKIN KITA!"

Pumasok bigla si Marj, "Jaf! Stylist yan! Pagpapalitin ka niya nang damit! Nakakahiya dito sa labas!"
pasigaw na bulong niya.
................................

"Marj... Meet the new Japhet..." entrada ng lalaking babae na kasama ni Marj sa akin.

Actually, wala akong pake, busy ako sa pag-aayos ng pagkakasuot sa akin ng relo, kaya hindi ko na nakita
ang reaction ni Marj. Nahuli ko na lamang siyang nakatingin sa akin, at pagtama ng mga mata namin,
bigla niyang iniwas ang tingin niya.

"Marj... Ano? Andrung-Andrew 'no?... Kapag ayaw mo 'te akin na lang ha..." dagdag nung kasama ni Marj.

"Sira!" sagot ni Marj, "Jaf, si Apple nga pala... Alfonso Tibag... Kaklase ko nung high school, nag-take siya
ng crash course sa fashion and styling..."
"Hindi mo na sana binanggit yung tunay na nem ko, hindi ko nga mabanggit sa sarili ko eh..." sagot naman
niya.

Matapos ang pagpapakilala, umalis kaming muli ni Marj, sumakay sa MRT, at bumaba kung saan kami
unang nagkita, Araneta Center - Cubao Station.

"Saan ba tayo pupunta?" actually, ilang beses ko nang tinatanong sa kanya yan, at iisa lang ang parati
kong nakukuhang sagot, 'malapit na tayo.'

8 o'clock PM, nakaupo kami sa loob nang isang bar sa gilid ng Araneta. Nagpaalam akong mag-CR. Maya-
maya nagsidatingan ang grupo ng mga babae at bumeso lahat kay Marj.

Chapter 9 - But

"Girl, advance happy birthday..."

"Ui, 20 ka na bukas..."

"I've heard darating daw si Andrew..."

Mga bagay na narinig ko nang palapit na ako sa kanila.

"O, ayan na pala si Andrew..." lingon sa akin nung isang babae.

Agad namang napatingin si Marj, halatang-halata ang interes sa mukha niya na makikita niyang muli si
Andrew. Pero agad namang nawala yon nang ako ang makita niya, "no, he's not Andrew," sabi niya sa mga
kaibigan niya, sabay lapit sa akin at kapit sa braso ko, "this is Japhet, Jaf, this is Ann,..."

Matapos akong ipakilala ni Marj sa mga kaibigan niya, nagkanya-kanya din sila nang attention. Ngayon, si
Marj ang kaharap ko sa mesa ngayon, pinapanood siyang maglasing, "inom ka..." alok niya sa akin.

Umiling lamang ako, maya-maya, tinanong ko siya, "darating si Andrew?"

Kibitbalikat lang ang natanggap ko mula sa kanya. Alam ko na kung anong ginagawa ko dito. Alam ko na
kung ano rin ang gagawin ko dito. At handa ako, tanggap ko kung anong role ko ngayong gabi, I'll be on
her side.

Ilang saglit, nagbago ang emosyon sa buong paligid, sa mukha ni Marjorie.

Paglingon ko, bumebeso ang mga kaibigan ni Marj kay Andrew, kilala ko na siya, parang ako lang. Lumapit
siya sa mesa namin, nakipagkamay kay Marj at bumeso rin.

"It's been a while..." bungad ni Andrew.

"Yah," tungo ni Marj, "oh, Andrew, this is Japhet..." pakilala niya sa akin.

"P're, Japhet..." alok ko ng pakikipagkamay sa ex ni Marjorie, tumugon naman siya. Napatingin siya sa
akin, titig.

"Bakit?" tanong ni Marj kay Andrew.

Hindi na nasagot ni Andrew ang tanong ni Marj nang may yumakap mula sa likod ni Andrew.

"Baby..." tugon nito ng makita ang nasa likod, "Marj, this is Samantha..." nakipagkamay naman si Marj.

Awa ng Diyos, umalis din sila sa harapan naming dalawa. Ngayon, hindi ko na alam kung anong emosyon
na ang naglalaro sa buong pagkatao ni Marj. Maya-maya, tinanong ko siya, "mahal mo pa si Andrew?"

Nilaklak muna niya ang inumin niya bago ko kinaladkad.

Chapter 10 - Inlove With You

♫♫♪♪ Simula sa pinakataas ng katawan hanggang sa pababa ng pababa sa balakang, everybody now!
♫♫♪♪
[Song by Gloc9]

Ni-minsan sa buhay ko... Hindi ko na-imagine ang sarili ko na gagawin ko 'to. Heto ako ngayon, nasa
harapan ng isang babaeng lasing, nagwawala sa gitna ng entablado. At obligado akong tumugon sa
ginagawa niyang kahihiyan...

'Is this girl she's all about? Ang bigyan ako ng kahihiyan?'

Kung makapag-pagpag siya ng ulo niya, siguradong walang ni isang kuto o kuyumad ang maiiwan sa
buhok niya. Actually... Ako ang nahihilo para sa kanya.
................................

"Bye!" sigaw niya sa mga kaibigan niya. Akala mo kung sinong makasigaw... Masakit kaya sa tenga...
Pasan ko na naman kasi siya.

Naglalakad na ako, karga siya, papunta sa MRT Station, "mahal mo pa si Andrew?" tanong ko sa kanya.

Wala akong sagot na nakuha, pero alam ko naman na yung sagot eh, sinigaw na ng damdamin niya
kanina.

"Shit!" bakit? Under maintenance ang elevator, kaya ibigsabihin, maghahagdan kami, este ako, pero
kasama siya, pero buhat ko siya kaya ako lang, pero parehas naman kaming makakarating sa taas.
MAKIPAGTALO BA SA SARILI?!

Nakarating naman kami sa MRT, walang kapagod-pagod, siya. Nakabili na ako ng ticket para sa aming
dalawa, pero ng papasok na kami, hinarang kami ng Guard.

"Lasing?" turo niya sa babaeng karga ko.

Tumango lang ako.

"Hi kuya!" bati naman ni Marj sa guwardiya.

Napailing lang yung guard, "palakarin mo yan... Andyan kasi si bossing, sisitahin kayo non..."

Grabe, sikat na sikat 'tong kasama ko sa mga guard ng MRT. Kinondisyon ko siya sa gilid, maamong-
maamo siya ngayon, hindi pumapalag.

Nakapasok naman siya, ng maayos, maayos-ayos. Maayos naman ang lahat. Nakasakay naman kami ng
maayos. Maayos.

Sa loob ng tren, "nasusuka ako..."

"Ha?!" mangiyak-ngiyak kong tugon.

"NASUSUKA AKO!!!" sigaw niya. At dahil don, tinalo pa namin lahat ng billboard along MRT, lahat na
nakatingin sa amin.

Nang biglang may kumalabit sa kaliwa kong balikat, si Mother Superior! Isa sa mga madre kagabi. Nag-
aabot ng plastic bag.

Chapter 11 - Can See

"Mag-toothbrush ka muna bago humiga," utos ko sa kanya habang nakaupo siya sa kama ko, "maglinis ka
na rin ng katawan para makatulog ka na..."

Masunurin siya ngayong gabi, nakapaghanda na ako ng makakain sakaling gutumin siya matapos maligo.

Suot na naman ang damit ko, umupo siya sa dining table, tulala.

"OK ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

"Kain ka na."
Umiling naman siya.

"OK... May itatanong sana ako... Medyo personal."

"Sa tingin mo? Mahal ko pa ba si Andrew?"

"Ah... Oo... Teka, ako magtatanong di ba?"

Tulala ulit siya.

"Ah... OK... Maliligo lang ako... Kain ka lang d'yan..."

Andaming bagay ang naglaro sa isip ko habang nasa banyo. Technically, isang araw pa lang kaming
magkakilala. Pero, ewan ko... Hindi ko naman masabing mahal ko na siya, kasi hindi ko pa nasusubukan
magka-GF, kaya hindi ko pa alam ang ganoong pakiramdam. Pero... Merong 'meron' sa kanya eh... Hindi
ko maipaliwanag pero... Merong bagay sa kanya na alam ko... Alam kong gusto ko. Teka... Ano yon? Sinilip
ko siya sa dining table, kasalukuyang hinahalo ang isang tasang Milo. Dahil ba sa maputi siya? Maganda
siya? O dahil sa sexy siya? Ang dumi na nang isip ko...

Pagkatapos ko namang maligo, umupo muli ako sa tapat niya.

"Sa tingin mo?... Kaya mo akong mahalin?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Napangiti, sarcastic.

Tumayo ako at lumipat sa sofa para doon humiga, "Sa kama ka na ulit matulog," sabi ko sa kanya sabay
talikod, pahiya.

Nagising na lang ako nang may kumalabit sa likod ko, hindi ako na may ibang tao sa bahay, kaya nagulat
ako. Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

May nakalapat sa mga labi ko, labi ni Marj.


................................

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Marj, na katabi kong natulog.

"May pupuntahan tayo," sabi ni Marj.

"May shift ako ngayong linggo ng tanghali sa SM Fairview," sagot ko.

"Tinawagan ko na yung Sir Boy sa phone book mo."

Nagtaka ako. Paano niya malaman?

"Tinanong ko naman muna kung siya yung boss mo, ayun, pinaalam na kita."

"Anong sabi?"

"OK lang daw..."

"Ano bang paalam mo?"

"Mamamanhikan ka sa amin..."
................................

"Anong klaseng convenient store 'to? Walang nose pack!" sigaw ni Marj, nasa Pasay kami... At hindi ko
alam kung bakit, "Jaf, kumuha ka nga ng gatas... Yung fresh milk."

Feeling? Maka-utos, parang alalay ako.

Bumalik ako sa tabi niya pagkakuha ng gatas, "pumunta ka ng Pasay para uminom ng GATAS?!"

"Hindi ako umiinom ng gatas!!!" sigaw niya.

Napakunot-noo ako, "bakit?"

"Lactose Intolerant ako."

"Ano yon?!"
"Sumasakit ang tiyan ko kapag nag-i-intake ako ng milk... OK na?!"

Chapter 12 - The Love

"Ah... Bawal ka nang gatas..." sabi ko sa kanya, "kaya pala alak ang nilalaklak mo..."

Kinutusan niya ako, "maupo ka na lang d'yan, babayaran ko na lang itong mga 'to."

Maamo naman akong umupo, maya-maya sumakay kami ng taxi. Pero may isa pa akong nalaman sa
kanya...

