You are on page 1of 9

BALAGTASAN

Pat V. Villafuerte Puno, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Normal ng Pilipinas Maynila Ang Kahulugan ng Balagtasan Itinuturing na sining ang balagtasan dahil hindi lamang sining ng pagbigkas ang nabibigyang-pansin ng mga manonood sa mga nagtatalo kundi maging ang kanilang masining na kumpas ng mga kamay at ekspresyon ng mukha. Maging ang paraang kanilang ginagawa habang nagpapalitan ng matuwid ay kakikitaan ng sining. Isang pagtatalo na ginagamitan ng pamamaraang patula. Ito ang maikling pagpapakahulugan sa balagtasan. Dahil pagtatalo, ang balagtasan ay nangangailangan ng paksang pagtatalunan.

Ang Pinagmulan ng Salitang Balagtasan Nagsimula ang salitang balagtasan sa orihinal na apelyido ni Francisco Baltazar, ang Balagtas dahil nabuo ito sa panahong ipagdiriwang ang anibersaryo ng kanyang kapanganakan. Kung may Bukanegan ang mga Ilocano na hango sa apelyido ni Pedro Bukaneg, ang kilalang makata ng Iloko/Ilocano; at may Crissotan, ang mga Capampangan na hango sa apelyido ni Juan Crisostomo Soto, ang makata ng Capampangan, higit na nauna ang salitang Balagtasan sa dalawang salitang nabanggit.

Ang Maikling Kasaysayan ng Balagtasan Isang maikli ngunit makabuluhan at makasaysayan ang pinagmulan ng balagtasan. Nabuo ang balagtasan dahil sa isang pagpupulong ng ilang piling manunulat noong Marso 28, 1924 sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres. Pinaguusapan nila noon ang gagawin nilang programa bilang pagpupugay sa anibersaryo ng kaarawan ni Balagtas sa Abril 2. Noong Abril 6, 1924 apat na araw pagkatapos ipagdiwang ang Araw ni Balagtas ay ginanap ang kauna-unahang balagtasan. Isang pagtatalong may iskrip na inihanda ang bawat sasabihin ng tagapamagitan at ng dalawang magtatalo. Ito ay nasa paraang patula. Pagkatapos mabuo ng iskrip ay ipinabigkas ito sa ilang piling mambibigkas ng tula. Lubusang hinangaan ng mga tagapakinig sina Jose Corazon de Jesus na lalong kilala sa tawag na Huseng Batute at Florentino Collantes na mas kilala sa bansag na Kuntil-Butil.

Dahil isa lamang sa kanila ang dapat hiranging Hari ng Balagtasan, napagpasyahan ng komite na nagtatag ng balagtasan na magdaos ng isa pang pagtatalong patula nang walang iskrip. Ginanap ito noong Oktubre 18, 1925 sa Maynila. Dahil sa kahusayang humabi ng mga salita, bumigkas nang may hagod at aliw-iw, at pagpili ng mga salitang may sukat at tugma ay napagpasyahang si Jose Corazon de Jesus ang itinanghal na kauna-unahang Hari ng Balagtasan.

Ang Layunin ng Balagtasan Ang pangunahing layunin ng balagtasan ay makapagbahagi ng kaisipan at makapagbigay-aliw sa mga tagapakinig / manonood. Malimit na gumagamit ng ilang katawa-tawang salita o pahayag ang mga mambibigkas ng balagtasan. Magkagayunman ay hindi nawawala ang kasiningan at kahusayan nila sa pagbigkas kasabay ng talas ng kanilang diwa at maagap na pagtugon sa paraang patula.

Ang Paksa ng Balagtasan Ang mga paksang nauukol sa buhay gaya ng pamilya, pag-ibig, lipunan at politika ang madalas maging paksa ng balagtasan. Ang dalawang bagay na malimit na pagtalunan sa balagtasan ay ang (1) tahanan o paaralan, (2) ina o ama, (3) dunong o yaman, (4) pangaral o parusa, (5) bitay o habambuhay na pagkabilanggo, (6) guro o sundalo, atb.

Ang Bumubuo ng Balagtasan Ang balagtasan ay binubuo ng isang Lakandiwa at dalawang mambibigkas na pagtatalunan ang isang paksa.

Ang Pamamaraan ng Pagtatanghal ng Balagtasan Bukod sa Lakandiwa at dalawang mambibigkas ang paksang pagtatalunan ay napakahalaga sa pagtatanghal ng balagtasan. Dahil dito, napapanahon at mahalagang paksa lamang ang dapat taglayin ng balagtasan.

