You are on page 1of 2

SURIGAO

Ang aming napiling tanawin o lugar na ipagtatanghal ay ang Surigao. Napili namin ito dahil sa kanilang mga kaugalian, mayamang kultura, magaganda nitong kapaligaran, Likas nitong yaman at ang kanilang mga Sining. Ang tawag sa mga tao sa Surigao ay Surigaonon o Surigueo. Ang mga Surigaonon ay mga magagalang, magiginoo at mga mararangal. Mayroong din silang nakuha na mga katangian at kaugalian ng mga ibat ibang mga tao tulad ng sa Ilocano, ang kanilang pagtitipid. Isa sa mga pangkat Etniko ng Surigao ay ang mga Mamanwas, sila ay mga Negrito na ipinapangkat sa Lumad. Nandito rin ang Bonok-Bonok Festival na ipinagdiriwang upang maipakita ang kanilang tanda ng pasasalamat sa kanilang mga Diyos para sa mapagbigay at magandang ani. Ang Surigao ay makukunan ng maraming pagkaing-dagat. Itong probinsya ng Surigao ay may maraming mga kweba, mga talon, mga bukal at mga bakawan sa mga pulo o isla nito. Ang mga islang ito ay mabundok at mayaman sa mga mineral.

Kaya ano pang hinahanap niyo! SA LAHAT NG NATURE LOVERS TARA NA, SURIGAO TA! Sit, Back and Relax! Sana maaliw kayo sa aming presentasyon!

You might also like