"WAG MO KONG IWAN DITO!!!" sigaw niya sa akin pagkatawid ko.

"Siraulo ka ba? Eh di tumawid ka!"

"Tarantado ka! Hindi ako marunong tumawid!"

WATDAPAK? "Bente anyos ka na!!! Hindi ka pa marunong tumawid?"

"Kapag inabutan kita d'yan ISANG LIBONG KUTOS ang aabutin mo sa akin!"

"Kung ganun din lang... Bakit pa kita itatawid dito?!" kakaiba talaga siya. And that what makes her so
much special to me. Hulaan mo na lang kung paano siya nakatawid. Clue: basta hindi talaga siya tumawid,
at yon din ang naging paraan para makarating kami sa kanila.

"Nasa church pa sila papa, 2pm pa uwi nila..." sabi niya sa akin pagkalapit namin sa isang malaking gate,
sapat na para hindi mo makita ang laman sa loob.

Biglang bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng malaking gate, "Good morning Ma'am..." bati ng
guwardiya kay Marj, "Good morning Sir..."

"Apeng... Ito pala si Japhet, tandaan niyo na mukha niya, madalas na siyang pupunta dito," utos niya sa
guard.

Napakunot-noo akong muli...

"Kaya ayoko sa palayaw mo!" pabulong niyang sigaw sa tenga ko.

Pagkapasok namin sa loob, pinakita niya sa akin ang litrato ng buong pamilya niya, Papa niya na hindi niya
kamukha, Mama niya na ganun din, pero bumawi naman sa kuya.

"Si kuya Lino," pakilala niya sa akin, "ayaw niya kay Andrew, ewan ko lang sayo, hindi naman siguro itsura
ni Andrew ang ayaw niya..."

"Ah... Bakit nga pala kayo naghiwalay ni Andrew?"

"Ang alam nila Papa, ako ang nakipaghiwalay..."

"... Ano naman sa pagkakaalam mo?"

"Yun lang dapat mong malaman."

Natahimik na lang ako, naglibot ng mga mata na tila magnanakaw.

"Nakalimutan kitang dalhin sa derma kahapon, tapos wala pang nose pack... Kaya... Gagawa tayo..."

Kumuha siya ng maliit na plastic container, binuksan ang gatas at kumuha ng isang kutsara mula dito,
hinalungkat pa ang mga pinamili, inilabas ang isang paketeng gelatin mix at kumuha din ng isang kutsara
mula dito. Hinalo ang kadiring ginagawa at inilagay sa microwave, sinet sa 5 seconds at...

Chapter 13 - In Your Eyes


"Mainit!!!"

"Ang arte mo!" gigil niyang sabi habang dinidiinan pa ang paglalagay ng kung ano man ang ginawa niya,
sa ilong ko, "ayan... Palalamigin na lang yan..." sabay ngiti sa akin.

"Alam mo... Maganda ka..."

"Alam ko yon..."

"Hmmmm... So... Hindi kuntento si Andrew sa kagandahan mo???"

"Wag ka ngang umasta na parang alam mo na lahat ng bagay sa akin, kasi alam kong alam mong hindi."

"Paano ko naman malalaman kung hindi mo naman sinasabi?"

"Wala naman akong dapat sabihin sayo eh..." sabay alis, "kukuha lang ako ng damit sa taas..."

Makalipas ang halos sampung minuto, bumaba na siya, wala na sa aura niya na mainit pa ang ulo niya,
"nakalimutan na natin yang nasa ilong mo..."

Dahan-dahan, tinanggal niya ang natuyong bagay sa ilong ko.

"Hahaha... Namumula ilong mo! Hahaha..." tawa niya.

Yumuko ako.

"Nagtampo naman kaagad..." inangat niya muli ang mukha ko at hinalikan ang ilong ko.

"Ano bang meron tayo?" tanong ko sa kanya.

"Tayo?"

"Ano ba 'tong ginagawa natin? Anong relasyon natin?"

Saglit, tumahimik siya, "actually... Ayoko muna nang commitment, I'm just enjoying kung anong
nangyayari sa atin..."

"OK..." yun na lang naman ang masasabi ko.

"Maghilamos ka na sa CR, may pinto d'yan pagkalampas mo sa sink, ihahatid ko na lang yung susuotin
mo..."

Natunton ko naman ang CR, hinahayaan kong umagos ang tubig sa aking kamay, pinupuno ang sink.
Sinimulan kong idampi ang malamig na tubig sa aking mukha. Huminga ng malalim at inilubog ang ulo sa
lababo.

Naalala ko, wala akong tuwalya, inahon ko ang ulo ko at hinubad ang t-shirt, instant towel.

Chapter 14 - It Comes

Nag-aayos na ako ng buhok ng may kumatok sa pinto, whom am I expecting ofcourse? Kami lang naman
ni Marj ang nasa bahay.

"Ay sus ginuod!!!"


................................

Tahimik. Grabe. Akala mo nagdadasal kami, pero dilat kaming lahat, at halos matusta ako sa titig sa akin
ng ama ni Marj.

Pati yung kuya ni Marj, ansama din ng tingin sa akin.

Si Marj na ang bumasag ng katahimikan, "Pa..."

"Papa!!! Nag-uwi na ang dalaga natin ng lalaki!!!" iyak ng nanay ni Marj, na siyang nakakita sa akin sa CR,
"magkaka-baby na sila!"
"Ma?!" angal ni Marj.

"Baby?!" tanong ng kuya.

"Ha?!" expression ko.

"Totoo ba yon?!" sigaw naman ng tatay.

"Pa! Wala siyang damit ng makita ko siya sa kusina!" iyak muli ng nanay.

"Marj! You make out at the kitchen?!" tanong naman ng kuya.

"NO!!!" sagot naman ni Marj.

Nakakahilo sila.

Bumalik muli ang titig sa akin ng tatay ni Marj, "Anong ginagawa mo sa kusina ng walang damit?!"

Bumilog ang mga mata ko.

"Pa! Wala lang siyang t-shirt!" sagot ni Marj.

"Wala siyang t-shirt!!!" iyak muli ng nanay.

"Ma! T-shirt lang?! Kung makapag-react ka naman!!" sagot naman ng kuya.

"Dad I swear I really don't do it!" sigaw ni Marj.

"Wala bang dila yang kasama mo?!" sabi ng tatay kay Marj, sabay tingin sa akin muli, "Iho, ano bang
nangyari?"

"Po?..." bungad ko, "ano po... Ahm... Po..."

"Hindi siya makasagot!!!" naglulupasay ng iyak ng nanay.

"Carmen! Manahimik ka nga!" sigaw na ng tatay. Tumigil naman siya, sa wakas. "Ituloy mo ang sasabihin
mo boy."

"Ha?! Ahm... Naghihilamos lang po ako sa CR ng may kumatok... Pagbukas ko po, si Mam po yung nakita
ko, nagsisigaw na siya pagkatapos.

"OA talaga 'tong si Mama..." bulong ng kuya.

"Nakita mo na Carmen!" sigaw ng ama, "anong pangalan mo Iho?"

"Ako po? Japhet po. Japhet Dela Cruz po..."

"He's a good guy dad," dugtong naman ni Marj.

"Pangalan lang tinatanong ng daddy," asar ng kuya kay Marj, "p're, Lino, kuya ni Marjorie," pakikipag-
kamay niya sa akin.

"Ako ang tatay ni Marjorie," pakilala naman ng tatay, "just call me Dad."

"Po?" gulat kong tanong, 'Dad? Ibigsabihin ba non, gusto ako ng tatay ni Marj?'

"Dad daw itawag mo sa kay daddy," ulit ni Marj sa akin.

"Carmen, magpakilala ka..." utos ni DAD.

"Ah... Ako ang nanay ni Marj," pakilala naman niya sa sarili, "tawagin mo akong Mam, M-A-M."

Tinignan siya ng buong pamilya niya.

"O pala, O, M-O-M," bawi niya.


Chapter 15 - Sweet Surprise

"Nakahanda na ang tanghalian..." high pitch na yaya ni MOM.

Bago pa man kami umupo sa hapag, kinausap muna ako ni Marj. Sinabi niya na mabait ang Daddy niya,
pastor sa church nila. Si Mom, devastated Diva, parating kumakanta sa mass. Si Kuya Lino, mabait naman
siya, pero minsan nag-ti-trip.

"Matutuwa si Mama kung magana mong kakainin yung niluto niya..." bulong ni Marj sa akin na katabi ko
ngayon sa dining.

MATUTUWA? Bakit? Kailangan ko bang magpa-good-shot dito? Eh, wala naman kaming relasyon nito...
Napangiti na lang ako nang ihain na ni MOM ang mga putahe.

"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan... Mukha kang natatae..." bulong ni Marj.

"Marj! Kumain ka na lang..." sabi naman ni Kuya Lino na mukhang narinig ang kababuyang sinabi ng
kapatid.

"Iho... You remind me so much of myself... Nasabi mo kanina nagtatrabaho ka... At the same time, nag-
aaral ka pa... Marj is so lucky to have a guy like you..." papuri sa akin ni DAD.

"Dad, baka kamo, Japhet reminds Marj so much of Andrew..." pang-aasar ni Kuya Lino kay Marj.

"Pero may difference sila..." tutol naman ni Marj.

"Ofcourse, ni hindi man nga lang nakatuntong dito sa pamamahay si Andrew. Which significe he is not that
confident enough for my baby..." pagtatanggol naman ni DAD kay Marj.

"Oh... Tama na yan... Kailangan kainin mo to Japhet..." bungad ni MOM sa kanyang niluto, "PRAWNS...
Happy birthday Marjorie baby..."

Napatingin ako kay Marj, at bahagyang umiling. Lumapit sa akin si MOM at nilagyan ang plato ko ng
dalawang malalaking HIPON, PRAWNS. Bumalik na sa kanyang upuan si MOM.

"You should try it iho..." yaya sa akin ni DAD na kainin na ang pagkain.

Bumilog ang mga mata ko, "Marj..." bulong ko.

"Bakit?! May problema?! Ayaw mo?!" pananakot sa akin ni MOM na kasalukuyang pinandidilatan ako.

"Po?!... Wala po..." takot kong sagot. Hiniwa ko ang PRAWN, tinanggal ang shell, ang mga paa, ang buntot,
at tinusok ng tinidor.

