“Medyo oo,” sagot ko. “Hindi ka ba naaawa ‘pag pinapatay sila?” “Oo, kung minsan,” sagot niya. “Ako ang nagpapakain sa kanila,” sabi niya, “Nagpapaligo, ako ang naghihirap Para lumaki silang maganda at mataba, At ‘pag nagkakasakit sila Nag-aalala ako. Tumatawag agad ng doktor. At pagkatapos, ‘pag oras na nila, Maingat ko silang dinadala Sa sasakyan, mabigat ang loob ko, Napamahal na sila sa akin. Pero, iyan ang trabaho ko; Gusto kong makapag-aral, Kailangan pakainin ang aking pamilya. Kailangan ko ng pera. Pagmamasdan ko ang mga baboy, Tatapikin ko sila at magpapaalam, Saglit nila akong tititigan Ikakawag ang buntot at sisinghot, Wala sa kanilang mukha ang lungkot ng mata ko. Mapapabuntong hininga ako, Ganyan lang ang buhay, Hindi ko naman silang nakikitang kinkatay.”