Ang Lakandiwa ang nagsisilbing tagapamagitan sa dalawang magtatalo. Siya rin (1) ang unang magasasalita at babati sa mga tagapakinig at tagapanood, (2) ang pormal na magbubukas ng balagtasan, (3) ang magpapakilala sa dalawang magtatalo, (4) ang magbibigay ng desisyon kung sino sa dalawang nagtatalo ang nagwagi, at (5) ang magpipinid ng balagtasan.

Samantalang ang dalawang nagtatalo ay kailangang magharap ng mga ebidensya at magpaliwanag nang buong husay upang makumbinsi nila ang Lakandiwa na sa kanila pumanig.

Halimbawa ng Balagtasan

Paksa:

Patuloy bang Lumalala ang Sitwasyong Pangkapayapaan sa Bansa? ni Pat V. Villafuerte

LAKANDIWA: Mapayapang umaga po, nasa harap, nasa sulok, Mga guro, estudyante, kaibigang manonood; Kayoy aking tinatanggap sa bulwagay makisangkot Pagkat itong balagtasan ang sa inyoy ihahandog. Tawag sa kiy Lakandiwa, puno nitong balagtasan, Tagahawan ng balakid pag may tensyong nabubuhay; Sa palitan ng matuwid akoy handang umagapay, Tagapuntos sa magaling, tagahayag ng tagumpay. Balagtasan ay tagisan ng matuwid sa pagtula, Pagtatalot paglalahad sa napiling isang paksa; May dalawang mambibigkas ihahandog sa tiy tuwa, Pagtatanggol itong panig na mayaman sa salita. Ang napiling paksa ngayoy dinaraing ng lipunan, Sinisisi sa gobyerno batik sa ting mamamayan; Patuloy bang lumalala isyung pangkapayapaan, Maiuugnay sa sitwasyong nagaganap sa Mindanao. Kayat ngayon wag magtaka kung mayroong nagpumilit Na lumahok sa tagisan ng talino at matuwid; Mambibigkas ng Cavite ngayon sa tiy lumalapit, Ang dalaway salubungin, palakpak na gumuguhit. Bilang bagong mambibigkas kayo munay pakilala Upang lalong mapalapit damdamin ng isat isa; At anuman ang napiling panig ninyong ibabadya, Nilalaman at pagbigkas siyang gabay sa pagmarka. MAMBIBIGKAS 1: Sa inyo po, Lakandiwa, estudyantet mga guro, Tanggapin po ang pagbati, mapayapang umaga po; Ako poy si ___(Pangalan ng lalaki)___ sa pagtulay narahuyo Kayat itong aking panig nagmula sa aking puso.

Akoy isang mambibigkas, Cavite ang pinagmulan Sakop itong lalawigan ng Timog Katagalugan; Itoy bayan ng magiting, ng dakila at matapang, Kasaysayan ang nagsabing lugar ito ng digmaan. Kaya naman lingkod ninyo matapang ding tulad nila Kaya akoy naririto sa harap nyoy bumandera; Ibang laban lamang ito hindi ito gulot gyera Kundi laban ng katwiran, balagtasan ang pithaya. LAKANDIWA: Itong unang mambibigkas matapos magpakilala Nakita kong sinulyapan ang humahamon sa kanya; Kung siya man ay matapang anong masasabi pala Nitong kanyang katunggali, pumarinet magpugay ka. Kayat bilang Lakandiwa, akin nang tinatawagan, Katunggali ng binata na kanina ay nagpugay; Anong iyong masasabi sa binigkas na katwiran, Siyay ating salubungin matunog na palakpakan. MAMBIBIGKAS 2: Maginoong Lakandiwa akong itoy bumabati Mapayapang umaga po, sa puso ko ay nagbinhi; Sa lahat ng naririto, ang umaga ay itangi Pagkat sikat ng umaga ay may himig ng kudyapi. Ngalan ko poy ___(Pangalan ng Babae)___, Cavite ang lalawigan, Angkan namiy magigiting na bayani ng digmaan; Ngalan nilay nakaukit sa pambansang kasaysayan, Silay naging bahagi rin noong nagdaang digmaan. Kaya ako naparito at sa inyoy humaharap, Ang nais koy mapakinggan itong ibig isiwalat; Itong panig na napiliy waring sang pagsisiwalat Ng tunay na kalagayan nitong bayang Pilipinas.

LAKANDIWA: Ang dalawang mambibigkas matapos na mapakinggan Pagpapakilala nilay waring nais nang husgahan; Angkan nila ay bayaning magigiting, matatapang, Sila kayay tumapang din sa oras ng balagtasan? Kayat itong balagtasan ay binubuksan na, Unang tindig ay bibigyan ng nalaking importansya; Inyong panig ay sikaping makapuntos sa tuwina, Nilalaman at pagbigkas mabibigyan ng pag-asa.