Isusubo ko na ang pagkain ng tignan ko si Marj, tumatango lang siya, utos na kainin na ang PRAWN.
Tinignan ko rin si MOM, na pinandidilatan pa rin ako. Si Kuya Lino at DAD, pinapanood ako.

Wala na akong magawa... Kinain ko na ang PRAWN.

"Masarap di ba?!" sarcastic na sabi ni MOM. Ngumiti silang lahat...

"Opo..." sagot ko.

Nagtuloy lang sila sa pagkain, habang ako... Hinahabol ko na ang hangin ko...

Ilang saglit, napansin ako ni DAD, "Iho... Namumula ka... Ayos ka lang ba?" Nagtinginan muli silang lahat
sa akin, nang bigla akong masamid.

Walang habas na akong umubo, hindi na ako makahinga, tumaob na ako sa aking pagkakaupo.

"Ma!? Nilason mo?!" tanong ni Kuya Lino kay MOM.

"Ano?!" sagot naman ni MOM.

"Japhet ayos ka lang ba?!" tanong naman sa akin ni Marj.

"Ano sa tingin mo Marj? Trip niya lang humiga sa sahig?" sagot naman ni Kuya.
"Tawagin niyo yung driver! Hindi na siya makahinga!" sigaw ni DAD.
................................

"Allergy po..." sabi ng Doktor, nagtinginan silang apat sa isa't-isa, "may nakain po bang kahit anong
seafood ang pasyente?"

"Prawn?!" sagot ni Marj.

Chapter 16 - Seeing's Believing

Kinagabihan, nagpaiwan si Marj para bantayan ako.

"Alam mo? Dalawang araw pa lang tayong magkasama... At... Dahil sayo... Nabura lahat ng mga nakaraan
kong mga araw na malungkot ako... Nakakatawa ka!" saglit, napangiti si Marj, naaaninag ko ang mukha
niya, ang ngiti niya, "kinain mo pa rin yung prawns, alam mo naman palang bawal sayo yon..."

Out of the blue, sumagot ako, "tinitigan niyo akong lahat eh..."

"Gising ka pala eh! Bakit ba nakatalukbong ka ng kumot?!" pilit niyang tinatanggal ang kumot.

"Wag!!!"

"Ang arte-arte mo! Bakit ba?"

"Panget ako!!!"

"Anong panget?! Eh gwapo ka nga!!" nakikipag-agawan pa rin siya sa kumot.

"Panget ako ngayon!!!"

Nagwagi siya, natanggal niya ang kumot na nagkukubli sa namamaga kong mukha.

Napangiti siya, pinipigil ang tawa.

"Sabi ko sayo eh... Ang panget-panget ko ngayon eh..."

Pigil pa rin ang tawa, nagsimula siyang magsalita, "salamat ha..."

"Salamat?"

"Wala lang... Kasi... Out from nowhere, bigla akong sumulpot sa buhay mo."

Napangiti ako, nawala na ang bakas ng kahihiyan sa mukha.

"Na kahit... Panggulo lang ako sa buhay mo... Hindi mo ako pinababayaan..."

"May bayad yon..."

"Ha?!"

"Sweldo ko? Absent ako ngayon sa trabaho di ba?"

Ngumiti siya, at tumawa, "sorry ha... Hindi ko mapigilan eh... Hahaha..."

"Ang yabang mo! Paiinumin kita ng gatas sa susunod!"

"Subukan mo lang! Pamamagain ko sa sapak yang mukha mo!"


................................

Sa Trinoma branch ng Mister Donut,

"Hi Japhet..."

Nakatungo ako sa ilalim ng shelves namin, na naging dahilan ng pagkakabukol ko, narinig lang boses ni
Marj halos tumindig lahat sa akin.

"Marj..." bungad ko sa kanya.

"May iaalok sana ako sayo eh..."

"Pagkain ba yan?! Wag lang hipon ha! Palalaklakin kita ng gatas dito..."

"G*go! Raket... 2k din yun..."

"Talaga? Tamang-tama, malapit na term exams... Kailangan ko nang bayaran yung balance ko. Anong
raket?"

"Uupo ka lang..."

Napakunot-noo ako, "uupo?"

"Oo... Uupo..."
................................

Sa school niya sa Magallanes,

"Hindi kasi makakarating yung dapat na gagawa ng trabaho..." sabi ni Marj.

"Ano bang raket 'to?"

"Uupo ka nga lang..."

Makalipas ang apat na oras, "Oh..." alok sa akin ni Marj ng ice cream.

Kinuha ko naman ito, nang padabog.

"Ang arte nito..." pang-aasar niya sa akin.

"Nakanganga ako ng tatlo't kalahating oras!!!"

"Malamang!!! Paano ka masusukatan ng braces kung nakatikom ang bibig mo?!"

"Pinag-practice-an niyo ako!!!"

"Ay sus... May bayad naman eh..." sabay abot sa akin ng dalawang libo.

"Mayayaman talaga nag-aaral dito 'no?"

Tahimik lang siya.

"Hay... 1.5k pa..."

"1.5k?"

"Ah... Nagpadala kasi ako kay papa ng pera sa Pangasinan."

"Allergic ka sa seafood, eh doon nga marami n'on."

Natawa lang ako.

"Heto 1.5k oh..." kuha niya ng pera sa wallet sabay abot sa akin.

"Hindi na... May sweldo naman na next week..."

"Next week pa yon... Sa susunod na araw na exam mo."

Napahinga ako ng malalim.

"O sige ganito, utang na lang 'to." alok niya, pinahawak na niya sa akin.

"Ok..." tango ko.

"Pero wag mo nang bayaran..." ngiti niyang muli.


Chapter 17 - Worth the Wait

"Andito ako sa Araneta..." sabi ko kay Marj via phone call.

"OK... Eh di kita na lang tayo after ng shift mo... Niyaya ka ni Carl eh..."

"Si Carl pa ginamit mo... Eh alam ko namang gustong-gusto mo akong nakikita..."

"Ang kapal nito!!! Alam mo din bang anlakas ng tama sayo ni Carl? Gustong-gusto ka nga niyang solohin
nung sinusukatan ka ng braces..."

"Hmmmm... Ano palang meron? Bakit may night out?"

"Pasado kasi kami sa practicum na yon... Since you're part of the success... Gusto ka nilang kasama..."

"Oo nga papa Japhet!" sigaw ni Carl na malamang ay katabi lang ni Marj.

Napangiti na lang ako, "saan?"

"Antayin mo na lang kami d'yan..."

"See yah..." dagdag pa ni Carl.

Hinihintay ko na sila sa meet-up namin ng sinimulan kong kausapin ang sarili ko. 2 months na kaming
ganito ni Marj, masaya. As day goes by lalo ko siyang nakikilala, lalo ko siyang nagugustuhan.

"P're..." may tumawag sa akin mula sa likod. Si Andrew, "sorry ha... Nakalimutan ko yung pangalan mo..."

"Japhet," sagot ko naman.

"Ok lang ba kung yayain kitang kumain? O mag-kape? May gusto sana akong sabihin."

Sumama naman ako sa kanya, uto-uto talaga siguro ako, pero isang oras pa naman bago sila dumating.

"Kayo na ba ni Marj?" tanong niya sa akin pagkaabot niya sa akin ng kape.

Napaisip ako, 'kami nga ba ni Marj?'

Napangiti siya, "Uhm... I..." natigilan siya saglit, "I still have feelings for Marjorie..."

"Ay girl..." may nagsalita naman sa likod namin ni Andrew, napalingon kaming dalawa, "si Past saka si
Present..." sabi ni Carl kay Marj.

"Marj..." sabi ni Andrew.

Napatingin saglit si Marjorie kay Andrew, pero binawi niya rin ang tinging iyon, inabot niya ang kamay niya
sa akin, "Jaf..."

Napatingin si Andrew sa kamay namin ni Marj. Tahimik. Umiikot ang tingin namin sa aming tatlo.

Biglang tumunog ang CP ni Carl, "Bea... O... Sige malapit na kami..." binaba na niya, "andoon na daw si
Bea..."

"We have to go..." sabi ni Marj kay Andrew, kinaladkad na niya ako.

"Marj..." tawag ni Andrew, lumingon ako, pati si Carl, pero hindi si Marj, "I'm trying to reach you... Pero
unattended lagi phone mo..."

"Tara na!" sigaw ni Marj.


Chapter 18 - Hold Me

Sa bar,

"Ang saya-saya natin 'no?" sabi ni Carl habang nakikipagsayaw kay Bea.

"Oo nga... Ewan ko lang doon sa dalawa... Feeling nila nasa library sila..." sagot naman ni Bea.

Napahinga ako ng malalim. Nakikipagpaligsahan sa katahimikan, sa loob nang maingay na lugar.


Magkatabi lang kami pero parang ang layo namin sa isa't-isa.

"Mag-c-CR lang ako..." paalam ko kay Marj.

'Paano ba 'to? Woooh...'

Pagbalik ko sa table, wala na siya.

"Masama daw pakiramdam niya," sabi sa akin ni Carl.

"Ite-text ka na lang daw niya..." dagdag pa ni Bea.


................................

Dalawang araw... Hindi man lang siya magreply sa mga text ko.

"Good night...♥" text ko sa kanya.

Nagising akong may kumakatok sa pinto ko.

11:11pm...

"Marj..." nagulat akong siya ang kumakatok, pinapasok ko naman siya, "may kasama ka?"

"Meron! Hindi mo ba siya nakikita?!" mapang-asar niyang sagot.

"Gabing-gabi na ha... Delikado nang pumunta dito sa lugar namin ng ganitong oras... Wag ka nang
pupunta ng gani..." naputol ang sinasabi ko ng halikan niya ako. Matagal. Napapikit ako.

Ilang saglit, humiwalay na ang labi niya sa akin, "I just want to be sure with my feelings for you..."

Hindi ko alam kung ano nang nangyayari.

"Hoy!!! Dumilat ka na!" sigaw niya, "feel na feel mo ha! Hahaha..." tawa niya.

Napahiya ako, "ano nga palang sinasabi mo?"

"Mahal ko pa ba si Andrew?"

"Ngayon ba?"

"Look... I have feelings for you..."

Natahimik ako.

"Mahal kita!!" sigaw niya, pero humina ang boses niya, "yata..."

"Bakit may 'yata' pa?"

"Japhet..." napahingang malalim siya, "ayokong manakit... Natatakot akong masaktan ka... Tulad ng sakit
na pinadama sa akin ni Andrew..."

"Hindi mo pa rin naiintindihan ang pagmamahal 'no?"

