You are on page 1of 1

Mangigisda

Sa pagsikat ng araw sa dakong silangan


May gintong pag-asa tayong matatanaw
Kung ang lupa’y mayroong biyayang tinataglay
Sa dagat may gintong tanging kayamanan.
Sa tulong ng lambat at sipag ng bisig
Sa puso ng dagat kami nakahilig
Ang alo’t amihan na laging kasama
Ang unos sa laot hindi alintana.

Kaming mandaragat may mithiing magiting


Upang mapaunlad itong bayan natin
Sa buong sambayanan iaalay namin;
Tibay ng katawan, lakas, isip namin.
Sa bayan kong mahal , baying ginigiliw
Magandang simulain tinataglay naming…
Sa bagong panahon iaalay namin
Ang puso at lakas dugo’t buhay namin.

You might also like