You are on page 1of 1

ANG UNGGOY AT ANG KAMELYO

Isang araw nang lahat ng hayop ay nasa kagubatan, ang unggoy


ay pumasok sa loob ng bilog na guhit at nagsimulang magsayaw
upang ipakita ang pagiintindi sa mga kaibigang hayop.Ang Unggoy
ay mayroong nakakatuwang mga paa na kanyang ipinaglulundagan
at mga kamay na ipinagkakawayan. Ang lahat ng hayop ay
nagtawanan sa ginagawa ni Unggoy, pati ang Leon na kanilang
pinkahari at napatawa rin ni Unggoy at nakalimutan na rin ni Leon na
siya ay hari, dahil sa kasiyahan.
Ngunit ang Kamelyo lamang ang hindi nasisiyahan sa ginagawa ni
Unggoy.
“Nagtataka ako kung bakit kayo’y tuwang-tuwa sa ginagawa ni
Unggoy, samantalang wala namang nakakatawa” ang pahayag ni
Kamelyo.”
“Bakit hindi mo ipakita sa amin ang iyong magagawa katulad ng
ginagawa ni Unggoy,” ang sabi ng lahat ng mga hayop. “Sige
umpisahan mo ang magsayaw.”
Ang Kamelyo ay napilitang magsayaw dahil sa kanyang mga
sinabi mag hayop. At siya naman ang pumasok sa bilog na guhit at
nagsimulang magsayaw “atras,abante ang kanyang ginawang
pagsayaw, ang mga hayop ay nagsigawan ng boo! At pinagtulungan
siya ng mga hayop, pinagkakalmot siya at wala siyang nagawa kundi
tumakbo papunta sa disyerto.

GINTONG ARAL

Huwag maging mayabang, upang mapansin


ka ng iba.Lalo na kapag ikaw ay wala sa iyong
teritoryo, sapagkat ikaw ay maaaring mapahamak o
masaktan.

You might also like