"Kung makapagsalita ka parang nagka-love-life ka na..."

"Kapag mahal mo, mahal mo. Wala ng pero-pero... Wala ng kasi-kasi. Mahal mo kasi mahal mo..." tumigil
ako sandali, "hay... Kapag nagmahal ka, magmahal ka lang, wag kang matakot... Kasi yon talaga ang point
ng pagmamahal... Parang... Walang kwenta ang kwento ni Superman kung walang Kryptonite... Kung
walang makapananakit sa kaniya... Kung walang makakapagpahirap sa kaniya..."
Niyakap niya ako. Kahit ako... Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

Chapter 19 - Tell Me

"Marj!" tawag ko sa kanya, nasa isa kaming hardin, magandang lugar, lumingon siya at nakita ko ang
maganda niyang mukha.

Tumakbo ako palapit sa kanya, hinawi ang buhok palikod sa kanyang mga balikat. Nagtama ang mga mata
namin. Umakyat ang kamay ko sa kanyang chin upang iangat ng bahagya ang kanyang mukha, kasabay
ng dahan-dahang paglalapit ng aming mga labi ay ang dahan-dahan din naming pagpikit.

Naglapat ang mga labi namin. Parang walang katapusan.

Pero ang walang hanggang nadarama ko ay pinigilan niya, itinulak niya akong palayo.

"Japhet!!! OK ka lang ba?! Akala mo ba siniseryoso kita?!" sigaw niya sa akin.

Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.

"Jaf pinaglalaruan lang kita!!! Kumagat ka naman?!"

"Akala ko ba hindi mo ako sasaktan katulad ng ginawa sayo ni Andrew?"

"Sira ka ba?! Mahal ko si Andrew!!!"

Halos gumuho ang mundo ko sa mga sinasabi niya.


................................

"Hoy!!!" sigaw ni Marj sa akin na may kasamang batok, "natutulog ka habang naka-shift ka?!"

"Ha?!" gising ko.

"Isusumbong kita sa Manager niyo!!!"

"Wag!!"

Kinutusan niya ako, "OK ka lang ba?! Ikaw ang manager dito... Temporary remember?!"

Nakalimutan ko.

"Jaf... Umamin ka nga sa akin... Nag-da-DRUGS ka ba?!"

"Hindi ha!!!"

"Weh?!"

"Hindi nga!!!"

"Eh bakit defensive ka?!"

"Hindi nga kasi!!"

"Fine..." awat niya, "sabay na tayo umuwi... Hanggang 10 ka lang ngayon di ba? Straight ka simula kagabi
di ba?!"

"Ah... May klase ako ng 12:30..."

"Eh di sasama ako sa school mo..."

"Bakit sasama ka pa?!"

"Eh bakit ang sungit mo?! Gusto nila Daddy na sa bahay ka kumain ng lunch... Sasabihin ko na lang na
may klase ka, mamayang gabi na lang..."
"Balak ko sanang matulog na lang pagkatapos ng klase eh..."

"Ano ka ba?! Nang dahil sa pagkakalat mo the last time sa bahay..." tinignan ko siya ng masama, "OK,
nang dahil sa inatake ka ng allergy sa bahay dahil sa PRAWN, nagpaluto si Daddy ng mga karne ngayon...
Bawal yon sa kanya... High-blood yun..."

"Isa't-kalahating araw na akong walang tulog eh..."

"Sa bahay ka na lang matulog..."

Napataas ang kilay ko kahit hindi ako marunong non, "sa tingin mo gugustuhin ni MOM mo doon ako
matulog?"

"Oo naman... Wala naman na siyang magagawa kapag si Daddy nag-decide eh... OK na?!"

Napatungo na lang ako.


................................

"Apeng!! Sino yung kasama mong chikas?!" tanong sa akin ni Migs, kaklase ko.

"Kapatid niya malamang... Maganda eh... Hahaha... Imposibleng GF niya yan... Torpe 'to eh..." pang-aasar
naman sa akin ni Wally.

'Ano ko nga ba yang babaeng yan?!' bulong ko sa sarili, 'inaantok na talaga ako.' *hikab

Pagkatapos ng klase,

"Baby!!!" kaway niya sa akin, na naging dahilan ng bulungan ng mga kaklase ko.

"Mauna na ako ha!!" paalam ko sa mga kaibigan ko.

Sari-saring paalam ang narinig ko,

"Jackpot ka d'yan Japhet!!"

"Ang tinde mo p're!!"

"Saan ka nakabili niyan?!"

"I-iskor na yan!!"
................................

Wala na akong oras para magtanong pa kay Marj kung bakit niya ako tinawag na 'Baby.' Basta ngayon,
habang nasa MRT pauwi sa kanila, komportable akong natutulog sa balikat niya.

Chapter 20 - Not Too Late

Hikab. Subo ng pagkain. Hikab. Inom ng tubig. Hikab. Hikab. Pasimpleng pag-uunat. Hikab. Subo ng
pagkain. Hikab. Hikab.

Pinapanood pala nila akong lahat.

"Natutulog pa ba yang boyfriend mo?" bulong ni Kuya Lino kay Marj.

"Para siyang yung sa iPod ko... Yung... Zombies... Kumakain din ba siya ng Brains? Sana allergic din siya sa
utak..." sabi naman ni MOM.

"Marj... Dito mo na patulugin yan..." bulong ni DAD kay Marj.

Napa-'yes' naman siya nung sinabi sa kanya yon.

Napahikab ako, yung may sound na, "WHOOAAAH..."

"Japhet... How's the Menudo?" tanong ni DAD.


"Po?!... Uhm... Masarap po..." sagot ko.

"Pa!!! How could you!?" sigaw naman ni MOM na kasalukuyang humihikbi.

Nagtaka kaming lahat habang nakatingin sa kanyang pagda-drama.

"Bakit po MOM?" tanong ko sa kanya.

"Isa ka pa!!! How dare you!?" sigaw niya sa akin.

"Anong meron Ma?!" tanong ni Kuya Lino, "masarap naman yung Menudo mo ha..."

"AFRITADA YAN!!!" sigaw ni MOM.

"Talaga?! Akala ko nga Kaldereta 'to eh..." banat naman ni Marj, "Menudo-menudo kayo d'yan, Afritada
pala 'to eh..."

Nag-walk-out si MOM.

"Wag mo nang pansinin yon..." sabi sa akin ni DAD, "tikman mo na lang 'tong Paksiw na Baboy..."

"PININYAHANG BABOY YAN!!!" sigaw muli ni MOM mula sa malayo.

"Nga naman... May pinya nga naman..." sabi ni Kuya Lino.

Matapos ang hapunan inihatid ako ni Marj at ni DAD sa kwartong tutulugan ko.

"O, Marj, ikaw na bahala sa kanya ha... Alam ko namang gusto niyo pang magkwentuhan..." paalam niya,
"pero, iiwan kong bukas 'tong pinto ha... Alam mo naman ang Mama mo... Baka magwala yon..." pahabol
niyang sabi bago lumabas ng kwarto.

"OK... You know my life na... Maybe, let's talk about yours..." bungad niya sa gusto niyang topic.

"Sige... Anong gusto mong malaman sa akin?"

"Let's start with your... Family..."

"OK... Si Tatay mangingisda, sa Pangasinan..."

"Kita mo na! Tapos allergic ka sa seafood!" tawa niya.

"Hahaha... Kaya siguro si Ate ang paborito nila Mama..."

"Ah... May Ate ka pala..."

"Yup... Si Ate Toyang."

"Ang wi-weird ng mga palayaw niyo ha... Si Mama mo?"

"Si Nanay... Guro siya dati..."

"Dati?..." nagtataka niyang tanong.

Ang tagal bago ako nakasagot, "simula kasi ng mawala si Ate..."

"Mawala?"

"Namatay si Ate dahil ano... Ahm... Sa sakit... Simula non, hindi na naging OK si Nanay..."

"Sorry ha..."

"Ano ka ba?! OK lang... Matagal na yon..."

"Anong nangyari sa Mama mo?"

"Nung una, hindi lang niya kami kinakausap, bata pa ako non, 7, kinatagalan, ginugulpi na niya ako, tapos
nagwawala siya. Araw-araw... Sinako pa nga ako eh..." hindi ko napansin, tumutulo na pala ang luha ko.
Agad naman niya 'tong pinunasan.

"Tapos si Nanay... Hindi na pala siya OK talaga. Depressed sa mga nangyari... Ngayon nasa Mental Health
siya sa amin..."

Chapter 21 - So Good

"So... 8 years old ka ng ipaalaga ka ng tatay mo sa tiyahin mo?" tanong sa akin ni Marj.

"Umuuwi din naman ako minsan... Nangangamusta..."

"Minsan?! Andun ang family mo?!"

"Hindi nga ako maalagaan ni tatay dahil nga sa allergy ko... Anong ipapakain niya sa akin?! Buhangin?!"

"Off mo bukas di ba?"

Tumango ako, "bakit?"

"Tama ako ng sinabi kayla Daddy..."

Napakunot-noo ako.

"Kasi... Golf bukas namin... Gusto ni Daddy... Kasama ka..."

Tumindi lalo ang pagkakunot-noo ko.

Ang bilis, na-spike (volleyball) na niya ang noo ko. Sabay layo sa akin. Nahawakan ko ang mga kamay niya
kaya gumanti ako ng matitinding pitik. Tawanan na ang nangyari pagkatapos.

"Sige na... Gabi na..." tumayo na siya at humalik sa pisngi ko. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa
pinto.

"Tayo na ba?" pahabol kong tanong sa kanya.

Lumingon siya at kumapit sa door knob, "Hindi!!" sigaw niya sabay labas at sarado ng pinto.

Wala pang dalawang segundo, bumukas muli ang pinto, "Mabagal ka kasi!" sigaw niyang muli sabay sara.
................................

Mga bandang 11pm, kalagitnaan ng tulog ko, nakaramdam ako ng uhaw. Tahimik akong bumaba sa
kusina, para syempre uminom ng tubig.

Pero bago ko pa man marating ang kusina, may naririnig na akong kumakain, alam mo yon? Yung tunog
ng plato kapag tinatamaan ng kutsara.

OK lang sana kung tao ang nakita kong kumakain... Pero HINDI... Na OO. Pero that time, mukhang HINDI.

"Whoooah..." reaction ko matapos makita ang kumakain.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng taong kumakain?!" mapang-asar na sabi ni MOM na kasalukuyang kulay
puti ang mukha dahil sa Facial Mask.

