You are on page 1of 1

Ang Noli Me Tangere ay isang pariralang Latin na nangangahulugang “Huwag Mo Akong

Salangin” sa wikang Tagalog. Ang pamagat ng nobela ay matatagpuan sa Ebanghelyo ni San


Juan sa aklat ng Bibliya (Kabanata 20, berso 17). Ang Panginoong Hesus ay nagwika kay Maria
Magdalena matapos ang Kaniyang pagkabuhay, “Huwag mo Akong salangin hindi pa Ako
nakaaakyat sa Aking Ama, ngunit pumaroon ka sa Aking mga kapatid, at sabihin sa kanila na Ako
ay aakyat sa Aking Ama na inyong Ama: at sa Aking Diyos na inyong Diyos”.

Ang nobela ay naisulat ng ating bayani sa kaniyang paghahangad na makahanap ng


pinakamahusay na lunas para sa mga kasakitan ng mga Pilipino. Ninais niyang gawin sa mga
Pilipino ang ginawa noong nakalipas na panahon sa mga may karamdaman na inilagay sa mga
baitang ng templo upang ang mga sumasamba, matapos pakiusapan ang Diyos, ay isa-isang
magmungkahi ng lunas.

Sa ganitong layunin, sinabi niyang kaniyang sisikapin na maipakita ng buong katapangan ang
kalagayan ng mga Pilipino at hawiin ang saplot na tumatabing sa karamdaman , pagpakasakit sa
katotohanan at maging pagmamahal sa sarili sapagkat ang kasiraan at kahinaan ng mga Pilipino
ay kaniya din.

Naisulat niya ang Noli Me Tangere sa pagsubok niyang gawin ang bagay na walang ibig
gumawa: kinailangan niyang tugunin ang mga paninirang ilang dantaon nang ipinapataw sa mga
Pilipino at sa Pilipinas: inilarawan niya ang lagay ng ating lipunan, ating kabuhayan, ating
paniniwala, ating mga pag-asa, ating mga pagnanasa, ating mga dalamhati at ating mga
hinagpis.

You might also like