(Unang Tindig) MAMBIBIGKAS 1: Akoy mula sa pamilyang di-mahirap, di-mayaman, Kumakain ng almusal, tanghalian at hapunan; Magsasaka ang ama kot ang ina koy maggugulay. At ang lahat ng kapatid sa dagat ang hanap-buhay. Sa publikong paaralan doon ako nakatapos, Doon ko rin natutuhan ang magmahal, lubus-lubos; Ang payapang pamumuhay itinurong walang talos, Ang magmahal saking kapwa utos ng tao at ng Diyos. Kayat akoy nalulungkot, patuloy na naninimdim Dahil nga sa karahasang nababalot na ng dilim; Gulo rito, gulo roon, gulong nakaririmarim, Ito na ba yaong yamang maipamamana sa min? Kaya itong mungkahi ko, karahasan ay itigil, Kaguluhay ikondenat masasama ay lipulin; Death penalty ay ibalik kamatayay wag pigilin Batas ng Diyos at ng tao marapat lang pagsanibin. LAKANDIWA: Panig nitong maginoong mambibigkas ay kaiba, Damang-dama itong galit at poot na nagbabadya; Lipulin daw ang masamat death penaltyy ibalik pa, Mambibigkas kaya natin ay isa ring nabiktima? Panig nitong katunggali ano naman ang gagawin? Sang-ayon ba sa sinabi ng binatang talusaling? Kaya ngayon binibini ang panig moy hinihiling Mapakinggan naming lahat nang masuring buong giting. MAMBIBIGKAS 2: Akoy laki sa pamilyang mapayapang nabubuhay Kapiling ng kapatid kot mababait na magulang; Kaya na bat sa ming bayan kamiy lagi sa usapan Ang pamilyang matahimik kung kami nga ay turingan. Pagkat kamiy natatakot masabihang nanggugulo Hindi kami ang pamilyang patung-patong ang asunto; Sama-sama, tulung-tulong bawat isay naging myembro Kaya buong taga-Pilar kami yaong inidolo. Ang ama ko ay militar na madalas madistino Sa Visayas at Mindanao laging doon ang trabaho; Mula noon hanggang ngayon lagi niyang kinukwento, Ang Mindanao ay tahimik, walang away, walang gulo. Di ako naniniwalang patuloy na lumalala Kaguluhan sa Mindanao yaoy isang haka-haka;

Kapag itong aking amay umuuwing biglang-bigla, Walang sugat at masaya, patunay na walang digma. LAKANDIWA: Ang dalagang panauhin iba pala yaong panig, Ang sitwasyon sa Mindanao hindi pala maligalig; Kaya ngayon ay pakinggan itong ikalawang tindig, Pagtimbangin at pumili ng sa inyoy wastong panig.

Kaya muling tinatawag ang ginoong mambibigkas At simulan ang pagbuo ng harayang pangungusap; Patunayan ang sinabing ang sitwasyong namamalas, Lumalala, tulad ngayon at susunod pang mga bukas. (Ikalawang Tindig) MAMBIBIGKAS 1: Araw-araw, mababasa sa lahat ng pahayagan, Kaguluhang nagaganap sa ilang bayan sa Mindanao; Mga bata at matanday pawang nahihintakutan, Sinusunog mga bahay, gusali at paaralan. Walang tigil sa labanan terorista at militar, Gayong mayrong kasunduan ang pagtigil na putukan; Bawat araw mapanganib, bawat oras kamatayan, Iyan na ba ang sabi mong tahimik na sa Mindanao? Huling araw ng Ramadan sumugod din ang militar, Ang tradisyon nitong Muslim hindi man lang iginalang; Ilang buhay ang nakitil kabilang na ang sibilyan, Di bat itong ating bayay wala nang katahimikan? Kaya bakit sasabihing payapa na sa Mindanao Gayong mga tagaritoy iniiwan ang tahanan? Lumilikas dahil takot na makitil yaring buhay, Ganyan ba ang tahimik sa bayan mong minamahal? Kung mahusay kang katalo, sagutin mong mga tanong Para naman malinawan nakikinig sa tin ngayon; Panindigan ang sinabi akoy handa ring tumugon, Bastat patas ang labanan, bastat walang urung-sulong. MAMBIBIGKAS 2: Alam mo ba katalo ko hindi lahat ng balita Ay dapat paniwalaan pagkat ilay haka-haka; Ginagawang sensesyonal di kapani-paniwala Kaya nga sa peryodistay mawawala ang tiwala. Nangamatay sa enkwentro ibang dyaryoy ibang bilang, Lagi na lang sinasabing natatalo ay militar;