"Sorry po..."

Tumango naman siya, "nauuhaw ka?!"

"Opo..."

"Hay... Ganyan din si Lino... Kaya may ref siya sa kwarto niya eh... Parating bumababa dito para uminom
ng tubig..." sabi niya habang pinagsasalin ako ng tubig sa baso, "maupo ka..."

Umupo naman ako sa tapat niya, sa kitchen table siya kumakain.

"Alam kong mabait kang bata."


Sa loob-loob ko, parang ayokong maniwala.

"Bilib na bilib sayo ang asawa kong si Fred..."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na yung nakaraang pinakain kita ng Prawn..."

"Wala na po yon Nay..."

Napatingin siya sa akin.

"Mom po pala..." ngiti kong bawi.

"Si Marj... Suwail yon..."

'Sobra,' bulong ko sa sarili.

"Nakikita kong... Bumubuti ang ugali niya ka-kasama sayo... I just hope... Mahalin niyo lang ang isa't-isa..."

Ninamnam ko muna ang sinabi niya bago ako sumagot, "opo..."

"Pero ayoko pa ng APO ha!! Mga bata pa kayo!!"


................................

Sa Golf ng Daddy ni Marj,

"OK Japhet... Let me teach you..." paanyaya sa akin ni DAD.

Lumapit naman ako. Itinuro ang mga basic, aim, swing, backswing, drive, lahat siguro ng terms na hindi
naman talaga nag-sink-in sa utak ko. Madali lang naman ang Golf, hahatawin mo lang ang bola gamit ang
club.

Unang subok. Aim. Swing. Backswing, "Ano pong tawag kapag hinataw ko na?!"

Natawa si Marj.

"Initial shot," sabi naman ni Kuya Lino.

"FIRE!" sigaw ko.

Ilang sandali lang... Bumagsak kami sa kakatawa.

"Hahaha..." walang tigil na tawa ni DAD sabay hawak sa balikat ko.

"Hahaha!! Iho... Yung bola ang ishu-shoot sa hole! Hindi yung CLUB!"

NABITIWAN ko yung panghataw.

Nang humupa na ang tawanan, "May suggestion akong ibang gagawin... Hindi katulad ng Golf na
kailangan ng mahabaang practice..."

Chapter 22 - Together

Sa Convenient store na pinuntahan namin dati ni Marj,

"Oh?! Anong gagawin natin dito?!" tanong sa akin ni Marj.

"Paramihan ng maiinom na Slurpee!!" bulyaw ni Kuya.

"Hindi tayo papasok sa loob..." sagot ko naman.

"Ha?!" sigaw naman ni MOM.


Tinitignan lang ako ni DAD.

"Para po sa inyong kaalaman... Hindi marunong TUMAWID si Marj..." bungad ko sa gusto kong mangyari.

"What?! Marj?! At 20 hindi ka pa marunong tumawid? Eh samantalang 2 lane lang ang kalsada dito?!"
pang-aasar ni Kuya kay Marj.

Natawa si DAD.

"Nag-ta-taxi na lang ako kapag kailangan kong tumawid..." sabi ni MOM.

"Parehas pa kayo..." bulong ko kay Marj. Hinampas niya ako sa balikat.

Totally, mukha kaming mga TANGA. Sabay-sabay kaming tumatawid, pabalik-balik. Ang sobrang corny na
bagay, nagiging sobrang saya. Tapos naging partner-partner.

Lumipat naman kami sa 4 lane na kalsada, si MOM, tagaktak na ang pawis, "daig pa ang Aerobics..."

"Solo mode..." pang-aasar ko kay Marj habang mag-isang tumatawid.

"Manahimik ka d'yan!!" sigaw niya.

Lumingon ako kay DAD, "ang lansangan, para yang buhay, you should be very cautious sa lahat ng
sasakyang dumadaan, same with our lives, we should cherish ourselves with people that comes our way."

"Japhet kapatid mo?" tanong sa akin ni MOM habang nakaturo sa kabilang banda ng kalsada.

"Sino yon Iho?" tanong din ni DAD.

Paglingon kong muli kay Marj, nasa pagitan na siya ng dalawang lane, nakatayo lang sa harap ng taong
tinutukoy nila MOM at DAD.

"Dad... Si Andrew..." sagot ni Kuya Lino.


................................

Niyakad nang pauwi ni DAD sila MOM at Kuya Lino. Siya na mismo ang nagbigay daan para makapag-usap
kaming tatlo.

Nagpaiwan kami sa isang coffee shop.

Sa totoo lang, wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay nilang dalawa, sila ang may
problema, pero kahit alam kong wala akong karapatan, nababanas akong makitang nag-uusap silang
dalawa.

Malayo-layo ako sa kanila, pang-apat na table, pero kahit sa malayo, nakita kong tumulo ang luha ni Marj,
akma na akong tatayo para mag-abot ng panyo nang maunahan ako ni Andrew.

Maya-maya, masaya na sila parehas. Nagtatawanan. Na-etchapwera na ako.

Ilang saglit pa, natapos din sila, at pagkatapos din ng mahigit isang oras, tumama rin ang tingin ni Marj sa
akin. Tumayo na si Andrew at umalis, pero bago pa makalayo, tinawag niya si Marj, at doon, nagyakap sila.

Hindi katulad ng huli nilang pagkikita noon sa Araneta, na pinagtalunan pa namin, masaya siya ngayon.
Masayang masaya.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

"Alin?" nagtataka niyang sagot.

"Ngiting-ngiti ka ata... Samantalang halos hindi mo siya pansinin non..."

"Ano bang pakealam mo?!"

Hindi ko alam pero bigla na lang may kumawalang emosyon sa puso ko. At ito ang naging dahilan para
sabihin ko ang hinanakit ko, "Marj?! Anong pakealam ko?! Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?! Para mas
madali ano ba ako sayo?!"

Tahimik lang siyang pinapanood ako.


"Marj!! Ano ba ako sayo?! Sino nga ba ako?! Eh nakita mo lang naman ako sa MRT!! Or should I say, pinag-
tripan mo lang naman ako noon sa MRT!!" kulang na lang maglupasay ako, "Marj!! Umasa ako..."

"Hindi ko sinabing umasa ka!!!"

"Oo nga pala... Kasi mahal mo nga pa pala yung tarantadong yon!!"

Sinampal niya ako.

"Para saan yon?! Dahil ba totoo ang mga sinasabi ko?! Na mahal mo pa rin yong GAGO na yon?! Ano?!
Sumagot ka!!!"

"Oo!... Masaya ka na?!"

Natigilan ako, napaluha. "Marj 3 months... Tatlong buwan... Tatlong buwan ang binigay ko sayo! Umasa
ako... Naniwala ako... Marj... Ano ba ako?! Sa loob ng tatlong buwan naging ano ako sayo?! PAMPALIPAS-
ORAS?!"

Katahimikan.

"OK..." bungad kong muli, "tapos na ang karakter ko sa buhay mo... Makakaalis na ba ako?..."

Katahimikan.

Chapter 23 - Starting

"Mahal kita Marj!!!" makabasag tengang sigaw ko sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Nakadungaw
sa harap ng Araneta Coliseum, doon natatanaw ko ang Bar na parati naming tinatambayan.

Wala akong pakealam kung panoorin ako ng lahat o ng kahit na sino. Nabaliktad na ang mga pangyayari.
Hindi ako naglasing, may shift ako.

Naputol ang kadramahan ko ng may tumawag sa CP ko, si Boyet, Jr. ko, nagkaproblema daw sa delivery
namin, kailangan ko ng puntahan.

"Whoooh..." nagkondisyon muna ako bago pumasok ng tren.

Nakakatawang isipin, na nakakalungkot, na nakakainis, kasakay ko uli ngayon yung dalawang Madre, this
time, hindi na ako gumulong sa harap nila. Paupo na ako ng mabitawan ko ang ticket ko, pero nung
dadamputin ko na ito, hindi ko 'to makuha, parang inilalampaso ko sa sahig ang ticket. May lumapit sa
aking bata at siya ang pumulot nito, walang kahirap-hirap. Doon ko napansin, hindi ko talaga dinadampot
ang ticket, hindi ko siya mahawakan.
................................

"Muscular Dystrophy," bungad sa akin ng doktor habang inilalatag sa harap ko ang limang-libong
binayaran ko para sa laboratory, natulungan naman ako ng healthcard ng company, 13k dapat ang
babayaran ko.

"Ano po yon?" tanong ko sa kanya.

"Isa 'tong disease na unti-unting nagpapahina sa mga muscle ng meron nito. Sa una, hindi siya kapansin-
pansin, katagalan nakakaranas na ng numb (yung ticket na hindi madampot), ma-a-out-of-balance
(paggulong sa MRT), walang grip sa mga hinahawakan (pagkabitaw sa golf club)."

"Malala po ba yon?"

"Ngayon... Hindi pa. Pero degenerative ang sakit na yan... Progressive. Lumalala."

"Paanong nagkaroon ako nito?"

"Genetic. Lahi. Either may history ang family mo na ganito..."

"Wala naman pong may sakit sa amin."

"Or... Hindi compatible ang genes ng magulang mo... May kapatid ka ba?"
"Ate."

"Asan siya? Normal ba siya?"

"Patay na siya..."

"Bakit?"

"Hindi ko po alam..."

Umuwi ako bitbit ang lahat ng sinabi ng doktor...

"Myotonic Muscular Dystrophy. On the late stages, hindi na makakapagsalita, makakatayo... Sa modern
medicine, wala pang gumagaling sa sakit na ito. At wala ring gamot para dito. Therapy... You can go under
therapy... But that doesn't mean gagaling ka... Pababagalin lang nito ang paglala ng sakit mo..."

Parang panaginip. Masamang panaginip.

"Mabilis ang progress ng kaso mo... Siguro less than a year." sabi ng doktor.

"Hindi naman po ito nakamamatay?"

"Normally... Hindi nakakamatay ang dystrophy, only if it affects the heart, heart is a muscle."

Gusto ko sanang sabihin kay Marj. Pero, wag na lang.


................................

"Anton... Magli-leave ako ng 3 days start bukas ha..." paalam ko.

"Ay sige... Graduation mo na sa susunod na araw di ba? Ano? Summa?"

"Sira... Hindi ako qualified kasi irregular student ako... Susunduin ko si tatay sa Pangasinan..."

