You are on page 1of 1

Mga Huni ng Ibon

Ang huni raw ng kilyawan

Sa itaas ng kawayan

“Pag ang bayan ay masukal,

Marumi ang mamamayan.”

Ang huni ng ibong pipit,

Sa itaas ng aratiles,

“Pag ang bayan ay malinis,

Di lalaganap ang sakit.”

Ang huni ng marya-kapra

Sa itaas ng makopa,

“Pag ang bayan ay maganda

Mga tao’y liligaya.”

Ang huni ng mga ibon

Ay aral sa baya’t nayon,

Kalinisan ay ibangon,

Karumihan ay ibaon!

You might also like