Bakit itong aking ama umuuwiy di sugatan At siya pang nagsasabing walang gulo sa Mindanao. Hinding-hindi lumalala ang sitwasyong kapayapaan, Pagkat gulo sa Mindanao ay talagang wala naman; Kaya ikaw katalo koy walang dapat katakutan, Ang matapang na lalakiy di natatakot kaninuman. Ang ama ko ay militar itanim mo sa yong isip? Pangamba mot alinlangan walang puwang sa yong dibdib; Kung magulo sa Mindanao bakit doon nagbabalik Bakit hindi sa malayong lugar na di maligalig? Itong mga tinuran ko iyan bagay di pa sapat> Sinungaling ba ang mukhang ngayon sa yoy nakaharap? Anang isang kasabihang sa akin ay nagpamulat, Ang pagsasama nang tapat ay pagsasamang maluwat. LAKANDIWA: Papainit, papainit pagtatalo ng dalawa Hanggang saan magwawakas ang diwa ng pagsasama? Huling tindig ay pakinggan at pagtuunan ng sigla, Dapat maging mapanuri habang silay nagbabadya. Kayat bilang Lakandiway aking tinatawagan na, Ang dalawang mambibigkas na mahusay magdepensa; Kung may bagong sasabihin dapat ngayoy sabihin na Huling tindig ay pakinggan, tayong lahat magpapasya. (Huling Tindig) MAMBIBIGKAS 1: Lumalala ang sitwasyon ng kapayapaan natin, Mas magulo kaysa rati, maligalig at madilim; Kaya itong aking panig patuloy kong ididiin, Itong mga terorista lusubin nat wag buhayin. MAMBIBIGKAS 2: Ang lupit mo naman! Wala kang puso! MAMBIBIGKAS 1: Di ko alam katalo ko kung ikaw ba ay kapanalig Nitong mga teroristang magugulot malulupit; Tila yata kumakampi sa kalahing mababangis Baka ikaw ay magsisi pag ginawan ka ng lintik. MAMBIBIGKAS 2: At nanakot pa. Huwag mo akong pagbintangan!

MAMBIBIGKAS 1: Hindi ako namimintang lalong hindi nananakot Ngunit anong magagawa kung isip mo ay baluktot? Isilat mo ang mata mot ang pandinig ay ilibot At iyo ring masasabing sa bayan mo ay may gusot. MAMBIBIGKAS 2: Hindi mo ba nababatid kaguluhan ay wala na Katunayan ang usapan ay paganda na nang paganda; Kaunlarang pangkalakal, edukasyong bumandera, Walang gulo, walang takot, walang lupit, walang gyera. MAMBIBIGKAS 1: Sigurado ka? MAMBIBIGKAS 2: Kung magulo sa ting bansa, bakit sikat ang turismo? Bakit maging ang imbestor namumuhunan pa rin dito? Kayat isip ay baguhin sanay magpakatotoo, Ang payapang Pilipinas kitang-kita, walang talo. MAMBIBIGKAS 1: Nagbubulag-bulagan ka! MAMBIBIGKAS 2: Isang araw may balitang lumaganap sa ting syudad, Itong bayang Pilipinas patuloy na sa pag-unlad; Kaya gulong sinasabi wala na ngang nagaganap, Mangarap ka at magising iyan lamang ang marapat. MAMBIBIGKAS 1: Gising ako at hindi nangangarap! MAMBIBIGKAS 2: Kung talagang gising ka bakit di ka naniniwalang tahimik na sa Mindanao? MAMBIBIGKAS 1: Dahil walang katotohanan yan! May digmaan sa Mindanao! MAMBIBIGKAS 2: Wala!

MAMBIBIGKAS 1: Akala mo lang wala. Pero meron! Meron! Meron! LAKANDIWA: Magsitigil, huminahon at tapusin ang bangayan, Nais kong gunitaing itoy isang balagtasan; Nilalan at pagbigkas siyang tanging pamantayan, Hindi galit at pasaring kayo sanay magbigayan. Dahil akong Lakandiway nariritot gumagabay, Ako sana ay pakinggan, ang hatol ko ay igalang; Ang sitwasyong kapayapaan lumalala siyang tunay, Katunayan, itong krimen lumolobong walang hunmpay. Kaya ngayon, ang hatol ko ang nagwagiy ang ginoo, Pagkat lahat ng sinabi ay may puntos at totoo; Araw-araw sa balita laging headline terorismo, Kaya dapat maniwala sa panig na narinig nyo. Kaya naman palakpakan maginoong mambibigkas Ang tagumpay ay sa kanya kayat kanya rin ang gawad; Hiling ko lang sana ngayon papurihin sya nang ganap, Lahat tayo sabay-sabay salubungin ng palakpak.

-END-

You might also like