"Ang tanong... Sasama kaya si Tatay?"

Chapter 24 - Just One Night

"Wala ang tatay mo... Pumalaot..." sabi sa akin ng kapitbahay namin sa Pangasinan.

Makalipas ang limang oras nakauwi rin si Tatay, "o, nabisita ka..." unang sabi sa akin ng makita niya ako,
walang yakap-yakap, o kamusta man lang. Hindi naman kasi kami sanay na ganoon.

"Lumiban po muna ako sa trabaho," sagot ko sabay mano.

Sa hapunan, gustong-gusto ko nang itanong kay Tatay ang tungkol kay Ate Toyang, pero hindi ko alam
kung paano ko sisimulan.

"Bumisita ako sa Nanay mo nung isang araw," nauna na siyang magsalita.

"Kamusta na daw po siya?"

"Ganoon pa rin, hindi pa rin makausap. Subukan mo kayang bisitahin, baka ikaw ang gustong makausap."

"Sige po, pupunta ako bukas," sagot ko, "Tay, si Ate? Anong naging sakit niya?"

"Bata ka pa kasi noon kaya hindi mo maalala... May tawag sa sakit niya eh, nakalimutan ko na... Alam ko
nakasulat naman yon sa death certificate niya."

"Ano pong kondisyon niya noon?" usisa kong muli.

Nag-isip siya saglit, "dati, parati siyang nadadapa, tapos hindi na makapagsulat, hindi na siya makahawak,
makakalad. Noong huli, hindi na siya nagsasalita. Bakit mo naitanong?"

"Wala po... Nagtaka lang po ako."


................................

Kinabukasan,

"Hi Ate..." bungad ko sa puntod ni Ate, nag-alay ng bulaklak, "kamusta ka na Ate? Nakikilala mo pa ako?
Ako na si Apeng... Ang laki ko na 'no? Ga-graduate na ako..." buong pagmamalaki ko sa kanya, "Ate,
nakakamiss ka, tayo, tayong pamilya. Ayoko na sana ikwento sayo ang naging lovelife ko sa Maynila,
nadisgrasya lang eh... Hahaha..." dahan-dahan, tumulo ang luha ko, "Ate nakita ko yung Death Certificate
mo, 'heart failure - muscular dystrophy complication' ang kinamatay mo...

"Hay... Ate masakit ba?... Mahirap ba?... Ate may sakit din ako... Hoooh... Ate natatakot ako..."
................................

"Teresita Dela Cruz po?" tanong ko sa nagbabantay.

Inilabas si Nanay at pinaupo sa harap ko.

"Sino ka?" tanong niya sa akin.

"Nay, ako na po si Apeng... Anak niyo po..."

"Kasama mo si Toyang?!"

"Kain tayo Nay..." paanyaya ko sa kanya, inilabas ko na rin ang mga dala kong pagkain.

Kumain naman siya, pero pilit niya pa ring hinahanap si Ate. Ipinagtabi pa nga niya ito ng pagkain, "itatabi
ko na itong tilapya ha... Kay Toyang na lang ito..." habang kumakain siya ng paborito niyang hipon.

"Nay ito baboy oh... Ako nag-adobo niyan..." pagmamalaki ko sa kanya.

Hindi niya ito pinansin. Sinandukan ko siya ng baboy at inilagay sa plato niya, ngunit ibinalik niya rin ito.

"Wag na..." sabi niya.

"Ayaw niyo po ng baboy? Ako nagluto niyan..."

"Kay Japhet na lang yan... Bawal kasi yon ng isda saka hipon... Sasakitan ng tiyan yon... Kawawa naman
siya..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Napaiyak. Niyakap ko siya.


................................

"Tay, sabay na kayo sa pagluwas ko bukas ha... Graduation ko na kasi..." yaya ko kay Tatay.

Umiling siya, "may pinapagawa ang Ante Clara mo sa kanila, sira kasi bubong nila, eh nasa Maynila din si
Tito Gustin mo kaya walang gagawa..."

"Tay graduation ko yon..."

"Pasensya na talaga anak..."

"Put*ng-in*ng bubong yan!"

Nagalit si Tatay, naitulak niya ako ng malakas, napaupo ako sa tabi ng hapag-kainan. "Ano?!" sigaw niya.

"Kayo pa ang may ganang magalit?! Tay ito lang ang hinihingi ko sa inyo... Pumunta lang kayo. Kahit sa
huling pagkakataon. Tay grumaduate ako ng elementary at high school na sina Tita Joy ang nagsasabit ng
medalya ko... Parati kong ginagalingan sa school kasi sabi ni Tito Mike kapag may medal daw ako, pupunta
ka, ikaw magsasabit sa akin. Sabihin mo sa akin tay? Ni isang beses ba pumunta ka sa graduation ko? Di
ba hindi?! Ni hindi mo nga ako binisita kayla tita simula nong pinaalagaan mo ako sa kanila eh!"

"Tay anak niyo rin naman ako... Hindi lang si Ate. Kailangan ko rin Tay ng Tatay! Ako na nga nagpaaral sa
sarili ko para makapagtapos ako't ipagmalaki niyo rin ako. Tay! Anak niyo ako! Tatay ko kayo!"

Tumahimik ang buong bahay. Makalipas ang isang oras, umalis ako ng bahay, nag-iwan ng pera, drawing
at mensahe. "Tay, ito yung direksyon kung paano makarating ng PICC."
Chapter 25 - Magic Feeling

Worth it pa bang mabuhay? Nobody loves me. Nobody cares for me. At may bonus pa, may isa pang bagay
na magpapaalala sa akin na wala akong kwenta, at gagawin akong walang kwenta. Dito na lang ako sa
apartment ko, hindi na lang ako pupunta sa graduation ko, para ano pa? Sigurado naman akong hindi
pupunta si Tatay.

Alas tres na ng hapon nang magising ako, dahil sa may tumatawag sa CP ko, si Caloy. Pinapapunta ako ng
PICC, bakit hindi daw ako umattend ng rehearsals, andami daw binago. Agad naman akong kumilos para
makahabol sa 4pm na Graduation.
................................

"DELA CRUZ!" tawag sa akin ng isang faculty member ng school namin, "bilisan mo! Nakapag-march na
ang lahat wala ka pa sa stage!"

"Stage?!" hindi ko na nagawang magtanong pa, kinaladkad na niya ako sa entablado.

"Woooh!!!" sigaw ni Caloy, kasama ng mga kaklase ko, "CONGRATS!"

"Ano pong nangyayari?" bulong ko sa katabi ko sa entablado.

"Anong 'ano?' SUMMA CUM LAUDE ka, dapat alam mo..."


................................

Nakaakyat na lahat ng estudyante pero wala pa ring bakas ni Tatay akong nakikita.

"Dela Cruz! Get ready for your speech!" sigaw sa akin ng adviser namin nung freshman year. Doon ako
nagkaroon ng pagkakataon magtanong kung paano nangyaring Summa ako.

"Nag-give-up si Daniel Marcos nung malaman niyang mas mataas ang standing ng average mo... Hindi
pumayag ang council pero may lumapit sa CHED tungkol sa pagiging Summa mo..."

"Sino po?" tanong kong muli.

"Mamaya mo na itanong!"

"Ma'am! Wala akong speech!"

"Wag kang maingay! Meron na! Babasahin mo na lang!"


................................

Speech ko, kabado ako...

"Ma'am saan dito?" on mic na ako ha, hindi ko kasi makita ang speech ko, lumapit naman siya ulit at
pinakita sa akin ang aking hinahanap.

"Good evening everybody. *hingangmalalim* I want to thank everyone, to those people who helped me,
and to God ofcourse. But there is someone whom I want to ask something. *basa lang ako ng basa* The
person I loved, and I still.

Dumilim ang paligid, pwera sa entablado, pero mula sa mga manonood, biglang may lumiwanag sa aisle.
Spotlight. At hindi ako maaaring magkamali kung sino ang taong naroroon.

Nagtuloy lang ako sa pagbabasa, feeling high, hindi ko na alam ang thoughts ng binabasa ko, "I want to
know straight from you," nagsimula na siyang maglakad patungo sa stage. Natigilan ako sa pagbabasa.

Nung nakarating na siya sa entablado, naghiyawan na ang mga tao.

"Ituloy mo yang binabasa mo! Pinaghirapan ko yan!" sigaw ni Marj sa akin.

Nagulat ako, basa ulit, "Marjorie Pineda, I want to ask you in Tagalog, para mas sweet. Marj mahal mo ba
ako?" walang tigil na hiyawan ang bumibingi sa buong PICC, "Marj, mahal kita. And I hope, mahal mo rin
ako. *sabay tingin kay Marj*"

"Nakasulat na d'yan ang gagawin mo ngayon! Wag mong sayangin ang pakikipagtalo ko sa CHED!" sigaw
niyang muli.
Basa ulit, "lumapit ka... Ako? Lalapit ako..." pumunta ako sa gitna ng stage sa tabi niya.

Ngumiti siya, humawak sa kamay ko, "Mahal kita Japhet." naghiyawan muli ang mga tao.

"Ha?!" hindi ko kasi narinig.

"Mahal kita!" lumakas lalo ang hiyaw nila.

"Ano?!" hindi ko talaga marinig.

Hinalikan niya ako. Matagal. Masarap. "OK na?!"

Gumanti din ako ng halik.


................................

"Congratulations Japhet!" pakikipagkamay sa akin ni DAD. Siya nga pala ang umakyat sa stage para mag-
abot sa akin ng Diploma ko, hindi si Tatay.

"O, tama na ang usap-usap, magpa-picture na tayo!!" sigaw ni Marj.

May inabot na kahon sa akin si MOM, "Straight from Europe pa yan... Wala sa kasi niyan dito sa Pinas..."

"Apeng!" may sumigaw mula sa kumpol ng mga tao, si Tatay. Tumakbo ako at niyakap siya, inabot ang
diploma at nagpa-picture. Pinakilala ko siya sa pamilya ni Marj.

"Mabuti pa umuwi na tayo! Nagluto si Mom!" suggestion naman ni Kuya Lino.

"At! Menudo na talaga ang niluto ko!" pagmamalaki ni MOM.

"Baka lasang AFRITADA naman yan ha!!" sigaw naman ulit ni Kuya Lino. Puro biruan na.

Sana hanggang dito na lang. Sana wala ng bukas. Sana umayon na sa akin ang lahat parati.

Napatingin ako kay Marj, ngumiti. Yumakap, "sana ganito na lang palagi."

Sumagot siya, "Bakit hindi?"

Chapter 26 - Hold on Tight

"Kanina mo pa hawak kamay ko ha?! Nana-nantsing ka lang eh!" pang-aasar ko kay Marj.

Bumitaw siya at ginamit ang kamay para kutusan ako, "ang kapal nito!"

Tumingin ako sa mga mata niya. "I want to live with you forever."

"I will," sagot niya. Pero ambigat ng sumunod niyang sinabi, "hindi na kita pakakawalan. You're a lot to
lose," sabay halik.

"If only I could, I would."

Nagtaka siya. Pero hindi na niya nagawang magtanong ng tawagin na kami sa loob para kumain.

"Cheers!!!"

Niyakap ako ni Tatay, "proud na proud ako sayo!"

"Salamat po..."
................................

Nagtayo kami ni Marj ng tent sa garden nila, nagpaalam kaming doon matutulog. Pero bago matulog,
naglatag muna kami ng sapin sa damuhan at doon, humiga habang pinapanood ang langit.

"Close na kaagad sila Daddy ko at Papa mo ha..." sabi sa akin ni Marj.


Napangiti ako, "maiba ako, si Andrew?"

"Iniwan ko."

"Huh?!"

"Wag mo nang itanong, basta ang mahalaga... Mahal kita, at mahal mo ako," sabay yakap sa akin.

"Polaris."

"Saan?" usisa niya.

"Ayun oh... Sa north. Yung pinakamaliwanag..."

"Wow..." mangha niyang sabi na tila isang bata.

"Tapos... Yung mga katabi niya. Yun... Yung pito, tatlong magkakasunod tapos apat na hugis square, Ursa
Minor, Little Dipper..."

"Wow..."

"Tulo na laway mo! Hahaha!"

Nagwrestling kami.

"OK tama na..." awat ko, "kaya kapag sasakay ka ng MRT, hanapin mo muna yan. Para hindi ka na aakyat
sa North Bound."

"Hindi naman na ako aakyat doon eh..."

Napakunot ang noo ko.

"Kasi palagi naman na tayong magkasama."

Natahimik ako.

"Saka... Isipin mo nga... Kung sakaling alam ko yan noon pa eh di hindi tayo nagkakilala... Mabuti ng hindi
ko na pag-aralan yan... I'm lucky to have you..."

Hinalikan ko siya. Pagkatapos, "meron kang dapat malaman..." naalala ko ang sakit ko.

"Ops... Teka lang... Kailangan buksan mo na ito..." sabay abot sa akin ng kahon na ibinigay sa akin ni MOM
sa PICC.

Binuksan ko ito, at doon, laman ay Cellphone, smartphone. Maganda.

"Si Mom talaga nakaisip na iyan ang ibigay sayo... Since business man ka na daw... Business phone na ang
kailangan mo..."

Ewan ko, gusto kong matuwa, pilit ang mga ngiti ko. Touchscreen ang CP, tila ba nang-aasar. Nag-
flashback ang sinabi sa akin ng doktor, "mawawalan ng grip," ang sinabi ni Tatay, "hindi na
nakakapagsulat."

Nginitian ko si Marj at nagpasalamat.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong naman niya sa akin.

"Ah... Wala yon... May itatanong na lang ako sa iyo... Paano kung... Hindi na kita mahahawakan?"

"Ano bang klaseng tanong yan? Para ka talagang tanga!"

"Hindi nga! Seryoso ako..."

"Eh di ako ang hahawak sayo..."

Bahagya akong napangiti.

"Niloloko mo ko ha! Sige! Gaguhan mode tayo!"


"Seryoso ako 'no! Paano naman kung... Hindi na ako makatayo?"

"Eh di aalalayan kita! Siraulo ka talaga!"

"Eh paano naman kung hindi na ako makapagsalita?"

Nawala na ang ngiti sa mga labi niya, "Japhet may problema ba?"
................................

"Kuya!!! Kuya!!!" nagwawalang sigaw ni Marj.

"Marjorie! Bakit? May shift ang kuya mo ngayon sa ospital. Bakit ka umiiyak?" tanong ni DAD sa kanya
kasama si MOM. Lumabas din si Tatay sa kwartong tinutulugan niya.

"Marj wag..." bulong ko sa kanya.

"Anong 'WAG?' Japhet!" umiiyak na siya. Nilapitan na siya ni MOM at inakap.

"Apeng ano bang nangyayari? Bakit humahagulgol si Marj sa iyak?" tanong naman ng Tatay sa akin.

"Wala po yon... May hindi lang po kami napagkasunduan..."

Bumitaw si Marj sa yakap ni MOM, "Jaf! Ano ba! Bakit ka ba ganyan?!" humarap siya kay tatay, "Tay! Si
Japhet po..."

"MARJORIE!" sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at lumapit, "kelan mo pa sasabihin?! Kapag hindi ka na makahawak?! Kapag hindi
ka na makatayo?! Kapag hindi ka na makapagsalita?!"

Chapter 27 - Whatever Comes

"Myotonic Muscular Dystrophy," sabi ni Kuya Lino sa kanyang pamilya. Hindi ako kasali sa pag-uusap nila,
pero pinakikinggan ko sila mula sa pinto ng kwarto nila DAD kung saan andoon silang lahat kasama si
Tatay.

"So?!" sigaw ni Marj, "eh di ipagamot!"

"May chance naman siguro... Sa ibang bansa?" tanong naman ni MOM.

"I'm sorry to say. Pero kahit maghanap pa tayo ngayon sa internet ng survivor ng Dystrophy, wala tayong
makikita. Muscular Dystrophy in nature slowly kills human's tissue of muscles, sa kaso pa ni Jaf, Myotonic,
the most rapid type ng Dystrophy," sagot ni Kuya Lino, ga-graduate na siya para maging doktor, OJT niya
ngayon kaya wala siya sa bahay kanina.

"Wala ng ibang paraan?" tanong naman ni Tatay.

"Meron pa! Nasabi niya sa akin kanina available ang therapy..." sigaw muli ni Marj.

"Yes. Therapy's widely available, pero ang tanong, nakausap na ng doktor si Jaf, kaya alam niya ring
pababagalin lang nito ang paglala ng sakit, ang tanong ko sayo Marj, OK lang ba kay Japhet na mag-
undergo ng therapy kahit alam niyang wala naman siyang aasahan dito?" tanong ni Kuya Lino kay Marj.

Hindi ko na mapigilang hindi sumali sa usapan, binuksan ko ang pinto at nagsalita, "Sorry po, pero... Wag
na po nating ipilit..."

Umuwi din si Tatay sa Pangasinan kinabukasan.


................................

Nagtrabaho ako ng mabuti. Focus sa ginagawa. Nag-iipon, ayokong iwan si Tatay na ganoon pa rin ang
sitwasyon, matanda na siya, gusto ko sanang huminto na siya sa pangingisda.

Hindi ako nagtherapy, gastos lang yon, at, ayokong umasa, at ayokong paasahin si Marj.
Anim na buwan lang akong nakapagtrabaho, hindi ko na ring ipinilit na pumasok pa sa kumpanya gayong
ni mag-type sa computer ay hindi ko na magawa.

Lumala lang ng lumala ang sakit ko, katulad ng ine-expect ko.


................................

"Marj oh," nag-abot ako sa kanya ng P100, "bili ka ng lima..." turo ko sa mga ticket na tig-P20.

Ngayon ko lang sinubukan 'to, 'Go Bananas' ng PCSO.

Hindi ko na kayang kiskisin ang mga iyon kaya, "Marj, can you do it for me?"

Ngumiti siya, "sige, punta muna tayo doon *tumuro sa isang coffee shop*" kasabay ko siyang pumunta
doon, pero hindi katulad dati, hindi ko siya katabing maglakad, nasa likod ko siya, tumutulak sa inuupuan
ko.

"Paano ba ito?" tanong niya sa akin.

"Kiskisin mo lang yung mga ink."

Kiniskis niya ang unang ticket, "bakit ka pa naggaganito? Malaki naman nakuha mong separation pay sa
dati mong trabaho..." pagkatapos, pinagpag ang ink sa ticket, "oh... Tatlong P20... Times 3 pa!! Hahaha..."

"O di ba? Bawi ka na para sa susunod pang dalawang ticket..." tawa ko sa kanya, "gusto ko sanang tumigil
na si Tatay sa pangingisda... Matanda na siya."

"Hayaan mo na si Tatay... Tignan mo... Kapag huminto nga siya sa ginagawa niya... Wala na siyang
pagkakaabalahan... Wala na nga siyang kasama sa bahay..." naputol na sabi ni Marj, napapreno ng
umiwas na ako ng tingin.

"OK lang yon... Ituloy mo na yan."

Wala na kaming nakuha sa pangalawa at pangatlo. Nagtaka ako nung nilagpasan niya yung pang-apat.

"It's the devil's number..." sagot niya.

Napakunotnoo ako.

"Kaya nga malas ang 13, tignan mo, 1 plus 3 equals 4."

"Saan mo naman napulot yan? Sa True Philippines Ghost Stories?"

Nagtuloy lang siya sa pagkiskis.

"Marj..." tawag ko sa kanya, "gusto ko sanang umuwi na ng Pangasinan..."

"Sige... Para makarating na rin ako sa inyo..." sagot naman niya.

"Gusto ko sanang maramdaman pa ang dagat habang may pakiramdam pa ang katawan ko..."

Umuwi kami ng Pangasinan, doon ko nais magpahinga.

Chapter 28 - Make It Through

As time goes by, the numbness kills my body.

Sumama ang buong pamilya ni Marj sa Pangasinan, nakakatuwang isipin, wala pang isang taon simula ng
makilala namin ang isa't-isa pero pamilya na ang turing nila sa akin. And that makes me feel awkward for
leaving them.

"Tao ba 'to?" tanong ni Marj, nag-pi-Pinoy-Henyo kaming pamilya.

Umiling ako.

"Bagay?!"
Iling.

"Lugar?!"

Iling.

"Pagkaen?!"

Tumango ako.

"Pagkaen... Ok... Ulam?!"

Tango.

"Prito?!"

Iling.

"Niloloko niyo ako ha!" pagmamaktol ni MOM.

"Si Mama spoiler!" sigaw ni Kuya Lino.

"MENUDO!!!" sigaw ni Marj. Nagtawanan na silang lahat. Gusto ko din tumawa, sana kaya ko.

Napansin marahil ako ni Marj kaya itinulak niya ako palabas. Takipsilim na, at makikita ito sa harap ng
dalampasigan.

Gamit ang CP na ni-regalo sa akin ni MOM, nagtype ako sa screen ng, "tabing dagat"

Dahan-dahan akong itinulak pa ni Marj malapit sa dagat para hindi lumubog ang gulong ng wheelchair sa
buhangin.

Sabay kaming lumanghap ng sariwang hangin. Malamig ang gabi, hindi ko nadarama pero nakikita ko kay
Marj, "yakap?" tanong kong muli sa kanya gamit ang CP, sabay ngiti sa kanya.

Niyakap niya ako.

"Si tatay, usap ko." text kong muli.

"Tatawagin ko lang ha... Antayin mo lang..." sagot naman niya sabay alis.

Dumating si Tatay, humawak sa balikat ko, hindi ko yon naramdaman, pero parang na rin nung makita ko
nang hawak niya ako, nagsimula siyang magsalita, "nung nagkasakit ang Ate Toyang mo, hindi namin
alam ng Nanay mo kung anong gagawin namin, lalo na nung malaman naming walang lunas ang sakit
niya," nagsimula na siyang umiyak, "napakahirap... Ang hirap panoorin ang anak mo na unti-unting
kinukuha mula sayo... Na kahit anong higpit ng hawak mo sa kamay niya, babawiin din siya sayo...
Patawarin mo ako Apeng... Patawarin mo kami ng Nanay mo... Ako, lalo... Ang aga noong binitiwan kita,
napakabata mo pa... Noong ibigay kita sa tita mo... Natakot ako... Natakot ako noong sinabi sa amin ng
doktor na posibleng may sakit ka rin, dalawa sa magiging tatlong anak... Magkakasakit... Kaya... Hindi ko
kaya kung sakaling iiwan mo rin ako..."

": ) masaya akong kayo ang naging tatay ko."

Niyakap niya ako, "bata ka pa! Ang bata mo pa... Napakarami pang bagay ang dapat na matikman mo...
Sana ako na lang... Sana ako na lang ang nakaupo d'yan..." walang tigil na umaagos ang luha sa aming
mga mata.

"tay hindi ako nagsisi na kayo ang tatay ko. Pinapasalamat ko po."

"Japhet..." tawag sa akin ni Kuya Lino, "kailangan mo nang matulog..."

Binuhat ako ni Tatay, kahit hindi ko nadarama, masarap na makita, na habang hindi pa huli, nayayakap ko
ang Tatay ko.
................................

Kinabukasan binisita namin si Nanay. Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya, niyakap na niya ako kaagad.
Umiiyak.
Hindi namin alam kung bakit o paano, pero tila alam niya kung ano ang nangyayari.

"May sakit ka rin? Ganyan din si Toyang noon..." nakikipag-usap siya sa akin, napakarami kong gustong
sabihin, napakarami kong gustong isumbong sa kanya, na manhid ang paa ko, ang kamay ko, ang buong
katawan ko, gustong-gusto kong magsalita, luha na lang ang naisagot ko sa kanya. Pinunasan naman niya
ito at niyakap ako.

"Nay..." nakapagsalita ako, narinig nilang lahat, pero wala ng lumabas na tinig sa akin pagkatapos noon.
................................
Nakahiga kaming pareho sa kama ko.

"alam mo na kung nasaan ang polaris?" text ko kay Marj.

"North," sagot niya.

"wag mo un kakalimutan."

"Opo..." mabait niyang sagot."

"never lose direction" pumikit na ako.


................................

Video...

"Hi po... Unang-una po sa lahat... Marami pong salamat kay MOM dito sa ni-regalo niyang CP... I'm using it
right now *chuckles* ok, Tay... Uhm... Na kay Marj yung pera ko... At sayo na yon ngayon... Magsimula na
lang sana kayo ng business... And DAD talk to me about that kaya... Kayo na po ni Dad ang mag-usap...
Kuya Lino... Maraming salamat sa pagtitiwala sa akin, but, I'm very sorry... I can't live with Marj forever, so
sinu-surrender ko ulit sayo yang sadista mong kapatid... MOM... Masarap ka magluto... PROMISE! Kahit
yung PRAWN na pinakain mo sa akin na pinandilatan mo pa ako... Napakasarap! Tay ulit... Si nanay po
ha... Kayo na po sanang bahala sa kanya, nakausap ko na po si Kuya Lino tungkol sa paglipat ni Nanay ng
ospital kung sakaling pupunta ka na rin ng Maynila para sa negosyo niyo ni DAD... Marj. *ngiti* uhm... May
dapat ba akong sabihin? Basta marunong ka na ha! North at south. Pagtawid... Marj... I love you... Pero
ayokong itali ka sa akin... After I die, gusto ko magmahal ka ulit, gusto kong maging masaya ka... Be
married... Have kids... Be a good mother... Pero sana... Wag mo akong kalimutan... Kasi ikamamatay ko
yon... Magkakaroon ng double-dead sa heaven sige ka... *chuckles* mahal na mahal kita, and don't worry,
you wont have another 'Andrew,' I'll send you the best for you, wag mong kakalimutan... Ako ang magiging
Polaris mo."

End of Video.
................................

Nagpaiwan ako sa tabi ni Ate, ayokong iwan siyang mag-isa dito sa Pangasinan.

Chapter 29 - Chance of Love

EDSA - Taft Avenue Station, MRT.

"Oo na kuya! Kumpleto na lahat ng papeles ko! Syempre naman... Ngayon ko pa ba ipapalpak 'to? Oo na
nga, after ko sa POEA dideretso na ako ng Trinoma... Magkikita kami ni Apple," pakikipag-usap ni Marj kay
Kuya Lino sa Cellphone, "O, heto na yung tren. Ako nang bahala! Malaki na ako! Bye..." napahingang
malalim siya.

Graduate na siya ng Dentistry, at nagbabalak ng mag-ibang-bansa. Tatlong taon pagkatapos mawala ni


Japhet, sinusunod niya ang gusto nito. 'Polaris, never lose direction.'

Tumigil na ang tren at bumukas na ang pinto, naglabasan ang maraming tao at mula doon natanaw niya si
Japhet, masaya, masigla. May binuhat itong batang babae, na nasa 2 taong gulang. Parehas silang
nakangiti. Pinasan niya ito sa kanyang balikat, nakaupo ang bata sa balikat ng lalaki.

Hindi malaman ni Marjorie kung anong emosyon ang nadarama niya, "Japhet!" tawag niya rito.
Napakaraming tao, siksikan sa may hagdan siguro nasa panglimang hakbang na sila, humahabol si Marj,
"Jaf!! Jaf!!"

Nakaakyat na ang lalaki, nakasunod naman siya, "Apeng!!!"


Napalingon ang lalaki, "Marj!" lumapit ito sa kanya at yumakap, "kamusta ka na? I never heard of you ever
since you dumped me over... I'm sorry... I forgot his name..."

"Japhet..." sagot ni Marj kay Andrew, "anak mo?" tukoy niya sa bata.

"No!" tawa niya, "panganay 'to ni Ate." sagot naman niya, "Uhm... We got to go na ha, may hinahabol kasi
kami..." paalam nito bago tuluyang umalis.

Through the years, hindi siya naging malungkot simula ng mawala si Japhet, pero hindi rin naman siya
naging masaya pa.
................................

POEA,

Hinanapan siya ng ID ng guard bago pinapasok, "Alas diyes na! 9 ang appointment ko..." sabi ni Marj sa
sarili habang nagmamadaling naglalakad sa loob ng opisina ng POEA, ng tamaan siya ng pahabang maleta
ng isang lalaki. Nabitiwan ni Marj ang envelop niya at ang kanyang ID, "ARAY!"

"Miss... I'm sorry..." pasensya ng lalaki, kumalat din ang laman ng maleta ng lalaki, mga balak na tubo.

"Hay! Ansakit! Kapag minalas ka talaga oh!" sigaw niya habang dinadampot lahat ng gamit niya. Agad
siyang tumayo pagkatapos at tumakbo.

"Ay Ms. Marjorie Pineda, mali po kayo ng pinasukang Entrance, sa kabilang wing po yung appointment
niyo..." sabi ng Staff ng POEA kay Marj.

"Maling direksyon na naman..."


................................

"Alfonso!" sigaw ni Marj sa CP habang nasa MRT, kausap si Apple, "papunta na ako!" sabay baba kaagad.

Hinanap niya ang papel na ibinigay sa kanya ng POEA, endorsement niya patungong New Zealand, doon
niya balak magtrabaho. Pero iba ang nahanap niya. May card siyang nakasilid sa envelop niya, Company
ID, "siya yung bumangga sa akin kanina... Ta-tanga-tanga talaga... Pero may itsura... Siguro mga 24 years
old lang 'to," binasa niya ang pangalan nito, "Justin De Castro, Administrative Director..." Agad niyang
dinial ang numero ng lalaki na naka-indicate sa ID at tinawagan ito.

"Oh... Sorry pala kanina ha..." sagot ng lalaki pagkatapos magpakilala ni Marj.

"I have your ID, I'm at Trinoma by 6pm..." sabi naman ni Marj.

"Good... Meet me at SM North EDSA Skydome..." utos naman ng lalaki. Hindi na nakapalag si Marj.

"Hello... Apple? Let's meet some other time..." pagcancel naman niya sa lakad nila ni Alfonso.
................................

"Buti nakita mo ako..." bungad ni Justin kay Marj.

"Well, ikaw lang naman ang may ganyang bagay dito... It's very impossible na hindi kita mapansin," turo ni
Marj sa teleskopyo ng lalaki.

"Wanna try?"

"Sure." agad siyang sumilip at nakita ang bituin kung saan naka-focus ang lente ng telescope, "ang
liwanag..."

"Yes, at kung mapapansin mo, may kalapit pa yang dalawa pang stars. Group of stars."

"Ah..."

"Tulo na laway mo..." pang-aasar ni Justin.

Napatigil si Marj, at tinignan ang lalaki.

Ngumiti ito kay Marj at itinuro ang kamay sa bituin sa langit, ang bituin na kanyang pinakita, "Yan ang
Polaris..."

Natulala si Marj.
"Maiba ako... Nasa POEA ka kanina... Mag-a-abroad ka?" tanong ni Justin kay Marj.

Tumingala siya sa langit, tinanaw ang Polaris at sumagot, "Hindi na."

* THE END *

You might also like